Professional Documents
Culture Documents
Fil Ass.
Fil Ass.
Fil Ass.
Ayon kay Archibald Hill, isang Amerikan linguist, ang wika ay ang kaluluwa ng tao. Ito ang
pangunahing anyo ng simbolikong gawaing Pilipino.
Ayon kay Henry Gleason, “ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga binibigkas na
tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura”.
Ayon naman kay Webster, “ang wika ay lipon ng mga salita na ginagamit upang gamitin sa
pakikipagkomunikasyonsa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo”.
Ayon naman kay Edward Sapir, isang German anthropologist-linguist, “ang wika ay isang likas at
makataong pamamaraan sa paghatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin”.
"Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang
wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan."
- Thomas Carlyle
"Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan o makapagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao."
- Pamela Constantino at Galileo Zafra
"Ang wika ay isang sistematik na balangkas na may binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitrari upang magamit ng mga taong may iisang kultura."
- FE Dance
Ang wikang ay sinasalitang tunog.Makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng tunog.
Subalit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang
pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog na
nilikha natin ay ang tunog na salita. Ito rin ang kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat ng
pagkakataon. Tanging sinasalitang tunog lamang na nagmumula sa tao ang maituturing na wika.
Nilikha ito ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga ng
nagdaraan sa pumapalag na bagay na siyang lumilikha ng tunog (artikulador) at minomodipika
ng ilong at bibig (resonador).
Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing mabuti at
isaayos ang mga salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng malinaw na mensahe sa kausap.
Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin.
Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong
magsalita kung papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat
ang esensya ng wika ay panlipunan.
Halimbawa: Kung ikaw ay nasa Pangasinan, kailangan ang wikang iyong sinasalita ay ang wikang
gamitin sa Pangasinan upang magkaroon ka ng direktang ugnayan sa lipunang iyong
ginagalawan.
Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang sagot ay
makikita sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang paliwanag kung
bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika. Pansinin natin ang
pagkakaiba ng wikang Filipino sa Ingles. Anu-ano ang iba't ibang anyo ng "ice formations" sa
Ingles? Ngunit ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino? Maaring yelo at niyebe lamang, ngunit
ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, dahil hindi naman bahagi sa ating kultura ang "glacier",
"icebergs", "forz", "hailstorm" at iba pa.
Teoryang Bow-bow
Ito ang teorya ng paggaya sa mga tunog na naririnig mula sa kalikasan.
Teoryang Pooh-pooh
Ito ay nagsasaad na natutong magsalita ang mga tao dahil sa mga masisidhing damdamin na
kanilang naranasan, at nagpabulalas sa mga ito ng mga di-sinasadyang tunog.
Teoryang Yo-he-ho
Ito ay nabuo dahil sa paggamit ng lakas ay nakalikha ng mga tunog ang mga tao at dahil dito ay
natuto silang magsalita.
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Sa teoryang ito, ang mga tunog na galing sa mga rituwal na mga aktibidades ng mga sinaunang
tao ay nagbigay daan upang magbago at lumago ang pananalita.
Teoryang Tata
Ito ay ang mga gestures o kumpas ng katawan at kamay ay nagproduce ng mga tunog na ginaya
ng mga tao.
Teoryang Ding-dong
Ito ay tulad ng teoryang Bow-wow ngunit isinali ang mga likhang tao tulad ng mga kagamitan at
iba pa.
Lingua Franca
– wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng
mga tao.
Lalawiganin
– mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng ilocano,ausug,cebuano,ilonggo,isaya
at iba pa.Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikanglalawiganin ngunit nagsasad
ya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan'.
Kolokyal
- ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. (kadalasan napaiikli ang
mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito
halimbawa) *tena* para sa “tara na"*pre* para sa “pare”.
Balbal o Pangkalye
– wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng
wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang erpat,ermat.
Edukado/Malalim
– wikang ginagamit sa panitikan" sa mga paaralan at pamantasan" sagobyerno" sa korte at iba p
ang profesyunal