Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 138

1

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Unang Markahan – Modyul 1:

Unang Linggo (Ang Wika: Introduksyon sa Wika, Pinagmulan


ng Wika, Depinisyon ng Wika)
2

Aralin 1 – Ang Wika

Introduksyon sa Wika

Ang wika, kultura, at lipunan ay magkakaugnay. Wika ang pangunahing ginagamit ng


tao bilang instrumento sa kanyang pakikipag-ugnayan sa lipunan at kultura. Binanggit ni
Hoebel (1966) na ang isang lipunan o komunidad ay maaaring mabuhay nang walang wika
ngunit walang maunlad na kalinangan o kultura kung walang wika. Dito umusbong ang
pangangailangan niya para makipagkomyunikeyt, gamit ang wikang alam niya. Bagaman tao
ang pangunahing may pangangailangang makipagtalastasan subalit ginagawa rin ito ng
ibang nilalang o hayop. Sinabi ni Eller (2009) na lahat ng mga nilalang, kahit halaman, ay
nakikipag-usap sa iba‟t ibang paraan, sa kahulugan ng pagpapadala at pagtanggap ng
impormasyon. Kahit ang mga hayop ay nakagagawa rin ng mga gawaing may pagkakatulad
sa gawain ng mga tao at isa na rito ang linggwistikong kakayahan. Ngunit ano nga ba ang
wika? Ano ang relasyon nito sa kultura at lipunan?

Ang wika ay isang sistema ng simbolikong komunikasyon na gumagamit ng mga


tunog at/o kilos na pinagsama ayon sa mga panuntunan na nagbubunga ng mga kahulugang
napagkasunduan ng isang lipunan at mauunawaan ng lahat ng nakikibahagi sa wikang iyon
(Haviland et al., 2011 at Eller, 2009). Nakasalalay sa pasalitang wika ang mga tao upang
makipagtalastasan sa isa‟t isa subalit hindi lamang ito ang tanging komunikasyon na
ginagawa. Nakapaloob ang wika ng tao sa lumang-lumang sistema ng kilos-tawag (age-old
gesture-call system) na kung saan ang mga galaw ng katawan at mga ekspresyon ng
mukha, kasama ang mga katangian ng tunog tulad ng tono at lakas ng tunog ay may
ginagampanang papel sa paghahatid ng kahulugan (Eller, 2009). Halimbawa, ang isang
taong takot o kinakabahan kapag nagsasalita ay may halong panginginig ng boses. Maaaring
may takot at kaba rin na mararamdaman ang isang babae kapag sorpresa siyang inaalok ng
kasal ng kanyang nobyo. Mamumula ang kanyang pisngi at manginginig din dahil sa
kasiyahan. Ngunit, ang naramdamang takot at kaba ay hindi katulad sa isang taong may
kasalanan na nagawa. Maituturing na simbolo ang pamumula at panginginig ng babae sa
sitwasyong ito. Bahagi ito ng komunikasyon na higit sa paraang pasalita at pasulat – ito ay
mga komunikasyong di-berbal.

Walang taong namumuhay nang mag-isa. Ito ang dahilan kaya patuloy siyang
nakikisalamuha upang mabuhay. Ang tuluyang pag-unlad ng tao ay dulot rin sa kanyang
patuloy na pakikipagkapwa gamit ang wikang alam niya. Hindi maihihiwalay sa pag-unlad ng
buhay ang kultura at lipunang kinabibilangan ng tao. Higit pa, ang wika niya ay nakasalalay
sa kultura at kanyang lipunan. Ang wika ay kultura at ang kultura ay komplikadong ideya na
maaaring nakapaloob sa kilos, galaw, at iba pang anyo. Ang dalawang mahahalagang
salitang ito ay naging isang simbolo ng lipunan para makilala ang mga tao. Ang isang kultura
ay binubuo ng mga ideya at mga pananaw sa mundo na nagpapaalam at nasasalamin sa
pag-uugali ng mga tao. Ang maalimuot na ideya at mga paniniwala ay nakaenkowd sa isang
magkakaugnay na sistema ng mga simbolo na nagsisilbing komunikasyon sa pagitan ng mga
miyembro ng isang lipunan. Dahil dito, ang wika ay mahalaga sa pag-andar ng kultura ng tao.
Ang mga panlipunang pagbabago – tulad ng edad, kasarian, at katayuan ng ekonomiya – ay
maaaring makaimpluwensya kung paano ginagamit ng mga tao ang wika. Bukod dito,
3

nakikipag-usap ang mga tao kung ano ang makabuluhan sa kanila, at karamihan ay tinutukoy
ang kanilang partikular na kultura. Ang kanilang paggamit ng wika ay may epekto sa, at
naiimpluwensyahan ang kanilang kultura.

Ang wika ay isang espesyal na sistema ng komunikasyong oral at pasulat.


Nailalahad ito sa paraang berbal at di-berbal. Simboliko itong natututuhan. Saan ito
natututuhan ng tao? Sa lipunang kanyang kinabibilangan at nababatay rin ang wikang ito sa
kultura ng lipunang kinalakhan. Masdang mabuti ang ilustrasyon sa ibaba:

Lipunan

Wika Kultura

Lipunan

Nagpapakita ang ilustrasyong ito ng ugnayan ng kultura, wika, at lipunan. Wika ang
pangunahing nagpapahayag ng kultura – ang pangunahing prinsipyo na ipinahihiwatig dito.
Ang kultura naman ay repleksyon ng lipunang kinabibilangan ng bawat indibidwal. Kung ano
ang wika at kultura ng isang tao, bunga ito ng lipunang kanyang kinalakhan. Tunay nga na
nang isilang ang isang tao ay wala pa siyang wika.

Upang higit na maunawaan ang ilustrasyon, gawin nating halimbawa ang isang
sanggol. Ang iba‟t ibang paraan ng komunikasyon ng isang sanggol ay hindi matatawag na
wika dahil ang wika ay natututuhan. Pag-edad ng ilang buwan, ano‟ng laking problema ang
dulot niya sa kanyang mga magulang kung hindi pa siya marunong magsalita. Ang gamit
niyang mga salita sa pakikipag-usap ay nakukuha niya sa lipunang kanyang kinabibilangan,
sa kanyang kapaligiran, at sa lugar na kinalakhan. Ang mga salitang alam niya ngayon ay
umaaayon sa mga salitang gamit din ng mga tao sa kanyang kapaligiran. Hindi maaaring
mag-iba ang wika niya sa kasambahay o mga kapitbahay. Kinokontrol ang mga salitang
gamit niya ng kanyang palibot. Ang isang sanggol na Meranaw halimbawa, na pinalaki (sa
kung ano mang dahilan) ng mga magulang na nagsasalita ng Cebuano, siguradong ang
sanggol na ito ay marunong ng wikang Cebuano kahit Meranaw ang wika ng kanyang mga
magulang. Pati na rin ang kulturang Cebuano ng nag-aalaga sa kanya ay kanyang
mamanahin.

Wika ang isa sa mga dahilan kung bakit nakilala ang kultura ng isang indibidwal.
Wika rin ang naging tulay para patuloy na buhay ang kultura ng isang pangkat mula sa
kauna-unahang panahon hanggang sa kasalukuyan. Kapag ang sariling wika ay
mamamatay, maglalaho rin ang kulturang dala ng ginagamit na wika. Ito ay sa kadahilanang
binubuo ang Pilipinas ng multikultural na mga tao, higit na kailangang matutunan ng bawat
isa na ang daan tungo sa kapayapaan ay ang pagkilala at pag-unawa sa wika, kultura, at
lipunan ng isang pangkat.
4

Kapayapaan ang minimithi ng lahat. Magkakaiba man sa paniniwala, kulay, relihiyon,


wika, kultura, at anupaman kung may pagkakaunawaan ay may kapayapaan. Ito ang
pinakadahilan kung bakit mahalaga na matutuhan ang wika at kultura ng anumang uri ng
lipunan. Ang pag-alam ng kung ano ka at ano sila, lalo na ang pag-unawa sa kanila ay
makatutulong ng malaki sa katiwasayan at pag-unlad ng isang lipunan at ng buong bansang
Pilipinas. Ito ang malaking papel na ginagampanan ng pag-unawa ng kultura ng iba – ang
matagal na nilulumot nang minimithing kapayapaan.

1.1 Wika

Ang pinakamahalagang interes ng pag-aaral ng wika ay hindi ang wika mismo kundi
ang gamit nito – kung paano ang wika nagpapakilala sa tao, ang sosyal niyang kaligiran, mga
pangarap at mithiin niya, persepsyon nila sa bawat isa, at ang sitwasyon sa lipunan na kung
saan siya kasapi (A.D. Edwards, 1979).

Sa bahaging ito ay tatalakayin ang pagbabalik-tanaw sa kahulugan ng wika at ilan


pang impormasyon sa wika bilang wika. At ang pinakatunguhin ng susunod pang talakayan
ay ang pag-aaral sa wika bilang kultura at ang kaugnayan nito sa araw-araw na
pakikisalamuha ng tao sa kapwa niya tao at sa iba pang miyembro ng lipunan na kanyang
kinabibilangan. Gamit pa rin ang wika – natututo siyang makitungo sa mga taong nasa labas
ng kanyang lipunan.

Bawat wika ay may perpektong sistema, kaya walang sinumang makapagsabi na


nakahihigit o mas nangunguna ang wika niya kaysa sa iba. Kung may pangalan o simbolo
ang isang bagay sa mga Amerikano, ganoon din ito sa mga Pilipino. Sa mahigit na 6,000
wika sa buong daigdig, walang nakalalamang sa superior na wika.

1.2 Pinagmulan ng Wika

Walang tao o aklat man ang nakapagpapatunay na ang wika ay nagt-ugat o


nanggaling sa isang tiyak na tao, bagay o pangyayari. Ang lahat ng tungkol sa pinagmulan
nito ay puro mga haka-haka o pansariling opinion lamang kaya magpahanggang ngayon ay
patuloy ang pagtatalo hinggil sa pinag-ugatan nito.

Saan nga ba nagmula ang wika? Ayon sa iba‟t ibang manunulat at teorista, ang mga
Egyptian daw ang pinakamatandang lahi kaya ang wikang Egyptian ang pinakamatandang
wika. Ang manlilikha ng pananalita para sa kanila ay si Haring Thot.

Mula sa aklat nina Fromkin, V. & R. Rodman (1983) ay sinasabing ang lahat ng
kultura ay may kani-kanilang kwento ng pinagmulan ng wika. Kung minsan, ang mga
kwentong ito ay walang kabuluhan ngunit kinawiwilihan at pinaniniwalaan dahil parang may
katotohanan nga para sa kanila. Sa aklat naman ni Darsna Tyagi (2006), sinasabing sa
China, naniniwala sila na ang Son of Heaven na si Tien-Zu ang nagbigay ng wika at
kapangyarihan. Sa Japan naman, ang manlilikha nila ng wika ay si Amaterasu. Ang ibang
teorya ay nagsasabing ang wika ay kasama na ng pag-anak o paglikha ng tao. Ang Genesis
Story/Divine Theory ay nagpapaliwanag din na ibinigay ng Diyos sa tao ang wika. Binigyan
5

ng Diyos ng kapangyarihan ang tao para magpangalan sa mga bagay-bagay. Sa mga


Babylonians, ang nagbigay raw ng wika sa kanila ay si God Nabu para sa mga Hindu, ang
kakayahan nila sa wika ay ibinigay ng babaeng Diyos nila na si Saravasti na asawa ni
Brahma, ang tagapaglikha ng sangkatauhan.

Totoo man o hindi ang lahat ng ito, dahil wala pang wika, may iba‟t ibang paraan ng
komunikasyon noong unang panahon. Ayon pa rin kay Hoebel (1996) walang
makapagsasabi kung saan o kung paano talaga nagsimula ang wika. Maaaring ang tao noon
ay nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag-iyak, paghiyaw, pagkilos o paggalaw,
pagkumpas ng kamay hangga‟t ang mga senyas na ito ay binigyan ng mga simbolo at
kahulugan.

Tandaan na ang pahapyaw na pag-aaral na ito sa wika ay makatutulong sa pag-


unawa kung bakit ang bawat indibidwal ay kakaiba hindi lamang sa pisikal na kaanyuan
kundi maging sa kanyang panalita na isa sa batayan kung bakit siya kakaiba sa lahat. Ang
wika bilang kultura ay malaking faktor sa pagkilala sa kapwa.

1.3 Depinisyon ng Wika

1. Edward Sapir (1949) – ang wika ay isang likas at makataong pamaraan ng paghahatid ng
mga kaisipan, damdamin at mithiin.

2. Caroll (1954) – ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng
lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at pagbabago
sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set
ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutunan at ginagamit sa iba‟t ibang antas ng
bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

3. Todd (1987) – ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito ay
sinusulat din. Ang tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang
dalawang wikang magkapareho bagaman ang bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.

4. Buensuceso – ang wika ay isang arbitraryong sistema ng mga tunog o ponema na


ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan.

5. Tumangan, Sr. et al. (1997) – ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang
binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay-
ugnay ang isang pulutong ng mga tao.
6

Gawain 1

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

1. Mula sa mga nabanggit na kaalaman at pagpapakahulugan sa wika, ano ang tatlong salita
ang masasabing pare-parehong sinasabing katangian ng wika? Ipaliwanag ang bawat salita.

2. Base sa mga nabanggit sa itaas na mga pagtalakay sa wika, paano natin masasabi na ang
wika ay daan tungo sa kapayapaan? Magbanggit ng mga tiyak na halimbawa.
7

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Unang Markahan – Modyul 1:

Ikalawang Linggo (Ang Wika: Iba’t Ibang Teorya sa Wika, Iba’t


Ibang Pananaw sa Wika)
8

Aralin 1 (pagpapatuloy)

1.4 Iba’t Ibang Teorya sa Wika

1. Bow-wow – pinaninindigan ng teoryang ito ang panggagaya sa mga likas na tunog gaya
ng ngiyaw ng pusa at tilaok ng manok.

2. Pooh-pooh – naniniwalang ang wika ay galing sa instinktibong bulalas na nagsasaad ng


sakit, galak, galit, tuwa, atbp. Ipinalalagay na ang unang mga pananalitang nalikha ay mga
pandamdam na nagpapahayag ng biglang sulak at masidhing damdamin.

3. Ding-dong – kilala rin a teoryang natibisko na may ugnayang misteryo ng mga tunog at
katuturan ng isang wika at bagay-bagay sa paligid.

4. Yum-yum – nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng kumpas sa alinmang


bagay na nangangailangan ng aksyon.

5. Yo-he-ho – naniniwalang ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalikha ng mga taong
magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho o pwersang pisikal.

6. Tarara-boom-de-ay – mga tunog mula sa ritwal ng mga sinaunang tao na naging daan
upang magsalita ang tao. Ang mga sayaw, sigaw, o inkantasyon at mga bulong ay binigyan
nila ng kahulugan at sa pagdaraan ng panahon, ito ay nagbago.

1.5 Iba’t Ibang Pananaw sa Wika

Sinabi ni Virgilio Almario, “Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo.” Natumbok
sa winika ni Almario ang ugnayan ng wika, kultura, at lipunan. Kung ano ang sinasabi at
wikang sinasalita ng tao, iyon din ang uri ng pagkataong mayroon siya. Nahulma ang
pagkatao ng isang indibidwal mula sa kanyang ugali, paniniwala, at pamamaraan ng buhay
na maaaring bunga ng lipunang kinabibilangan. Impluwensya ito ng kinalakhang lipunan kaya
kung paano magsalita at ano ang paggamit ng wika ay larawan din ng ugali. Bagaman
pamilya ang unang may malaking ambag sa paghubog ng pagkatao ngunit ang patuloy na
pakikisalamuha sa lipunan ay magdudulot din ng higit na ambag sa pagiging tao. Maaaring
manatili ang ilang kinagawian at pwede ring may mababago hindi lamang sa ugali o
paniniwala ngunit possible ring sa wika na sinasalita. Sa kabila ng matatag na pagmamahal
ng iba sa kanilang kinagisnan, maaaring may mababago o pagbabago dulot din ng
pagtanggap sa mga impluwensya ng lipunang dala sa pag-usbong ng siyensya, teknolohiya,
at integrasyon ng mga lipunan tulad ng ASEAN na integrasyon. Kung may nakalilimot man,
ito ay depende na sa tao at sa impluwensya ng lipunan sa kanila.

Ang kabatiran sa isang wika ay kabatiran din sa lipunan na ginagamit ang wikang ito.
Karaniwan itong mapapansin sa karanasan ng mga Filipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
Halimbawa, ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho sa Saudi Arabia na
nagkikita sa isang hotel. Kung napapansin ni OFW-A na si OFW-B ay may puntong Filipino
(o kahit anong wika sa Pilipinas) sa pagsasalita, tatanungin agad ito ni OFW-A kung taga-
Pilipinas ba siya at saan sa Pilipinas. Magkakamustahan sa isa‟t isa at bahagi sa magiging
9

paksa ng pag-uusap ay Pilipinas. Sa puntong ito, ang Pilipinas bilang kanilang komon na
lipunan ay nagsisilbing tulay sa kanilang komunikasyon. Tiyak pa, gagamitin nila ang wikang
Filipino sa pag-uusap. Ang pag-uusap ng dalawa ay palatandaan ng pagkakaroon ng
magandang ugnayan kahit hindi pa nila kilala ang bawat isa. Ito ang sinasabi ni Trudgill
(2000) na panlipunang tungkulin ng wika. Ipinahayag sa sitwasyong ito na hindi lamang
simpleng pakikipagkomunikasyon ng impormasyon ang wika. Isa rin itong pinakamahalagang
paraan sa pagbuo at pagpatibay ng koneksyon at relasyon sa ibang tao. Malamang ding ang
pinakamahalagang bagay tungkol sa kanilang kombersasyon ang lipunang nag-ugnay sa
kanila at ang wikang ginagamit. Maaaring sa pagtira nila sa ibang bansa ay may mga
impluwensya at pagbabago sa kanilang ugali at kilos dahil sa bagong wika, lipunan, at kultura
ng palibot. Hindi naman ito hadlang sa pagpapanatili ng wika at lipunang kinalakhan. Maliban
na lamang kung magkakaroon ng tuluyang paglimot ng kanyang pinanggalingan dulot sa
kawalang ng pagkakataon na magamit ang wikang kinagisnan at kawalan ng magpapaalala
sa pinagmulang lipunan. Ang sitwasyong ito ay gawi ng tao sa kanyang wika o tinatawag na
gawi sa wika (language behavior). May binanggit si Trudgill (2000) na dalawang aspekto ng
gawi sa wika na mula sa panlipunang punto de bista: (1) ang tungkulin ng wika sa pagbuo ng
panlipunang relasyon, at (2) ang papel na ginagampanan ng wika sa paghahatid ng
impormasyon tungkol sa tagapagsalita. Sa unang aspekto, isang instrumento ang wika sa
pagkakaunawaan at pagbuo ng ugnayan sa isa‟t isa. Ang ikalawang aspekto naman ay
nagsasabing tagapaglarawan ang wika sa gumagamit nito. Naglalahad ito ng estado sa
buhay, ng kinabibilangang lipunan, ng ideolohiyang pinaninindigan at iba pa. Malinaw na ang
dalawang aspekto ng linggwistikong gawi na ito ay mga repleksyon ng katotohanang
mayroong malapit na inter-relasyon sa pagitan ng wika at lipunan.

Talagang ang wika ay isang sistema ng komunikasyon kung saan ang tunog o
simbolo at nagtataglay ng mga bagay, kilos, at ideya. Ayon kay Tumangan, Sr. et al. (1977),
ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa pamamagitan
nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa, at nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga
tao. Ginagamit ito sa komunikasyon. Bagaman ang wika ay primaryang sinasalita at hindi
sinusulat subalit sa paglaganap ng teknolohiya at mga ambag ng pagbabago naging esenyal
na rin ang pagsulat na anyo nito. Halimbawa, sa lipunan ng negosyador pangkapayapaan at
negosasyong pangkapayapaan (peace negotiator and peace negotiation) ang pasulat na
wika ay esensyal upang madokumento ang napagkasunduan at anumang resolusyon. Kaya
sa kasalukuyan, ang pag-unlad ng pasulat na midyum at sa kalaunan ang sistema ng
paglimbag ay naging daan na sa pagtatala ng mga impormasyon. Maiiwasan o
makapagtatanggal ito ng hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng paggamit nito bilang
instrumento sa ugnayan ng lipunan ng mga tao. Mungkahing kaisipan ito ni Malinowski (nasa
Gellner, 1998) na wika ang pangunahing kaisipan ng pagkakaisa at pakikipagtalamitam. Ito
ang isang kailangang-kailangan na kasangkapan para sa pagbuo ng pagkakaisa ng lipunan
sapagkat kung wala ito imposible ang pinag-isang panlipunang kilos. Samakatwid, wika ang
pusod ng sangkatauhan at kabaitan.
10

Gawain 2

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

1. Magsagawa ng isang pananaliksik sa internet ukol sa mga teorya ng pinagmulan ng wika.


Magbigay ng 3 pang teorya ng pinagmulan ng wika (maliban sa 6 na nabanggit sa naunang
pahina) at ibigay ang paniniwala ng bawat teorya. (Ibigay din ang URL ng pinagkuhanan ng
sagot)

2. Sa kabuuan ng unang aralin ukol sa wika, maglista ng 5 kahalagahan ng wika ayon sa


iyong personal na pananaw.
11

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Unang Markahan – Modyul 1:

Ikatlong Linggo (Ang Wika sa Lipunan: Pananaw sa Ugnayan


ng Wika at Lipunan, Sosyolinggwistika, Rehistro ng Wika,
Argot)
12

Aralin 2 – Ang Wika sa Lipunan

2.1 Pananaw sa Ugnayan ng Wika at Lipunan

Hindi maiwawaglit sa pagtalakay sa ugnayan ng wika at lipunan o anumang tungkulin


ng dalawa sa isa‟t isa ang pagtukoy sa kahulugan ng wika at lipunan. Nailahad na sa unang
bahagi ang kahulugan ng wika na sistema ng simbolo. Simbolo ito na may element tulad
ng ponolohiya, morpolohiya, sintaktika, semantika/pragmatika, at tuntunin gaya ng
gramatika. Bunga ang mga ito sa napagkasunduang paggamit ng lipunan sa isang wika. Sa
kabilang banda naman, nabanggit ni Wardaugh (2006) na ang isang lipunan ay anumang
grupo ng mga tao na magkakasama para sa isang tiyak na layunin o mga layunin.
Komprehensibong konspeto ang lipunan dito ngunit mahalaga ang komprehensibong
pananaw na ito dahil sa iba‟t ibang uri ng mga lipunan na nagbibigay ng direktang
impluwensya sa wika o bise bersa. Maaaring mahulma rito ang kabuluhan ng wika sa palibot:
ang wika ay kung ano ang sinasalita ng isang partikular na lipunan. Halimbawa, ang lipunan
ng mga bayot/bakla ay may sariling wika na sila-sila lamang ang nakapagsasalita at
nakauunawa. Kinikilala nila at ng ibang grupo ang wikang ito sa tawag na bekimon.
Gumagamit naman ng sarili nilang wika ang lipunan ng mga doctor na sila-sila lamang ang
maaaring makauunawa dahil sa teknikal nitong kahulugan at anyo. Ang kalagayan na ito ng
wika at lipunan ay naipapaliwanag sa mga araling tumatalakay sa interrelasyon ng wika at
lipunan sa isa‟t isa.

2.2. Sosyolinggwistika

Pag-aaral ito ng wika sa mga konteksto ng lipunan nito at ang pag-aaral ng buhay
panlipunan sa pamamagitan ng linggwistika (Coupland at Kaworski, 1997). Pagtatagpo ito ng
wika at impluwensya ng lipunan sa isang tao. Siyentipiko na mapag-aaralan ang wika bilang
hiwalay na bagay sa gumagamit nito. Ito ang gawain ng mga linggwista. Subalit, ang lipunan
na ginagamitan ng isang wika ay lumilikha ng epekto sa huli. Sa talakay ni Wardaugh (2006),
ang sosyolinggwistika ay tungkol sa pagsisiyasat ng mga relasyon sa pagitan ng wika at
lipunan na may layuning sa pag-unawa sa istraktura ng wika at kung paano gumagana ang
mga wika sa komunikasyon. Higit ang empasis rito sa wika bilang may dirtektang relasyon sa
lipunan. Ito ang tinatawag na mikro-sosyolinggwistika.

Ang sosyolinggwistika ay malawak na larang, at maaari itong magamit upang


ilarawan ang maraming iba‟t ibang paraan ng pag-aaral ng wika. Ito ba ay tungkol sa kung
paano ang mga indibidwal na nagsasalita gamitin ang wika? Ito ba ay tungkol sa kung paano
ginagait ng mga tao ang wika sa magkakaibang bayan o rehiyon? Ito ba ay tungkol sa kung
paano ang isang bansa ay nagpapasya kung anong mga wika ang makikilala sa mga korte o
edukasyon? Sa kaso ng Pilipinas, ang pagkakaroon ng pulo-pulong anyo nito ay lumilikha ng
iba-ibang paraan ng paggamit ng wika. Matutunghayan ito sa paraan ng pagbigkas, sa
bokabularyong ginamit, sa istruktura, at iba pa. Bahagi ng usapin din ng sosyolinggwistika
ang pagkakaroon natin ng pambansang wika at mga opisyal na wika – ang wikang Filipino at
Ingles.
13

Sa pagitan ng mga tagapagsalita ng anumang wika, mayroong pagkakaiba-iba sa


paraan na ginagamit nila ang kanilang wika. Ito ang tinatawag na baryasyon ng wika. Bahagi
ito ng ugnayan ng wika sa lipunan kung saan ito ginagamit. Ang mga baryasyong ito ay
ipinakita ng mga pagkakaiba sa wika sa mga tuntunin ng tunog (ponetiko) at istruktura
(gramar). Maaaring may mga bahagyang pagkakaiba lamang sa pagitan ng mga anyo ng
isang wika, gaya sa paraan ng pagbigkas. Halimbawa, ang bigkas ng mga Mindanawon sa
/e/ ay /i/ kaya ang [pera] ay nagiging [pira]. Ito ang mapapansin sa isang patalastas ng
Palawan Pawnshop Express Pera Padala na pinagbidahan ni Aling Dionisia, ang ina ni
Senador Manny Pacquiao. Hindi lamang sa bahaging ito mapapansin ang baryasyon sa
wika. Minsan may mga pagkakaiba sa pagitan ng pagsasalita ng mga kalalakihan at
kababaihan, iba‟t ibang mga klase sa lipunan, at mga pagkakaiba sa pagitan ng mga pangkat
ng edad. Samakatwid, ang sosyolinggwistika ay nakatuon sa pagkakaiba-iba ng wika mula
sa lipunan. Ang mga baryasyon at pagkakaibang ito ay bunga ng mga panlabas na faktor o
dahilan gaya ng heyograpikal o grupong sosyal. Tinalakay nina Santos, et al. (2012) ang
heyograpikal at sosyal bilang pangunahing ugat sa pagkakaiba ng wika. Heyograpikal na
pagkakaiba ng wika ang magaganap dahil sa lugar o lokasyon ng tagagamit nito. Ito ang
dahilan ng pagkakaroon ng diyalekto o wikang subordineyt sa katulad ding wika kaya tangi
lamang ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon. Halimbawa, ang Cebuano ay magkakaroon
ibang paraan ng paggamit sa mga lugar ng Iligan kaya naging Cebuano-Iligan, Cagayan de
Oro kaya naging Cebuano-Cagayan de Oro, Surigao kaya may Cebuano-Surigaonon.
Sosyal naman na salik ng baryasyon ng wika ang tawag dahil sa posisyong sosyal o
panlipunan ng bawat grupo. Ang konteksto ng pagkakaiba ng gamit ng wika dulot ng sosyal
na paktor ay tinatawag naman na sosyolek. Halimbawa nito ang mga lipunan ng mga babae
ay mapapansing may sariling paraan ng pagpapahayag na kaiba rin sa mga lalaki.
Samakatwid ito ay wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa lipunan.
Maaaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, seks, uri ng tabaho, istatus sa buhay, uri
ng edukasyon, atbp. May mga paraan o barayti naman ng paggamit ng wika na makikita sa
mga sumusunod.

2.3 Rehistro ng Wika

Kilala rin ito sa tawag na Jargon. Set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng
mga grupong gumagamit nito na maaaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali a
grupo o hindi familyar sa propesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilangan (Santos,
Hufana, Magracia, 2008). Ang mga guro ay may mga salita na grupo lamang nila ang
nakauunawa at gumagawa/gumagamit tulad ng lesson plan. Ang mga abogado naman ay
may mga termino na sila lamang ang nakakaunawa gaya ng salitang order [sa parirala na
order of the court] na nangangahulugang kaayusan.

2.4 Argot

Ito ang sekretong wika na ginagamit ng mga grupong kinabibilangan, ngunit hindi
limitado, ng mga magnanakaw, at iba pang mga criminal. Layunin nito na maiwasang
mabatid o maunawaan ng mga hindi kasama sa grupo ang kombersasyon sa loob ng
14

samahan. Ano ang kaibahan nito sa balbal o slang na mga salita? Iba ang balbal sa argot
sapagkat hindi sekreto ang kahulugan ng mga salitang balbal, higit na pampubliko, mas
pangkalahatang magagamit at, syempre, mas „kagalang-galang.‟ Ang argot naman ay isang
espesyal na bokabularyo o hanay ng mga idyoma na ginagamit sa isang partikular na uri o
grupong panlipunan, lalo na ng mga hindi sumusunod sa batas. Tinatawag din itong cant at
cryptolect.

Halimbawa ng balbal at argot:

Balbal Argot
yosi sigarilyo Sigue Sigue Commando Gang o grupo sa Bilibid
parak pulis Budol-budol gang Grupo ng tao na
tsimay katulong nangunguha ng pera sa
pamamagitan ng
panloloko

Gawain 3

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

1. Magsaliksik sa internet ukol sa mga sumusunod:

a. 5 propesyon, magbigay ng tig-5 salita na pekulyar lamang sa bawat propesyon.


15

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Unang Markahan – Modyul 1:

Ikaapat na Linggo (Ang Wika sa Lipunan: Sosyolohiya ng


Wika, Antropolohikong Linggwistika, Etnolinggwistika)
16

Aralin 2 (pagpapatuloy)

2.5 Sosyolohiya ng Wika

Nagmula ito sa larangan ng sosyolinggwistika kaya tinatawag din na makro-


sosyolinggwistika. Nakatuon din ang salitang ito sa ugnayan ng wika at lipunan. Manipis
ang distinksyon ng dalawa kaya minsan sinasabing wala itong pagkakaiba sa isa‟t isa.
Proponent ng larang na ito sa ugnayan ng wika at lipunan ay ang kilalang iskolar sa wika na
si Joshua Fishman, ang kanyang pangunahing kontribusyon dito ang pagbuo ng
International Journal of the Sociology of Language.

Ano ang pagkakaiba ng sosyolohiya ng wika sa sosyolinggwistika? Sabi ni Fishman


(1997), patuloy na gumagamit ang tao ng wika – pasalita, pasulat, at maging nakalimbag
man – at patuloy rin siyang nakikipag-ugnay sa kapwa sa pamamagitan ng mga ibinahaging
mga norm ng pag-uugali. Dito nabuo ang papel ng sosyolohiya ng wika na sumusuri sa
interaksyon sa pagitan ng nabanggit na pag-uugali ng tao: ang paggamit ng wika at ang
sosyal na samahan ng pag-uugali (social organization of behavior). Sa madaling salita,
ang sosyolohiya ng wika ay sumasaklaw sa mga paksa na may kaugnayan sa panlipunang
samahan ng pag-uugali ng wika (social organization of language behavior), kabilang hindi
lamang ang paggamit ng wika sa bawat isa kundi kasama rin ang mga saloobin sa wika
(language attitude) at mga pag-uugali ng pag-uusap sa wika at sa mga gumagamit ng wika.
Lipunan ang tuon ng sosyolohiya ng wika at ang relasyon nito sa wika samantalang ang
sosyolinggwistika ay tungkol naman sa relasyon ng wika sa lipunan. Maaaring sabihin na sa
bahaging ito na ang dimarkasyon ng dalawa ay makikitang sa paksang nais tingnan sa wika
bilang produkto ng lipunan. Halimbawa, kapag napapansin mo na si A ay may ibang
pagbigkas ng tunog kaysa kay B kahit pareho silang gumagamit ng wika ito ay may
kaugnayan sa sosyolonggwistika. Sa kabilang banda, kapag higit ang pagturing ni A sa
wikang Ingles bilang wika ng karunungan at si B naman ay higit na nagsusulong sa paggamit
ng wikang Filipino bilang pambansang pagkakakilanlan, ito ay nasa larang ng sosyolohiya ng
wika.

Sinusubukan ng sosyolohiya ng wika na matuklasan kung paano mas madaling


maunawaan ang estrukturang panlipunan sa pamamagitan ng pag-aaral sa wika (Wardaugh,
2006). Bahagi rin ng sosyolohiya ng wika ang pagbibigay-diin sa mga barayti at baryasyon ng
wika subalit inilalagay ito sa konteksto ng pag-uugali para sa sariling identipikasyon ng grupo,
pagbuo ng grupo at pagkabuwag nito, at referential membership behaviors (Fishman,
1975). Ang konsiderasyong ito ng sosyolohiya ng wika ay tugon din sa konsiderasyon ng
pag-unawa sa kaibahan ng bawat isa. Sa kabilang banda, ang sariling identipikasyon gamit
ang pag-uugali sa wika ay isang palatandaan ng impluwensya ng lipunan sa wika. Maibibigay
natin na halimbawa rito ang mga pangkat etniko sa ating bansa. Kapag pinagbawalan sila na
gumamit ng sariling wika ay tiyak na magagalit sila. Ito ang nangyayaring sitwasyon sa ating
bansa sa kasalukuyan. Simula pa noong 1935 nagkaroon tayo ng probisyon sa ating
Konstitusyon na magkaroon ng wikang pambansa subalit hanggang sa kasalukuyan mayroon
pa ring mga hesitasyon at pagtanggi rito. Itinuturing ng ibang etnikong pangkat na
pinaghaharian ng pambansang wika, ang Filipino, ang Pilipinas kaya mawawalan ng halaga
17

ang mga bernakular na wika sa ating bansa. Ngunit, layunin lamang ng hangarin na ito na
magkaroon ng pagkakaugnay ang mga taong may iba-ibang sinasalitang wika para sa
pagkakaunawaan. Ganito rin ang mangyayari sa proseso ng kasunduang pangkapayapaan,
magiging hindi ito epektibo kapag ang ginagamit na wika ay hindi abot ng matalas na pag-
unawa ng sangkot dito.

2.6 Antropolohikong Linggwistika

Bahagi ito ng larang linggwistika na may kinalaman sa lugar ng wika sa mas


malawak na konteksto ng lipunan at kultura nito, at ang papel nito sa paggawa at
pagpapanatili ng mga kultural na kasanayan at mga panlipunang kaayusan. Tinitingnan sa
antropolohikal na linggwistika ang wika sa pamamagitan ng lente ng antropolohikal na
konsepto-kultura-upang Makita ang kahulugan sa likod ng paggamit, maling paggamit o hindi
paggamit ng wika, ng iba‟t ibang anyo nito, mga rehistro at estilo. Interpretatibong larang ito
ng paghihimay-himay sa wika upang makahanap ng kultural na pag-unawa. Katulad ng
sosyolohiya ng wika, ito ay may kaugnayan din sa sosyolinggwistika. Kung ang hanap ng
larang na ito ay makahanap ng kultural na pag-unawa sa likod ng pag-uugali sa wika, ang
sosyolinggwistika naman ang tumitingin sa wika bilang panlipunang institusyon na nagdadala
ng panlipunang interaksyon (Foley, 1997).

Sinabi ni Foley (1997) na magkaiba na larang ang antropolohikal na linggwistika at


linggwistikang antrpolohiya. Higit umano na binibigyan ng diin sa una ang larang ng
linggwistika upang maipaliwanag ang kultural na konsepto ng wika. Sa kabilang banda, ang
huli naman ay nagbibigay raw ng higit na empasis sa larang ng antropolohiya sa pagbabasa
ng wika. Pinutol ang dimarkasyong ito ni Dell Hymes (nasa Duranti, 2009) nang ginamit niya
ang terminong linggwistikang antropolohiya upang tukuyin ang pagdulog antropolohikal sa
pag-aaral ng wika. Nagpahayag si Duranti (2009) ng dalawang alalahanin ng antropolohiya
sa wika o linggwistikang antropolohiya: (1) upang panatilihin ang pag-aaral ng wika bilang
isang sentral na bahagi ng disiplina ng antropolohiya, at, (2) upang palawakin ang konsepto
ng wika na lampas sa makitid na interes sa estrakturang gramatikal.

2.7 Etnolinggwistika

Ugnayan ng wika at kultura ang tuon ng larang na ito sa pag-aaral ng wika. Ayon kay
Underhill (2012) pag-aaral ito sa relasyon sa pagitan ng wika at komunidad. May konotasyon
ang larang na ito kung pagbabatayan ang kasamang salita nitong etnik/o na maaaring
tumukoy sa mga marhinal na grupo – mga Lumad, Igorot, Merano, at iba pa. Paliwanag ni
Underhill, may dalang konotasyon ang pang-uri na etnik (sa etnolinggwistika) na iba dahil sa
mga marhinal na grupo. Habang ito naman ay maaaring mangahulugang karaniwang grupo
gaya ng imigrant na grupo, at mayoryang grupo. Gayunpaman, sa lente nito higit ang
pagtingin sa pag-aaral ng wika sapagkat ito ay isang larang ng linggwistika na pag-aaral ng
ugnayan sa pagitan ng wika at kultura, at ang paraan ng iba‟t ibang grupo ng etniko na
nakikita ang mundo. Ito ang kumbinasyon sa pagitan ng etnolohiya ang linggwistika.
Kinikilala rin ito bilang kultural na linggwistika. Halimbawa, mauunawaan lamang ng mga
kapatid nating Meranao ang konsepto ng pagpapakahulugan ng rido ngunit kahit
18

maiintindihan ito ng mga Kristyano, hindi pa rin lubos itong maramdaman sapagkat wala sa
kanilang kultura.

Gawain 4

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

A. Magbigay ng dalawang sitwasyon o pangyayari na nagpapakita ng sosyolohiya ng wika.

B. Upang maipakita ang pagkakaiba ng antropohikong linggwistika at linggwistikang


antropolohiya, magbigay ng tig-isang halimbawa o sitwasyon/pangyayari na nagpapakita sa
bawat isa.

C. Maglista ng 5 etnikong grupo sa Pilipinas. Magbigay naman ng tig-isang salitang pekulyar


lamang sa bawat etnikong grupo, ibigay ang kahulugan ng salitang ito.

Etnikong Grupo Etnikong Salita Kahulugan


19

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Unang Markahan – Modyul 1:

Ikalimang Linggo (Mga Estruktura ng Wika sa Lipunan:


Panlipunang Estruktura ng Wika, Diyalekto, Idyolek, Taboo,
Yufemismo)
20

Aralin 3 – Mga Estruktura ng Wika sa


Lipunan

3.1 Panlipunang Estruktura ng Wika

May maraming mga posibleng relasyon sa pagitan ng wika at lipunan. Isa na rito ang
panlipunang estruktura na maaaring makaimpluwensya o kumilala ng linggwistikong
estruktura at/o pag-uugali. Halimbawa rito ang ating bansang Pilipinas na may iba-ibang
wikang sinasalita dahil sa anyo nito na pulo-pulo. Ang mga barayti ng wika na ginagamit rito
ay sumasalamin a kanilang kinabibilangang rehiyon, sosyal o etnikong pinagmulan at
maaaring kasarian rin. Gayundin, ang Pilipinas bilang bansang sinakop ng ilang taon ay
naging dahilan rin para makabuo ng wika o makapagpaunlad ng wikang pinaghalo ng wika
ng mananakop (halimbawa Kastila) at wikang bernakular – gaya ng Chavacano sa Lungsod
ng Zamboanga. Ang mga nabuong wika rito ay wika ng lipunan na higit na ipinapaliwanag sa
mga salik na tatalakayin.

Ang tinatawag na communicative isolation ay ang hiwalay na pag-uusap sa


pagitan ng mga pangkat sa isang partikular na lugar o bansa. Nangingibabaw pa rin ang
rehiyonalismo. Natututo ang mga bata sa wikang kanilang sinasalita at pinatatatag ang
katangiang taglay na kalikasan ng isang dayalektong nagamit na.

Ang pagbabagong ito ng wikang sinasalita ng isang partikular na lugar ay hindi


nangangahulugan na kakalat na ito sa ibang lugar. Sa isang grupo ng mga tagapagsalita na
parating nag-uusap-usap sa isa‟t isa ay maibabahagi nila ang pagbabagong ito sa kanilang
grupo at matututunan ito ng kanilang mga anak o iba pang kasambahay.

Kung mayroon mang pisikal na hadlang sa pakikipagkomunikasyon tulad ng dagat,


bundok o maaaring lipunan tulad ng pulitikal, mga angkan o grupo ng tao at maging sa uri ng
relihiyon – sa madaling salita hindi maibabahagi nang madalian ang pagbabagong
linggwistika sapagkat may mga hadlang o sagabal (interference) sa komunikasyon at
dahilan na rin sa kalakasan ng pagkakaiba sa dayalekto (dialectal differences). Ang
pagkakaiba sa mga dayalekto ay ang pagbabago ng wikang sinasalita ng lipunan na
umusbong sa isang rehiyon na hindi naibabahagi sa iba pang rehiyon. Kasamang maririnig
ang pagkakaiba sap unto tuwing magsasalita. Ang punto o accent ay ponolohikal o ponetik
na pagbabago sa paraan ng pagbigkas at katangian ng pagsasalita na siyang
pagkakakilanlan sa taong nagsasalita ng nasabing dayalekto.

3.2. Diyalekto

Varayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain at


ginagamit sa isang partikular na rehiyon, malaki man o maliit. Makikilala ang dayalekto hindi
lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distink na bokabularyo kundi maging sap unto o
tono at sa istruktura ng pangungusap. Katulad din ito ng bernakular na palasak sa isang pook
o kapuluan. Ito ay yaong unang wikang kinalimutan at ugat ng komunikasyon sa tahanan,
21

lalawigan at pamayanan. Nagsisilbi itong midyum ng komunikasyon sa isang pook na kung


saan ang nasabing katutubong wika ay nabibilang (Belvez, 2003).

Batay sa laki, ang wika ay mas malaki kaysa diyalekto. Ang varayti na tinatawag na
wika ay may mas maraming aytem kaysa diyalekto. Kaya ang Filipino ay isang wika na
bumubuo sa lahat ng diyalekto nito tulad ng Filipino sa Metro Manila, Filipino sa Baguio at sa
iba pang lugar sa Pilipinas. Iba pang halimbawa ay Cebuano-Iligan, Cebuano-Cgayan de
Oro, Cebuano-Bohol, at iba pa.

3.3. Idyolek

Ang bawat indibidwal na nag-uusap ay lubos na nauunawaan ang isa‟t isa ngunit
wala sa kanila ang nagsasalita nang magkatulad na magkatulad. Ang dahilan ay pagkakaiba
sa edad, seks, kalagayang pisikal o pangkalusugan, personalidad, lugar na pinanggalingan
at marami pang ibang faktor. Ang bukod tanging wika ng isang indibidwal ay tinatawag na
idyolek. Ito ang pekulyaridad sa pagsasalita ng isang indibidwal. Maaaring sa tono, mga
salitang gamit o sa estilo ng kanyang pagsasalita atbp. Panisinin ang natatanging pagsasalita
nina Kris Aquino, Mike Enriquez, Mommy D (ina ni Manny Pacquiao), atbp. Anong
pekulyaridad sa pagsasalita ang napapansin mo?

3.4 Taboo

May mga salita sa lipunan na tinatawag na taboo. Ito ay mga salitang bawal gamitin
o hindi maaaring gamitin sa isang pormal na usapan sa lipunan. Kung ang gawain ay taboo,
ang paggawa nito ay isa ring taboo kung nakikita ng karamihan. Una, ipinagbabawal ang
paggawa nito kung hindi pinahihintulutan na bukas sa mga mata ng publiko at ipinagbabawal
din ang pag-uusap tungkol dito lalo na sa pormal na usapan at domeyn. Mahirap itong
bigkasin sa mga lugar na pampubliko at tintingnan ng mga nakikinig na hindi tama. Sa halip,
papalitan ito ng mga salitang yufemismo. Halimbawa, bawal sabihin ang puki, nagtae, utin,
kantutan, atbp.

3.5 Yufemismo

Ang mga ideyang o salitang taboo ang naging dahilan sa pagkakaroon ng mga
salitang yufemismo. Ito ay salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o mga salitang
hindi masabi dahil malaswa, bastos o masama ang kahulugan o di-magandang pakinggan.
Halimbawa nito ay nagsiping sa halip na nagtalik, sumakabilang buhay sa halip na namatay,
nagsakses sa halip na nagtae, ibon sa halip na utin, bulaklak sa halip na puki, atbp.
22

Gawain 5

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

1. Magsaliksik ng 10 diyalekto sa Pilipinas, tukuyin kung saan at sino ang mga gumagamit ng
mga wikang ito.

Diyalekto Lugar Tagapagsalita


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

2. Maglista ng 10 salitang taboo at ibigay ang yufemismo nito. (Hindi na maaaring gamitin
ang mga nabanggit na halimbawa)
23

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Unang Markahan – Modyul 1:

Ikaanim na Linggo (Mga Estruktura ng Wika sa Lipunan:


Speech Community, Lingua Franca, Pidgin, at Creole,
Bilinggwalismo at Multilinggwalismo, Gamit ng Wika sa
Lipunan, Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Lipunang
Filipino)
24

Aralin 3 (pagpapatuloy)

3.6 Speech Community

Ang loob ng isang lipunan ay binubuo ng marami at iba‟t ibang pangkat ng tao na
may kaniya-kaniyang mga gawi at pag-uugali. May ugnay rito ang banggit nina Zalzman,
Stanlaw, at Adachi (2012) na walang kultura sa isang lipunan na pareho sa lahat ng mga
miyembro nito. Ganito ang sitwasyon ng Pilipinas na bagaman tinatawag na mga Pilipino
may mga partikular na pangkat etniko sa loob nito. May mga Manobo, Higaonon, Talaandig,
Itwatit, ilokano, at iba pang pangkat na makikita sa ating bansa. Lahat sila ay mga Pilipino.
Mayroon naman itong komplikadong lipunan na binubuo ng isang malaking bilang ng mga
grupo na tinutukoy ng mga tao at mula sa kung saan ay nagmula ang natatanging mga balyu,
mga pamantayan, at mga tuntunin para sa pag-uugali. Ito ang tinatawag na subkultura. Ayon
kay Jandt (2010) ito ay kultura sa loob ng isang kultura o lipunan sa loob ng isang lipunan
sapagkat kahawig ito ng isang kultura sa isang lipunan na karaniwan ay sumasaklaw sa
isang malaking bilang ng mga tao. Samakatwid, ito ay grupo ng mga tao na may iisang wika
na ginagamit at hindi lamang sa pansamantalang pagsasamahan sapagkat kolektibo ang
lahat ng kanilang gawi gaya ng paraan ng pagsasalita, pananamit, pananaw-mundo, at iba
pa. dito nabuo ang tinatawag na speech community.

Ang speech community ay maaaring hango sa wikang Aleman na


Sprachgemeinschaft na nangangahulugang speaking community sa wikang Ingles.
Paliwanag nina Zalzman, Stanlaw, at Adachi, lahat ng mga nagbabahagi ng mga tiyak na
tuntunin para sa pagsasalita at pagbibigay-kahulugan sa wika at kahit isang barayti ng wika
ay tinatawag na speech community. Para naman kay Hymes (1972) hindi ito lipunan na
tinutukoy ng isang komon na wika ngunit sa komon na mga linggwistikong norm: isang
komunidad na may parehong mga tuntunin para sa pagsasagawa at interpretasyon ng
pagsasalita, at mga tuntunin ng kahit isang linggwistikong barayti nito. Ang sitwasyon ng mga
pangkat ng tao sa lipunan, gaya ng mga bakla, na may sariling kultura at wikang
nauunawaan nila ay matatawag na isang speech community. May tinatawag itong mga
speech markers na ipinaliwanag naman ni Wardaugh (2006) bilang mga katangian ng wika
na ginagamit ng isang pangkat upang makamit ang pagkakakilanlan ng grupo, at ang
pagkakaiba ng grupo mula sa iba pang nagsasalita. Hindi lamang linggwistikong anyo ang
mga marka ng speech community sapagkat maaari ring ang iba pang katangian gaya ng
panlipunan, kultura, pampulitika, at etniko, at iba pa.

Pareho man ang lugar na kinabibilangan maaaring mabibilang sa iba-ibang speech


community ang naninirahan dito. Halimbawa, makikita ito sa pagitan ng mga milenyal at mga
may edad na. Hindi mauunawaan ng huli ang paraan ng paggamit ng wika ng una gaya ng
pag-usbong ng lodi „idol,‟ petmalu „malupit,‟ werpa „power‟ at iba pang umuusbong na salita
at paraan ng paggamit ng wika. Ngunit, kapag ang isang may edad ay mabilis makuha at
masundan, gumagamit at ginamit ang paraan ng ito ng milenyal masasabing napabilang siya
sa speech community. Ang kailangan lamang nilang gawin ay magbahagi ng sapat na
katangian ng pagbigkas, pambalarila, bokabularyo, at paraan ng pagsasalita upang maging
miyembro ng kaparehong speech community.
25

Ang pag-unawa sa speech community ay mahalaga sa pagkakaroon ng kamalayan


sa pagkakaiba-iba. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mahirap mabigyan ng tiyak na
pagpapakahulugan ito. Bagaman iniugnay ito ng ilang iskolar sa usapin ng wika subalit may
iba naman na bahagi ito ng antropolohiya – ang pag-unawa ng ugnayan ng wika sa lipunang
gumagamit. Ayon kay Morgan (2003), integral sa interpretasyon at representasyon ng mga
lipunan at sitwasyon ang mga pagbabago, pagkakaiba, at pagtaas ng teknolohiya pati na rin
ang mga sitwasyong dating itinuturing bilang kombensyonal. Sentro sa pag-unawa sa wika
ng tao at paggawa ng kahulugan ang kaalaman sa speech community dahil ito ay matagal na
produkto ng pakikipag-ugnayan ng mga taong parehong may ibinahaging paniniwala at mga
sistema ng halaga (value) tungkol sa kanilang sariling kultura, lipunan, at kasaysayan pati na
rin ang kanilang komunikasyon sa iba. Ang mga interaksyong ito ay bumubuo sa
pangunahing katangian ng ugnayan ng tao at ang kahalagahan ng wika, diskurso, at mga
estilo ng pagsasalita sa representasyon at negosasyon ng nalikhang ugnayan. Kaya ang
konsepto ng speech community ay hindi lamang tumutuon sa mga grupo na nagsasalita ng
parehong wika. Sa halip, ang konsepto ay tumatayong katotohanan na ang wika ay
kumakatawan, sumasaklaw, lumilikha, at bumubuo ng makabuluhang partisipasyon sa isang
lipunan o kultura.

3.7 Lingua Franca, Pidgin, at Creole

Komunikasyon ang isa sa mga manipestasyon sa ugnayan ng wika at lipunan. Ang


patuloy na ugnayang nabubuo ng bawat indibidwal at grupo sa bawat komunidad sa loob ng
isang lipunan ay nabubuhay dahil sa mga wikang ginagamit nila. May pakikipag-ugnayan
naman ng mga taong may iba-ibang wika at lipunan para sa pagpapahayag ng bawat
hangarin at naisin – halimbawa sa emosyon, komersyo, at maging sa turismo. Halimbawa,
ang mga turistang bumisita sa Pilipinas, kung wala ang wikang Ingles na mag-uugnay sa isa‟t
isa, walang pagkakaunawaang mabubuo. Paano sila makipagtalastasan? Malambot ang
wika at mabilis itong umangkop sa pangangailangan ng mga tao. Maaaring makalikha ang
patuloy na ugnayang ito ng wika. Samakatwid, makadisenyo ng paraan ang ugnayang nabuo
upang mapagsama ang mga taong mula sa magkakaibang grupo o wika na nagkakasama.
Ipinanganak sa kahingiang ito ang kaisipan ng lingua franca, pidgin, at creole.

a. Lingua franca. Paghahanap ito ng komon o wikang alam ng mga taong may iba‟t
ibang sinasalitang wika para magkaunawaan. Mula sa UNESCO, ito ay wikang ginagamit ng
mga taong may iba-ibang unang wika upang mapadali ang komunikasyon sa kanilang
pagitan. Sa Pilipinas, may malaking papel itong ginagampanan sa komunikasyon dahil sa
multilinggwalismo na sitwasyong pangwika. Binanggit sa Etnologue, may 187 at 183 dito
ang buhay at 4 ang itinuturing na wala o patay. Mula naman sa mga buhay na wika, 175 ay
katutubo at 8 ay hindi katutubo. Ang komplikadong sitwasyong pangwika na ito ng ating
bansa ay hindi maaaring walang wika na magsisilbing tulay sa bawat isa. Ito ang dahilan
kung bakit nagpahayag ng probisyon ang ating 1987 Konstitusyon tungkol sa pagkakaroon
ng pambansang wika na tinatawag na Filipino. Sa kabilang banda naman, tungo sa tawag ng
global na pangangailangan, itinuturo at naging lingua franca na rin ng mga Pilipino ang
wikang Ingles para sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan.
26

b. Pidgin. Dulot ito sa pagkakaroon ng pangangailangan ng lingua franca. Bunga


ito ng dalawang lipunan na may mga wikang hindi magkakalapit o unintelligible langauges
ngunit kailangan ng pakikipag-ugnayan sa isa‟t isa dahil sa tiyak na limitado o natatanging
layunin – lalo na sa kalakalan. May namumuong ugnayan sa wika sa sitwasyong ito. May
wika na kinikilalang higit na makapangyarihan o mas prestihiyoso at wikang hindi kilala. Ang
isang wika ay dumadaan din sa proseso ng pidginization. Ayon kina Zalzman, Stanlaw, at
Adichi (2012), ito ay proseso ng gramatikal at leksikal na reduksyon dulot ng limitadong
ginagampanan ng pidgin. Bunga rin ang pidginization ng direktang ugnayan ng
unintelligible na mga wika – prestihiyosong wika bilang higit na may impluwensya sa wikang
walang kapangyarihan. Ang sitwasyong ito ay lumilikha ng paghahalo ng dalawang wika na
kinikilalang bagong wika. Ang bokabularyo ng „bagong wika‟ na nalikha ay nagmumula sa
wikang mas higit ang gumagamit o wikang may prestihiyo.

Ito ang sitwasyon noon ng Chavacano nang hindi pa ito naging unang wika sa
Lungsod ng Zamboanga. Nalikha ito dahil sa pananakop ng mga Kastila noong unang
panahon kaya ang lexifier sa wikang ito ay wikang Espanyol. Mayroong mga katangian ang
Pidgin. Ito ang mga sumusunod:

1. Hindi unang wika ninuman. Walang taal na tagapagsalita dahil napaunlad lamang ito
mula sa dalawa o higit pang magkaibang mga wika. Ito ay ginagamit lamang bilang isang
ugnay na wika para sa mga layunin ng komunikasyon.

2. Limitado ang gamit. Ito ay biglaang posibilidada ng pangangailangan ng wika habang ito
ay kinakailangan ngunit nawawala kung ito ay hindi na kailangan. Wala rin itong
permanenteng pinaggagamitan tulad ng pagiging wika sa simbahan, sa paaralan, sa bahay
at iba pa.

3. Limitado ang bokabularyo. Ang isang pidgin ay karaniwan nang mas simple kaysa sa
mga unang wika ng mga gumagamit nit okay ang dami naman ng leksikon nito ay nakabatay
sa isa sa mga dalawang wika na may ugnay sa isa‟t isa. Ang pagiging limitado sa gamit nito
sa lipunan ang isa rin sa dahilan sa kakulangan ng bokabularyo.

c. Creole. Ito ay wika na napaunlad mula sa pidgin. Dumaraan ito sa proseso ng


creolization o ekspansyon sa halaga at gamit ng pidgin na wika. Samakatwid, ito ay isang
pidgin na nagiging unang wika ng isang speech community. Umuunlad ito na anyo ng pidgin
kaya mayroon na itong malawak na bokabularyo, estruktura ng wika o gramatika at ginagamit
bilang wika sa lahat ng domeyn. Tulad ng pidgin, ang creole ay tinatawag ring ugnay na wika
o contact language sapagkat nabuo ito mula sa dalawa o higit pang wika nang dalawa o higit
pang lipunan. Sa Pilipinas, ang halimbawa na dumadaan sa proseso ng creolization ay ang
wikang Chavacano ng Lungsod ng Zamboanga. Paglipas ng mahabang panahon at
maraming taon, nagmula ito sa ugnay na wika ng mga Kastilang mananakop at wika ng lokal
sa lugar ay nagkaroon ito ng speech community. Napaunlad ang gramatika, lumalawak ang
bokabularyo, at hindi na lamang ito wika ng mananakop bagkus naging bernakular na wika
ito ng Lungsod ng Zamboanga.

Narito ang mga mahahalagang pagtukoy ng mga katangian ng isang creole na wika
(Sebba, 1997):
27

1. May katutubong tagapagsalita ito, hindi katulad ng pidgin na walang katutubong


nagsasalita. Mangyayari ito kapag sa isang lipunang nagsasalita ng pidgin ay may
ipinanganak na bata at ito ang kanyang magiging unang wika. Kaya, ang pidgin ay magiging
creole sa pamamagitan ng proseso ng pagsasakatutubo o nativization.

2. Ang mga creole ay laging lumalabas sa isang pidgin.

3. Ang proseso kung saan ang isang creole nagbabago at isang pidgin nagkakaroon ng
katutubong nagsasalita ay tinatawag na creolization.

4. ang proseso ng creolization ay dumadaan sa alinmang yugto ng pag-unlad ng isang


pidgin – maaaring gradwal na creolization o biglaang creolization. Ang gradwal na
creolization ay mangyayari sa pinahaba/pinalawak na yugto ng pidgin. Sa madaling salita,
ang creolization ay nagsisimula sa yugto kung saan ang pidgin ay lubos na nadedebelop. Ito
ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pamantayan ng paggamit ng wika.
Magaganap naman ang biglaang creolization sa proseso bago lumabas ang matatag na
pidgin mula sa maagang pag-unlad nito. Sa puntong ito, ay nailalarawan pa rin sa
pamamagitan ng kakulangan ng matatag na linggwistikong mga pamantayan ng paggamit ng
wika.

3.8 Bilinggwalismo at Multilinggwalismo

Ang bilinggwalismo at multilinggwalismo ay tumutukoy sa parehong pag-iral,


pakikiharap, at interaksyon ng magkaibang mga wika. Maaaring ito ay mangyayari sa
panlipunan at indibidwal na lebel. Ito ay mula sa sitwasyong maaaring ang isang lipunan ay
binubuo ng maraming sinasalitang wika na ginagamit naman ng iba-ibang mga grupo ng
indibidwal. Sabi nga ni Wei (2013) maaaring ang isang tao sa isang komunidad ay magiging
bilinggwal o multilinggwal habang ang buong lipunan na kanyang kinabibilangan ay
kumikilala lamang ng isang wika para sa pampublikong gamit sa pamamagitan ng batas at
ibang anyo ng regulatoryo. Ganito ang nangyayari sa ating bansa, habang ang bawat pulo sa
Luzon, Visayas, at Mindanao ay binubuo ng marami at iba-ibang mga wika isinusog naman
ang pagkakaroon ng pambansang wika bilang lingua franca – ang wikang Filipino – at wika
para sa global na pakikipag-ugnayan – ang wikang Ingles.

Ang bilinggwalismo at multilinggwalismo ay hindi lamang penomenon na para sa isa


o pangkat ng mga tao sapagkat ito ay isang panlipunang penomenon din. Banggit ni
Romaine (2013), ito ay makikita sa lahat ng uri ng tao gaya ng mga nasa rural at maging sa
mga kilalang historikal na mga tao tulad nina Hesu Kristo at Ghandi at mga kontemporaryong
indibidwal gaya nina Pope Benedict XVI at Canadian na mang-aawit na si Celine Dion. Ano
nga ba ang bilinggwalismo at multilinggwalismo?

a. Bilinggwalismo. Ito ay tumutukoy sa taong nakapagsasalita ng dalawang wika. Ngunit,


nagkakaroon ito ng ibang pananaw ayon sa kakayahan ng indibidwal sa paggamit ng mga
wikang ito. Kung pagbabatayan ang pagpapakahulugan ni Bloomfield (1935), hindi lamang
sapat ang makapagsalita sapagkat ang kanyang pananaw dito ay paggamit ng dalawang
wika sa tulad ng katutubong wika. Hindi lamang tungkol sa kakayahan ng pagsasalita bagkus
ito ay tumutukoy rin sa kahusayan ng pagsasalita at paggamit nito na may konsiderasyon sa
28

kahusayang linggwistika. Ipinaliwanag naman ni Trask (2007) na kahanga-hangang


tagumpay na sa kasalukuyan ang magkaroon ng abilidad sa pagsasalita ng dalawang wika
lalo na sa lipunang higit na diin ang pagsasalita ng wikang Ingles.

b. Multilinggwalismo. Ito ay tumutukoy sa higit sa dalawang wikang batid ng isang


indibidwal na gamitin sa anumang uri ng komunikasyon. Tinatawag din itong
pluralinggwalismo sapagkat ayon kay Crystal (2008), sa sosyolinggwistiko ito ay tumutukoy
sa isang indibidwal na tagapagsalitang may kakayahan sa paggamit nang higit sa dalawa o
maraming mga wika na may iba-ibang antas ng kahusayan. Hindi lamang ito tungkol sa
paggamit ng wika o kakayahan ng isang indibidwal dahil mangyayari rin ito sa sitwasyong
pangwika sa buong bansa o lipunan. Ito ay lubos na karanasan ng Pilipinas na binubuo ng
mga pulo. Bawat pulo na may iba‟t ibang rehiyon ay mayroong sinasalitang wika. Bukod sa
pambansang wikang Filipino at opisyal na wikang Ingles, ang ilang mamamayan dito ay
nakapagsasalita ng kanilang wika bilang unang wika at marunong din ng wika na lingua
franca sa kanyang lipunan. Halimbawa ng sitwasyong ito ang isang Meranaw na nakatira sa
lungsod ng Marawi at nag-aaral sa lungsod ng Iligan. Unang wika na kanyang natutunan ay
Meranaw dahil sa Marawi siya ipinanganak at tiyak marunong din siya ng wikang Filipino at
Ingles dahil itinuturo ito sa paaralan. Ngunit, dahil sa lungsod ng Iligan siya nag-aral Cebuano
ang lingua franca naging maalam na rin siya sa wikang ito.

Ang pagiging at pagkakaroon ng bilinggwalismo at multilinggwalismo na kahusayan


at kakayahan sa wika ay isang penomenon tungkol sa kahusayan at paggamit ng wika. Ito rin
ay naglalarawan sa lipunan na kinabibilangan ng indibidwal. Sa kaso ng Pilipinas, naging
normal sa mga mamamayan dito ang magkaroon ng kakayahan sa paggamit ng hgit sa isang
wika dahil sa implementasyon ng bilinggwal na polisiya sa pagtuturo bukod pa sa unang wika
na batid ng isang mag-aaral. Sa kabilang banda naman, ang pagiging bilinggwal ng
indibidwal ay maaaring maging temporary depende sa kanyang kinabibilangan sitwasyon.
Gaya ito sa karanasan ng isang pamilyang Pilipino na nangingibang-bayan. Hindi man
makalimutan ng mga anak na lumaki sa Pilipinas ang kanyang unang wika subalit ang mga
anak ng anak niya ay mawawala ang wika na natutuhan sa Pilipinas sapagkat higit na
ginagamit ang wika ng lugar na kanilang nilipatan.

3.9. Gamit ng Wika sa Lipunan

Gumaganap ng napakahalagang papel ang wika sa buhay ng tao kaya naging


panlipunang penomenon ito. Isa a pangunahing tunguhin ng wika ay gamit sa pakikipag-
ugnayan at pakikipagtalastasan sa kapwa upang magkaunawaan sa isa‟t isa. Kapag
nagsasalita ang tao, mayroon siyang tiyak na layunin o mensaheng nais ipaabot gamit ang
wika. Ginagamit niya ang wika at nakikipag-usap siya sa kapwa upang magpahayag ng
marami at iba-ibang dahilan gaya ng pagpapahayag ng mga damdamin, pagkuha ng
impormasyon, paghahanap ng mga bagay, paghinging kapatawaran, at iba pa.

Makabuluhan ang paggamit ng wika sapagkat gumaganap ito ng mga tungkulin na


pagbuo at pagpatuloy ng relasyon sa loob ng isang lipunan. Gumagamit tayo ng wika upang
matugunan ang mga pangangailangan. Ang paggamit naman ng wika sa lipunan ay
29

nangangahulugan ring kahusayan sa pagpili ng mga salitang tumutugon sa mga pagnanais


ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan.

Nagbigay si Geoffrey Leech (Essays UK, November 2013) ng limang tungkulin ng


wika sa lipunan:

a. Nagbibigay-kaalaman/Informational. Ito ang tinitingnan ng karamihan na


pinakaimportante sa lahat ng tungkulin ng wika sa lipunan. Nakatuon ito sa mensahe ng
bagong informasyon na ibinabahagi. Nakadepende ito sa katotohanan o halaga (value) ng
kaisipan ng mensahe. Maibibigay na halimbawa rito ang pagbabasa ng mga balita at
pagkilala kung alin sa mga ito ang fake news o totoong balita: „May martial law sa Mindanao
kaya marami ang namamatay rito.‟ May dalawang imormasyon na dala ang balitang ito gaya
ng pagkakaroon ng martial law at sa dami ng namatay. Ngunit, ituturing ito ng mga
Mindanaon na fake news kahit totoo pang may martial law dahil hindi naman tama ang
katuturan ng pahayag na „may maraming namatay rito.‟

b. Nagpapakilala/ Expressive. Magagamit at ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng


damdamin at atityud ng nagsasalita. Ang tagapagsalita o manunulat sa isang wika ay
sinusubukang ipinapahayag ang kanyang damdamin sa tungkuling ito ng wika sa lipunan. Ito
ay nagbibigay ng malinaw na imahe ng pagkatao ng tagapagsalita o manunulat sapagkat
naglalahad ito ng kanyang impresyon at ang pagbago-bago ng mga ito. Makikita natin ito sa
mga akdang pampanitikan tulad ng tula at iba pang genre ng panitikan. Sa katunayan, ang
tungkulin na ito ay pumupukaw ng tiyak na damdamin at nagpapahayag ng nararamdaman.
Mahihinuha ang pagpukaw ng damdamin sa mga halimbawang pahayag na: „napakasaya ko
na kasama kita,‟ „hindi ako mabubuhay ng wala ka,‟ „mahal na mahal kita.‟ Lahat ng ito ay
mga damdamin ng tao na maaaring mababago o hindi. Halimbawa rin dito ang panunuod ng
isang pelikula na pumukaw sa iyong damdamin kaya tumawa o umiiyak ka habang
nanunuod.

c. Nagtuturo/Directive. Ito ay may layuning magbigay ng impluwensya ng pag-uugali o


atityud ng iba. Malinaw itong makikita sa mga pagpapahayag na nag-uutos o nakikiusap. Ang
tungkuling ito ng wika sa lipunan ay nagbibigay empasis sa tumatanggap ng pahayag kaysa
sa nagbibigay ng mensahe. Gayunpaman, ito ay nagpapahayag ng tungkulin ng wika na
hindi gaanong mahalaga dahil hindi ito pwersahan o may dalang kapangyarihang sundin.
Ekspresyon ito na may halong konotatibong kahulugan o pagpapahiwatig kaya kung hindi
makukuha ang ibig sabihin, hindi matutupad ang kahulugan ng mensahe. Sa kabilang banda,
ipinapahayag rin ito nang may paglalambing o di kaya pagpapahayag na may halong
pagpaparinig. Halimbawa, ang nanay na nagsasabing „Nauuhaw ako‟ ay parinig o pahiwatig
na humihingi siya ng tubig sa anak. Ito rin ang sitwasyon sa mga magkabarkada na umuwi
ngunit biglang nagyaya ang isa na kumain sa pamamagitan ng „Nagugutom ako.‟ Sa pag-
uutos naman, magagawa ito sa pamamagitan ng pakiusap gaya ng „Pakikuha po ng aking
pera sa ibabaw ng kabinet.‟

d. Estetika/Aesthetic. Ito ay gamit ng wika para sa kapakanan ng paggamit/paglikha ng wika


o linguistic artifact mismo at wala ng iba pa. Tuon ng tungkuling ito ang ganda ng paggamit
ng wika. May pagdidiin din tungkol sa paraan ng pagpapahayag para sa konseptwalisasyon
ng kahulugan. Higit na binibigyan dito ng pansin ang poetika ng pagpapahayag ng isang
mensahe kaysa sa ideolohikal na halaga nito. Halimbawa, maaaring mabibighani ka sa iyong
30

manliligaw dahil sa husay at galing niya sa pagbigkas ng mga salita sa spoken poetry kahit
hindi mo naiintindihan ang nais niyang sabihin.

e. Nag-eengganyo/Phatic. Mahirap tumbasan sa wikang Filipino ang phatic na tungkulin ng


wika sa lipunan. Ito ay nagsasabi ng pagiging bukas o mapagsimula ng komunikasyon sa
kapwa kaya tinumbasan ito ng nag-eengganyo. Maaaring ito ay verbal o di-verbal na
pakikipagtalastasan na nagbibigay palatandaan ng pagiging laging handa o bukas sa
pakikipagtalastasan at pagpapanatili ng maayos na relasyon sa iyong lipunan. Sa kulturang
Pilipino, ang pagtatanong kung saan ka pupunta ay isang hudyat ng pagsisimula ng
komunikasyon at anyo na rin ng pangungumusta sa kaibigan o kakilala. Hindi ito palatandaan
ng pagiging mapang-usisa o tsismosa. Mapapansin rin ito sa isang lugar na wala kang
kakilala ngunit nakikipag-usap ka sa isang tao ng kahit ano bilang simula ng inyong
komunikasyon na hahantong naman sa pagiging magkaibigan.

Tungkulin din ng wika ang paglalahad ng kung ano mang dapat ipaliwanag ng isang
tao sa kanyang kausap o tagapakinig. Halimbawa nito ay ang pagluluto ng iba‟t ibang ulam o
pagkain, pagpapaliwanag kung bakit nahihilig ang karamihan sa sosyal midya, atbp. Ang
pagsasalaysay ay nagkukwento. Kung kailangang magsalaysay tungkol sa isang pangyayari
upang malaman ng lahat ay maaaring magkwento. Pati ang paglalarawan ng hitsura, anyo,
hugis, kulay lasa, amoy, at iba pang deskriptibong salita ay tungkulin din ng wika.
Paglalarawan sa sarili mong baying tinubuan, ang dating tahimik na Bulkang Mayon, si
Pangulong Duterte, atbp. Samantalang ang nanghihikayat o humihingi ng pagtiwala sa
isyung gusting paniniwalaan ng lahat ay tungkuling pangangatwiran ng wika. Ang mga
halimbawa nito ay Ang Dengvaxia ang Dahilan ng Pagkamatay ng mga Bata, Ang
Retayrment na Edad ay 70 na Taon, Hindi Dapat Pababayaan ang mga Bata na Gumamit ng
Selfon o Tablet, at marami pang ibang isyu.

3.10 Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Lipunang Pilipino

Ayon kina Santos, et al. (2012), ginagamit ang Filipino sa interaksyon ng mga
mamamayang Pilipino sa isa‟t isa. Bilang lingua franca nagagamit ito sa pagbabahaginan at
pagpapalitan ng ideya, iniisip, saloobin at marami pang ibang nararamdaman ng isang tao
lalo pa‟t ang mga Pilipino ay may iba‟t iba ring sinasalitang wika. Dagdag nina Santos, et al.
na ang mga sumusunod ay ang tungkulin ng wikang Filipino:

1. Binibigkis ng wikang Filipino ang mga Pilipino. Dahil ang Pilipinas ay binubuo ng isang
multikultural at multilinggwal na mga Pilipino, kasama pa ang napakaraming etnikong grupo,
nagkakaroon ng integrasyon o pagkakaisa sa paggamit ng iisang wikang nauunawaan ng
lahat. Saang sulok man ng Pilipinas, maging sa labas ng bansa magkita-kita ang mga
Pilipino, nagkakaisa at nagkakaunawaan sila dahil sa paggamit ng wikang Filipino.

2. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino. Wika ang behikulo, pasulat


man o pasalita, upang maihatid ang kaalaman o impormasyon tungkol sa kultura ng iba‟t
ibang pangkat sa Pilipinas. Isa ang wika sa nakatutulong upang lalong mapayaman ang
kulturang Pilipino. Mapalad ang mga pangkat na naisulat at naipreserba nila ang kanilang
kultura.
31

3. Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino. May mga kultural na mga salita na
tanging sumasalamin lamang sa mga Pilipino, na kapag binabanggit ang mga salitang ito,
tiyak na identidad ng mga Pilipino ang nakikita. Halimbawa nito ang : balut, bahay-kubo,
sapin-sapin, tabo, Sarao-dyipney, bakya, barong-Tagalog, atbp.

4. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan, napakarami n


gating OFW, at nauso na rin ang pagbabakasyon sa labas ng bansa. Wikang Filipino lang
ang pumupukaw sa damdaming Pilipino. Ang musikang Pilipino ay nakakaantig damdamin at
isip lalo pa‟t ikaw ay wala sa Pilipinas. Ang mapakinggan lamang ang nagsasalita nito na
isang puti, itim man o dilaw nagpapasaya at nakabagbag damdamin sa isang Pilipino. Narinig
ba ninyo ang mga banyagang kumakanta ng ating mga awitin?

5. Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino ng mga Pilipino. Wikang Filipino


ang isang mahalagang pagkakakilanlan ng kahit sino para matawag na siya ay Pilipino.

Gawain 6

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

Instruksyon: Ipaliwanag ang sumusunod.

1. Paghambingin ang pagkakaiba ng wika, diyalekto, at idyolek. Magbigay ng mga


halimbawa.

2. Paghambingin ang pagkakaiba ng bilinggwalismo at multilinggwalismo.


32

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Ikalawang Markahan – Modyul 2:

Unang Linggo (Ang Kulturang Pilipino: Kahulugan ng Kultura)


33

Aralin 1 – Ang Kulturang Pilipino

1.1 Kahulugan ng Kultura

Ang salitang kultura ay may katumbas na salitang “kalinangan” na may salitang-ugat


na linang (cultivate) at linangin (to develop/to cultivate). Kaya ang kalinangan o kultura ay
siyang lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali, at gawain ng tao (Timbreza, 2008).

Kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at karanasang
nagtatakda ng angking kakayahan ng isang lipunan ng tao, ang wikang hindi lamang daluyan
kundi higit pa rito ay tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng alinmang kultura (Salazar,
nasa Constantino, 1996). Dagdag pa ni Salazar na walang kulturang hindi dala ng isang wika
bilang saligan at kaluluwa na siyang bumubuo, humuhubog, at nagbibigay-diwa sa kulturang
ito.

Alinmang wika ay ekspresyon ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki na may
sarili at likas na katangian. Wika ang ekspresyong kakikilalan ng isang kultura sapagkat ito
ang nagbibigay-anyo rito at siyang nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito at ang
kanyang pagkakaiba sa ibang kultura sa daigdig ng mga kaisahang pangkultura. Ano ngayon
ang kultura?

Sang-ayon kay Edward Burnett Tylor, Ama ng Antropolohiya, ang kultura ay isang
kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito ang kaalaman,
paniniwala, sining, moral/valyu, kaugalian ng tao bilang miyembro ng isang lipunan. Hindi
lamang sining at musika ang kultura ayon sa paniniwala ng iba ngunit ito ay naglalaman ng
mga valyu at alituntunin sa lugar na tinitirhan ng ating mga ideya na mabubuti o masasama,
ng ating wika, relihiyon, at iba pa. Sa madaling salita, ang kultura ay matututuhan ng tao
bilang miyembro ng isang lipunan. Ito ay tumutukoy sa lahat ng natutuhan ng isang
indibidwal sa lipunang kinabibilangan.

Malalaman na may kakaibang kultura ang ibang tao sa pamamagitan ng


pagmamasid at pag-unawa sa kanilang pananalita, kilos, at damdamin.

Halimbawa sa pagkain; ang mga Intsik ay ayaw ng gatas ngunit ang mga Amerikano
ay gusto ng gatas dahil ang gatas para sa Amerikano ay perfektong pagkain mula sa
kalikasan. Sa pag-aasawa naman – sa mga Kristyanong Pilipino, iisang asawa lamang ang
nararapat para sa bana ngunit sa mga Muslim ay pupwede ang maraming asawa. Sa ibang
mga bansa naman ay tanggap ang pagkakaroon ng maraming bana.

Si Leslie A. White ay nagsabing ang kultura ay isang organisasyong phenomena na


sumasaklaw sa aksyon (paraan ng pag-uugali) bagay (kagamitan) at iba pang mga
kasangkapan, ideya (paniniwala at kaalaman), at sentiment (karakter/kilos at valyu). Ibig
sabihin, ang kultura ay ang kabuuang paraan ng pamumuhay na sinusunod ng mga tao at
binubuo ng lahat ng natututunan at naibabahagi ng tao sa isang komunidad.

Ayon din sa mga antropolohista, ang kultura ay lahat ng natutuhang behebyur at


resulta kung paano pinahahalagahan ng tao ang mga natutuhan niya na tinatawag na
cognitions – ang pagkaalam sa lahat ng bagay na nagbibigay-patnubay sa tao sa pagkilala
34

niya sa kapaligiran at sa ibang tao. Halimbawa, ang isang punong-kahoy ay likas na yaman
ng bansa na nagbibigay lilim o maaaring gawing gusali/bahay, gamit ng bahay (aparador,
upuan, atbp), ngunit sa mga Tiruray sa Cotabato at Negrito sa Zambales ito ay isang buhay
na bagay na may ispiritu at kinikilala nilang nagbibigay ng lahat ng kanilang pangangailangan
na parang Diyos ang mga ito. Ang kaibahang ito ay sa paniniwala/prinsipyo sa isang bagay
dahil sa kulturang nakagisnan nila.

Mula naman sa aklat ni Donna M. Gollnick, et al. (2009), ang kultura ay ginagamit
para sa maayos na paraan ng may kapangyarihan at mga makapangyarihang tao, dahil ang
mga taong may kaalaman sa kasaysayan, literature, at sa sining ang siya lamang may
kultura ayon sa unang paniniwala. Ang paniniwalang ito ay binatikos ng ilang mga
antropolohista.

Ang kultura ay nagpapakilala kung sino at ano tayo. Ito ang umiimpluwensya sa ating
kaalaman, paniniwala, at valyu. Ito ang nagbibigay-kahulugan at nagdedetermina sa paraan
ng ating pag-iisip, damdamin, at pag-uugali.

Ayon sa sumusunod, ito ang kahulugan ng kultura:

1. Hudson (1980). Ang kultura ay socially achieved knowledge. Nakukuha ang kultura sa
mga kasamahan na nasa paligid lamang. Mula sa pagkabata, may mga kulturang nakuha
mula sa mga magulang, kapatid, mga kalaro o mga kapitbahay. Paglaki ng isang tao, may
mga kulturang natutunan niya mula sa kanyang kagrupo, mga kaeskwela, kasamahan sa
opisina, mga kabarkada, at mga kaibigan.

2. Ward Goodenough (2006). Ang kultura ay patterns of behavior (way of life) and
patterns for behavior (designed for that life). May kulturang ginagawa o sinusunod dahil
iyon ang kinasanayan o kinagisnan ng isang grupo o pangkat. Maaaring mga kaugalian o
ikinikilos ng mga grupo ng tao na ginagawa o pinaniniwalaan nila dahil sa iyon lamang ang
dapat sa grupo nila. Halimbawa nito ay, sila ay mga mangingisda dahil sa kapaligiran o sila
ay naninirahan sa malapit sa dagat, mga magsasaka sila dahil nakatira sila sa kapatagan na
puro sakahan ang makikita, ang mga Badjao ay naging tagakuha ng perlas o hiyang sa
pagtulog at mamuhay sa karagatan dahil ang kapaligiran nila ay puro dagat.

3. Timbreza (2008). Ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain, mga natutunang
huwaran ng pag-uugali at mga paraan ng pamumuhay sa isang takdang panahon ng isang
lahi o mga tao. Ang lahat ng nakuhang gawain, mabuti o masama mang pag-uugali mula sa
kinagisnan ay kultura. Ang paraan ng pamumuhay na kultura rin ay maaaring magbabago
depende sa panahon ng isang lahi. Kaya maihahambing ng malinaw ang maraming kaibahan
sa kultura noon at ngayon. Ang ebolusyon ng kultura sa iba‟t ibang siklo ng buhay ay
nagpapakita ng maraming pagbabago.
35

Gawain 1

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

Instruksyon: Panuorin ang isang dokumentaryo ng I-Witness na “Tasaday”


(https://www.youtube.com/watch?v=qXs7MIAFVo0). Sagutin ang sumusunod na tanong
bilang gabay. Sumulat ng isang paglalarawan sa kultura nila. Mag-isip ng sariling pamagat.

1. Ano ang pangalan ng tao/grupo/pangkat?

2. Sino siya/sila?

3. Ano ang ginagawa nila?

4. Bakit nila ito ginagawa?

5. Ito ba ang paraan ng pamumuhay/kultura nila?


36

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Ikalawang Markahan – Modyul 2:

Ikalawang Linggo (Katangian, at Manifestasyon ng Kultura)


37

Aralin 2 – Katangian, Manifestasyon, at


mga Komponent ng Kultura

2.1 Katangian ng Kultura

1. Natutunan (learned). Ang tao ay isinilang at inalagaan ng mga magulang at kung paano
siya inaalagaan, pinakakain, pinaliliguan, dinadamitan, atbp. ay isang proses ng kulturang
natutuhang nagsimula sa pagkatuto sa kultura ng pamilyang kinabibilangan niya. Ang
prosesong ito ay magpapatuloy sa buong buhay sa pakikihalubilo ng tao sa kultura ng
kanyang pamilya at sa ibang kultura.

May dalawang proseso ng pag-inter-ak o pakikihalubilo ng tao sa isang lipunan; ang


enculturation at socialization. Ang enculturation ay isang proseso ng pagkuha ng mga
katangian ng ibang kultura at maging bahagi siya ng kulturang iyon. Karaniwang mas
magaling pa siya sa wika, gawi, paniniwala at kaalaman ng kulturang napasukan niya kaysa
dati nang miyembro ng nasabing kultura. Ang socialization naman ay ang pangkalahatang
proseso sa pagkilala sa mga sosyal at istandard na kultura. Makikilala kung sino ang may
mga panlipunang tungkulin tulad ng ina/ama, asawa/bana, estudyante, kabataan, mga titser,
banker, policeman/military men, custodians, at iba pa.

Ang enculturation at socialization ang proseso na nagsisimula pa pagkaanak ng


isang titser, kapitbahay, at iba pang tao sa lipunan na kanyang nakahalubilo. Ang mga
tagapagturo niya ay maaaring walang kamalayan sa prosesong nangyayari ngunit makikitang
nagbibigay sila ng pabuya sa mabubuti at katanggap-tanggap na ugaling makikita nila.
Natututo ang tao kung paano mamuhay nang mabuti sa pamamagitan ng pag-obserba at
pakisalamuha sa kultura at lipunang kanyang kinagisnan.

2. Ibinabahagi (shared). Ang ibinabahagi ng kultura ay nagbubuklod sa mga tao bilang


isang pagkakilanlan ng kanilang pangkat. Sa ganitong paraan ay natututo ang tao para
mamuhay nang maunlad at may alam para maipagpatuloy ang mahusay at matiwasay na
pakikisalamuha niya sa kanyang kapwa.

3. Naaadap (adapted). Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyon sa


isang tao sa likas o teknolohikal na resorses. Halimbawa, ang mga Eksimo ay nakatira sa
isang napakalamig, may snow, at yelong lugar. Sila ay nabubuhay nang normal sa ganitong
kalamig na kapaligiran samantalang ang ganitong sitwasyon ay imposible sa mga Pilipino na
sanay naman sa mainit at katamtamang lamig ng panahon. Ang kulturang urban ay iba
naman sa rural dahil din sa resorses na nasa kapaligiran nila. Ang kultura ng isang depress
na lugar ay iba sa kultura ng may kapangyarihan at mayayamang lugar. Kaya ang isang
sanay na sa buhay-mayaman ay nahihirapan sa buhay-mahirap at ang isang sanay na sa
buhay-mahirap ay nakikilala talaga kahit punuin ang katawan niya ng maraming alahas.

4. Dinamiko (dynamic). Ang kultura ay dinamikong sistema kaya patuloy na nagbabago.


Tulad ng wika, may mga kulturang mabilis ang pagbabago at mayroon din naming hindi
nagbabago o mabagal ang pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ay makikita sa istilo ng
pananalita, istilo ng buhok/gupit, atbp. Ang teknolohiya ay nakapagdudulot ng malaking
38

pagbabago sa kultura. Ang halimbawa nito ay ang pag-unlad sa komunikasyon dahil sa


celfon, kompyuter, at iba pang kagamitan.

2.2 Manifestasyon ng Kultura

Naipapakita ang kultura sa maraming paraan sa pamamagitan ng panlipunang


institusyon, karanasan sa pamumuhay, at katuparan ng indibidwal sa sikolohikal at basic na
pangangailangan niya. Sa araw-araw na pamumuhay, nasisinag ang ilang manifestasyon ng
kultura sa mga sumusunod:

1. Valyu. Tumutukoy ito sa kung ano ang karapat-dapat at nakabubuting ugaliin. Ito‟y
naiimpluwensyahan ng prestige (kapangyarihan), istatus, garbo, katapatan sa pamilya, pag-
ibig sa bayan, paniniwalang panrelihiyon, at karangalan. Ang status symbol ay magkakaiba
sa iba‟t ibang kultura. Halimbawa, sa Amerika, ang pagkakaroon ng maraming kapritso/props
sa sarili at material na pag-aari ay iginagalang. Ang moralidad at imoralidad, ang pagbibigay
ng kaparusahan at gantimpala, ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan ay
pagdedetermina sa sistema ng pagbibigay-kahalagahan sa valyu ng isang kultura. Sa sulat
na ipinadala ni Dr. Jose Rizal sa kanyang nakababatang kapatid na si Trinidad (March 1,
1888) inilarawan niya ang mga Aleman na ganito, kung ikaw ay nasa isang pagtitipon
kailangan kang magpakilala ng sarili lalo na sa nagdaraos mismo ng pagtitipon dahil para sa
kanila hindi magandang ugali sa isang bisita ang manahimik at maghintay sa iba para
magpakilala sa kanya. Ang mga babaeng Aleman naman ay hindi partikular sa
magagandang damit o kasuotan at mga palamuti o mamahaling alahas, ngunit partikular sila
sa edukasyon.

Ang pagmamano ng kamay ng mga Pilipino sa mga nakatatanda sa kanila lalo na sa


kanilang mga magulang ay palatandaan ng paggalang na hindi nakikita sa mga banyagang
kultura. Ang pagsasabi ng “po” ng mga Tagalog at “manang” at “manong” ng mga Visayan at
Ilokano ay isang kahanga-hangang valyu na tanda pa rin ng paggalang.

2. Di-verbal na Komunikasyon. Ang kahulugan ng aksyon at ekspresyon ay naglalarawan


ng konteksto ng kultura. Ang pakikipagkamay, pagsaludo, o paghalik sa bibig sa harapan ng
maraming tao na walang kiyeme ay nagpapakita ng pagkakaiba sa kultura. Ang kultura ay
madedetermina rin sa paraan ng paglalakad, pag-upo, pagkilos, at maging pagsayaw.
Tandaang may mga kilos at galawa na maaaring nakasanayan na ngunit maaari rin naming
hindi katanggap-tanggap sa iba lalo na sa ibang kultura.

Ang uri ng pagsasayaw ng mga mananayaw ni Willie Revillame sa Wowowin ay


tanggap ng mga modernong magulang at kabataan, ngunit sa mga konserbatibong grupo, ito
ay kabastusan o hindi dapat ipakita sa buong kapuluan lalo na at marami ang nanonood na
mga bata.

Ang pagkurus ng mga Katoliko ay palatandaan ng pagiging Katoliko nila


samantalang ang paghaplos ng dalawang kamay sa mukha kung nagdarasal ay palatandaan
naman ng pagiging Muslim.
39

Ang mga halimbawang nabanggit ay magkaubang mga kilos o galaw na


nagpapahayag ng magkaibang kahulugan. Maaari rin naming magkatulad sa kumpas o
galaw ng partikular na bahagi ng katawan ngunit magkaiba naman ng kahulugan.

Ang di-verbal na komunikasyon ay refleksyon ng kultura at nagbibigay ng espesyal


na kaibahan upang madaling makilala ang iba-ibang kultura. May mga tunog at kombinasyon
na ginagamit ang wika na siyang pagkakakilanlan ng ibang kultura. Halimbawa ay ang
malambing na tono ng mga Ilonggo kung nagsasalita at ang parang nagagalit naman na
pagsasalita ng mga Meranaw. Ang kahirapan sa pagkatuto ng wika ng iba ay dahil hindi ito
bahagi ng ating kinagisnang kultura.

Gawain 2

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

I. Makikilala mob a siya? Ano ang di-verbal na aksyon/gawain nila? Magbigay ng tig-isang
pangungusap lamang.
1. Bakla
__________________________________________________________________________
2. Mahirap
__________________________________________________________________________
3. Edukado
__________________________________________________________________________
4. Pulitiko
__________________________________________________________________________
5. Manlolokong Manliligaw
__________________________________________________________________________
6. Sinungaling
__________________________________________________________________________
7. Mayaman
__________________________________________________________________________
8. Banyaga
__________________________________________________________________________
9. Magnanakaw/Swindler
__________________________________________________________________________
10. Istriktong Titser
__________________________________________________________________________
40

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Ikalawang Markahan – Modyul 2:

Ikatlong Linggo (Mga Komponent ng Wika, Kultura at ang


Grupo, Pandaigdigang Hulwaran ng Kultura, Alternatibo/Mga
Alternatibo, Pagtingin ng Ibang Tao sa Sariling Kultura at
Kultura ng Iba, Kultural na Katangian ng Ibang mga Tao,
Katangiang Komunikatibo ayon kina Hofstede at Triands)
41

Aralin 2 (pagpapatuloy)

2.3 Mga Komponent ng Kultura

1. Materyal na Kultura. Mga bagay itong nilikha at ginagamit ng tao. Ito ay mga materyal na
objek na nagawa at ginagamit ng tao mula sa pinakapayak tulad ng mga kasangkapan,
muwebles, at pananamit hanggang sa malalaking bagay tulad ng arkitektural na disenyo,
mga kotse, makina, at iba pa. halimbawa, ang brass pot ay ginagamit sa pagluluto sa ibang
kultura, samantalang ito ay pangdekorasyon lamang sa ibang kultura. Ang kompyuter ay
isang mahalagang kagamitan sa kultura natin ngayon, ngunit sa ibang kultura naman, ito ay
walang kabuluhang bagay. Kaya, ang kamalayan natin sa mga bagay-bagay lalo na sa uri at
gamit nito ay nagdudulot sa atin ng malawak na pag-unawa sa kultura at lipunan ng ibang
grupo.

2. Di-materyal na Kultura. Binubuo ito ng mga norm, valyu, paniniwala, at wika.

a. Norms. Tumutukoy ito sa pag-uugaling karaniwan at pamantayan. Tinatawag ng mga


sosyolohista ang norm na kumakatawan sa kung ano ang aktwal na ginagawa o ikinikilos ng
isang tao na ideyal at standard na inaasahang uugaliin niya sa isang partikular na sitwasyon.
Halimbawa, ang ideal norm para sa mga naninigarilyo sa mga pamapasaherong sasakyan
ay Smoking is not permitted. Ito ay tama sa sosyolohikal na pagtingin at dahil mali at may
batas na sinusunod kaya ito ang karapat-dapat na gawin o sundin.

Ang norm ay ideyang nasa isip ng bawat miyembro ng isang grupo. Ang ideyang ito
ay nagsasabing kung ano ang dapat at inaasahang gawin sa isang sitwasyon. Ang ideyal na
norm ay mahalaga dahil nagpapaliwanag ito ng inuugali ng iba at nakatutulong din nang
malaki para maunawaan ang mga ugaling ito. Halimbawa, dapat huwag mag-ingay kung may
natutulog lalo na kung siya ay bisita at hindi mo kilala, pagsasabi ng “po” ng mga Tagalog
bilang palatandaan ng paggalang, paghingi ng permiso tuwing umaalis ng bahay, paghihintay
sa pagsasabi ng titser na maaari nang lumabas ng klasrum kahit na nagring na ang bell.

b. Folkways. Isa itong kaugaliang nakikita sa isang sitwasyon na tinitingnan ang magandang
kapakanan ng isang pangkat. Ilang halimbawa ng folkways ay ang pag-aayos ng lugar lalo
na ang hapag kainan, pagtanggap ng mahusay sa mga bisita, pagdaramit ng maayos kung
may pupuntahan, pagsisimba, pagsasama-sama ng pamilya tuwing Linggo, atbp. Kung ang
kultura raw ay sementong nagbubuklod sa mga tao sa lipunan, ang behebyur ng mga tao
ang pangunahing sangkap/sahog sa semento. Ang dahilan na ang mga sosyolohista ay
gumagamit ng terminong folkways kaysa customs ay upang idiin na ang mga ito ang mga
katanggap-tanggap na behebyur ng tao sa isang lipunan. Sumasaklaw pa rin ito sa marami
pang kustombreng ating sinusunod dahil ito ang ating nakikita at ginagawa mula pa noong
tayo ay isilang. May mga inaasahang behebyur na tradisyunal nang ginagawa ng mga
Pilipino dahil sa ating palagay, ito ang tamang gawin. Halimbawa, may paniniwala ang mga
Pilipino na kung ang isang pamilya ay namatayan, ang mga kamag-anak, kaibigan, at
kapitbahay ay dapat pumunta sa bahay ng namatayan upang makiramay. Ang perang abuloy
o tulong sa namatayan ay karaniwang inilalagay sa plato o kahon na malapit sa kabaong.
Ang mga direktang miyembro ng pamilya ay bawal na tumulong sa pag-aayos sa patay. Sa
halip, sila ay mag-aasikaso lamang sa mga bisita. Naniniwala rin ang karamihan sa mga
42

Pilipino sa siyam na gabing pagdarasal, sa ikaapatnapung araw ng pagdarasal at sa hubkas


o isang taon na anibersaryo ng pagkamatay. Isa pang kultural na ekspektasyon sa Pilipinas
ay keeping the family purse (Sino ang hahawak ng pera ng pamilya?). Ang mga bana ay
inaasahang magbigay sa asawa ng kanilang suweldo dahil ang huli ang nagdadala ng badjet
ng pamilya. Sa mga Amerikano naman, ang bana ang humahawak sa pera ng pamilya.

c. Mores. Tumutukoy ang mga ito sa pamantayan ng kaasalang lubhang iginagalang at


pinapahalagahan ng isang grupo. Kinakailangan at mahalaga para sa kapakanan ng isang
grupo ang pagsasabuhay sa mga pamantayang ito. Halimbawa, bawal sa mga Muslim ang
kumain ng karneng baboy, bawal sa ibang relihiyon ang kumain ng dinuguan at magpaputol
ng buhok ang mga babae.

Ito ay hindi ginagawa ng basta na lamang ng isang miyembro dahil may mabigat na
kaparusahan ang paglabag sa mores.

d. Batas. Para sa mga sosyolohista ang batas ay pormal at karaniwang ginagawa at


isinasabatas ng federal state o lokal na awtoridad. Halimbawa: Ang pagpatay, pagnanakaw,
pagtawid sa daan na hindi sumusunod sa batas-trapiko ay may kaparusahan. Ang
pagdedeklara ng presidente ng Pilipinas ng legal na holiday sa araw ng pagkamatay ng
dating Presidente Corazon Aquino para maalala palagi ng mga Pilipino ang kanyang
kadakilaan ay nakapaloob sa isang batas o proklamasyon. Kalaunan, magiging customary
na ang pagbibigay-pugay kay Cory Aquino at hindi na ito basta legal na araw na walang
trabaho kundi magiging tradisyunal na holiday na.

e. Valyu. Ito ang inaasahang mabubuting pag-uugali o dapat gawin/kilos o ipakita.

Sa pangkalahatan, tumutukoy ito sa indibidwal na ideya ng kahalagahan at


pangangailangan, at siyang magdidikta sa atin kung ano ang moral at immoral, ng mabuti at
masama, ng tama, at mali, ng maganda, at pangit. Halimbawa nito ay ang pagbati ng “good
morning,” pagpapasalamat, pagtulong sa mga titser lalo na kung may mabigat na dalahin,
pagdating sa tamang oras, paggalang sa mga nakatatanda, hindi pagsagot ng pasigaw sa
mga magulang, pagsagot nang tama kapag tinatawag, pagkatok kung papasok sa ibang
bahay, atbp.

f. Paniniwala. Ayon sa mga sosyologo, persepsyon ito ng isang tao sa mga nangyayari sa
kanyang kapaligiran at mundo. Kabilang dito ang mga pamahiin.

g. Wika. (Balikan ang kahulugan ng wika sa naunang bahagi ng modyul).

h. Technicways. Pakikiangkop ito ng lipunan sa mga pagbabagong dala ng teknolohiya. Ang


halimbawa nito ay ang paggamit ng mga bagong kagamitan at pagsunod sa moderno o
popular na kultura o global na pagbabago. Ang bilis ng komunikasyon ay dahil sa kompyuter
at mga telefon o celfon. Naging maliit ang mundo at nakakaimpluwensyahan ng kultura dahil
sa impluwensya na rin na dala ng mga makabagong kagamitan at pamamaraan ng
pamumuhay tulad ng pagbabago sa pagluluto, pag-aayos at pagpapaganda ng sarili,
pagpapagamot, pag-eenrol o pag-aaral, pag-aanak, pagbibiyahe, at marami pang iba mula
sa tradisyunal nitong kaparaanan. Ang technicways ay kumakatawan sa klase ng pagbabago
ng kultura at halos kabaligtaran ng folkways at norms.
43

2.4 Kultura at ang Grupo

May tatlong mahalagang tungkulin ang kultura ng isang pangkat. Anumang kultura
ay:

1. Isang paraan upang makita ang biyolohikal na pangangailangan ng grupo para mabuhay.

2. Nagbibigay sa isang indibidwal na kasapi ng isang grupo na mag-adjust o makibagay sa


sitwasyon ng kapaligiran.

3. Sa pamamagitan ng komon na kultura, nagiging tsanel upang makipag-interak ang baway


miyembro ng isang pangkat at maiwasan ang anumang alitan.

2.5 Pandaigdigang Hulwaran ng Kultura (Universal Pattern of Culture)

Iba-iba ang kultura ng bawat lugar ngunit may mga kulturang komon at makikita sa
lahat ng pangkat sa bawat lipunan. Ang unipormalidad na ito ay tinatawag na universal
pattern of culture.

Ang lahat ng ginagawa kaugnay sa wet rice agriculture sa Pilipinas ay halimbawa


ng hulwaran ng kultura. Kumakatawan sa wet rice pattern ang maraming katangian ng
kultura na ginagamit tulad ng paggamit ng kalabaw, paggamit ng araro, sakahan, espesyal
na varayti ng palay, espesyal na paraan ng pagtatanim at muling pagtatanim.

Si Winsker na isang Amerikanong antropolohista ang unang nagbigay ng


pakahulugan sa universal pattern of culture. Ayon sa kanya, ang lahat ng tao sa mundo ay
may:

1. Wika at pananalita

2. Materyal na kultura
a. Food habits/Kinasanayang pag-uugali sa pagkain
b. Pamamahay
c. Transportasyon
d. Kagamitan
e. Pananamit
f. Sandata o weapon
g. Trabaho at Industriya

2.6. Alternatibo/Mga Alternatibo


Ang bawat lipunan ay may kaugaliang sinusunod at mayroon din naming maaaring
hindi sinusunod na tinatawag na alternatibo. Maaaring mamili ng kung ano ang sa palagay ng
bawat isa ay nakapagdudulot sa kanya ng kabutihan at kasiyahan. Halimbawa, maaaring
mamili ang kahit sino kung anong relihiyon ang gusto niya; sa pagbiyahe ay maaari siyang
sumakay ng bus, dyip, tren, eroplano, helicopter, barko, Bangka, kalesa, o motorsiklo.
Pwedeng kumain sa restawran, sa bahay, sa may tabing dagat o kahit saan. Maaaring mag-
asawa at maaaring hindi. Sa pagpapakasal ay maaaring sa pari, huwes, pastor, at maging sa
mayor. May lipunan na tanggap ang pag-aasawa ng marami at tanggap ang diborsyo,
44

samantalang may lipunan naman na hindi tinatanggap ang mga ito. May lipunan ding sang-
ayon sa mercy killing at aborsiyon at mayroon ding tumitingin sa mga ito bilang napakabigat
na kasalanan sa batas ng tao at lalo na ng Diyos.

2.7 Pagtingin ng Ibang Tao sa Sariling Kultura at Kultura ng Iba

Ang pagpapahalaga ng isang tao sa sariling kultura at sa kultura ng iba ay maaari


niyang ibatay sa mga sumusunod:

1. Noble Savage. Dito, tanggap niya kung ano siya. Hindi niya ikinahihiya kung ano siya.
Halimbawa, tanggap na tanggap ko na ako ay isang Meranaw at hindi ko ito ikinahihiya.

2. Ethnocentrism. Paniniwala ito ng iba na ang kanilang kultura ay tama at nakahihigit sa


ibang kultura samantalang ang sa iba ay mali kaya hindi dapat gayahin ng iba. Halimbawa,
ang pagdadasal sa altar na may mga imahe ng iba-ibang santo ay hindi tama, maling-mali
kaya hindi dapat gayahin.

3. Cultural Relativity. Pag-unawa ito sa ibang kultura. Dito, tinitingnan ang lahat ng kultura
bilang pantay-pantay, walang superior at imperyor. Kabaliktaran ito ng ethnocentrism.
Halimbawa, kung hindi man sila nagmamano sa kanilang tahanan ay hindi ibig sabihin na
wala silang respeto sa magulang nila. Ito ay nakasanayan nila kaya nauunawaan ito ng mga
nakakakilala sa kanila.

4. Xenocentrism. Ang mga banyagang ito, lugar, at bagay ay magaganda at ang lokal o
sariling kanya ay pangit. Pagmamahal ito sa imported na bagay.

2.8 Kultural na Katangian ng Ibang mga Tao

1. Polychronic. Sa ibang kultura, may mga taong gumagawa ng isang bagay o gawain nang
sabay-sabay. Halimbawa, nagsasaing habang naglalaba at nagbabantay ng bata, nag-aaral
at nanonood ng tv habang sige rin ang pindot ng celfon.

2. Monochronic. Ang mga tao ay paisa-isa kung gumawa ng kanilang trabaho. Naniniwala
sila na bawat trabaho ay may oras. Halimbawa, hindi muna sila magluluto hangga‟t hindi
natatapos ang kanilang paglalaba.

2.9 Katangiang Komunikatibo Ayon Kina Hofstede at Triands


Ayon kay Hofstede (1984), maaaring uriin sa dalawa ang katangiang komunikatibo –
individualist at collectivist.
1. Individualist. Sarili lang ang iniisip at mahalaga para sa isang tao. Wala siyang pakialam
sa damdamin ng iba. Prangka kung magsalita at wala siyang pakialam sa nararamdaman ng
iba.

2. Collectivist. Iniisip ng isang tao ang kapakanan at pag-uunawaan ng lahat. Mahalaga sa


kanya ang damdamin ng iba.
45

Inuri naman ni Triands (1990) ang katangiang komunikatibo bilang allocentric at


idiocentric.

1. Allocentric. Sa katangiang ito, iniisip ng isang tao na mahalaga para sa kanya ang iba.

2. Idiocentric. Nagsasabi ang katangiang ito na sarili lamang ng isang tao ang mahalaga.

Gawain 3

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

I. Magbigay ng kongkretong halimbawa ng mga sumusunod na konsepto.

1. Noble Savage

__________________________________________________________________________

2. Ethnocentrism

__________________________________________________________________________

3. Cultural Relativity

__________________________________________________________________________

4. Xenocentrism

__________________________________________________________________________
46

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Ikalawang Markahan – Modyul 2:

Ikaapat na Linggo (Ilang Grupo sa Pilipinas na May


Natatanging Kultura: Ang mga Rizalian sa Lungsod ng
Dapitan)
47

Aralin 3 – Ilang Grpo sa Pilipinas na May


Natatanging Paksa

Panimula

May mga katanungan marahil ang ilan sa pag-usbong ng iba‟t ibang grupo o pangkat
na may natatanging pinaniniwalaan na iba sa karaniwang mga samahan o pangkat na kilala
na sa buong Pilipinas tulad ng Rotary, Lions, Samahan ng mga Magsasaka, Couples for
Christ, Ang mga Manggagawang Pilipino, at marami pang iba. Ang kakaibang mga grupong
ito ay may mga kaugalian na taliwas kung minsan sa mga sinusunod ng iba. Naging
palaisipan sila sa mga hindi nakakaalam at kung makikilala naman sila ay lalong naging
misteryoso ang gawain nila sa pagtingin ng mga nag-iisip na hindi sila normal na mga
indibidwal. Ang mga paghuhusgang ito ay mabibigyang kasagutan o pagpapaliwanag sa
bahaging ito kahit man sa kaunting impormasyon tungkol sa mga grupong ito. Naririto ang
iilan sa kanila.

3.1 Ang mga Rizalian sa Lungsod ng Dapitan


(Mula sa pananaliksik nina: Ana Rheza B. Blase, Mary Cris E. Manlangit at Precious I. Salaveria)

Kilala ang mga Rizalian sa kanilang magaling na pagmamasahe at


pagboboluntaryong pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa loob ng parke ng Rizal
Shrine. Nakadamit sila ng puti kaya misteryoso sa mga mata ng mga taong bago pa lamang
sila nakita. Isang samahan sila na makikita sa Lungsod ng Dapitan. Tagasunod sila at
naniniwala na si Dr. Jose Rizal ay isang Diyos. May bagong kulturang umusbong sa likod ng
samahan mayroon sila. Ang kulturang ito ay nakasuporta sa interpretasyon nila sa Bibliya,
kaya naman lahat ng kanilang ginagawa at pinaniniwalaan ay binatay sa Bibliya. Mayroon din
silang mahabang kasaysayan lalo na sa simula ng kanilang pananampalataya kay Jose
Rizal.

May sarili silang bersyon ng kasaysayan ng buhay ni Rizal na hindi sinabi sa mga
aklat. Ang sumusunod ang bersyon nila ng kwento:

May isang reyna sa bansang England na nagngangalang Victoria na nagdadalantao


habang nasa Pransya at bilang reyna kailangan niyang umuwi sa sarili niyang bansa para
ang kanyang anak ay mamuno at magmana ng kanyang trono. Habang nasa barko pauwi ay
ipinanganak niya ang isang babae na pinangalanan niya ring Victoria. Nang malapit na silang
makarating nanganak ulit siya ng isang lalaki. Nakita niya nang lumabas ang bata na malaki
ang ulo nito at hindi kaaya-ayang tingnan para sa kanila kaya napagdesisyunan niya na piliin
ang batang babae lalo na sa pamumuno at pagmana ng kanilang kaharian. Ibinalot niya ang
batang lalaki, inilagay sa kahon at pinaanod sa dagat. Napadpad ang bata sa kaharian ng
Italya na agad namang sinagip ng kaharian. Ang batang ito ay naging prinsipe at
tagapagmana ng lahat ng nasa kaharian pati na ang pagpunta sa Pilipinas.

Nang minsan itong bumisita, umibig ito sa isang babaeng Pilipina na kanyang
nabuntis. Dahil may dugong bughaw, hindi pwede sa kanila ang umibig sa hindi dugong
bughaw. Dito isinilang ang isang batang lalaki na pinangalanang Jose Protacio Rizal. Dahil
48

ang babae ay hindi mayaman dinala niya ang bata sa mayamang pamilya ni Dona Teodora
Realondo Alonzo at Don Francisco Merkado. Kaya sinabi ni Jose Rizal sa kanyang liham na
“It seems that I am an illegitimate child of the Merkado Family cause I am the only Rizal.”
Dahil tatlong araw matapos siyang ibigay ng kanyang ina kay Don Francisco, pagbukas nila
ng lampin ay may pangalan na itong Jose Protacio Rizal. Napagtanto nina Dona Teodora na
ang bata ay hindi isang ordinaryong bata lamang dahil noong dalawang taong gulang pa
lamang siya ay marunong na itong magbasa.

Sa murang edad ni Rizal ay mayroon na itong tatlong propesiya. Una, ang mapalaya
ang nakulong niyang ina; pangalawa, gumawa siya ng rebulto ng sarili niyang imahen na
nagpapahiwatig na sa hinaharap ang lahat ng bayan sa Pilipinas ay gagawa ng kanyang
imahe o rebulto para kilalanin ang kanyang pangalan; pangatlo, tinawag niyang Philippines
in Centruy Hills o ang Pilipinas sa ikasandaang taon.

Nang nabubuhay pa si Rizal, isa ang lungsod ng Dapitan sa Mindanao sa kanyang


naging tahanan sa loob ng apat na taon bago siya ipinadala sa Maynila para hatulan ng
kamatayan noong 1896. Sa mga taong ito naging malapit sa kanya ang lungsod, lalo na ang
mga taong naninirahan mismo sa Barangay Talisay. Ibinahagi niya ang kanyang mga
kaalaman sa mga tao at hindi tumigil sa kanyang pagtulong at pagsasaayos ng lugar. Naging
guro siya ng mga bata at naging doctor sa lahat ng may sakit. Isa sa kanyang inoperahan ay
ang ama ni Josephine Bracken na naging kabiyak niya sa buhay at kinasam sa Dapitan.
Naging katuwang niya ang kanyang kabiyak sa lahat ng bagay at minsan na silang
biniyayaan ng anak ngunit nakunan si Josephine. Sa kanyang pagkamatay, hindi ito naging
dahilan upang matigil ang kanyang nasimulan at nakalimutan ng mga tao ang kanyang mga
nagawa. Ipinagpatuloy nila ang mga nagawang ito ni Rizal at pinahalagahan ang mga bagay
na kanyang naipundar.

Isang taga-Lungsod ng Dapitan ang pinangalanang Filemon O. Reambonanza ang


minsang dinalaw ni Rizal sa panaginip taong 1952. Sa unang gabing pagdalaw ni Rizal kay
Filemon, higit limang beses na nanaginip ang huli, at hanggang sa kanyang paggising ay
nakita nito mismo si Rizal na nakatayo sa kanyang paanan. Matapos ang kaganapang ito,
hindi mapigilan ni Filemon na sabihin sa mga tao ang mga nangyari sa kanya. Makalipas ang
ilang araw nagpakita sa kanya ang Panginoon at nagalit ito dahil ipinagkalat niya ang
kanyang napanaginipan. Doon niya napagtanto na iisa lamang si Hesus at si Rizal. Hindi pa
binigyan ng atensyon ni Filemon ang pangyayaring iyon. Noong 1970 nangyari ulit ang
panaginip at dito na sinabi sa kanya ni Rizal na ang Espiritu ng Panginoon ay nasa kanya at
inatasan niyang si Filemon ang magbahagi ng magandang balita sa mga tao at sinabing si
Rizal ang Panginoon. Sa tulong ng boses na kanyang narinig, nagagawa niyang magbigay
ng interpretasyon sa Bibliya. Hulyo 27, 1975 nang sinimulan niya ang pagbabahagi ng
kanyang kaalaman sa mga kasamahang panday at sinulat niya ang lahat ng binigay sa
kanyang karunungan. Agosto 5, 1975, tumigil siya sa pagtatrabaho at pumunta sa Maynila
para makilala ang mga mananampalataya kay Rizal na “Watawat ng Lahi.”

Bago niya binuo ang kanilang samahan ay marami na ang kapareho nila ng
paniniwala – paniniwalang panginoon si Jose Rizal ng mga taga-Maynila na kilala sa tawag
na “Watawat ng Lahi” at pinamumunuan ni Arceno de Guzman noong binuo niya ang grupo
noong 1914. Si Arceno de Guzman ay kaklase ni Jose Rizal at kauna-unahang pinakitaan ni
49

Jose Rizal ng kanyang esipiritu. Sinabi ni Jose Rizal na siya ang Diyos at inatasan si de
Guzman na bumuo ng sekta na mananampalataya sa kanya.

Sumunod naman ang mga kwento nina Parabuac, Felix Milgar ng Ozamiz, Anastasio
Balase ng Zamboanga del Norte at Ruben Ecleo, Sr. ng Surigao. Nagkaroon ng hindi
pagkakaunawaan ang mga lider na nauwi sa pagkakawatak-watak ng ibang kasapi ng
samahan. Pumunta ang lahat ng mga lider sa Dapitan para malaman kung sino sa kanila ang
pinili ng Diyos na pasukan ng espiritu. Napili si Filemon na pasukan ng espiritu at nanirahan
sa parke sa Dapitan. Naging basehan nila ang pagkakaroon ng Pitong Espiritu ng Panginoon
na makikita kay Filemon. Ang pitong Espiritung ito ay ang banal na dugo ni Hesus, utak o
karunungan at ang limang pandama at kagustuhan ng gobyerno.

Sinasabing sa simula pa lamang ng daigdig, nang nabubuhay pa si Adan at Eba, ang


Balaang Espiritu ay nasa kanila na. pagkatapos kay Adan, ang mga sumunod na lalaki sa
Bibliya ay pinasukan din ng Espiritu: si Abraham, ang kilala na Father of All Nations; si
Noah na gumawa ng arko; at si Hesus na huling pinasukan ng Espiritu na isinaad sa Bibliya
bilang anak ng Diyos at siya ang ikaanimnapu na pinasukan ng Espiritu.

Naniniwala sila na si Hesus at si Rizal ay iisa lamang sapagkat pumasok ang espirito
kay Rizal. Sina Hesus lamang at Rizal ang kanilang pinaniniwalaan at hindi ang Holy Trinity.
Hindi sila naniniwala sa Ama at Balaang Espiritu. Lahat ng kanilang pinaniniwalaan ay
nakabatay sa Bibliya dahil para sa kanila ang Bibliya ay may apat na bahagi – ang
Kasaysayan, Agham, Matematika at Propesiya.

Nang umakyat na sa langit ang espirito ni Hesukristo, sinasabing lumilipat na sa


maimpluwesiyang tao sa mundo ang Espiritu ng Panginoon sa loob ng labinpitong taon
matapos mamatay ang huling pinasukan ng espiritu. Maliban sa mga makasaysayang
nagawa ni Rizal at mataguriang bayani, siya rin ang Third Witness of God at nagdeklara ng
Mindanao is the Land of Promise. Kaya tinawag na Land of Promise ang Mindanao dahil
ito ang pinaniniwalaang susunod na Mesopotamia o ang banal na lugar na magiging langit sa
hinaharap. Sinasabing hindi nagkakalayo ang mga nagawa ni Jose Rizal sa mga nagawa ni
Hesus noong nabubuhay pa siya sa mundo at nagkatawang tao. Ilan sa mga ito ang
pagtuturo sa mga bata magiging sa matatanda tungkol sa magandang balita, pagtulong sa
kapwa sa kanilang pangangailangan, lalo na ang mga may sakit (bilang doctor), at ang pag-
aalay ng sarili nitong buhay para iligtas ang buhay ng karamihan, na itinuturing na
makasaysayang gawaing kinikilala hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Taong 1982 nang magsimulang dumami ang mga tagasunod ni Filemon sa Dapitan
at patuloy itong dumarami hanggang taong 1992.

Ang salitang Rizal ay mula sa salitang Espanyol na Ricial na ibig sabihin ay field
where wheat is cut while still green, and sprouts again. Naniniwala naman ang mga
Rizalista na matapos patayin si Jose Rizal sa Bagumbayan, isang Rizal ang isisilang
pagkaraang labimpitong taon mula ng kanyang kapanganakan noong taong 1861.
Pinaniniwalaan ng mga Rizalista na si Filemon, na ipinanganak noong taong 1931, ang
bagong Rizal na tulad ni Jose Rizal ay pinasukan ng Espirituat siyang susunod na maghahari
sa buong mundo at magpapatuloy sa mga nagawa ng Panginoon. Ayon sa mga Rizalista,
ang salitang Rizal ay hindi lamang tumutukoy kay Jose Rizal dahil lahat ng tao na naniniwala
50

kay Jose Rizal ay matatawag na Rizal kahit pa hindi ito naniniwala na siya ay Diyos. Ang
batayan ng pagiging Rizalian ay ang pananampalataya ng isang tao at ang malalim na
paniniwala na Diyos si Jose Rizal. Kaya ang naniniwala kay Rizal bilang Jose Rizal lamang
at hindi ang Rizal na Diyos ay hindi itinuturing na Rizalista o kasapi ng samahan.

Iba ang Rizalian ng Kingdom of God sa Talisay sa mga Rizalian na makikita sa ibang
bahagi ng bansa at iba rin ang tawag ng kanilang simbahan. Naging iba na ito sa mga
grupong may kapareho nila ng paniniwala sa dahilang nagiging tiwalag na ang ibang grupo
sa totoong paniniwala nila at may masasama nang adhikain. Ang pagkakatulad lamang nila
ay ang paniniwala na si Jose Rizal ay reinkarnasyon ni Hesukristo. Sila ay iisa pero iba-iba
ang pamamaraan ng bawat grupo sa pagsamba. Sa Kingdom of God nakabatay lahat sa
Bibliya ang kanilang paniniwala.

Bilang pinuno ng samahan, si Filemon O. Reambonanzaang nagbibigay ng mga utos


at patakaran, maging ang pagbibigay ng kanilang pangangailangan. Para mas maging
madali ang gawain ni Filemon, mayroon siyang labindalawang (12) Apostoles at
labindalawang (12) pari na nagkakasal sa kanila. Bumibisita at nag-iikot-ikot sa iba‟t ibang
bayan ang mga ito para magbahagi ng magandang balita sa mga bahay-bahay.

Ngayon, itinuturing nilang hari si Filemon O. Reambonanza o kilala sa tawag na


Mahal na Hari o Supremo dahil sa pagpasok ng espiritu sa kanya. Siya ang pinaniniwalaan
nilang papasukan ng espiritu sa mundo, matapos kay Jose Rizal. Bilang huling tao na
pinasukan, siya rin ang The Last Adam dahil 70 taon matapos ang kanyang kapanganakan
wala nang sumunod na pinasukan ng espiritu sa Pilipinas. Noong 2001, ang espiritu ni Adam,
ang isinaad ng Bibliya na kauna-unahang pinasukan ng espiritu ng Diyos, ay lumipat sa
kanya. Dahil dito, matatawag na rin si Mahal na Haring Filemon O. Reambonanza na Adam.
Nakapag-asawa si Filemon ng limang beses. Isa rito ang namatay na at ang apat ay kasama
niya sa templo. Ang pag-aasawa ng marami ni Filemon ay hango sa pag-aasawa ni Hakub
ng apat. Dalawa sa kanyang asawa ay kilala sa tawag na Eba at Josephine Bracken dahil
ang dalawang babaeng ito ay pinasukan ng espiritu nina Eba at Josephine.

Binibigyang galang naman ng mga hindi Rizalian na nakatira sa lungsod ang mga
paniniwala at kulturang mayroon ang mga Rizalian sapagkat mayroon silang mabubuting
nagawa at naiambag sa kanilang komunidad o sa kapwa tao. Marami sa kanilang ang
nagsasabi na may mabubuting puso at marunong makipagkapwa tao ang grupong ito.
51

Gawain 4

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

I. Magtala ng mga imahen ni Rizal ayon sa kasaysayan ng Pilipinas, at mga imahen niya
ayon sa paniniwala ng mga Rizalian.

Si Rizal sa Kasaysayan Si Rizal sa mga Rizalian


1.
2.
3.
4.
5.
52

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Ikalawang Markahan – Modyul 2:

Ikalimang Linggo (Ilang Grupo sa Pilipinas na May


Natatanging Kultura: Gospel Ministry of Salvation)
53

Aralin 3 – Ilang Grpo sa Pilipinas na May


Natatanging Paksa

3.2 Gospel Ministry of Salvation


(Mula sa pananaliksik nina Angelica Dumasapal, Fatma M. Jamali, Josa Marie M. Labis, at Princess L.
Tado)

Isang putting palasyong bahay na makikita sa Barangay Pala-o, Iligan City sa Lanao
del Norte, Mindanao. Ang nagmamay-ari sa Kingdom Filipina Hacienda ay si Dr. Salvacion
Legazpi o kilala sa tawag na “Majesty.” Sa bahay na ito nakabase ang pinakaopisina ng
isang Monarchy Government. Tinatawag ang gobernong ito na Gospel Minstry of
Salvacion (salvation). Ayon sa nakapanayam na si Alden Kerubin, ang punong director ng
kanilang opisina; ito ang pinakamataas na hukom sa lahat ng hukom. Sinabi rin niyang ang
opisinang ito ang pinaka-opisina, kahit pa nakaayon ito sa palasyong nakabase sa England.
Ang ilan sa mga bakantang kwarto ng palasyong ito ay nakalaan sa mga magiging
trabahante o sa mga magtatrabaho sa palasyo. Iminumungkahing layunin ng hukom na ito na
pag-isahin at gawing isang barangay ang buong mundo, mayroon silang sariling watawat,
pera, pasaporte at plaka ng kotse. Bukod pa rito, plano ng hukumang ito na gagawa ng
sariling bangko na kung saan doon magiging epektibo ang kanilang ginawang pera.

Makikita sa kanilang pera ang larawan ng kanilang itinuturing na Majesty. Ang bawat
pera ay may partikular na larawan. Nakabatay ang larawang ito sa pitong (7) sagradong
katawagan sa kanya. Tinagurian siya bilang Queen of Salvation, Queen of South, Queen of
Islam, Queen of Light, Queen of Flowers, Queen of Motherland at ang Alpha at Omega.
Sapagkat iminumungkahi ng kanilang Majesty na pagmamay-ari niya ang Pilipinas, kaya
niyang gumawa ng pera at mag-imprenta nito. Bwat isang AU dollar ay may katumbas na
pitong daang piso (P700). Bukod pa rito, gumawa rin sila ng sariling watawat na kung saan
ang watawat na ito ay sumisimbolo sa layunin at responsibilidad na ayon kay Kerubin,
ibinigay ng diyos kay Majesty. Ayon kay Kerubin, ang dalawang tig-aanim na bituin sa itaas
ibabang bahagi ng watawat ay sumisimbolo sa labindalawang (12) tribu noong unang
panahon na binanggit sa Bibliya. Ang isang araw sa gitna ay sumisimbolo kay Majesty na
siyang magiging tagapagligtas ng buong sinasakupan. Makikita rin ang isang buwan at isang
bituin sa ibabaw na bahagi ng watawat na ayon sa nasabing impormante, ang buwan at
bituin ay sumisimbolo ng Diyos.

Ang kanilang adhikain ay nakabatay sa nakasulat sa Bibliya at sa Efra Law


(tumutukoy sa mga batas sa lupain). Sinasabi ng grupong ito na ang Iligan ay ina ng lahat ng
kalupaan sa mundo. Nagsimula ang lahat ng pangyayari noong unang panahon sa lugar na
ito kaya dito inilagay ang pinalabase ng Kingdom Filipina Hacienda ni Dr. Salvacion Legazpi.
Binanggit din ni Kerubin na ang Iligan ay ang tinatawag noon na Garden of Eden. Ayon sa
kanya, hinanda siya ng panginoon upang tulungang iligtas ang mga tao sa mundo. Kaya,
inutusan siyang gumawa ng bagong mundo sa pamamagitan ng pabguo ng bagong
gobyerno na tutulong sa mga tao upang guminhawa ang kanilang buhay. Ang panawagang
(calling) ito ayon sa kanya ay kusa niyang naramdaman nang minsan siyang bumabasa ng
Bibliya at nakita niya ang salita ng Diyos na para bang tinatawag siya ng Banal na Ispirito
para sa ganitong responsibilidad.
54

Ayon kay Majesty, masasabing pag-aari niya ang bansang Pilipinas dahil siya
lamang ang may hawak ng titulo nito. May pinanghahawakan siyang kasunduan o
dokumento ng Traty of Paris na nilagdaan at inaprobahan ng lahat ng hukom. Unti-unti
niyang tinitipon ang mahahalagang dokumentong gagamitin niya sa pagbuo ng bagong
gobyerno, bagong mundo. Una niyang magiging hakbang ay ang paggawa ng sariling
bangko na tatawagin niyang Tribunal Bank na itatayo niya sa mismong kinatatayuan ng
kanyang palasyo. Ang unang makkinabang ng bangkong ito ay ang mga naunang miyembro
o kasapi ng kanilang kaharian. Aniya, ang ID Card na gawa nila ay ang magiging
pinakamahalagang bagay upang makapasok at makalabas sa bansang Pilipinas sapagkat
darating ang panahon na walang sinuman ang makakapasok at makakalabas ng bansa kung
wala silang maipapakitang ID Card at maisasakatuparan lamang ito kung matutuloy ang
plano niyang isara ang bansa. Sa panahon na iyon, wala nang taong maghihirap sapagkat
ang pera ay hindi nap o-problemahin ng mga tao at mawawala na rin ang singil ng tax dahil
ayon kay Majesty, tax ang nagpapahirap sa mga tao. Ito ang lahat ng paniniwala ng grupo
nila.

Gawain 5

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

I. Sumulat ng sampung paniniwala ng grupong Gospel Ministry of Salvation na ayon sa kanila


ay hindi kapani-paniwala na mangyayari sa kanilang pamumuno sa kinabukasan.

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
55

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Ikalawang Markahan – Modyul 2:

Ikaanim na Linggo (Ilang Grupo sa Pilipinas na May


Natatanging Kultura: Ilaga, ang mga Militanteng Kristiyano sa
Mindanao, Philippine Benevolent Missionaries Association)
56

Aralin 3 – Ilang Grpo sa Pilipinas na May


Natatanging Paksa

3.3 Ilaga: Ang mga Militanteng Kristiyano sa Mindanao

Ang ilaga sa Visayas ay nangangahulugang daga sa Filipino. Ngunit sa Mindanao,


ang Ilaga ay nagsisimula sa malaking titik ay mga militanteng grupong Kristiyano na ang
karamihan ay mga magsasaka sa simula na lumaban sa mga Morong ekstrimist o Islamist.
Nagsimula ang grupong ito ng kanilang kilusan noong 1970 at lalong nakilala noong 1971
nang maibalita ang pinakamadugong ginawa nila na pagpatay sa animnapu‟t limang (65)
sibilyan sa isang moske.

Isa sa pangunahing adhikain ng kilusang ito ang protektahan ang mga Kristiyanong
komunidad sa pag-atake ng ga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sa New
People’s Army (NPA) na nasa Sentral Mindanao ng mga panahong iyon. Sunud-sunod ang
pakikipaglaban ng mga kilusan sa kanilang paniniwalang sila lamang ang makaprotekta sa
komunidad ng mga Kristiyano. May mga balita noon na sinusuportahan sila ng gobyerno sa
pakikipaglaban sa mga rebeldeng MILF at NPA. Sunud-sunod din noon ang mga panalo ng
mga Ilaga sa kalaban. Sinasabing ang kilusan ay isang kulto, may talisman o anting-anting,
di-tinatablan ng bala at higit sa lahat, kumakain ng tao. Lumaganap noon ang balita na takot
na takot sa kanila ang kanilang kalaban dahil sa sila na mismo ang kinakain nila.

Ginamit daw sila ng pamahalaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa


pagsugpo ng karahasan sa Mindanao dahil sa kakulangan ng sangay ng mga sundalo.
Ngunit nang makialam na ang ibang bansa, pinatigil na ng dating pangulo ang kilusan. Unti-
unti na itong tumamlay at nawala ang popularidad nito nang lubusan.

Noong 2013, binuhay ng kilusan ni Mike Santiago, isang kumander sa North


Cotabato at naging tagapagsalita na rin nila. Tinawag ang dating Ilaga na Reform Ilaga
Movement na may 45,000 na miyembro sa buong Mindanao.

3.4 Philippine Benevolent Missionaries Association

Ang Philippine Benevolent Missionaries Association, Inc. ay itinatag ni Ruben


Edera Ecleo, Sr. noong 1965 sa Isla ng Dinagat sa Pilipinas. Noong mamatay si Ecleo Sr.
noong 1987, humalili ang kanyang anak na si Ruben ECleo, Jr. May humigit kumulang na
milyong miyembro ang asosasyong ito sa Sentral na dakong Timog ng Pilipinas at sa ibang
bansa. Narehistro ito sa Securities and Exchange Commission (SEC) sa Makita, Pilipinas
noong Oktubre 19, 1965. Ang pinakaopisina nito ay nasa San Jose sa Isla ng Dinagat.

Ayon sa doktrina nila, si Ecleo Sr. ay biniyayaan ng mga “boses” na makapagbabasa


at makasusulat nang mahusay sa Arabic, Hebrew, Sanskrit (sinaunang wika sa mga
iskriptyur at klasikal na mga tula ng India), at Aramaic (dayalekto ng Syria na ginamit na
th
lingua franca sa Near East noong 6 century B.C. hinay-hinay na pinalitan niya ng Hebrew
na wika sa lugar na iyon at kinalaunan ay nadagdagan ito ng Arabic.) para mainterpreta ang
mga sinaunang misteryo sa buhay. May mga hula siya sa mga darating na mga pangyayari.
57

Inilarawan nila si Ecleo Sr. na katulad ni Kristo na makapagbubuhay ng patay. Ang


kakayahan daw niyang manggamot ay galing sa Banal na Ama at sa mga banal na dasal na
kanyang pinag-aralan. Sinabi ng mga tagasunod ni Ecleo Sr. na mula pagkabata ay makikita
siya sa mga lugar na nangangailangan ng tulong at sa mga taong kailangan siya. Ang mga
misyonaryong gawa niya ay umabot sa Agusan del Sur at Samar.

Sinasabing ang mga miyembro ng PBMA ay may ariling mga sandata para
proteksyunan ang kanilang lider na si Ecleo Jr. Handa silang mamatay para sa kanya.
Napatunayan ito nang magkaroon ng kaso si Ecleo Jr. dahil sa pagpatay niya sa kanyang
asawa at sa iba pang kaso laban sa gobyerno. Nagkaroon ng putukan nang ipagtanggol ng
mga miyembro nito si Ecleo Jr. Marami sa mga miyembro ang namatay. Nahatulan si Ecleo
na mabilanggo sa loob ng tatlumpong (30) taon dahil sa paglabag sa kontratang
panggobyerno na may kinalaman sa pera at ikinalugi ng gobyerno. Ang kaso niyang
pagpatay ay wala pang linaw hanggang sa kasalukuyan.

Gawain 6

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

Instruksyon: Ipaliwanag ang iyong sagot.

1. Ano-ano ang mga layunin sa pagkakatatag ng kilusan ng Iliga? Sang-ayon ka ba dito?


Bakit?

2. Ano-ano ang iyong mga saloobin ukol sa PBMA? Nakatutulong ba ang kanilang samahan
para sa kapayapaan? Patunayan ang iyong sagot.
58

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Final na Markahan – Modyul 3:

Unang Linggo (Luzon: Ang mga Ilokano, Ilang Paniniwala ng


mga Kalahan, Mga Kaugalian sa Pag-aasawa sa Ibaan,
Batangas, Ilang mga Katangian ng mga Kankana-ey, Ang
Pagkakanyao)
59

Aralin 1 – Luzon: Ang mga Ilokano, Ilang


Paniniwala ng mga Kalahan,
Ilang Kaugalian sa Pag-aasawa
sa Ibaan, Batangas, Ilang mga
Katangian ng mga Kankana-ey,
Ang Pagkakanyao

1.1 ANG MGA ILOKANO


- ni Teresita L. Abrea

Ang pagiging kuripot ay yumayakap sa pagtitipid. Ang bawat sentimong kinikita ay


may tamang paggagastusan. Masinop ang bawat Segundo, minute, oras at araw ng
paggawa sa mga makabuluhang bagay na pagkakakitaan. Ang badyet sa isang taong
konsumo ay para sa pagkain at sa iba pang pangangailangan. Karaniwang nagtatabi ng pera
upang may magagamit sa hindi inaasahang paggagastusan. Sa mga pagkakakataong
tinatayang kakapusin, hanggat maaga ay gagawa ng paraan upang maibsan o matugunan
ang pangangailangan. Ito ang mga Ilokano.

Sadyang masipag ang mga Ilokano. Makikita ang karamihan sa kanilang sa ilocos.
Sa mga magnanais marating ang lugar na ito, napakasariwa ng simoy ng hangin. Luntian
ang mga dahon ng sari-saring halaman. Naglalakihan ang mga punongkahoy at may
malalawak na kapatagan. Matatagpuan sa iba‟t ibang lugar ang mga natural na atraksiyong
dinadayo ng mga local at dayuhang bisita hanggang sa kasalukuyan. Pinakatanyag sa Ilocos
Sur ang Vigan Spanish Town. Ang impluwensiya ng mga Kastila ay mababakas sa mga
nagtatayugang gusaling batong itinayo sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang Vigan
ang capital ng Ilocos Sur. Mararating ito sa pamamagitan ng bus. Sa kalakhang Maynila ay
maaaring sa iba‟t ibang terminal ng bus sumakay. Ang pinakamalapit sa airport ay ang Pasig
City. Sampong oras ang biyahe mula Pasay hanggang Vigan.

Kilala ang mga pagkain ng Ilokano tulad ng denendeng at pinakpet. Kilala rin sila ssa
sinuman, sinubong at bibingka.

Naniniwala ang mga Ilokano sa baribari, isang hindi nakikitang nilalang. Naniniwala rin sila
sa multo, dewende, kapre, engkanto at iba pang espiritu. Upang hindi magkasakit, kapag
nadaan sa mga punso ay dapat magpaalam sa pamamagitan ng pagsambit ng “Tabin Apo”

Kung may patay, karaniwang pinaglalamayan ng ilang araw, kanadepende ang tagal
ng lamay sa mga dahilan ng namatayan. Sa paglibing ng bangkay, ang uluhan ng kabaong
ang dapat mauna sa paglabas ng bahay. Itinataas ang kabaong upang ang mga miyembro
ng pamilya ay makakadaan sa ilalim. Ang mga dadaan sa ilalim ng kabaong ay batay sa
edad. Ang pinakamatanda sa pamilya ang mauuna at susundan ng iba pang miyembro.
60

1.2 ILANG PANINIWALA NG MGA KALAHAN


- ni Lyd Fer. Gonzales

Ang pook na kinalalagyan ng Kalahan ay nasa matataas na lugar ng Acacia, Kahel,


at Kayapa, Nueva Vizcaya. Matataas ang mga pook na ito at buhat sa ituktok ng isang
bundok ay buong paghangang namamalas nang nakatayo ang kaakit-akit na kapaligiran na
iniguhit ni Bathala. Ang mga Kalahan ay isa sa mga grupong etniko na naninirahan sa
kabundukan ng Nueva Vizcaya. Tulad ng ibang mga grupo may kakanyahan ang mga ito.

Ang ilang paniniwala na inilahad dito‟y hinati sa (1) pagpahayag ng kalikasan, (2)
panggagamot, (3) paggawa, (pag-aasawa. Kung pananamit ang pag-uusapan, masasabing
ang mga kasuotan nila‟y katulad din ng mga sinusuot ng mga katutubo sa Baguio bagama‟t
ang iba‟y gumagamit rin ng kasuotang karaniwang nakikita sa kabayanan. Binigyan diin sa
paglalahad na ito ang tungkol lamang sa ilan nilang paniniwala.

Pagpapahayag ng Kalikasan

a. Napag-alaman sa mga kinakausap na may iba‟t ibang ang anyo ng mga ulap upang
magpahayag ng kagandahan o kasamaan ng panahon, kung manipis at maputi ang
ulap, maganda ang panahon, ngunit kung makapal at nangingitim, magiging masama
ang panahon;ang takbo ng mga ulap ay nagpapahiwatig din ng kagandahan at
kasamaan ng panahon.
b. Ang langit, araw at buwan ay nagpapahayag din ng kagandahan at kasamaan ng
panahon. May mga pagkakataon na nagtatago ang buwan, may maaliwalas na langit
at may maulap na langit, may mapula-pulang araw na nagbabadya ng di kainamang
mga pangyayaring darating tulad ng lindol.
c. May mga pahiwatig din ang mga hayop tungkol sa mga kalagayan ng
panahon.Kapag hindi mapakali (lalo kung gabi) ang mga hayop at nag-iingay
maaaring may dumating na bagyo o lindol. Kaya ang mga kilos ng mga hayop ay
minamatyagan nila sapagka‟t ito‟y nagbibigay-babala ng maaaring maganap sa
gayo‟y nakagagawa na sila ng kaukulang pag-iingat.

Paggagamot

Walang mga panggagamot na damu-damo ang mga katutubo rito. Mat tinatawag
silang tagapamagitan na siyang tumutuklas kung sino ang sanhi ng karamdaman at kung
paano magagamot ang karamdamang iyon. Ang tagapamagitan ay gumagamit ng gadangkal
na tambo na may maliit na buto ng anongya sa magkabilang butas. Tinatawag ito na
dinagen.

Ang panggagamot ay isinasagawa sa pamamagitan ng dinagen. Unang-una ay


nagdarasal ang matandang gagamot ( maaari ring bata pa kung mayroon itong dinagen) kina
Kabigat at Bugan na kanilang Bathala upang patnubayan sa kanyang gagawin. Naniniwala
kasi sila na may nais ang espiritu ng mga namatay nilang kamag-anak kaya pinagkasakit ang
isa sa kanila. Isa-isang bibigkasin ang pangalan ng mga mga kamag-anak ng maysakit. Sa
bawat pagbigkas ng pangalan na pinaghihinalaan, dinadangkal ang dinagen o iyong tambo.
61

Kapag sa pagdangkal ay lapat lamang sa angkal ng tambo ang kasagutan ay oo; kapag
lagpas o kulang, ang kasagutan ay hindi. Pagkatapos malaman kung sino ang dahilan ng
pagkakasakit ng ginagamot, isusunod namang itatanong kung ano ang kailangan. Isa-isahin
din ang mga bagay na inaakalang kailangan ng namatay na kamag-anak. Gagamitan di ng
dinaden. Pagnatukoy na ang kailangan nito, ihahandog na nila sa espiritu upang gumaling
ang maysakit. Naniniwala silang may mga espiritu ang mga bagay kaya pagkatapos ng pag-
aalay ay maaari nilang gamitin ang inilang dahil nakuha na ang espiritu noon. Halimbawa,
kung ang hinihiling ng kamag-anak na namatay ay kumot, inaalya nito sa espiritu na
namatay. Pagkatapos ng seremonya maaari na nilang gamitin ang kumot dahil ang espiritu
ng kumot ay kinuha na ang espiritu ng namatay.

Paggawa

Ang mga lalaki ang nagpapahinga sa bahay pagkatapos na sila‟y makapagbakod,


makapagbungkal, at makapag-araro. Wala na silang iintindihin sa bukid pagkatapos ng
gawaing iyon. Ang kababaihan ang nagtatanim, nag-aalaga ng pananim, at mag-aani. Kahit
na nga raw may sakit ang babae kailangang gampanan ang kanyang tungkulin habang ang
asawa‟y namamahinga na lamang.

Pag-aasawa

May tinatawag na Kimbal na kasala. Ito‟y kung may makitang babae ang isang lalaki
na ninanais na niyang maging asawa, humahanap siya ng taong siya ang magsasabi ng
intension niya sa babae. Kapag pumayag ang babae sa kanyang iniluhog, magpapatay na
sila ng baboy. Ang paraan ng pagkakasal ay simple lamang. Kukuha ng isang basong tubig
na malamig ang matandang babaing magkakasal at sasabihing “ sana‟y maging malamig ang
pagsasama ninyo.” Pinaiinom ng babae ang ikinakasal at tapos na ang seremonya.
Matandang babae o batang lalaki ang nagkakasal dahil may pakahulugan daw iyon.
Matandang babae dahil babae ang nasa nahay at batang lalaki dahil lumalaki pa iyon na
siyang nagsasaad naman ng paghaba ng pagsasamahan ng mag-asawa. Kapag nagsama
naman ng hindi pa kasal kailangang magdasal muna bago pakasal sapagkat kung hindi‟y
magakakaron ng bukol. Ulser, o pigsa ang mag-asawa.

Ang mga nabanggit ang ilang paniniwala ng mga Kalahan. Sila‟y masisipag kaya ang
pook nila‟y sagana sa pananim. Ang mga bata‟y malulusog hindi rin nila suliranin ang tubig
sapagkat masagana ang daloy nito mula sa kabundukan.

Bilang pagbuo, masasabing ang mga katutubong Kalahan ay may sariling


pamamaraan ng pagtataya sa buti at sama ng panahon tulad ng iba pang tribo at ng ilang
matatanda natin sa lalawigan. Kung pag-uusapan naman ang tungkol sa paggawa, malinaw
na higit na marami ang gawaing bukid ng mga babae kaysa sa mga lalaki sapagkat
pagkatapos na nilang maihanda ang kabukiran ang mga babae na ang araw araw na
nagtatango sa bukid habang silang mga lalaki‟y natutulog lamang sa bahay. Sa paraan ng
kanilang paggagamot hindi sila herbularyo, wala silang gamut-gamot. Dasal ang ginagamit
nila. Nananawagan sila kina Kabigat at Bugan upang tulungan sila sa pagtuklas ng sanhi ng
62

karamdaman at kung paano ito magagamot. Sa larangan naman ng pag-aasawa lalong


naiiba ang pamamaraan nilang Kimbal.

Sa kabuuan, masasabing hindi maghihikahos ang mga Kalahan. Sagana sila sa


kagandahan at kayamanan ng kalikasan. Marunong silang magpala sa ibinigay sa nalalaman
nilang mabuti ang layunin para sa kanila.

Wika

Ang wika ng Kalahan ay Kalahan. May mga dayalekto ito na Tinoc o Kalangoya

1.3 MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA IBAAN, BATANGAS

- ni Maria Bondoc-Ocampo

Isang tunay na pangarap pasa sa isang dalaga sa Ibaa, Batangas ang kasal.
Maaaring sabihin lahat naman ng dalaga ay nagangarap maksal subalit higit siguro ang
pananabik ng mga babae sa naturang lugar. Marahil, dulot ito ng kakaibang tradisyon na
hanggang sa kasalukuyan ay sinusunod ng mamamayan lalo nan g mga taga baryo. Sa
babae, ito ay isang pangarap, ngunit sa lalaki, ito‟y masasabing isang bangungot lalo‟t
maiisip ang malaking halaga ng salaping kasangkot sa ganitong pagdiriwang. Gayunpaman,
sapat ng pampalubag-loob ang kaalamang mula sa araw na iyon ay magkakatuwang na sila
ng kanyang minamahal sa paghabi ng buhay na kanilang pagsasaluhan.

Naisanan ang tawag sa kasalang namamanhik ang mga magulang ng kalalakinhan


sa mga magulang ng kababainhan. Ito‟y katumbas ng sa pamamanhikan sa Bulakan. Ito ay
isang matandang kaugalian na nananatili at hindi naitaboy ng makinisasyon mula sa mga
bakuran ng bukirin ng Ibaan. Nananatili ito tulad ng mga pangarap ng kanilang nanay at
patuloy na sumisibol sa punlaan ng mga tradisyon tulad ng pagsibol ng bagong henerasyon.

Sa pamamaisan ay hindi lamang ang mga magulang ng mga ikakasal ang


nakakompromiso. Lahat ng mga kamag-anak at kapatid ng mga lalaki ang inaasang tutulong
sa pagluluto at paglilinis. Ang mga batang lalaki ang inaasang iigib, ang mga dalagita at
dalaga ang namamahala sa paghahain at pag-iistima sa mga bisita. Ang mga may edad ang
nasa pagluluto at ang iba ang maghuhugas ng mga pinggan. Hindi nila mahihiling tumulong
kahit sinoman sa partido ng kadalagahan sapagkat sila ang nanunuyo. Kaya kadalasan, kaya
, kadalasan kung may baisanan, walang tao sa bahay ng mamamaisanan sapagkat lahat sila
ay buong sipag at pagpapakasakit na tumulong sa ano mang gawain sa bahay ng
binabaisan.

Ang baisanan ay isa ring okasyon pambaryo. Hindi lamang ang dalawang pamilya ng
mga ikakasal ang abala at nagagastusan, bagkus, pati na ang kanilang mga kaibigan,
kamag-anak at mga kapitbahay. Maging ang taga malayong lugar na nagkataong ninang o
ninong ng ikakasal ay kailanganng dumalo o magpapunta ng kanyang kinatawan.
Gayunman, hindi sila uuwing mabigat ang loob sapagkat tiyak namang ang kahon ng alala ay
nasa kanilang nahay bago pa man ang kasalan.
63

Ang pamamaisan ay hindi natatapos sa isang araw lamang. Ito ay tulad ng


pagpanhik sa hagdan na may mga baiting. Patubigan ang unang hakbang. Ang mga kamag-
anak ng lalaki ay pupunta sa bahay ng mga pinsan na babae upang punuin ng tubig ang
kanilang tapayan. Hindi mahalaga kung ang bahay ng naturang pinsan ay nasa kabilang
bayan pa; basta rin lamang at mararating ng mga namamaisan ay tiyak na puno ang kanilang
tapayan. Ang pamilya ng lalaki ang inaasahang pupuno sa tapayan ng babae. Dahi dito, hindi
maiiwasang maging isang balita sa buong bayan ang pamamaisan. Ang lahat ng mga
tumulong sa patubigan ay tutuloy sa bahay ng lalaki upang doon kumain.

Mga ilang araw matapos ang patubigan, isusunod naman ang bulungan. Sa hakbang
na ito ay pupunta sa bahay ng babae ang mga magulang ng lalaki na may dalang malaking
isdang tambakol. Pag-uusapan na nila ang mga magiging ninong at ninang at mga abay sa
kasal, at petsa ng kasal at pati na ang ihahanda sa araw ng kasal. Ngayon din itinakda ang
halaga ng pamaraka. Ang pamaraka ang perang ipambibili ng gagamitin ng babaing
ikakasaal. Lahat ng bagay, tungkol sa gagamitin ng babae, ay kailangang gastusan ng lalaki.

Sa pag-uusap tungkol sa handa, kung ano ang igagayak ng kababaihan. Lagi silang
hahati sa pagkaing ihahanda, tulad ng bigas at mga hayop na kakatayin. Ang mga naturang
hayop ay buhay na dadalhin sa bahay ng nobyo upang doon katayin at lutuin. Ang pagluluto
ay sisimulan sa ante-disperas( ikalawang araw bago ang kasal). Sa araw na ito ipapadala
ang mga kahon ng mga alaala sa mga ninong at ninang sa binyag., kumpil at kasal ng mga
ikakasal. Ito ay naglalaman ng sangkapat na putol ng hayop na kinatay at labindalawang
klase ng tinapay na ipinasadya at ihahatid ito sa kani-kanilang tahanan ng mga kamag-anak
ng ikakasal kundi man ng mga magulang nila.

Ang kasangkapang gagamitin ay nasa responsibilidad din ng mga kalalakihan.


Kailangan dalhin nila sa bahay ng nobya ang talyasi, kawali, kaldero, at tinidor , at maging
ang mga basahing ipamumunas. Sa bakuran ng nobya ay magtatayo pa sila ng sibi, na
siyang magiging lugar ng kainan sa bisperas at araw ng kasal. May mga yerong sadyang
pinauupahan para sa ganitong layunin kaya hindi na sila kailangang bumili.

Bukod sa yero, aarkila pa rin ang mga kalalakihan ng mikropo na may dalawang
ispeker at radyong ponograpo na gagamitin sa bespiras ng kasal. Ang mga pagpapatugtog
ng mga plaka at pagsasahimpapawid ng imbitasyon para sa mga kababaryo ay sisimulan sa
umaga at pagpapatuloy ito hanggang sa kinabukasan.

Sa gabi, matapos maghapunan ang mga bisita, ang mga bangko ay iaayos nang
pabilog sa harap ng bahay ng babaing ikakasal. Ang kabinataan at kadalagahan naman ay
magsisiupo sa naturang bangko upang pasimulan ang pasayaw. Sa saliw na malambing na
tugtog ng plakang nakatapat sa dalawang ispiker, ang magnobyo ay sasayaw bilang
pagbubukas sa pangbisperas na pagdiriwang. Sa kalagitnaan ng tugtog, sila ay sasabitan ng
pera ng kani-kanilang partido. Ang parted ng kalalakihan ang magsasabit sa babae at ang
kababaihan ay magsasabit sa lalaki. Dito ay magpaparamihan ng maisasabit ang dalawang
partido at di umano, ang halaga ng naisabit ang siyang batayan ng pagkagusto sa nobya o
nobyo ng magiging biyenan nito. Kaya kung marami ang isinabit ng partido ng kalalakihan,
sadyang gusto nila ang naturang nobya para sa kanilang binate. Ang halagang masasabit
ang magiging pasimulan pondo ng mga ikinasal.
64

Matapos ang sabitan, isusunod naman ang paghiling ng mga awitin sa mga kamag-
anak at kaibigan upang upang bigyang aliw ang mga nagtitipon at upang mapanatiling gising
ang mga tagaroon sa buong magdamag.

Sa umaga ng kasal, ang lahat ay sa bahay ng babae mag-aalmusal. Mula doon ay


tutuloy sa simbahan para sa panrelihiyong seremonya. Pagbalik sa bahay, ang sasakyan ng
mga bagong kasal ay sasalubungin ng mga paputok. Sasabuyan sila ng mga bigas at mga
bulaklak sa puno ng hagdanan. Magpapakiramdam kung sino ang unang tatapak sa baiting
sapagkat may pamahiin sila na kung sino ang mauna ay siya ang mananaig sa disposisyon
kapag sila ay nagsasama na.

Bago man pumasok sa mismong kabahayan, may mag-aalay ng kalamay at inumin.


Susubuan ng lalaki ang babae at gayun din ang gagawin ng babae. Pagkainum ng lalaki sa
tubig ay saka palang iinum ang babae. Pagpasok nila sa kabahayan, lahat ng naroroong
matatanda ay pagmamanuhan ng mag-asawa bilang paghingi ng bendisyon.

Ang kainan ay ginagawa sa ibaba ng bahay, doon sa itinayong sibi, sa unang hain,
pupunuin ang mesa ng mga taong gumanap sa kasalan, mula sa ninong at ninang hanggang
sa batang nagsala at nagsaboy ng bulaklak sa simbahan. Sa susunod na hain ay ang lahat
naman na kasapi sa partido ng kababaihan. Walang miyembro ng pamilya ng kalalakihan
ang makikitang nakadulog sa mesa. Lahat sila ay inaasahang magsisilbi sa mga kumakain.
Kung wala ng iba pang kakaina ay saka na lamang sila maaaring dumulog.

Pagkakain ay magkakaroon ng pagtitinda. Ang mag-asawa ay pauupuin sa isang


mesita na may lamang suman, sigarilyo, at iba‟t ibang uri ng puto at minatamis na pagkain.
Ang mag-asawa ay tatayong tinder at ang mga bisita ang magiging mga mamimili. Ang mga
naturang paninda ay may mga halagang mapagkakasunduan ng mga nasa harapang yaon.
Unang tatawagin sa mikropono, upang bumili, ang ninong sa binyag ng lalaki, susunod ang
ninang at saka lilipat sa ninong at ninang sa binyag ng babae. Pangalawang tatawagin ang
mga ninong at ninang sa kumpil at ihuhuli ang ninong at ninang sa kasal. Ang mga taong ito
ang inaasahang makapamimili ng pinakamalaking halaga lalo na ang ninong at ninang sa
kasal. Ang halaga na kanilang mabibili ay itatawag din sa mikropono, nahahaluan ng
panunudyo kung ang mga taong nakaharap ay hindi nasisiyahan sa halagang kanilang
binitiwan. Ang pagtatapos ng pagtitinda ay hudyat upang ang ibang mga bisitang malayo pa
ang uuwian ay makauwi na nang hindi maghihinanakit ang may kasal. Ang halagang
mapagbibilhan ay magiging dagdag sa pondo ng mag-asawa.

Samantala, ang mga kamag-anak ng kalalakihan ay magsisimula nang magligpit ng


mga kasangkapan at maglilinis ng bahay at bakuran ng babae. Kung handa na ang lahat,
isasagawa naman ang dapit. Sa dapit unang makatutuntong ang babae sa bahay ng
kaniyang biyenan. Suot ang damit pangkasal, pangungunahan ng mag-asawa at ng mga
magulang ng lalaki ang munting parade mula sa bahay ng babae patungo sa bahay ng lalaki.
Bitbit nila ang kasangkapang ginamit, sunong ang mga talyasing pinaglutuan at kipkip ang
balutan ng mga basahang ginamit sa buong panahon ng pamamaisan.

Pagpanhik sa bahay ng lalaki ay uulitin ang seremonya sa hagdan. Lamang, sa halip


na bulaklak at bigas ang isasaboy sa mag-asawa ay togeng na kababad sa alak. Ginagawa
ito upang maging masagana ang kanilang pamumuhay. Pagpasok naman sa kabahayan ay
65

sasalampak sila sa nakalatag na putting kumot. Ang mag-asawa ay palilibutan ng mga


kapatid na lalaki upang hindi sila sugurin ng hipag sa mga darating na araw. Sasabuyan sila
ng barya habang sila ay nakaupo at may isang matandang mangangaral na babae.
Pagkatapos ay wiwisikan sila ng ina ng lalaki ng tubig buhat sa inuming natira sa seremonya
sa hagdan. Isusunod ang pagmamano sa mga nakakatanda at saka isa-isang pupulutin ng
babae ang mga baryang inihagis sa kanila. Titiklupin din nila ang inilatag na kumot bilang
simula sa kanyang pakikipamuhay sa kanyang mga biyenan.

Bilang huling hakbang, ang babae ay magbibihis ng damit pangkasal. Ang


pagbibihis ay sa bahay ng lalaki ginagawa upang ipahayag na ang lahat ng angkin ng babae
ay ipinaiilalim na niya. Dito aktuwal na nagtatapos ang pamamaisan. Sa unang gabi ay sa
bahay ng babe matutulog ang mag-asawa. Mapagpapalipat-lipat sila ng tutulugan sa loob ng
isang lingo hanggang sa mananatili na sila sa bawat bahay ng kung ilang lingo. Ganito ang
kanilang buhay sa unahang taon ng kanilang pagsasama. Kawalang utang na loob sa
magulang kung agad silang bubuklod at mamumuhay nang sarili.

Wika

Tagalog ang gamit na wika ng mga Batangueħo. May pekyularidad din ito depende
sa komuniadad na gumagamit nito dahil sa leksikon at ponolohiya, morpolohiya at sa iba
pngmga component ng speech act na batayan ni Hymes (1975).

1.4 ILANG MGA KATANGIAN NG MGA KANKANA-EY

- ni Florencia C. Victor

Lubhang napakahalaga sa tao na pag-aralan at unawain ang mga bagay-bagay


tunkol sa kanyang kapwa tao, lalo na ang tungkol sa pag-uugali, mga tradisyon, mga
katangian, at mga pangyayari sa buhay ng isang pangkat ng tao. Ang ganitong pag-aaral ay
nakatutulong sa lalong ikauunawa at ikagaganda ng pagsasamahan.

Isa sa mga lalawigan ng bulubundukin sa bahaging norte ng Luzon ay ang lalawigan


ng Benguet. May labintatlong munisipalidad ito: Bakon, Kibungan, Manyakan, Bugnias,
Kapangan,, Bukod, Tublay, Itugon, La Trinidad, Sablan, Tuba, Atok, Kabayan, at Siyudad ng
Baguio. Kung ang hinahanap ng isang turista ay isang lugar na tahimik at may
napakagandang klima at mapagmahal sa kapayapaan at marahil ang ganitong uri ng
disposisyon ay dulot ng malamig na klima. Bilang salad bowl of the Philippines ay makikita
rito ang iba‟t ibang uri ng gulay na pampalusog. Sagana rin dito ang mga berries tulad ng
strawberries, mulberries, at blueberries. Bukambibig din ng mga taong nakarating na sa
lugar na ito ang mga matitigas na puno at sanga ng nagbabanguha‟t sariwang mga bulaklak
ng rosas na talagang ang taglay na kagandahan ay nakakahalina at nakapapawi ng lungkot.
Ang mga bundok dito ay mayaman sa mina tulad ng tumbaga o tanso, plata at ginto.

Sa pangkalahatan, kawili-wiling pag-ukulan ng pansin ang mamamayanng taga-


Benguet. Sila‟y nahahati sa dalawang pangkat etniko;ang mga Kankana-ey at ang mga
Ibaloy. Nakikilala sila sa kanilang katutubong kasuotan at sa kanilang pagiging payak,
66

mapagkumbaba, masipag, may sariling paniniwala at paninindigan, malamig ang ulo subalit
nakahandang magtanggol sa oras ng panganib.

Totoong dahilan sa kakulangan ng mga paaralang mapapasukan ang mga naunang


Kankana-ey ay hindi halos nakapag-aral, subalit ang bagong henerasyon ay higit na
mapalad. Hindi na mabilang ang mga nakatapos ng mga kursong tulad ng agrikultura o
paghahalamanan, forestry o panggugubatan, inhenyeriya, panggagamot sa tao at hayop,
pagtuturo, pgamimina at iba pa. Ang mga magulang ng mga bagong kabataang nabanggit na
nakatapos ng kanilang sariling pagsisikap na makapag-aral ay nakatapos din ng elementarya
at mataas na paaralan na walang tulong buhat sa kanilang mga magulang.

Ang wika ng mga Kankana-ey ay isa sa mga wikang ginagamit sa mga lalawigan ng
bulubundukin. Bawat tribu sa mga lalawigan ng bulubundukin ay may kani-kaniyang wikang
ginagamit bilang paraan ng komunikasyon sa bahay at sa mga taong – bayan. Ang
komunikasyon ng mga tribu sa isang lalawigan na kahit sa labas ng lalawigan ay nagagawa
sa pamamagitan ng kahit anong wikang Kankana-ey ay ginagamit ng mga tao sa mga baying
tulad ng Bakun, Kibungan, Manyakan, at Bugnias. Sa ibang munisipalidad naman ng Beguet
ay wikang Ibaloy ang ginagamit. Upang magkaunawaan ag dalawang pangkat-etnikong
Kankana-ey at Ibaloy ginagamit ang wikang Ilokano at wikang Ingles nama‟y para sa mga
turistang dayuhan.

Noong unang panahon, ang mga Kankana-ey ay hindi nakapagpahayag ng kanilang


mga iniisip, ideya, at damdamin sa pamamagitan ng pagsulat kundi sa pamamagitan ng
pagsasalita lamang. Ang mga kwento, paniniwala, at panalangin ay natututuhan sa
pamamagitan ng pakikinig lamang at hindi sa pagbabasa.

Ang lahat ng mga bagong katawagan na ginagamit sa kasalukuyan na walang


katugong pagsasalin sa wikang Kankana-ey na ibinibigkas ay ginagamit na tulad nang nasa
pinagkukunan nito. Sa pagsusulat ng wikang Kankana-ey ay walang orihinal na alpabeto
kaya ang ginagamit ay alpabetong Romano. Hanggang sa kasalukuyan wala pag opisyal na
linggwistikang pagsusuri ang wikang ito.

Paghahanapbuhay ng mga Kankana-ey ang magbungkal sa lupa hanggang sa


ksalukuyan. Ang kanilang malaking pagmamahal sa lupa ay mapapatunayan ng kanilang
makakapal na talampakan at mga kamay dahil sa walang hinting paglilinang sa lupa umulan
man o umaraw. Sila‟y may magaganda ring pangarap na maiahon ang kanilang mga supling
sa kahirapan. Naniniwala silang sa likod ng kanilang paghihirap ay may magandang
kinabukasang sasapit sa kanilang mga anak. May kasabihan silang “ Sa kanila ng ulap ay
may sisikat na araw.”

Nakikita ng mga anak ng masisipag na mna magsasakang ito ang kahirapang


dinaranas ng kanilang mga magulang kaya naman walang humpay din ang kanilang
pagsisiskap upang makamit ang karunungan nais nilang makamit tulad ng pag-iinhinyero,
guro, abogado, nars, at iba pang karera.
67

Ang Kasalan

Isa sa kawili-wiling pag-ukulan ng pansin sa mga kankana-ey ay ang kanilang


kaugalian sa pag-aasawa. Bagama‟t sa kasalukuyan, umaalinsunod na rin ang iba sa
makabagong paraan ng pakikipag-isang dibdib ng dalawang nagmamahalan.

Iba-iba ang estilo ng panliligaw ng mga Kankana-ey. Ayon sa salinsabi at sa


ginagawang obserbasyon ng sumulat, sa panliligaw ay maaaring iayos ng dalawang parte –
ang mga magulang ng ikakasal. Mayroon ding, ang lahat ng mga anak na lalaki ng isang
mag-asawang kaibigan ng mga magulang ng dalaga ang haharap sa nasabing dalaga at
bahala na silang pumili ng kanyang gusting kasamahin sa buhay. Ganito ang nangyari sa
biyenan ng sumulat. Sa ibaba naman, ang mga lalaki ang talagang lantarang nagpapahayag
ng kaniyang damdamin sa nililigawan.

Sa pagdaraos ng kasal, may iba‟t ibang seremonyas, may payak, may elegante. Ang
kasal sa katutubong paraan ay may kanyao na dinaraos sa tahanan ng babae. Sa
pamamagitan ng kanilang mga magulang, mga kamag-anak na nakatatanda sa kanila at
kaharap ang isang tinatawag na pari, pari nila, ang kasal ay pinagtitibay. Kasama a
seremonya ang pagpaparte ng hayop na maaaring nuwang (kalabaw), baka o baboy. Iniihaw
ang hayop na ito bago hati-hatiin upang ilaga. Ang bilang ng hayop na lulutuin ay ayon sa
kakayahan ng kanilang pamilya. Sa pagpaparte ng hayop o mga hayop ay maingat na inaalis
at sinusuring mabuti kung ang pantog at apdo ay hindi sira o hindi nagpapahiwatig na ang
hayop ay may sakit, dahil dito nasasalalay kung ano ang magiging kapalaran ng ikakasal
kung lalago ang kabuhayan o hindi.

Kung ang seremonya naman ay gaganapin sa simbahang katoliko, opsyunal na ang


pagpaparte ng hayop. Kaugaliang makabago na ang sinusunod kung kainan ang pag-
uusapan.

Noong araw, ang ligawan ay limitado sa kapwa katutubo lamang ngunit dahil sa
masalimuot na ang takbo ng panahon , naimpluwensiyahan na rin sila ng makabagong
kabihasnan. Tulad ng naganap s sumulat nito na isang taga-Cebu na naakit ng klima ng
benguet at ng taga-Benguet. Nakarating na rin sa pook na ito ang tungkol sa tinatawag na
pagpaplano ng pamilya.

Wika

Kankana-ey rin ang tawag sa wika ng mga Kankana-ey.

1.5 ANG PAGKAKANYAO

- ni Edgar Daniel

May iba-ibang dahilan kung bakit nagpapadit o nagkakanyao. Ang isa‟y bilang
pasasalamat sa pagkakaroon ng kayamanan at ang isa‟y bunga ng kahilingan ng isang patay
na miyembro ng pamilya na naipababatid sa pamamagitan ng panaginip o kapag matagal na
ang karamdaman ng isang miyembro ng pamilya at hindi mapagaling ng mga gamut, sa
68

gayo‟y tumatawag na sila ng kaalaman sa gawaing ito na kilala sa katawagang hi-bok o anop
upang malaman kung magpapadit ang pamilya.

Kapag sinasabi ng taong ito na kailangang magpadit, agad sisimulan na ang


paghahanda: tatlong baboy, isang kalabaw, at isang baka; mga dama o putek na alak buhat
sa bigas na tinatawag na tapey; bumibili siya ng bagong damit para sa patay tulad ng lakba
o tapis, bahag, panyolito o banda at kumot. Kapag handa na ang lahat, inaaayayahan ang
lahat ng mga kaibigan, at kamag-anakan buhat sa iba‟t ibang pook. Kinaumagahan ng araw
na iyon, ang pinakapari nila o ang mabaki ay nagdarasal at ibabaon ang isang itlog o ang
isang maliit na bilog na bato sa ilalim ng hagdan. Tinatawag itong haday. Ang mga taong
magpapadit ay magdaratingan ang mga inaanyayahang panauhin at kamag-anakan. Sa
gayo‟y kakatayin na ang isang baboy upang maipakain sa mga dumating na panauhin. Hindi
magdaratingan ang mga inaanyayahang panauhin at kamag-anakan. Sa gayo‟y kakatayin
na ang isang baboy upang maipakain sa mga dumating na panauhin. Hindi magdarasal
habang kinakatay ang baboy. Sa gano‟y maaari nang pasimulan ang pagsasayaw ng
katutubong sayaw na ginagamitan ng gong. Sisimulan na rin ang sagutan sa katutubong
awiting tinatawag na baklew.

Kinabukasan kapag may bakod na ang kanilang bakuran, pinawawalan ang tatlong
baboy at hinahayaang hulihin ng matatapang na lalaki. Kapag nahuli na ang baboy, uupuan
ito ng nakahuli. Amg ilang lalaki naman ang lalapit upang talian ang baboy. Ilalagay ang
nakataling mga baboy sa harap ng bahayo hagdan ng bahay na kinaroroonan ng mabaki.
Nasa bilao na rin ang mga kumot, mga bagong damit, maliit na lalagyan ng tapey at trey na
tinatawag na talaka na nilalagyan ng mga barya o lumang pera na tinatawag na tinapun.
Pagkatapos magsisimula nang magdasal ang mabaki. Sa pagdarasal ng mabaki binabanggit
na lahat ang mga pangalan ng mga namatay na kamag-anak. Habang nagdarasal ay
tinatawag naman makaalung na bahagi ng pagsasayaw ng nagpapadit. Ginagamit ng mag-
asawang nagpapadit ang kumot. Ang isang kumot ay nasa balikat ng lalaki at ang isa naman
ay nakabalot sa babae at nagsasayaw sila sa saliw ng gong. Habang nagsasayaw sila, ang
isa naming mabaki ay sisigaw habang itinuturo ang nagsasayaw. Tinatawag itong lastuan.
Pagkatapos nito ang isa naming mabaki ay sasayaw habang tangan-tangan niya ang mga
barya, ang bawat mananayaw ay kakatawan sa bawat binabanggit na pangalan ng mga
namatay.

Pagkatapos ng pagdarasal, sabay-saby nilang kakatayin ang baboy sa pamamagitan


ng pinatulis na kahoy. Gayon din ang gagawin sa kalabaw at baka. Pagkaraan, sisimulan na
ang pagsasayaw ng lahat. Sa unang hatinggabi, ginagawa rin ng mabaki ang bagel. Nasa
loob na rin ng bahay ang magpapadit na nasa harap na kinalalagyan ng tapey. Ang mabaki‟y
naman ay nagdarasal at ang iba naman ay nagpapatugtog ng gong na nakapalibot sa mag-
asawang nagpapadit. Ipinapadyak din ng mga magpapatugtog ang kanilang mga paa.
Malakas naman ang pagdarasal ng mabaki upang pagkaraan ng pagdarasal ay simulant na
ang pag-inom ng tapey. Ang iba nama‟y nagsasayaw sa labas.

Buong araw at gabing nagsasayawan, nagkakantahan ng baklew at nag-iinuman ng


tapey. Ang lahat naman ng mga ulo ng piħata na hayop ay itatabi na at iyong mga dapat iluto
ay iluluto na para makain kinabukasan. Ang ibang bahagi ng karne‟y hinahati upang ang
69

bawat nagpunta roo‟y mabahaginan ng kinatay na hayop. Sa ikatlong araw pagkatapos na


maisaayos ang ulo ng mga hayop, saka pa lamang pinapauwi ang mga inanyayahan.

Sa pagpapadit may tinatawag na katlu, ikatlong araw kung saan kinakatay ang isang
baboy, pagkatapos ay ang kawalu o ang ikawalong araw kung kailan nagkakatay naman ng
dalawang baboy at pinatutugtog ang agong upang magsayawan naman ng gabi at isang
araw habang nag-iinuman ng tapey. Pagkaraan nito mayroon pang kahawal o
ikalabindalawang araw at ikalabinglimang araw, kung saan maliit na baboy na lamang ang
kinakatay at wala na ring sayawan, kundi pagdarasal na lamang ng mga mabaki.

Ang huling araw ng padit ay ang pagpatay ng mga manok. Ang babae at lalaki‟y
tutungo sa uma o kaingin. Dala-dala ng lalaki ang piko at may dala naming basket o
kayabang na may ilang kamote ang babae at pag-uwi nila lulutuin ang manok. Pagkatapos
magdasal ng mabaki maaari nang makapunta sa malayo ang mag-asawang nagpadit dahil
sa panahon na pagpapadit ay hindi sila maaaring lumayo.

Gawain 1

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

I: Instruksyon: sagutin ang sumusunod na katanungan. Sa paggrado sa bawat bilang,


isaalang-alang ang mga sumusunod: (15 puntos bawat aytem)

1. Nilalaman – 5 puntos, Mekaniks at Gramatika – 5 puntos, Organisasyon – 5 puntos

1. Paano pinapatunayan ng mga Kalahan na mahalaga sa kanila ang kapayapaan?


2. Ang isang di Kalahan na babae ay nakapag-asawa ng Kalahan na lalaki. May di pa
patas sa pagsasama nila ng mag-asawa. Kailangan bang awayin nga babae ang
kanyang bana na isang Kalahan?
3. Paano mo matutulungan ang isang Kalahan sa pananaw nila sa buhay na hindi
binabago ang kultura nila?

2. Instruksyon: Magbigay ng hindi bababa sa tatlong (3) pagkakatulad ng kulturang Ilokano


at kultura mo o iba pang grupong alam mo? Isinasabuhay pa rin ba ang mga ito sa kultura
mo o kultura ng iba pang grupong alam mo?
70

3. Instruksyon: Mahusay na ipaliwanag ang mga paniniwala ng mga Kalahan kaugnay sa:
(15 puntos bawat bilang) Nilalaman – 5 puntos, Mekaniks at Gramatika – 5 puntos,
Organisasyon – 5 puntos

1. Pagpapahayag ng Kalikasan
2. Panggagamot
3. Paggawa
4. Pag-aasawa

II. Instruksyon: Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel (5 puntos bawat sagot)

1. Sa pagalay mo may napapadit pa sa kasalukuyang panahon? Sa anong kultura?


2. Paano napapahalagahang ang pahkakanyao o pagpapait.?
3. Ano-ano ang mga prosiso sa pagpapadit?
4. Ano-ano ang mga kadahilan kung bakit nagpapadit ang tao?
5. Paano natutugunan ng pagpapadit ang buhay ng tao sa kinabukasan?

III. A. Instruksyon: Sa pamamagitan ng Venn Diagram, ilahad ang pagkakapareho at


pagkakaiba ng kasalan ng mga taga-Ibaan, Batangas at ng mga Kankana-ey. Isulat sa
sagutang papel ang sagot. (20 puntos)

B. Instruksyon: Paano papasok ang konsepto ng kapayapaan sa dalawang tribung ito?


Isulat sa sagutang papel ang sagot. ( 15 puntos)
71

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Final na Markahan – Modyul 3:

Ikalawang Linggo (Visayas: Ang Isla ng Siquijor, Sulyap sa


Kasaysayan at Kalinangan ng Cebu, Ang Barotac Nuevo sa
Iloilo)
72

Aralin 2 – Visayas: Ang Isla ng Siquijor,


Sulyap sa Kasaysayan at
Kalinangan ng Cebu, Ang
Barotac Nuevo sa Iloilo

2.1 ANG ISLA NG SIQUIJOR: KALIGIRANG KASAYSAYAN AT ILANG IMPORMASYON


SA PANINGIN NG MGA MANANAMBAL

- nina Julie Ann Cabal Asari, Marjorie Valdez, at Leanvic Omondang Paling

Ayon kay Tikos (Siquijor Today, 1999) ang islang ito ay nadiskubre ni Esteban
Rodriguez sa ekspedisyon ni Legaspi noong 1565. Noong 1864 hanggang 1892, ito‟y nasa
ilalim ng pamamahala ng Bohol. Nagging probinsya rin ito ng Negros Oriental noong 1892.
Sa pamamagitan ng Republic Act No. 6398, nagging ganap na probinsya ang Siquijor noong
Setyember 17,1971.

Sa ngayon, bahagi na ito ng Rehiyon 7, kasama ang Dumaguete, Bohol, Negros


Oriental, at Cebu. May anim na bayan ang islang ito – ang Enrique Villanueva, Larena,
Maria, Lazi, Siquijor, at San Juan. Sa mga nabanggit, ang bayan ng Siquijor ang kabisera ng
isla.

Ang bayan ng Enrique Villanueva ay binubuo ng labing-apat (14) na barangay. Sa


tabi ng dagat ng baying ito makikita ang pulo ng Bohol. May sukat na tatlong libo sandaan
dalawampu‟t limang (3125) hektarya, may sampung (10) kilometro ito mula sa bayan ng
Larena. Ipinagdiriwang ang piyesta tuwing ika-16 ng Hulyo na ang pangunahing patron ay
ang Our Lady of Mt. Carmel.

Ang bayan ng Larena ay binubuo ng dalawapu‟t (23) barangay sa kabuuang


hektaryang limang libo at dalawampu‟t anim (5,026). Ito ang sentro ng komersyo sa Isla ng
Siquijor. Dito makikita ang daungan o ang pantalan ng mga bapor. Ang distansya nito mula
sa Maria ay Labing-isang (11) kilometro. May labindalawang (120 kilometro ang layo mula
sa bayan ng Enrique Villanueva at labing-isang (11) kolimetro naman ang layo mula sa
bayan ng Siquijor. Si Saint Vincent de Ferrer ang kanilang patron na ang kapistahan ay
tuwing ika-3 ng Mayo.

Sa sukat na umaabot ng limang libo sandaan tatlumpu‟tlima (5,135), ang bayan ng


Maria ay binubuo ng dalawampu‟t dalawang (22) barangay. Dito makikita ang
ipinagmamalaki ng Isla ng Siquijor – ang Salagdoong Beach. May layo na labing isang
(11) kilometro mula sa bayan ng Maria, sampung (10) kilometro ang layo mula sa bayan ng
Lazi. Ang kanilang pangunahing patron at ang kanilang piyesta ay tuwing ika-24 ng Mayo,
ipinagdiriwang ang pista ng kanilang pangunahing patron na Our Lady of Divine
Providence.

Binubuo ng labing-walong (18) barangay ang bayan ng Lazi na may ani na libo
tatlundaan animnapu‟t dalawang (6362) hektarya. Anga pantalan ng Lazi ay dinadaungangan
ng mga barko mula sa Cebu, Negros Oriental, Bohol, at ng mga galling sa Mindanao. Ang
73

layo nito mula sa bayan ng San Juan ay labinsiyam (19) na kilometro. Tuwing ika-16 ng
Mayo, Ipinagdiriwang nila ang piyesta ni San Isidro Labrador.

Ang may pinakamaraming barangay ay ang bayan ng Siquijor na binubuo ng


apatnapu‟t dalawa (42). May anim na libo at apatnaraa‟t walong (6408) hektarya ang lawak
nito. May layo itong labing-isang (11) kilometro mula sa bayan ng Letran at pitong (7)
kilometro mula sa San Juan. Si St. Francis de Assissi ang kanilang pangunahing patron at
ang kanilang piyesta ay tuwing ika-4 ng Oktubre.

Umaabot na sa labing-isang libo tatlundaa‟t pitumpu‟t isa (11, 371) ang naninirahan
sa bayan ng San Juan. Karamihan sa kanila ay mga ninuno buhat sa nasabing bayan. Si
Saint Aurelius Agustin of Hippo ang kanilang pangunahing patron at ang kanilang piyesta ay
tuwing ika-21 ng Oktubre.

Ang ugali ng mga Siquijodnon batay sa obserbasyon ng mga mananaliksik ay


masisipag, mababait, matulungin, mapagkakatiwalaan, at higit sa lahat, ay may
pagmamalasakit sa kapwa. Siquijodnon at maging sa mga taong buhat sa iba‟t ibang lugar.
Mapapansin na kilala nila ang isa‟t isa kahit nasa ibang panig ng lugar ng Isla ng Siquijor.
Masasabing maaasahan sila sa panahon ng pangangailan.

Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa nasabing


isla.

Mga Paniniwala at Kaugalian

Sa kabila ng modernisasyon at makabagong teknolohiya ng bansa, nanatili pa ring


nakabigkis sa paniniwala at kultura ng mga sinaunang tao ang mga Siquijodnon. Sinasabi ni
Almario (1993), na pagkakakilanlan ng isang tao ang kanyang kultura. Para sa iba, ang
paniniwala ang siyang batayan ng kanilang buhay na hindi lamang nakatuon sa isang
aspekto kundi sa lahat. Sa Grolier International Dictionary, binibigyang- kahulugan ang
paniniwala bilang pananalig na totoo, umiiral at tama ang isang bagay.

Masasabi rin na ang paniniwala ang saligan ng iba sa katotohanan, katunayan, at


katarungan. Isang patunay na nakaugat sa mga Pilipino ang ganitong kultura at hindi
kailanman mababago dahil sa pag-unlad din ng panahon. Ang epekto ng pagbabago ay
pahapyaw lamang kahit pa naimpluwensyahan ng ibang grupo o karatig pulo.

Ayon sa Webster Dictionary, ang kaugalian ay isang karaniwang paraan ng pagkilos,


ang paulit-ulit na kasanayan ng isang komunidad o mga tao. Kung ang paniniwala ay hindi
maiwawaglit sa puso at isipan, gayundin, ang kaugalian na nakagawian nan g mga Pilipino.
Mapapansin na ang ideyang bumabalot sa paniniwala at kaugalian ay magkabuhol at
magkakaugnay-ugnay. Patunay lamang na ang bawat kumpol ng mga tao sa lipunan ay may
pagpapahalaga sa mga namanang kaalaman ay may kani-kaniyang pananaw sa paniniwala
at kaugalian.

Ang pagsangguni sa mananambal o sa tinatawag na albularyo ay isa sa mga


paniniwala at kaugaliang patuloy na ginagawa nila magpahanggang ngayon. Ginagawa nila
ito s mga sumusunod:
74

Panganganak

May pinaniniwalaan ang mga mananambal na sinusunod para hindi mahirapan ang
nanganganak at ang pinapanganak. Ito ang mga sinabi nina Sopio Sumalpon at Maximo
Supol tungkol dito na sila mismo ang mananabang o ang nagpapaanak.

Kung malapit na ang panganganak, isinturon sa may puson ang habak na galling sa
“kupo” o sa unggoy para hindi mahirapan sa panganganak.

Kamatayan

May mga pinaniniwalaan din ang mga mananambal sa tuwing may namamatay. Ang
kanilang mga sinisunod ay isang palatandaan ng lubos na paggalang sa mga sumakabilang
buhay. Sina Sopio Sumalpong sa kamatayan. Ang mga ito ay:

1. Kung may namatay ay dadasalan ito ng siyam na araw at apatnapung araw ang
pagrorosaryo.
2. Bawal magwalis ang namatayan kung may nakaburol.
3. Ipinagbabawala ang paliligo at paglalaba sa loob ng bahay.
4. Babasagan ng baso ang ilalim ng ataul para walang susunod na mamamatay.
5. Hindi dapat na tinutulugan ang patay dahil hindi maganda sa pag-alala sa kanya.
6. Hindi maaaring kumanta, manood ng telebesyon, at making sa radio
7. Kapag may patay sa bahay, huwag maglinis ng bahay. Hintayin na lang ang ikatlong
araw bago maglinis.

Paglilibing

Ayon kay Conchita Sayre, may mga paniniwala din sila sa paglilibing gaya ng :

1. Daraan sa ilalim ng ataul ang lahat ng miyembro ng namatayan upang hindi sunod-
sunod ang mamamatay sa pamilya.
2. Ang mga natunaw na kandila sa simula ng lamay hanggang sa katapusan ay ipasok
sa nito upang malayo sa kamatayan ang pamilya ng namatay.
3. Kung titirhan ang libingan nang walang pahintulot, magkakasakit ang titira.

Pag-iwas sa Pagbubuntis

Ayon kay Sopio Sumalpong, maiiwasan ang pagbubuntis sa pamamagitan ng


paggamit ng lumang (gayuma). Nagagawa ito kapag isinisinturon ang buyo malapit sa puson
para hindi mabuo ang bata. Kilala ang buyo s Ingles bilang betel leaf pepper at ikmo naman
sa Tagalog.
75

Pag-aalaga at Pagdidisiplina sa Anak

May kasabihan na “Madaling bumuo ng punla, mahirap magpalaki ng bunga”. Hindi


medaling humubog ng anak. Ito ang karaniwang naririnig sa mga magulang pero isang
malaking karangalan ito sa kanilan na lumaki ang anak sa tamang landas. Hindi maiiwasan
na may sinusunod na kultura praktis ang mga interbyuwi kaugnay sa paghubog ng isang
anak. Ilan dito ang mga sumusunod:

1.kailangan ilagay sa pintuan ang pusod ng bata upang lumaki siyang hindi mahiyain.

Huwag pigain ang lampin sa unang laba para ang bata ay hindi lumaking malikot.

Sa paggawa ng mga gamut, may sinusunod din silang pamamaraan. Ayon kay Juan
Ponce, “ tuwing gabi ng Biyernes Santo ay nagtitipon ang lahat ng mananambal sa siquijor.
Nagkakaisa ang lahat sa paghahalo ng gamut na nasa malaking kawa (kawali) na nasa labas
n gaming bahay. Kung hindi makakayang gawin ng isa sa amin, nagtutulungan ang lahat sa
panggagamot ng mga may sakit. Ang mga sangkap ng gamut ay galling sa iba‟t ibang tanim
at mayroon ding kinukuha pa sa sementeryo at laot ng dagat.

Ayon naman kina Maxima Supol at Conchita Sayre, ginagawa ng mga manggagamot
ang mga sumusunod sa tuwing nanggagamot:

1. Hindi nangggagamot sa ibang lugar sapagkat paparusahan ng sukod.


2. Ang librito (booklet) ay hindi ipinapakita sa ibang tao at walang ibang makakabasa
kundi ang manggagamot lamang.
3. Hindi dinadala sa loob ng simbahan ang lumay dahil nawawalan ito ng
kapangyarihan.

Mga Gamot at Paniniwala sa Sakit

Hindi kaila sa atin ang pag-usbong ng mga makabagong pamamaraan sa


panggagamot. Bagaman, sa kasalukuyan ay marami nang kagamitang teknolohiya sa
panggagamot, may naniniwala pa ring mga Siquijodnon na tradisyunal na paraan ng
gamutan. Mas mainam pa rin para sa kanila ang mga inireresetang halamang gamut ng
mga albularyo (mananambal) dahil sa kabisaaan at kapuruhan (natural at walang halong
kemikal) ng mga ito.

Pamahiin

Ang isla ng Siquijor hanggang ngayon ay patuloy nanakagapos sa mga pamahiin na


may malaking papel na ginagampanan sa kanilang buhay. Nagbigay si Candida Paculna ng
ilang mga pamahiin:

1. Pag hindi pa kasal, hindi dapat na pumunta sa malalayong lugar ang ikakasal dahil
may mangyayaring masama. Kailangan maghintay ng tatlong araw bago umalis.
2. Pagkagaling sa simbahan, patuluyin ang bagong kasal, suklayan at painumin ng
bulaklak ng dapo o orkids na kulay puti.
3. Pagkatapos ng kasal, kailangan matulog sa bahay ng babae ang bagong kasal para
maaayos ang kanilang buhay mag-asawa.
76

4. Maghanda ng tubig sa baso at ilagay sa pintuan o bintana upang mamalayang may


magnanakaw na papasok sa bahay.
5. Sa pagpapatayo ng bahay, tiyakin na nasa tamang buwan at tamang petsa. Lagyan
ng agnos ang bahay, kung walang agnos ay pera ang ilalagay sa ilalim o haligi ng
bahay.

Mga Paniniwala sa Pagtatanim at Paghahanapbuhay

Ayon kay Generosa balos, may mga paniniwala sila at seremonya na kadalasang
isinasagawa sa pagtatanim at pag-aani. Ang pagsunod nila dito ay nagbubunga ng
masaganang saging, mais at kamote. Narito ang kanyang mga pahayag:

1. Kung magtatanim ng saging dapat bilog ang buwan, magsubrero ng malaki,


magpakabusog, kumain ng marami at huwag tumingala para magkabunga ng malaki
at hindi matayog ang bunga nito.
2. Mula sa puno ng mais kumuha ng tatlong bunga. Manalangin para ang ani ay
matagumpay. Sa panalangin, kinakailangan na mula sa puso upang hindi magalit
ang mga diwata at para mabigyan ng masaganang ani.
3. Sa pagtatanim ng mais, magluto ng mais nannalalakipan ng tabako, tuba, at tubig
dahil may pausok na gagawin. Maggiling din ng mais para gawing pintos, magpintos
ka ng dalawa. Manalangin, pagkatapos ay ilagay sa baul ang mga pintos.
4. Sa pagtatanim ng kamote, ginagamit ang mga tuhod at kamay. Gumapang habang
nagtatanim at sabayan ng pagdarasal upang sinlaki ng tuhod ang magiging bunga
nito.

Mga Paniniwala sa Aswang at Mahika

Ang Siquijor ay kilala sa anting-anting, aswang, lumay, at mahika. Narito ang mga
ibinahagi ni Maximo Supol kaugnay sa mga aswang at mahika.

 Mahika
Ayon sa McMillan Encyclopedia, (1993:759), ang mahika ay sistema ng mga
paniniwala at kaugalian na naniniwalang nakokontrol ng tao ang likas at supernatural
na puwersang nakaaapekto sa kanyang buhay. Ayon naman sa Grolier Dictionary, ia
itong sining na pinaniniwalaang nakakokontrol at nakakamanipula ng mga lihim na
pwersa ng kalikasan sa pamamagitan ng mga ritwal at mahiwagang paraan.
Pagputol nitong lubid, pareho pa rin ang haba nito. Sa paraang ito ay
magdarasal ako ng Latin.
Sa aking pagsasalita ng Latin, gagalaw itong mga anino na nasa likod ng
tela dahil sa aking mga kamay.

 Aswang
Ang mga nakakatakot at di-pangkaraniwang nilalang ay nakaugat sa ating
paniniwala. Mula pa sa mga lolo‟t lola, ama‟t ina, at tiyo‟t tiya, ang paniniwalang ito ay
may malaking epekto sa ating pananaw sa buhay. Hindi man natin sila nakikita,
77

naniniwala pa rin ang mga tao na may ganitong uri ng mga nilalang. Naniniwala an
mga albularyo sa mga sumusunod kaugnay sa aswang:
1. Ang aswang ay tao lamang ngunit my kapangyarihan.
2. Mahal na araw kung sila ay nagsisilabasan dahil wala si Kristo

 Espirito o Anito
Isang malaking impak sa tao ang espiritwalismo, isang teorya na binigyan-
diin s direk na interbinsyon ng espiritwal at supernatural na lakas sa pang-araw-araw
na pangyayari sa buhay ng tao. Ang termino ay bumabalot sa penomenong di
magkakaugnay tulad ng extrasensory perception, telekinesis, at iba‟t ibang
kondisyong kaanib ng religious ecstasy.
Narito ang ilang halimbawa na nagpapaliwanag sa paniniwala ng mga
albularyo kaugnay sa mga espiritu o anito:
1. Kung may malapit ng mamatay, lalo na kung naghihingalo, diyan
magsisilabasan ang masasamang espiritu.
2. Kung umuulan, naglalabasan ang mga anito.

 Lumay (Gayuma)
Ayon kay Sopio Sumalpong, ang mga kasunod ay paniniwala ng mga
Siquijodnon sa panggagayuma sa panliligaw:
1. Kung manlulumay ang lalaki sa babae, manlulumay din ang babae sa lalaki.
2. Mababango ang mga lumay. Kung manlulumay sa babae, ang mga pinaghalong
sangkap nito ay iba‟t ibang uri ng bulaklak, ugat ng kahoy, lalo na ang matitinik.
Ang mga mababango ang siyang kinahihiligan ng mga babae.
3. Ang mga lumay ay kinukuha sa punong kahoy na kakikitaan ng alitaptap. Dahil
may nagmamay- aring espiritu, ito‟y espesyal kaya kaunti lamang ang
kinukuhang bahagi ng puno.
4. Kumuha ng panyo at lagyan ang bawat gilid nito ng lumay at tiklupin. Ipalo ito ng
tatlong beses sa lalaki na hindi niya namamalayan para medaling mapaibig.
5. Ang pinakatamang ihalo sa lumay ay ang lawig-lawig sa dagat.

 Negosyo at Lumay
Ayon sa mga impormante, kung may negosyo, para dumarami ang iyong
suki, ilagay ang lumay sa iyong pitaka.

 Eksaminasyon (Board Exam) at Lumay


Naniniwala ang mga Siquijodnon na kung kukuha ng eksam, ilagay lang ang
panyo o bulsa ang lumay para hindi makalimutan ang pinag-aralan.
78

 Kapangyarihan (Gahum) Anting-anting


Ang pagkakaroon ng sariling kapangyarihan ay nasa itong paniniwala.
Tinatawag nilang anting-anting o amlet sa Ingles at galing sa mga albularyo. Isa ang
sinasabi nilang “mutya” na oinagkukunan nila ng lakas at kapangyarihan. Kasama na
riyan ang librito na nakasulat sa wikang Latin at naglalaman ng mga orasyon na
nakakadagdag sa kanilang kapangyarihan. Narito ang kanilang mga inibahaging
kaalaman:
1. Ang gahum (power) ay mutya galing kay San Antonio at lagi itong hinuhugasan.
2. Librong maliit ang gahum na nakasulat sa Latin. Maliit ito at kahit mga bata ay
hindi makababasa kundi ang albularyo lamang at maliwanag ito.
3. Ang kapangyarihan ay sa paraang tawal (ritwal) na latin at sa orasyon.

2.2. SULYAP SA KASAYSAYAN AT KALINANGAN NG CEBU

- ni Evelyn Valencia Gabansos

Ang Republika ng Pilipinas ay binubuo ng humigit-kumulang sa 7,000 pulo na


nahahati sa tatlong malalaking bahagi – Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa Kabisayaan
matatagpuan ang Cebu na ang umiiral na wika ay Sebwano na kahawig ng wikang ginagamit
ng mga karatig-pook nito nito tulad ng Bohol, Negros, Siquijor, atbp.

Ang mga Cebuano ay masasabing mga saling-angkan ng Malay na naninirahan sa


Pilipinas bago dumating ang mga Kastila. Sa kanila nakita ang unang lakas na pagtatanggol
ng kanilang karapatan laban sa panlulupig ng ga dayuhan. Kilala ang bantog na bayaning
Cebuano na si Lapu-lapu sa kanyang matagumpay na pakikihamok sa mga Kastila. Sa
kanyang dugo‟y nananalaytay ang dugo ng unang kayumangging sagisag ng katapangan.

Sa dalampasigan din ng Cebu noong 1521, ika-4 ng Abril unang naganap ang
pagdaraos ng unang misa ng mga Kristiyano na nagging tampok ang pagkabinyag kay Raha
Humabon kasam ang kanyang mga sakop at mandirigma. Matapos ang misa‟y isang kurus
ang itinirik bilang sagisag ng pagyakap na ito sa Kristiyanismo ng 800 Pilipino. Ang mga
Pilipinong ito na kinabibilangan ng mga Cebuano ang siyang kauna-unahang matatawag na
Kristiyano sa kapuluan ng Pilipinas.

Samakatwid, si Raha Humabon at kanyang asawa ay ang kauna-unahang Pilipinong


hari‟t reyna na nataguring Kristiyano. Ayon kay Howard Lee Nostrand sa :Describing and
Teaching tha Socio-Cultural Content of a Foreign Language and Literature‟…matapos na
magkaroon ng hapunan ay binigyan ang reyna sa isang pananampalatayang katoliko at
ipinakita sa kanya ang Iahen ng Berhing maria na kupkop nito ang sanggol na si Hesus at
isang krus. Sa pagkakataong ito nabakas sa kanyang mga mata ang kuhang nagpapatunay
ng kanyang bukal sa pusong pagtanggap sa Kristiyanismo. Tinawag siyang Juana bilang
alaala sa ina ng Emparadorr ng Europa.

Ipinagpatuloy ng mga Kastila ang kanilang pagpapalaganap ng Kristiyanismo


hanggang sa noong taong 1565, sa pamumuno ng anak ni Humabon na si Tupaz ay
natagpun nila ang pook na karapat-dapat na maging pinakamalakas na kuta ng mga Kastila
at katatagpuan ng maraming pagkain sa dalampasigan ng Cebu. Sa pook na ito, sa
79

pamumuno ni Legaspi ay itatayo ang kauna-unahang simbahan na pinangalanang Ciudad


Del Santisimo Nombre de Jesus sa karangalanng banal na pangalan ni Hesus. Ito ang
ginawangpatron ng Lungsod ng Cebu sa pamamalakad ng mga paring Agustino. Sa
pagtuklas nito noong 1565, ang Siyudad ng Cebu ay itinuturing na pinakamatandang siyudad
ng Pilipinas.

Mga Kaugalian na Sinusunod ng mga Cebuano sa Pag-aasawa

1. Ang Monogamya: ikinararangal ngmga Cebuano ang kanilang pagiging binyagan.


Minamahalaga nila ang pagkakaroon ng banal na kruz na itinirik sa lupain ng Cebu
noong ika-14 ng Abril, 1521 na magpahanggang ngayon ay nananatiling buhay na
sagisag ng unang Kristiyanismo sa kapuluan. Dahilan sa pagyakap na nito sa
Kristiyanismo kung kaya maging sa kanilang pag-uugali at kultura‟y umusbong at
umiiral ang monogamy. Sa mga tunay na Kristiyano, mahalaga at lubos nilang
iginagalang ang Sagradong Bagong Testamentong ng Banal na Aklat na Mahigpit
nanagbabawal sa pagkakaroon ng maraming asawa samantalang buhay ang unang
asawa.
2. Ang legal na paghihiwalay: para sa mga Cebuano‟y dalisay at mahalaga ang
kasabihan sa Banal na klat na ang isang babae‟t isang lalaking pinag-isampuso sa
harap ng Panginoon ay hindi maaaring maghiwalay sa ano mang kadahilanan
maliban sa kamatayan. Ang kasal ay itinuturing na isang walang hangganang
pagkakaugnay ng dalawang kaluluwang pinag-isa sa harap ng Diyos. Ang pag-
iisampusong ito ay ginagawa ng isang pari sa simbahan upang mabasbasan ng
biyaya at awa ng Ispiritu Santo. An pagpapakasal ay mahigpit na nagbabawal sa
paghihiwalay.
3. Ang tinatawag na Bugay: ito ay katumbas na tinatawag na dowry. Ang mg
sumusunod ay siyang kalimitang hinihingi ng mga magulang ng nobya sa magulang
ng nobyo: isang mesang espesyal na nauukol sa mga kaluluwa ng kanilang mga
ninunu na malaon nang pumanaw; isang buo o kumpletong kagamitan at damit
pangkasal; gastos sa handa at kasal; kung minsan naman ay halaga ng salapi na
hinihilingin ng magulang ng lalaki upang ipabaon o bilang isang alaala sa araw ng
kanilang kasal, halimbawa‟y isang bahay o lupa na magiging kahilingan ng dalawang
ikakasal sa kanilang mga magulang lalo na kung ito‟y galling sa angkang
nakakariwasa sa buhay.
4. Ang pagbibigay-handog: ang mga alaala o pagbibigay-handa sa bagong kasal ay
nagging kagawian nan g mga kamag-anak, bisita, at kaibigan na dumadalo sa araw
ng kasal. Ang mga regaling ibinibigay at tanda ng kanilang paghahangad sa isang
mahusay na pamumuhay at maligayang pagsasama ng mga bagong kasal.
Ang mga dalaga‟t binate sa pook na ito ay nararapat na dumaan muna sa
mga sumusunod bago magpakasal:
1. Ang pag-ila-ila – ang pagkikilala nila.
2. Ang pangulitawo – ang panliligaw ng binata sa dalaga lalo na ang pag-akyat ng
ligaw.
3. Ang panagtrato – ang pagkakasundo ng dalaga‟t binate na mag-ibigan
4. Ang pamalaye – paghingi ng kamay ng babae mula sa kanyang mga magulang.
80

5. Ang pagrehistro – ang paghahanda ng mga papeles at paglalathala ng mga


pangaln ng ikakasal sa munisipyo.
6. Ang kasal – ang pag-iisampuso ng magnobyo sa harap ng isang pari sa
simbahan.

Mga Paniniwala Tungkol sa Bagong Kasal

1. Ang ikakasal ay kailangang tumigil sa bahay at hindi paalis-alis habang ang araw ng
kasal ay hinihintay.
2. Hindi pwedeng isukat o isuot ng nobya ang kanyang damit pangkasal hanggang
hindi pa sumasapit ang takdang oras ng kasal.
3. Pagkatapos ng kasal at habang paoaalis na sa simbahan ang ikinasal, kailangang
tiyakin ang bawat isa na siya ang unang makayakap sa unang baiting ng hagdan at
unang makahkbang paalis sa altar, kailangang mauna ang isa sa kanila. Ang mga
Cebuano‟y may ppaniniwala na ang unang makakahakbang ang siyang dominante o
masusunod sa lahat ng bagay sa kanilang tahanan at sa kanilangpamumuhay.
4. Ang bigas, asin at asukal ang siyang mga bagay na kailangan na mauna sa kanilang
bahay bago dumating ang ikinasal.
5. Bago umakyat ang bagong kasal sa kanilang bahay, kainalangan na painumin ng
isang basong tubig sa iisang baso ang bagong ikinasal upang sila‟y laging
magkakaunawaan: sa hirap man o sa ginhawa sila ay laging magkapiling.
6. Ang suklay ay kailangang isuklay sa buhok ng bagong kasal nang makailang-ulit
upang ito‟y magkaroon din ng mahusay na pagsusunuran at maayos na
pamumuhay.
7. Sasabuyan ng bigas o palay ang bagong kasal paglabas ng simbahan upang maging
masagana at maligaya ang kanilang pagsasama habang buhay.
8. Ang pagkabasag ng baso o pinggan habang dinaraos ang handaan sa kasal ay
nagtataboy ng kamalasan sa buhay mag-asawa.
9. Matapos ang kasal, ang mga ikinasal ay kinailangan hindi muna umalis ng bahay
nang sayon ay maging maligaya ang kanilang pagsasama at hindi na sila
maghihiwalay kalian man.

2.3 ANG BAROTAC NUEVO SA ILOILO

- ni Emilina Nepomoceno

Ang Lungsod ng Iloilo ay kilala dahil sa malambing a intonasyon ng pagsasalita ng


mga Ilonggo at sa kanilang pagiging mabait at masayahin. Ipinagmamalaki ng Iloilo
siGraciano Lopez Jaena bilang isang bayani at si Estevan Javellana dahilan sa kanyang
sinulat na Without Seeing the Dawn na tumanggap ng karangalang pandaigdig.

Ang Barotac Nuevo ay isang bayan sa Iloilo na may tatlumpu‟t apat na kilometro ang
layo sa lungsod. May bundok dito na tinatawag na “Balabag” na nauugnay sa paniniwala ng
mga matatanda na ang isang tubong-bayan na nakapangasawa ng isa pang tubong-bayan
ay hindi maaaring yumaman dahil sa ito ay hinaharangan ng bundok. Ito‟y sa dahilang kahit
81

saang anggulo tingnan ang bundok na ito ay mukha pa ring nakaharang. Ang Barotac Nuevo
ay dating nayon ng Dumangas.

Karamihan sa mga Barotaknon ay nabubuhay sa pagbubukid o pagtatrabaho sa mga


pataniman ng tubo sapagkat ang bayan ay may isang sental ng asukal. Gayunman, ay
marami na ring mga propesyunal sa baying ito. Halos lahat ng apelyedo ng mga katutubo sa
baying ito ay nagsisimula sa titik B gaya ng Barrido, Bayoneta, Baylosis, Bayo-ang, at Batilo.

Ang kapistahan ng baying ito ay tuwing ikalabing-13 ng Hunyo sa karangalan ng


patrong si San Antonio de Padua.tatlong araw ang pagdiriwang at ang mga naninirahan sa
malayong lugar na tubong-Barotak ay umuuwi upang makipagdiwang. Nagkakaroon ng
parada, palaro, sayawan, at pagpupuntong ng isang dilag na siyang reyna ng kapistahan ng
taon.

Ang paligid ng bayan ay halos pawing natataniman ng palay at mga tubo. Ang kaisa-
isang bundok ng bayan ay nagbibigay ng magandang tanawin sa buong paligid. Mura ang
isdang dagat, hipon, alamang at alimasag.

May malawak na niyugan ang barotac Nuevo. Marami ring puno ng manga, saging,
kaimito, at iba pang puno na tumutubo sa lahat ng sulok ng bayan. Sa gitna ng plasa ay
makikita ang bantayog ni Don Simon Raymund Protacio at ang kanyang alagang kabayong si
Tamasok na nagsisilbing alaal sa mga tao na ang “don” na ito ay may matalinong
pagpapasya na nakatulong sa mga tao upang makamit nila ang hinahangad nilang
kasarinlan ng bayan.

Ilan Pang Tala Tungkol Sa Iloilo

Ang lalawigan ng Iloilo ay kay Campos (1990) ay may hatid na ligawa sa mga turista.
Marami ang mga pook na pang-akit, magandang tanawin, matatandang simbahan at mga
bahay, makasaysayang pook, namumukod na sining, makukulay na kaugalian at masisiglang
pista.

Wika

Ang wika ng mga Ilonggo ay Hiligaynon. Ang Hiligaynon ay may varayti depende sa bayan
ng Iloilo. Karangy-a ang isa mga dayalekto ng Hiligaynon na may pinakamaraming
tagapagsalita.

Mga Pamahiin, Paniniwala, at kaugalian ng mga Ilonggo

Tungkol sa Pagdadalan-tao

1. Sa panahon ng paglilihi o “panamkon”, kinakailanganipagkaloob lahat ng lalaki


ang anumang pagkaing mahihiling ng babae sapagkat kung hindi, tiyak na
makukunan ang kanyang asawa.
82

2. Hindi maaaring magsuot ng kuwintas o manggantsilyo ang isang babaing


nagdadalang-tao sapagkat maaaring maging mahaba ang pusod ng bata at ito
ay magiging sanhi ng kamatayan nito. Ipinagbabawal din ang pagsusuot ng
beads sa leeg o kamay o anuman na lumilikha ng ganap na bilog. Ipinalalagay
na ang saradong bilog ay may masamang epekto sa isang buntis.
3. Kung lalabas ng bahay sa hapon, kinakailangangmaglagay ng tuwalya,
patadyong o anumang bagay sa ulo. Pinaniniwalaang ang isang babaeng
nagdadalang-tao ay tila isang transparenteng baso sa paningin ng isang aswang
at ang batang nasa loob ng tiyan niya ay lantad sa mata nito.
4. Huwag maupo o mahiga sa may pintuan o hagdanan ng bahay kung
nagdadalang-tao pagkat ito ay maaaring magbunga ng mahirap na
panganganak. Hindi dapat magpatawing-tawing sa baiting ng hagdan.
5. Bawal ang magpalitrato.
6. Ipinagbabawal rin ang pagtinga tueing kabiluganng buwan o kung may eklipse
sapagkat baka magkaroon pinsala ang magiging anak, gaya ng pagiging bingot
(harelip)
7. Huwag pagtatawanan ang bulag, sungi, o duling at baka sa ganito magkaroon ng
kapansanan ang magiging anak.
8. Huwag paglihian ang mga sato at santa dahil baka mapipi ang magiging anak.
Hindi rin mabuting paglihian ang mga manyika sa gayong kadahilanan din.
9. Ang babaing buntis ay pinapayuhang tumingin sa mga larawan ng mga
magagandang bata upang ang kanyang sanggol ay magkaroon din ng
magandang kaanyuan. Sa panahon ng kanyang paglilihi, ang kulay ng pagkaing
kanyang kinahuhumalingan ay makakaapekto sa magiging kulay ng kanyang
anakhuwag kakain ng maitim na pagkain tulad ng duhat magiging maitim ang
bata. Kung ang ibig naman magkaroon ng batang maputi ang kulay, dapat
kumain ang naglilihi ng mapuputing pagkain tulad ng buko, singkamas, at siopao.
10. Ang babaing kumain ng kambal na prutas ay magkakaanak ng kambal, na
maaaring praternal or identical. Ang praternal na kambal ay siyang bunga ng
pagkakain ng ina ng ilang uri ng kambal na prutas. Samantalang ang identical na
kambal ay ipinanganak ng isang inang kumain ng kambal na saging o anumang
prutas na nabibilang sa isang lugar.
11. Ang babaing buntis ay di dapat magpagupit ng kanyang buhok sapagkat
maaaring manganak siya ng isang sanggol na walang buhok.
12. Ang babaing maaari pang manganak ay hindi hinahayaang kumain ng prutas na
hindi pa gaanong napoporma sa takot na makunan ito, gaya ng paniniwala sa
Baryo Sambong, Jaro.
13. Sa munisipyo ng Guimbal ay sinusunod ang paniniwalang ito: ang isang bahay
ay hindi maaring kumpunihin kapag ang ina ng tahanan ay buntis sapagkat tiyak
na mahihirapan ito sa panganganay.
14. Upang hindi mahirapan sa panganganak, ang babaing buntis ay lumalabas ng
bahay bago sumakabilang buhay ang naghihingalo.
83

Tungkol sa Binyag ng Sanggol

1. Ang bata ay kinakailangan mabinyagan sa lalong medaling panahon sapagkat


pinaniniwalaang ang binyag ay malaki ang kinalaman sa pagiging malusog at laging
ligtas ito sa sakit.
2. Kapag ang bata ay umiyak habang binibinyagan, ito ay lalaking pilyo, malikot, at
matigas ang ulo. Kapag ito ay tahimik, lalaki itong mabait.
3. Sa binyag ng bata ay kailangan may kunting handa upang laging may pagkain ito.
4. Ang ninong at ninang ay dapat magbigay ng pera sa bata upang maging magaan
ang pera sa inaanak at mdali itong yumaman.
5. Pinaniniwalaang sa binyag ng kambal, kinakailangang ipasok ang bata sa isang pinto
at ang isa naman ay sa kabilang pinto upang walang mamatay na sinuman sa kanila.

Tungkol sa Pag-aaga ng bata

1. Pagbibili sa bata – kapag ang isang pamilya ay namatayan na nng mga dalawa o
tatlong anak sa napakaagang gulang, at ang sumunod na bata ay tila
magkakaganoon rin, ang isang seremonya sa pagbibili ng bata ay idinaraos. Ang
isang kapitbahay na nagging matagumpay sa pagpapalaki ng maraming anak ay
nagdadala ng pera o anumang bagay upang bilhin ang bata. Ipinahahayag ng ina ng
bata na ito ay ipinagbibili na sa kapitbahay na dumalo sa seremonya. Ang
kapitbahay ang magbabayad ng pera o anumang bagay. Sa ganitong paraan, ang
bata ay magiging malusog at makababawi sa sakit. Gayunpaman, ang bata ay pag-
aari pa rin ng mga magulang nito.
2. Abay – sinuman ay hindi hinahayaan magbigay puna o biro tungkol sa bata na ito ay
malusog. Kapag maging matindi ang pagbati o pagbiro, magiging dahilan ito ng
pagkakasakit ng bata. Kaya, bago magsalita ng anuman kinakailangang magsabi
muna ang “puera buyag” o “puera usog”
3. Panagang – pinsusuotan ang bata ng kuwentas na may nakataling ngipin ng
buwaya o anumang bagay na magsisilbing “panagang” o pangontra. Pinaniniwalaan
ng mga tao na ito ay mabisang panlaban sa mga masasamang espiritung may balak
puminsala sa bata. Ang iba naman ay nagkakabit ng piraso ng luya sa damit ng bata
upang mapigilan ang mga mangagagaway sa anumang masamang tangka nila sa
bata, o mapaglalabanan ang anumang masasamang hangarin ng mga espiritu.

Tungkol sa Pagliligawan, Pagnonobyo, Pag-aasawa

1. Pinaniniwalaan na kapag umaawit habang nagluluto sa harap ng kalan ang isang


dalaga, ang mapapangasawa niya ay isang matandang tila lolo na siya.
2. Ang paghaharap sa nagtatahip ng bigas ay magbubunga ng pagkakapag-asawa sa
isang matanda.
3. Maaaring malaman kung magiging tapat sa suyuan ang kasintahan sa pamamagitan
ng pagtingin lamang sa mga kuko nito. Ang isang maputing marka ay nagsasaad ng
katapatan sa isa lamang giliw ngunit kung maraming puti-puti, ito ay
nangangahulugan na ang liyag ay magiging talusaling sa pag-ibig.
84

Tungkol sa Kamatayan, Pagbuburol, Libing, Pagdarasal

1. Ang isang bata ay pinagbabawalang magsuklay ng buhok sa gabi sapagkat ang


ganito raw ay nakapagpapadali sa buhay ng kanilang mga magulang.
2. Ang pag-alulong ng aso sa gabi ay nagbabadya na si Kamatayan ay nasa palipaligid
at handing kunin ang isang nilalang.
3. Ang pagpasok ng isang itim na paruparo sa bahay ay babala na may kamag-anak na
namatay.

Tungkol sa Panahon at mga Elemento

1. Nahuhulaan ng mga tagakuha ng tuba sa Iloilo at Antique kung ang pannahon ay


magiging mabuti o masama sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga sisidlang
kawayan na siyang pinag-iipunan ng katas ng niyog. Kapag maraming bula sa
ibabaw ng tuba, ito ay pagbabadya ng masamang panahon. Karaniwan, kaunting
mga bula lamang ang nabubuo sa itaas ng sisidlang kawayan.
2. Kapag ang isang ibong tinatawag na kanuyos ang makitang napunta sa hilaga,
nangangahulugang may bagyo sa timog; kung ito ay patimog, ang bagyo ay nasa
hilaga.
3. Kapag nakita ang ilang mga bituing tila wari‟y patungo sa buwan, ang ibigsabihin ay
may bagyong darating.

Tungkol sa Hayop, Insekto

1. May paniniwala na kapag ang isang pusa ay tumawid sa iyong daan ay aabutin ka
ng kapahamakan o kamalasan. Ang mga taong may ganitong pananalig ay lubhang
nag-iingat na makasalubong ang isang itim na pusa. Kung mangyari ito ay
minamabuti na lamang ang magbalik at mamalagi sa bahay sa halip na ipagpatuloy
ang lakad. Sa iba naman, ang ahas o pusang itim na humalang o tumawid sa
daanan ay nagbabadyang pa rin ng kamatayan.
2. Kapag kumukulog, sinuman ay di hinahayaang makipaglaro sa mga pusa sapagkat
ang mga ito ay itinuturing na pinagkukunan o konduktor ng kidlat. Kapag ang isang
bata ay di-tumalima sa paalaalang ito, malaki ang panganib na siya ang tamaan ng
kidlat.
3. Ang tsonggo ay inaakalang isang dating taong pinalo ng sandok sa pagsuway sa
magulang.

Tungkol sa Pagkain

1. Ang mga platong ginamit sa pagkain ay di dapat agad pinagpapapatung-patong.


Kailangan hintayin pang matapos ang lahat sa pagkain bago pagpatung-patungin
ang mga plato kung di ay magkakaroon ng patung-patong na utang.
2. Huwag kakain nang maya‟t maya kung di ay magiging abut-abot ang mga utang.
85

3. Ang pagkain ng itlog na nauntol ang pagkapisa ay nagdadala ng pagkabigo sa mga


binabalak.

Tungkol sa Halaman at Pagsassaka at Pangingisda

1. Tunay na napakahalaga ng mga pangunahing pananimm sa kalahatang mga


magsasaka sa Pilipinas kung kaya ang mga ilang kaugalian panrelihiyon ay inuugnay
sa pagtatanim. Ang mga magsasaka sa Paototan, Iloilo ay gumagawa ng
pagluluhod-luhod tulad ng isang pari habang gumigiik ng bigas bago magpatuloy.
Lumuluhod muna ito,nagsasabog ng kaunting uling sa bigas bago na nakasabog sa
isang malakin banig at saka magkukurus. Kung hindi niya ito gagawin, ay hindi siya
makaasa ng isang mabuting ani sa susunod na taon.
2. Pinaniniwalaang sa unang pagpupunla ng bigas o sa pagtatanim ng anumang uri ng
pananim, ang suklay, nganga at lumang habihan ay itinatapon kasama ng bigas at
punlaan. Nilalayon ang suklay ang pagkakaroon ng kaayusan ng mga halaman; ang
bunga ay para sa masaganang ani, at ang habilin ay para sa magandang uri ng
butyl.
3. Sa pagtatanim ng bigas, ang tanglad (mabangong damo na inilalagay sa sabaw ng
manok o karne, dinuguan, atbp,)muna ang itinatanim sa uang punlaan at ito ay
sinusundan ng mga murang halaman.

Tungkol sa anting-Anting at mga Di-pangkaraniwang Kapangyarihan

1. Sa hatinggabi ng Biyernes Santo, ang mga tao ay gumagawa ng lahat ng paraan


upang makakuha ng bahagi ng damit, buhok o anumang kagamitan sa Santo Intiero.
Ito ay inihahalo nila sa ibang mga sangkap at pinauusukan ang mga lambat.
2. Ang mga taong naninirahan sa may baybay ay karaniwang mapapaniwalain sa mga
anting-anting.
3. Para sa mga Babaylan at albularyo, ang Biyernes Santo ay pinakabalang araw dahil
nagpupunta sila sa mga yungib at bundok upang manguha ng mga damong-gamot at
balat ng mga kahoy. Pinaniniwalaang magiging mabisa ang mga ito.

Tungkol sa Sugal, Sabong

1. Kapag naglalakad sa daan at nakakita ng bakal ng sapatos ng kabayo ito ay


nangangahulugang ng swerte. Kaya kung magsusugal ay tiyak na mananalo sa
sugal.
2. Anumang bagay na kambal ay kailangan ilagay sa bulsa upang manalo sa sugal.
3. Kapag nakatayo at may butiking lumukso sa bulsa, ipinalalagay na hudyat ito ng
magandang kapalaran sa sugal.
86

Tungkol sa Pagpapatayo at Paglipat ng Bahay

1. Sa pagtatayo ng uang poste na tinatawag na pasag-ang ang posisyon ng sinasabing


bakunawa ay isinasangguni sa isang aklat na pinamagatang “Astrologo.” Ang poste
ay makikita malapit sa sentro ng ulunan ng bakunawa. Sa pag-alinsunod dito, ang
itatayong bahay ay magiging ligtas sa anumang sakuna.
2. Sa pagpupuno ng anumang butas ng unang poste, ang isang suklay, at mga
sasampung sentimo ang inilalagay sa kailaliman ng butas. Ang mga bagay na ito ay
sinasabing makapagbibigay ng kapayapaan at tagumpay sa pamilya sa anumang
bagay na kanilang kakaharapin.
3. Ang hagdanan ay dapat na papaharap sa silangan o sa sinisikatan ng araw. Sa
ganitong posisyon ng hagdanan, ang pamilyang maninirahan ay magiging masaya at
maginhawa sa lahat ng araw.
4. Sa paglipat naman sa panibagong bahay, ang hugis ng buwan ay isinasalang-alang.
Lumipat sa bagong tirahan mga tatlong araw kapag kabilugan ng buwan o walong
araw pagkaraan ng bagong buwa.

Tungkol sa Iba’ ibang Okasyon

1. Bagong taon – kinakailangan ang lahat ng bagay o pangangailanga. Upang sa loob


ng buong taon ay hindi kulang-kulangsa anumang bagay. Ang pambinhe ay siyang
unang paraan sa pagtatanim. Iniipun-ipon ang iba‟t ibang uri ng buto o binhi at
inilalagay isang platong natatakpan ng mabuti ng bao o anuman. Tinatandaang
mabuti ang lugar ng bawat bindi.sa susunod na araw, huling araw ng taon at
bisperas ng Bagong Taon, ang unang gagawin ay tingnan kung may butong nag-iba
ng lugar. Pinaniniwalaang ang mga bindi ay kumikilos. Ang mga butong lumipat sa
pwesto ay magiging salat o kapos sa susunod na taon. Kaya maaaring
makapaghanda nang husto para sa ganitong kakulangan. Maghanda rin ng
maraming pagkain upang magkaroon ng masaganang pagkain sa loob ng isang
taon.
2. Sa dumangas, sa ika-12 ng hatinggabi,kinakalansing ng mga tao ang 12 perang
barya. Bawat barya ay kumakatawan buwan. Ang 12 barya ay itinatago sa loob ng
isang taon upang maghatid ng kasaganan sa may-ari.
3. Sa Guimbal naman, sa hatinggabi ng Bagong Taon. Kinakailangang gumising at
making ng mabuti sa unang ingay na gagawin ng mga hayop na pambukid. Kapag
ang narinig ay isang aso, ito ay masamang pangitain. Kapag kalabaw o baka, ito ay
nagbabadya ng mabuting ani.

Tungkol sa Araw ng mga Patay

1. Sa araw na ito, pinaniniwalaan ng mga tao na ang kaluluwa ng mga patay ay


nagbabalik sa lupa.
2. Pinaghahandaan nila ang mga ito ng mga pagkain gaya ng bayebaye, suman, at
marami pang iba upang paglubagin ang loob ng mga kaluluwa.
87

3. Ang mga pagkain ay inilalagay nila sa mesa o sa loob ng isang lihim na silid upang
ang mga ito ay makain ng mga kaluluwa.

Tungkol sa Samut-saring Paniniwala

1. Ang pag-alulong ng aso sa gabi ay nagpapahiwatig ng gumagalang masamang


ispirito. Ang pagsagot sa mga kakatwang tawag ng mga ito sa gabi ay
nangangahulugang ng kamatayan sa sumagot.
2. Tungkol sa damit, isang paniniwala at nagging kaugalian na ang bagong damit ay
isinusuot muna sa simbahan bago sa ibang pagkakataon upang ito ay magtagal.
3. Kapag ang biyernes ay tumama sa ika-13 araw ng buwan maraming mga aksidente
ang maaaring mangyari.

Kapistahan at Kasayahan

Tulad ng ibang katutubo ng bayan, ang mga Ilonggo ay magiliw sa mga kasiyahan at
pagdiriwang ng tulad na tulad ng mga sumusunod:

1. Pasungay –tuwing ikalawa ng Sabado ng Enero idinaraos ang pasungay (bullfight)


sa lugar ng san Joaquin, Iloilo. Ito ang siyang pagsisimula sa masiglang panahon ng
mga kasayahan sa Kanlurang Bisaya.
Ang Pasungay ay bahagi ng kapistahan ng bayan ng San Joaquin. Ang mga
maglalabang toro mula sa mga kabayanan at kalapit na lugar ay pinipili. Sa isang
arena sa burol ay naghahamok ang mga taoro hanggang sa ang isa ay mapagod o di
kaya ay tumakbo. Ang kasayahang ito ay nagdaragdagan ng kulay sa kapistahan ng
bayan. Ang iba pang atraksyon ng pasungay ay ang paglalaban ng mga kabayo at
kalabaw.
2. Dinagyang – Idinaraos ito tuwing huling lingo ng Enero. Pumapaikot ang kasaysayan
sa pagbibigay-parangal sa milagrosang Imahen ng Santo Niħo. Ang Dinagyang ay
katawagang Ilonggo sa kasayahan. Ang iba‟t ibang tribu ay nagsusuot ng makukulay
na kasuotang nagpapakita ng pagkamasining at kahusayan ng mga katutubo. Ang
pagdiriwang ay namumukod sa choreography, pagtatanghal, at kulay. Isang palabas
na may kasamang pagpapadyak-padyak ng paa at tugtog ng mga dram.
Ipinagdiriwang ang pagiging Kristiyano ng mga Katutubo.
3. Kapistahan ng Nuestra Seħora de la Candelaria sa Jaro. Idinaraos ito tuwing
Pebrero 2. Ito ang pinakamarangya at pinakamalaking pagdiriwang na panrelihiyon
sa Kanluraning Bisaya. Mula pa man noong una, ang mga tao mula sa iba‟t ibang ng
bansa ay dumadayo sa Jaro para sa okasyonng ito. Kinoronahan noong 1981 ng
Santo Papa Pablo II, ang mahal na Berhin ng Kandila at pormal na ipinahayag ng
Patron na sinusundan ng reyna ng pista at ng kanyang korte ay nagbibigay-tampok
sa pagdiriwang.
Ang pista ng Jaro ay okasyon na rin ng pagtatanghal ng mga agro-industrial
exhibits, garden shows, koronasyon ng reyna ng kkarnabal, at ng Grand Cock
Derbies.
88

4. Paraw Regatta – sa tuwing ikatlong lingo ng Pebrero ito ginaganap. Isa itong
paligsahan sa karera ng mga Bangka na idinaraos sa pagitan ng kipot ng Iloilo at ng
Guimaras. Ito ay pinasimulan noong 1973. Nagpapagunita sa libingan ng mga Iloilo
noon pa mang ika-16 na siglo. Tinatawag na “paraw” sa bernakular, ang mga
sasakyang-dagat na ito ay mga replica ng mga sinasakyan ng mga unang
nandarayuhang Bornay sa pagpunta sa pulo ng Panay.
5. Ang Pagtaltal sa Guimaras – tuwing Biyernes Santo
Isang pangkuwaresmang pagtatanghal sa Jordan, Guimaras na hinango sa
bantog na dula ni Oberammergau sa Tinog Bavaria, Alemanya. Ang karanasan ay
paglalakip ng pananampalataya at kulturang poklorika.
6. Ang Parada at Karera ng Klabaw – ginaganap ito tuwing Mayo 3. Ang parade at
paligsahan ng karera ng kalabaw ay siyang tampok ng kapistahan sa Pavia, Iloilo.
Mga naggaganyakang karosang hila ng kalabaw at sinasakyan ng mga musa ang
umiikot sa bayan.
Pagkatapos ng parade, ang mga musa ay nananaog sa karosa samantalang
inihahanda na ang karera.

Gawain 2

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

I. Instruksyon: Ipaliwanag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura ng mga taga-Iloilo sa


iyong sariling kultura.

II. Instruksyon: Mainam na ipaliwanag ang sumusunod: (5 puntos bawat sagot)

1. Ano ang sanligan o impluwensiya ng kultural na gawi ng mga taga-Siquijor at taga-


Cebu? Magbigay ng mga kongkretong halimbawa mula sa mga salaysay na
ipinresenta.
2. Ano ang naging papel ng Kristiyanismo sa mga taga-Cebu?
3. Sa palagay mo ano ang dating paniniwala ng mga taga-Cebu.?
4. Bago mo nasaba ang tungkol sa Siquijor, ano ang sarili pagkakalam mo ukol sa
Siquijor?
5. Magsaliksik kung paano at kalian nagsimula ang paniniwala ng mga sinaunang
Pilipino tungkol sa mga iba pang supernatural na nilalang.
89

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Final na Markahan – Modyul 3:

Ikatlong Linggo (Visayas: Ang Sining at Kultura ng Aklan,


Ang Pista ng Pintados, Ilang Tribu sa Visayas, Tribung
Tagbanua)
90

Aralin 2 (pagpapatuloy)–
Visayas: Ang Sining
at Kultura ng Aklan, Ang Pista
ng Pintados, Ilang Tribu sa
Visayas, Tribung Tagbanua

2.4 ANG SINING AT KULTURA NG AKLAN

- ni Florida Villanueva

Ang Ati-Atihan ay isang napakasayang pagdiriwang na pinagkakapuri ng mga


Aklanon bilang ng kanilang kultura. Ito ay ginaganap taun-taon tuwing buwan ng Enero sa
mga bayan ng Kalibo,Ibajay, Bataan, Makatao, at Altayas. Ang pinakamasaya sa lahat ng
pagdiriwang ay ang ginaganap sa Kalibo tuwing ikalawang lingo pagkatapos ng pista ng
tatlong hari. Dalawang linggo pa lang bago sumapit ang pitsa ay marami na sa mga Ati-Ati
ang nagsisimulang maglibot sa kalye sa pamamagitan ng tugtog at kalabog ng mga walang
lamang lata, kaldero, botelya, tambol, at iba pang instrument. Sila ay masayang umiindak at
pasayaw-sayaw habang sila ay sumisigaw ng “Viva kay Senyor Santo Niħo,” o kaya ay: “Hala
bira, puwera pasma”. Ang salitang Ati-Ati ay nangangahulugan na “gaya ng mga ati,” ang
maiitim na mga unang tao ng Panay, kaya‟t ang lumalahok sa pagdiriwang na ito ay
karaniwang nagpapahid ng maitim na uling. Malaya ang bawat isa sa pagpili niya ng maging
gusting kaayusan o kasuotan at mula bata hanggang matanda, mayaman at mahirap, may
pinag-aralan, at wala, lahat ay makikitang nakikipagsaya sa gitna ng kalye. Sa tuwing
nagkakasalubong ang bawat pangkat, sila ay sumisigaw ng “Viva kay Senio Santo Nino”.
Habang ang iba naman ay sumasagot ng “Viva.” Ang pagdiriwang ay nagiging kompleto
lamang kapag ang nagsisipagdiwang ay nakapasok na sa simbahan at makahalik sa imahen
ng Santo Nino sa altar at mahaplos ito.

Ang pinakamahalagang bahagi ng pagdiriwang ay ang prusisyon na karaniwang


nagsisismula sa ganap na ika-5 ng hapon sa huling araw ng pagdiriwang. Ang karamihan ay
nagdadala ng sulo mula sa simbahan hanggang malibot nila ang bayan. Pagkatapos sila ay
babalik sa simbahan kung saan humahalik muna sila sa Santo Nino bago umuwi sa kani-
kanilang bahay na masaya ang kalooban at parang hindi nararamdaman ang pagod sa
mahabang araw ng pakikipagsaya sa kakaibang pagdiriwang na ito.

Kalian Nagsimula ang Ati-Atihan?

Maraming bersyon ang pinagmulang kasaysayan ng pagdiriwang ng Ati-Atihan. Ang


mga ito ay mababasa sa ulat na sinulat nii Roman de la Cruz, 1963 sa (The Aklan Report).
Ang isa sa mga bersyon ay nagsasaad nab ago dumating ang mga Kastila sa ating bansa ay
mayroong iba‟t ibang tribo ng mga Ati na naninirahan sa Aklan. Sila ay nagsawa na rin saw
akas sa kanilang matagal nang pagkakaroon ng alitan at patayan sa magkabilang panig.,
kaya‟t nagkasundo silang mamuhay na nang matahimik. Upang ipagdiwang ang kanilang
pagkakasundo, nagkaroon sila ngpagdiriwang at kasayahan. Sa himig ng tambol sila ay
nagsipagsayaw at labis na katuwaan ang sumapuso sa bawat isa. Mula noon, ipinagdiriwang
91

na nila taun-taon ang pagkakasundong ito at nitong huli, upang gayahin ang mga tunay na
Ati, ay nagpapahid pa rin ng itim ang mga nais makipagdiwang. Sa hindi sinasadyang
pangyayari, nang dumating ang mga Kastila,ang pagdiriwang ay nation sa pista ng santo
Nino kaya‟t ito ay nagkaroon ng banal na kahulugan, galling sa salitang Ati, ang maiitim na
unang tao, at Malay o Maray na ang ibig sabihin ay Malaynon. Ngayon, ang karaniwang
tawag na lamang sa pagdiriwang na ito ay Ati-Atihan.

Ang isa pang bersyon ay nagsasabi tungkol sa kampana ng Madianos na natanggap


ng kura paroko galing sa isang napagandang babae sa tabing dagat. Ang kampana ay
puting-puti at napakalaki kaya‟t dalawampung lalaki ang kinakailangan upang mabuhat iyon
papuntang bayan. Isang batong simbahan an gang itinayo upang paglagyan nito. Ang mga
nais magnakaw nito ay nilalabanan ng mga mamamayan subali‟t marami ring napapatay sa
kanila at dinadala pa ang mga ibang kababaihan nila, kaya‟t sila‟y lubhang nalungkot.

Sa isang di inaasahang pangyayari, isang milagro ang naganap kung saan isang
magandang babaing dala-dala ang Sto.Nino ang nagpakita sa mga mamamayan. Pinayuhan
silang magpahid ng itim na uling sa kanilang mukha at katawan, sumampalataya sa poong
Nazareno at ipagtanggol nila ang kampana kahit ano pa man ang mangyayari at huwag itong
ipagbibili o itatapon sa dagat sapagkat may darating na kamalasan sa bayan at sa mga
mamamayan ng Aklan kung mawawala sa kanilang ang kampanang ito.

Sinunod ng mga tao ang sinabi sa kanila. Pagpahid sila ng mga uling at nang
dumating ang mga kaaway, hindi sila inano at hindi na nagsibalik ang mga ito. Subalit nang
sumunod na mga taon, isang datung naiinggit sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga
pari ang nagpasyang kunin ang kampana at itinapon ito sa ilog. Ito nga ay nagawa nila isang
gabi sa pamamagitan ng karahasan.

Naging totoo nga ang hula. Mula noon ang ilog ng Aklan ay palaging bumabaha at
maraming nasisirang mga pananim. Marami rin ang nasawi. Upang mabawasan ang galit ng
kampana, ang mamamayan at pari ng Aklan ay nagpasyang magkaroon ng taung-taong
isang banal na seremonya. Ito ay tinatawag nating Sto. Niħo o Ati-Atihan.

Isang Maikling Kasaysayan ng Aklan

Ang kasaysayan ng Aklan ay nagsimula pa noong ika-13 siglo nang dumating ang
isang pangkat ng mga sultan na galing sa Borneo. Ang pangkat ay binubuo nina Raha
Sumakwil, Bankaaya, Paiburong, at Datu Putin a siyang pinakapuno. Binili nila ang Panay sa
Hari ng mga Ati na si Haring Marikudo sa pamamagitan ng isang gintong salakot at isang
gintong kuwintas.

Nang namatay si Bankaaya, marami ang pumalit sa kanya. Ang mga ito ay ang anak
niyang mga lalaki na si Datu Paiburong, sina Datu Balinganga, Balinsosa, at Dagu-ob, si
Daguob ay nagtatag ng sariling pamahalaan sa Capiz, at nang siya‟y mamatay, pinalitan siya
ni Hagnaya. Ang nagsipalit naman sa kanya ay sina Datu Alimbukod, Balit, Sapi, Kalitnan, at
ang Pagbuhawi. Ang pinakahuling datu na namuno sa Capiz ay si Dinagandan na kung saan
iniurong niya ang kanyang pamahalaan sa Aklan sa bayan ng Batan.
92

2.5 ANG PISTA NG PINTADOS

Noong 1668, dumating ang mga Espanyon sa Visayas at natagpuan nila ang mga
babae‟t lalaki na puno ng tatu (tattoo) ang mga katawan. Tinawag silang Pintados. Gamit ng
mga pintados ang matalas na bakal na pinaiinitan muna sa apoy bago gawin ang pagtatatu.
Ang taong ito ay may sariling kultura, mayaman sa mga pagdiriwang at pagsamba sa mga
diyos tuwing masagana ang ani.

Dinala ng mga misyonaryong Espanyol noong 1888 ang imahe ng batang Jesus, na
kilala bilang “El Capitan.” Sa Pilipinas. Maganda ang pinagmulan nito kaya nakuha agad ang
debosyon at pagsamba ng mga katutubo ng Leyte sa Santo Niħo.

Noong 1986, itinayo ang pintados Foundation, Inc. ng mga negosyante at


mangangalakal sa Tacloban. Sinimulan nilang mag-organisa ng mga aktibidad para sa pista
ng lungsod na parangal kay Seħo. Dito nagsimula ang Pista ng Pintados, na unang
ipinagdiwang noong Hunyo 29, 1987. Ngayon ay tinatawag itong Pista ng Pintados-
Kasadyaan, na binansagang “Festival of Festivals.”

Ang Pista ng Pintados ay tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan. Ito ay


isang masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan, kung kalian din ginaganap ang
Leyte Kasadyaan Festival of Festivals, isang Pintados Festival Ritual Dance
Presentation, at ang Pagrayhak Grand Parade. Ang mga pagdiriwang na ito ay sinasabing
nagmula sa Pista ni Seħor Santo Nino tuwing ika-29 ng Hunyo. Ipinagdiriwang ng mga
taga-Leyte ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang
mga Bisaya sa pagtatatu, ang mga lalaki‟t babae ay mahilig magtatu sa kanilang sarili.

Ipinapakita ng Pista ng Pintados ang mayamang kultura ng Leyte at Samar sa


pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga katutubong sayaw at musika. Ang Leyte
Kasadyaan Festival af Festivals ay nagpapakita ng bukod tanging kultura at makulay na
kasaysayan ng probinsiya ng Leyte.Sinimulan ni dating gobernador Remedios Loreto-Petiila,
ang pagdiriwang ay unang ginaganap noong ika-12 ng Mayo, 1996. Ang mga pista ay hindi
laging ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo dahil sa unang tatlong taon ay nangyayari ito sa
magkakaibang petsa. Noong 1999 lamang ito opisyal na itinakda sa araw ng Hunyo 29, ang
Pista ni Seħor Santo Niħo de Leyte.

Ang kahulugan ng Kasadyaan na diyalektong Bisaya ay katuwaan at kasiyahan.


Maraming pista ng munisipalidad ng Leyte ang nagsasama-sama sa kabisera, sa Lungsod
ng Tacloban, upang makiisa sa selebrasyon. Masisiglang parade ng mga drama at sayaw
ang nagaganap. Isang mahalagang papel ang ginagampanan ng mga pistang ito- mas
mahihikayat ang bawat ng Leyteno na ipinagmamalaki at pahalagahan ang kanilang kultura,
bawat munisipalidad ay gumagawa ng kanilang istorya ibabahagi sa pista tungkol sa
kanilang local na mga kuwento at alamat.
93

2.6 ILANG TRIBU SA VISAYAS

Tribung Sulod
Ang tribung Sulod ay matatagpuan sa bulubundukin ng Capiz, particular na sa
munisipalidad ng Tapaz. Sila ay mula sa tribung Mundo, isang etnikong grupo mula sa
Indonesia na lumipat mula sa mainland Asia at nanirahan sa mga bundok ng panay nang
ilang dantaon. Mula sa pangalang “mundo”, napalitan ang kanilang pangalan ng Bukidnon na
kalaunan ay nagging “Sulod” na nangangahulugang “closet” o “room”. Nagsasalita sila gamit
ang kombinasyon ng diyalektong Kiniray-a at Hiligaynon. Madalas sa mga ito ay
monolinggwal.
Mayron silang natatanging paniniwala, traisyon, at uri ng pamumuhay. Isa sa mga
natatanging kultural na paniniwala ng mga ito ay ang pagtatago at pangangalaga sa binukot,
ang magagandang babae na itinatago sa silid. Pinagbabawalan silang lumabas at mabilad
sa ilalim ng araw at mananatili lang sila sa loob mula sa pagkabata hanggang sa araw na sila
ay ikakasal. Ang mga babaeng binukot ay tinaguriang epic chanter ng nasabing tribu. Ang
kanilang chant ay maaaring umabot ng tatlumpung oras. Nagmula sa tribung ito ang kanilang
epiko ng Panay na Hinilawod. Ito ay isang oral na poklor na nagpapakita sa tribung Sulod at
ang kanilang sagradong seremonya at ritwal. Umaabot hanggang sa tatlong araw ang
pagbabahagi ng kabuuang estorya. Noon, ang babaeeng binukot ay nagdarasal at
sumasayaw sa ilalim ng buwan upang magkaroon ng masaganang ani.

Kapag ang tribu namatayan ng isang mahalagang tao, tulad ng isang mahalagang
tao, tulad ng isang baylan o parangkuton, hindi siya inililibing sa lupa. Isang kabaong ang
ihahanda para sa kanya sa pamamagitan ng pagputol ng isang malaking kahoy at
gumagawa ng kabaong. At inilalagay ito sa ilalim ng kubong gawa sa cogon ang bubong sa
taas ng bundok. Pagkatapos, ginagawan ng butas ang dulong bahagi ng kabaong at
inilalagay doon ang isang kawayan na tinatawag na “pasuk” bilang daluyan ng “tagas” o ng
tubig na umaagos mula sa patay na katawan. Matapos ang dalawa o tatlong buwan, inaalis
ang buto, hinuhugasan, binabalot sa itim na tela, at inilalagay sa ilalim ng ambi ng bahay.

2.7 TRIBUNG TAGBANUA

Inilipat ang Palawan mula sa Region IV (Luzon) at naging bahagi ng Region VI


(Visayas) noong May 23, 2005 batay sa EO 429. Maraming tribu ang nananahanan sa islang
ito. Isa sa kilalang tribu sa napakagandang lugar na ito ay ang mga Tagbanua.

Ang mga miyembro ng tribung Tagbanua ay napabibilang sa pinakaunang


naninirahan sa isla ng Palawan at sa nakapaligid sa isla nito. Lumalabas sa resulta ng ilang
pananaliksik na mula sila sa mga taong Tabon na naninirahan sa kweba ng tabon ilang
libong taon na ang lumipas. Madalas sa kanila ay naninirahan sa hilaga at sentral na bahagi
ng Palawan. Ang kabuuang bilang ng mga Tagbanua ay bumababa sa kasalukuyan. Mula
129691 na mga miyembro noong 1987, 10,000 na lamang ang natitira sa kasalukuyan.

May paniniwalang tatlong salin ng katawagang Tagbanua. Una, ito raw ay


nangangahulugang “people of the world” dahil sa “banua” na nangangahulugang world o
mundo. Pangalawa, ito raw ay nangangahulugang “people from our place” mula sa “banua”
94

na nangangahulugang “people from the inland” dahil sa “banua” na nangangahulugang


countryside o inland. Sinasabi na ang huling salin ay mula sa kolonista sa isla ng Palawan.
Dahil ang mga kolonistang ito ay lumipat sa dalampasigan, napilitan ang mga Tagbanua na
lumipat sa pagdaan ng panahon.

Dalawang Grupo ng Tagbanua

Nahahati sa dalawang grupo ang mga Tagbanua batay sa heyograpikal na lokasyon


na lokasyon nito:

 Ang mga Tagbanua sa gitnang bahagi na tinatawag ding Sentral Tagabanua at


naninirahan sa silangan at kanlurang bahagi baybayin ng Palawan, lalong lalo na sa
bahagi ng Puerto Princesa, Quezon, at Aborlan.
 Ang mga Tagbanua sa kanluraning bahagi- na kilala rin bilang Calamian Tagbanua
at naninirahan sa archipelago ng Calamian, lalong-lalo na sa isla ng corona at
Busuangan, at munisipalidad ng El Nido.

Sila ay may kayumangging balat, payat na pangangatawan, at maiitim at


mahahabang buhok,. Noon, kapuwa lalake at babae ang may mahabang buhok, at
pinapaitim ang kulay ng kanilang mga ngipin.

Kultura

Gumagawa sila ng sari-saring ornaments tulad ng ear plugs, suklay at pulseras.


Dagdag pa, ang mga babae ay gumagawa ng mga kuwentas, at angklet na gawa sa brass at
copper.

Isa sa mga kilalang tradisyon ng Tagbanua ay ang paggawa ng basket na may iba‟t
ibang disenyo at ginagamit nila sa pag-aani. Maliban dito, mayroon din silang mga hayop na
nilililok sa kahoy. Ang mga hayop na ito ay may seremonyal na gamit - nagsisilbing kontak
sa mga espiritu sa iba‟t ibang retwal.

Mahilig din sa musika ang mga Tagbanua. Mayroon silang iba‟t ibang instrumenting
sila lamang ang may gawa at ginagamit nila sa pagsamba at sosyal na pagtitipon. Ang mga
ito ay ang arudin, babarak, tipanu, tibuldu, kudlung, gimbal, tiring, at babandil. Mayroon din
silang iba‟t ibang sayaw na madalas nakapaloob sa mga ritwal. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod:

 Aballardo. Isa itong tradisyunal na sayaw na isinasagawa ng mga lalaki.


 Andardi. Isang festival na sayaw ito tuwing Pagdiwata.
 Bugas-Bugasan. Sinasayaw ito ng lahat ng dumadalo sa ritwal ng Pagdiwata.
 Kalindapan. Sinasayaw ito ng mga babaeng babaylan.
 Runsay. Isang tradisynal na sayaw ito ng mga naninirahan sa baybayin. Isinasagawa
ito ng isang bese kada taon sa ikaapat na araw pagkatapos ng kabilugan ng buwan
at ng healing dance na isinasagawa ng Babaylan.
95

Social Class

May tatlong social class ang komunidad ng Tagbanua. Ang una ay ang nasa upper
class. Dito galing ang mga lider at ito ay namamana. Ang pangalawa ay ang middle class na
kinabibilangan ng mga ordinaryong mamamayan. Pinipili mula rito ang mga local na lider. At
ang pangatlo ay binubuo ng mga taong may utang na hindi na nila kayang bayaran.

Mahalaga para sa kanila ang pag-aasawa. Madalas ay inaayos ng mga magulang


ang kasal. Pakatapos makasal ay bubuklod sila sa kanilang mga pamilya. Pinahihintulutan
nila ang polygamy subalit iilan lamang ang may ganitong kaso. Mayroon ding diborsyo subalit
ipinagbabawal lalong-lalo na kapag may mga anak na sila.

Ang mga Tagbanua ay may sariling mitolohiya at naniniwala sila sa diyos at diyosa.
Isa na rito si Mangindusa, ang nakalalamang na diyos na siyang namamahala sa
pagpaparusa sa mga nagkasala; si Polo, ang Diyos ng karagatan at siyang tinatawag kapag
may nagkakasakit; sedumanodoc, ang diyos ng mundo at siyang sinasabi upang magkaroon
ng masaganang ani; at si Tablacoud – ang diyos sa ilalim ng mundo. Bukod sa kanila,
naniniwala rin sila sa mga diwata na siyang nagkokontrol sa ulan katulad ng asawa ni
Mangindusa.

Gawain 3

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

I. Instruksyon: Mainam na ipaliwanag:

1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura ng Ati-Atihan ng Aklan sa Pista ng


pintados.
96

2. Mag-interbyu ng 3-5 na tao sa inyong lugar hinggil sa kanilang opinion sa


pagkakaroon ng tatu. Sikaping iba-iba ang age bracket at estado sa buhay
(propesyon) ng mga interbyuwi.

II. Instruksyon: gawin ang mga sumusunod:

1. Ibigay ang tatlong social class sa komunidad ng Tagbanua, at ang papel na


ginagampanan nila.

Social Class Gampanin

2. Anong bahagi ng kultura ng mga Tagbanua ang kailangan mong intindihin? Bakit?
97

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Final na Markahan – Modyul 3:

Ikaapat na Linggo (Ang mga Lumad sa Mindanao: Ang mga


B’laan, Ang mga Mandaya, Kaamulan Festival, Ang mga
Mansaka, Ang mga Mamanwa)
98

Aralin 3 – Ang mga Lumad sa Mindanao:


Ang mga B’laan, Ang mga
Mandaya, Kaamulan Festival,
Ang mga Mansaka, Ang mga
Mamanwa

3.1 ANG MGA B’LAAN

-ni Nelia Orpiano-Du

Ang mga B‟laan ay sakop ng unang pangkat ng mga Indonesian na dumating at


nanirahan sa Pilipinas mga 5000 o 6000 taon na ang nakakaraan. Sila ang unang gumagamit
ng Bangka bilang paraan ng kanilang transportasyon patungong Pilipinas. Maraming mga
antropolohista ang makapagtutunay na ang pangkat na ito ay nagmula sa Indonesia dahil sa
pagkakatulad sa sistema ng ponemang patinig ng mga B‟laan at ng mga Javanese sa Java.
Pareho silang may pitong ponemang patinig. Mas gugustuhin ng mga B‟laan na tawagin
silang B‟laan kaysa Bi-la-an dahil para sa kanila ang pagbigkas na Bi-la-an ay
nangangahulugan ng kawalang galang at kabastusan. Ayon sa isang interbyu sa grupong
ito, ang pagbigkas nito na Bi-la-an ay nangangahulugang “malandi” o “kalandian”. Ang
terminong B‟laan ay tumutukoy sa mga miyembro ng etnikong grupo na noon ay tinatawag
na Bira-an, Bara-an, Blaan o Bi-la-an. Ang “Bila” ay nangangahulugang kaibigan. Ang mga
Blaan ay mga tao sa bundok. Karaniwan silang nakatira sa mataas na bahagi sa mga
bulubundukin sa North Cotabato, Davao at Saranggani Islands. May ilan ding nakatira sa
palibot ng Lake Buluan at ang ilan naman ay naninirahan malapit sa mga dalampasigan ng
Davao.

Bago dumating ang mga kristiyano, ang political na teritoryo ng B‟laan ay nahahati sa
maliit na baryo. Ang pamayanan ng B‟laan na teritoryo ng B‟laan ay pinangungunahan ng
datu o village chief na tinatawag na fulong (wise). Ang fulong ang pinakamatanda at
pinakamaalam sa baryon a itinuturing na maykaya sa buhay dahil sa pagkakaroon ng ginto,
alipin, at iba pang kultural na kagamitan. Ang fulong ay hindi dumadaan sa pormal na pagpili.
Hindi rin siya humihingi ng mga bagay-bagay bilang pagkilala sa kanya ngunit maaaring
magbigay ang mga tao tanda ng kanilang paggalang sa kanya. Ang may kayang fulung ay
maaaring mag-asawa ng higit sa isa hanggang kaya niyang supurtahan. Itinuturing siyang
pinuno, tagapagsanggalang , tagapamagitan, at tagapagbigay ng solusyon sa mga suliranin.

Sa tradisyon na sistema, ang kapangyarihan ng fulong ay eksensibo. Siya ang


itinuturing na pinuno sa isang lugar, awtoridad sa pagpapatupad ng batas at hustisya, at taga
pag-ugnay sa iba pang fulong. Sa kasalukuyan, ang fulong ay hindi na nagpapataw ng
parusa sa kanyang kapwa B‟laan maliban na lamang na lamang sa miyembro ng kanyang
pamilya. Sa kasalukuyan, sumusunod na ang mga B‟laan sa batas na ipinapatupad sa
Pilipinas.

Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga B‟laan ay ang pagkakaingin, o inigo sa


kanilang wika. May dalawang magkasalungat na paliwanag tungkol sa relasyon sa lupa ng
99

mga B‟laan. Ang una, ang kaingin ay resulta ng paraan ng pamumuhay ng B‟laan na palipat
lipat ng lugar dahil iniisip nilang hindi kailangan ng permanenting lupa para sa kabuhayan. At
ikalawa, ay dahil sa kalikasanng kaingin kaya napipilitan lumipat ng lokasyon ang mga
B‟laan at bumalik sila kung maayos na ang lupa na kadalasan ay pagkatapos ng isang taon.
Palay at mais ang unang itinatanim pagkatapos ay kamote at iba pang pananim.

Ang pagdating ng mga Kristiyanismo ay nagbunsod sa pag-iwan ng mga B‟laan sa


kanilang minanang lupa. Ag lupa ay inangkin nan g mga nandarayuhang pamilya. Ang
pagkakaingin ay itinigil nan g karamihan sa mga B‟laan. Karamihan ay nagging tenant o
nangungupahan na lamang at ang iba naman ay nagging katulong ng mga Kristiyano.

Ang B‟laan ay naniniwala sa pagkakaroon ng pinakadakila sa lahat na kinikilala


nilang D‟wata (God). Siya ang itinuturing na Mele (planter) ng Langit (heaven) at Tana (earth)
at lahat ng bgay sa daigdig. May tinaguriang din silang L‟nilong (fairies) namas mababa sa
diwata. Para sa mga B‟laan , ang kalikasan ay ipinagkakatiwala sa kanila upang
pangalagaan. Ang L‟nilong ay hindi manlilkkha sapagkat ang D‟wata lamang ang manlilikha.
Bilang Snalig (tagapangalaga), sila‟y karaniwang tinatawag naM‟fun Mahin ( owner of the
sea), M‟fun D‟lag (owner of the forest). Ibigsabihin, ang Panginoon ang manlilikha ang mga
L‟nilong (faires) ang taga pangalaga at ang mga tao ang gagamit ng kalikasan upang
mapakinabangan.

Para sa mga B‟laan, hindi banal ang pag-angkin sa kalikasan tulad ng hangin, lupa,
tubig, gubat, at iba pa. Para sa kanila ang lupa ay likha ng Panginoon at hindi maaaring ariin
ng sinumang nilalang. Maaari itong gamitin sa tamang paraan upang mapakinabangan. Kung
hindi sisirain ni M‟fun Tana ang lupa sa loob ng lindol o pangguho at pagkawasak. Kaya‟t
sinasaka ng mga B‟laan ang lupa sa loob nng isang taon. Ang pagtatanim ng palay na
tumatagal ng limang buwan (Mayo-Oktubre), samantalang sa susunod na limang buwan
naman ang sa kamote (nobyembre-Matso). Pagkatapos nito ibabalik ng mga B‟laan ang lupa
sa komunidad at lilipat ng ibang lokasyon upang isagawa ulit ang pagtatanim.

Ang ibang B‟laan ay naimpluwensyahan ng kristiyanismo. Karamihan sa mga


nagging Kristiyano ay nagging protestante na bahagi ng Cristian Missionary Alliance Church
of the Philippines (CAMACOP), United Church of Christ of the Philippines (UCCP), at iba pa.
ang ilan naman ay Katoliko. Tinatayang 40% ng mga B‟laan ay nagging Kristiyanismo.

Ang bahy ng mga B‟laan ay may taas na anim hanggang sampung pulgada mula sa
lupa at may hagdan na binubuo ng tatlong baiting. Ang haligi ng bahay ay yari sa ipil-ipil o
gemilina. Ang dingding ay tari sa kawayan at kogon naman ang ginagamit na pang-atip. May
isang kwarto lamang ang mga B‟laan. Iisa ang nagsisilbing sala at kusina nito. Nakasabit sa
mga dingding ang mga sandata na gawa sa kahoy tulad ng espada, kutsilyo, itak, at iba pa.
ang silong ng bahay ay nagsisilbing kulungan ng mga alagang hayop tulad ng manok, pato
at kambing.

Ayon kay Javier (1998), parehong nagsususot ng tela na yari sa abaka ang
kasuutang pantaas ng mga B‟laang babae at lalake. Ang mga bulsa ng mga babae
napapalamutian ng mga makikinang na mga materyales tulad ng mga beads at mga butones.
Ang mga dyaket ng mga ay di-gaanong burdado.
100

3.2 ANG MANDAYA: WIKA AT KULTURA NG SANGAB, CARAGA, DAVAO ORIENTAL

- Nina Raymund M. Pasion, Marilyn C. Arbes, Juliet C.Cebrero, Fairuz m.


Dalandangan

Ang pag-aaral na ito ay nakasentro nalang isang tribu ng Davao Oriental, ang
MANDAYA, particular ang nasa Sangab, sa Munisipalidad ng Caraga, Brgy. Pichon, Davao
Oriental.

Hindi rin maipagkakaila, na marami nang pagbabagong nangyayari sa tribung ito sa


kasalukuyan. Ngunit, sa Brgy. Pichon, kapansin-pansin na nananatili pa rin ang kanilang
katutubong pamamaraan.

Ang katagang Mandaya ay nagmula sa salitang “man” (tao) at “daya” ( itaas na


bahagi ng ilog). Kaya ang Mandaya ay tinatawag sa Ingles na Inhabitants of the uplands.

Ang Mandaya ay karaniwang naninirahan sa bulubunduking bahagi ng Katimugang


Mindanao sa Davao del Norte, Compostela Valley province, Agusan del Sur, at Davao
Oriental. Sa Davao Oriental ang may pinakamaraming populasyon ng mga Mandaya.

Ang Sangab ay matatagpuan sa Silangan bahagi ng Mindanao sa lalawigan ng


Davao Oriental, sa munisipalidad ng Caraga, Brgy. Pichon. Mula sa poblacion ng Caraga,
amy apatnapung (40) kilometro ang layo at may isang libo at dalawang daa (1200) na
talampakan ang taas mula sa dagat ang Sangab.

Mahirap ang pagpunta sa nasabing lugar dahil sa malayo at lubak-lubak ang daan,
kaya umaabot ng hanggang isang libong piso ang pamasahe sa motorsiklo na tinatawag na
habal-habal. Tanging motorsiklo lamang ang sasakyang pampasahiro para makarating
lamang sa tuktok ng Sangab. Minsan, kung may marami na silang produktong abaka, mais,
at mga gulay na ibibinta sa bayan ay hinahakot ito ng sadam na isang uri ng sasakyan tulad
dump truck.

Sa Brgy. Pichon at Sityo Sangab, lubos nilang napapanatili ang kasuotan nilang
Mandaya, gayundin ang paghahabi nito na tinatawag ilang dagmay, isang hinabing telang
mula sa abaka.

Ang Sityo Sangab ay isang lugar na tahimik, walang nagsasalinbayang mga


sasakyan, malayo sa polusyon, at walang gulo. Ang mga taong naninirahan dito tulad ng
matatanda- babae man o lalake, ay nasa kanilang sakahan upang magtrabaho. Lunes
hanggang Sabado ng umaga ang iniuukol nila sa kanilang pagtrabaho sa bukirin. Tuwing
Sabado ng hapon naman, silay umuuwi na sa kanilang mga tahanan upang paghandaan ang
misang dadaluhan sa araw ng Linggo.

Walang sinumang makakapasuk sa nasabing lugar (Sangab) kung walang pahintulot


ang kanilang tinaguriang datu o tribal chieftain.

Hindi rin masabing malayo sa kabihasnan ang lugar nakikita rito ang bunga ng
teknolohiya. Mayroon naman nakikisabay sa kung ano ang uso sa kasalukuyan. Hindi naman
kasi lahat ay tinatanggap sa tribu. Nariyan ang Mangkatadong (council of elders), na
nagsususmikap sa pag-alala sa mga kabataang produkto ng bagong henerasyon kung ano
101

ang katanggap-tanggap sa kanilang lipunan. Isa na rito ang mahigpit na pagbabawal sa


paggamit ng maiksing pantot (short) para sa mga babae dahil taboo para sa kanila ang
pagsusuot nito.

Ayon kay Ernesto I. Corcino, isang manunulat ng Davao History ang mga Mandaya
ay walang kaibahan sa ibag grupo sa kanilang sosyal na Gawain at sa kanilang
pananampalataya. Mahirap tukuyin kung ito ay matatawag na sosyalisasyon o panama o
mamamalagi sa kanilang pamayanang Mandaya dahil mahihirapan talagang makapaglikom
impormasyon tungkol sa kanilang tribu.

Nakasanayan ng mga Mandaya nab ago magsimula sa anumang mga Gawain ay


dapat manawagan o manalangin sa Panginoon. Kahit bago umalis ng bahay, dumaan sa
malaking puno o kaya‟y malaking bato, dumaan sa tubig, uminom sa nadaanang tubig,
magputol ng punong kahoy, mangaso, at iba pang Gawain ay kailangan talagang
magpaalam at manawangtawag (prayer offering) sa may-ari. Naniniwala ang mga Mandaya,
na ang tao at lahat ng bagay dito sa lupa at sa langit pati na ang mga bagay na hindi nakikita
ng tao ay may nagmamay-ari. Ang lahat ay ginawa at pag-aari ni Magbabaya (God). Ang
salitang Magbabaya ay galling sa salitang ugat na baya na ang ibig sabihin ay walang
pinagmulan at walang katapusan.

Sa pagsasagawa ng panawagtawag , ang baylan ay gumagamit ng inuming


Mallorca, sa halip na byais (local fermented wine). Ito ay isang patulam-tulam o panulak sa
kailang lalamunan upang hindi sila mahiyang sumagot sa mga nagtatanong sa kanila. May
iba pang nagsasabi na ang pag-inom ay para pampabaag ng ng talinga o pampainit sa
tainga. Ang mga mananaliksik din ay pinainom bilang tanda na sila ay nakikiisa o
pakikisalamuha.

Pagpapakasal at Pag-aasawa

Ayon sa mga nagging impormante, ang pag-aasawa ay isang paraan lamang ng mga
Mandaya upang masunod ang kayamanan o pamana ng mga magulang. Kaya ang mga
magulang ang nag-uusap para sa kanilang mga anak, at kahit sa panliligaw din ay kasama
rin sila, lalong-lalo na kung ang ama ay isang pinuno sa pamayanan at ang anak ay mayroon
ding mabuting pag-uugali at pananaw sa kanilang lipunang ginagalawan.

Sa mga babae naman, pinapaburan ila ito kung siya ay gimbubayan- ibigsabihin ay babaeng
marunong gumawa ng mga gawaing ng lalaki, gaya ng pangangaso.

Walang pagkilala o pagtitiyak sa taon kung kalian mag-aasawa ang isang babae o
lalake. Sila ay naniniwala na kung biologically fit na ang mga ito ay pwede na. ang gusting
mag asawa ay madedetermina lang kung ang mga lalaki ay marunong nan g mangaso,
magtayo ng bahay, magsaka, at iba pa; samantalang ang mga babae naman ay kung
marunong nang magluto, magtanim, at gumawa ng iba pang Gawain sa bahay.

Ang gawaing pag-aasawa at pagpapakasal ng isang babae at lalaki ay hindi biro at


kailangan itong sumunod sa mga hakbang tulad ng mga sumusunod:
102

1. Pagdali-dali. Dito, ang lalaki ay kailangan bumisita o pumunta lagi sa bahay ng


babae.
2. Pagatud-atod. Isang bahagi ito ng pamanhikan na ang lalaki ay magdadala ng mga
pagkain sa bahay ng babae.
3. Pagkagon. Dito dadalhin nan g lalaki ang kanyang mga magulang upang ipakilala sa
pamilya ng babae at kaibigan. Sa panahong ito ay kailangan nang pag-usapan ang
sukat (dowry) ng babae.
4. Pagtawas. Tumutulong na sa mga Gawain ang lalaki sa pamilya ng babae.
5. Pagbutang ng sukat. Dito susubukin ang kakayahan ng lalaki ng pamilya ng babae.
Sa pagsubok na ito, ang mga magulang ng babae ay magpapahayag ng kanilang
mga kahilingan (sukat). Ito ay isang pagsubok na kapag matugunan ng lalaki ang
kahilingan ng mga magulang, nangangahulugan itong kaya nang buhayin o
supotahan ng lalaki ang babae.
6. Pag-ol‟lonan. Ang lalaki ay magbibigay sa babae ng regalo na sasakdsihan ng mga
magulang at kaibigan ng dalawang panig.
7. Pagtutuonan. Ito ang panahon ng kasal. Isa itong seremonya na lahat ng tao sa
pamayanan ay imbitado. Ito ay gagawin sa bahay ng babae kasama ang mga
mangkatadong (council of leaders) at balyan. Ang babae ay papayuhan ng kanyang
ina at ang lalaki naman ay papayuhan ng mga mangkatadong at balyan at iba pang
respetado sa pamilya. Pagkatapos ng mga payo ay susunod ang pagdarasal ng
balyan at idedeklara na ang kanilang pagsasama. Susunod na rito ang salo-salo.
Unang-unang pagsisilbihan ang bagong kasal. Bibigyan ng kanin ay byais. Sumunod
ang mga mangkatadong, balyan, mga magulang at ibang mga paunahing dumalo.
Magkakaroon din ng sayawan, inuman at kantahan.
8. Pagdudul‟logan. Pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay uuwi sa kaniyang bahay at iiwan
ang babae sa mga magulang. Makalipas ng tatlong araw, pwede na silang magsiping
sa bahay ng babae sa isang gabi lamang. Mayroon na naming kainan na ihahanda
para sa mga kaibigan na hindi nakadalo sa pagtutuonan.
9. Pagdadal‟laan. Ito ang katapusan proseso n gag-aasawa kung saan ang babae ay
dadalhin na sa bahay ng lalaki.

Panganganak

Sa pagbubuntis, ang Mandayang babae ay palaging hinahalasan o pinapahiran ng


mga halamang gamut. Pagdating ng ikalimang buwan ay hinihilot ng manghiulot. Ang
mananabang dinay gumagamit ng mga tagal‟lumo( mga bagay-bagay o halaman na
pinagsama-sama/pinaghalo-halo para panggamot). Kadalasan ay galing ito sa panaginip o
kaya‟y itinuro ng kanilang abyan. Ang iba naman ay pamana ng pamana ng pamilya,
magulang o kaya‟y angkan.

Hinihilot ng mananabang ang tiyan ng isang buntis para mapabuti ang lagay ng bata
sa loob ng tiyan at para pagdating ng kanyang kapanganakan ay hindi na siya mahihirapan.
Pagsapit ng ikasiyam na buwn panahon nan g kanyang panganganak. May palatandaan ang
mananambang kung babae o lalaki ang sanggol. Nakadependi sa porma ng tiyan o katawan
ng babae.
103

Sa panahon ng panganganak, ang buntis ay hinhaplasan ng tagal‟lumo para


pampadulas upang mapadali ang paglabas ng bata. Sa pagsilang ng bata agad na puputulin
ang pusod, lilinisan, payuyukuin, at pipikpikin o kaya‟y kukurutin para umiyak na
palatandaang buhay ang bata. Ang gamit sa pagputol ng pusod ay lais, kawayan na matalas
ang gilid at nagsisilbing kutsilyo.

Pagkatapo ng panganganak, ang mananabang ay bibigyan ng mga gamit o di kaya‟y


pera o hayop bilang pasasalamat.

Pagkalipas ng tatlong araw, ang ina at sanggol ay pwede nang maligo. Ang tubig na
gagamitin ay lalagyan ng sagbong (gabon) o kaya‟y dahon ng kalamansi. Naniniwala sila na
bukod sa mabango pangontra dinito sa panuhot. Hindi maaaring magbuhat ang ina ng
mabibigat na bagay para hindi ito mabinat. Pinipigaan ang pusod ng sanggol ng marguso
(dahon ng ampalaya) pagkatapos maligo.

Sa ikatlong araw, ang pamilya ay mahhahanda na para sa gagawing bunong, isang


ritwal para sa bagong silang na sanggol. Sa bunong ay magkakaroon din ng seremonya.
Lahat ng kapitbahay at mga kaibigan ay inaanyayahan upang saksihan ang gagawing
pagbunong. Isang espesyal na panauhinang mananabang bilang tanda ng pasasalamat.

Sa ginawang pag unong, ang bata ay ippapakita at ipapakilala sa mga taong dumalo.
Maghahanda ng masasarap na pagkain. Dito rin ginagawa ang pagbibigay ng mga bagay-
bagay o regalo ng mga dumating sa paniniwalang mapadadali ang paglaki at malalayo sa
sakit ang sanggol.

Pagdiriwang ng Kaarawan

Sa tradisyunal ng mga Mnadaya, ang pagdiriwang ng kaarawan ay hindi sinusunod.


Tanging bunong (bagong silang) lamang ang kanilang ipinagdiriwang.

Noong unang panahon, kapag may ipinanganak na sanggol, ang ama ay agad na
magtatanim ng punong kahoy sa kanilang bakuran para maging kasabay ito sa paglaki ng
kanyang anak. Ang punong kahoy na itinanim ay magsisilbing tanda rin ng edad ng sanggol.

Ang Kamatayan at ang paglilibing

Ang Mandaya ay naniniwala na kung may namatay, ito ay kinukuha na ni Ibol‟l. si


Ibol‟l ay naninirahan sa ilalim ng lupa at nag-aari sa mga patay.

Sa Mandaya, kapag namatay ang isang tao, isang araw lamang itong paglalamayan
bago ilibing. Maaaring ilibing sa lupa o kweba, o di kayay ibinibitin sa itaas ng malaking
punong kahoy.

Ang patay ay babalutan ng kumot at gagawan ng retwal bago umalis sa bahay.


Kasamang ililibing o ipadadala ang mga gamit ng namatay. Tinatawag nila itong unong. Ang
iba naman ay naglalagay ng gamit ng patay sa ibabaw ng puntod nito at tatamnan ng
halamang malisa, kilal‟la, at tubo. Ito ay tanda ng kanilang mga labi. Sa pag-uwi naman
104

ng bahay , ang mga nakipaglibing ay pinapaghuhugas ang kamay sa isang palanggana o


tabo na may halong mga halaman, gaya ng diat.

Sila ay magkakatay rin ng karne ng baboy upang ipamigay sa mga taong tumulong
sa paglilibing. Ang asawa ng namatayan ay maglimbo(magtatalukbong ng dagmay) sa loob
ng pitong araw, at pagkatapos nito ay pwede nang maligo at magtrabaho.

Pananampalatay

May ritwal na ginagawa ang mga Manday bilang paraan ng kanilang pasasalamat at
paghingi ng kapatawan sa mga nagawang kasalanan kay Magbabaya(God).

Ito ay kailangan upang suyuin ang masasamang espiritu upang hindi manggulo sa
mga tao. Pinaniniwalaan din ng mga Mandaya na habang nabubuhay pa ang tao dito sa
donya (mundo) ay maraming mga manudyaay (tukso) ang maaring maganap kaya
kinakausap at humihingi sila ng tulong sa mga espiritu. Ngunit ito‟y hindi nangangahulugan
kanila na itong sinasamba.

Ang Mandaya ay lubusang naniniwala na ang lahat ng bagay ay talagang may


nagmamay-ari kaya, dapat lamang magbigay-galang gayundin ang pagpaalam sa mga
espiriti na naninirahan tulad ng nasa punongkahoy o di kaya‟y sa ibang lugar.

Gamot

Sinasabi ng mga katutubong Mandaya na ang kagubatan ay nagsisilbing nilang


palengke at parmasya sapagkat dito sila kumukuha ng kanilang pang-araw-araw na pagkain
at gamut. Kung ang gubat ay mawawala sa kanilang buhay, para na ring nawala aang
kanilang kabuhayan, gayundin ang kanilang kultura.

Paniniwala sa Sakit

Kung may sakit ang tao, pinaniniwalaan nilang walang masamang espiritu na
sumanib, dumapo o di kaya‟y nakialam sa katawan ng tao. Marahil, dahil hindi niya nirespeto
o di kaya‟y nakaligtaan niyang magpaalam sa mga naninirahan espiritu sa lugar na kanyang
napuntahan. Kung ang lugar na iyon ay bawal puntahan, kailangag tandaan at huwag
talagang puntahan upang walang masamang mangyari.

Pampaganda

Para sa tribong Mandaya, ang kagandahan ay makikita sa ugali lalong-lalo na kapag


ang babaeng Mandaya ay Byagid o byabagid o ang ngipin nito ay pinutulan. Ang mga babae
ay dapat kompleto sa gamit, mula sa byatataan(embroidered blouse), linangaw(kwentas),
balikog (hikaw). Pamul‟lang( set ng pulseras), kurbata (breast cover made of beads) at iba
pa.
105

Ang mga sangkap na kanilang ginagamit sa pagpapaganda ay kinukuha lamang nila


sa mga halaman at bulaklak na tumutubo sa kagubatan. Ito ay kanilang dinudurog,
ipinapahid sa kanilang mga mukha upang pumuti at mawala ang taghiyawat.

Pagluluto

Ang pagluluto ng Mandaya ay di –pangkaraniwan. Ang lahat ay niluluto sa kawayan.


Kung bigas ang lulutuin ito ay tinatawag na yumbol‟l. gamit ang kawayan ay babalutan ito ng
dahon ng halaman bagikik. Ang karne, pasayan (malaking hipon), kasili (igat), at iba pang
ulam na niluluto sa kawayan ay tinatawag na lul‟lut. Kung ang isda o karne ay iihawin ay
tiinatawag itong sinugba.kung ito naman ay binalot sa dahon ng saging at iihawin, ito naman
ay tinatawag na bungos. Napakasarap nito kapag kompleto sa katutubong mga sangkap
kagaya ng dul‟law (turmeric), kabuwayna, sibuling (native na sibuyas na may dahon), luya,
kalabo (oregano) at tanglad. Ang mga sangkap na ito ay gamit din na mga gamut nila.

Ilang Pamahiin

a. Ang pagputol ng puno ng balite ay napakadelikado sapagkat bahay raw ito ng mga
engkanto o aswang. Kung gagalawin ito ninuman, sila‟y magkakasakit.
b. Kung may namatay, kailangan maglagay ng apoy sa ibaba ng bahay para hindi
lapitan o makain ng aswang ang patay.
c. Kapag ang isang babae ay buntis, kailangan mayroon siyang dalang suwa(bawang)
lalong-lalo na sa kanyang kwarto upang hindi malapitan ng aswang. Pinaniniwalaan
na ang mga sanggol ay paboritong putahe ng aswang.
d. Upang hindi mahirapan sa pangaganak ang isang buntis ay hahakbang iya ng
kanyang biyenang babae ng pitong (7) ulit upang ang sanggol ay medaling lumabas.
e. Hindi rin pwedeng kumain ng buguk o hindi napisang itlog dahil ito raw ay
nakakatamad.
f. Ang mga dalagang babae ay hindi dapat kumain ng tiwi (buntot) ng manok upang
hindi ito maglalandi o magakiwot-kiwot(kekembot-kimbot)
g. Ang mga dalaga o buntis na babae ay bawal kumain ng magkadikit na pagkain gaya
ng saging, upang hindi magdoble ang kaniyang asawa o kaya‟y upang hindi rin
magkadikit ang magiging mga anak.

Mga Taboo

Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga ipinagbabawal ng katutubong


Manyakan:

1. Bawal pagtawanan ang mga nakikitang hayop na nagtatalik baka kumulog at


kumidlat.
2. Bawal makipag-asawa ng kapamilya baka ang anak ay maging abnormal.
3. Bawal tumawa kapag may kulog at kidlat baka ikaw ay kainin ng kidlat.
106

Konsepto sa Oras

Ang mga Mandaya ay may kakaibang konsepto o sinusunod na oras. Ito ay


naiihayag lamang sa pagmamasid sa araw, mga bituin at sa nakapaligid na mga hayop. Ito
talaga ang nagsisilbi nilang orasan. Halimbawa, kung ang araw ay nakasentro sa gitna ng
bahay, tanghali na. kung maririnig ang unang tilaok ng manok sa medaling araw, ito ay
nangangahulugang ala una na ng umaga. Kapag nagpapalitan na ng mga tunog ang inahing
manok, ito ay nangangahulugang alas tres na ng medaling araw.

Ang ibong Kal‟law naman ay nagtatakda rin sa kanila ng oras. Ito ay humuhuni
maya‟t maya na may interbal rin sa kanila ng oras sa buong araw.

Konsepto sa Langit at sa Kabilang Buhay

Ang matatandang Mandaya ay naniniwala na ang sanlibutan ay binubuo ng tatlong


leyer. Una, ang mga nilalang na nasa ilalim ng lupa ay tinatawag na ugsuban.

Kabilang na ditto sa Ibol‟l, na nagmamay-ari ng mga patay.

Ikalawa, ang mandal‟luman na tumutukoy sa mga tao. Ditto sa mundo ay maraming


tukso. Kaya kailangan ng tao ang ritwal para kaibiganin o suyuin ang masasamang ispiritu
upang hindi magalit sa tao.

Ang ikatlong leyer ay tinatawag na pagawanan, kung saan bahagi nito ang langit. Sa
langit naninirahan si Magbabaya (God). Ang naninirahan sa langit ay hindi na kailangan
kumain dahil ito ay napakasayang lugar at napakabango. Pinaniniwalaan nila na ang bango
ang siyang nagsisilbing pagkain ng mga naroroon.

Mga Paniniwala sa Ilang Natural na Kalamidad

Lindol. Pinaniniwalaan ng Mandaya na may nakatirang napakalaking kasili (eel) sa


ilalim ng lupa. Kapag lumilindol, pinaniniwalaan nilang gumalaw ang kasili dahil maaring
nasaktan ang bahaging katawan nito o di kayay nainitan o nalamigan nang sobra.

Eklipsi. Pinaniniwalaan ng Mandaya na ang sanhi ng eklipsi ay ang pagkagat dawn g


ibong tambanukawa sa araw.

Bagyo. Ang Mandaya ay naniniwala sa samot, ang malakas na hangin at ulan na


nananatili sa kalawakan at biglang bumagsak sa isang lugar.

Bago pa bumagsak ang samot ay nababatid na ng matatanda ang mga senyales nito
sa pamamagitan ng pormasyon ng mga bituin,ibon at bubuyog.
107

3.3 KAAMULAN FESTIVAL: ISANG TAUNANG SELEBRASYON SA PROBINSYA NG


BUKIDNON

-nina NENITA Rebecca Y. Casten, Shandra G. Dimaudtang, Nelia O. Du, at Julie


Ann Asari-Orobia

Paglalarawan at Pagkilala sa Lugar

Kilala ang Bukidnon bilang Pineapple Capital of the World. Ang malamig na lugar na
ito ang lalong nakapag-eengganyo ng mga turista mula sa malalayong lugar at mga karatig-
lugar. Isa hanggang tatlong buwan ng hilagang bahagi ng lugar ang nakararanas ng malakas
na bagyo ang probinsya dahil napapalibutan ito ng matataas na bundok. 24.04 digri selsyus
ang kadalasang temperature at hindi bumaba sa 18.5 digri selsyus ang kadalasang
temperature at hindi bumaba sa 18.5 digri selsyus.

Isang agrikultura na lugar at lupain ang Bukidnon. Pangunahing iniluluwas na mga


produkto ay palay, mais tubo, kape, goma, niyog, kamoteng kahoy, palm oil, iba‟t ibang klase
ng bulaklak tulad ng rosas, calla lilies, babies breath, orchids, daffodil, dalandan, saging,
lansones; mga gulay at rekados tulad ng repolyo, labanos, patatas, asparagus, broccoli,
lettuce, carrots, cauli flower, sweet peas, kalabasa, atsal, sibuyas na dahon, kamatis, luya.
Nangunguna din sa pag prodyus ng mga manok, baboy at baka ang probinsya.

Paglalarawan sa mga Tao

May siyamnapu‟t limang prorsyento (95%) ng populasyon ng Bukidnon ay Pilipino st


limsng porsyento (5%) naman ay mga Britanyo, Amerikano, Indonesyo, Tsino at Koreano.
Ilan sa mga banyagang ito ay mga mangalalakal at negosyante, at ang ilan naman ay nag-
aaral, nagsasaliksik, o kaya‟y may relihiyosong misyon at kasapi sa turismo. Sebuano ang
pangunahing wikang gamit ng mga Bukidnon. Ang ilang wika ay Bisaya-Hiligaynon at
Binukid.

Iba pang Etnikong Grupo ng Bukidnon at Paraan ng Pagdiriwang ng Kaamulan

Bawat taon, tuwing buwan ng Marso, ang Bukidnon, bilang sentro ng pinyahan sa
pilipinas, ay nagdiriwang ng Kaamulan Festival. Ito ay pestang Etnikong-kultural. Ang
katawagang Kamulan ay mula sa wikang Binukid na amul na nangangahulugang “lipunang
pagtitipon”. Ito rin ay nangangahulugang ritwal ng mga datu ulad ng seremonya sa kasal,
piyesta ng pasasalamat gaya ng pag-aani, kasunduang pangkapayapaan, at iba pa.
ginaganap ito sa syudad ng Malaybalay na at ipinagdiriwang ng pitong etnikong tribu:
Bukidnon, Higaunon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon at Umayamnon. Ilang
katutubong tribu ang nagpepresenta sa pitong kabundukan upang maipakita ang kanilang
naggagandahang kasuotan at palamuti gaya ng kwintas, pulseras, hikaw, magagandang
dekorasyon sa ulo at mga anti-anting. Sabay-sabay na sumasayaw, kumakanta at
nagpapakita ng kanilang ritwal ang mga grupong ito. May paligsahan din sa iba‟t ibang
isports. Ang kanilang wika ay napagaralan na ng mga linggwista. Ito ay anak ng wikang kilala
108

sa tawag na Protong- Manobo at pinaniniwalaang lumipat sa katimugang bahagi ng


Mindanao mga ilang siglo na ang nakaraan.

Ang kaamulan Festival ay kaisa-isang etnikong piyesta ng Pilipinas na kasabay rin sa


araw ng pagkakatatag ng Bukidnon noong 1971 at inaabangan ng lahat. Mga etnikong
pantribung awitin, mga sayaw, laro, gawaing pangkamay o handicraft, at mga ritwal ang
pumapaloob sa piyesta na nagging masayang okasyon para sa lahat bilang pagbabalik
tanaw sa nakaraan. Ang nakaagaw pansin at nakaeengganyo sa puso ng karamihan ay ang
awtensitidad o tunay na tatak ng mga katutubo o mga nitibong nagpapakita ng kanilang mga
Gawain. May pangampo o pangkalahatang pagsamba; tagulambong hu Datu o ritwal ng
bagong datu sa isang lipunan; Panumanod p seremonyas ng mga ispiritu; at pamalas o rtiwal
ng pagbabayad ng kasalanan. Bawat seremonya ay napakaimportante sa kanila dahil
sumasalamin ang mga ito sa mayaman at kakaibang kultura ng Bukidnon.

Tampok sa piyesta ang iba‟t ibang exhibit tulad ng ma halamang doon lang makikita,
trade fair, iba‟t ibang putahe, mga bazaar, live stock show, agri fair, Motocross, paligsahan ng
off-road, mga isports, karerahan ng mga kabayo o horse radeo, amatyur na boksing,
invitational basketball tournament, adventure races, mga konsyerto at pagsasayaw sa daan o
street dancing at mga magagarang float ng bawat tribung inirerepresenta nito.
Nakamamanghang tinganan ang pagsuot ng mga kakaibang disenyo ng mga katutubong
gamit at damit at mga sariwang bulaklak, gulay at prutas sa parading ito. May mga
banderitas at bandera na makikita sa buong lugar at ang tugtugin o ang musikang maririnig
ay purong etniko. Sa bandang hapon, may dance clinic na pinangangasiwaan ng mga
Indigenous People (IP) gamit ang kanilang mga katutubong tambol at iba pang
instrumentong musical. May mga awitin mula sa kanilang mga epiko-pagsasalaysay ng
limbay, pag-awit ng idangdang, bayok-bayok o mga berso, mga bugtong na tinatawag na
antoka, nanangon o folktales, tuwing gabi, nagkakaroon ng pagdedebate sa pag-alam ng
pinagmulan ng lahi.

Sa kasalukuyang, ang kaamulan ay umuunlad habang dumaraan ang panahon hindi


lamang ang etnikong tribu ng bukidnon, kundi pati na rin ang kanilang mga produktong
iniluluwas at local tribu ng Bukidnon, kundi pati narin ang kanilang mga produktong iniluluwas
at local na establisamento ng buong probinsya. Sa bagong henerasyon, ang matatandang
katutubo at ang mga bumibisitang banyaga ay nagging daan upang makilala at
mapahalagahan ang kultura ng Bukidnon. Ang lahat ng ito ay karapat-dapat lamang na
maipamana sa susunod na salin-lahi.

Pinagmulan ng Kaamulan Festival

Ang selebrasyon ng piyesta sa Munisipalidad ng Malaybalay ang kauna-unahang


kaamulan Festival na ginanap noong Mayo 15, 1974. Sa pagnanais na mapanatili ang
piyestang ito, ang bise alkalde ay nag isip- na imbitahin ang mga taal na katutubo na
makisalo sa kanilang selebrasyon, at magtanghal ng ilang etnikong sayaw sa kinikilala
ngayong Rizal plaza. Hindi nila lubos maisip na ang kauna-unahang okasyon ay nagging
popular dahil sa isang reporter ng Manila Times na nagging bisita ng bise-alkalde. Sinulat
niya ang lahat ng nangyayari sa isang nasyunal na magasin at ditto nagsimula ang pagkilala
109

sa kaamulan. Ang Festival ay pinagtibay bilang rehiunal na Fesyival na Hilagang bahaging


Mindanao ng Regional Ddevelopment Council noong Setyembre 16, 1977.

Sa pagitan ng taong 1960 hanggang 1970, bawat indibidwal ay nagpunyaging buuin


ang selebrasyon bilang paggalang sa mga nagging kontribusyon ng mga katutubo ng
Bukidnon lalo na sa kanilang kultura. Sa buwan ng Nobyembre 1977, pinangunahan ng
gobyernong probinsyal ng Bukidnon ang kauna-unahang Kamulan Festival. Sa taong 1978
hanggang 1998, ang kaamulan ay napakasunduang idaos tuwing unang biyernes ng
Setyembre. Subalit noong 1999, ito ay inilipat sa kalagitnaan ng Pebrero hanggang
Marso,kasabay na rin sa selebrasyon ng pagkatatag o Foundation Day ng Bukidnon. Ang
kauna-unahang Kaamulan Off Road Challenge at Kaamulan Invitational Shootfest ay
naidagdag na rin bilang isa sa pangunahing kaganapan ng festival noong 2002. Mayroon
ding pagpapakita ng mga kontemporaryong sining ng Bukidnon na tinatawag na bansagen.
Noong 2006, nagkaroon ng kauna-unahang National Folklore Conference at pagsusulat ng
katutubong awit para sa mga estudyante.

Ang mga Kultural na Grupong Kasapi sa Kaamulan Festival

Ang mga Manobo. Nabibilang sa orihinal na proto-Philippines stock ang mga taong
Bukidnon. Kahit na ang grupo ng Bukidnon ay watak-watak, nangingibabaw pa rin ang iisang
tradisyon ng bawat grupo. Ang pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan ay paggawa
ng mga hinahabing damit at mga palamuti tulad ng hikaw, mga malalapad na kuwintas,
pulseras at iba pa.

Ang iba‟t-ibang cultural na komunidad na makikita sa Probinsya ng Bukidnon ay ang


mga grupo ng Manobo, Bukidnon, Higaonon, Matigsalug, Talaandig, Tigwahanon, at
Umayamnon. Ang Arumanen naman ay isang sub-grupo. Narito ang mga pahapyaw na
pagpapaliwanag at pagpapakilala sa mga tribo: ang Arumanen-Manobo ay makikita sa
probinsya ng Hilagang Cotabato. Sila ay napabilang sa orihinal na proto-Philippines stock.
Ang pangunahing pangangailangan ng grupo ay paghahanap ng pagkain at pagsasak.
Parehong hirap sa bigat ng mga trabaho ang kalalakihan at kababaihan. Kinikilalang pinuno
ng Arumanen-Manobo ang Timuay o datu na siyang tumatawag ng mga pagpupulong. Ang
tradisyunal na sosyal na estruktura ng Arumanen ay binubuo ng limang klase. Ito ay ang
Timuay na siyang namamahalang grupo; ang walian o shaman na nangunguna naman sa
espiritwal na aspekto; mandirigma; taong karaniwan o hindi maharlika; at alipin. Sa
kasalukuyang, ang mga Arumanen ay nanatili pa rin sa pagsasagawa ng ilang mga rtiwal
gaya ng

„Samaya-an Festival” na taunang ginaganap sa huling lingo ng disyembre bilang


pasasalamat sa kanilang kinikilalang makapangyarihang diyos/diyosa, at paghahanap ng
mga senyales tulad ng mga grasya o swerte para maiwasan ang mga kamalasan sa darating
na taon, lalo na sa kanilang komunidad.

Ang diyalekto ng Bukidnon ay Binukid. Sila ay kayumangging kaligatan at may


maitim na buhok. Katamtaman lang ang taas (limang talampakan) at hindi pango ang ilong.
Ang panliligaw at pag-aasawa ng mga bukidnon ay inaayos ng kanilang mga magulang sa
edad pa lamang na pito. Nagpapraktis ang kalalakihan ng pagkakaroon ng maraming asawa
110

ngunit ang kababaihan ay iisa lamang. Nangyayari ang kasalan sa pamamagitan ng ammin o
betel hinulmahan ng kanin. Ang sining ng bukidnon ay ipinahihiwatig sa kanilang mga sayaw,
tula at awit, paghahabi ng banig at buslo. Ang instrumentong musika ay mga plawta na yari
sa kawayan, alpang kawayan, isang hiblang biyolin, at hugis bangkang gitara. Gumagawa rin
sila ng mga banig, sombrero, pambitag ng isda, at hinabing tila para sa handicrafts na
produkto ng mga Bukidnon. Ang mga magsasakang bukidnon ay nagpapraktis pa rin ng
tradisyunal na pamamaraan sa pagtatanim ng palay. Bigas, mais, abaka, at mga gulay ang
mga produktong kanilang iniluluwas. Ang kapangyarihan ng isang datu ay nabubuo sa
pamamagitan ng tiwala at kakayahang pamunuan ang kanyang grupo. Tinitingnan ang
kanyang pakikihalubilo at mga tagumpay sa buhay, at hindi nakabatay sa katandaan ang
kanyang pagkadatu.

Ang terminong Higaunon ay nangangahulugang people of the wilderness. Hindi


lamang sa probinsya ng Bukidnon ang kanilang tirahan kundi pati narin sa Agusan del Sur at
hangganan ng Misamis Oriental. Ang etno-ligal na aspekto lalo na sa kultura ng mga
Higaunon ay nagbabago dahil sa pamamalakad ng kanilang datu. Dito sa Bukidnon, ang
principal na pinuno na may maraming angkan ang namamahala sa buong komunidad. Sa
ilalim ng pinuno ay ang mga menor na datu na nagsisilbing tagabantay ng buong komunidad.
Responsibilidad ng pinuno ang tagapamalakad lamang. Ang estado ng isang pinuno ay
namamana at nakukuha sa pamamagitan ng mga karanasan at tagumpay niya sa buhay.
Ipinapasa ng malapit nang mamatay na datu sa isa sa kanyang mga anak na lalaki ang
kanyang katungkulan. Kadalasan, ibinibigay ito sa isang may kakayahang mamahala sa
kanilang lipunan pagdating sa tamang panahon.

ang Matigsalug ay grupo ng Bukidnon na makikita sa lambak ng Tigwa-Salug, San


Fernando. Nangangahulugang “mga Tao sa Ilog ng Salug” ang Matigsalug. Ang mga
kalalakihan ay nakasuot ng maikling-masikip na pantaloon hanggang sa tuhod lamang at
tinuping turbante o telang pamugong sa ulo na may maraming palamuti tulad ny butyl o
beads na may mga buhok ng kambing o kabayo. Tinatayang mahigit sa 146,500 ang
populasyon ng Matigsalug.

Isa sa nagpapatuloy at nagpepepreserba ng kanilang katutubong kaugalian,


paniniwala at praktis ay ang tribong Talaandig kahit na sa malakas na pagpasok ng
modernisasyon at pagbabago. Ang tinatanyang popoulasyon ng Talaandig ay mahigit na
isandaang libo. Ang mga miyembro ng grupo ay makikita sa barangay at munisipalidad ng
Bundok Kitanglad. Ang pinaniniwalaang Diyos ng mga talaandig ay tinatawag nilang
magbabaya. Paniniwalaan nila itong pumprotekto ng kanilang kalikasan at makikita sa sosyal
at pulitikal, at pangkabuhayan na aspeto ng kanilang buha. We gather soil of different colors
and use white glue as paint binder, paliwanag ni Datu Vic Migketay “Wayway” Saway, isang
datu ng lipunan na nagpakilala ng ganitong material na pagpipinta. Nagsasanay na rin siya
ng ilang mga kabataang magpinta at nananalo ang mga ito sa paligsahang rehiyunal at
nasyunal na nagging daan ng pag angat ng kanilang kabuhayan. Tinatawag nila itong soil
painting.

Watak-watak sa buong Munisipalidad ng San Fernando at hangganan ng Davao del


Norte ang Tigwa o Tigwahanon. Ang ibig salitang tigwahanon ay mula sa salitang guwa o
scattered sa Ingles at mula sa Ilog ng Tigwa na kung saan sila nakatira. Sa kasalukuyan, ang
111

mga tigwahanon ng Agusan Del Norte, Bukidno, Agusan del Sur at Misamis Oriental ay
umaabot na sa bilang na 36, 128 ang populasyon.

Ang Umayamnon ay nakatira sa may ilog ng Umaran sa Probinsya ng Bukidnon


kilala ang tribong ito sa kanilang pagkamahinhin, matatag kung magdesisyon at eksperto sa
gubat. Makikilala sila dahil sa kanilang prominenteng panga at buto sa dakong itaas ng pisngi
o cheekbone. Gumagawa sila ng mga butyl o beadworks bilang palamuti sa katawan tulad ng
ginakit at inaboy o kwintas, suning o handbag ng lalaki, at binuklad o pulseras. Ang
populasyon nila ay aabot sa 101, 906.

Ilang mga Kasanayang Kultural

Sa mga nabanggit sa itaas, makikita ang mayamang kultura ng Bukidnon. Narito ang
mga kahulugan o dekskripsyon ng mga praktis ng mga Manobo ang pitong tribu ng Bukidnon
sa isang buong taon.

Una, ang pangampo, isang taunang ritwal na nangyayari tuwing buwan ng Enero na
pumapaloob sa pagdarasal para sa kanilang Diyos na si Magbabaya. Pinepreserba at
pinoprotektahan ang pitong (7) pinakaimportanteng bagay sa mundo: lupa, tubig, punong
kahoy, apoy, hangin, tunog at paniniwala at tradisyon sa pamamagitan ng tamang paggamit
dito.

Pangalawa, ang panagulilay, isang pagdarasal na nagaganap tuwing buwan ng


Marso at humihingi kay magbabaya ng ulan para sa kanilang lupang sakahan. Dahil ditto,
nagiging masagana raw ang ani ng kanilang mga pananim. Ang Salangsang ay isang
seremonya rin sa paghingi ng pahintulot kay Magbabaya na magtanim ng iba‟t ibang
halamang pagkain. Ang Pang-ibabasok naman, ay pagsamba bago at pagkatapos magtanim.
Nangangailangan ng tatlong manok na kulay puti, pula at dilaw. Mayroon din silang
seremonya ng panangga o proteksyon ng kanilang tanim na tinatawag na layag-layag. Ang
ritwal na talabugta ay taunan na ginagawa. Nagpapasalamatdin sa lupang puno ng
kasaganaan. Lahat ng ito ay ginagawa nila kung sila ay nagtatanim.

Pangatlo, ang lagong, isang pasasalamat sa mga yayang dumating mula kay
Magbabaya. Ang pagdating ng mga bisita at kaibigan ay isang biyaya rin ayon sa kanila.
Gumagawa sila ng tula o musikang tunog bilang mainit na pagtanggap sa mga kagalang-
galang na bisita. Ang mga pahayag ay sinasabi sa malalim na pananalita ng Higaunon at
tanging ma eksperto lamang ang nakauunawa nito. Tinatawag din nila anggawaing ito na
limbay.

Pang-apat, ang sumayaan na isang ritwal ng buong lugar bilang pasasalamat sa


isang buong taong kapayapaan at matiwasay na lipunan. Hinihingi rin nila ang mabuting
kalusugan. Kadalasan nangyayari ito sa Buwan ng Oktubre o katapusan ng taon. Isa itong
masayang festival na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagkanta at pagsasaya.

Panlima, ang pangapar, isang pagtitipon ng lahat ng mga manggagamot upang


maitaboy ang mga pinagmulan ng sakit at karamdaman. Nangyayari ito kung may epidemya
o mabilis na pagkalat ng nakahahawang sakit. Sa ritwal na ito ay nagbibigay sila ng mga
pagkain, hayop, prutas, tabako at mama sa kanilang pinani iwalaang bathala. Kung nalaman
112

ang pinagmulan ng sakit ng isang myembro ng pamilya, naghahandog sila ng pagkain.


Tinatawag naman ng kandulian ang ritwal na ito na ginagawa kung may sakit ang isang
katribu. Ang kaliga ay isang siyam-na-araw ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagkanta at
pagsayaw ng tinatawag ng dugso. Isang banal na baboy o limang banal na manok ang
inihahandog sa ikasiyam na araw ng pagsasamba.

Mga Katutubong Instrumento

Ang musika ay nakaugat na sa kultura ng mga bukidnon. May tatak na tunog at


awitin na nagpapakilala sa kanilang kultura ang kanilang musika. Ang agong ay ginagamit
bilang pantawag sa lahat ng mga miyembro upang magpulong. Maliban ditto, kung may
sayawan o palabas ay ginagamit rin ito. Binubuo ito ng tanso at kadalasa‟y hugis sombrero.
Tinutugtug sa pamamagitan ng paghampas sa tuktok nito gamit ang isang patpat. Ito ay
medyo kapareho ng agong ngunit may kaliitan nang kaunti sa kulintang at ginagamit din ng
mga Muslim tulad ng mga Maranao, Maguindanao o Tausug.

Ang tambol ay gawa sa hungkag na kahoy. Ito ay hugis bilog at silindro na may balat
ng hayop tulad ng kambing o baka na binanat at nilalagyan ng sacra sa itaas upang hindi
matanggal ang pagkakapit nito. Ginagamit ito tuwing may festival at tinutugtug sa
pamamagitan ng paghampas sa dulo ng patpat na pantambol.

Ang bantola naman ay gawa sa kawayan na may nakahilerang linyang butas sa gitna
na may isang istring. Habang sumasayaw ang mga mananayaw ay pinaghahampas ito
upang makabuo ng kakaibang tunog. Ang saluray ay isang instrumentong katulad ng bantola
ngunit may walong kwerdas. Kinakaskas ito upang tumaginting ang tunog na nilikha nito.
Isinasabay rin ito s pag-awit at pagsayaw ng mga mananayaw. Ang kodlong ay tulad ng
kutyapi ngunit mas malaki ang katawan nito at mahaba rin ang leeg na katulad din ng gitara.

Ang instrumentong kuratong ay pinatutugtog kung may bisitang paratingsa kanilang


lipunan. Isa rin itong transmisyon ng mensahe o koda mula sa isang tao o grupo na patungo
sa iba pang miyembro ng tribu. Ito ay gawa sa buko ng kawayan na may hugis rektanggulo
sa dulo. Ang haba nito ang nagpapalakas ng tunog na nabubuo sa pamamagitan ng patpat.

Ang tawag naman sa plawta sa Bukidnon ay palala. Ito ay may walong butas na
tinatakpan kung may pinatutugtog sa pamamagitan ng pag=ihip sa dulo ng kawayan. Ang
palandag naman ay parang plawta ngunit walang butas sa tagiliran nito. Lumilikha ito ng
matinis na tunog.

Ang mahaba‟t makitid at manipis na piraso ng kawayan ay tinatawag na kubing. Ito


ay may maliit na butas sa gitna na may iba‟t ibang tono ng tunog. Ang taginting ng tunog ay
nagmumula sap ah-ihip ng instrumentong ito.

ang talapak ay isang kalahating hiwa ng kawayan at isa pang pirasong manipis na
kawayan na pinagkalatog upang makalikha ng tunog na halos magkahawig sa tunog ng
palakpak ng kamay kung gagamit ka ng dalawang talapak ay parang tunog ito ng
palakpakang ng mga tao. Ginagamit ito tuwing nagtatanim ang mga magsasaka.
113

Ang lantoy ay gawa rin sa kawayan na may tatlong butas at tinutugtog sa


pamamagitan ng bibig. Tinatawag din itong badtek. Kinopya rin ito sa instrumentong
pulendag na mas malaki sa lantoy ngunit may tig-aapat na butas sa itaas at ibabang bahagi.

Ang lebpad ay isang uri rin ng tambol ngunit gawa ito sa manipis na kahoy.
Tinatakpan ito ng katad o balat ng hayop tulad ng usa.

Lahat ng mga instrumentong ito ay makikita sa Kaamulan Festival. Ito ang


nagpapaiba sa tunog ng ibang ritwal o selebrasyon ng bukidnon dahil sa mga material na
ginamit sa paggawa ng mga instrumentong ito.

Etnikong Awitin

Pinakasikat na epiko sa Bukinon ang Olaging. Isa itong katutubong epiko na may
iba‟t ibang berso. Nilalaman ng epikong ito ang tungkol sa agrikultura ng Bukidnon.

Limbay ang tawag sa isang patulang awitin na nagpapahayag ng mang-aawit ng


kanyang hinaing at damdamin. Ang awitin naman na nagpapahiwatig ng panliligaw ay
tinatawag na sala.

Ang awiting puro lamang sa aliwan ay tinatawag na nanangaon. Ito ay nag-iiwan ng


magandang asal at inaawit tuwing gabi o di kaya‟y tuwing nagbabalat ng mais, naghahabi ng
banig at naglilinis ng ratan. Nagreresulta ito sa maingay na katuwaan at kasayahan.

Idangdang naman ang tawag sa kanilang awiting nagbabalik-tanaw sa


mahahalagang pangyayari sa kanilang kasaysayan.

Ang kaligaon ay awiting tumatawag ng mga diwata, lalo na ang diwata ng mabuting
ani. Dapat may malumanay at malagintong boses ang umaawit nito upang maging epektibo
ang awiting ito. Inaawit tuwing kaligaan at mga kababaihan ang kadalasang umaawit nito
sabay ang pagsasayaw ng dugso.

Ang antoka ay isang pagtutunggaling berso lalo na kung nag-uusap tungkol sa


halaga o presyo ng Dowry ng anak na babae.

Ilan sa mga Etnikong Sayaw.

Kilala sa kakaibang estilo sa pagsasayaw ng Bukidnon sa tadyak, indayog at


paggalaw ng kanilang katawan. Ang sayaw ay may mga kahulugan, mensahe na nauugnay
sa lipunang ginagalawan ng isang tribu. Ginagawa ang pagsayaw nito sa pamamagitan ng
ekspresyon ng mukha, kumpas ng mga kamay at galaw ng buong katawan, at tamang
padyak ng paa. Narito ang mga uri ng sayaw at kahulugan ng ito sa Bukidnon:

Ang binanog ay tipikal na sayaw ng tribung Talaandig na ginagaya ang galaw ng


isang ibong kilala sa tawag na banog. May sayaw rin ng kalalakihan at kababaihan ng
Talaanding bilang pang-aliw at pag-aalay sa kanilang diyos na si Magbabaya. Tinatawag
itong tinambal. Ang saut naman ay sinasayaw ng mga lalaki lamang ay nagpapakita ng
114

pagiging eksperto nila sa iba‟t ibang estilo at sining ng pakikipaglaban. Ang paggaya ng
paglalakbay ng isang mangangaso ay tinatawag na sayaw pagadugsa.

Sayaw pang-aliw naman na pinapakita kung may pagtitipon at piyesta ang inagong.
May sayaw rin silang ginagawa na dapat ay marami ang makakakita nito at ipinakikita ang
kanilang pamamalakad at paraan ng pagtatanim, pag-aani at pagpapahangin ng
palay.tinatawag itong talupak. Ang paggaya sa pagtatanim ng palay ay tinatawag din na
tinagpi, samantalang ang sayaw naman ng mga mananayaw ay may hawak na poste o haligi
ay bilang pandurog ng butyl ng palay ay tinatawag na bubudsil.

Ang dugo ay isang ritwal na sayaw ng kababaihan tuwing may selebrasyong


panrelihiyon. Ang pagsasayaw ng mag-isa o solo ay tinatawag na pinagkabula. Ang
binabalanak na sayaw ay nangangahulugang sosyal na sayaw.

Mga Etnikong Damit at Kagamitan

Mahalaga ring malaman ang mga etnikong pananamit ng mga tribu sa bukidnon. Ang
mga disenyo, kulay at pagkahilera ng mga simbolo ay may malaking kahulugan. Hinati sa
dalawang grupo ang pananamit: Datu o lider ng ribu at bae o asawa ng isang Datu.

Ang isang Datu ay nakasuot ng pang-itaas na may mahabang manggas, may


kuwelyo at mahaba ring pantalon. Mas marami ang kulay na pula, itim o asul at may
palamuting pinaghalo ang kulay pula, itim, asul, dilaw, berde at puti. May disenyo itong
tinatawag na linabian, ginontingan, at kinabuka. Ang linabian ay ginupit ng pira piraso sa
tuwid na tabas ng tela na naglalaman ng maraming kahoy at ididisenyo sa harap ng polo,
blusa, palda at pantalon sa dulo ng manggas. Ang ginontingan ay may zigzag na desinyo at
inilalagay sa mga gilid nito, samantalang ang kinabuka ay paggugupit ng pira-pirasong
parisukat na tela. Katulad ng linabian at ginontingan, ito ay tinatahi na gamit lamang ang
kamay.

Mayroon di silang solang-solang na disenyong tulad ng ginontingan (zigzag) na hugis


korona ng pinakamataas na datu o pari. Ito ang gawa sa may butyl o bead na idinikit sa tela,
at buhok ng isang hayop tulad ng kambing o kabayo.

Ang tangkulo ay espesyal na tela na ginupit na may hugis tatsulok, nilalagyan ng


bead, butones o tipay, at buhok ng hayop. Ito ay laging ginagamit o dinadala ng datu at dito
inilalagay ang kanyang kamama o mama ( betel nut at lime), pabango, at iba pa.

Ang salibulan ay maliit na kahon na gawa sag into, pilak o bronse. Inilalagay sa loo
bang mami at ipinapasok sa loob ng kamiseta.

Ang iba pang mga kagamitan ng datu ay ang sangi, isang matulis na kutsilyong
nakakurba na may espesyal na artistikong sakuban na nakadikit sa kamiseta ng datu.
Mayroon ding bari o bolo, kalasag o taming, bangkaw o kalawit, baliug o kuwintas na gawa
sa butyl o mga bead na pinaghalong kulay pula, puti, itim, asul, at dilaw.

Ang panutol ay kilala sa tawag na tattoo. Ang mga datu ay mayroon nito sa iba‟t
ibang parte ng katawan gamit ang itim na tinta.
115

Ang damit naman ng Bae ay blusang ng maaring may guhit o simple lamang ngunit
nangingibabaw ang kulay pula, asul o putting kulay. Ang disenyo ay balon at pinalibutan mula
sa dulong parte ng palda nito.

Ang head-dress o panika ma isinusuot tuwing may festival ay yari sa katutubong


materyal at himayhimay na sinulid o yarn. Karaniwang ang mga material ay mula sa patpat
ng kawayan at balahibo ng manok. Ang benoong ay isang lasong disenyo ng pinong tela.
Ginagamit ito bilang dekorasyon tuwing may pagtitipon at ilang espesyal na okasyon.
Sombolo ito ng pagrespeto sa asawa ng kanilang datu.

Ang mga kagamitan at palamuti ng bae ay ang balaring o kuwentas na gawa sa


sinulid at butyl o mga bead; Kapulan na maliit na kahon na gawa sag into, pilak o bronse at
nilalagyan ng kanyang mga personal na gamit tulad ng mama at iba pa; Lebad, ang maliit na
buslo mula sa rattan na may palamuting mga bead, butones, at buhok ng hayop na inilalagay
sa gilid nito; songol, na pulang sinturon; Tacus na isang pulseras sa bukong-bukong (anklet)
at yari sa mga bead; at senibod naman kung yari sa kahoy; at Sonong, buslo ng babae at
bukala sa pulseras.

Ang mga kagamitan at palamuti ng bae o mga babae sa Bukidnon ay sumasalamin


sa mayamang likas na yaman. Dito lamang sa tribu ng Bukidnon o maging sa probinsyang
ito makikita ang ganitong damit at mga palamuti, makikilala kaagad na ito ay Manobo o mula
sa Bukidnon.

May kanya-kanyang wika ang bawat pangkat o etnikong grupo sa bukidnon ngunit
para sa pangkakaunawaan at komunikasyon ay gumagamit sila ng Cebuano at Filipino
naman sa mga bisita na hindi taga-Bukidnon.

3.4 ANG MGA MANSAKA

- ni Marilyn C. Arbes

Ang mga Mansaka ay isang etnikong grupo na matatagpuan sa Rehiyon XI,


particular sa mga probinsya ng Davao del Norte at Compostela Valley. Ang salitang Mansaka
ay hango sa salitang man o tao na ang ibig sabihin ay una at saka na nangangahulugan
umakyat. Ito ang sinasabing the first people to ascend to the mountain or go upstream o mga
unang taong umakyat sa bundok. Timapud ang tawag sa mga unang taong Mansaka.

Bagaman may malaking bahagi ng ancestral domain ang mga Mansaka sa lugar ng
Comval Province at Davao del Norte, hindi sila subgroup o subtribe ng tribung Mandaya.

Ang ikinabubuhay ng mga sinaunang Mansaka ay pagsasaka, pangangaso ng mga


ibon, baboy ramo, usa, at iba pa pang hayop at pangingisda. Ibinabahagi nila sa kanilang
kasamahano komunidad ang kanilang mga nahuhuli. Sinusunod sila sa kanilang kasamahan
o komunidad ang kanilang mga nahuhuli. Sumusunod sila sa alintuntunin na dapat silang
mangisda sa kanilang teritoryo lamang.

Ang mga Mansaka ay mahilig sa paggawa ng dagmay o damit na yari sa abaka at


may iba-ibang disenyo. Gumagawa rin sila ng mga basket, palayok, at brasswares na
116

pandekorasyon at gamit sa bahay. Natatanging mga kulay para sa kanilang mga damit. Ang
pula, asul, dilaw, puti, at itim lamang. Ang kulay pula ay para lamang sa mga datu, bagani, at
anak na lalaki ng datu. Ang mga babae, kahit anak ng datu, ay hindi nagsusot ng kulay pula
gayon na rin ang karaniwang mamamayan nila. Ang mga kulay asul, dilaw, at puti lamang
ang maaari nilang gamitin.

Ang balyan o ritual practitioner ay may mga gawain at pag-uutos na sinusunod din ng
mga Mansaka lalo na sa panggagamot at pagsasagawa ng ritwal. May malaking bahagi ang
mga baylan sa panahon ng pagtatanim at pag-aani. Isinasagawa ang ritwal upang itaboy ang
masamang espiritu at peste na maaaring makapinsala sa mga pananim. Naniniwala din sila
sa kanilang dios na tinatawag nilang Magbabaya.

Ang pagsasaya ng mga Mansaka ay sa panahon ng pag-aani, pagpapakasal,


pagbibinyag, pagpapatuli, pagpapasalamat sa masaganang ani, at iba pang okasyon.
Mayroon din silang mga katutubong sayaw, awit, at mga instrumenting pangmusikang
kahawig din sa intrumento ng ibang tribu kaya lang nagkakaiba sa katawagan, gamit at sa
paraan ng pagpapatugtog.

Bahagi rin ng kulturang Mansaka ang pagsusuot ng mga palamuti ay pambabae o


panlalaki. Halimbawa sa gamit nilang balyog ( kuwintas), mas malaki ang para sa lalaki
kaysa sa babae. Isinusuot ito ng mga Mansaka kapag may okasyon, ngunit tanging datu,
bagani at babylan lamang ang gumagamit nito sa pang-araw-araw. Sagrado para sa kanila
ang kuwintas. Kaya ipinagbabawal ang pagsuot ng palamuti kung walang okasyon.

Sa may sakit na Mansaka, ang babylan ang tagagamot at tagapag-alaga nila.


Karaniwang gamit nila sa panggagamot ay iyong nakuha nila sa gubat at sapa. Naniniwala
sila sa mga espiritung nakatira sa kagubatan, lalo na sa puno ng balite.

Noong unang panahon, kapag may namatay na Mansaka, siya ay pinaglalamayan


lamang ng dalawang gabi, at sa pangatlong araw ang kanyang libing. Hindi rin nila ginagalaw
ang paboritong pagkain o inumin ng namatay ayon sa tagal ng pangako nila sa kanya kung
hanggang kalian na hindi ito gagalawin. Iniiwasan din nila ang mag-ingay tuwing dumadalaw
sa puntod ng namatay. Ang bahay kungsaan namatay ang Mansaka ay kanilang sinusunog
o di kaya ay tinatanggalan ng dingding. Nililinis nila ang lugar ng namatay at lumilipat sila sa
bagong tirahan dahil sa paniniwalang hindi na maganda o mabuti ang bahay kapag
namatayan.

Para sa mga Mansaka, ang pag-aasawa ay isang bagay na pinaghahandaan at


isinasaayos. Paghahandaan ng binate ang iba‟t ibang yugto tungo sa paglagay sa tahimik.
Ang mga yugtong ito ay tagna o pag-alam, mangungusip o pag-suyo, manubay o
pagpapaabot at mamungad o mamanhikan. Sa yugto ng pamamanhikan malalaman kung
magkano ang gagastusin ng lalaki sa kasal.

May dalawang pagpipilian ang lalaki upang mangasawa ang babae. Una, tumira siya
sa bahay ng babae upang manilbihan nang sag anon ay wala siyang dowry na ibibigay sa
pamilya ng babae. At ang pangalawa ay yong hindi muna siya makakaakyat sa bahay ng
babae kapag hindi siya makapagbigay ng halaga o bagay na tinatawag nilang saud sang
gatas ng ina o sahud sa gatas ng inahan sa wikang Sebuano. Ang ibibigay ng lalaki ay
117

baboy para sa kasal at perang pambayad sa lahat ng kamag-anak ng babae. Tinutumbasan


dindaw ito ng babae para hindi siya api-apihin ng lalaki.

3.5 ANG MGA MAMANWA

-ni Nenita Rebecca Y. Casten

Ang alitang Aeta, Ayta, Agta (Ata), Ate, at Ita ay galling sa salitang-ugat na „it” na ang
kahulugan ay “maiitim” sa tagalog at sa Cebuano ay itumon.

Ang Mamanwa na mga taong bundok na maiitim, pandak, kulot ang buhok, at sarat
ang ilong na may maiitim na mga mata. Sa Mindanao, ang mga Aeta ay tinatawag na
Mamanwa na naninrahan sa hilagang-silangan ng mga probinsya ng Surigao at Agusan. Ang
salitang Ang salitang Mamanwa ay may kahulugang first forest dweller, galing sa salitang
man (first) at banwa (forest). Sila ay bantog sa tawag na Kongking dahil sa kanilang kulot na
buhok. Ang salitang ito ay galing sa salitang “conquista,” na ang ibigsabihin ay the
conquered ones. Sila ay gumagamit ng kanilang diyalekto kung silay nakikipag-usap sa
kapwa Mamanwa nila ngunit nakapagsasalita rin sila ng wika ng mga taga ibang bayan.

Ayon sa mga antropolohista at arkiyolohista, ang mga Mamanwa ay sumusunod sa


mga yapak ng unang tao sa Pilipinas na dumating sa mga lugar ng Asia 50,000 taon na ang
nakakalipas. Sila ang pinakamatandang pangkat na naninirahan sa Pilipinas at
pinangalawahan ng mga Aeta sa Luzon.

Sila ay mga lagalag (nomadic) na ang ibig sabihin ay naghahanap ng makakain sa


bawat lugar na kanilang napupuntahan kaya wala silang permaninting tahanan. Kumukuha
sila ng mga orkidya, nuts, rattan,, at pulot upang ibinta sa bayan. May mga kagamitan sila
para manghuli ng mga usa, baboy ramo, unggoy, at malalaking ibon.

Pananampalataya at Ilang Gawain

Noong ikalabimpitong siglo, isang Agustinong Misyonaryo ang sumulat na ang mga
Mamanwa, bilang nomadic na mga tao ay walang ideya tungkol sa relihiyon at mga
sibilisadong kaugalian. Subalit naniniwala sila sa pinakamataas na si Magbabaya. Naniniwala
rin sila na ang buwan o araw ay tahanan ng manlilikha nila. Kung kaya tuwing kabilugan ng
buwan ay nananalangin sila o nag-pagdidiwatahan, na isang uri ng panalangin ng buong
komunidad na pinangungunahan ng tambayan.

Ang Moon-Prayer ay isang dasal na pasalita na may kasamang tugtog at sayaw ng


mga katutubo. Magsisimula sa pagpapakita ng buwan at magtatapos sa kadiliman ng gabi
ang pagdarasal.

Agrikultural na Paniniwala at Gawain

Ayon pa rin sa mga manunulat na Agustino, ang Mamanwa ay walang bahay,


taniman at kahit na mga kasangkapan. Mayroon lamang silang pana at busog at ilang
118

makapal na lansetang ginagamit sa panghuhuli ng mga isda at hayop sa lupa. May


pansamantalang bahay sila na gawa sa kahoy at mga dahon. Nag-aagrikultura sila ngunit
dahil sa mga lagala sila kung kaya naiiwan din nila ang kanilang pananim.

Pag-aasawa

Karaniwansa mga mag-aasawang Mamanwa ay may labintatlo hanggang labing-


anim na taong gulang lamang. Hinsi sila nag-aasawa ng kanilang kamag-anak. Minsan ang
mga magulang ang nag-aayos ng kanilang pag-aasawa. Ang lalaki ay humihingi ng tulong sa
mga magulang niya upang mapuntahan ang tahanan ng babae. Tinatawag nila itong
pamadje. Ang mga magulang ng babae ay humihingi ng bagay o bride‟s price sa
pamamagitan ng kawali, kaldero, gong, bolo, pera, at iba pa.

Ang seremonya sa pag-aasawa ay ganito: ang dalawang ikakasal ay uupo sa sahig


na malapit sa isa‟t isa na may kaharap na isang pinggan na puno ng bigas. Kukuha sila ng
bigas, hahawakan iyon at ang kabilang kamay ng lalaki ay hahawak sa kabilang kamay ng
babae at sasabihin ng barangay kapitan na sila ay mag-asawa na. ang pagkatapos ay ang
tinatawag na kombite.

Ang pag-aasawa sa mga Mamanwa ay monogamous o isa lamang ang asaw dahil
sa hindi nila kayang buhayin ang maraming asawa.

Tungkol sa Ilang Paniniwala sa Kamatayan

Ang mga Mamanwa ay takot mamatay. Kung may namatay sa kanila, ipinalilibing
kaagad. Hindi sila mag-iingay o iiyak dahil baka magalit daw sa kanila ang mga engkanto.
Habang inililibing ang kamag-anak nilang namatay, ang iba naman ay naghahanda para sa
paglisan sa lugar na iyon. Ang mga sumusunod ay ilang paniniwala nila hinggil sa
kamatayan:

1. Pagbasag ng pinggan sa kabaong upang mapahinto ang susunod na kamatayan o


walang susunod sa kanilang mamamatay.

2. Hindi kailangang magpaalam ang mga bisita kung aalis na para maiiwasan ang
sunod-sunod na pagkamatay.

3. Hindi magwawalis ng sahig kung may patay pa sa bahay para maiiwasan ang sunod-
sunod na pagkamatay.

4. Ang mga nagbabantay ay hindi matutulog dahil maaaring dumating ang masamang
kaluluwa at palitan ang patay. Tinatawag itong Pagtangon.
119

Gawain 4

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

I. A. Instruksyon: Ibigay ang mga hakbang sa pag-aasawa at pagpapakasal ng mga


Mandaya ayon sa pagkakasunod-sunod, at kung anoang ginagawa sa bawat hakbang. Isulat
sa sagutang papel.

B. Mag interbyu ng matatanda sa inyong lugar kaugnay sa mga pamahiin ninyo. Anong mga
pamahiin ng mga B‟laan ang katulad o may pagkakatulad sa pamahiin ninyo? Isulat sa
sagutang papel.

II. A. Instruksyon: Isa-isahina ang pitong (&) kultural na grupong kasapi sa Kaamulan
Festival sa Bukidnon, at magbigay ng kultura na pagkakilanlan ng bawat grupo.

B. Instruksyon: Paghambingin ang ilang aspekto ng kultura ng mga Mansaka at Mamanwa.


Ilarawan at ipaliwanag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga Mansaka at Mamanwa.
Gamitin ang compare-contrast matrix.

Aspekto ng Kultura Mamanwa Mansaka

Paraan ng pamumuhay

Paniniwalang Panrelihiyon

Pananamit
120

Pag-aasawa at
pagpapakasal

Pagkakasakit at kamatayan
121

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Final na Markahan – Modyul 3:

Ikalimang Linggo (Wika at Kultura ng Ilang mga Muslim sa


Mindanao: Ang mga Meranaw, Ang mga Maguindanaon,
Zamboanga, Ilang Bagay Tungkol sa Dapitan)
122

Aralin 5 – Wika at Kultura ng Ilang mga


Muslim sa Mindanao: Ang mga
Meranaw, Ang mga
Maguindanaon, Zamboanga,
Ilang Bagay Tungkol sa
Dapitan

4.1 ANG MGA MERANAW

- ni Victoria Juarez–Adeva

Ang mga meranaw ay iyong naninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran ng lawa ng


lanao, na siyang pangalawang pinakamalaking lawa sa pilipinas. Ang orihinal na tawag sa
Lalawigang ito‟y “Ranao” na nangangahulugang “lawa o lanaw” at ang mga naninirahan ay
tinatawag na “maranao” (naninirahan sa may lawa).

Ayon kay Casan Alonto (1974) sa kanyang “perspective on Maranao Society”, may
mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga Meranaw. Ang isang teorya ay batay sa epiko ng
mga Meranaw na Bantugan o Darangen. Sinasabing ang unang mga naninirahan dtio sa
kapaligiran ng Lanao ay pinangunahan ng isang nagngangalang “Butuanun Kalinan” na
buhat sa dakong silangan na siyang tinatawag na Bombaran (kung saan sumisilang ang
araw). Ang isa pang teorya‟y ang migrasyon ay patungo sa dakong pasigan ng Katimugang
Mindanao, sa dakong Iranon. Ang mga Iranon o Ilanon na natagpuan nang naninirahan sa
kapaligiran ng lawa ay napangasawa ng mga bagong dating.

Noong nabubuhay pa ang Pangulong Manuel Luis Quezon, pinangalanan niyang


“maliit na baguio ng timog” ang lalawigan ng lanao. Noong Mayo 2, 1959 sa paglabas ng
batas ng republika 2228 ay nahati sa Lanao del Sur at Lanao del Norte ang lanao. Ang mga
punong-lalawigan ay lunsod ng Marawi at lunsod ng Iligan. Ang lanao del sur ay siyang pook
ng pamayanan ng mga Meranaw. Batay sa sensus noong 1970, ang buong populasyon nito‟y
455, 507. Malamig sa pook na ito at malayo sa tinatawag na belt ng baguio.

Bagama‟t pangingisda ang ikinabubuhay ng iba, masasabing ang pangunahing


pinagbubuhatan ng kabuhayan nila‟y pagsasaka. Malawak ang lupain at mataba pa.
pangunahing pagkain ang bigas. Sa prutas naman maipagmamalaki nila ang kanilang
marang at durian, na hindi matatagpuan sa Luzon. Sa kasalukuyan ay marami nang
mangangalakal na Meranaw.

Ang hinahabing banig at malong ng mga Meranaw ay labis na nakakatawag pansin


ng mga mamimili hindi lamang sa local na pamilihan kundi sa pandaigdig man. Ang isang
magandang malong ay mas mahal kumpara sa ordinaryong malong. Magagandang desinyo
ang makikita. Maraming kagamitan ang malong: damit, pang-ulan, kumot, duyan ng bata,
sako, lubid, duyang lululanan ng maysakit, panakip at minsan glab na pamboksing.

Ang isa pang kalakal ay ang bras na ginagawa sa Tugaya. Ang mga ito‟y binubuo ng
mga gong, sarimanok, kulintang, lalagyan ng buyo, lalagyan ng alahas, malalaking hugis na
123

paso na may adorning tinatawag na okil na disenyo. (ang mga kalakal na nabanggit ay
makikita sa mga malalaking tindahang panturista sa malalaking Lungsod ng Luzon, Visayas
at Mindanao).

Sa puntong sosyal naman, nahahati sa tatlong uri ang mga Meranaw: ang namanang
artistokrasya, ang tinatawag na malalaya (freeman) at ang mga alipin. Ang namanang
artistokrasya ay kilala sa tawagang Malaibangsa na binubuo ng mga sultan, mayayamang
datu at ang kanilang pamilya, sa medaling sabi iyong may mga dugong bughaw. Iyong mga
magsasaka‟t mangagawa ang tinatawag na Pegawid. Ang pangatlong uri ang tinatawag
nilang bisaya‟y nawawala sa kasalukuyang bagama‟t nasa kamalayan pa rin ang tungkol sa
mga istatus. Hindi maaaring mapangasaa ng nasa isang uri ang nasa kabilang uri lalo na
iyong nasa unang uri na sila lamang ang maaaring maging magkapalad.

Ang masasabing nakapag-uugnay sa lahat ng Meranaw ay ang tinatawag nilang adat


at taritib (kaugalian at tradisyon) tulad ng mahigpit na pagsunod sa magulang. Higit na
mapapatunayan ito sa kaugalian tungkol sa pagaasawa at paglilibing.

Sa larangan ng pag-aasawa, naniniwala silang maaring mag-asawa ng higit sa isa


ang lalaki basta‟t kaya niya. Istatus symbol sa mga lalaki ito sapagkat kapag marami siyang
asawa nangangahulugang maykaya siya at bukod pa rito ay may marami siyang magiging
kapanalig dahil sa mga kaanak ng kanyang asawa. Hindi maaaring mag asawa ng iba ang
lalaki kung walang pahintulot ang unang asawa sapagkat siya (ang unang asawa) ang
itinuturing tagapangulo ng mga asawang iba.

Naniniwala rin sila sa diborsyo. Maaring deboryuhin ng lalaki ang babae pero hindi
maaaring deborysuhin ng babae ang lalaki kung walang matibay na batayan. Kailangan
mapatunayan talaga na mabagsik sa kanya ang lalaki o kaya‟y iniwan silang mag-ina. Kapag
ang babae ang makikipagdiborsyo ang bigay-kaya‟y kailangang isauli, ngunit kapag ang
lalaki ang nakipagdiborsyo ang bigay-kaya‟y hindi kailangang isauli.

Hindi magiging buo ang tungkol sa Meranaw kung hindi babanggitin ang maratabat o
amor propio. Kailangan pangalagaan nila ang dangal ng kanilang lipi o angkan sa mata ng
lipunan. Handa silang ipaghiganti sukdang ikamatay ang karangalang nadungisan upang
itindig na muli ang magandang pangalan ng kanilang angkan. Ang antas ng maratabat ay
batay sa istatus sa lipunan kaya higit na inaasahang ang nasa itaas na uri ang magtatanggol
nito nang husto kaysa sa mga sumusunod na antas.

Mga Pamahing Meranaw

Tungkol sa Panaginip

1. Kung mananaginip kang ikaw ay kinagat ng isang asong pula iyon ay


nangangahulugang malapit ka nang makapag-asawa at ang magiging kapalad
mo‟y mayayaman ngunit kung itim ang aso, ang magiging kapalad mo ay alipin.

2. Kung mananaginip ka na ikaw ay lumalangoy sa malamig na dagat na maitim


ang tubig, nangangahulugan na magkakasakit ka nang malubha.
124

3. Kung mapanaginip mong tumatai ka ay nangangahulugan mawawalan ka ng


isang napakahalagang gamit.

4. Kung mananaginip ka na ang isa sa mga ngipin mo ay naalis,


nangangahulugang na mamamatay ang isa sa mga magulang mo.

5. Kung nanaginip ka nang walang damit ang isang tao na kilala o kaibigan mo,
nangangahulugan na siya ay magkakasakit nang malubha at mahirap gamutin.

6. Kung nanaginip ka na ang kaibigan mo ay mamamatay at pagkatapos ay sinabi


mo agad ito sa kanya, maging totoo na mamamatay siya o isang kamag-anak
mo ang mamamatay.

7. Kung nanaginip ka na lumilipad ka, isang mahalagang pangarap mo ay malapit


mo nang makamtan.

8. Kung nanaginip ka na ikaw ay nasa magandang ayos o kalagayan, hindi


magtatagal at magkakasakit ka.

9. Ang isang buntis na nanaginip na nasa palad niya ang isang bituin, ang magiging
anak niya ay tatanghaling reyna.

10. Kung nanaginip ka na ikaw ay kinagat ng linta, ito‟y nangangahulugan na may


isang taong magsasamantala sa iyo.

Tungkol sa Ginagawa

1. Ang dalagang kumakanta habang nagluluto ay makapag-asawa ng isang


matandang lalaki.

2. Pag ang isang lalaki ay dumalaw sa kanyang kasintahan at hindi dinatnan sa


bahay ng babae, nangangahulugan na hindi sila magkatuluyan.

3. Ngunit kung sa muling pagdalaw ng lalaki sa kanyang kasintahan ay maabutan


niya itong nagluluto, magkakatuluyan sila at magiging mayaman pa.

4. Pag kinagat ng daga ang bago pang labang damit ay nangangahulugang may
mamamatay na kamag-anak ng may-ari ng damit.

5. Ang pagpapayong sa loob ng bahay ay masama dahil may mamamatay sa


bahay na iyon.

6. Hindi pwedeng paliguan ang mga maliliit na bata dahil magkakasakit sila

7. Ang taong naglalakad ay hindi pwedeng kumain sa daan.

8. Hindi dapat tuktukin ang palayok habang nagluluto.

9. Kapag dinaanan ng aha sang bagong tayong bahay, ang ibig sabihin ay
mamamatay ang titira.
125

10. Kapag may pumasok na paruparo sa iyong kwarto, nangangahulugang


makakatanggap ng pera ang nagmamay-ari ng kwarto.

11. Ang nakabiting kasuotan na kinagat ng daga ay nangangahulugan ng


pagkamatay ng isa sa bahay na iyon; kapag nahulog naman ang damit mula sa
pagkakasabit, ang ibig sabihin ay may darating na panauhin.

12. Kapag habang tinitignan mo ang mukha mo sa salamin pagkatapos ay hindi mo


na ito Makita ang ibig sabihin nito ay malapit ka nang mamatay.

13. Masamang ugali ang dumura sa nilulutuan dahil sa paniniwala ng mga Maranao
na may tao sa nilulutuan.

14. Kung may pupuntahan ka, kailangang tingnan mo muna ang mukha mo sag into
at kapag hindi mo nakita ay nangangahulugang huwag kang tumuloy sa lakad
mo dahil may masamang mangyayari sa iyo.

15. Sa oras ng kasal at namatay ang ilaw ng lampara ay nangangahulugan na isa sa


ikakasal ay mamatay.

Iba pang Pamahiin ng mga Meranaw

-Gani B. Yusoph at Lawandatu Pangandapun

A. Inikadowa

Ang mga meranaw ay naniniwala na nauuri sa dalawa ang tao. Iyo ay ang hindi
nakikitang tao at ang ikalawa ay ang mga nakikitang tao.

Ang tinatawag nilang inikadowa ay yaong mga taong hindi nakikita. Sila ay may sariling
kapagyarihan na pumapaloob sa katawan ng ordinaryong tao; ginagamit nila ang pagsasalita
ng ordinaryong tao; at gayon din ang kilos at galaw ng katawan ng ordinaryong tao. Hindi
lahat ng tao ay kanilang pinapasukan. Sila‟y pumapaloob sa taong tinatawag na pundarpaan.
Ang pundarpaan ay itinuturing nilang kaibigan na sa anumang oras ay pwedeng tawagin ng
pundarpaan kapag tinatawag niya ang inikadowa at kung paano niya ginagamot ang
maysakit.

Unang-una, hihikayatin niya muna nag inikadowa na lumapit at pumasok sa kanya. Ito‟y
ginagawa niya sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit na barong na kulay dilaw at tubao
(maranao neckerchief). Siya‟y nagpapabango ng katutubong pabango na tinatawag na lana
manot at nagsisimulang ikaway-kaway ang panyong hawak niya malapit sa bintana.
Mapamaya-maya pa‟y manginginig na ang pundarpaan at mag-iiba ang hitsura ng kanyang
katawan. Kapag nawala ang panginginig niya ang ibig sabihin ay nasa katawan na niya ang
inikadowa at ditto na siya magsisimulang magsasalita at magpapakilala. Maiiba ang kanyang
kilos at pagsasalita sa dati niyang kilos at pagsasalita, sapagkat ang inikadowa ang siyang
umiiral sa katawan ng pundarpaan at ito na ang siyang nagsasalita.

Pagkatapos nitong magpakilala, halimbawa siya raw ay si Tomitai sa garansang


(Bamboo climber) o kaya‟y ibang pangalan ng kanyang ibibigay, ang mga taong nasa
126

kanyang paligid ay magpapasalamat sa kanyang pagdating at buong puso nila itong


tatanggapin sa kanilang pamamahay. Minsan, ang inikadowa ay hihingi ng paumanhin na
siya raw ay hindi dumating ng maaga dahil sila‟y may dinadalaw na kaibigan sa kalawakan.
Ang inikadowa sa katawan ng pundarpaan ay kukuha ng buyong na inihanda ng mga tao at
ito‟y kanyang nangangain. Habang ginagawa ito ng pundarpaan, ang mga magulang ng may
sakit ay magmamakaawa sa kanya na gamutin ang may sakit. Kung sa akala ng pundarpaan
ay kaya siyang gamutin ito ay gagawin niya. Kung ito‟y hindi kaya ng pundarpaan ito ay
kanyang tatanggihan.

Matapos suriin ng pundarpaan ang may sakit ay sasabihin niya ang dahilan ng sakit at
kung ano ang dapat gawin sa may sakit. Kung minsan ay humihingi ang pundarpaan na sila‟y
magdaos ng malaking kapistahan, maghandog ng pagkain, gumawa ng lamin (kwadradong
bahay-bahayan) o kaya‟y gagamutin na lang niya ang maysakit sa oras na iyon.
Halimbawang sinabi ng pundarpaan na sira ang ulo ng may sakit ay magpapagawa ito ng
lamin sa paniniwalang ditto titira ang ispiritu na siyang gumagalaw sa may sakit. Kung
minsan ay pinaliliguan niya ang may sakit at bubulungan niya ng mahiwagang salita upang
umalis ang ispiritu. Sa mga ordinaryong mga sakit na tulad ng lagnat, sakit ng tiyan,
masamang panaginip, at rayuma ay hinahaplos lamang niya ang bahagi ng katawan na
masakit at binubulungan niya ang kanyang mahiwagang pananalita.

B. Kapamangangai sa Tonong

Ito‟y pag-anyaya sa mga ispiritung tinatawag na tonong. Kailngan ng isang


magsasaka halimbawa na ganapin ito. Kung hindi niya ito gaganapin siya‟y magkakaroon ng
kapinsalaan sa katawan at ang kanyang mga pananim ay masisira. Ganito ginagawa iyon:
inihahanda niya ang isang malaking manok at kaning dilaw. Sa tulong ng mga matatandang
tao na marunong tumawag sa mga espiritu ay kanyang tatawagin ang mga ispiritu ng lawa,
bundok, at palay. Kung naramdaman ng tagatawag na narinig ng mga espiritu ang kanyang
pananawagan ay sisimulan na ang paglalagay ng mga inihandang pagkain sa palayan. Ditto
sasali ang magsasaka sa tumawag ng espiritu sa pagkain na kanilang inihanda. Ginagamit
ng katutubong magsasaka ang kapangyarihang tonong sa pagsugpo ng mga masasamang
daga, peste at iba pang pumipinsala sa kanilang mga tanim sa halip na gumamit sila ng
modernong gamut. Ginagamit din nila ito sa mga magnanakaw ng kanilang tanim. Sino mang
tao ang magnakaw nag kanilang tanim ay nagdaranas ng pagdumi ng kanilang dugo,
tutubuan ng maraming pigsa at mga sakit sa balat na hindi maaaring magamot kung hindi
hihingi ng kapatawaran ang magnanakaw sa may-ari ng tanim.

Ang tonong ay ginagamit din ng mga meranaw sa pagpatay ng kanilang kaaway.


Ang pinakapopular na pamamaraan ay tinatawag nilang panggalan. Ang pananggalan ay
binubuo ng maraming buhok at isang malaking bunga ng kalamansi. Ang kalamansi ay
magiging ulo nito at ang buhok ay maaaring ilong kung ito‟y lilipad sa gabi na nasa
kapangyarihan na ng tonong. Ito‟y parang bulalakaw na mahuhulog. Kailangang walang
makakita ng sinuman sa kanyang paglipad kundi ay mawawalan ng bias at hindi tatamaan
ang pakay niyang tao.
127

C. Pamahiin Tungkol sa Kalikasan

Ang mga meranaw ay naniniwala na ang araw ay isang taong nakasakay sa isang
karo na sinusubaybayan ng mga anghel upang ang tao‟y bigyan ng ilaw sa daigdig sa araw-
araw niyang paglalakbay. Ang buwan naman ay isang babaing sumasakay din sa karo sa
pagsubaybay din ng mga anghel. Minsan daw sa kanyang paglalakbay ay bigla siyang
susugurin ng leyon at gusting lunukin ito kaya tayo nagkakaroon ng eklipse.

Ang daigdig daw ay hindi malapad at hindi rin bilog. Ang mga meranaw ay
naniniwalang ito ay binubuo ng pitong palapag na sa ikapitong palapag ay doon nakatira ang
iba‟t-ibang uri ng tao samantalang sa ikaanim na palapag nakatira ang mga duwende. Tulad
din ng langit na binubuo ng pitong palapag na kinaroroonan ng mga anghel na nagbabantay
sa atin, ang mundo ay dinadala ng isang higanteng tinatawag ng lumbong. Kung minsan
daw, ang lumbong ay sinisipit ng kasama niyang hipon kaya pag medyo gumalaw ay
nagkakaroon tayo ng tinatawag na lindol.

Ang mga bituin naman sa langit ay mga alahas ng isang magandang babae. Noong
una raw ay may isang magandang babae na nagbabayo at ang kanyang mga alahas ay
tinangay ng malakas na unos sa kalangitan at hanggang ngayo‟y naroroon pa rin ito at
kumikislap.

Ang ulan naman ay tubig na ibinubuhos ng prinsesa ng kalangitan sa lupa.

D. kahulugan ng mga Pangyayari na Gawa ng Kalikasan

Ipinapalagay ng mga meranaw ang anumang kaguluhan sa lanao ay dulot ng


pagpapabaya ng mga Maranao sa kanilang mga katutubong ugali, asal, at pagkawala ng
tiwala sa mga pamahiin ng kanilang mga ninuno. Narito ang ilang mga pangyayari na
binibigyang kahulugan ng mga paririmar at mga olamang Meranaw.

Lindol- bago sumapit ang ikalawang digmaang pandaigdig ay nagkaroon ng mga


lindol ng hinulaang nagbabadya ng darating na kapinsalaan. Ang dumating nga ay ang
digmaan.

Kulog at Kidlat- ito ay ginagawang sandata ng Diyos para patayin ang mga demonyo
at mga masasamang espiritu. Kaya kung may kulog raw ay ipinapagulong nila ang mga
katagang ito, “Haedo billahi mina saitan ir rajim, bismilla ir rahman ir rahim.” Ang mga
salitang ito‟y panakot sa mga demonyo at espiritu. Naniniwala silang kaya natatamaan ng
kulog ang tao ay dahil malapit sa kanya ang demonyo at espiritu.

Malakas na ulan at baha- ito raw ay dahilan sa ginagawang masasama ng mga tao.
Kaya nagkakaroon ng baha o kaya‟y malakas na ulan ay dahil galit ang mga anghel at ang
mga anghel at ang diyos sa kanila.

Ang pinakapopular na pagsugpo ng mga masasamang loob ay ang kapangyarihan


ng Koran. Ito‟y ginamit noong araw at ginagamit pa rin hanggang ngayon. Ang karamihan ng
mga korte ditto sa lanao ay gumagamit ng kapangyarihan ng Koran. Lahat ng saksi sa isang
128

kaso o kaya‟y yaong may sala ay pinasusumpa sa Koran na siya‟y magsasabi ng


katotohanan at pawing katotohanan. Ang mga muslim ay naniniwala na kapag ang isang
sumumpa sa Koran ay magsisinungaling ay siguradong magkakaroon ng kapinsalaan sa
buhay nito at sa kanyang pamilya sa lalong medaling panahon.

Pangalawa, nagkakaroon ng kaligtasan ang kanilang mga ari-arian dahil sa takot ng


ibang masasamang loob na mapinsala sila kung sila‟y gagawa ng masama sa kanilang
kapuwa tao.

Sa palagay namin, hindi nagging dahilan ang pagkakaroon ng mataas na edukasyon


ng Meranaw sa ganap na pagkawala ng kanilang paniniwala sa katutubong pamahiin. Kung
minsan kahit na ang isang edukadong Maranao ay naguguluhan pa rin kung ang kanyang
may sakit sa anak ay sa doctor ipapagamot o sa katutubong manggagamot na Meranaw.

Wika

Ang wika ng mga Meranaw ay Maranaw. Kilalang-kilala ito dahil sa matigas na diin at
tono nito. Maranaw ang gamit ng mga Meranaw sa kapwa nila na Meranaw. Kapag
Kristiyano ang kausap nila ay marunong din sila ng Cebuana, Filipino, at Ingles.

4.2 ANG MGA MAGUINDANAON AT ANG KANILANG KULTURA

Ang mga Maguindanaon ay nakatira sa timog-silangang bahagi ng Mindanao. Nang


maghiwalay raw ang magkapatid, si Timbunaway at ang kanyang tagasunod ay umalis sa
kanilang kinagisnang nayon at naghanap ng pook na kanilang matitirhan. Ang tanong na
kung saan sila titira ay nagkaroon ng kasagutan. Maginged tano sa danao na ang kahulugan
ay “tumira tayo sa palibot ng lawa”. Ditto nagmula ang pangalang, maguindanao nang
pagdungtungin ang dalawang katutubong salita, maginged at danao. Ang salitang maginged
ay maaaring mangahulugang, “ang mga nakatira o titira” at ang salitang danao naman ay ang
Maguindanao na salitang “lawa” (Alfanta, 1975-76).

Ang ideya na tinatawag ang mga Maguindanaon na “mga tao sa binabahang


kapatagan” ng mga western iskolar ay maaaring dahil sa kanyang heograpikal na lokasyon
na kung saan ang malapad na kapatagan sa Cotabato Valley ay palaging binabaha. Kung
minsan naman, kapag ang Rio Grande de Mindanao o kaya‟y ang Pulangi sa kanilang
sariling dayalekto ay umaapaw sa tubig at ang mga tao ay walang mapupuntahan, sila ay
sumisigaw ng “Midsanao!” na ang ibig sabihin ay, “Napakalaking baha!” (walang petsa).

Bigas at sago ang pinakapagkain ng mga Maguindanaon. Sa panahon ng taghirap,


kumakain sila ng mais at kamoteng kahoy. Kumakain din sila ng manok, gulay prutas, at isda
na galling sa lawa o ilog. Tulad ng ibang mga Muslim, ang kanilang pagkain ay nakadepende
sa hinihingi at ipinagbabawal ng kanilang relihiyon (Islam). May mga espesyal na pagkain sila
lalo na kung may mga pagdiriwang tulad ng putok, amik, panialam, dudol, inti, pill, balabed,
at marami pang iba.
129

Ang mga Maguindanaon ay mga magsasaka rin. Bigas ang kanilang itinatanim isang
natatanging uri ng bigas na nagtatagalsa matubig o mabasang lugar.

Ang bahay ng mga Maguindanaon ay binubuo ng dalawa o mahigit pang kwarto


(bilik). Ang mga babae ang may malaking karapatan sa mga kwartong ito. Ang bahay ay
karaniwang iisang palapag lamang. Sa dahilang pangsiguridad at marahil tagpuan ng kahit
anong bagay, ang pinakailalim ng bahay ang ginagawang bodega. Ang sahig ay natatakpan
ng banig na gawa sa rattan. May gumagamit na rin sa kasalukuyan ng mga carpets (Majul
1973).

Ang paggawa ng espada (kris at kampilan) ay unti-unting nawawala na. Ang mga
babae ay naghahabi (uolan) na lamang. Ang mga lalaki naman ay mga iskultur/manlilihok.
Tulad ng iba pang grupo ng Muslim, ipinagbabawal sa kanila ang umukit ng mga hayop o
tao. Ang mga desinyo nila sa pag-ukit ay mga sandata o mga instrumentong musical
(Angeles, 1975-76).

Ang mga Maguindanaon lalo na ang mga nakatira sa mga liblib na pook ay
naniniwala sa mga di-kapani-paniwalang mga may kapangyarihan tulad ng higante na si
Legasi, at si Talabusaw na ang kalahati ay tao at ang kalahati ay kabayo. Pinaniniwalaang
ang mga halimaw na ito‟y kumakain ng tao. Naniniwala rin sila sa busaw o asuwang na hindi
rin nakikita.

Ang mantiyanak naman ay isang uri ng asuwang na nasa pormang maliit na bata.
May pagkademonyo ito kaya kinatatakutan din ng mga tao. Higit sa lahat, ang mga
Maguindanaon ay naniniwala sa tonong, ang hindi nakikitang ispiritung ito ay maaaring
magbigay ng sakit o kapahamakan sa mga tao. (Gowing et al., 1974).

Wika

Maguindanaw ang tawag sa wika ng mga Maguindanaon. Marunong din silang mag
Filipino, Cebuano, at Ingles.

4.3 ZAMBOANGA: ANG PARAISO NG MGA BULAKLAK SA KATIMUGAN

- ni Rainer Anthony Rubin

Zamboanga, siyudad ng mga pangarap at bulaklak. Tinaguriang City of Flowers,


marahil ay dahil sa makukulay at mahahalimuyak na mga bulaklak na matatagpuang
saganang-sagana sa pali-paligid; sa mga bakuran, bintana, gilid ng kalsada, at mga liwasan.
O maari rin naming dahilan sa mga magagandang dilag ng Zamboanga, mga kadalagahang
bantog hindi lamang sa taglay na kariktan nila kundi lalung-lalo na sa kanilang likas na pang-
akit at kalambingan.

Diumano ang pangalang Zamboanga ay mula sa salitang “Samboangan” na siyang


dating katawagang ginagamit ng mga katutubong Muslim, Badjao, Subanon, at iba pang
grupong ethnikong naninirahan dito. Ang pangalang “samboangan” ay kinuha sa salitang
“sambuan” na tumutukoy naman sa mahabang kahoy na ginagamit ng mga Samal at Badjao
130

sa pagtutulak ng kanilang mga sasakyang vinta sa mga pampangin ng mga karagatan.


Ngunit taliwas naman ditto ang sinasabi ng iba. Ang Zamboanga raw ay galing sa salitang
“Jambangan,” isang salitang Malay na tumutukoy sa isang pook na pinamumugaran ng
maraming naggagandahang bulaklak. Ang dalawang salitang ito na sinasabing pinagkunan
ng pangalang “Samboangan” at “Jambangan” ay kapwa tumutukoy sa dalawang bagay na
katutubo sa lugar, ang vinta at bulaklak kaya‟t hindi natin matiyak kung ano ang totoo.
Gayunman, hindi mapasusubalian na sa paglunsad ng mga kastila sa pampangin nito noong
ikalabingpitong dantaon ay saka ito tinawag na Zamboanga.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi dapat pagtakhan kung bakit ang Zamboanga, sa


kabila ng hindi gaanong magandang balita na dulot ng ilang kaguluhang nagaganap ay
patuloy pa ring umaakit ng mga turistang galing sa iba‟t ibang panig ng Pilipinas at sa ibang
panig g daigdig. Paano‟y napakalakas ng pang-akit ng magagandang tanawing matatagpuan
ditto: ng matutulaing karagatan at kabundukan na hindi pa pinapangit ng modernismo; mga
tradisyon na kaugnay sa kasaysayan ng lahi at mga kaugalian na iba‟t iba na pawing kakaiba
mula sa iba‟t ibang grupong etniko na naninirahan dito.

Halimbawa, matatagpuan ditto ang mga Badjao o ang mga sea gypsies na pawing
naninirahan sa mga karagatan ng Zamboanga. Sila ang mga nagpapala at pinagpapala ng
karagatan; sa dagat sila ang naghuhuli ng mga isda at iba pang lamang-dagat, naninisid sila
ng mga perlas at napakagandang tanawin ang kanilang matutulin at makukulay na vinta na
bumibinit sa tubig. Tahanan nilang itinuturing ang mga bangkang nangakalutang sa pampang
ng dagat; ditto sila naliligo, naglalaro, naglalaba at humahabi ng mga pangarap. Tahanan nila
ang isa sa mga pinakamayamang karagatan sa buong pilipinas sapagkat ito‟y mina ng mga
perlas, korales, talaba, sigay, at mga pagkaing-dagat.

Bukod sa mga Badjao, may isang grupo pa rin ng mga katutubo sa Zamboanga na
naninirahan sa tubig: sila‟y matatagpuan sa Taluksangkay Village makalabas ng siyudad. Sa
halip ng mga bangkang nakalutang ay sa mga magkakadikit na bahay kubo naman sila
nakatira na ang mga mahahabang haligi ay nangakalubong sa tubig. Ito‟y halos magkatulad
ng matatagpuan sa Jolo.

Makasaysayan ang mga baybayin ng zamboanga na kinaganapan ng madudugong


labanan ng mga katutubo at mga banyaga sa panahon ng panlulupig. Ngayon ang mga
makasaysayang mga baybaying ito ay dinudumog ng mga turista bilang mga languyan. Ditto
rin nagpupunta ang mga mahihilig sa nagiging popular na libangang tinatawag na scuba
diving po pagsisid sa dagat na kompleto sa makabagong kasuotang pansisid.

Walang turistang pumupunta sa Zamboanga na makapagsasabing nakita naniya ang


lahat kung hindi pupunta sa bantog na Pasonanca Park ito‟y masasabing isang paraiso ng
kagandahan. Dito‟y lalong madarama ng isang alagad ng kalikasan ang pagpala ng buhay sa
munting ilug- ilugang ang malinaw na tubig ay nanununulay sa kabuuan ng parke na ito‟y
nayayamungmungan ng iba‟t-ibang uri ng punongkahoy at halaman. Hindi dapat pagtakhan
na ang Pasonanca Park ay sagana sa ibon, hayop, isda at halaman. At para sa mga
romantiko, lalo na sa mga nagpupulotgata, may ipinagmamalaking bahay-bahayan sa itaas
ng isang malaking punungkahoy ang parkeng ito. Ang tree house na ito‟y piping saksi ng
maraming sumpaan at pag-iibigan.
131

Makasaysayan din ang “Real Fuerza de Nuestra Senora del Pilar de Zaragoza.” Ito‟y
isang kuta na itinayo ng mga manlulupig na kastila at ginamit nilang kublihan at himpilan
laban sa mga lumalabang katutubo. Noong 1899 nang pumailalim ang Zamboanga sa kamay
ng mga Amerikano ito ay tinawag na sa pinaigsing pangalang Fort Pilar. Maraming mga
kwento at alamat ang lumaganap sa bibig ng mga tao ang tungkol sa pagiging milagrosa ng
Mahal na Birhen sa lugar na ito kaya‟t tuwing buwan ng Oktubre ng bawat taon maraming
mga deboto at turista ang dumarayo rito. Tampok sa pista ng birhen ang makapigil hiningang
karera ng mga makukulay at mabibilis na vinta na pinapanood sa baybay-dagat ng siyudad at
para sa mga taga Maynila, tunay itong naiibang panoorin.

Ang isa pang katutubong tradisyon ng zamboanga na pinagdarayo ng mga turista ay


ang Bale Zamboanga Festival na idinaraos naman sa Pasonanca Park tuwing buwan ng
Pebrero. Tatlong araw ang itinatagal ng pista at sa loob ng mga araw na iyan, ang mga
Kristiyano, Muslim, Badjao, Tsino, Tausug, Subanon at iba pang grupong etniko ay
nagtatanghal ng kani-kanilang mga katutubong kalinangan katulad ng sayaw, dula at iba
pang selebrasyon na nagpapakita ng mga kaugalian at tradisyon. Bukod diyan, dinudumog
din ng mga turista ang pagtatanhal nila ng iba‟t-ibang produkto at mga gawang kamay ng
bawat pangkat.

Ang pangunahing wikang ginagamit sa Zamboanga ay Chavacano. Ito‟y tila mandin


pinaghalu-halong Kastila, Tagalog, Bisaya at iba pang wika ng mga grupong etniko. Ito‟y may
malambing na intonasyon at masasabing namamaibabaw ang pagiging Kastila. Hindi
maikakailang Chavacano ang ginagamit na wika sa pangangalakal, sa pulitika, sa simbahan,
at sa halos lahat ng larangan ng pamumuhay bagama‟t tahasang masasabing ang wikang
Filipino ay ginagamit at naiintindihan ng karamihan.

May masasabing sa Zamboanga matatagpuan ang ib‟t-ibang pangkat ng mga tao na


may iba‟t-ibang paniniwala, kulay, at pananampalataya, ngunit nasa pagkakaiba-ibang ito
ang pagkakasundo-sundo, ang kapayapaan, at pagkakaunawaan.

Wika ng Zamboangueno

Chavacano ang tawag sa wika ng mga Zamboangueno ngunit sa dahilang ang


Zamboanga ay tinatahanan ng iba‟t ibang tribo, Filipino ang gamit sa pagkakaunawaan. Ang
mga Muslim ay may kani-kanilang wikang gamit depende sa grupo. Karamihan ay mga
tausug na nagsasalita ng Badjao. Ang mga negosyanteng Meranaw naman ay nagsasalita
ng Meranaw.

4.4 ILANG BAGAY TUNGKOL SA DAPITAN

- ni Teresita Merencillo-Acas

Ang Polo ay isa sa mga maliliit na nayong nasasakop ng Lungsod ng Dapitan na


may lawak na 434 na hektarya at may 1,347 mamamayan sakasalukuyan. Ang
mamamayang ito ay pawing mga kristyano na nagsipanggalingan sa iba‟t ibang lugar sa
pilipinas, ng, ngunit karamihan ay galing sa Negros, Cebu, Bohol, at Samar. Karamihan sa
132

mamamayang ito ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda, bagamat mayroon naming


mabibilang sa daliring naglilingkod sa pamahalaan, nagsasaka, namamasukan sa ilang
pribadong tao bilang drayber, at iba pang uri ng hanapbuhay na bagama‟t mahirap ay
marangal naman. Hindi nga sila mayaman, ngunit hindi rin naman silang matatawag nating
nasa kalagitnaang uri at nabubuhay silang mapayapa, maligaya, at laging may
pagkakaunawan sa bawat isa.

Ayon sa kasaysayan, ang nayong ito ay pinangalanang Polo dahil sa kung wala pa
ang tatlong tulay na nag-uugnay nito sa inang kalapit na lugar ay talagang isang maliit na
pulo o isla ito dahil napapalibutan ng tubig, dagat at ilog. Ang dapat na baybay sana nito ay
Pulo at hindi Polo, ngunit dahil sa nakaugalian na ng mga tao ang ganitong baybay,
pinapanatili na lamang ito, bagama‟t sa pagbigkas ng mga tao, maririnig nating /u/ at hindi /o/
ang ginagamit nila.

Walang mahalagang kasaysayan ang maliit na nayong ito, ngunit ang isang lungsod
na sumasakop ditto ay isang makasaysayang pook sa ating bansa, kaya‟t minabuti kong isali
ang maikling kasaysayan ng lungsod naming ito, ang Lungsod ng Dapitan.

Ang Lungsod ng Dapitan

Marahil, hindi nab ago sa pandinig ng lahat ang pangalan n gaming lungsod, ang
Dapitan, dahil nagging palasak na ang lugar na ito sa halos lahat ng aklat ukol sa
kasaysayan ng Pilipinas. Tuwing maririnig ang pangalan n gaming lungsod, ang unang
maalaala o maiisip marahil ng taong „yon ay ang pagkatapon ng pangunahing bayaning
Pilipinong si Dr. Jose P. Rizal sa loob ng apat na taon, mula 1892-1896. Kung iisipin ngang
mabuti ay parang napakahaba ng panahon ng pagkakatapon niya, ngunit para sa mga
mamamayang nakatamasa ng di mabibilang at di makakalimutang kabutihang mula sa
kanyang mga kamay, ang mga panahong ipinamalagi niya ngunit ang kapangyarihan ng mga
nanakop ay siyang nasunod na di nahadlangan ng karaniwang mamamayan noon.

Ang naturang bayani ay di-tumira sa puso ng lungsod, na noo‟y bayan pa, kundi sa
isang maliit at mapayapang pook na pinangalanan niyang Talisay dahil sa ito‟y
napagkakitaan ng maraming puno ng Talisay na hanggang ngayon naroon pa. ang talisay ay
bahagyang nahihiwalay sa bayan dahil sa isang maliit ngunit malalim na ilog kkung kaya‟y
nangangailangan pa ang mga mamamayan ng Bangka bago marating ang lugar na tinitirhan
ng bayani. Ngunit sa kasalukuyan pinagdudugtong ang dalawang ito ng isang kongkretong
tulay at ang Talisay sa ngayo‟y bantog na sa pangalang Rizal Park.

Maraming tungkulin ginampanan si Dr. Jose P. Rizal sa pamamalagi niya rito. Isa sa
mga tungkuling nag iwan ng kanyang bakas sa lugar na ito ay ang pagiging guro niya, dahil
sa kasalukuyang may natira pang kaisa-isang buhay sa kanyang mga tinuruan na siyang
nagpalaganap ng karunungan at katalinohang nagging utang niya sa kanyang matalinong
guro na walang iba kundi an gating pambansang bayani. Ang estudyante niyang ito ay si G.
Florentino Cad, na laging pinararangalan tuwing sasapit ang Araw ni Rizal.

Ang pagiging makasaysayang lugar ng Dapitan dahil sa pagkakatapon ni Dr. Jose P.


Rizal ay siyang nagging dahilan sa pagiging lungsod nito kahit maliit lang ang sinasakop nito.
133

Mamamayan

Pawing mga Kristiyano ang mga nakatira rito, na karamiha‟y mga Romano Katoliko
at sumasampalataya sa Panginoon. Wikang Cebuano ang ginagamit nila bagamat ang
intonasyon nila ay may kaibahan kung ihahambing sa mga ibang gumagamit ng wikang ito.

Ilang mga Katangi-tanging Kaugalian at Pamahiin

Isang katangi-tanging kaugalian ng mga taga Dapitan na nagging bantog sa mga


karatig pook nito ay ang pagbakas o pagtuklas ng kung kaninong angkan nagmula o
nabibilang ang isang manliligaw na binata sa kanilang dalaga, nang sa gayon ay di
magkaasawahan ang mga magkamag-anak kahit malayo na ang relasyon ng bawat isa.
Masyadong napakalapit ng ugnayan ng magkamag-anakan at napakalaki ng paggalang ng
mga kabataan sa matatanda.

Maraming mga pamahiin ang mamamayan sa Dapitan, tulad ng mga sumusunod:

a. Kasal

1. Huwag isukat ang damit pangkasal ng ikakasal upang matuloy ang kasal at
walang sakunang mangyayari.

2. Dapat iwasan ng ikakasal ang pagpunta sa kung saan-saan dahil malapit sila
sa mga aksidente sa panahong iyon.

3. Kung maunang ikasal ang nakababatang kapatid, kailangan siyang


magbigay ng pera sa nakatatandang kapatid upang maging lubos ang
kaligayahan nila sa kanilang buhay

b. Binyag

Kung ibig mong maging mabait, matalino o magkaroon ng magandang


katangian ang iyong anak, piliin mong maging ninang o ninong ng anak mo
ang mga taong may angking ganoong katangian para mamana ito ng bata.

c. Pagdadalaga ng isang batang babae

1. Paluksuhin ng tatlong baiting ang batang nireregla sa unang pagkakataon


upang tumagal lamang ng tatlong araw ang regal nya.

2. Magsuksuk sa garter ng panti ng buulak upang maging magaan ang katawan


na gaya ng sa bulak.

3. Umupo sa dahon ng gabi upang hindi matagusan kung rereglahin nang hindi
namamalayan.

Wika

Cebuano ang wikang gamit ng mga taga Dapitan.


134

Gawain 5

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain

a. Gumamit ng long bond paper.


b. Isulat sa unahang bahagi ng bond paper ang sumusunod:
1. ang iyong buong pangalan
2. ang iyong kurso at kasalukuyang taon
3. subject at seksyon
c. Kopyahin sa bond paper ang buong gawain at saka ito sagutin.
d. Ilagay sa nakatakdang kulay na envelope.
e. Sumangguni sa Timeline ng module na ito (sa pahinang preliminaryo) kung kailan ito
ipapasa.
f. Ihulog/Ipasa ang envelope sa pinakamalapit na designated drop-box ng MSU-LNAC sa
inyong lugar.

I. Instruksyon: Gamit ang iyong natutunan sa kultura ng mga Meranaw at Maguindanaon,


mainam na ipaliwanag ang tanong sa ibaba. Isulat sa sagutang papel.

1. Paano Nakatutulong ang Kaalaman sa Kultura ng mga Muslim sa Inaasam-asam


Nilang Kapayapaan?

2. Isulat sa mga kahon sa A ang bahagi ng kultura mo na may pagkakatulad (malaki


man o maliit) sa kultura ng mga Meranaw, at kultura mo at kultura ng mga
Maguindanaon. Sa B naman, isulat ang bahagi ng kultura ng mga Maguindanaon. At
ipaliwanag naman sa kahon C kung paano mo maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng mga Meranaw, at sa pagitan mo at ng mga
Maguindanaon.

Meranaw Iyo Maguindanao

B
135

II. Instruksyon:Ipaliwanag nang mabuti at maliwanag ang hinihingi.

1. Ilarawan ang mamamayan at kultura ng Dapitan. (paniniwala at tradisyon)

2. Bakit itinuturing na paraiso ng mga bulaklak ang Zamboanga?


136

FILIPINO 101

WIKA AT KULTURA SA

MAPAYAPANG LIPUNAN
Final na Markahan – Modyul 3:

Ikaanim na Linggo (Pagsasagawa ng Pananaliksik)


137

Gawain 6 – Pagsasagawa ng Pananaliksik

Gumawa ng isang pananaliksik at bumuo ng isang pagtatala ukol sa kultura ng iyong


pamilya. Gawing batayan ang mga araling natalakay sa unahan.
138

Sanggunian:

Hufana, N. L. et al. 2018. Wika at kultura sa mapayapang lipunan. Malabon City: Mutya
Publishing House, inc.

You might also like