KD Q2 Module 1of8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

K

We Belong and Care for One Another in our Family

1
Subject Area – Kindergarten
Self-Learning Module (SLM)
Quarter 2 – Module 1: We Belong and Care for One Another in our
Family First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of
the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other
things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their
respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.
Development Team of the Module
Writers: Christine H. Develos, Ronelo C. Baynosa, Shiela Mae B. Soriano, Aileen D. Marquez, Mary Lenei C. Cañada, Kathereen
Florence S. Manubag, Rebecca M. Justan, Nica Marie L. Pama, Angela Divina S. Respecia, Harlequeen Q. Dela Cruz
Editors: Aileen D. Marquez, Christine H. Develos, Rebecca M. Justan
Reviewers: Ma. Angelica E. Figueroa, Sally A. Palomo
Illustrator: Nica Marie L. Pama, Shirley Mae E. Sadia, Mary Lenei C. Cañada, Rebecca M. Justan
Layout Artist: Harlequeen Q. De La Cruz
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Carlito D. Rocafort, CESO V – OIC Regional Director
Rebonfamil R. Baguio, CESO V – OIC Assistant Regional Director
Romelito G. Flores, CESO V- Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno, CESE - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Jade T. Palomar – REPS Supervisor
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A. Palomo - EPS In Charge of LRMS
Gregorio O. Ruales - ADM Coordinator
Ma. Angelica E. Figueroa – Public Schools District Supervisor/ Division Coordinator

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

2
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa
inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang
makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa
pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating
mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Work Period 1
Alamin
Essential Competencies:
• Natutukoy na may pamilya ang bawat isa KMKPPam-00-1
• Natutukoy kung sino sino ang bumubuo ng pamilya KMKPPam-00-2

Ang Modyul na ito ay hinati sa tatlong aralin.


• Aralin1(Kuwento) – Ang Aking Masayang Pamilya Aralin 2 (Work Period 1) – Mga Kasapi ng Pamilya
• Aralin3 (Work Period 2) - Mga Tungkulin ng Bawat Kasapi ng Pamilya

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na ang mag-aaral ay:


• Nakikilala ang bawat kasapi ng pamilya.
• Natutukoy ang mga tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya.

4
Araw: Lunes – Pagbabasa/ Pakikinig ng Kuwento

Lesson Kuwentuhan
1
.Ang kuwentong ating babasahin ay pinamagatang “Ang Aking Masayang Pamilya” na isinulat ni Christine H. Develos,
iginuhit ni Shirley Mae E. Sadia at kinulayan nina Harleequeen Q. Dela Cruz at Nica Marie L. Pama.
5

Araw ng linggo, isang


napakagandang umaga ang
bumungad kay Mila sa kanyang
paggising.
Siya ay nanalangin at
nagpasalamat sa panibagong araw
na bigay ng Panginoon. Pagkatapos
manalangin ay niligpit niya ang
kanyang higaan.

Paglabas niya ng kwarto ay laking


gulat niya na nakahanda na ang
pagkain sa mesa. Maaga palang
gumising ang kanyang nanay at
nagluto ng masarap na pagkain.

6
Pagkatapos nilang kumain ay
agad niligpit ni Mila ang
pinagkainan at naghugas ng
pinggan.

Dahil araw ng linggo, agad


naghanda ang buong pamilya para
magsimba. Matapos maghanda ay
sabay silang pumunta sa simbahan
at nagpasalamat sa Panginoon sa
lahat ng biyayang kanilang
natanggap sa araw-araw.

Araw: Martes (Work Period 1)

7
Work Period 1
Subukin

Panuto: Piliin at Ikahon ( ) ang bawat kasapi ng pamilya.

8
Lesson Mga Kasapi ng Pamilya
2
Work Period 1

Tuklasin
Panuto: Basahin ang maikling tula tungkol sa pamilya.

Ang Aking Pamilya


nina: Christine H. Develos, Aileen D. Marquez, Rebecca M. Justan

Salamat kay tatay na masipag maghanapbuhay


Salamat kay nanay na laging nakasubaybay
Gayundin kay ate at kuya na laging nagtutulungan
Ako naman si bunso nagpapasaya sa aming tahanan.

Mahal namin ang isa’t – isa,


Sa lahat ng oras kami ay masaya
Anumang problema ay kayang - kaya
Ito ang aking Pamilya magkasama sa hirap at ginhawa.

Araw: Miyerkules (Pagpapatuloy)


9
Work Period 1 Suriin
Pag-usapan natin ang tula. Sabihin lamang ang mga kasagutan sa
bawat katanungan.

Ano ano ang mga gawain ng bawat kasapi ng pamilya? Tingnan ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang
mga katanungan.

Si tatay ay masipag maghanapbuhay. Inaayos niya rin ang mga sirang gamit sa bahay.

Bakit kailangan magtrabaho ng iyong tatay? Ano ano ang kanyang inaayos sa inyong
bahay?

10
Si nanay ang nag – aalaga sa buong pamilya. Siya ay nagluluto ng masasarap na
pagkain. Siya rin ang katuwang ni tatay sa paghahanapbuhay.

Ano ano ang mga ginagawa ng iyong nanay? Anong mga pagkain ang kanyang
niluluto?

Si ate ang nakatatandang kapatid na babae sa pamilya. Siya ang tumutulong kay nanay
sa mga gawaing bahay.

Ikaw ba ay may nakatatandang kapatid na babae? Tumutulong ba siya sa mga


gawaing bahay? Ano ano ang mga gawain na kayang gawin ng iyong ate?

Si kuya ang nakatatandang kapatid na lalaki sa pamilya. Siya ang tumutulong kay tatay
sa mabibigat na gawaing bahay.

Ikaw ba ay may nakatatandang kapatid na lalaki? Tumutulong ba siya sa mga


gawain? Ano ano ang mga gawain na kayang gawin ng iyong kuya?

Bunso ang tawag sa nakababatang kapatid sa pamilya. Siya ang nagpapasaya at


nagbibigay aliw sa bawat isa.

Ikaw ba ay may nakababatang kapatid? Ano ano ang kanyang ginagawa?

11
Araw: Miyerkules (Pagpapatuloy)

Work Period 1
Pagyamanin
Gawain1
Panuto: Iguhit ang lahat na miyembro ng iyong pamilya sa loob ng kahon at kilalanin ang mga
ito.

12
Gawain 2
Panuto: Tingnan ang mga larawan na nasa kaliwang kahon. Gamit ang iyong lapis lagyan ng tsek
( ) ang kaparehong larawan na nasa kanang kahon.

13
Work Period I

Isaisip
Sino sino ang mga kasapi ng pamilya?

Si tatay ang haligi ng tahanan. Siya ang naghahanapbuhay para sa pamilya.

Si nanay ang ilaw ng tahanan. Siya ang nag- aalaga sa pamilya. Siya ang katuwang ni
tatay sa paghahanap buhay.

Si ate ang nakatatandang anak na babae sa pamilya. Siya ang katulong ni nanay
sa mga gawaing bahay.

Si kuya ang nakatatandang anak na lalaki sa pamilya. Siya ang katulong ni tatay
sa mga mabibigat na gawain.

Bunso ang tawag sa nakababatang anak. Siya ang nagbibigay saya at aliw sa

buong pamilya.
14
Work Period I
Isagawa
Panuto: Bakatin ang mga sumusunod na salita.

Araw: Huwebes (Work Period 2)

15
Work Period 2
Subukin
Panuto A: Bilugan ( ) ang mga ginagawa ng bawat kasapi ng pamilya.

Panuto B: Lagyan ng tsek ( √ ) ang larawan na nagpapakita ng pagtutulongan ng bawat kasapi ng


pamilya.

16
Lesson
Mga Tungkulin ng Bawat
3 Kasapi ng Pamilya
Work Period 2
Tuklasin
Panuto: Alamin ang mga tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya. Gamit ang iyong lapis pagkabitin ng guhit ang mga larawan
na nasa hanay A patungo sa mga larawan na nasa hanay B.

Hanay A

Hanay B

17
Araw: Biyernes (Pagpapatuloy)

Work Period 2
Suriin
Pag-usapan natin ang mga larawan na nasa loob ng hugis parisukat na nagpapakita ng mga tungkulin ng
bawat kasapi ng pamilya. Sabihin lamang ang mga kasagutan sa bawat katanungan.

Si tatay ay inaayos ang mga Si bunso ang nagpapasaya at


sirang gamit sa bahay. nagbibigay aliw sa bawat isa. .
Ano ano ang mga gamit na
Ano ano ang mga ginagawa ni
inaayos ng iyong tatay?
bunso?

Si nanay ay laging nagluluto Si kuya ay masipag na


ng mga ng masarap na pagkain. nagdidilig halaman.
Ano ano ang mga masasarap Ginagawa rin ba ito ng iyong
na pagkain na niluluto ng kuya?
iyong nanay?

Si ate ay masayang naghuhugas


ng pinggan.

Ginagawa rin ba ito ng iyong


ate?

18
Work Period 2
Pagyamanin
Mga tanong:
1. Ano ba ang tungkulin na iyong ginagampanan? Ikaw ba ang ate, ang kuya, o ang bunso sa pamilya?
2. Ano ang iyong ginagawa sa inyong tahanan?
3. Ginagawa mo ba nang maayos ang iyong tungkulin?
Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang mga larawang nagpapakita ng mga tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya. Pagdugtungin ito ng guhit
patungo sa kanilang tahanan

Gawain 2
Mini-Book of Family Activities
19
Ihanda ang mga kagamitan na kailangan sa gawain upang makagawa ng “My Mini-Book of Family Activities” na may
galak.

Mga kailangan at hakbang.


Lumang diyaryo at magasin o larawan na nasa activity sheet, bond papers, colored markers o lapis, gunting at pandikit.
Gupitin ang mga larawan ng iba’t ibang gawaing pampamilya mula sa mga lumang diyaryo at magasin o larawan
na nasa activity sheet.
Ipadikit ang mga ginupit na larawan sa isang malinis na papel. (Isang larawan sa bawat pahina)
Lagyan ng pamagat (cover page) at idikit ang bawat papel upang makabuo ng mini-book at Gabayan ang bata sa
pagsulat ng “My Mini-Book of Family Activities” at ng kanilang pangalan sa pahina ng pamagat (cover page)

20
Work Period 2

Isaisip

21
Work Period 2
Isagawa

Panuto: Lagyan ng kahon ( ) ang larawan na nagpapakita ng mga tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya.

22
Gawain 2
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang larawan na nagpapakita ng tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya at ekis (X) naman kung
ito ay hindi.

23
Work Period 1

Susi ng Pagwawasto
Subukin Pagyamanin: Gawain1 Pagyamanin: Gawain 2

Work Period 2
Isagawa Subukin Pagyamanin: Gawain 1

24
Work Period 2

Susi ng Pagwawasto
Pagyamanin: Gawain 2 Isagawa: Gawain 1 Isagawa: Gawain 2

Sanggunian
National Kindergarten Teachers Guide
Kindergarten Curriculum Guide

25
PAHATID – LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng
modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

26

You might also like