Filipino 7 Qtr4 Module 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

G7-FILIPINO/IKALAWANG MARKAHAN

1
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Pangalan: _______________________________
Petsa: _______________________________

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

F7PB-IVg-h-23
Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing
tauhan at mga pantulong na tauhan.

II. Paksang Aralin / Lunsaran

Mga Tauhan sa Ibong Adarna


LUNSARAN mula sa Ikalawang Bahagi ng Ibong Adarna (Aralin 10-17)

Sanggunian:
Ibong Adarna Interpretasyon nina Glady E. Gimena at Leslie S. Navarro
Ibong Adarna C&E Publishing Inc.
https://www.youtube.com/watch?v=FdX-EFgfQj0
https://tl.man-woman-life.com/publication/394106/

Kagamitan:
Para sa face to face
Diagram ng Mahalagang Detalye
Powerpoint presentation
Video
Kopya ng mga kuwento
Para sa Modular Distance Learning (MDL)
Kopya nitong Modyul
Para sa Online Distance Learning (ODL)
Maaaring bisitahin ang mga sumusunod na link
https://www.youtube.com/watch?v=FdX-EFgfQj0
https://www.youtube.com/watch?v=809xv3Z1Er4

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

III. Pamamaraan

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin / Balik-aral

Magandang araw sa iyo!

Narito akong muli upang samahan ka sa iyong pag-aaral.


Handa ka na bang malaman ang mga gagawin natin
upang makilala mo ang mga tauhan sa Ibong Adarna?

Mayroon ka bang ideya tungkol dito? Kung WALA huwag kang mag-alala
tutulungan kita sa iyong pag-aaral ukol dito.

Handa ka na ba? Siguradurin lamang na buo ang iyong atensyon at walang


anumang abala habang mag-aaral tayo.

O sige, simulan na natin! Tara!

Nakaaakit ang ganda ng Ibong Adarna hindi ba? Sa


pambihirang ganda at taglay na kapangyarihan
talaga namang bahagi na ito ng ating kasaysayan.
Alam mo bang may malaking bahagi ang mga ibon
sa buhay nating mga tao? Sa katunayan,
ginagamit ang ibon bilang simbolo ng iba’t
ibang mitolohiya, kuwentong bayan at
maging sa bibliya. Ang ilan sa
sinisimbolo ng ibon ay ang araw, hangin,
Diyos ang tagapaglikha, imortalidad ng
kaluluwa, kalinisan, inspirasyon,
propesiya, at kalayaan.

Ano pa man ang sinisimbolo ng ibon sa


atin buhay ay nakatitiyak tayo na may
dahilan kung bakit sila nandito sa mundo kasama
natin bilang mga tao. Gaya ng Ibong Adarna hindi
https://banner2.cleanpng.com/20180
420/vwe/kisspng-ibong-adarna- lamang siya isang ordinaryong ibon sa buhay ng mga
tagalog-history-of-the-philippines-bo-
discuss-vector- tauhan sa akda. Alamin natin kung sino sa buhay ng
5ad9cbd84fa8e7.0218321215242229
363263.jpg tatlong prinsipe at kanilang amang hari ang Ibong Adarna sa
pamamagitan ng mga iba’t ibang gawain na inihanda para sa iyo.

Ang araling ito ay naglalayong ipakilala sa iyo ang mga tauhan na nagsipagganap sa Ibong
Adarna. Sa pagtatapos ng aralin ay lubos mong makikilala ang bawat katangian at papel na
ginampanan ng mga tauhan sa akda.

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Gawain: 1
Pamagat: E-bon!

Bilang panimulang gawain, sagutin ang E-bon na tutulong sayo upang kilalanin pa ang iyong
sarili. Paalala: Huwag munang tingnan ang susunod na pahina hanggat hindi natatapos ang
kwento at nakapipili ng iyong sagot.
Para sa ODL: https://www.youtube.com/watch?v=809xv3Z1Er4

https://cdn4.vectorstock.com/i/1000x1000/21/48/toucan-on-bamboo-border-vector-24212148.jpg

A. Itim B. Bughaw C. Puti D. Ginto

https://cdn.download.ams.birds.cornell. https://tattooartfromtheheart.com/wp- https://i.pinimg.com/originals/97/70/f4 https://www.miller.fr/media/cache/def


edu/api/v1/asset/44584641/1800 content/uploads/2018/08/6b22d3d8a02 /9770f4b2392dd2332ea1e4992c1c9175.j ault/bundles/miller/images/products/br
92de7e58dda7f831431fe.jpg pg oche-oiseau-perche-en-or-jaunes-rubis-
emeraudes-et-saphirs-3.jpg?og=1

Ang ibon na pumasok sa iyong kwarto ay sumisimbolo sa swerte mo sa buhay. Ang pagbabago
ng kulay nito ay patunay lamang na nagbabago ang kaligayahan na ating nadarama. Ang
reaksyon mo sa sitwasyong ito ay nagpapakita kung papaano mo haharapin ang hirap at
problema mo sa buhay. Tignan natin ang mga pagpapakahulugan ng napili mong kulay ng ibon.

a. ITIM- ikaw ay pessimist o negatibo kung mag-isip. Hindi mo na inaasahan na


magbabago pa ang iyong sitwasyon kapag ito ay naging malala na.
b. BUGHAW- Ikaw ay isang optimist o positibo kung mag-isip. Naniniwala kang posible
pang bumalik sa normal ang lahat ng bagay.
c. PUTI- Ikaw kalmado sa oras ng kagipitan. Hahanap ka ng paraan upang
masolusyunan ang iyong mga pagsubok.
d. GININTUAN- Ikaw ay walang kinatatakutan. Hindi ka naniniwala na walang solusyon
ang mga problema at handa kang harapin ang lahat ng mga ito.

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Kamusta? Nagtugma ba ang iyong personalidad sa napili mong ibon?


Masaya ako dahil nagustuhan mo ang ating panimulang gawain.

Sa bahaging ito ay dadako na tayo ating aralin.

Handa ka na ba? Kaya mo yan!

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

Para sa Online Distance Learning (ODL):


https://www.youtube.com/watch?v=FdX-EFgfQj0

Ngayon nagkaroon ka ng pagkakataon na kilalanin pa ang iyong sarili, atin namang kilalanin
ang mga tauhan sa akda ng Ibong Adarna.

MGA PANGUNAHING TAUHAN MGA PANTULONG NA TAUHAN


Ibong Adarna Donya Maria Haring Salermo Arsobispo
Don Juan Prinsesa Leonora Mediko Negrito at Negrita
Don Fernando Donya Juana Unang Ermitanyo Lobo
Donya Valeriana Ikalawang Ermitanyo Higante
Don Pedro Ikatlong Ermitanyo Serpiyente
Don Diego Ikaapat na Ermitanyo Olikornyo
Ikalimang Ermitanyo Agila
Ikaanim na Ermitanyo

1. Don Juan 13. Ikatlong Ermintanyo

Si Don Juan ang bunso ni Siya ang nagpagaling kay


Don Fernando at ni Donya Don Juan noong siya’y
Valeriana. Sa tatlo, siya ang sugatan dahil sa
pinakamahal ni Don pambubugbog ng kaniyang
Fernando dahil siya ay mga kapatid.
puno ng kabaitan. Mahal
na mahal rin ni Don Juan
ang mga kapatid niya.

2. Donya Maria 14. Ikaapat na Ermitanyo

Siya ang magandang dalaga Siya ay naawa at nagbigay


na iniibig ni Don Juan. Anak ng pagkain kay Don Juan
siya ni Haring Salermo ng habang naglalakbay
Reino de los Cristal. patungong Reino de los
Cristal.

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

3. Don Pedro 15. Ikalimang Ermintanyo


Si Don Pedro ang
panganay na anak nina Nakilala siya ni Don Juan
Don Fernando at Donya habang naglalakbay
Valeriana. patungong Reino de los
Cristal. Siya ay may alagang
olikorniyong sinakyan ni
Don Juan upang makilala
ang ikaanim na ermitanyo.
4. Prinsesa Leonora 16. Ikaanim na Ermitanyo

Si Prinsesa Leonora ang Siya ang ermitanyong may


dalagang nakatira sa alagang agila na naghatid
kahariang matatagpuan sa kay Don Juan sa Reino de
ilalim ng mahiwagang los Cristal.
balon.
5. Don Diego 17. Arsobispo

Si Don Diego ang Siya ang nagkasal sa


pangalawang anak nina magsing-irog na sina Don
Don Fernando at Donya Juan at Donya Maria at Don
Valeriana Pedro at Prinsesa Leonora.

6. Donya Juana 18. Negrito at Negrita

Si Donya Juana ang Ang negrito at negrita ay


nakatatandang kapatid ni mga taong nasa loob ng
Prinsesa Leonora. prasko. Inutusan silang
magtanggal ni Donya Maria
upang manumbalik sa
alaala ni Don Juan ang pag-
ibig nito sa Donya.
7. Don Fernando 19. Ibong Adarna

Si Don Fernando ang Ang tanging mahiwagang


makatarungan hari ng ibon na
Berbanya. Siya ang ama makapagpapagaling sa
nina Don Pedro, Don hindi maipaliwanag na
Diego at Don Juan. sakit ni Don Fernando.

8. Donyan Valeriana 20. Lobo

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Si Donya Valeriana ang Isang makapangyarihang
butihing asawa ni Don hayop na nakapagpagaling
Fernando at reyna ng kay Don Juan noong siya ay
Berbanya. Siya ang sugatan sa ilalim ng balon.
mapagmahal na ina nina
Don Pedro, Don Diego at
Don Juan.

9. Haring Salermo 21. Higante

Si Haring Salermo ang ama Ang mabagsik na nilalang


ni Donya Maria at hari ng na ito ay ang
Reino de los Crsital tagapagbantay ni Prinsesa
Juana.

10. Mediko 22. Serpiyente

Siya ang tanging nakatalos Ang makapangyarihang


sa sakit Haring Fernando. nilalang na ito ay
Ipinayo niyang hanapin nagtataglay ng pitong ulo.
ang Ibong Adarna Ito ang tagapangalaga ni
sapagkat ang awit nito ang Prinsesa Leonora.
tanging lunas sa sakit ni
Don Fernando.
11. Unang Ermitanyo 23. Olikornyo

Ang matandang ketonging Ito ang naghatid kay Don


nilimusan ni Don Juanng Juan sa Ikaanim na
pagkain. Siya ang Ermitanyo na magbibigay
tumulong kay Don Juan daan sa upang matagpuan
upang mahuli ang Ibong ng Don ang Reino de los
Adarna. Cristales.
12. Ikalawang 24. Agila
Ermitanyo
Isang higanteng ibon na
Siya ang nagturo kay Don nagturo at nagdala kay
Juan kung paano Don Juan sa Reino de Los
mahuhuli ang Ibong Cristal.
Adarna sa Bundok Tabor.

Ang larawan ay kuha mula sa CE-Learning ng Ibong Adarna na inihanda ni Emerlinda G. Cruz

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Gawain: 2
Pamagat: Sinetch Itey!

Ikaw ay naimbitahan sa sikat na Showbiz Talkshow ng ating bansa. Bilang guest ikaw
maglalaro ng tinatawag na Sinetch Itey. Kailangan mong mahulaan kung sino sa mga tauhan
ng Ibong Adarna ang tinutukoy sa bawat bilang.

1. Sinetch Itey! Isang butihing asawa ng isang sakiting hari na ang


pangalan ay hawig sa salitang ballerina.

Sagot:

2. Sinetch Itey! Lucky 7 ang head na personal security guard ni Prinsesa


Leonora

Sagot:

3. Sinetch Itey! Imbes na evil sister ay evil brother pala. Panganay na


kapatid ni Don Juan na may masamang balak sa kaniya.

Sagot:

4. Sinetch Itey! Hindi lang pala tinaguriang man’s bestfriend pati


panggagamot pinasukan na rin niya. Kapag nakita mo siya
mapapakanta ka nalang ng “Ako ay may ____. Lumipad sa langit.”
Sagot:

5. Sinetch Itey! Colorful na bird na kumakalaban pa kay Regine


Velasquez sa pagiging songbird. Siya ang tanging lunas sa hindi
maipaliwanag na sakit ng hari ng Berbanya.
Sagot:

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Gawain: 3
Pamagat: Ipaglaban Mo!

Paggising mo ikaw ay nagulat sa iyong nakita, ikaw nasa Supreme Court. Bilang Punong
Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ikaw ay naatasan na tukuyin ang tunay
na salarin sa pagkawala ni Don Juan matapos siyang maglakbay para hanapin ang Ibong
Adarna. Pumili sa mga wanted list na nasa ibaba at patunayan na siya nga ang nagkasala batay
sa mga nakalap na ebidensiya.

https://thumbs.dreamstime.com/z/court-building-interior-courtroom-trial-process-lawyer-attorney-giving-
speech-to-judge-witness-vector-flat-128244555.jpg

Haring Salermo Don Pedro Don Fernando

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Paalala: Maaari mong buklatin ang iyong Ibong Adarna at basahin ang Aralin 10 hanggang 13.

Buod ng Ibong Adarna


(Aralin 10-13)

Aralin 10: Ang katampalasan nina Don Pedro at Don Diego


Bumalik sa palasyo ng Berbanya sina Don Pedro at Don Diego. Dinatnan nilang nakaratay pa
rin ang amang hari. Nagpilit bumangon si Haring Fernando at sabik na niyakap ang dalawang
anak na matagal na hindi nakita. Agad din nanlumo ang hari nang malamang hindi kasamang
nagbalik si Don Juan. Tinanong ng hari kung nasaan si Don Juan ngunit ang sagot ng
magkapatid ay ewan nila. Iniharap sa hari ang Ibong Adarna at laking pagkabigla nito dahil
pangit at lulugo-lugo ang ibon. Labis na pinagtakhan ng hari ang sinabi ng medikong paham
na ang ibon ay makapitong ulit na nagbihis ng anyo at nagpapalit ng kulay ng balahibo. Natiyak
ng hari na sa anyo na iyon ng ibon ay hindi siya magpapagaling ng awit nito at sa halip at lalo
pa siyang lulubha. Muling naalala ng hari ang panaginip na naging sanhi ng malubha niyang
sakit. Pinaslang daw ng dalawang buhong si Don Juan. Lalong lumubha ang kalagayan ng hari
sa paglipas ng mga araw. Ayaw pa ring kumanta ng ibon sapagkat wala ang tunay na
nagmamay-ari sa kanya na walang iba kundi si Don Juan. Umaasa ang ibon na buhay pa ang
prinsipe at matutuklasan din ng mga magulang ang naging kataksilan nina Don Pedro at Don
Diego.

Aralin 11: Ang Panalangin ng Prinsipe


Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila papanawan ng bait sa hirap na dinaranas. Maga
ang buong katawan niya, may pilay sa tadyang at matindi ang nararamdamang gutom at
pagkauhaw. Wala siyang makitang kaligtasan o maaaring makatulong kaya anumang oras ay
maaari siyang mamatay. Tanging panalangin ang huli niyang pag-asa. Nagdasal siya sa Mahal
na Birhen upang humaba pa ang buhay at iligtas ang amang may karamdaman. Hindi niya
mapaniwalaan ang ginawa sa kaniya nina Don Pedro at Don Diego sapagkat para sa kanya ang
karangalan nilang tatlo ay iisa. Kaya niyang ipagkaloob ang Ibong Adarna sa dalawang kapatid
kung iyon ang hangad ng mga ito at hindi na siya kailangang pagtaksilan pa. Naalala niya ang
mga magulang lalo na ang kalagayan ng ama sa gitna ng pagnanaknak ng kanyang mga sugat.
Naalala niya sa gitna ng paghihirap ang bayang kanyang sinilangan, ang palasyong kanyang
kinalakhan at ang pag-aaruga ng mahal na ina na labis na niyang pinananabika.

Aralin 12: Ang Kaligtasan


Sa libis ng isang bundok ay sumulpot ang isang matandang ermitanyo at natagpuan si Don
Juan na nakahandusay sa lupa. Walang malay si Don Juan at bakas pa rin ang pagkalamog ng
katawan. Matinding habag ang naramdaman ng ermitanyo sa sinapit ng prinsipe na kulang na
lamang at datnan ng kamatayan sa pook na iyon. Sa ikalawang pagkakataon ay muli nitong
ginamot ang sugat ng kawawang prinsipe. Iglap na naglaho ang mga sugat ng prinsipe sa
katawan. Tila Diyos ang tingin ni Don Juan sa matandang ermitanyo dahil sa isa na namang
nasaksihang himala. Niyakap niya ang ermitanyo at malugod na nagpasalamat sa pagliligtas sa
kaniyang buhay. Nais niyang gumanti ng utang na loob dito ngunit iyon at itinuring ng
ermitanyo na isang kawanggawa. Inutusan ng ermitanyo na umuwi sa kanilang kaharian si Don
Juan upang iligtas ang buhay ng ama. Nagmamadaling tinulak ng prinsipe ang daan pauwi ng
Berbanya.
10

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Aralin 13: Ang Pagbabalik ni Don Juan
Nakabalik ng kaharian ng Berbanya si Don Juan. Namutla sina Don Pedro at Don Diego nang
makita ang bunsong kapatid. Agad na lumuhod ng hari si Don Juan habang nakaratay pa rin sa
higaan ang ama. Umawit ang Ibong Adarna at inilahad ang buong katotohanan. Pitong ulit
itong nagpakitang gilas ng pagpapalit ng balahibo habang isinasalaysay ang mga pinagdaanang
hirap ni Don Juan hanggang pagtaksilan ng dalawa ng sukab na prinsipe. Matapos ang
ikapitong awit ng ibon ay tila hindi man lamang nagkaroon ng karamdaman ang hari at bigla
itong nakatayo. Sa labis na kagalakan ay niyakap si Don Juan at hinagkan pati ang ibon. Tinipon
niya ang mga kagawad ng palasyo upang hatulan na ipatapon sina Don Pedro at Don Diego
bilang kaparusahan. Nahabag si Don Juan sa mga kapatid kaya agad lumuhod sa harap ng ama.
Inihingi niya ng kapatawaran ang dalawang kapatid. Lumambot ang puso ng hari dahil sa
kababaang loob ng kanyang bunso. Pinatawad ng hari ang dalawang prinsipe sa pangakong
hindi na mauulit ang kataksilang iyon sapagkat sa susunod ay kamatayan na ang magiging
kapalit. Labis ang kagalakang niyakap ni Don Juan ang dalawang kapatid. Nagbalik ang
kasiyahan sa buong palasyo dahil sa tuluyang paggaling ng hari ang naging aliwan ang pag-
awit ng Ibong Adarna.

Panuto: Batay sa binasang buod ng Ibong Adarna mula sa Aralin 10-13 suriin natin ang
pagkatao ng bawat tauhan na nabanggit sa bawat kabanata. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.

1. Sa hirap na dinanas ni Don Juan dulot ng pagtataksil ng kaniyang mga kapatid tanging ang
pagdarasal sa Mahal na Birheng Maria ang kaniyang naging sandalan sa gitna ng
paghihirap. Si Don Juan ay mayroong ___________ sa Mahal na Birheng Maria.
a. hinanakit c. pananampalataya
b. takot d. pangamba
2. Dahil sa pagnanais na maging hari ng Berbanya, nagawang magtaksil ni Don Pedro sa
tulong ni Don Diego na saktan ang bunsong kapatid upang mapasakanila ang Ibong
Adarna. Si Don Pedro ay ______________ sa kapangyarihan.
a. ganid c. natutuwa
b. sabik d. nagagalak
3. Dahil sa ginawa nina Don Pedro at Don Diego, kahit na naiuwi ang Ibong Adarna sa
kaharian ng Berbanya hindi ito umawit para mapagaling si Haring Fernando. Ang Ibong
Adarna ay ___________ sa tunay na nagmamay-ari sa kaniya.
a. takot c. nagmamahal
b. tapat d. nasasabik
4. Sa gitna ng paghihirap ni Don Juan dahil sa pagtataksil ng kaniyang mga kapatid sa kanya
ay dumating ang isang matandang ermitanyo upang gamutin si Don Juan ng walang
hinihinging kapalit. Ang matandang ermitanyo ay isang ______________ na nilalang.
a. mapagsamantala c. matulungin
b. magnanakaw d. nakakatakot
5. Sa pagkakasiwalat ng katotohanan sa sinapit ni Don Juan at ginawa nina Don Pedro at Don
Diego nagpasya si Haring Fernando na ipatapon ang dalawa kahit na sila ay mga anak nito.
Ang hari ay naniniwala sa _______________ kaya’t dapat maparusahan ang mga
nagkasala.
a. milagro c. kapatawaran
b. katarungan d. pagkapantay-pantay

11

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

Gawain: 5
Pamagat: Ipaliwanag natin!

Paalala: Maaari mong buklatin ang iyong Ibong Adarna at basahin ang Aralin 14 hanggang 17.

Buod ng Ibong Adarna


(Aralin 14-17)
Aralin 14: Ang Muling Pagtataksil
Labis na nalugod ang hari sa Ibong Adarna. Gabi-gabi nitong dinadalaw ang mahiwagang ibon
sa hawla. Maging ang reyna ay nakadama ng paninibugho dahil sa labis na kaluguran ng hari
sa ibon. Upang hindi na mawalay ang ibon ay nagpasya ang hari na pabantayan ito sa mga
anak. Nagbilin ang hari na mananagot sa kanya ang sinumang magpabaya sa tatlo. Halinhinan
ang tatlong prinsipe sa pagbabantay. Ikinainis ni Don Pedro na maging tagapagbantay lamang
siya ng ibon gayong isa siyang prinsipe. Si Don Diego ay madalas antukin at naiinip sa bagal ng
oras habang nagbabantay. Kinakausap naman ni Don Juan ang Ibong Adarna sa tuwing siya
ang tagapagbantay upang hindi dalawin ng antok. Muling nagplano ng kataksilan sina Don
Pedro at Don Diego. May pag-aalinlangan si Don Diego subalit nangako si Don Pedro na ito
ang magiging kanang kamay sakaling siya na ang maging hari. Sa dalawang magkasunod na
iskedyul ng pagbabatany sa Ibong Adarna ay nakatulog si Don Juan sa labis na puyat at pagod.
Hindi niya namalayan nang pakawalan nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna.

Aralin 15: Ang Muling Paglisan ng Bunsong Prinsipe.


Hindi pa man nagliliwanag ay nagpasya nang lumisan ni Don Juan sapagkat nabatid na niya
ang naging pagkakamali at kailangan niyang magtago. Sa paggising ng hari sa umagang iyon
ay agad nagtungo sa silid na kinaroroonan ng Ibong Adarna. Laking panggigilalas niya nang
malamang wala ang ibon sa hawla. Agad ipinatawag ng hari ang tatlong anak subalit dalawa
lamang ang humarap. Muling humabi ng kasinungalingan ang dalawang buhong na prinsipe
subalit hindi agad sila pinaniwalaan ng hari. Ipinahanap ng hari a ng bunsong anak ngunit hindi
na ito matagpuan sa loob ng palasyo. Sinabi nina Don Diego at Don Pedro na nagtaksil si Don
Juan at kanilang hahanapin upang iharap sa ama para mapatawan ng parusa. Umalis ang
dalawa upang hanapin ang nagtatagong si Don Juan. Nilakbay nila ang bukid, burol at bundok
subalit hindi nila natagpuan ang bunsong kapatid. Hanggang sa narating nila ang kabundukan
ng Armenya kung saan naroon si Don Juan.

Aralin 16- Ang Bagong Paraiso


Isang paraiso sa kagandahan ang kabundukan ng Armenya. Napakaganda ng paligid.
Maraming hayop at mga pananim dito gaya ng mga puno at bungang kahoy. Napakarami ring
ibon dito gaya ng maya, pugo at kalaw, may pandanggo at kumintang, may mga limbas, uwak
at lawin. Napakalinaw ng tubig sa batis at napakaraming suso na nakakapit sa mga batuhan.
Walang magugutom sa pook na iyon dahil sa mayamang kalikasan. Doon na nanirahan si Don
Juan upang pagtakpan at huwag maparusahan ang tunay na maysala sa pagkawala ng Ibong
Adarna. Nahihiya si Don Diego na humarap kay Don Juan dahil sa nagawa na namang
pagkakasala subalit dahil sa panunulsol ni Don Pedro ay nagpasya silang manirahan na rin
12

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
doon kasama ni Don Juan. Hindi naman magawang tumanggi ni Don Juan dahil sa pagmamahal
sa mga kapatid. Isang magandang bahay na gawa sa kahoy ang naging tahanan ng tatlong
prisipe at maligaya silang nanirahan sa Armenya. Napakaamo ng mga hayop sa kanila tila mga
panginoon sila kung ituring. Sa paglipas ng panahon, nagpasya ang tatlo na tuklasin ang bahagi
ng kabundukan na hindi pa nila nararating. Sa katanghalian tapat ay naglakbay ang tatlo para
maghanap ng bagong kapalaran.

Aralin 17- Ang Mahiwagang Balon ng Armenya


Isang balon ang nakita ng tatlong magkakapatid na prinsipe. Ang bunganga ng balon ay batong
marmol na makinis at ang lumot sa paligid ay mga gintong nakaukit. Mangha ang tatlong
prinsipe habang nakatingin sa napakalalim na balon gayong wala itong tubig. May lubid na
naroon upang magamit ng sinumang nais magtangkang bumaba. Naunang bumaba sa balon
si Don Pedro sapagkat siya ang panganay. Tatlumpung dipa lamang ang nalusong ni Don Pedro
sapagkat hindi niya nagawang tagalan ang labis na kadilim sa loob ng balon. Ang sumunod na
bumaba ay si Don Diego ngunit hindi rin niya iyon nagawang tagalan. Natulala sa takot ang
pangalawang prinsipe nang tangkaing tuklasin ang lihim na balon. Si Don Juan ang
pinakahuling sumubok na bumaba ng balon. Bagama’t napakadilim sa loob ng balon ay buong
tapang na hinarap ni Don Juan ang malaking takot na hindi nagawang harapin ng dalawang
kapatid. Malalim na ang nararating ni Don Juan at patuloy pa rin siya sa pagbaba. Nainip na si
Don Pedo sapagkat hindi pa umaahon si Don Juan samantalang nababahala si Don Diego na
baka napahamak ang bunsong kapatid.

Panuto: Ibigay ang angkop na salita na bubuo sa mga letrang nasa kahon. Matapos mabuo
ang salita ipaliwanag sa loob ng isang pangungusap kung bakit ito ang iyong naging sagot batay
sa mga binasang aralin.

1. Ano ang namamayani sa puso nina Don Pedro at Don Diego kung bakit paulit-ulit
nilang pinagtataksilan ang kanilang kapatid na si Don Juan?
N N G O
_____________________________________________________________________

2. Ano ang nawala kay Don Fernando kung kaya’t napaniwala siya ng dalawang tusong
prinsipe na si Don Juan ang dahilan ng pagkawala ng Ibong Adarna.
T A
_________________________________________________________________

3. Napagdesisyunan ng tatlong prinsipe na tumira sa Armenya at magbagong buhay


dahil nakita nila ang taglay na ganda ng lugar at tinuring pa nila ito na ___________.
R S
___________________________________________________________________

4. Tumakas at nagpakalayo-layo si Don Juan dahil sa pagkakawala ng Ibong Adarna kaya’t


napadpad siya sa Bundok Armenya. Nawalan ng ________________ si Don Juan kaya
ang pagtakas ang pumasok sa kaniyang isip nang mga oras na iyon.
P N D G N

13

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
___________________________________________________________________

5. Matapos ang lahat ng pagkakasala ng dalawang prinsipe kay Don Juan at bukas palad
pa rin nitong tinanggap ang dalawa sa buhay niya. Si Don Juan ay isang __________
na kapatid.
A P T W A
____________________________________________________________________

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain: 6
Pamagat: SOCO na’ko!

Ikaw ang pinakamagaling na secret agent ng SOCO at naatasan kang tukuyin at patunayan sa
hari ng Berbanya kung sino ang tunay na may sala sa pagkawala ng Ibong Adarna. Maaari ka
lamang gumamit ng tatlong (3) bagay o pangalan ng tao na sa tingin mo ay magpapatibay
ng iyong ebisensya. Sa ganitong paraan, maililigtas mo si Don Juan sa tiyak na kaparusahan.

______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
https://image.shutterstock.com/image-vector/angry-king-shouting-character-sits-260nw-1556191742.jpg
https://vignette.wikia.nocookie.net/moshimonsters/images/a/a7/Mystery_Box_angel.png/revision/latest?cb=20141206191337
https://previews.123rf.com/images/thodoristibilis/thodoristibilis1404/thodoristibilis140400010/27565863-cartoon-smart-detective-in-investigation-with-blue-coat-looking-through-big-magnifying-glass-smiling.jpg

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay

Gawain: 7
Pamagat: Ang Ibong Adarna ng Buhay ko!

Batay sa binasang aralin, ang Ibong Adarna ang napagpagaling sa malubhang karamdaman ng
Hari ng Berbanya. Ang Ibong Adarna rin ang nakapagpapagaan ng pakiramdam ng hari kung
kaya’t ganoon na lamang ang pagpapahalaga nito sa mapanghimalang ibon. Ikaw sino ang
nagsisilbing Ibong Adarna mo sa mga panahon na ito? Paano nito napagagaan ang iyong

14

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
pakiramdam sa gitna ng mga problema at paano mo ito pinahahalagahan upang hindi ito
mawala sa iyo? Isulat ang iyong sagot sa scroll.
https://images.squarespace-cdn.com/content/v1/508da03be4b0d28844ddf21c/1534914300665-J9DJMQDUYW0WAFMD9X77/ke17ZwdGBToddI8pDm48kImdBljZD8mnb_VA0z0Yz2lZw-

zPPgdn4jUwVcJE1ZvWEtT5uBSRWt4vQZAgTJucoTqqXjS3CfNDSuuf31e0tVGQSKhN7lXgFRv_ROs5KQV5snfw_YWG__mZpp_j1rFYujSjooMnwfAXwC-gdkrYIs4/Adarna.jpg?format=500w

H. Paglalahat ng Aralin

Sa pagtalakay ng mga aralin ng Ibong Adarna ay nakilala natin ang mga tauhan mula sa akda.
Tinulungan tayo ng mga iba’t ibang gawain upang maunawaan natin ang ginampanan nilang
papel sa kwento. Sa bahaging ito sino sa mga tauhan ang lumutang sa iyo bilang
mambabasa na kung saan ay may malaking bahagi sa kabuuan ng kuwento. Paano ka
naapektuhan ng kaniyang karakter habang binabasa mo ang mga aralin?

Larawan o Guhit ng Napiling Pagpapaliwanag


Tauhan

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

Napakahusay mo at nasagutan mo ang mga gawain. Sa palagay


ko handa ka ng sagutin ang Pangwakas ng Pagsusulit. Ito na ang
pagkakataong mataya ang iyong natutuhan.

Walong puntos ang target mong puntos na makuha dito.

Kayang kaya mo yan!!!

15

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ayon sa mediko ano ang tanging lunas sa hindi maipaliwanag na karamdaman ng Hari
ng Berbanya na si Don Fernando?
a. Ibong Pipit c. Ibong Adarna
b. Ibong Agila d. Ibong Kalapati
2. Sino ang unang nagpasyang maglakbay upang hanapin at huliin ang Ibong Adarna para
sa lunas sa sakit ni Don Fernando?
a. Don Pedro c. Don Juan
b. Don Diego d. Don Facundo
3. Walang ibang tumulong kay Don Juan mula sa bingit ng kamatayan buhat ng ginawa
sa kaniya ng kaniyang mga kapatid na prinsipe kundi ang ____________.
a. matandang tindero c. matandang ermintanyo
b. matandang sugarol d. matandang maniningil

Para sa bilang 4-7: Hango mula sa patulang bersyon ng Ibong Adarna (Aralin 10-13)
4. Ano ang nais ipahiwatig ni Don Fernando sa kanyang pahayag na,
“Ano kaya ang dahilan
Ng sa ibong pamamanglaw?
Kung ang ibong ito’y ganyan
Lalo ko lang kamatayan.”
a. Hindi siya kayang pagalingin ng Ibong Adarna
b. Wala nang lunas sa kaniyang malubhang karamdaman
c. Nagtataka siya sa pananamlay ng Ibong Adarna at nag-aalala na baka hindi nito
malunasan ang kanyang karamdaman.
d. Natatakot ang hari na may nangyaring masama sa kaniyang bunsong anak.
5. “O, Birheng Inang marilag,
Tanggulan ng nasa hirap
Kahabagan di man dapat
ang aliping kapuspalad.”
Sa panahon na naghihirap si Don Juan, siya ay nanalangin sa Mahal na Birheng Maria.
Anong pag-uugali ang mayroon si Don Juan?
a. Pagkatamad c. Pagkamaka-Diyos
b. Pagkamakabayan d. Pagkamakakalikasan
6. Ang tanging nasabi ni Don Juan sa matandang ermitanyo matapos niya itong gamutin
ay,
“Utang ko sa inyong habag
Ang buhay kong di nautas,
Ano kaya ang marapat
Iganti ng abang palad?”
Si Don Juan ay marunong tumanaw ng ______________.
a. Utang na may patubo c. Utang na doble ang tubo
b. Utang na walang tubo d. Utang na loob.
7. Ano ang nagyari sa Ibong Adarna nang makita niyang dumating si Don Juan batay sa
saknong na,

16

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph
G7-FILIPINO/ IKAAPAT NA MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Magkagay’y ang Adarna
Namayagpag na sa hawla
Balahibong pangit niya’y
Nahalinhan ng maganda
a. nalagas ang mga balahibo c. nasunog ang mga balahibo
b. naging makulay muli d. naging kulot ang mga balahibo

Para sa bilang 8-10: Hango mula sa patulang bersyon ng Ibong Adarna (Aralin 14-17)
8. Si Don Pedrong pinatawad
Sa gawang di marapat
Sa sarili’y naging galak
Kapatid ay… ipahamak!
Ano ang ipinahihiwatig ng saknong tungkol kay Don Pedro?
a. May binabalak na namang masama si Don Pedro kay Don Juan
b. May iuutos si Don Pedro kay Don Juan bilang kaniyang nakatatandang kapatid.
c. Samamahan ni Don Pedro ang kapatid na bumili ng alak.
d. Bibigyan niya ang nakababatang kapatid ng sandamakmak na pilak.
9. Bago mitak ang umaga
si Don Jua’y umalis na,
wika’y “Ito ang maganda
natatago ang may sala.”
Tumakas si Don Juan nang makita na nawawala ang Ibong Adarna dahil siya ay ____.
a. natuwa c. nagutom
b. naduwag d. naihi
10. Ano ang naramdaman ni Don Diego nang matagpuan nila ang kanilang kapatid na si
Don Juan sa Armenya batay sa saknong na,
Nagkita na’t nagkaharap
Ang hanap at humahanap
Si Don Diego nang mangusap
Hiya’t takot ang nahayag
a. natutuwa at natatakot c. nahihiya at natatakot
b. naluluha sa kaligayahan d. natatakot at natutuwa

Lubos akong nagagalak sa ipinakita mong katapatan sa


iyong pagsagot. Ilan ang iyong nakuhang puntos?
______________

Binabati kita!

Hanggang sa muli!

_____________________________ _____________________________
Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

17

Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City


Telephone No.: (045) 982-0374
Email Address: tarlac@deped.gov.ph

You might also like