Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

TANGING YAMAN

Suliraning Panlipunan
Magkakapatid sina Danny, Art at Grace, buhat ng namatay ang kanilang ama
ay nagkatalo-talo na sila sa mga naiwang lupa para sa kanila. Ang lahat ng
magkakapatid ay may kaniya-kaniya ng pamilya and ang kanilang in ana si Loleng
ay kasama ng pamilya ni Danny. Ang tagal na nilang hindi nagkikita-kita lalo na
may mga personl na isyu sin a Danny at Art sa isa’t isa at si Grace naman ay nasa
states kasama ang kaniyang pamilya. Namumuhay ng simple si Danny kasama ang
kaniyang pamilya at si Art naman ay isang mayaman na ngunit may masamang
ugali at matigas ang puso kaya may problema ang kaniyang pamilya. Umuwi
silang lahat kasama ang kaniya-kaniyang pamilya upang maging maayos na ang
pagtatalo sa kanilang lupa at para na din sa kanila in ana may sakit na Alzheimer’s
Disease. Kahit na nagkasama-sama na silang lahat ay hindi naging maayos ang
usapan at lalo pa silang nagtalo-talo na siyang naging dahlia upang lalong masira
ang kanilang pamilya at nagkaroon ng isang malaking trahedya.

Replektibong Sanaysay
Ang pamilya ang isa sa pinapahalagahan natin ng todo sa ating buhay na
kahit anumang mangyari ay siyang nagsisilbing ating taga-suporta sa ating buhay.
Lahat ng una natin ay sa kanila natin naranasan ang pagmamahal, ingatan, alagaan,
suportahan, magkaroon ng takot sa Diyos at marami pang bagay. Sila din ang
siyang nagtuturo sa atin ng tama o mali na dapat nanting gawin. Ang pamilya ang
siyang biyaya sa atin na dapat talaga nating pahalagahan dahil kung wala ito ay
wala din tayo. Sa pelikulang "Tanging Yaman marami tayong matututunan upang
matutunan natin ang halaga ng ating pamilya. Maaring hindi maiiwasan sa isang
pamilya na magkaroon ng alitan o pagtatalo pero hindi ito dapat maging hadlang
upang magkasira ang lahat dahil hindi lang tayong mga anak ang maapektuhan
kundi pati na din ang ating mga magulang na siyang nag-aruga at naghirap upang
tayo ay mapalaki ng maayos. Ang pamilya ang siyang sinasabing pundasyon ng
ating buhay kaya kahit anumang mangyari ay talagang napakahalaga nito. Dumaan
man sa bagyo ng problema, magkaroon ng trahedya ay hinding hindi magbabago
ang katotohanan na pamilya pa din natin sila. Kung anuman ang mga nnagyari sa
loob o labas ng pamilya ay matutong magpakumbaba at mas magpatawaran gaano
man ito kalaki o kaliit. Hayaan na ang pagmamahal ang siyang manguna sa atin.

Nag-iwan ng isang napakahalagang mensahe ang pelikula na


pagdating sa pamilya ay dapat na huwag maging sarado ang puso, matutong
magpatawad, magmahalan at pahalagahan ang ating pamilya dahil hindi habang
buhay ay nandyan sila dahil dadating ang panahon na kukunin din sila sa tamang
panahon. Matuto din tayong makunteto kung anuman ang meron tayo dahil
naniniwala ako na pagpapalain tayo dahil dito. Sabi nga ang pamilya ay isang
regalo na walang kapalit at siyang ating kayamanan sa ating buhay.

You might also like