Professional Documents
Culture Documents
Mga Yugto Sa Prosesong Pagdulog Sa Pagsulat - Cortez, John Rafael L.
Mga Yugto Sa Prosesong Pagdulog Sa Pagsulat - Cortez, John Rafael L.
Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Bago Sumulat
C. Mabilis na Pagsulat
Tulad ng brainstorming, maaari itong isagawa nang pangkatan o ng buong klase. Ang gawain ay
pasisimulan ng guro sa pagsulat sa pangunahing ideya sa gitna ng pisara at susundan ng
pagsulat ng mga kaugnay na ideya/salita sa paligid ng ulong salita o pangunahing ideya.
Ang ibat’ibang teknik tulad ng brainstorming ay makatutulong ng malaki upang makapagtipon ang
mga mag-aaral ng maraming ideya para sa kanilang sulatin. Susunod ay ang pagbuo at pagpili
ng ideya kaugnay sa paksang susulatin. Maaari itong ipagawa nang isahan upang
makapagpasya kung alin ang dapat ilagay sa unahan, sa gitna at sa katapusan. Sa dakong ito,
ipaplano na ang pagsulat ng komposisyon.
2. Pagsulat
Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito isinasagawa ang aktawal na pagsulat kung saan
napapaloob dito ang pagsulat ng burador.
Isinasaayos ang simula, katawan at pagwawakas ng komposisyon.
Sa akdang patula ito ay kinapapalooban ng pagsasaayos ng taludturan at saknong.
B. Pidbak/Pakikipanayam
Sa yugtong ito ay nabibigyan ng ibayong patnubay ang mga mag-aaral kung paano nila
mapapabuti ang kanilang mga kasanayan sa pagsulat. Sa pamamagitan ng mga tanong at
puna ng guro o ng isang kaklase, matutuklasan ng isang mag-aaral ang kahinaan at
kabutihan ng kanyang komposisyon at daan ito upang mapalinaw at mapadalisay ang
kanyang sulatin. Ang pakikipanayam ay maaaring isahan o pangkatan. Gawin itong maikli at
bigyang-pokus ang nilalaman at pakahulugan dito. Tungkulin ng guro na bumuo ng mga
tanong na gaganyak at pansuporta sa mga pagsisikap na ginagawa ng mga mag-aaral sa
pagsulat.
D. Editing/Pagwawasto
“Siguradong makikita ko ang lugar na iyon; Nailarawan mo ito hanggang kaliit-liitang detalye.”
Kapani-paniwala:
“Alam kong nahihirapan ka sa pagsulat nito pero pakinggan mo ang daloy ng iyong mga
pangungusap.”
Tibay ng Loob:
“Nakaranas na rin ako ng kabiguan at minsan mahirap itong sabihin sa iba. Subalit nagawa
mo na ito kung kaya’t maganda ang naging marka ng iyong papel.”
Paggamit ng salita:
“Pansinin mo ang pares ng salitang iyong ginamit patak sa bitak. May bahagi bang matulain
sa iyong sinulat?”
Dayalog:
“Nang papagsalitain mo ang iyong tauhan, para silang mga totoong tao.”
Imahinasyon:
Hindi sinasabi ng magagaling na manunulat ang kanilang naiisip o nadarama. Ipinakikita nila
ito.
Sanggunian:
https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/filipino-major-mga-dulog-sa-pagsulat