Pahinga Komfil

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAHINGA

(SPOKEN WORD POETRY)

Kapag pagod ka na
Kapag nasasaktan ka na
Kapag sa tingin mo’y hindi mo na kaya
Magpahinga ka

Sa bawat pahina ng buhay


Hindi talaga maiiwasang mapagod at masaktan
Mapaglaro man ang tadha, ngunit mas piliin mo pa din ang magpahinga
Kapag pagod ka na

Ang buhay ay parang makina lang na kailangan mong pagpahingahin


para gumana ulit at magpatuloy sa tatahakin nito
Sa buhay wala tayong kasiguraduhan kung kailan tayo mapapagod, masasaktan o bibigay
Ang alam ko lang ay kailangan natin magpahinga kahit hindi ito sapat

Sabi nga nila ‘mas ok na ang magpahinga kaysa sumuko’


Kaya ikaw kung pagod at nasasaktan ka man ngayon
Tandan mo na sangkap lamang ito ng buhay
‘Wag kang manatili sa mga bagay na nakapagpapagod at nakakasakit sa ‘yo
Na hindi mo naman kailangan dalhin habang buhay

Kapag pagod, nasasaktan at hindi na kaya, magpahinga ka


Humiga at pumikit muna, isipin mo na kailangang magpahinga upang makahinga.

You might also like