Professional Documents
Culture Documents
Boy Girl Bakla Tomboy
Boy Girl Bakla Tomboy
1. PANIMULA
An aking susuruin na pelikula ay pinamagatang “Boy Girl Bakla Tomboy” ni Wenn V. Deramas. Ito ay
ginampanan ng unkabogable star na si Vice Ganda. Ang pelikulang ito ay nakatanggap ng mataas na
rating noong ito ay ipinalabas sa sinehan at tinangkilik ng mga manonood noong taong 2013. Bakit nga
ba ito naging isa sa mga pinakamagandang pelikulang komedy at pampamilya sa Pilipinas?Ngayon ito ay
aking susuriin.
Ang pelikula ay nagsimula sa panganganak ni Pia ng quadroplets sa isang mental hospital dahil sa maling
pagdala ng kanyang biyanan na si Amparo doon imbes na sa Hospital. Nanganak siya ng Apat at ito ay
dalawang babae at dalawang lalaki ngunit sila ay lumaking hindi magkakasama.
2. MGA TAUHAN
3. SINEMATOGRAPIYA
4. DIREKSYON
5. SET DESIGN
6. BUOD
Matapos ang mahabang taon ng paghihiwalay, muling nagkita ang quadruplets na sina Girlie(Babae),
Peter(Lalaki), Mark (Bakla), at Panying(Lesbian) nang kailanganin ni Peter ang isang katugmang liver
donor. Si Mark lang ang kakampi, at nagtakda siya ng kundisyon kapalit ng kanyang atay- para
maranasan nina Girlie, Peter, at kanilang amang si Pete ang hirap na pinagdaanan nila ni Panying at ng
kanilang ina na si Pia. Pagkatapos ay tinitiyak niyang si Girlie ay dumaan sa impyerno para sa kanila. Sa
proseso, sinimulan ni Mark na bigyan ang kanilang pamilya ng isa pang pagkakataon. Gayunpaman,
kapag maayos na ang takbo nila, nagplano si Girlie na makaganti kay Mark. Mas Malala ang dulot na
problema ng kasalukuyang nobya ni Pete na si Marie ngunit sa huli ay hindi sila nagkatuloyan ni Pete
dahil sa kagaspangan ng ugali nito na pinakita. Naging masaya ang pagtatapos ng pelikula dahil sina Pete
at Pia ay nagbalikan at sina Mark at Girlie ay nagkabati at tuloyang nabuo ang kanilang masayang
pamilya muli.
7. KONKLUSYON
Ang konlusyon ng pelikula ay pinakita ang kapangyarihan ng pagpapatawad dahil sila ay nagkapatawaran
at sinubukan muling buoin ang kanilang pamilya. Naipakita na kahit anong pagsubok ang kanilang mga
pinagdaanan sa huli sila ay naging masaya at buong pamilya muli.
Ang diyalogo na umantig sa aking puso ay ang sinabi ni Mark sakanyang ina noong naospital ang kanyang
kapatid na si Peter
“Hindi niyo ako naiintindihan,hindi ako madamot, wala akong sinabing hindi ko ibibigay ang atay ko,
pero hindi ko muna ibibigay, kase natatakot ako na pag nakuha na nila ang kailangan nila ay, iiwan na
naman nila ako”
Sadyang ang parte na ito ay makakatohanang nangyayari sating lahat kung saan lahat tayo ay takot na
pagkatapos natin ibigay ang kailangan nila ay iiwan tayo. Kaya’t ito ay tumatak sakin dahil ito ay aking
naranasan, hindi lang ako kundi karamihan satin.