Professional Documents
Culture Documents
Kom-Pan-11 Q2 Modyul-14 Edisyon2 Ver1
Kom-Pan-11 Q2 Modyul-14 Edisyon2 Ver1
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Modyul 14:
Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino
(Pragmatiko, Istratedyik at Diskorsal)
LU_KomPan_Modyul14 AIRs - LM
i
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Baitang 11 – Unang Semestre
Modyul 14: Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino (Pragmatiko,
Istratedyik at Diskorsal)
Ikalawang Edisyon, 2021
Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.
Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
LU_KomPan_Modyul14 ii
Senior High School
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Kakayahang Komunikatibo
ng mga Pilipino (Pragmatiko,
Istratedyik at Diskorsal)
iii
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
iv
Sapulin
1 LU_KomPan_Modyul14
Aralin
Kakayahang Pragmatiko
14.1 at Istratedyik
Simulan
Batay sa iyong mga sagot, mahirap bang ipaunawa ang iyong saloobin sa
iyong kausap? Ano-anong bagay ang nakatulong sa iyo upang lubusan mo itong
maipaunawa? Sa iyong palagay, ano-ano ang posibleng mangyari kung hindi
naunawaan ng iyong kausap ang saloobin na nais mong ilahad?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2 LU_KomPan_Modyul14
Gawain 2: Pag-usapan Natin
Panuto: Suriin ang larawang nasa ibaba. Sagutin ang sumusunod na tanong hinggil
sa larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Sanggunian:https://www.google.com/search?q=traffic+enforcer+verbal+and+nonverbal+clipart+for+books&tbm=isch&ved=2ahUKEw
jLgoP805zyAhW3x4sBHcb_B3UQ2cCegQIABAA&oq=traffic+enforcer+verbal+and+nonverbal+clipart+for+books&gs_lcp=CgNpbWcQA1
DEE1iCN2DxO2gAcAB4AIABT4gB7gWSAQIxMJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=vk0NYcurAbePr7wPxv-
fqAc&authuser=4&bih=688&biw=1519&hl=en-US#imgrc=eaOD86Tctr7pMM
1. Ano ang nais ipagawa ng traffic enforcer sa unang larawan? Paano niya
maipahahatid ang kaniyang mensahe?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang nais ipagawa ng traffic enforcer sa ikalawang larawan? Paano niya
maipahahatid ang kaniyang mensahe?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Kung ang iyong sagot ay pareho, tama ka sapagkat mayroong dalawang uri
ang komunikasyon. Mapalalawak mo ang iyong kaalaman hinggil dito sa susunod na
bahagi ng modyul na ito.
3 LU_KomPan_Modyul14
Lakbayin
Alam mo bang…
4 LU_KomPan_Modyul14
3. Oras (Chronemics) – Ito ay tumutukoy kung paanong ang oras ay
nakaaapekto sa komunikasyon. Ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibat
ng mensaheng nais iparating. Halimbawa nito ay ang pagtawag sa telepono
sa dis-oras ng gabi na maaaring pakahulugan ng pang-iistorbo o emergency.
4. Ekspresyon ng mukha (Pictics) – Tumutukoy ito sa ekspresyon ng mukha
upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid. Dito mahihinuha ang
nararamdaman ng isang tao gaya ng saya, lungkot, takot o galit dahil
inilalantad ng mukha ang emosyon ng tao kahit hindi sinasabi ang mismong
nadarama nito.
5. Pandama o Paghawak (Haptics) – Ito ay tumutukoy sa mga paghawak o
pandama na naghahatid ng mensahe. Halimbawa nito ay ang pagtapik sa
balikat, paghablot at pagpisil sa kamay.
6. Galaw ng mata (Oculesics) – Tumutukoy ito sa galaw ng mata. Sinasalamin
nito ang damdamin ng isang tao—ito man ay sinasabi o hindi at ang
pagnanais na makipag-usap. Halimbawa ay ang panlalaki ng mga mata na
nangangahulugang pagkagulat.
7. Tinig (Paralanguage o Vocalics) – Ito ay tumutukoy sa mga di-
lingguwistikong tunog gaya ng kalidad at paraan ng pagsasalita. Kabilang dito
ang katahimikan o kawalang-kibo, simbolong tunong (ah, uhm, uhu,
buntong-hininga, pagsutsot) at boses (bilis, timre, tono ng boses at lakas).
8. Amoy (Olfactics) – Ito ay tumutukoy sa amoy. May mensaheng naipadadala
rin ang amoy ng bagay, tao, paligid at iba pa. Kadalasang ang mabangong
amoy ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon samantalang negatibo
naman sa mabahong amoy.
9. Simbolo (Iconics) – Tumutukoy ito sa mga simbolong makikita sa paligid o
bagay gaya sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp. Halimbawa nito’y ang
simbolo ng babae at lalaki sa mga palikuran. Kahit na walang nakalagay na
sulat, maiintindihan na ito agad ng mga makakikita nito.
10. Kulay (Chromatics) – Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang kulay na maaaring
magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Halimbawa, ang pagsusuot ng
kulay itim ay kadalasang maiuugnay sa pagdadalamhati.
11. Bagay (Objectics o Artifactics) – Tumutukoy ito sa paggamit ng mga bagay
o pananamit sa komunikasyon. Halimbawa, kapag nakita mong may hawak-
hawak na batuta, sinturon o patpat ang iyong mga magulang,
nangangahulugan itong galit na sila.
12. Kapaligiran (Environment) – tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-
usap at ng kaayusan nito. Mahihinuha ang intensiyon ng kausap batay sa
kung saang lugar niya nais makipag-usap.
5 LU_KomPan_Modyul14
Kakayahang Pragmatiko
Ayon naman kay Chomsky, tinutukoy ng kakayahang ito ang kaalaman kung
paano naiuugnay ang wika sa sitwasyon na pinaggagamitan nito. Kinakailangang
angkop sa sitwasyon ang wika at konteksto nito nang mas madali itong unawain ng
tagapakinig.
Speech Act
1. Locutionary – akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ilan sa mga paraan upang
mailahad ito ay ang pagtatanong at pagsagot sa mga tanong, pagbigay ng mga
impormasyon, pagbigay ng kahulugan, paglalarawan at iba pa.
2. Illocutionary – nakatuon sa pagganap sa akto ng pagsasabi ng isang bagay.
Binibigyang-diin dito ang abilidad ng tagapagsalita upang piliin ang angkop
na barayti ng wikang gagamitin para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal gaya
na lamang ng pakiusap, utos at pangako.
3. Perlocutionary – pagsasabi sa isang bagay na kadalasang nagdudulot ng
mga kahihinatnan sa damdamin at isipan ng tagapakinig. Ito ay maaaring
maganap sa anyo ng panghihikayat, panghahamon, pananakot at iba pa.
Halimbawa nito’y ang pagsigaw ng tulong mula sa sakuna, tiyak na agad
reresponde at tutulong ang mga tao. Nailalahad ito sa pamamagitan ng
pagtugon sa hiling at pagbibigay-atensyon.
6 LU_KomPan_Modyul14
Tingnan natin ang isang senaryo. Isang kostumer sa restawran ang
nagpahayag sa waiter ng ganito: “Mayroon ba kayong tubig na walang yelo?” Sa
nasabing halimbawa, ang illocutionary force ng kostumer ay ang paghiling na
madalhan siya ng inuming tubig na walang kasamang yelo. Ipinadaloy niya ito sa
locution na patanong. Ang epekto nito, o Perlocution, ay ang pagsunod ng waiter sa
kaniyang kahilingan.
Speech Act
Linya / Nagpahayag
Illocutionary
pahayag na Karakter Locution Perlocution
Force
1.
2.
Gabay na Tanong:
1. Naaangkop ba sa karakter ang mga binitawan niyang pananalita sa pelikula?
2. Epektibo bang napararatig ng mga linya ang nais tahaking daloy ng kuwnto
sa pelikula?
3. Kung may linya / mga linya na nais mong baguhin, ano/ano-ano ito?
Ipaliwanag.
Kakayahang Istratedyik
7 LU_KomPan_Modyul14
Galugarin
Gawain 5: Ipaliwanag Mo
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag. Gamit ang kakayahang iyong
natutuhan, pag-aralan kung ano ang layunin ng kausap batay sa paggamit
ng mga salita at paraan ng pananalita. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
2. “Kayo ang boss ko kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos
ninyo. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid
na landas.” – Dating Pangulong Benigno S. Aquino III
Layunin ng nagsasalita:
___________________________________________________________________________
3. “Kung asukal ka, ako naman ay sago. Wala akong kuwenta kung wala ang
tamis mo.” – Senadora Miriam Defensor Santiago (Stupid is Forever)
Layunin ng nagsasalita:
___________________________________________________________________________
8 LU_KomPan_Modyul14
Palalimin
Gawain 6: Sulat-Iskrip
Panuto: Sumulat ng isang iskrip at pag-aralang mabuti ang sumusunod na mga
detalye na siyang magiging batayan sa susulatin. Piliing mabuti ang angkop
na mga salita at paraan ng paggamit nito. Isulat ito sa isang buong papel
(isa hanggang dalawang papel lamang). Isaaalang-alang ang rubrik sa
pagtataya ng iyong awtput.
Nilalaman Naisulat ang Naisulat ang Naisulat ang Naisulat ang Hindi naisulat ang
iskrip gamit ang iskrip gamit ang iskrip gamit ang iskrip gamit ang iskrip batay sa mga
mga inilahad na tatlo sa mga dalawa sa mga isa sa mga detalyeng nailahad.
detalye. Lohikal at detalyeng detalyeng detalyeng
mahusay ang nailahad. Maayos nailahad. nailahad.
pagkakasunod- ang Nauunawaan
sunod ng mga pagkakasunod- ang
pangyayari sa sunod ng mga pagkakasunod-
iskrip. pangyayari sa sunod ng mga
iskrip. pangyayari sa
iskrip.
Gramatika Mahusay na Nailapat ang Katamtamang Papaunlad ang Hindi nailapat ang
nailapat ang wastong nailapat ang pagkakalapat ng wastong gramatika
wastong gramatika sa wastong wastong sa iskrip
gramatika sa kabuoan ng iskrip gramatika sa gramatika sa
kabuoan ng iskrip nang may iskrip iskrip
kakaunting
kamalian
Pagkamalikhain Mahusay na Mahusay na Katamtamang May ilang Naghahatid ng
pinag-isipan. pinag-isipan. nakapagahahati bahagi na kaguluhan at
Nakapaghahatid Nakapaghahatid d ng diwa sa nakalilito sa kalituhan sa
ng makabuluhang ng diwa sa mambabasa. diwang nais diwang nais ihatid
diwa’t emosyon mambabasa. ihatid sa sa mambabasa.
sa mambabasa. mambabasa.
9 LU_KomPan_Modyul14
Aralin
Simulan
BLSAN O2 NGA!
MO KAC ANKUL8 MO
CNSABI D2 NA BKSAN
LNG EI MO G8
Sanggunian:https://www.google.com/search?q=picture+of+a+hand+with+a+phone&tbm=isch&ved=2ahUKEwibrI2A1JzyAhXOxosBHdoeBWIQ2cCegQIABAA&oq=picture
+of+a+hand+with+a+phone&gs_lcp=CgNpbWcQAzoICAAQgAQQsQM6BQgAEIAEOgsIABCABBCxAxCDAToECAAQQzoHCAAQsQMQQzoGCAAQCBAeOgQIABAYUL
6TtANY08W0A2DCy7QDaABwAHgAgAGKAogBqR6SAQYwLjI5LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=xk0NYZuxI86Nr7wP2r2UkAY&authuser=4
&bih=688&biw=1519&hl=en-US#imgrc=I4P9Tdj6BuwB2M
Hinuha:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
10 LU_KomPan_Modyul14
Lakbayin
Alam mo bang…
Kakayahang Diskorsal
11 LU_KomPan_Modyul14
d. Kakayahan – Likas sa mga tao ang pagkakaroon ng kakayahan sa
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Ang mga ito ang siyang
pangunahing kailangan sa mahusay na pagdidiskurso.
Panuntunan sa Pakikipagtalastasan
1. Kantidad – Gawing impormatibo ang ibinibigay na impormasyon ayon sa
hinihingi ng pag-uusap–hindi lubhang kaunti o lubhang daming
impormasyon.
2. Kalidad – Sikaping maging tapat sa mga pahayag; iwasang magsabi ng
kasinungalingan o ng anomang walang sapat na batayan.
3. Relasyon – Tiyaking angkop at mahalaga ang sasabihin.
4. Paraan – Tiyaking maayos, malinaw, at hindi lubhang mahaba ang
sasabihin.
12 LU_KomPan_Modyul14
panghalip o panghalili sa ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari upang maiwasan
ang pag-uulit ng tinutukoy.
Halimbawa:
Malaking pagsubok para kay Lily ang mailayo sa pamilya ngunit gagawin niya
ang lahat para lamang maitaguyod niya ang kaniyang pamilya.
Halimbawa:
Maraming mga Pilipino ang pinipiling umalis at magtrabaho sa ibayong
bansa. Bukod sa nakapag-iipon sila dahil sa laki ng sahod, natututo rin silang
tumayo sa sarili nilang mga paa.
Pagpapahaba sa Pangungusap
1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga – napahahaba ang
pangungusap sa pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa, ba, naman, nga,
pala, at iba pa.
Halimbawa:
• May ulam.
• May ulam ba?
• May ulam pa.
• May ulam pa ba?
• May ulam pa nga pala.
• May ulam naman pala.
13 LU_KomPan_Modyul14
• Ibinalot niya ang mga tirang pagkain.
• Ibinalot ng kaniyang kaibigan ang mga tirang pagkain.
14 LU_KomPan_Modyul14
Galugarin
Gawain 3: Talas-Isipan
Panuto: Sumulat ng halimbawang pangungusap ng kaisahan (cohesion) at
kaugnayan (coherence). Pagkatapos, ipaliwanag sa loob ng dalawang
pangungusap kung bakit naging kaugnayan o kaisahan ang isinulat. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
Kaisahan
Pangungusap:
__________________________________________________________________________________
Paliwanag:
__________________________________________________________________________________
Kaugnayan
Pangungusap:
__________________________________________________________________________________
Paliwanag:
__________________________________________________________________________________
15 LU_KomPan_Modyul14
Palalimin
16 LU_KomPan_Modyul14
Sukatin
Mahusay! Binabati kita dahil umabot ka sa bahaging ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang
iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Iugnay ang konseptong natutuhan sa kanilang kahulugan. Isulat ang
letra ng tamang kahulugan sa sagutang papel.
A B
_____ 1. Ito ay tumutukoy sa komunikatibong gamit ng a. Kinesics
espasyo. b. Haptics
_____ 2. Tumutukoy ito kilos at galaw ng katawan. c. Proxemics
_____ 3. Ito ay tumutukoy sa mga di-lingguwistikong d. Oculesics
tunog upang maipahatid ang mensahe. e. Paralanguange
_____ 4. Tumutukoy ito sa mga paghawak o pandama
na naghahatid ng mensahe.
_____ 5. Ito ay tumutukoy sa galaw ng mata bilang
gamit sa komunikasyon.
B. Panuto: Ibigay ang hinihiling ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
17 LU_KomPan_Modyul14
__________ 3. Ang Kakayahang Istratedyik ay tumutukoy sa mga estratehiyang
ginagawa ng isang tao upang matakpan ang mga di-perpektong
kaalaman natin sa wika.
__________ 4. Mahalagang maunawaan ang berbal na komunikasyon sapagkat
inilalantad nito ang damdamin o emosyon ng nagsasalita at
kinakausap at malinaw na nailalahad ang kahulugan ng
mensahe.
__________ 5. Hindi mahalaga ang kakikitaan ng kaisahan at pagkakaugnay ng
mga ipinapahayag na mensahe.
18 LU_KomPan_Modyul14
LU_KomPan_Modyul14 19
ARALIN 6.1 (Kakayahang Pragmatiko at Istratedyik)
SIMULAN
Gawain 1: Itala Mo, Detective! Iba-iba ang sagot
Gawain 2: Pag-usapan Natin Iba-iba ang sagot
LAKBAYIN
Gawain 3: Halimbawa, Ibigay Mo! Iba-iba ang sagot
Gawain 4: Speech Act, Suriin Iba-iba ang sagot
GALUGARIN
Gawain 5: Ipaliwanag Mo Iba-iba ang sagot
PALALIMIN
Gawain 6: Sulat-Iskrip Iba-iba ang sagot
ARALIN 6.2 (Kakayahang Diskorsal)
SIMULAN
Gawain 1: Hinuha Mo, Mahalaga Iba-iba ang sagot
GALUGARIN
Gawain 2: Opinyon Mo, Mahalaga! Iba-iba ang sagot
Gawain 3: Talas-Isipan Iba-iba ang sagot
Gawain 4: Pahayag, Pahabain Iba-iba ang sagot
PALALIMIN
Gawain 5: Saloobi’y Isulat Mo Iba-iba ang sagot
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B. C.
1. C 1. Locutionary 1. Mali - Pragmatiko
2. A 2. Kaugnayan/ Coherence 2. Tama
3. E 3. Perlocutionary 3. Tama
4. B 4. Kaisahan/ Cohesion 4. Mali – Di-berbal
5. D 5. Illocutionary 5. Mali – Mahalaga
Ito ang
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Dayag, Alma M., et.al (2017). Pinagyamang Pluma (Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
20 LU_KomPan_Modyul14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: