Suring Basa 2.0

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

I.

PANIMULA
A) PAGKILALA SA MAY AKDA
Victor Hugo
》 Si Victor Hugo, buong pangalan na Victor-Marie Hugo, ay isang French Romantic na
makata, nobelista, at dramatista na nabuhay mula Pebrero 26, 1802, sa Besançon, France,
hanggang Mayo 22, 1885, sa Paris. Kahit na siya ay kinikilala bilang isa sa mga
pinakadakilang makata ng France, siya ay kilala sa labas ng France para sa mga nobela tulad
ng Notre-Dame de Paris (1831) at Les Misérables.
》 Habang nakuha ni Hugo ang kanyang maagang katanyagan mula sa kanyang mga dula,
nakakuha siya ng mas malawak na katanyagan noong 1831 sa kanyang makasaysayang
nobelang Notre-Dame de Paris (Eng. trans. The Hunchback of Notre-Dame), isang evocation
ng buhay sa medieval Paris noong panahon ng paghahari ng Louis XI. Kinondena ng nobela
ang isang lipunan na, sa mga katauhan ni Frollo na archdeacon at Phoebus na sundalo, ay
nagbubunton ng paghihirap sa kuba na si Quasimodo at sa gipsy na babae na si Esmeralda.
Mas malalim na naantig ng tema ang kamalayan ng publiko kaysa sa kanyang nakaraang
nobela, ang Le Dernier Jour d'un condamné (1829; The Last Days of a Condemned), ang
kuwento ng huling araw ng isang hinatulan na tao, kung saan naglunsad si Hugo ng
makataong protesta laban sa parusang kamatayan. Habang isinusulat ang Notre-Dame, si
Louis-Philippe, isang haring konstitusyonal, ay dinala sa kapangyarihan ng Rebolusyong
Hulyo. Gumawa si Hugo ng isang tula bilang parangal sa kaganapang ito, Dicté aprés juillet
1830. Ito ay isang nangunguna sa karamihan ng kanyang pampulitikang taludtod.
B) URI NG PANITIKAN
 Ang nobelang ang kuba ng notre dame ay isinulat ni Victor Hugo na inilathala noong
1831, na mayroong temang romance at gothic ay nabibilang sa panitikan na kwentong bayan.
Ano nga ba ang Kwentong Bayan?
• Ang kwentong bayan of folktale kwentong nagpasalin salin sa bibig ng mga
mamamayan, ito ay tumutukoy sa mga katangian ng mga tauhan na mayroong mabuti o hindi
mabuting pangyayari sa kwento munit may layuning malibang sa mga mambabasa; na
kalimitang ito ay nag-iiwan ng aral sa mga taong nakababasa nito.
• Kadalasang ang kwentong bayan ay nagpapakita ng mga katutubong kulay katulad ng
pagbabanggit nang mga lugar, hayop, at pangyayari na tanging doon lamang nakikita at
nangyayari sa kanilang lugar.
• Ang kwentong bayan ay sumasalamin sa kultura ng isang bayan o pinagmulan nito.
 Ang aking mga nabanggit ay ilan lamang sa mga patunay na ang kuba ng notre dame
ay nabibilang sa panitikan ng kwentong bayan. Sapagkat ang kuba ng notre dame ay
patungkol sa isang kuba na si quasimodo na binansagang papa ng kahangal dahil sa kanyang
taglay na labis na kapangitan, umibig kay la esmeralda ang babaeng mananayaw na iniibig at
pinagnanasaan naman ang umampon kay quasimodo, gumamit ng kapangyarihan at
kasamaan ang pari mapa sa kamay lamang niya si esmeralda sa dulo ng kwento ay namatay
si esmeralda biglang naglaho si quasimodo pero pagkaraan ng maraming taon ay nahukay
ang labi ni esmeralda kasama ang kalansay ng isang kuba na nakayakap dito, patunay
lamang na wagas ang pagmamahal ni quasimodo sinamahan niya ito hanggang sa kabilang
buhay.
BANSANG PINAGMULAN
Ang nobelang Ang Kuba ng Notre Dame ay nagmula sa Paris-Capital of France.
Paris-Capital of France
Paris, lungsod at kabisera ng France, na matatagpuan sa hilagang-gitnang bahagi ng bansa.
Ang mga tao ay nakatira sa lugar ng kasalukuyang lungsod, na matatagpuan sa tabi ng Ilog
Seine mga 233 milya (375 km) sa itaas ng ilog mula sa bukana ng ilog sa English Channel
(La Manche), noong mga 7600 bce.

LAYUNIN NG AKDA
》 Nais ng may-akda ng kuba sa Notre Dame na iparating o ipakita ang panlipunang
posisyon ng Paris. Inilalarawan ng kuwento ang pagiging mapanghusga at malupit ng
lipunan sa mga taong hindi nakamit ang kanilang pinaniniwalaan na dapat at tama, tulad ni
Quasimodo. Ipinakikita rin ng salaysay na kahit na ang mga banal na indibidwal, tulad ng
pari, ay tao pa rin at naghahangad ng makamundong kasiyahan at higit na magkasala.
Inilalarawan ng kwento ang iba't ibang aspeto ng buhay at personalidad na taglay ng bawat
indibidwal.
II. PAGSUSURI SA NILALAMAN
TEMA O PAKSA NG AKDA
 Nakakaintriga at makabuluhang basahin dahil may mensahe ito na nais iparating sa
lahat ng magbabasa ng inspiradong Akda na ito, hindi lang sa isa, kundi sa lahat ng
umiibig hindi dahil sa itsura. Ito rin ang nag-uudyok sa mambabasa na sumulat ng
isang kapana-panabik na nobela na makabuluhan at naglalaman ng matibay na
mensahe.
MGA TAUHAN O KARAKTER SA AKDA

Quasimodo
 Ang protagonistang kuba ng Notre Dame bilang kinukutyang “papa ng k a h a n g a l a
n” dahil sa taglay hindi kaaya-aya ang kanyang itsura para sa mga tao sa nobela. Siya
ay inabandunang bata na naiwan sa Notre Dame at pinalaki ni Claude Frollo. Mayroon
siyang napakalubha at napakalaking hump sa likod (kaya nga hunchback) o sa ibang
pagpapaliwanag, siya ay may malalang kakubaan, at mayroon siyang isang higanteng
kulugo na halos sumasaklaw na sa isa niyang mata. Dagdag pa rito, siya ay bingi rin.
Ang puso ni Quasimodo ay sadyang dalisay at ang kadalisayan na ito ay nakaugnay sa
katedral na Notre Dame. Itinuturing na ang kanyang pagmamahal sa mga kampanilya
ng katedral na Notre Dame ay para sa napakagagandang tunog na kumakatawan sa
kanyang natatanging paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga tao. Sinasabi ring ang
kanyang pangalan ay literal na nangangahulugang "kalahati."
Pierre Gringoire
 Ito naman ay ang kilalang tauhan na nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Isa
siyang nagsisikap at nagpapakadalubhasang maging dulang pilosopo. Nasagip siya ni
La Esmerelda mula sa pagbitay.
Claude Frollo
 Ang paring antagonista o k o n t r a b i d a. Si Frollo ay hindi tipikal o common na
tauhan na may masamang ugali, sa halip, siya ay may pagkamahabagin. Mahal na
mahal niya ang kanyang kapatid na si Jehan at ginagawa ang lahat ng kanyang
kapangyarihan para lang maging masaya ang kapatid lalo na nung matapos pumanaw
ang kanilang mga magulang. Kinupkop din niya si Quasimodo at pilit na tinuturuan
para maging iskolar. Tinatayang ipinaliwanag ni Hugo (ang may-akda) na ang
paglusong at pa g s a nib ni Frollo sa itim na mahika at k a b a l i w a n ay dahil sa
kanyang mga kabiguan na paunlarin sina Jehan at Quasimodo. Si Jehan ay naging m a
n g-i i n o m, palaging n a g s u s u g a l gamit ang lahat ng kanyang pera, at talagang
nagpapabaya sa kanyang pag-aaral. Habang ang pagkabingi naman ni Quasimodo ay
halos imposible na siyang maturuan ng kahit na ano. Si Quasimodo ay naging simbolo
ng kabiguan ni Frollo kaya siya na rin ang ginamit ni Frollo na paghihiganti sa mundo
para pahinain ang kanyang mga kabiguan.
La Esmeralda
 Siya naman ang kilalang dalagang mananayaw. Siya ang nawawalang anak na babae
ni Sister Gudule. Popular si Esmeralda bilang isang magandang mananayaw sa kalye
habang sinasabayan ang mga himno. Kasama si Djali, ang kanyang kambing, inaakit
niya ang lahat ng nanonood sa kanya. Napapahanga niya ang mga manonood sa
kanyang nakamamanghang tingin at pama-magic trick. Siya ay naglalagay ng mga
anting-anting at iba pang kung ano-anong aksesyora o trinkets sa kanyang katawan at
leeg para raw makatulong ang mga ito sa kanya na mahanap ang kanyang mga
magulang.
Phoebus
 Siya ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian ng Paris. Ang pangalan niya ay
Phoebus de Chateaupers. Hindi niya inibig si La Esmeralda, sinusubukan lang niyang
akitin at pati na rin ang iba pang mga kababaihan.
Sister Gudule
 Ang babaeng dating mayaman pero nasiraan ng bait nang mawala ang kanyang anak
na babae. Siya ang matagal na nawawalang ina ni La Esmerelda. Ayaw na niya
marinig ang tunog ng mga batang naglalaro. Ayaw niya kay La Esmerelda dahil
kumbinsido siya na si La Esmeralda ang gypsy na nagnakaw ng batang inampun niya
noon. Pero kalaunan, sa nobela, kapag natutunan niya na si La Esmeralda pala talaga
ang kanyang anak na babae, ibibigay ni Gudule ang kanyang buhay para lang
mailigtas ang dalaga.
TAGPUAN O PANAHON
 Ang katedral ng Notre Dame ay binanggit sa nobela bilang isang tagpuan. Ang
pagdiriwang ng pagkakatalaga kay Quasimodo bilang "papa ng kahangalan" ay
nagsisimula dito, na ang iba pang mga pagdiriwang ay nakasentro lamang sa Katedral.
Ang pamagat ng nobela ay isinalin sa "Katedral ng Paris." Ang kuwento ay naganap sa
panahon ng paghahari ni Louis XI sa Middle Ages (1461-1483).
BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
》Dahil ang bawat pangyayari ay isinalaysay gamit ang isang buod na talata, ang balangkas
ay tinatawag na Balangkas ng Talata. Dahil sa pagsasalaysay at paglalarawan, pare-pareho
ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela. Ito rin ay naghahatid ng konsepto na
ang isang mambabasa ay maaaring malasahan ang kaakit-akit na mukha ng France sa
panitikan. Nilalayon din nitong ituro sa mambabasa na ang pag-ibig ay maaaring ipahayag sa
iba't ibang paraan.
》 Dahil nga ang nobela ay kwentong bayan ang mga pangyayaring taglay ng akda ay di
pangkaraniwan o kakaiba sa karaniwan sa labas ng france. Ang akda ay mas sumikat sa labas
ng France kaya naman ang mga naganap o mga ideya ng akda ay bago sa aming paningin.
MENSAHE NG AKDA
》 Syempre, hindi natin dapat kondenahin ang isang tao batay sa kanilang pisikal na anyo, at
dahil lang sa hindi kaakit-akit na anyo ay hindi ibig sabihin na dapat natin silang pagtawanan
at iwaksi bilang mga taong may puso at nasaktang damdamin.
》 Ang pagtanaw ng utang na loob sa isang tao, o mga taong tumulong sa iyo, ito ay isang
aral din sa kwentong ito dahil inako ni Quasimodo ang kasalanan nagawa ng taong
umampon sa kaniya kaya siya ang naparusahan.
》Huwag gamitin ang mga impluwensya o posisyon para sa mga masamang balak
maghintay ka kung ano lang ang mga bagay na para lang talaga sa iyo, huwag mong
ipagpilitan ang mga bagay na hindi naman para talaga sa iyo, katulad nalang ng ginawa ni
Frollo na gumamit pa ng itim na mahika para lamang mapasakanya si La Esmeralda.
》Huwag magdadalawang isip na tumulong sa iyong kapwa lalo na sa nangangailangan
maging sa maliit o malaking bagay man ito, katulad nalang ng ginawang pagbibigay ng
maiinom ni La Esmeralda kay Quasimodo ng ito ay pinaparusahan walang kahit isa na
gustong tumulong dito, bagkus ito ay pinagtatawanan pa at hinuhusgahan siya lamang ang
tanging lumapit dito upang ito ay maibsan ang uhaw at sakit na nararamdaman.
》Ang wagas na pagmamahal ng isang tao na handang iaalay ang buhay niya sa taong
minamahal niya, ito ang ipinakita ni Quasimodo sa kwentong ito ang wagas na pag mamahal
niya kay La Esmeralda.
KULTURANG MASASALAMIN SA AKDA
》 Taun-taon, ginugunita nila ang "Araw ng Katangahan" sa pamamagitan ng pagpapakita
ng isang tao bilang simbolo.
》Sa Pilipinas, ang pagdiriwang ng "Itim na Nazareno" ay ginaganap taun-taon tuwing
Enero 9 bilang paggunita sa araw ng kapistahan ng patron, at isa ito sa pinakamalaki at
pinakakilalang kasiyahan sa bansa.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Sa nobela ni Victor Hugo ipinakita ang tunay na ibig sabihin ng pag-ibig, na ang pag-ibig ay
hindi nakabase sa panlabas na anyo kundi sa intention at liwanag ng damdamin na
nagmumula sa ating mga puso. Hindi lang tunay na pag-ibig hindi walang hanggan kagaya
ng ipinakita ni quasimodo na kahit sa kabilang buhay ang pagmamahal niyang taglay ka
esmeralda ay walang humpay. Dito din ay makikita ang guard sa kapangyarihan at posisyon
sa lipunan, ito ay ang sitwasyon ni frollo, impluwensyang tao at isang pari. Noong inako ni
Quasimodo ang kasalanan na dapat ay kay frollo kanya lamang ito ng nagawa dahil sa utang
na loob niya kay frollo at iyon ay kasama sa kagustuhan o ninanais ni frollo na mangyari.
Dito na ipakita kung paano inabuso ni frollo ang kanyang posisyon o kapangyarihan kay
Quasimodo sapagkat kanyang alam na hindi ito makakatanggi sapagkat si Quasimodo ay
may utang na loob sa kanya. Ipinakita rin sa akdang ito ang diskriminasyon laban sa maliliit
na tao ng lipunan kagaya na lamang kalagayan ni quasimodo nakatanggap ng pangungutya
dahil sa kanyang anyo at di tama sa paningin ng iba. Dito ipinapabatid kung gaano kalupit
ang mamayanan sa taong mayroong naiiba o di pasok sa tama sa paningin nila.
ESTILO NG PAGKASULAT NG AKDA
》Ang Estilo ng pagkakasulat ng “Ang Kuba ng Notre Dame” ay naglalahad ng gothic at
madilim na tagpo. Ang kuwento ay nilikha sa pamamagitan ng pananabik at pag aalaala. Isa
na dito ang pagpapakilos ng mga malakas na damdamin, at siyempre ang binantaang babae
na nangangailangan ng saklolo.Ang kuba ng Notre Dame ni Hugo ay naglalaman ng lahat ng
mga sangkap.Kasama na dito ang gothic katedral ng Notre Dame at ang mga lihim na silid
nito. Angtagpuan na ito ay binibigyang-diin ang misteryo at agam. Pagkatapos ay ang
patuloy na daloy ng emosyon, kabilang na ang pag-asa, maikling kaligayahan, sorpresa,
pagkagulat, pagkabigo, at takot.
IV. BUOD
Noong unang panahon mayroong isang kuba na may taglay na kapangitan na
nagngangalang Quasimodo. Siya ay nagkakagusto kay La Esmeralda, isang
napakagandang dilag na magaling sumayaw. Ngunit hindi lang si Quasimodo ang may
gusto at may nararamdaman kay La Esmeralda, maging ang paring kumupkop kay
Quasimodo na si Claude Frollo at ang kapitan ng tagapagtanggol ng kaharian na si
Phoebus ay nabighani rin sa angking kagandahan at galing sumayaw ng dalaga. Sa
mga nagkakagusto kay La Esmeralda, si Frollo ang labis na may pagnanasa sa dalaga
kaya isang araw bigla nitong sinunggaban si La Esmeralda habang ito ay naglalakad na
mag-isa. Nailigtas si La Esmeralda ng pilosopong si Pierre Gringoire.

Dinakip si Quasimodo at itinakdang bitayin ngunit si La Esmeralda ay nakiusap na


huwag itong gawin kay Quasimodo. Noong mga oras na iyon ay nahulog na ang loob
ni Quasimodo kay La Esmeralda. Sa kabilang banda, may nagtangkang pumatay kay
Phoebus ang katipan ni La Esmeralda at pinaratangan si La Esmeralda kaya't
pinagdesisyunan siyang bitayin. Kaya't sumugod ang mga magnanakaw na kaanak ni
La Esmeralda upang ipagtanggol siya at nandoon din ang kubang si Quasimodo.
Pinapili ni Frollo si La Esmeralda kung gusto bang ituloy ang pagbitay sa kanya o ang
mahalin na lamang siya, ngunit mas ginusto ni La Esmeralda na mamatay na lamang
kaysa mahalin si Frollo. Kaya't tinuloy ang pagbitay dito. Nang makita ni Quasimodo
na wala ng buhay si La Esmeralda ay labis n sakit ang kanyang naramdaman. Nang
dahil sa pangyayaring ito, naglaho na si Quasimodo at kalaunan at natagpuan na
lamang ang kalansay nito na nakayakap sa kalansay ni La Esmeralda.

You might also like