Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1. Ano-anong konteksto ang nakaaapekto sa produksiyon?

Ang mga konteksto na nakaapekto sa produksiyon ay ang aesthetic principle na contextualist


view at ang lipunang primitibo komunal sa ilalim ng historikal na konteksto ng sining. Contextualist view
dahil ang mga disenyo at tema ng paghahabi na naipakita sa pelikula ay sinasalamin ang riyalidad na
mayroon ang komunidad ni K’na, ang disenyo na ipinapakita lamang ni Fu Dalu sa isang dreamweaver sa
pamamagitan ng isang panaginip. Lipunang primitibo komunal naman dahil sa tribo na kinabibilangan ni
K’na, ang paghahabi ng t’nalak ay tinuturing na isang pangangailangan at pagkakakilanlan.

2.  Ano ang mga isyu pagdating sa porma ng nalilikha?

Ang mga naging isyu sa porma ng paglikha na kinaharap ni K’na ay: una, hindi pagkakaroon ng
panaginip mula kay Fu Dalu, bagaman si K’na ay nasa wastong gulang na, hindi pa rin siya nagkakaroon
ng panaginip at dahil dito ay nahihirapan siyang makapaghabi; pangalawa ay ang bigat ng
responsibilidad na ipinasa sa kaniya ng kaniyang lola na si Be Lamfey, dahil dito ay nawawalan siya ng
kumpiyansa sa sarili at nahihirapang makita at maunawaan ang disenyo na tinutukay ng kaniyang lola.

3. Paano mapagyayaman ang nasabing produksiyon sa paglikha?

Bilang mag-aaral, maraming paraan upang aking mapagyaman ang produksiyon ng paghahabi.
Isa na rito ay ang pagguhit at pagpinta ng disenyo ng t’nalak, maaari rin akong lumikha ng mga poster o
infographics na tumatalakay sa paghahabi. Ang mga nalikha kong ito ay aking ibabahagi sa pamamagitan
ng social media upang maiparating sa publiko at maipakalat ang ganda ng produksiyon ng paghahabi. Isa
pang paraan ay ang pagtangkilik sa mga produktong may kinalaman o gumagamit ng tema ng paghahabi
tulad ng pelikula na aming napanood. Akin ring ibabahagi ang aking mga natuklasan sa aking mga
kaibigan o sa social media upang himukin ang publiko na tangkilikin rin ang ating lokal na produksiyon ng
paghahabi.

You might also like