Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

REPLEKTIBONG SANAYSAY TUNGKOL SA TANGING YAMAN

Ang pamilya ay mahalaga sa ating buhay di man natin madalas na makasama ay


mananatili parin sila na malapit sa atin. May mga di man pag kakaintindihan ay dapat di nag
iiwanan sa gitna ng problema tulad nalang ng aking napanood na pelikula na “Tanging Yaman”.
Ang kwentong ito ay tungkol sa kay Loleng at sa kanyang pamilya. Siya ay may tatlong
anak si Art, Danny, at Grace, sila ay may mga sari sariling buhay at pamilya ngunit matagal na
silang di nag kikita kita dahil sa kanilang mga sari sariling isyu sa buhay. Matapos namang
mamatay ang kanilang ama ay nag kasama sama sila sapagkat gusto nilang maayos ang lupa na
iniwan nito at para na rin ito sa kanilang ina na may Alzheimer’s ngunit imbis na maayos nag
talo talo lamang sila dahil sa kanilang mga problema sa buhay.
Subalit dumating ang isang problema na kung saan ay nawala ang anak ni Art na si
Rommel. Hindi sila pwedeng mag away away sa panahon na iyon sapagkat wala ni isa sa kanila
ang nakaka alam kung nasaan si Rommel. Nagtulungan silang mahanap ito at nagging daan ito
upang maresolba ang kanilang mga problema. Nag-dasal ang mag anak sa Diyos na maging
ligtas si Rommel. Muntikan nang mapahamak at mabawian ng buhay si Rommel subalit isang
himala at niligtas ito ng Sto. Niño. Pag uwi nito ay masaya ang buong mag-anak dahil ligtas
itong nakauwi. Mula noon, ang pamilya nila ay magkaayos at naresolba ang kanilang mga
problema sa isa’t isa.
Marami akong karanasan na katulad ng pinakita sa pelikulang ito may mga problema
man na dumating sa amin ay pinipilit parin naming maging matatagag at buo sa gitna ng mga
pagsubok na ito. Dahil sa huli wala rin naming ibang magdadamayan at magtutulungan kundi
kaming magkakapamilya.
“Hindi sa lahat ng oras dapat mag isa nating kinakaharap ang pagsubok natin, dapat
nating tandaan na may pamilya tayong masasandalan at malalapitan sa mga pagsubok na
dumadating sa atin. Kaya ating tandaan na sa kahit ano mang problema ang dumating may
pamilya tayong malalapitan at handang making sa oras nang pangangailangan.”

You might also like