Pagsusulat Masusing Banghay Sa Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Masusing Banghay sa Makro ng Pagsulat

Baitang 7
Unang Markahan
I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. ) Naisusulat ang buod ng binasang kwento nang maayos at may kaisahan ang
mga pangungusap. (F7PU-lf-g-4)

II. PAKSANG ARALIN


A. Pagsulat ng buod ng Maikling Kwento na Sandaang Damit ni Fanny Garcia
Sanggunian: http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/2013/02/sandaang-damit-
ni-fanny-garcia.html?m=1
https://www.panitikan.com.ph/sandaang-damit-buod
B. Kagamitan : Cartolina, filtep pen, scatchtape, gunting
C. Estratehiya : Pasaklaw na Pamamaraan

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


Paunang Gawain
 Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. Panginoon, maraming salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong
pagkakataon upang kami ay matuto.
 Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral Gawaran mo kami ng isang bukas na
upang pangunahan ang panalangin. isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang
mga aralin na makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

Magandang araw po Binibini.

 Pagbati
Magandang araw mga bata !
 Pagsasaayos ng silid aralan
Guro: Bago natin simulan ang talakayan sa
araw na ito ay dapat na tandaan na makinig
sa ating klase at itaas ang kamay kung nais
sumagot o kung may mga katanungan.
Pag tsek o pagtala ng lumiban at hindi
lumiban

 Paglalahad ng Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
a.) Naisusulat ang buod ng binasang kwento
nang maayos at may kaisahan ang mga
pangungusap.

A. Paghahanda ( Paglalahad ng Suliranin,


Pagganyak, Pagpapahalaga*)

 Story Strip
 Maglalagay ng 5 istrip ng kwento sa pisara
at isasaayos ito sa tamang pagkakasunod- Mag-aaral : Napansin po namin na ang
sunod ng mga pangyayari ng mga mag-aaral. kwento ay pinaikli o binuod.
Gagamitin ang titik A-E sa pagsasaayos ng
mga pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Mag-aaral: Opo!

Guro: Magaling. Ano ba ang inyong napansin sa


ating ginawang aktibiti?

Guro: Tama, Mahusay. Kahit maikli lamang ito ay


makikita parin natin ang kabuuang kwento nito

B. PAGLALAHAD
Guro: Ngayon, mayroon na ba kayong ideya kung
paano bumuod ng isang kwento?

Guro: Ang buod ay siksik at pinaikling bersyon ng


teksto katulad na lamang ng ginawa nating
aktibiti kanina.

Guro: Upang lubos nating maunawaan ang


pagbubuod ng isang kwento, mayroon akong
inihandang maikling kwento na pinamagatang
"Sandaang Damit" ni Fanny Garcia. Pakinggan
nating mabuti. Bago iyan, mayroon akong mga
tanong na maaari nating masagot sa pagtatapos
ng kwento.

Gabay na tanong:
1. Ano ang kalagayan ng batang babae?
2. Ilang damit mayroon ang batang babae?
3. Bakit kaya nagsinungaling ang batang babae?
4. Kung kayo ang nasa kalagayan ng batang
babae, magsisinungaling din ba kayo sa inyong
mga kaklase?

C. PAKIKINIG NG TEKSTO
SANDAANG DAMIT ni Fanny Garcia

May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa


paaralan ay kapansin-pansin ang
kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang
nag-iisa. Laging nasa isang sulok. Kapag
nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko,
mailap ang mga mata, sasagot lamang
kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung
magsalita.
Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang
natuklasang kaiba ang kaniyang
kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid
nila iyon sa kaniya. Mayayaman
sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na
pamasok sa paaralan. Malimit nila
siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit,
kahit nga malinis, ay halatang luma na,
palibhasa’y kupasin at punung-puno ng sulsi.
Ilarawan ang pisikal at emosyunal na kalagayan
ng batang babae.
Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-
kanilang pagkain, halos ayaw niyang
ilitaw ang kaniyang baon. Itatago niya sa
kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso ng
pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang
hindi malaman ng mga kaklase ang
kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang
mata ay masusulyapan niya ang mga
pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng
mga kaklase: mansanas, sandwiches,
kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot
na palara.
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi
nagwawakas sa kaniyang mga damit.
Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang
pagkain at sila’y magtatawanan kapag
nakita nilang ang kaniyang baon ay isa lamang
pirasong tinapay na karaniwa’y walang
palaman.
Kaya lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo.
Mapag-isa.
Ang nangyayaring ito’y hindi naman lingid sa
kaniyang ina. Sa bahay ay di minsan
o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa
panunukso ng mga kaklase, at siya’y
magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kaniyang
ina, matagal itong hindi makakakibo,
at sabay haplos nito sa kaniyang buhok at paalong
sasabihin sa kaniya, hayaan mo
sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo, kapag
nakakuha ng maraming pera ang
iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng
masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng
maraming damit.
At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang
ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng
maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang
buhay. Ngunit ang bata’y unti-unting nakaunawa
sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang
makibahagi sa malaking suliranin
ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin
ang pagdaramdam sa panunukso ng mga
kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi
na siya nagsusumbong sa kaniyang ina.
Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng
kaniyang mga kaklase na siya’y
kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang
kanilang pambubuska. Lumang damit. Di
masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa
kaniyang isip.
Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban.
Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang
nagkatinig ang mahirap na batang
babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma
ang damit, ang batang laging kakaunti
ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang
pagkakataong walang magawa ang
kaniyang mga kaklase at siya na naman ang
kanilang tinutukso.
“Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalaking
tinig, “ako’y may sandaang damit sa
bahay.”
Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase, hindi
sila makapaniwala.
“Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot
mo?”
Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan
ko ang aking sandaang damit.
Ayokong maluma agad.”
“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para
kami maniwala!” Iisang tinig na sabi
nila sa batang mahirap.
“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni
Nanay. Kung gusto n’yo’y sasabihin
ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela,
kung ano ang kulay, kung may laso o
bulaklak.”
At nagsimula na nga siyang maglarawan ng
kaniyang mga damit. Ayon sa kaniya’y
may damit siya para sa iba-ibang okasyon. May
damit siyang pambahay, pantulog,
pampaaralan, pansimbahan, at iba pa.
Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento.
Paano’y inilarawan niya hanggang
kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kaniyang
sandaang damit. Tulad halimbawa ng
isang damit na pandalo niya sa pagtitipon.
Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng
pinaggupit-gupit na mumunting bulaklak at
makikislap na rosas at puting abaloryo.
Bolga ang manggas. May tig-isang malaking laso
sa magkabilang balikat. Hanggang
sakong ang haba ng damit.
O kaya’y ang kaniyang dilaw na pantulog na may
prutas sa kuwelyo, manggas, at
laylayan. O ang kaniyang puting pansimba na may
malapad na sinturon at malalaking
bulsa.
Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga
kaklase. Ngayo’y siya ang naging
tagapagsalita at sila naman ang kaniyang
tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kaniyang
kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang
kaniyang pagkamahiyain. Naging
masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang
kaniyang pamamayat kahit ngayo’y
nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang
baong mansanas o sandwich, isa o dalawang
kendi.
Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang
mahirap na batang babaeng may
sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At
nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang linggong
hindi niya pagpasok ay nabahala ang kaniyang
mga kaklase at guro.
Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang
matagal na lumiban sa klase. Ang
natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray
na sa kalumaan.
Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina
ng batang mahirap. Pinatuloy
sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng
kabahayan na salat na salat sa anumang
marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay
isang lumang teheras at doon nakaratay
ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa
mga dumalaw ay di agad ang maysakit
ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel
na maayos na maayos na nakahanay
at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng
teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon
at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa
dingding ay ang drowing ng bawat isa
sa kaniyang sandaang damit. Magaganda,
makukulay. Naroong lahat ang kaniyang
naikuwento. Totoo’t naroon ang sinasabi niyang
rosas na damit na pandalo sa pagtitipon.
Naroon din ang drowing ng kaniyang pantulog,
ang kaniyang pansimba, ang sinasabi
niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi
nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa
kaniya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay.
Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.

Gabay na tanong:
1. Ano ang kalagayan ng batang babae?

2. Ilang damit mayroon ang batang babae?

3. Bakit kaya nagsinungaling ang batang


babae?

4. Kung kayo ang nasa kalagayan ng batang


babae, magsisinungaling din ba kayo sa inyong
mga kaklase?

D. Talakayan

Guro: Nalaman natin kanina na ang buod ay siksik


at pinaikling bersyon ng teksto. Ang teksto ay
maaaring nakasulat, pinanood o napakinggan.
Mayroong mga hakbang sa pagsulat ng buod.
Mag-aaral: Opo, Ginang!
Guro: Ngayon, naintindihan at nagustuhan niyo
ba ang kuwento?

Guro: Magaling! Dahil na intindihan ninyo ang


kuwento mayroon akon mga katanungan. Mag-aaral: Ang kalagayan po ng batang
babae ay mahirap lamang at inaapi ng
Guro: Ano ang kalagayan ng batang babae? mga kaklase.

Mag-aaral: Mayroon pong isang daang


Guro : Ilang damit mayroon ang batang babae? damit na nakaguhit ang batang babae.

Guro: Bakit kaya nagsinungaling ang batang Mag-aaral: Nagsinungaling po sya


babae? upang tanggapin at hindi na apihin ng
kanyang mga kaklase.

Guro: Kung kayo ang nasa kalagayan ng batang


babae, magsisinungaling din ba kayo sa inyong Mag-aaral: Hindi po, dahil masama ang
mga kaklase? magsinungaling at dapat po hindi tayo
manghusga at mang -api ng ibang tao
dahil lang sa kalagayan nila.
Dahil alam na natin kung paano gumawa ng buod,
dumako naman tayo sa napakinggang kwentong
Sandaang Damit, sa tingin ninyo ano ba ang Mag-aaral: ang simula po ay umiikot
unang pangyayari? ang kuwento sa isang babaeng lumaki
sa kahirapan. Dahil salat sa maraming
bagay, madalas siyang makaranas ng
diskriminisayon sa kaniyang mga
kalaro. May mga panahon na tinutukso
siya ng kaniyang mga kaklase na
mayayaman.
Guro: Magaling! Paano naman nagwakas ang
kuwento? Mag-aaral: Nagwakas ang kwento
nang isang linggo ay lumiban ang
batang babae. Nagalala ang kanyang
guro at mga kaklase kaya dinalaw
nila ito sa kanilang bahay. Nakita nila
ang bata na may sakit at ang mga
papel na nakadikit sa pader,
natagpuan nila ang sandaang damit
ng bata na pawang mga drowing
lamang.
Guro: Napakahusay! Talagang nakinig kayo sa
ating talakayan dahil nasasagot niyo lahat ang
aking mga katanungan.

E. Paglalahat

Guro: Dahil lubos niyo nang naintindihan, ano ang


Mag-aaral : Huwag maging
aral o implikasyon na makukuha ng mga mapanghusga.
mambabasa sa kwentong ito?

Guro: Tama. Ano pa ang maaaring aral na Mag-aaral: Maging kontento kung
makukuha maliban dito? ano ang mayroon sa buhay.

Guro: Magaling! Ang aral na mapupulot ng


mga mambabasa sa kwentong ito ay una ang
hindi maging ambisyosa o makuntento sa
kung ano ang mayroon sa buhay sapagkat
ang paghahangad ng sobra sobra ay ang
nagdulot sa batang babae na gumawa ng
hindi magandang bagay at pangalawa, ang
hindi dapat tayo manghusga nag kapwa natin
malaki ang naidudulot ng panghuhusga sa
isang tao at dahil wala tayong karapatan na
gawin ito sapagkat tayo ay pantay pantay na
ginawa at tayo ay pantay pantay na
mawawala dito sa mundo.

Guro: Magaling! Dahil nauunawaan na ninyo ang


ating paksang aralin magkakaroon tayo ng
pagsubok upang matasa ang inyong kaalaman.
Kumuha ng buong papel.

F. Pagsubok
Panuto: Basahin ng mabuti ang kwento at
gumawa ng buod nito. Isulat sa buong papel. (10
puntos)

“Biag ni Lam-ang ni Pedro Bukaneg”

Sina Don Juan t Namongan ay taga


Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May
isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago
pa isilan si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta
na sa bundok upang parusahan ang isang
pangkat ng mga Igorota na kalaban nila.

Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang


nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano
noong una na tumulong sa mga hilot kung
manganganak ang maybahy nila ngunit dahil
nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila
ang tumulong sa pagsilang ni Namongan.

Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol


at siya ang humiling na "Lam-ang" ang
ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng
magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa
rin niya sa ina ang ama, kung saan naroron ito,
na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang
pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng
ama.
Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si
Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya't
sinundan niya ito sa kabundukan. May dala
siyang iba't- ibang sandata at mga antng-anting
na makapag-bibigay-lakas sa kamiya at
maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang
pinaghandaan niya ang lakad na ito.

Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng


pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip
siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng
ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote.
Galit na galit si Lam-ang s nabatid na sinapit ng
ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng
mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa
pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-
anting. Ang isa sy kaniyang pinahirapan lamang
saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba
pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at
talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan
dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay ng
ama niya.

Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglt


ang tagumpay, pinaliguan siya ng ilang babaing
kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y
naging ugali na noon, na pagdating ng isang
mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan
si Lam-ang, nanagmatay ang mga isda at iba
pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig
dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na
nahugasan sa katawan nito.
Sa kabutihan naman may isang dalagang balita
sa kagandahan na nagngangalang Ines
Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-
ang upang ligawan, kasama ang kaniyang
putting tandang at abuhing aso. Isang masugid
na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si
Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't
sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-
ang.

Napakaraming nanliligaw ang nasa


bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng
paraan upang sila ay makatawag ng pansin.
Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang
nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso
naman ang pinatahol niya at sa isang igalp,
tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin
ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y
ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-an kay
Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang
mga magulang ng dalaga na sila'y payag na
maging manugang si Lam-ang kun ito'y
makapagbibigay ng boteng may dobleng halaga
ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga.

Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian,


kasama si Namongan at mga kababayan, sila
Ines ay ikinasal. Dala nila ang lahat ng
kailangan para sa maringal na kasalan pati ang
dote. Ang masayang pagdiriwang ay sinimulan
s Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan
nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal
nila.
Isa parin s kaugalian sa Kailukuhan, na
pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay
kinakalilangang sumisid s ilog upang humuli ng
rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit siya
ay sinamang palad na makagat t mapatay ng
berkakan (isang urinng pating). Ang mga buto
ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay
ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang
kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay
tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng
engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto.
Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-
asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati
at matiwasay sa piling ng alagang putting
tandang at abuhing aso.

G. Takdang-Aralin

Magsaliksik ng Maikling Kwento at gawan ito ng


buod. Isulat sa buong papel.

Miyembro:
Damondamon, Erica
Jaboneta, Samantha
Macasling, Rejean
Magsucang, Nicole Anne
Seballos, Daniela Jane

You might also like