Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mock Trial Script

Magsipagtayo ang lahat. Ang kagalang-galang na Hukom na si


____________________ ang mamumuno.
Judge: Salamat. Maaari na kayong umupo.
Bailiff: Nandidito tayong lahat sa paghukom sa kaso ni Crisostomo Ibarra mamamayan
ng Pilipinas laban kay Padre Damaso sa kasong pag-akusa.
Judge: Handa na ba ang Prosecution?
Prosecutor: Opo, your Honor.
Judge: Handa na ba ang Defense?
Attorney: Opo, your Honor.
Judge: Pakinggan natin ang pahayag ng Prosecution.
Prosecutor: Salamat, your Honor. Ako si Prosecutor____________, abogada ni Don
Rafael Ibarra. Ngayong araw ay maririnig niyo kung paano inakusahan ni Padre
Damaso si Don Rafael Ibarra na siya ay isang erehe at pilibustero nang walang sapat
na ebidensiya. Iminumungkahi namin ang husgang guilty.
Judge: Pakinggan natin ang pahayag ng Defense.
Attorney: Salamat, your Honor. Ako si Attorney ________________, abogado ni Padre
Damaso. Si Padre Damaso ay napagbintangan lamang at pinabubulaanan ito ng aming
panig. Sapagkat, malinaw na si Padre Damaso ay isang makatuwirang tao at
respetadong pari. Hindi magagawang pagbintangan ni Padre Damaso ang isang tao
kung ito ay totoong ngang hindi nagkasala. Iminumungkahi namin ang husgang not
guilty.
Judge: Prosecution, maaari niyo nang ipresenta ang inyong unang saksi.
Prosecutor: Sinasabing bago inakusahan ni Padre Damaso si Don Rafael Ibarra na
isang erehe at pilibustero ay may nangyaring labanan sa pagitan ng artilyerong kastila
at ni Don Rafael Ibarra na naging sanhi ng pagkamatay ng artilyero at pagkakulong at
pag-akusa kay Don Rafael. Kaya nais naming tawagin ang unang saksi.
Judge: Binibini, tumayo ka, itaas ang iyong kanang kamay at manumpa. Nangangako
ka bang magsabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang?
Witness: Opo, nangangako po ako.
Prosecutor: Magandang araw, nais kong itanong, Maaari mo bang isalaysay kung ano
ang nangyari at nasaan ka nung panahong naglalaban si Don Rafael Ibarra at ang
artilyero na naging sanhi ng pagkamatay ng artilyero?
Witness: Naroon po ako, kasama ko po ang aking mga kalaro pinagkakatuwaan namin
ang artilyerong Kastila. Labis pong nagalit ang artilyero kaya naman po kumaripas kami
ng takbo kaso pinukol po ng artilyero ng baston ang aking kalaro at nawalan ito ng
malay at pinagsisipa ito ng artilyero at duon po dumating si Don Rafael Ibarra.
Prosecutor: Nakita mo ba kung ano ang nangyari pagdating ni Don Rafael?
Witness: Opo, pinagtanggol ni Don Rafael ang aking kalaro kaya naman lalo pong
nagalit ang artilyero at hinarap niya si Don Rafael. Hanggang natumba ang artilyero at
tumama ang ulo nito sa bato at namatay.
Prosecutor: Nasaan ka pagkatapos mamatay ng artilyero? Ano ang nangyari?
Witness: Naroon po ako, nakita ko pong dinakip ng mga guardia civil si Don Rafael.
Prosecutor: Maraming Salamat, iyon lamang po your Honor.
Judge: Defense, nais mo bang magtanong sa unang saksi?
Attorney: Opo your Honor. Kung naroon ka nga pagkatapos mamatay ng artilyero,
bakit sabi ng mga Guardia civil ay nung dumating sila, wala silang nakitang mga bata?
Nagsisinungaling ka ba ngayon?
Prosecutor: Objection your Honor.
Judge: Objection overruled, saksi pakisagot ang katanungan.
Witness: Hindi po. Natakot po kami kaya naman noong nakita naming na dinakip ng
mga guardia civil si Don Rafael, kami ay nagtago.
Attorney: Iyon lamang po your Honor.
Judge: Prosecution, may ihaharap pa ba kayong saksi?
Prosecutor: Nais kong tawagin si Don Rafael Ibarra.
Bailiff: Don Rafael tumayo ka, itaas ang iyong kanang kamay at manumpa.
Nangangako ka bang magsabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang?
Don Rafael Ibarra: Opo, nangangako po ako.
Prosecutor: Magandang araw, Don Rafael isa ka bang erehe at pilibustero?
Don Rafael Ibarra: Hindi, sapagkat lagi akong sumusunod sa mga batas at patakaran
ng simbahan at ng pamahalaan. Kung isa nga kong erehe at pilibustero, ako mismo ang
susuko sapagkat alam kong ang batas ay batas.
Prosecutor: Iyon lamang po your Honor.
Judge: Prosecution, may ihaharap pa ba kayong saksi?
Prosecutor: Opo your Honor, nais kong tawagin ang susunod na saksi.
Bailiff: Ginoo tumayo ka, itaas ang iyong kanang kamay at manumpa. Nangangako ka
bang magsabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang?
Witness 2: Opo, nangangako po ako.
Prosecutor: Magandang araw, Ginoo naniniwala ka ba na si Don Rafael ay isang
erehe at pilibustero?
Witness 2: Hindi po.
Prosecutor: Paano mo mapapatunayan ito?
Witness 2: Kailanman ay hindi ko nakitang hindi sumunod sa simbahan at pamahalaan
si Don Rafael. Lagi siyang sumusunod sa simbahan at pamahalaan. Hindi ako
naniniwala na si Don ay isang erehe at pilibustero. Malinis ang kanyang konsensya at
wala siyang ibang ginawa kundi puro kabutihan lamang.
Prosecutor: Iyon lamang po your Honor.
Judge: Defense maaari niyo ng ipresenta ang inyong saksi.
Attorney: Salamat your Honor. Nais kong tawagin si Padre Damaso.
Bailiff: Padre Damaso tumayo ka, itaas ang iyong kanang kamay at manumpa.
Nangangako ka bang magsabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang?
Padre Damaso: Oo, nangangako ako.
Judge: Defense maaari ka ng magtanong.
Attorney: Padre Damaso paano mo nasabing si Don Rafael ay isang erehe?
Padre Damaso: Masasabi kong si Don Rafael ay isang erehe sapagkat hindi ko siya
nakitang nangumpisal.
Attorney: Iyon lamang po your Honor.
Judge: Prosecution may nais ka bang itanong?
Prosecutor: Paano mo nasabing hindi mo na siya nakitang nangumpisal?
Padre Damaso: Hindi mo ba alam kung ano ako? Isa akong pari kaya naman
malalaman ko talaga kung sino ang mga nangungumpisal at hindi.
Prosecutor: Bukod sa hindi mo na siyang nakitang nangumpisal, may iba ka pa bang
ebidensya na siya ay isang erehe at pilibustero?
Attorney: Objection your Honor.
Judge: Objection overruled, saksi pakisagot ang tanong.
Padre Damaso: Anong ibang ebidensya na pinagsasabi? Ang hindi pangungumpisal ay
sapat ng ebidensya na siya ay isa ngang erehe.
Prosecutor: Iyon lamang po your Honor.
Judge: Defense, may ihaharap pa ba kayong saksi?
Attorney: Wala na po your Honor.
Judge: Ang pagpapasya ay ipagpapatuloy sa susunod na paglilitis. Ang sesyon ng
hukumang ito ay tapos na.

You might also like