Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1. Ano ang contemporary art?

Ang contemporary art ay inilikha ng mga Filipinong manlilikha na nagmula sa iba’t ibang rehiyon
ng Pilipinas sa kasalukuyan ng ika-21 dantaon. Ang mga likha ay nagpapakita ng malawak na dibersidad
ng kultura sa Pilipinas, pangunguna ng teknolohiya at malawak na paggamit ng iba’t ibang medium sa
paglikha. Maliban sa aspetong aesthetic nito ay hinahayaan ng sining na ito na maipahayag ng manlilikha
ang kanilang sarili at komentaryo sa kultura at isyung panlipunan.
2. Paano nagkakaiba ang contemporary sa modern art?

Nagkakaiba ang contemporary sa modern art sa aspeto ng panahon. Ang contemporary art ay
mga sining na nagsimula noong 1970’s hanggang sa kasalukuyan na nagpapakita ng impresiyon, epekto
at danas ng tumitingin sa isang manlilikha. Samantalang ang modern art naman ay nagmula sa mga
impressionists at nagsimula noong 1880’s hanggang 1970’s na nagpapakita ng pagsalungat sa
tradisiyonal na kagawian ng paglikha. Maliban rito ay nagkaroon rin ng pagbabago sa pagtuon ng
atensiyon, mula sa aesthetic ay natuon ang mga sining sa pinagbabatayan na konsepto ng paglikha.
3. Ipaliwanag ang tatlong katangian ng contemporary art at magbigay ng tig-dalawa na halimbawa kaiba
sa nauna nang naibigay.

a. Dominant/Mainstream

Ang dominant o mainstream ay sining na may dayuhang impluwensiya. Ang katangian ng sining
na ito ay hinimok ng industriya at teknolohiya. Ito rin ay nililikha na nakatuon para sa pagkonsumo ng
merkado. Ang ilan sa halimbawa nito ay ang ating mga pop music na kung susuriin ay hinango o may
impluwensiya ng mga musika ng mga taga-Kanluran. Isa pang halimbawa ay ang mga palabas o teleserye
sa telebisyon na may impluwensiya ng Korean Drama, tulad na lamang ng “The Lost Recipe” ng GMA.
b. Alternative

Ang alternative ay sining na nakatuon sa panlipunang isyu ng bansa. Ang katangian ng sining na
ito ay naglalahad ng isang adbokasiya na nais maipahayag sa publiko. Ang ilan sa halimbawa nito ay ang
protest art na madalas natutunghayan ng publiko sa nagaganap na taunang State of the Nation Address
(SONA) ng Pangulo. At ng mga independent film tulad ng Ma’ Rosa at Pamilya Ordinaryo, na naglalayong
buksan ang paningin ng publiko sa tunay na kalagayan ng bansa.

c. Traditional/Indigenous

Ang indigenous o traditional na katangian ng sining ay naglalayong mapanatili o mapreserba ang


mga lokal na tradisyon na mayroon ang isang bansa. Ang halimbawa nito ay si Apuh Ambalang Ausalin
na siyang nagawaran ng pagkilala na Gamaba award, dahil sa kaniyang galing sa pagahahabi. Ang
kaniyang talento na kaniya ring binabahagi ay ang nagpapanatiling buhay sa kultura ng katutubong
komunidad ng mga Yakan. Isa pang halimbawa ay si Teofilo Garcia na nagawaran rin ng Gamaba award
dahil sa pagpapanatiling buhay ng gawaing sining na paglikha ng tabungaw, isang uri ng sombrero.

You might also like