First Quarter Exam - AralPan 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FIRST QUARTER

SUMMATIVE ASSESSMENT IN ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan: ______________________________________________ Taon/Baitang: _________________

MARAMIHANG PAGPIPILIAN: Piliin at bilugan ang letra ng wastong sagot mula sa pagpipilian.
1. Isang bagay na dapat ay mayroon ka at hindi maaaring mawala.
a. sapatos b. alahas c. puhunan d. pangangailangan
2. Ano ang mahalagang isaalang – alang sa paggawa ng desisyon?
a. Relihiyon, paniniwala, mithiin at tradisyon c. Pangangailangan at kagustuhan
b. Mga dinadaluhang okasyon d. Trade off at opportunity cost
3. Sistema kung saan pinapahintulutan ang pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga
gawain.
a. Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya c. Tradisyunal na Sistemang Pang-ekonomiya
b. Pinag-uutos na Sistemang Pang-Ekonomiya d. Sistemang Pang-ekonomiya Batay sa Pamilihan
4. Ano ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?
a. Pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kaniyang rasyonal na pagdedesisyon
b. Matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap
c. Siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kanyang desisyon
d. Agham ng pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kabila ng suliraning dulot ng
kakapusan
5. Anong bagay ang binibigyang prayoridad at hindi maaring mawala sa isang tao?
a. Tirahan b. Damit c. Pagkain d. lahat ng nabanggit
6. May layuning makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan.
a. Sistemang Pang-ekonomiya c. Sistema ng Pagbabayad ng Buwis
b. Sistema ng Edukasyon d. Sistemang Pangkabuhayan
7. May malayang pagkilos ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan sa usaping nauukol sa kalikasan, katarungang panlipunan at
pagmamay-ari ng estado.
a. Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya c. Tradisyunal na Sistemang Pang-ekonomiya
b. Pinag-uutos na Sistemang Pang-Ekonomiya d. Sistemang Pang-ekonomiya Batay sa Pamilihan
8. Sa ilalim ng command economy, ang pagpapasya ay nakasalalay sa kamay ng;
a. Konsyumer c. Prodyuser
b. Pamilihan d. Pamahalaan
9. Isang sistemang pang-ekonomiya na umiikot lamang ang produksiyon sa mga pangunahing mga pangangailangan.
a. Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya c. Tradisyunal na Sistemang Pang-ekonomiya
b. Pinag-uutos na Sistemang Pang-Ekonomiya d. Sistemang Pang-ekonomiya Batay sa Pamilihan
10. Alin ang naglalarawan sa produksiyon?
a. Pag-angkat ng iba’t ibang produkto mula sa labas ng bansa.
b. Paglikha ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.
c. Nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produto.
d. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.
11. Naiibang salik ng produksiyon dahil ito ay fixed o takda ang bilang.
a. Entrepreneurship c. Lupa
b. Kapital d. Paggawa
12. Nasa kamay ng pamahalaan ang komprehensibong kontrol, regulasyon at pagpapasya sa ekonomiya.
a. Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya c. Tradisyunal na Sistemang Pang-ekonomiya
b. Pinag-uutos na Sistemang Pang-Ekonomiya d. Sistemang Pang-ekonomiya Batay sa Pamilihan
13. Pakinabang ng mga manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod.
a. Interes c. Sahod
b. Kapital d. Upa
14. Tungkulin ng pamahalaan na magbigay ng proteksyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado.
a. Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya c. Tradisyunal na Sistemang Pang-ekonomiya
b. Pinag-uutos na Sistemang Pang-Ekonomiya d. Sistemang Pang-ekonomiya Batay sa Pamilihan
15. Tagapag-ugnay ng mga salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto o serbisyo.
a. Entrepreneur c. Drayber
b. Doktor d. Inhinyero
16. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:
a. pamamahala ng negosyo. c. pakikipagkalakalan.
b. pamamahala ng tahanan. d. pagtitipid.
17. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
a. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na
pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
c. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
d. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
18. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
19. Ginagamit upang mas mapabilis ang paglikha ng panibagong kalakal o produkto.
a. Entrepreneurship c. Lupa
b. Kapital d. Paggawa
20. Salik ng pagkonsumo na nakaiimpluwensiya sa mamimili dahil sa panggagaya nila sa kanilang mga nakikita, naririnig at napapanood sa iba’t ibang uri ng
media.
a. Kita c. Demonstration Effect
b. Mga Inaasahan d. Pagbabago sa presyo

21. Sino ang may akda ng aklat na The General Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936?
a. Antonio Abatemarco c. John Maynard Keynes
b. Frank Ackerman d. Sandra Andraszewicz
22. Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo na kinabibilangan ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang
social media?
a. Demostration Effect c. Kita
b. Mga Inaasahan d. Pagkakautang
23. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?
a. Araw ng eleksyon c. Kaarawan
b. Kalamidad d. Palabas sa telebisyon
24. Alin sa mga sumusunod ang nagpalabas ng karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan?
a. Department of Labor and Employment c. Department of Trade and Industry
b. Energy Regulatory Commission d. Securities and Exchange Commission
25. Sa anong salik na nakakaapekto sa pagkonsumo napapabilang ang mga kalamidad?
a. Demostration Effect b. Kita c. Mga Inaasahan d. Pagkakautang
26. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?
a. Hindi sumusunod sa uso c. Nahuhumaling sa suot ng mga artista
b. Binibili ang mga napapanahong gamit d. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista
27. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong
pangmamimili.
a. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
b. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan
c. Karapatan sa Palatastasan
d. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran
28. Aling batas ang nangangalaga sa kapakanan ng mamimili?
a. Republic Act 10368 c. Republic Act 7160
b. Republic Act 7394 d. Republic Act 9003
29. Tumutukoy sa karapatang maipahayag ang interes ng mga mamimili sa paggawa at pagsakatuparan ng mga patakaran at batas ng pamahalaan.
a. Karapatang Dinggin c. Karapatang Pumili
b. Karapatan sa Kaligtasan d. Karapatan sa Patalastasan
30. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagiging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na
ating ginagamit?
a. Kamalayan sa Kapaligiran c. May Alternatibo o Pamalit
b. Mapanuring Kamalayan d. Pagmamalasakit na Panlipunan
31. Ito ay tumutugon sa reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng Liquified Petroleum Gas.
a. Energy Regulatory Commission c. Department of Environment and Natural Resources
b. Fertilizer and Pesticide Authority d. Securities and Exchange Commission
32. Ito ay may tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating
kapakanan.
a. Kamalayang Kapaligiran c. Mapanuring Kamalayan
b. Pagkilos d. Pagkakaisa
33. Ano ang posibleng dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng suliranin ng kakapusan sa lipunan?
a. Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
b. Maaksayang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman
c. Limitadong pinagkukunang-yaman
d. Lahat ng nabanggit
34. Ano ang pinakamabuting maidudulot ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
a. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong
pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
b. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
c. Magkaroon ng kakayahang makapagturo ng ekonomiks.
d. Maaaring magsilbing kritiko ng pamahalaan.
35. Ang sitwasyong nagpapakita na mahalaga ang may alam sa kahalagahan ng ekonomiks.
a. Wastong pagbabadyet ni Nanay sa maliit na kita ni Tatay.
b. Pagpapaliban sa pagsagot sa iyong modyul.
c. Pagkahumaling sa paglalaro ng Mobile legends.
d. Hindi pagsunod sa utos ni Nanay.
36. Bilang mag-aaral na may tamang kaalaman sa kahalagahan ng ekonomiks, ano ang iyong gagawin kapag madalas mamili ang iyong nanay ng mga
kagamitan sa inyong bahay na hindi naman masyadong kailangan?
a. Pababayaan na lamang siya sa kaniyang kasiyahan. c. Ihanap ng mas murang bilihan sa online.
b. Isumbong siya sa Tatay. d. Ipaliwanag sa kanya na bumili lamang ng mga kailangan.
37. Dahil sa kakulangan sa badyet, gusto ng iyong tatay na mangutang sa lending institusyon. Makatuwiran ba ang desisyon na ito?
a. Oo, dahil kailangan ng pamilya. c. Oo, dahil babayaran naman sa susunod na suweldo.
b. Hindi, dahil nakakahiya sa mga kapitbahay. d. Hindi, dahil makakadagdag sa babayarin.
38. Natanggap ni Ada ang kanyang salary bonus kaya nadagdagan ang kaniyang nabiling groceries. Anong salik ang nakaapekto sa pagtaas ng pagkonsumo
ni Ada?
a. Kita c. Demonstration Effect
b. Mga Inaasahan d. Pagbabago sa presyo
39. Sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo dumadami ang bumibili ng payong at kapote ni Mang Alfon. Anong salik ng pagkonsumo ang nakaaapekto rito?
a. Kita c. Demonstration Effect
b. Mga Inaasahan d. Pagbabago sa presyo

40. Kumuha ng hulugang laptop si Digno upang may magamit siya sa kanyang pagtratrabaho. Huhulugan niya ito ng anim na buwan na may kasamang
interes, kaya naman nang sumunod na buwan bumaba ang kakayahan ni Digno na kumonsumo. Anong salik ang nakaapekto sa pagkonsumo niya?
a. Kita c. Pagkakautang
b. Mga Inaasahan d. Pagtaas ng presyo
41. Bumili si Zion ng produktong inendorso ng kanyang ini-idolong artista. Ano ang salik ng pagkonsumo na nakaaapekto ukol dito?
a. Kita c. Demonstration Effect
b. Mga Inaasahan d. Pagbabago sa presyo
42. Paano mo maipaliliwanag ang kasabihang “there isn’t enough to go around” ayon kay John Watson Howe?
a. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang–yaman.
b. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan.
c. Limitado ang pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan na tao.
d. May hangganan ang lahat ng pinagkukunang yaman ng buong daigdig.
43. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng Department of Trade and Industry o DTI?
a. Ang pagtiyak sa kalidad at kaligtasan ng mga produkto
b. Ang pagmomonitor sa pag-aanunsiyo
c. Ang pagtiyak sa mga produktong pang-agrikultura
d. Ang pagtiyak sa pagbibigay ng sapat na impormasyon at edukasyon sa mamimili.
44. Pagkauwi galing sa paaralan, mas pinili nina Vicky at Nora na magbasa ng kanilang aklat sa ekonomiks kaysa maglaro ng mobile legends kasama ang
mga barkada. Ano ang isinagawa nina Vicky at Nora?
a. Opportunity Cost b. Marginal thinking c. Incentive d. Trade off
45. Sa panahon ng pandemya, higit na mahalaga ang kaalaman sa ekonomiks dahil
a. marami ang nagkakasakit c. marami ang nawalan ng hanapbuhay
b. puno na ang ospital d. kulang na ang mga nars at doktor
46. Aling karapatan ng mamimili ang tumutukoy sa karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi
wasto at hindi matapat na gawain?
a. Karapatang Dinggin c. Karapatan sa Kaligtasan
b. Karapatan sa Patalastasan d. Karapatang Pumili
47. Bakit itinuturing na isang natatanging agham panlipunan ang ekonomiks?
a. Sinusuri at binubuo nito ang kaalaman sa sistematiko at siyentipikong paraan, at upang matugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang - yaman
b. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa
maraming pangangailangan at kagustuhan.
c. Pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan
d. Pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng
kakapusan
48. Bakit kailangang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan?
a. Kailangan ang episyenteng paggamit ng mga pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan
ng mga tao.
b. Mas marami ang suplay ng mga pangunahing pangangailangan.
c. Tumataas na bilang ng populasyon kaya dumarami ang pangangailangan ng mga tao.
d. Matutugunan lang ang mga pangangailangan kung may mahigpit na pamamahala ng pamahalaan.
49. Bakit hindi sapat ang mga pinagkukunang yaman sa pangangailangan ng tao?
a. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan kagustuhan ng tao.
b. Naaapektuhan ang produksyon ng suplay ng pagkain dahil sa kalamidad.
c. Sinasamantala ng mga negosyante ang pagtatago ng mga produktong ibenebenta sa pamilihan.
d. Malawak ang pangangailangan ng tao kung kaya hindi makaagapay ang lipunan.
50. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng tamang pagpapasya?
a. Pinapahalagahan ang mga paniniwala, mithiin at tradisyon ng komunidad.
b. Sa mga kabataan mas mahalaga ang mga hilig at kagustuhan sa modernong panahon.
c. Isaalang-alang ang epekto ng kahalagahan ng paggawa ng desisyon sa buhay ng isang tao.
d. Mas binibigyang pansin ang pagdalo sa mga okasyon ngayon lalo na sa panahon ng pandemya.

Inihanda ni:

KENNEDY B. SADORRA
Guro sa Araling Panlipunan

You might also like