Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Camarines Norte College Inc.

Labo, Camarines Norte


Junior High School Department
S.Y. 2021-2022
Learning Module para sa Filipino 7

FILIPINO 7: Mga Panitikang Rehiyonal at Ibong Adarna

Ikatlong Kwarter

Mga Akdang Pampanitikan mula


sa Luzon:
Larawan ng Pagkakakilanlan

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon.

Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa kanilang lugar.

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 1


TALAAN NG NILALAMAN
MODYUL BLG. 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA LUZON
LINGGO NILALAMAN MGA GAWAIN PAHINA SA MODYUL
UNANG LINGGO -Panimula  Pagsasanay A:
-Saklaw ng Modyul Palatuntukuyan
-Grapikong Pantulong sa  Pagsasanay B: Mapa
Aralin ng Konsepto ng Pahina 3-5
-Inaasahang Kasanayan Pagbabago
-Panimulang Pagtataya
-Pagtuklas
IKALAWANG LINGGO -Paglinang  Gawain 1: Gawaing
-Araling Pangwika Pangwika
-Kamalayang (a, b, c, d)
Pampanitikan  Gawain 2:
-Scaffold for Transfer 1 Pangunahing ideya,
Pahina 6-9
mahalaga
 Gawain 3: Panitikang
Paghahambing
 Gawain 4: Patrolyang
Pag-aaral
IKATLONG LINGGO -Pagpapatuloy ng  Gawain 5: Daloy ng
Paglinang eksena
- Alamat  Gawain 6:
- Balita Nagbabagang Balita
Pahina 9-11
-Scaffold for Transfer 2  Gawain 7:
Balangkasang
Patrolya
 Maikling Pagsusulit
IKAAPAT NA LINGGO IKATLONG ANTASANG PAGSUSULIT
IKALIMANG LINGGO -Pagpapalalim  Gawain 8: Bato-bato
-Pagsusuri sa langit
-Tula  Gawain 9:
- Nobela Balitaktakang Pahina 11-12
- Maikling Kuwento Historya
 Gawain 10: Anong
pwedeng mangyari?
IKAANIM NA LINGGO -Pagpapatuloy ng bahagi  Gawain 11:
ng Pagpapalalim Pinatnubayang
Paglalahat
 Gawain 12: Ako
bilang si Popoy Pahina 13-15
 Mapa ng Konsepto
ng Pagbabago
 Pormatibong
Pagtataya
IKAPITONG LINGGO -Paglipat  Gawain 13: Pahina 15
 Performance Task Patrolyang Kultural
IKAWALONG LINGGO IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 2


UNANG LINGGO
MODULE No. 3: MGA PILING AKDA MULA SA LUZON: LARAWAN NG
PAGKAKAKILANLAN
Panimula
Malayo-layo na rin ang ating nalakbay. Mula sa Mindanao ay nakarating tayo ngayon sa Luzon. Sa yunit na ito, atin
namang tatalakayin ang pagkakakilanlan bilang mga Pilipino sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan mula sa
Luzon.
Ang Luzon ang pinakamalaking pangkat ng pulo sa Pilipinas. Gaya ng Visayas at Mindanao, ang Luzon ay mayroon
ding mayamang panitikan. Sa katunayan, ang Tagalog ang masasabing may pinakamayamang panitikan sa bansa.
Karamihan sa mga akdang pampanitikan ng Luzon ay naglalaman ng mga damdamin o pananaw ng may-akda sa
iba’t ibang bagay o isyung nangyayari sa bansa gaya ng pagmamahal sa bayan, kahirapan, karapatang pantao, at
iba’t ibang ideolohiya.
Sa pag-usad mo sa yunit na ito, lagi mong isaisip ang tanong na Bakit mahalagang maipamamalas mo ang iyong pag-
unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon?” Handa ka na ba sa iyong bagong matutuklasan?
Kung gano’n, halina’t magsimula na tayo.
SAKLAW NG MODYUL
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga sumusunod:
Mga Aralin
 Tulang Panudyo, Kuwentong-bayan, Alamat
 Mito, Sanaysay, Maikling Kuwento at Dula
Sakop ng Pag-
Magagawa mong…
aaralan
Gramatika  maipaliwanag ang kahulugan ng salita.
 mabigyang kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng pangungusap.
 mabigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa ulat-balita.
Pagtatalakay sa  matukoy ang pangunahin at pantulong na kaisipan mula sa binasang akda.
nilalaman  mapaghambing ang mga katangian ng mito, alamat, at kuwentong-bayan.
 matukoy ang magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayari.
 masuri ng isang balita at mga kailangang impormasyon sa paglikha ng isang balita.
 matukoy ang datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat-balita bata sa materyal na binasa.
Mga pagsusuri sa  makapagmungkahi ng karagdagang impormasyon tungkol sa hakbang at pagbuo ng isang
datus mula sa aralin; balangkas sa pagsulat ng balita
Kaalaman at  masuri ang nilalaman ng binasang teksto kaugnay ng tinalakay na tula/awitingpanudyo.
Kasanayan sa  maibahagi ang sariling interpretasyon sa ilang mahahalagang ideyang nakapaloob sa binasang
Pananaliksik akda.
 masuri ang mga sosyohistorikal na konteksto ng binasang akda.
 mahinuha kaalaman at motibo/pakay ng nagsasalita batay sa napakinggan.
 maiangkop ang sarili sa kilos, damdamin at saloobin sa nabasang akda.
 makagawa ng isang komprehensibong pagbabalita tungkol sa sariling lugar.

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 3


INAASAHANG KASANAYAN
Bilang patunay ng pagtatagumpay mo sa modyul na ito, inaasahang matutupad mo ang sumusunod na
mga kasanayang pampagkatuto:
1. napauunlad ang kasanayang pangwika
2. napauunlad ang kakayahan sa pag-unawa sa binasa
3. naiuugnay ang akda sa totoong sitwasyon sa kasalukuyan
4. nasusuri ang akda batay sa elemento at nilalaman nito
5. nailalahad ang sariling pananaw
6. naiisa-isa ang mga hakbang sa pananaliksik
7. nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos
8. nakapagpaplano ng isang balangkas ng isang balita
9. nakapagsasaliksik ng mga impormasyon at sangkap sa isang balita
10. nakagagawa ng isang komprehensibong balita tungkol sa inyong lugar
PANIMULANG PAGTATAYA

Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka na sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot
sa panimulang pagtataya. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang sa tingin mong
tamang sagot. Gawin at sagutin mo na lamang ang bahaging ito sa hiwalay na papel. Pagkatapos
mong sagutin ang lahat ng tanong, ikumpara mo ang iyong mga napiling sagot sa susi sa pagwawasto
na matatagpuan sa huling bahagi ng iyong learning module.
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang wasto ang ipinapahayag
at isulat ang naman ang MALI kung hindi wasto ang pahayag.
__________ 1. Ang Luzon ang pinakamalaking pangkat ng pulo sa Pilipinas.
__________2. Ang epikong “Biag ni Lam-Ang” ay epiko mula sa Ilocos.
__________3. Ang “Atin Cu Pung Singsing” ay isang awiting-bayan mula sa Bikol.
__________4. Ang “Manang Biday” ay isang uri ng awiting-bayan.
__________5. Si Pedro Bukaneg ay isang manunulat mula sa Ilokos.
B. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sino sa mga sumusunod ang tinaguriang Ama ng Klasikong Tuluyang Tagalog?
a. Pedro Bukaneg b. Tomas Pinpin c. Modesto De Castro d. Francisco Balagtas
2. Sino ang tinaguriang Ama ng Balarilang Pilipino?
a. Lope K. Santos b. Tomas Pinpin c. Modesto De Castro d. Francisco Balagtas
3. Anong uri ng panitikan ang Pamulinawen?
a. nobela b. awiting-bayan c. maikling kuwento d. dula
4. Alin sa mga sumusunod ang epiko mula sa Bikol?
a. Bidasari b. Tulalang c. Biag ni Lam-ang d. Ibalon
5. Saang rehiyon nagmula ang awiting-bayan na Sarung Banggi?
a. IV-A b. IV-B c. III d. V

Binabati kita. Naniniwala akong madali mong nasagot ang bawat tanong.
Marahil ikaw ay nasabik sa iyong mga nalaman tungkol sa kagandahan ng Luzon.
Ngayon ay maaari mo nang simulan ang iyong masigasig na pag-aaral sa nilalaman ng modyul na
ito. Subukin mo ang iyong sarili sa panimulang gawain na inihanda para sa iyo.
Alam kong handa ka na para sa mga matatamo mong mga pagkatuto. Sundan mo sa sunod na
pahina.

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 4


PAGTUKLAS
Pagsasanay A: Palatuntukuyan

Mayroon ba kayong telebisyon o radyo sa inyong tahanan? Sino ang iniidolo mong newscaster o DJ
sa radyo? Bakit mo siya hinahangaan? Pangarap mo bang maging katulad niya?
Kung gano’n, bago ka magpatuloy sa paglinang ng iyong kasanayan sa yunit na ito, tukuyin at
kilalanin mo muna ang mga personalidad na makikita mo sa ibaba. Handa ka na ba?

Figure
Figure 2https://www.google.com/search?q=Jessica+soho&tbm=isch&ved=2ahUKEwiI4a3hlZHyAhVLX Figure
3https://www.google.com/search?q=noli+de+castro&tbm=isch&ved=2ahU JQKHRgSDtwQ2- 4https://www.google.com/search?q=mike+enriquez&tbm=isch&ved=2ahUKEwiTuPXBlpHyA
KEwji1aKblJHyAhVK25QKHWQaCo4Q2- cCegQIABAA&oq=Jessica+soho&gs_lcp=CgNpbWcQAzIFCAAQgAQyBQgAEIAEMgUIABCABDIFC
hV9yIsBHbqrDpIQ2-
cCegQIABAA&oq=noli+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgoIABCxAxCDARBDMggI
cCegQIABAA&oq=mike&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABCxAxBDMgQIABBDMggIABCABBCx
ABCABBCxAzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzIICAAQsQMQgwEyBAgAEEMyB
AzIICAAQgAQQsQMyCAgAEIAEELEDMgsIABCABBCxAxCDATIICAAQgAQQsQMyCAgAEIAEELE
AgAEEMyBQgAEIAEMgUIABCABDoECCMQJzoGCAAQBRAe
DMggIABCABBCxAzIICA

Figure Figure
5https://www.google.com/search?q=dj+chacha&tbm=isch&ved=2ahUKEwiA15mgl5HyAhXVwosBHcg 2https://www.google.com/search?q=atom+araullo+reporting&tbm=isch&ved=2ahUKEwjJie
kC1IQ2- q5mJHyAhWbzIsBHePwDTQQ2-
cCegQIABAA&oq=DJ+C&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgQIABBDMgUIABCABDIICAAQgAQQsQMyBQgAEIA cCegQIABAA&oq=atom+araullo+reporting&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJ1DFtwRY6MEEYI
EMgUIABCABDIFCAAQgAQyBQgAEIAEMgUIABCABDIFCAAQgAQyBQgAEIAEOgQIIxAnOgcIIxDqAhAnOg
cIABCxAx

KAYA KO ITO!
Mga Pamprosesong Tanong:
Panuto: Sagutin mo ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.
1. Anong larangan ang kanilang kinabibilangan?
2. Sino ang pipiliin mo sa kanila na gusto mong makasama kung may gagawin kayong balita?
3. Sa anong paraan nakatutulong ang tulad nila sa ating pamumuhay?
Huwag kang mag-alala dahil gagampanan mo rin sa yunit na ito ang mga ginagawa nila sa larangan ng
pagbabalita.

Pagsasanay B: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago

Sa ibaba ay makikita mo ang mapa ng konsepto ng pagbabago na Bago at Pagkatapos. Ito ay magsisilbi
mong gabay upang masubaybayan mo ang pag-unlad ng iyong pagkatuto. Kopyahin at sagutin mo ang tsart na
ito sa iyong intermediate paper. Isulat mo ang iyong mga kasagutan sa ilalim ng “Bago”. Ang bahagi ng
“Pagkatapos” ay sasagutin mo sa pagtatapos ng modyul na ito. Hindi na ipapasa ang bahaging ito ngunit
huwag hayaang mawala dahil gagamitin mo ito sa pagtatapos ng iyong modyul.
Bago Mga Pokus na Tanong Pagkatapos
1. Bakit mahalagang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa
sa mga akdang pampanitikan ng Luzon?

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS


Magaling. Naibigay mo ang iyong inisyal na pag-unawa sa paksa ng pag-aaralan mo para sa yunit na ito.
Hinihikayat kita na basahin, unawain, at sagutin ang lahat ng gawaing inilaan sa modyul na ito para sa iyo. Ang
lahat ng gawain ay sadyang inilaan upang maihanda ka sa pagtupad mo sa mga kasanayang inaasahang malilinang
mo.

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 5


IKALAWANG LINGGO

PAGLINANG
Sa bahaging ito ay malalaman mo ang mga iba’t ibang uri ng akdang pampanitikan mula sa Luzon.
Tutulungan ka ng bahaging ito upang mahasa ang iyong kasanayan sa pagpapahalaga at pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan mula sa Luzon. Mahahasa rin sa bahaging ito ang iyong kasanayan sa wika at
gramatika.
Ang mga kaalaman mong matatamo rito ay siyang magbibigay sa iyo ng isang makabuluhang sagot sa pokus na
tanong na “Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan mula sa Luzon?”
Alam kong handa ka na sa iyong bagong pagsubok sa linggong ito. Simulan na natin.

Sagot na lang ang isulat para sa titik


Gawain 1: Gawaing Pangwika b,c at d.

Bago mo tuklasin ang mga akdang pampanitikan mula sa Luzon, bigyang-kahulugan mo muna ang mga salita o
pahayag na matatagpuan sa mga akdang pampanitikan na iyong mababasa. Tara, magsimula na tayo.

A.
Panuto: Buuin ang tsart upang higit na makilala ang mga salitang nakahilig na matatagpuan sa
tekstong iyong babasahin sa awiting panudyo. May mga inilaang sagot para sa iyo.

SALITA SALITANG-UGAT KAHULUGAN KASALUNGAT


Gabing nag-aalumpihit namimilipit
Ako’y dunghapin pagtaguan
Pangangarinyo ko lambingin
Sisikwat sa pedestal magbabantay
Doon nakaangkla angkla
Hayo’t humindara tumayo

B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy ng mga salita o pahayag na nakahilig.

maaninawan pumaris lingapin iniiring


palalo hinuhod bakulo imbi

1. Halatang paborito ng guro natin si Mark dahil siya ang laging tinatawag habang ang makukulit sa klase
ang lagi niyang isinasantabi at hindi pinapansin.
2. Matalino at masipag mag-aral ang kuya mo kaya sa kaniya ka tumulad.
3. Hindi natin dapat iboto bilang pangulo ng klase ang isang mag-aaral na mapagmataas.
4. Ang tungkod ng obispo ang isa sa mga nawawalang bagay sa simbahan kagabi.
5. Basahin ang Bibliya kapag ikaw ay nakararanas ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa para tiyak na
maunawaan nang mabuti ang iyong kalagayan.
6. Dapat kunin at arugain ng DSWD ang mga batang palaboy sa kalye at walang mauwian.
7. Hinihingi ng lalaki mula sa ama ang kanyang kasintahan ang pagpayag nito upang matuloy ang kanilang
kasal.
8. Lahat na lang ng mahirap na alipin ay itinuturing na hamak ng haring mapang-api.

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 6


C. Panuto: Batay sa pangungusap, isulat ang kahulugan ng bawat salitang may salungguhit.

________________ 1. Masyadong maliit ang butas kaya kahit anong silip ang gawin ko’y wala akong
makita sa loob ng bahay nila.
________________ 2. Hindi ako maganang kumain ngayon dahil masakit ang aking ngala-ngala.

________________ 3. Tulog na si Beth dahil marami siyang librong karga kanina kaya napagod.

________________ 4. Kailangang nasa tamang init ang plantsa para isang pasada lang sa polo ay
mawala nang lahat ang lukot nito.
________________ 5. Talagang magaling na boksingero si Manny Pacquiao dahil kayang-kaya niyang
pataubin si Floyd Mayweather Jr.
________________ 6. Gabundok na labada ang kailangang maasikaso ni Manang Fe dahil dalawang
linggong hindi siya nakapaglaba.
________________ 7. Maraming sugat si nanay sa daliri dahil mariin siyang magkuskos ng mga
labada.
________________ 8. Sa araw ng aming paglalaba, si nanay ang nagsasabon, ako ang nagbabanlaw, at
si tatay naman ang bahala sa pagpiga ng mga damit na nalabhan.
________________ 9. Natapon ang kinain kong spaghetti kanina kaya tiyak na magagalit si nanay dahil
sa mantsa sa aking uniporme.
________________ 10. Baka nagugutom na si Baby, kaya hindi pa tumatahan.

D. Panuto: Bilugan ang salita sa kahon na kasingkahulugan ng salitang nakadiin sa bawat pangungusap

1. Kapag bumubuka ang depensa ng mga Puerto Rican ay nakakanakaw ang mga manlalaro natin sa loob.
namumukadkad lumuluwag humihigpit
2. Sa unang siyam na minuto ng third quarter ay nakipagpukpukan ang mga manlalarong Pilipino.
nakipaglaban nagmartilyo nakipag-away
3. Huling tumabla sa 70-70 mahigit dalawang minuto pa, pero kinapos sa dulo ang ating koponan.
naging kahoy naging mahina naging patas
4. Naipasok ang lima sa huling anim na free throw ng kalaban para selyuhan ang panalo.
tiyakin ipadala alamin
5. Nasamsam ng Bureau of Customs ang mga kontrabando mula sa siyam na magkakahiwalay na bodega.
nakuha nanakaw nakita

Gawain 2: Pangunahing Ideya, Mahalaga

Panuto: Basahin mo ang isang tula sa iyong batayang aklat, pahina 168-169. Bigyang-pansin mo ang saknong
bilang 3 hanggang 5. Tukuyin ang pangunahing ideyang nakapaloob upang makita mo kung ano ang inilalawaran
sa bawat saknong. Magbigay lamang ng isa hanggang dalawang pangunahing ideya sa bawat saknong.

Saknong bilang 3

Saknong bilang 4

Saknong bilang 5

Ang ponema ang pinakamaliit at pinakamakabuluhang tunog sa isang wika.


Dahil sa tunog nakasandig ang wika, mahalagang pag-aralan ito upang maunawaan
kung bakit nagbabago ang kahulugan ng salita.
Ang pag-aalis o pagpapalit ng isang tunog ang kongkretong magpapatunay
nito. Alamin mo pa ang kabuuang bahagi nito sa iyong batayang aklat pahina 171-
172.

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 7


Pag-usapan natin!
1. Ano ang Mitolohiya?
 Ito ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay ay mga
kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa, at iba pang makapangyarihang nilalang.
 Ito ay naka-angkla sa kultura, relihiyon, tradisyon at kasaysayan ng isang bansa.
2. Ano ang Kuwentong-bayan?
 Ito ay mga salaysay na mula sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri
ng mamamayan tulad ng hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
 Ito ay kadalasang may kaugnayan sa pook o lugar kung saan ito galing.
3. Ano ang Alamat?
. Ito ay nagpapaliwanag sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang
nagsasalaysay ng mga pangyayari hinggil sa tunay na tao, pook at mayroong pinagbabatayan
sa kasaysayan.

Gawain 3: Panitikang Paghahambing

Panuto: Ipakita ang natatanging katangian ng bawat isa (2 sagot sa bawat kahon) at sa ibaba naman ay ang
pagkakatulad ng tatlong pinaghambing (4 na sagot para sa pagkakatulad).
Natatangiang katangian ng alamat
(2)
Natatangiang katangian ng Natatangiang katangian ng
mitolohiya (2) kuwentong-bayan (2)

Pagkakatulad ng mga katangian ng alamat, kuwentong-bayan at mitolohiya (4)

Bago ka magpatuloy sa sunod na bahagi, tingnan mo muna sa iyong batayang aklat ang isang araling pangwika, pahina
202 – 204. Pag-aralan mo ang bahaging ito. Magtanong sa iyong guro kung may bahagi kang hindi nauunawaan.

Gawain 4: Patrolyang Pag-aaral (Scaffold for Transfer1)

Magkakaroon ng Pambansang Pagtitipon ng mga Young Newscaster mula sa iba’t ibang


lugar sa bansa na pangungunahan ng Youth Ambassador ng Pilipinas na dadaluhan ng
Kagawaran ng Turismo, Edukasyon, Agrikultura at iba pang kawani sa buong bansa. Layunin
ng pagtitipong ito na ipakilala ang kanilang lugar ayon sa identidad o pagkakakilanlan at
kultura na dahan-dahang kinalimutan ng kasalukuyang henerasyon. Ito ay ilalahad sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang komprehensibong balita.
Bilang isa ka sa mga mamamahayag sa nasabing pagtitipon, kailangang makalikha ka ng inisyal na paghahanda
para sa isusulat mong balita sa pamamagitan ng pagsuri ng isang balita.
Bigyang- pansin ang halimbawang balita para sa iyong pagsusuri.
Kultura ng Pilipinas, libreng itinuturo sa Fil-Italian na mga bata
Maricel Burgonio, ABS-CBN Europe News Bureau
Posted at Jul 25 2018 04:34 PM | Updated as of Jul 26 2018 01:05 PM
TORINO, Italy – Isinusulong ng isang grupo ng mga Pilipino sa bansa ang pagtuturo ng Tagalog at kultura ng
Pilipinas sa mga batang Pinoy na ipinanganak sa Italya.
Ang pagkanta ng pambansang awit ng Pilipinas o Lupang Hinirang ang isa sa mga itinuturo sa mga bata ng
ilang volunteers ng Associazone Culturale Filippine del Piemonte o ACFIL.
Ipinakita naman ng mga bata ang kagustuhang matutong magsalita ng Tagalog tulad ng pagtukoy ng iba’t ibang
uri ng trabaho, Philippine geography, at tourist spots sa Pilipinas.
Ayon kay volunteer teacher Marjorie Dinamling, nahihirapan man ang mga bata na magsalita ng Filipino,
naintindihan naman nila ang ilang mga salita. Tatagal ng 6 na linggo ang programang Pinoy Torinese o Pintor,
summer class for kids, kasama ang 24 na Pinoy volunteers.
FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 8
Layunin din ng programa na mabantayan ang mga bata habang nasa trabaho ang mga magulang ng mga ito at
mabawasan ang paglalaro sa internet at computer.
“Yung mga batang 4 to 11-years old, ang alam lang nila ay Italian culture. At least sa summer class na ito,
matututo sila sa ating kultura,” sabi ni ACFIL Presidente Rosalie Bajade Cuballes.
Nagsagawa din ng klase sa park ang mga bata kung saan ipinakikilala ang mga larong Pinoy tulad ng luksong
tinik at patintero.
https://news.abs-cbn.com/overseas/07/25/18/kultura-ng-pilipinas-libreng-itinuturo-sa-fil-italian-na-mga-bata
Sa pagsusuri, isaalang-alang mo ang sumusunod:
Pagsusuri ng teksto
1. Suriin ang teksto ayon sa pagkakasulat nito at mga naging sangkap sa kabuuan ng balita (oras, lugar,
sangkot sa isinagawang balita)
2. Suriin din ang:
a. estruktura at gamit ng wika (simple ba o hindi ang mga salitang ginamit?)
b. kaugnayan sa pook o lugar ng pinagmulang balita
c. itala ang mahahalagang napansin mo sa iyong pagsusuri sa isang malinis na papel.

Sikapin mong maisagawa ang bahaging ito upang maging handa ka sa sunod na hakbang.
Muli tayong magkita sa sunod na linggo.

IKATLONG LINGGO
Gawain 5: Daloy ng eksena

May ipakikilala ako sa iyong mga tauhan sa isang akda na “Hinulugang Taktak”. Tulad nina Liwayway, Malalim,
Sikat, La-am, at Banaag. Halina’t kilalanin natin sila. Basahin mo sa iyong batayang aklat, pahina 183-185.
Pagkatapos ay gawin mo ang gawain sa ibaba.

A. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat sa kahon ang titik A para sa unang pangyayari at
ituloy ito hanggang umabot sa titik J na pinakahuling pangyayari. Gawin ito sa isang buong
papel. Sagot na lang ang isulat.

1. Nahulog sa ilog ang koronang ginto ni Liwayway.


2. Nangako sina Sikat at Liwayway sa harap ng anito sa sila’y magpapakasal.
3. Nagalit si Banaag kay Haring Ka-likasan dahil hindi ito tumupad sa kanilang usapan.
4. Nalaman sa iba’t ibang lugar ang kagandahan ni Liwayway.
5. Tumulong na kay Sikat ang mga genii sa paghahanap sa itinagong korona.
6. Napatay si Haring Ka-likasan.
7. Nasira ang ilog ni La-am.
8. Hiniling ni Liwayway kay Sikat na bawiin ang kaniyang koronang ginto.
9. Nagbanta si Banaag na bibihagin niya si Liwayway kapag hindi naibalik sa kaniya ang
koronang ginto.
10. Binigyan ni Banaag ng isang koronang ginto si Liwayway.

B. Gamit naman ang tsart sa ibaba, tukuyin ang mga bahagi ng “Alamat ng Hinulugang Taktak”.

Tungkol Saan?
Panimulang Pangyayari
Lugar
Tauhan
Tunggalian
Solusyon
Katapusan

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 9


Bago ka magpatuloy sa gawain sa linggong ito, alamin mo muna ang paraan sa pagsulat ng isang balita.
Ano ang balita?
 Ito ang anumang pangyayari na kagaganap lamang, naiiba sa karaniwan, may katotohanan, at walang
kinikilingan.
Paano isinusulat ang balita?
1. Karaniwang isinusulat ang mahalagang datos sa unang teksto na kung tawagi’y pamatnubay na pangungusap.
Maaari itong isulat sa isang pangungusap. Kadalasa’y tumutugon ito sa mga tanong na Ano, Sino, Kailan, Bakit,
at Paano binibigyang-halaga ang isang balita.
2. Ang katawan ng balita ang siyang nagbibigay ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa mga datos na binabanggit
sa pamatnubay.
3. Ang panghuling bahagi ang tumutugon sa di gaanong mahalagang detalye. Samakatuwid, sinusulat ang katawan
sa paraang pahina nang pahinang kahalagahan.
Alamin mo pa ang buong bahaging ito sa pahina 248-249 ng iyong aklat.

Gawain 6: Nagbabagang Balita

Bilang mag-aaral, sanayin mo ang iyong sariling maging mapanuri sa mga nababasa mo sa social media upang hindi
mabiktima ng fake news. Tunghayan mo ang gawain sa ibaba. Tukuyin mo ang mga datos na kailangan sa paglikha
ng sariling ulat-balita batay sa balitang iyong babasahin sa pahina 250-251. Pagkatapos mong basahin ang dalawang
balita, subukin mo ang iyong kaalaman sa inihandang gawain sa ibaba. Gawin ito sa isang buong papel.
Para sa balitang Pilipinas, Naubusan sa Puerto Rico
1. Ano ang tema o paksa ng balita?
2. Sino-sino ang sangkot sa balita?
3. Anong uri ng balita ang iyong binasa?

Para sa balitang ₱ 22-M ukay-ukay, nasabat ng Customs sa Baguio


Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat tanong..
Ano ang tema o paksa
ng balita?
Sino-sino ang sangkot
sa balita?
Saan nangyari ang
balita?
Kailan nangyari ang
balita?
Paano lumitaw ang
problema sa balita?

Gawain 7: Balangkasang Patrolya (Scaffold for Transfer 2)

Nalalapit na ang inyong pagtitipon bilang mga Young Newscasters, kailangang mapaunlad mo ang iyong
paghahanda para dito.
Tandaan mong ito ay isang malaking pagtitipon na pangungunahan ng Youth Ambassador ng Pilipinas na kung saan
ay dadaluhan ng iba’t ibang kawani ng pamahalaan. Gawin mong inspirasyon ang layunin ng pagtitipong ito na
naglalayong ipakilala ang kultura na dahan-dahang kinalimutan ng kasalukuyang henerasyon.

Bilang patunay sa iyong mas pinaunlad na paghahanda sa pagtitipong ito, lumikha ka ng isang balangkas ng iyong
isasagawang balita sa pamamagitan ng gabay sa ibaba.

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 10


Pagbabalangkas ng Balita
1. Magsaliksik ng mga mahahalagang datos tungkol sa kultura at tradisyon na magpapakilala sa inyong
lugar, bayan o barangay na maaaring maging paksa ng iyong balita. Maaari mong kapanayamin ang mga
matatanda ninyong kaanak o di kaya’y magsaliksik.
2. Matapos mong isagawa ang unang bilang, isagawa mo ang nasa ibaba:
Para sa simpleng balangkas ng iyong balita
a. Ano? Tungkol saan ang balita? (Halimbawa: Brgy. Fundado, nagdaos ng Tabagwang Festival)
b. Sino ang sangkot sa balita? (Halimbawa: Sangguniang Barangay, mga residente)
c. Saan? Saan nagmula ang balita? (Halimbawa: Barangay Fundado, Labo Camarines Norte)
d. Bakit? (Bilang bahagi ng nakagawian ng mga taga-Fundado, idinaos nila ang kanilang pagdiriwang
ng Tabagwang Festival…)
3. Ilipat sa naratibong anyo ang nalikom na datos (maaaring isang talata muna)
Ipasa mo ito sa iyong guro para sa karagdagang input o komento.
Para sa naratibong anyo ng iyong balita

Pamagat
_____________________________
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

Nagbabalita:
________________________

MAIKLING PAGSUSULIT
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag sa bawat bilang at MALI naman kung hindi wasto ang
ipinahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. Sagot na lamang ang iyong isulat.
_______1. Ang balita ay nakatutulong sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
_______2. Ang balita sa mga napapanood sa telebisyon ay hindi naiiba sa “tsismis”.
_______3. Ang balita tungkol sa basketbol ay nabibilang sa balitang isport.
_______4. Mayroong balitang tumatalakay sa buhay ng mga artista o ang tinatawag na balitang showbiz.
_______5. Kailangang maikli lamang ang pamagat ng balita.
_______6. Isinusulat ang nilalaman ng balita sa anyong pabaliktad na piramide.
_______7. Ang isang pagbabalita ay hindi nararapat kakitaan ng pagkiling.
_______8. Ang mga sangkap ng isang balita ay isang mabisang paraan upang mamulat ang tao sa tunay na
kaganapan sa paligid.
_______9. Ang anumang ipinakikita at nababasa sa mga soial media ay nagpapakita ng pawang mga
katotohanan lamang.
_______10. Taglay ng isang tagapagbalita ang pagkakaroon ng isang matibay na loob at determinasyon na
ihatid sa tao ang reyalidad sa lipunan.

IKALIMANG LINGGO
PAGPAPALALIM
Naranasan mo na bang mang-“asar” o ikaw ang “aasarin?” Masasabi mo pa rin bang ang awiting panunukso ay isang
uri ng panitikan? Tama ka. Ito ay tinatawag na awiting/tulang panudyo. Bago ka dumako sa pagpapalalim ng iyong
pagkatuto, saglit mong balikan ang kahulugan nito.

Ang awiting/tulang panudyo ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso, o mang-uyam. Ito
ay kalimitang may himig na nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong Patula. Naunawaan mo na ba ang
bahaging ito? Mahusay kung gano’n. Dumako ka na sa gawaing magpapalalim pa sa iyong pagkatuto.

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 11


Gawain 8: Bato-bato sa Langit

Para sa gawaing pagsusuri: Makikita mo sa ibaba ang isang dasal na ginamit ng ilang ilustrador, tulad ni Marcelo H.
del Pilar upang tuligsain ang mapaniil na gawi ng mga banyaga. Suriin at sagutin ang mga tanong para sa bahaging ito.
Gawin ito sa isang buong papel.
Aba guinoong Baria
Nakapupuno ka ng alcancia
Ang Fraile’y sumasaiyo
Bukod ka niyang pinagpala’t pinahuigit sa lahat
Pinagpala naman ang iyong kabang mapasok
Santa Baria, Ina ng Deretsos,
Ipanalangin mo kaming huag anitan
Ngayon at cami’y ipapatay
Siya naua.

A. Sagutin ang mga sumusunod


1. Isa ba itong tulang mapanudyo para sa iyo? Bakit?
2. Makatuwiran bang sabihin na ito ay pambabastos sa relihiyon? Ipaliwanag.
3. Mabisa bang instrumento sa panunudyo ang ganitong uri ng panitikan? Ipaliwanag.
4. May kaugnayan ba ang tulang ito sa ating kasaysayan at sa kasalukuyan? Patunayan.
B. Narito naman ang isang tulang kumalat na text message ng hindi nagpakilalang tao. Suriin mo ito.
Aba naman Gloria
Puno ka ng grasya
Ang yaman ng tao’y sumaiyo na.
Bukod kang nandaya
Sa babaeng lahat.
Pinagpala rin, asawa mo’t anak
Wala ng natira sa AMEN.
1. Paano mo maiuugnay ang tulang ito sa mga isyung panlipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
2. Nasa katuwiran ba na makalikha ang isang tao ng ganitong tula? Bakit?
3. Taglay ba ng binasa mong tula ang pagtuligsa sa ating lipunan? Patunayan.
4. May kapakinabangan bang dulot ang ganitong uri ng tula? Ipaliwanag.

Gawain 9: Balitaktakang Historya

Basahin mo ang bahagi ng nobelang “Urbana at Feliza” ni Presbitero Modesto de Castro sa iyong
batayang aklat, pahina 199-200. Pagkatapos ay suriin at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa
ibaba. Isulat na lamang ang sagot sa isang buong papel.

1. Suriin ang mga sumusunod at bigyang- kahulugan ang mga ito:


a. Ang magnasang magkamit ng kamahalan sa bayan, sa karaniwan ay hindi magandang nasa
sapagkat ang pinagkakadahilanan ay di ang magaling na gayak ng loob na siya’y
pakinabangan ng tao, kundi siya ang makikinabang sa kamahalan.
b. ...ang mapasalinan ng hustisya rito ay di makaliligtas sa hustisya ng Diyos.
c. …ang pagmamalaki at pagmamataas ay tandang pagkakakilanlan ng kaiklian ng isip at
pinagkadahilanan ng pagkapoot ng kanyang kapwa.
2. Sa mga nabanggit na detalye, makatuwiran ba ang layunin ng panunugkulan sa bayan? Bakit?
3. Ano ang nais ipahiwatig ng pangalang Honesto para sa iyo? Ano ang kaugnayan nito sa
kabanatang “Sa katungkulan sa Bayan”? Ipaliwanag.

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 12


Gawain 10: Anong pwedeng mangyari?

Basahin mo ang kwento sa iyong batayang aklat, pahina 211-212, ang “Uuwi na ang nanay kong si
Darna”. Pagkatapos basahin ay tunghayan mo ang pahayag sa ibaba at subuking bigyan ng hinuha.
Sagot na lang ang isulat.

Pahayag 1: Pahayag 2:
Kung nabigong umuwi ang nanay ni Popoy, Sa picture lamang nakikita ni Popoy ang
ano ang nahihinuha mong maaaring kanyang ina. Ngunit ano ang maaaring
mangyari? mangyari kung wala siyang kopya nito?

Pahayag 3:
Ano ang nahihinuha mong dahilan kung bakit
bilang Darna ang pagpapakilala ng tatay ni
Popoy sa nanay nito?

Pahayag 4: Pahayag 5:
Ano ang nahihinuha mo sa pahayag na Kung mayaman sana ang pamilya ni Popoy,
“ngumiti rin si nanay at saka ako niyakap ano ang maaaring matamasa nila?
nang mahigpit na mahigpit.”

IKAANIM NA LINGGO
Gawain 11: Pinatnubayang Paglalahat

Sa bahaging ito ay mas palalalimin pa natin ang iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan mula sa Luzon.
Inaasahan din na mapalalalim mo pa ang iyong kasagutan sa tanong na “Bakit mahalagang
maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon?”
Alam kong kayang-kaya mo ang mga gawaing inihanda sa bahaging ito.
Simulan na natin.

Mahalagang Tanong Text 1 Text 2 Text 3


Serenata kay Irma Sa katungkulan sa bayan Si Binibining Phathupats
Matrona (bahagi ng nobelang ni Juan Crisostomo Soto
ni Romulo Sandoval Urbana at Feliza)
(Punla 7, pahina 168-ni Presbitero Modesto de
169) Castro Mababasa ang buod nito sa
(Punla 7, pahina 199- sunod na pahina.
200)
Bakit mahalagang Ano ang nais iparating ng Anong aral para sa Anong pagpapahalaga
maipamamalas mo ang iyong tekstong ito para sa mga lipunan ang nakapaloob bilang Pilipino ang
pag-unawa sa mga akdang pinuno ng ating bayan? sa akdang ito? nakapaloob sa akdang ito?
pampanitikan ng Luzon?
Maglahad ka ng iyong Maglahad ka ng iyong Maglahad ka ng iyong
patunay sa iyong sagot. patunay sa iyong sagot. patunay sa iyong sagot.
Paano mo masasabing ito Paano mo masasabing ito Paano mo masasabing ito ay
ay magpapatunay sa ay magpapatunay sa magpapatunay sa iyong
iyong sagot? iyong sagot? sagot?
Magkakaparehong ideya ng tatlong akda na nasa mga katuwiran

Paglalahat/ Mahalagang Pag-unawa

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 13


BUOD:
Si Binibining Yeyeng ay isang Pilipinang Kapampangan na kitang-kita sa katawan ang pagka-Pilipino.
Punong-puno siya ng kolorete sa mukha. Ngunit dahil mahirap lamang sila ay pagtitinda ang kanilang
ikinabubuhay. Sa kabilang dako, sa pagtahimik ng rebolusyon ay nabuksan ang mga paaralan sa tulong ng
pamahalaang militar ng Amerika. Ang mga kawal na naging suki ni Binibining Yeyeng sa kanyang pagtitinda ay
ang mga guro sa paaralaan. Pinilit siyang papasukin ng mga kawal upang siya ay matuto at sila ay magkaintindihan.
Makalipas ang ilang araw ay nakapagsasalita na ng Ingles si Binibining Yeyeng. Sa paglipas ng ilang buwan
ay pinadala siya ng mga gurong kawal sa ibang bayan upang magturo. Nabihasa si Binibining Yeyeng sa
pagsasalita ng Ingles. Sa paglipas ng panahon ay hindi na siya lubusang nakapagsasalita ng Kapampangan dahil
sinasabi niyang nakalimutan na raw niya ito. Sinabi niyang matigas daw ang Kapampangan at nababaluktot ang
kanyang dila kaya kailanman ay hindi na siya makapagsasalita nito nang tuwid at mananatili na siyang utal dito.
Nalaman ng ibang kakilala ni Binibining Yeyeng ang kanyang sinabi kaya pinalitan nila ang kanyang
pangalan. Mula sa Binibining Yeyeng ay ginawa nila itong “Binibining Phathupats”, pangalang hango sa malapad
niyang balakang na pilit iniipit sa pahang mahigpit ang balot. Nakalimutan na ng mga tao ang Yeyeng na dati
niyang malambing na palayaw. Lumipas ang panahon at may isang pista o “velada” sa bayan ang dinaluhan ni
Binibining Phathupats. Doon ay may nakita siyang isang pahayagang Kapampangan, ngunit nang makitang
Kapampangan ay lumabi siya at nagsalita ng Kapampangan. Sa pagpapatuloy ng kasiyahan ay nagkaroon ng
diskusyon ukol sa isyung pagkalimot sa pagsasalita ng Kapampangan ni Binibining Phathupats. Lumabas ang pilit
na pagkukubli ni Binibining Phathupats ng kanyang pagiging isang Pilipino at pilit na pakikibagay sa mga
Amerikano.
Napahiya siya sa harap ng maraming tao. Sigawan, palakpakan, at halakhakan ang narining sa buong lugar. Hindi
na nakatiis si Binibining Phathupats at nagkandarapa siyang lumabas sa daan dahil sa inis at hiya. “Paalam,
binibining hindi marunong ng Kapampangan. Paalam, Binibining Alice Roosevelt! Paalaam, Binibining
Phathupats”, mga salitang binitawan ng mga tao.
Napakarami na ng mga Binibining Phathupats sa panahon ngayon. Mga taong kinakalimutan na ang sariling
wika. Mga taong ikinahihiya ang sariling wika dahil nakapagsasalitaa na sila ng wikang Ingles.
http://sibinibiningphathupats.blogspot.com/2016/11/buod-ng-si-binibining-phathupats.html

Gawain 12: Ako Bilang si Popoy

Balikan natin ang buhay ni Popoy. Ipagpalagay mong ikaw ang nasa kalagayan ni Popoy sa mga sitwasyong
nakalahad sa ibaba. Ano ang gagawin o mararamdaman mo sa ganoong sitwasyon?
Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

SITWASYON ANGKOP NA KILOS O DAMDAMIN SA


KATAPAT NA SITWASYON
Hindi nasilayan ni Popoy ang kaniyang ina habang siya’y Kung ako si Popoy…
lumalaki.
Nang dumating ang nanay ni Popoy, siya ay nahihiyang Kung ako si Popoy…
lumapit ditto.
Alam ni Popoy na maraming pasalubong ang kanyang Kung ako si Popoy…
Nanay.
Ipinakilala ng tatay ni Popoy na si Darna ay ang kanyang Kung ako si Popoy…
ina.

Ngayon, bago ka dumako sa katapusang bahagi ng modyul na ito, tingnan natin ang naging kaibahan sa
iyong sagot mula sa “bago” patungo sa “pagkatapos” ng mapa ng konsepto ng pagbabago.

MAPA NG KONSEPTO NG PAGBABAGO: Sagutin mo na lamang ang bahaging “Pagkatapos”. Gawin mo


ito sa iyong intermediate paper. Gamitin mo sa bahaging ito ang ginamit mong papel sa Pagsasanay B.
Bago Mga Pokus na Tanong Pagkatapos
1. Bakit mahalagang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa
sa mga akdang pampanitikan ng Luzon?

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 14


PORMATIBONG PAGTATAYA
Lagyan ng tsek ang kulay na sumusukat sa pagkaintindi sa paksang napag-usapan. PULA: Kung
nangangailangan pa ng pagsasanay, DILAW: 50% ng konsepto ay naunawaan at BERDE kapag naintindihan
lahat at kayang magamit ang natutuhan. Gawin ang bahaging ito sa kaparehong papel ng sinusundang gawain.

Pula – nangangailangan pa ng pagsasanay


DILAW- higit 50 % ng konsepto ay nauunawaan
BERDE –naintindihan ang lahat ng konsepto at kayang magamit ang mga natutuhan

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM


Tagumpay ka munti kong mag-aaral. Natapos natin ang mga gawain sa bahaging ito. Inaasahang mayroon kang mga
natamong mga makabuluhang pagkatuto sa mga nagdaang gawain.
Ngayon ay ihanda mo ang iyong sarili para sa sunod na linggo para sa iyong pagsasaganap mo bilang isang tunay na
mamamahayag.
Sa muli nating pagkikita. Paalam.

IKAPITONG LINGGO
PAGLIPAT
Ang layunin mo sa bahaging ito ay maging isang ganap na mamamahayag sa inyong lugar para sa
pagpapakilala ng natatanging kulturang taglay nito. Dito mo mailalapat ang lahat ng iyong mga
natamong pagkatuto. Sinimulan mong paghandaan ang panghuling gawing ito sa pamamagitan ng
pagsuri at pagbabalangkas ng isang tunay na balita. Ang lahat ng iyon ang siya mong magiging
sandata upang maipamalas mo ang iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan
sa pamamagitan ng isang komprehensibong balita.
Halina’t simulan mo na ang pagbabalita.

Sitwasyon:
Dahil sa lakas at impluwensiya ng teknolohiya sa mga kabataan, unti-unting nakalilimutan ang kinagisnang
kultura na pamana pa ng sinaunang henerasyon. Ito ay napalitan ng iba’t ibang paraan na siya ngayong libangan ng
madla. Isa lamang ito sa nakikitang dahilan upang isakatuparan ang isang layuning buhaying muli at ipakilala ang
identidad at kultura ng isang lugar. Bibigyang-daan ang layuning ito sa pamamagitan ng isang Pambansang Pagtitipon
ng mga Young Newscasters mula sa iba’t ibang lugar na pangungunahan ng Youth Ambassador ng Pilipinas at
dadaluhan ng Kagawaran ng Turismo, Edukasyon, mga himpilang pantelebisyon at panradyo at mga punong-patnugot
ng ilang mga pahayagan. Bilang isa ka sa dadalo bilang mamamahayag, hinihimok kang makalikha ng isang balita
tungkol sa mga magagandang kaganapan sa inyong lugar noong panahon na wala pang pandemya. Isang
komprehensibong balita na tumatalakay sa natatanging kultura’t tradisyon nang sa gayo’y muli itong maipakilala sa
bagong henerasyon na tangkilikin at ipakilala sa buong bansa. Ang balitang ito ay nakaangkla sa komprehensibong
paglalahad ng impormasyong sinasalamin ang panitikang Pilipino, organisasyon, at mabisang paggamit ng wika.

Gawain 13: Patrolyang Kultural

Panuto: Sumulat ng isang komprehensibong balita tungkol sa kultura, tradisyon at mga kaugnay na impormasyon
tungkol sa kagandahan ng inyong lugar. Isulat sa isang malinis na papel o i-print kung iyong nais.
 Kapanayamin ang iyong matatandang kaanak na may malawak na kaalaman tungkol sa inyong lugar.
Tanungin mo sila kung ano ang nalalaman nilang kultura o tradisyon mula sa inyong lugar.
 Gawing gabay ang mga nasimulan mong preparasyon sa Gawain 4 at 7.
 Sikaping isa hanggang dalawang talata lamang ang iyong balita.
 Huwag kalimutan ang pamagat (maikli lamang).
 Gumamit ng linya para sa hudyat ng pagtatapos ng iyong balita.
(halimbawa: Juan Dela Cruz, nakatutok, 24 oras)

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 15


SUSI SA PAGWAWASTO
PANIMULANG PAGTATAYA
A. B.
1. T 1. C
2. T 2. A
3. M 3. B
4. T 4. D
5. T 5. D
PAGTUKLAS
Pagsasanay A: Palatuntukuyan (Marami pang posibleng sagot)
1. Sa larangan ng pagbabalita.
2. Si Noli De Castro, dahil hanga ako sa estilo ng kanyang pagbabalita at timbre ng kanyang boses.
3. Nakatutulong ang katulad nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaalaman at kamalayan sa mga
pangyayari sa ating bansa at daigdig.
Pagsasanay B: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
(Maraming posibleng sagot)
PAGLINANG (GAWAING PANGWIKA)
A.
SALITA SALITANG-UGAT KAHULUGAN KASALUNGAT
Gabing nag-aalumpihit alumpihit namimilipit komportable
Ako’y dunghapin dunghap dungawin pagtaguan
Pangangarinyo ko karinyo lambingin pang-iinis
Sisikwat sa pedestal sikwat magnanakaw magbabantay
Doon nakaangkla angkla nakakabit nakahiwalay
Hayo’t humindara hindara umupo tumayo
B.
1. isinasantabi at hindi pinapansin – iniiring
2. tumulad – pumaris
3. palalo – mayabang
4. tungkod ng Obispo – bakulo
5. maunawaan nang mabuti – maaninawan
6. arugain – lingapin
7. pagpayag – hinuhod
8. hamak – imbi
C.
1. silip – nakita mula sa butas 6. gabundok - napakarami
2. ngala-ngala – itaas na bahagi ng loob ng bibig 7. magkuskos – pagkusot ng damit para
matanggal ang dumi
3. karga – dala o buhat 8. pagpiga – pag-alis ng tubig sa damit
4. pasada – pagbiyahe ng paupahang dyip 9. mantsa – batik/dumi sa damit
5. pataubin - talunin 10. tumatahan – tumitigil sa pag-iyak
D.
1. bumubuka – lumuluwag
2. nakipagpukpukan – nakipaglaban
3. tumabla – naging patas
4. selyuhan – tiyakin
5. nasamsam - nakuha
Gawain 5: Daloy ng eksena (Maraming posibleng sagot)
Para lamang sa titik B

Tungkol Saan? Pag-ibig na naunsyami o nabigo


Kaarawan ng pinakamagandang babae kaya nagpuntahan ang kanyang mga
Panimulang manliligaw na may kanya-kanyang dalang handog sa may kaarawan. Naibigan ni
Pangyayari Liwayway ang koronang bigay ni Banaag. Naiinis naman dito si La-am kaya kinuha
niya ang korona.
Lugar Kabundukan, kagubatan, ilog (nayon, lalawigan)
Tauhan Sikat, Liwayway, Malalim, La-am, Banaag, Haring Ka-likasan
FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 16
Tunggalian Binihag ng espiritu ng kabundukan ang pinakaiibig ni Sikat dahil sa hindi pagsunod
nito sa kasunduan.
Solusyon Nangako si Sikat na hahanapin niya ang korona upang mabawi si Liwayway kay
Banaag.
Katapusan Hindi nakuha ni Sikat ang koronong ginto ni Liwayway. Hindi ito naibalik kay
Banaag kaya hindi rin niya nakasama si Liwayway.
Gawain 6: Nagbabagang Balita (Maraming posibleng sagot)
A.
1. Ang balitang ito ay ukol sa pakikipaglaban ng Pilipinas sa Puerto Rico sa larangan ng basketbol. Dito
sinikap ng koponan ng mga Pilipino na “Gilas” na makapagtala ng kanilang unang panalo sa FIBA
World Cup 2014. Sa umpisa ng laro ay nakalamang ang Pilipinas subalit unti-unti itong nawala dahil na
rin sa galing ng kalaban. Nang makalamang ang kalaban ay sinikap pa rin ng mga Pinoy na lumaban
hanggang sa makatabla ng puntos. Ngunit higit na naging magaling sa “crunch time” ang mga taga-
Puerto Rico.
2. Mga manlalarong Pilipino at mga manlalaro mula sa Puerto Rico.
3. Balitang Pampalakasan o isport
B.
Ano ang tema o paksa Ang balitang ito ay ukol sa pagsamsam ng mga lumang damit ng BOC dahil sa hindi
ng balita? pagbabayad ng buwis ng mga nagpasok nito sa Pilipinas.
Sino-sino ang sangkot Bureau of Customs
sa balita?
Saan nangyari ang Baguio City
balita?
Kailan nangyari ang Araw bago ang Setyembre 4, 2014
balita?
Ano ang problemang Dahil umabot sa 22M ang nasamsam na paninda sa ukay-ukay sa ilang bodega.
lumitaw sa balita?

FILIPINO 7//MGA PANITIKANG REHIYONAL AT IBONG ADARNA//S.Y.2021-2022 17

You might also like