Bonifacio Essay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Nicole S.

Caligner
10-Rizal
“Bonifacio: Diwa ng Karunungan ng Isang Pilipino”

Ang Araw ni Andres Bonifacio ay ang paggunita sa isa sa mga pambansang


bayani ng bansa. Minsan sa isang taon tuwing ika-30 ng Nobyembre, ginugunita
natin ito upang ipakita ang ating pagpapahalaga, at parangalan ang kanyang
pamana at alaala sa ating puso’t isipan. Lumipas ang mga araw, buwan, at taon,
gayunpaman, matingkad sa ating puso ang mga sakripisyo, at tagumpay ni Andres
Bonifacio sa bansa. Ngayon ay ating balikan ang buhay, kabayanihan at sakripisyo
ni Andres Bonifacio sa Pilipinas upang ating mas pagyamanin at pahalagahan ang
bawat bayani na nagbuwis ng buhay upang makamit natin ang kalayaan.

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang


kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Noong
namatay ang kanyang mga magulang, siya’y napilitang huminto sa pag-aaral upang
alagaan ang mga nakababata niyang kapatid. Ginugol ni Andres Bonifacio ang halos
buong buhay sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa. Sa pamamagitan ng
sariling pag-aaral at pagbabasa nadagdagan ang kaniyang kakulangan sa pag-
aaral. Ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay kasama
sa mga aklat na kaniyang binasa. Bukod sa pagiging matapang at dakilang
bayaning kilala natin, si Andres Bonifacio ay isa ring magaling na manunulat.
Nakapagsulat siya ng mga artikulo at mga tula. "Ikintal sa puso ang pag-asa na
malabis na kapurihan at kapalaran na kung ikamamatay na tao’y magbubuhat sa
pagliligtas sa pagkaalipin ng bayan." ang kataga ni Andres Bonifacio mula sa
kaniyang akdang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.” Siya rin ang namuno sa “Sigaw ng
Pugad Lawin” at isa sa mga unang kaanib ng La Liga Filipina.

Sa buong kasaysayan, nakilala siya bilang Supremo ng Katipunan, at


kabilang sa kanyang pinakadakilang mga titulo, ang “Ama ng Himagsikan at
Rebolusyong Pilipino.” Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanya ng
paggawa ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-
galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan) isang lihim na samahan na lumaban
sa mga mananakop na Espanyol sa Pilipinas. Mabigat na responsibilidad ang
panatilihing lihim ang samahan kasabay ng panghihikayat sa mga tao na sumapi
rito. Nabuo ang pagkakaibigan nila ni Emilio Jacinto sa loob ng lipunan na siyang
naging tagapayo at katiwala ni Bonifacio. Bilang Supremo, itinayo niya ang
organisasyon upang turuan ang bawat miyembro na mamuhay ayon sa
pamantayang moral at magbahagi ng isang layunin, ang makamit ang kalayaan
para sa sambayanang Pilipino.

Tunay nga na isang bayani si Andres Bonifacio. Sa kanyang naipamalas na


katapangan, napatunayan niya na hindi magiging hadlang ang anumang hirap sa
buhay upang makapaglingkod sa bayan. Ang kanyang kabayanihan ay magsisilbing
inspirasyon sa henerasyon ngayon, na humihikayat sa kanila na huwag mawalan ng
pag-asa at, kung kinakailangan, gamitin ang kanilang mga boses upang magsalita
para sa kung ano ang tama. Nawa'y kaakibat ng paggunita ng sambayanang
Pilipino ay ang pagtulad sa kaniya. Tulad ni Bonifacio, nawa'y mapatunayan ng mga
kabataan at ng bawat isa ang kabutihan, katapangan at karunungan ng isang tunay
na Pilipino.

You might also like