Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Golden Gate Colleges

Basic Education Department

Learning Plan
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
At Kulturang Pilipino
SY 2021-2022

Caren T. Pacomios
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
For G11 students (synchronous and asynchronous)

I. LAYUNIN
1.1 Pamantayang Pangnilalaman
 Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural,
kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
1.2 Pamantayan sa Pagganap
 Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol
sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad.
1.3 Mga Kasanayan sa Pagkatuto
 Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook,
google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika
 Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa
lipunan (Ayon kay M. A. K. Halliday)
 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw, at mga karanasan
II. NILALAMAN
 Gamit ng Wika sa Lipunan
III. KAGAMITANG PANTURO
3.1 Sanggunian
 Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino (Batayang Aklat)
3.2 Mga pahina sa aklat
 p.58-72
3.3 Iba pang Kagamitang Panturo
 Laptop
IV. PAMAMARAAN
4.1 Pagbabalik-aral
1. Kumusta ang naging pagsusulit noong nakaraang linggo? Lahat ba ng
napag-aralan ay mahusay na nagamit sa pagsusulit?
4.2 Paghahabi sa layunin ng aralin/Pagganyak
Pagtalakay sa iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan
a. Instrumental
c. Regulatori/Regulatoryo
d. Inter-aksiyonal / Interpersonal
e. Personal/Intrapersonal
f. Heuristiko
g. Impormatibo
h. Imahenatibo

Mungkahing Gawain:
•Wikarambulan

4.3 Pagtalakay sa paksa:


Malalimang pagtalakay sa paksa
 Gamit ng Wika sa Lipunan
4.4 Paglinang sa kabihasaan
 Pagtatanong ng guro sa kanyang mag-aaral pagkatapos magtalakay
4.5 Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
 Nakapagbibigay ang mga mag-aaral ng mga sitwasyong maiuugnay
ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa paggamit ng wika
sa lipunan sa kanilang paligid.
4.6 Paglalahat ng aralin
 Pagtatanong sa mga mag-aaral sa kanilang pangkalahatang kaalaman
sa paksang aralin
4.7 Pagtataya ng Aralin
Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa bawat tanong.

_______1. Pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang indibidwal.


_______2. Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman.
_______3. Ginagamit ito sa pagpapanatili ng mga relasyong sosyal.
_______4. Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-
ugnayan sa iba.
_______5. Pagsulat ng talaarawan at journal at pagpapahayag ng
pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

V. TAKDANG ARALIN

Tingnan at basahin ang mga post ng iyong mga kaibigan sa newsfeed


ng inyong Facebook account. Pansinin kung anong gamit ng wika ang
iyong nakikita sa iba’t ibang post. Base sa iyong obserbasyon, paano
ginagamit ng iyong mga kaibigan ang social media? Magbigay ng limang
halimbawa (post ng inyong mga kaibigan) bilang suporta sa iyong sagot.

You might also like