Uswag Sabayang Pagbigkas Relaipa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

Sabayang Pagbigkas bilang Sining

Pantanghalan: Pagdalumat sa
Danas bilang Artista at
Choreographer
BIONOTE NG MANANALIKSIK
RELAIPA A. MOROHOMADIL, LPT

Si Relaipa A. Morohomadil, 23 taong gulang ay


isang purong Maranao. Nagtapos ng Batsilyer sa
Sekondaryang Edukasyon major sa Filipino sa MSU-
GSC at kumukuha ng MAEd in Filipino sa Notre Dame
of Marbel University. Dalawang taon nang nagtuturo sa
Pablo Valencia National High School at naging Dance
Sports Coach sa kategoryang standard noong 2019.
Naging isa sa aktibong nakilahok sa Pansangay na
Seminar-Workshop sa Kritikal na Buod ng K-10
Kurikulum Baitang 8 at kinilala ang kanyang naging
ambag sa larangan ng Vlog. Kasalukuyan siyang Filipino
Coordinator at Girl Scout Coordinator ng kanilang
paaralan at nagtuturo Filipino sa ikawalong baitang at
Filipino sa Piling Larang.
SUSING SALITA NG PAG-AARAL
AT KAHULUGAN
Sabayang Pagbigkas – ang Sabayang Pagbigkas ay isang kawili-wiling
paraan ng pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng pagsanib-sanib
ng mga tinig ng koro ayon sa wasto nilang tunog, puwersa at lakas. Taglay
nito ang mabisang panghikayat o pamukaw sa damdamin dahil sa
natitigatig nito ang pandinig, paningin at pandama ng tao (Abad, 1996).

Danas – konkretong karanasan ng isang tao sa isang konteksto ng


pangyayari o kaganapan. Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy lamang sa
karanasan bilang artista at choreographer sa sabayang pagbigkas

Dalumat – ang dalumat ay kasing kahulugan ng paglilirip o paghihiraya


(Panganiban, 1973).
PANIMULA
Ang sabayang pagbigkas ay karaniwan nang ginagawang patimpalak at
itinatanghal sa tuwing Buwan ng Wika, University Week, o di kaya’y kahit sa
simpleng gawain lamang sa silid-aralan. Ang madula at pagbibigay buhay ng mga
artista sa isang akda ang siyang nagpapasabik sa mga manonood. Ito ay
nagpapadama ng iba't-ibang emosyon sa mga manonood, mayroong iiyak, tatawa,
manggigil, matatakot, magagalit at masisindak sa bawat salitang binibitawan ng
mga gumanap.
Ayon kay Belvez (2003) ang sabayang pagbigkas ay hindi lamang ito
pagpapahalaga sa isang kathang sining, dahil dito nagkakaroon nang malinaw na
pagkaunawa, at nalilinang ang wastong pagbigkas ng mga mag-aaral. Ayon
naman kay Andrade (1993) nahahantad ang mga mag-aaral sa dekadang ito sa
iba’t ibang yugto ng pakikipagtalastasan. Kailangang lumikha, bumuo at patuloy
na mananaliksik ang mga guro ng isang mabisang pamamaraan makasabay sa mga
makabagong pakikipagtalastasang ito.

Sa kasalukuyan, walang pagdiriwang sa lahat ng mga paaralan upang


maiwasan ang patuloy na pagkalat ng sakit na Covid- 19 ngunit inaasahan na sa
pagbabalik normal ay magbabalik din ang mga pagtatanghal na ito.
PANGKALAHATANG
SULIRANIN

Naglalayong dalumatin ang


mga karanasan bilang artista at
choreographer, sa pagtatanghal ng
sabayang pagbigkas.
PAGLALALAHAD NG
SULIRANIN

❖Ano-ano ang karanasan ng mga


piling kalahok sa pagtatanghal ng
sabayang pagbigkas?
KONSEPTUWAL NA
BALANGKAS
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL
AT LITERATURA
❖ Pinaniniwalaang ang unang dula at sabayang pagbigkas ay sabay
na sumibo sa Greece noong 500BC. Ang unang sabayang pagbigkas
ay isang ritwal at parangal kay Dionysius, isa sa mga diyos ng mga
sinaunang Griyego. Di kalaunan, sinabayan ito ng mga maanyong
pagkilos at galaw ng katawan upang maging mas masimbulo at
makahulugan ang pagtatanghal. Sa kasalukuyan, palasak na ang
mga sabayang pagbibigkas na ginagamit sa mga pagtatanghal.
❖ Ayon kay Andrade (1993) ang sabayang pagbigkas ay isang
masining na pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo
ng panitikan sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa nang malakas
ng isang koro o pangkat. Ito ay isang matimbang at maindayog na
pangkatang tinig na nagpapahayag ng isang uri ng kaisipang
masining at madamdamin.
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL
AT LITERATURA
❖ Ang kahalagahan ng sabayang pagbigkas ay naghahasa at nagsasanay sa
maayos, mainam at madamdaming pagbigkas ng mga salita, nagkakaroon
nang malawak na pagsusuri’t pag-unawa sa nilalaman ng tulang binibigkas,
nakadarama ng higit na pagpapahalaga sa kaisipan at makulay na
interpretasyon, nasusubok ang pag-uugali at displina sa larangan ng
pagtatanghal. Napapatalas ang mga dati nang kasanayan at higit pang
napalalawak at nadaragdagan dahil sa karanasan sa pagsasaulo, pagbigkas at
pagtatanghal.
❖ Kaugnay ng pag-aaral na ito ang pag-aaral ni Fernandez (2019) na
pinamagatang Act Two, Scene One: Isang Pagusuri sa Kontemporaryong
Dulaang Pilipino lumabas sa kanyang pag-aaral na hanggang ngayon ay
patuloy pa ring ang pag-arte sa teatro, ayon sa kanyang pag-aaral ang teatro ay
isang uri ng kolaboratibong anyo at pinong sining na binubuo ng mga aktor at
aktres upang ipakita ang isang sitwasyon o karansan ng isang tunay o naisip
na kaganapan.
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL
AT LITERATURA
❖ Lumabas sa pag-aaral ni Abacan (2014) ang tatlong pangunahing
dulot ng sining pagtatanghal ay napapayabong ang talento at
kasanayan ng mga mag-aaral sa Sining Pagtatanghal,
napapagyaman ang sining, at nagkakaroon ang mga mag-aaral ng
magandang libangan.
❖ Sa pag-aaral ni Borowicz (2019) na pinamagatang Traversing the
rift: Cultivating Climate Change Literacy through Theatrical
Performance kung saan kanyang natuklasan na ang teatrong
pagtatanghal ay nakakapagbigay ng kamalayan sa tao tungkol sa
kalikasan dagdag pa niya kung ang pagtatanghal ay naglalayong
magbigay inspirasyon sa pangangalaga ng kalikasan kailangan
ipakita ang relasyon ng tao rito ngunit kung gagamitin sa pagbuo
ng aktibismo nangangailangan ng maingat na pagsusuri.
METODOLOHIYA
❖ Palarawang pag-aaral.
❖ Layunin nitong dalumatin at ilarawan ang danas ng apat na
naging dating kalahok ng sabayang pagbigkas mula sa iba’t
ibang paaralan.
❖ Isinagawa ang pakikipanayam sa mga tukoy na kalahok
gamit ang Facebook/Messenger para sa personal na tawag
at mensahe.
❖ Purposibong napili ang mga kalahok sapagkat sila ay kapwa
nakaranas maging artista at choreographer, sila rin ay mga
kaibigan sa Facebook ng mananaliksik.
❖ Ginamit ng mananaliksik ang sariling likhang gabay na mga
tanong bago ito tuluyang pinasagutan sa mga kalahok ng
pag-aaral.
TEKSTO NG PANANALIKSIK
Dalawa ang pinagmulan ng datos: ang
Facebook at ang apat na kalahok. Sa social
media o sa Facebook partikular na natukoy ng
mananaliksik ang kanyang mga kalahok sa
tulong na rin ng kanyang iba pang kaibigan sa
Facebook. Pinagmulan din ng datos ang apat
kalahok hinggil sa kanilang danas bilang
artista at choreographer ng sabayang
pagbigkas.
SAKLAW AT LIMITASYON
❖ Palarawang pag-aaral na naglalayong ilarawan ang danas bilang
artista at choreographer ng apat na tukoy na kalahok.
❖ Isinagawa ang pakikipanayam sa kanila sa pamamagitan ng
Messenger (video call o chat).
❖ Ginamit ang sariling likhang gabay na mga tanong.
❖ Ang apat tukoy na kalahok ay purposibong pinili sapagkat sila
ay kapwa nakaranas ng lumahok at naging choreographer ng
sabayang pagbigkas at kaibigan sa Facebook ng mananaliksik.
❖ Ang personal na impormasyon ng dalawa sa kanyang mga
kalahok ay hiningi at pinahintulutan mailathala habang ang
dalawa ay mas piniling itago at gawing pribado ang kanilang
pangalan.
KALAHOK
Apat na tukoy na kalahok ang ang
pinagmulan ng datos. Silang tatlo ay kapwa
nakaranas na lumahok sa sabayang
pagbigkas at naging choreographer noong
sila ay nasa kolehiyo hanggang ngayong na
sila ay naging isang guro na mula sa iba’t
ibang paaralan at ang isa ay kasalukuyang
nag-aaral pa sa Notre dame of Marbel
University.
PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS
❖ Ang mananaliksik ay naghanap ng apat na kalahok na
makapagbabahagi ng kanilang danas bilang isang artista at
choreographer ng sabayang pagbigkas mula sa kani-kanilang
paaralan.
❖ Ipinadala sa pamamagitan ng private message ang imbitasyon
para sa pakikipanayam (layunin, iskedyul at iba pang detalye).
At nang sumang-ayon sa paanyaya na maging kalahok ng pag-
aaral, ipinadala sa mga kalahok sa pamamagitan ng messenger
ang mga tanong sa pakikipanayam.
❖ Nagbigay ng mga gabay na tanong ang mananaliksik sa
pamamagitan ng messenger at sinagutan naman ng kanyang
mga naging kalahok sa pag-aaral at ipinadala muli sa kanya sa
pamamagitan pa rin ng messenger.
❖ Kinuha ng mananaliksik ang mga naipong sagot at isa-isang
sinuri kung may nakaligtaang sagutan.
PAGSUSURI NG DATOS

❖ Pagkatapos maipadala ang mga gabay na tanong sa mga naging


kalahok sa pag-aaral ay isa-isang kinolekta ang mga naging
tugon.
❖ Binasa at dinalumat isa-isa ang kanilang mga naging tugon.
❖ Sa ginawang dalumat ay tiniyak ng mananaliksik sa kanyang mga
naging kalahok na mananatiling pribado at walang
pagkakakilalanlan ang mga naging tugon ng kanyang mga
kalahok na hindi pumayag sabihin ang kanilang pangalan at ang
tanging pagagamitan lamang ay ang gagawing pag-aaral.
Pagkatapos makuha ang mga personal na danas ng kanyang
tukoy na kalahok ay nagbahagi rin ng kanyang emikong danas
ang mananaliksik.
DALUMAT AT PRESENTASYON
Danas bilang Artista ng mga Kalahok

❖Naranasan ni Prince na maipalabas ang emosyong hindi niya inaasahan na


mayroon pala siyang taglay, maging ang pagsasaulo ng piyesa ay sadyang mahirap
para sa kanya dahil nagtataglay ito ng ilang mga saknong, nahirapan din siya dahil
kailangang pagsabayin ang pagsasaulo at paggalaw na kaugnay rito.

❖Hindi naman naging madali ang pag-arte para kay Jayson lalo na kung sa
personal na buhay ay mahiyain siya. Ang kagandahan lang ng sabayang pagbigkas
kahit na ikaw ay mahiyain natatanggal iyon dahil sabay-sabay naman kayong nag-
eensayo. Naranasan niya ring muntik nang sumuko at di na sumali noong mga
panahong nagkasakit siya at ilang araw na di nakapag-ensayo gayon pa man laking
pasasalamat niya at tinanggap pa rin siya, sinubukan niyang humabol at
makipagsabayan sa kanyang mga kasama. Dagdag pressure pa ang muling pagkamit
ng kampeyonato.
DALUMAT AT PRESENTASYON
Danas bilang Artista ng mga Kalahok

❖Ilan sa naging karanasan ni kalahok C bilang artista noon ng


sabayang pagbigkas ay nahirapan siya sa pag-akma ng kilos sa
bawat salitang kanyang binibigkas at ang pagbibigay ng tamang
emosyon dito.

❖Si Kalahok D naman bilang isang aktor ay nagsabing kailangan


maging flexible ka sa lahat ng emosyon na iyong ipapakita sa
madla. Kinailangan niya ring maging makapal ang mukha sa
pagtatanghal ng sabayang pagbigkas. Inaral niya rin ang lahat ng
talentong na kailangan niyang maangkin
DALUMAT AT PRESENTASYON
Danas bilang Choreographer ng mga Kalahok

• Bilang choreographer para kay Prince ay mas mahirap pa ito kaysa sa


pagiging artista dahil ikaw ay parang ulo at ang mga artista mo ay siyang
katawan, mahirap pagsabay-sabayin ang ginagawa ng isang choreographer
dahil kailangan pa niyang itama ang pagbigkas, pagsasahimig, galaw ng
katawan, at galaw ng mata ng mga artista. Ang pinakamahirap ay iyong
pagpapalabas ng emosyon sa kanila dahil kinakailangan ng matinding
pasensya.

❖Para kay Jayson naman bilang isang choreographer ay kinakailangan


marunong kang mag disiplina hindi lamang sa iyong mga kalahok kundi higit
na sa sarili mo sapagkat ikaw ang magsisilbing modelo ng iyong mga artista.
Mahalagang tama at naayon ang ipinapakita mong asal sa kanila dahil iba’t iba
ang ugali ng tao.
DALUMAT AT PRESENTASYON
Danas bilang Choreographer ng mga Kalahok

❖Hindi naging madali sabi ni kalahok C at dagdag sa problema ang


pagiging huli ng mga kalahok sa ensayo at pagliban dito. Di niya
makakalimutan ang pagbabago ng mga kumpas at aksyon sapagkat
may pagkakataon na hindi nakukuha ng mga kalahok at kung minsan
hindi bumabagay sa piyesa kung kaya dapat malikhain ang iyong
pag-iisip para sa ikagaganda ng inyong itatanghal.

❖Bagamat nag-aaral pa lamang si Kalahok D at di pa nakaranas


talaga maging choreographer ngunit nagbibigay naman siya ng
kanyang opinyon lalo na sa mga blockings sa tuwing sila ay nag-
eensayo.
Emikong Danas ng mananaliksik bilang
Artista ng Sabayang Pagbigkas
❖ Bago makalahok ay dumaan muna ako sa isang audition noong ako ay nasa
kolehiyo pa. Ang sabayang pagbigkas para sa akin ay parang isang saliw ng
musika na kailangang sabayan ang bawat ritmo nito, bawat kanta ay may angking
emosyong kailangang ilantad.
❖ Ito ay hindi lamang galing sa pag-arte o sa lakas ng boses, gaya ng musika
kailangan matalas at marunong makinig sa bawat salitang binibigkas ng lahat ng
miyembro sapagkat gaya ng mga instrumentong ginagamit sa pagtugtog upang
makagawa ng magandang musika ay kailangang maging isa lang ang miyembro,
iisang kilos, kumpas, tinig at emosyon ang dapat mangibabaw. Sa pagtatanghal ng
sabayang pagbigkas nailalabas ko ang lahat ng mga nakatagong emosyon na hindi
ko mailabas.
❖ Bilang isang artista bawat ensayo ay sinisigurado kong bigay todo ako sa bawat
galaw, kumpas at bawat salitang aking binibitawan at naibibigay ko ang tamang
emosyon na dapat ibigay sa piyesang aming itatanghal.
Emikong Danas ng mananaliksik bilang
Choreographer ng Sabayang Pagbigkas

❖ Isa ito sa di ko makakalimutang tagpo sa aking buhay kung saan una akong
magturo ng sabayang pagbigkas sa paaralan kung saan nagtuturo ang aking ina.
Aaminin kong mahirap ang magdisiplina ng mga batang makukulit at
nakakapanghinayang sa tuwing di sapat para sa iyo ang binibigay nilang
emosyon sa piyesa.
❖ Gayon pa man natutunan ko ang mahalagang asal na siyang aking naging baon
sa pagtuturo iyon ay ang taasan ang pasensya, maging positibo at magtiwala sa
kakayahan ng mga kalahok.
❖ Manaliksik at maging mas malikhain sa pagtuturo ang nadagdag sa aking
kasanayan nang mga panahon iyon, nanaliksik ako ng maaaring linya o aksyon
na babagay sa kanilang binibigkas na piyesa at paghihimig, ang maging
malikhain sa kung ano ang mga gagamitin na props at kasuotan nila sa
pagtatanghal ay nahasa rin. Naging mas madali sa akin ang pag-iisip nito dahil
narin sa aking mga naging karanasan sa sabayang pagbigkas.
RESULTA
Pagdalumat Bilang Artista Pagdalumat Bilang
Choreographer
• Ang sabayang pagbigkas
ay pagtatanghal sa • Ang sabayang pagbigkas
masining na paraan. ay pagiging malikhain
• Kabuoan ng iba’t ibang • Pananaliksik
talento • Pagdidisiplina
• Pagtanggap • Modelo
• Hindi pagsuko • Pagtuturo
• Pagsasadula • Pakikibagay
• Pagkakaisa • Ambag sa pagtuturo
• Pagiging Disiplinado
TALAKAYAN
Bilang isang artista at choreographer, hindi sapat
na lakas ng boses lang ang puhunan mo, kailangan
sumubok ng iba pa at gamitin ang iba’t ibang talentong
mayroon ka. Laging isipin na hindi lang ikaw ang
nagtatanghal kung kaya dapat maging disiplinado,
marunong makisama at maging mabuting huwaran sa
iba upang magkaroon ng pagkakaisa. Isipin ang layunin
na mamukaw ng natutulog na damdamin. Mag-isip,
manaliksik at maging malikhain para sa ikagaganda ng
pagtatanghal. Damhin at ibuhos lahat ang emosyong
dapat ipakita sa piyesang napiling itanghal.
KONGKLUSYON AT
REKOMENDASYON
❖Malaki ang nagiging epekto ng sabayang pagbigkas sa
kahit sino mang kalahok nito. Nahuhubog ang kanilang
kasanayan sa larangan ng pag-arte at natutunan nilang
maging malikhain sa pagtatanghal. Higit na natutunan din
ng mga kalahok ang pagiging disiplinado. Ang karanasan
sa sabayang pagbigkas ay maaaring maging baon sa
paghahanap ng trabaho sapagkat maaari mo itong maging
ambag sa paaralan kung saan nais mong magturo.

❖Pag-aralan pa ang iba’t ibang uri ng sining pantanghalan.


SHUKRAN!

You might also like