Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 2


Sintahang Romeo at Juliet

CLYDE F. CANDIDO
Tagapaglinang ng Modyul
Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera

i
Filipino- Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode : Ikalawang Markahan, Modyul 2: Sintahang Romeo at
Juliet (Dula mula sa England)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyal. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Manunulat: Clyde F. Candido


Editor: Eugene M. De Guzman
Tagasuri: Teresita D. Estocapio Leonardo T. Zambrano
PCNHS-MT II-Filipino RiNHS-ASSP II
Alexander L. Dolin
School LR Coordinator
Tagaguhit: Ayson L. Candido, Joey Mang-usan
Tagalapat: Teresita D. Estocapio
Tagapamahala: Marilyn S. Apiit- EPS-Filipino Juliet C. Sannad
Nixon C. Elahe- PSDS-District 1 Chief Education Supervisor

Armi Victoria A. Fiangaan-EPS-LRMDS Christopher C. Benigno


Christopher David G. Oliva-Project OIC-Asst. Schools Division
DevelopmentOfficer II-LRMDS Superintendent
Priscilla A Dis-iw-Librarian II Federico P. Martin,EdD,CEdD,CESOV
Lily B. Mabalot-Librarian I Schools Division Superintendent

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Cordillera Administrative Region

Office Address: Wangal, La Trinidad,Benguet


E-mail Address: car@deped.gov.ph
ii
ALAMIN

Magandang araw mahal naming mag-aaral! Kumusta? Sabik


ka na bang makabasa ng isa pang napakagandang akda?

Isa nanamang pinalatuntunang kagamitang panturo


(Module) ang ihahatid sa iyo na tumatalakay sa Akdang
Pampanitikan mula sa bansang England. Samahan mo akong
kilalanin ang mga akdang mula sa bansang Kanluranin. Aalamin
natin kung ano ang naiambag ng mga akdang pampanitikan
mula England sa ating mga Pilipino.

Ang modyul na ito ay ukol sa isang akdang pampanitikan na pinamagatang


“Sintahang Romeo at Juliet” na isang dula mula sa England. Matatalakay rin dito
ang etimolohiya at uri ng pinagmulan ng salita.

Lubos mong mauunawaan ang mga panuntunan sa buhay na kailangang


matutuhan sa ating pakikisalamuha sa ating kapuwa at mga panuntunan sa buhay
na magpapatatag sa ating mga kaloooban.

Pagkatapos mong isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, inaasahang


maipamamalas mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan:

Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs)


1. Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-
bayan/dulasa napakinggang usapan ng mga tauhan. (F10PN-IIa-b-72)
2. Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang
bansa sa daigdig. (F10PB-IIa-b-75)
3. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito
(etimolohiya). (F10PT-IIa-b-72)
4. Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng
kuwentong-bayan/dula batay sa napanood na bahagi nito. (F10PD-IIa-b-
70)
5. Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa
sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa. (F10PU-IIa-
b-74)

3
SUBUKIN
PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na susubok sa iyong


kaalaman bilang paghahanda sa araling ito. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat sa patlang bago ang bilang.

___ 1. Isang sangay ng panitikan na may pangunahing layuning itanghal sa


entablado.
a.maikling kuwento b. sanaysay c. tula d. dula
____2. Isang uri ng dula na ang tema ay nakasasama ng loob at nakaiiyak dahil sa
kasawian nadanas ng panhunahing tauhan.
a.tragikomedya b. trahedya c. komedya d. melodrama
____3. Sino ang dalawang kasama ni Romeo na dumalo sa piging na inihanda ng
mga Capulet?
a. Tybalt at Mercutio
b. Baltazar at Mercutio
c. Juan at Baltazar
d. Benvolio at Mercutio
____4. Ano ang ipinayo ng nars ni Juliet at ni Padre Laurence sa kanya matapos
pinalayas si Romeo sa Verona?
a. sundan niya si Romeo sa Mantua
b. hintayin si Romeo sa Verona
c. kumilos na parang patay na si Romeo at pumayag magpakasal kay Paris
d. magpakamatay na lang siya
____5. Paano at saan nagpakamatay si Romeo?
a. gamit ang isang patalim sa halamanan
b. gamit ang isang lubid sa plasa
c. gamit ang isang espada sa kwarto ni Juliet
d. gamit ang isang lason sa libingan ni Juliet
_____6. Ano ang pakay ni Romeo kung bakit siya dumalo sa piging ng mga
Capulet?
a. masilayan ang kanyang sintang si Rosaline
b. makipagkita kay Juliet
c. kutyain ang mga Capulet
d. gusto niyang makisaya
_____7. Nakadepende ang kanyang interpretasyon sa iskrip.

4
a. tanghalan b. aktor
c. direktor d. iskrip
_____8. Bakit hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet?
a. magkaaway ang kanilang mga angkan
b. pakakasal na si Juliet kay Paris
c. labag sa kultura ng mga Capulet na mapakasal sa isang Montague
d. lahat ng nabanggit
_____9. Ito ay isang pag-aaral ng pinagmulan ng mga salita at ang paraan ng
pagbabago ng mga kahulugan nito sa paglipas ng panahon.
a. morpolohiya
b. etimolohiya
c. ponolohiya
d. sintaks
_____10. Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng _____.
a. pagtataksil ni Juliet kay Paris
b. pagsaway s autos ng kanilang angkan
c. marubdob nap ag-ibig para sa isa’isa
d. lahat ng nabanggit

B. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na salita at pagkatapos ay


tukuyin ang uri ng pinagmulan nito. Isulat ang P kung ito’y Pinagsamang salita, M
kung Morpolohikal na pinagmulan, H kung Hiram na salita, at O kung
Onomatopoeia. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. hikaw
_____2.naulan
_____3. boom
_____4.balik-aral
_____5.traysikel

5
Aralin DULA MULA SA ENGLAND:
SINTAHANG ROMEO AT
2.2 JULIET

BALIKAN

GAWAIN 1. HANAPIN MO AKO SA KWADRADO!


Panuto: Basahin ang mga pamunong pahayag sa bawat bilang. Pagkatapos ay
hanapin at bilugan ang tinutukoy nito sa puzzle.
1. Diyos ng kulog at kidlat.
2. Kasama ng pinakamalakas sa mga na dyos ng Aesir sa paglalakbay
3. Nag-akalang may nalaglag na dahon at acorn sa kanyang ulo
4. Walang iniwang buto ng karne sa kanyang parte
5. Anak na lalaki ng magsasaka na nakipagpaligsahan sa pabilisan ng pagtakbo
6. Nagdala ng tambuli na madalas inuman ng mga panauhin
7. Hari ng mga higante
8. Matandang babae na nakipagbuno o nakipag-wrestling

6
GAWAIN 2: I-EMOTE YAN!
Basahin nang mabuti ang mga pangungusap. Gumuhit ng kung ang
pahayag ay tama at kung ito ay mali.

______1. Apat na oras naglakbay sina Thor at Loki bago sila naghanap
ng matutuluyan sa kagubatan.
______2. Naubos ni Thor ang lamang alak ng tambuli.
______3. Kinain ni Loki ang karne hanggang sa buto na lamang ang
natira.
______4. Inihampas ni Thor ang kaniyang maso sa paa ng natutulog
na higante.
______5. Iniutos ni Thor sa magsasaka na ihiwalay ang buto sa
balat ng kambing.
______6.Gumawa ng paraan si Utgaro-Loki upang hindi sila madaig ng
kapangyarihan ni Thor.
______7. Pinayuhan ng ni Skrymir sina Thor na huwag silang
magpapakita ng pagmamataas sa hari ng mga higante.

TUKLASIN

Ngayon ay ating tuklasin ang mundo wagas na pag-ibig sa pamamagitan ng


pagbasa sa kuwento nila Romeo at Juliet.

Ang Romeo at Juliet ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare, isang


Ingles na manunulat ng mga drama at makata. Ito ay tungkol sa dalawang
maharlikang angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya’t magkaaway. Nakabatay
ang balangkas ng dulang ito sa isang kuwento mula sa Italy na isinaling wika upang
maging taludtod bilang The Tragical History of Romeus and Juliet (Ang Kalunos-
lunos na Kasaysayan nina Romeus at Julieta) ni Arthur Brooke noong 1952 at
muling isinalaysay na nasa anyong tuluyan o prosa sa Palace of Pleasure (Palasyo
ng Kaluguran) ni William Painter noong 1567.

Buod ng Sintahang Romeo at Juliet


Mula sa Romeo and Juliet ni William Shakespear
Isinalin sa Filipino ni Gregorio C. Borla
(Muling Isinalaysay ni C. Candido)

Sa bayan ng Verona may dalawang pamilyang simulat’t sapol ay magkaalitan


na. Ito ay ang pamilyang Capulet at pamilyang Montague. May isang pagkakatoon

7
na ang mga kabataang Capulet at Montague ay nagkaroon ng pag-aaway kung
kaya’t binalaan sila ng Prinsipe ng Verona, na si Prinsipe Escalus, na kung hindi
sila titigil ay paparusahan sila nito. Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagplano ang
haligi ng tahanan ng mga Capulet ng isang piging kung saan ay ipakikilala niya si
Juliet sa isang binatang nagngangalang Paris na noon pa ma’y gusto na niyang
makasal sa dalaga.
Narinig ng binatang Montagueng si Romeo ang balitang ito kung kaya’t
sinabihan niya ang kanyang mga pinsang si Benvolio at kaibigang si Mercutio na
dumalo sila dahil umaasa siyang makita roon si Rosaline, ang kanyang sinisinta. Sa
di inaasahang pagkakataon ay siya namang pagkakita niya kay Juliet at siya’y agad
na nabighani sa kagandahan ng dalaga. Hindi nagtagal ay nakilala sila ng pinsan ni
Juliet na si Tybalt, na noon ay katabi si Ginoong Capulet. Nagalit siya at sinabi
niyang naroon lamang si Romeo para kutyain ang kanilang pagsasaya at hindi
naman daw siguro kasalanang patayin niya ito. Subalit pinigilan siya ng matandang
Capulet at sinabing hayaan ang binatang makisaya dahil maginoo naman daw siya
kung kumilos. Sa ganang iyon ay umalis na lamang ang yamot na yamot si Tybalt.
Sa pagkakataong iyon ay nagtagpo ang paningin nina Romeo at Juliet at sila’y
nagkapalagayan ng loob.
Nasundan pa ang pagkikita nilang iyon. Hindi nila alintana na sila’y nabibilang
sa dalawang magkaalitang pamilya. Lalong umigting ang kanilang pagtingin at
pagmamahal sa isa’t isa, at nagbalak pang
magpakasal nang palihim. Sa tulong ng nars ni
Juliet, pumunta sila kay Padre Laurence at
nagkumpisal hinggil sa kanyang pag-ibig kay
Romeo. Nakita ng padre ang kanilang pagiging
tapat at tunay sa isa’t isa kung kaya’t pumayag
siyang ikasal ang dalawa at umaasa rin na ito
ang magiging tulay para magkabati ang
dalawang angkang kinabibilangan ng mga ito.
Kasunod ng lihim na pagpapakasal ng
magkasintahan, hinamon ni Tybalt si Romeo ng
isang duwelo.Tumanggi si Romeo na lumaban,
na ikinagalit ng kanyang kaibigan na si Mercutio
at siyang nakipag-away kay Tybalt. Si Mercutio
ay aksidenteng napatay habang si Romeo ay
namagitan upang pahintuin ang laban. Sa galit,
hinabol ni Romeo si Tybalt at napatay niya ito.
Nalaman ito ng prinsipe at pinalayas niya
si Romeo sa Verona, at nagtago naman ito sa Mantua. Lubos na nalungkot si Juliet
sa pangyayaring ito. Napagdesisyunan naman ni Ginoong Capulet na ipakasal na
ang kanyang dalaga kay Paris. Dahil ayaw ni Juliet, humingi siya ng tulong kay
Padre Laurence. Pinayuhan siya nito na pumayag na pakasal sa konde, subalit sa
gabi bago ang kanilang kasal ay mahiga siyang mag-isa at tunggain ang garapang
may lamang likidong ginawa ng padre mula sa katas ng mga dahon. Sa pag-inom
niya rito ay para magmumukha siyang tunay na patay. Ang epekto ng gamot ay
mananatili sa katawan ng dalaga sa loob ng apatnapu’t dalawang oras. Pagkaalis ng
dalaga ay agad siyang gumawa ng liham para ipaalam ang balak at ipinadala ito kay
Padre Juan.
Araw ng kasal. Ginigising ng nars si Juliet subalit hindi ito magising. Humingi
siya ng tulong at doo’y nalaman ng lahat na patay na ang dalaga sa kadahilanang
uminom ito ng lason. Ang balitang ito ay nalaman ng buong Verona.
8
Sa kabilang banda ay hindi nakarating sa binata ang mensahe ni Padre
Laurence na nagsasabing hindi patay si Juliet bagkus nalaman niya ang nangyari
kay Juliet nang makita niya si Baltazar. Dahil dito ay dali-dali itong nagpasyang
bumalik sa Verona. Pero bago siya bumalik ay bumili siya ng lason sa isang
butikaryo. Pinuntahan niya ang libingan ng mga Capulet. Nakita niya ang kanyang
mahal na sinta na mahimbing na natutulog at napagtanto niyang hindi niya kayang
mabuhay na wala ito. Sa pag-aakalang patay na nga ito ay ininom niya dalang lason
at matapos ang isang halik ay namatay ito.
Pagkatapos ng itinakdang oras ay muling nagising sa hiram na kamatayan si
Juliet. Nakita niya nakahandusay ang binate at ang bote ng lasong ininom nito. Sa
ganang iyon ay napagtanto niya kung ano ang nangyari, siya namang pagdating ni
Padre Laurence. Sinubukan niyang pakalmahin si Juliet at pilit niyang inaakay ito
para umalis dahil parating ang mga tanod, ngunit hindi niya maiwan si Romeo. Bago
pa man dumating ang mga tanod ay nakakita siya ng lanseta at sinaksak ang sarili
at namatay.
Dahil sa nangyari, labis na nagluksa ang buong bayan. Napagtanto ng
dalawang pamilya na panahon na para wakasan ang kanilang dekada nang alitan.
Mula noon ay nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga ito.

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Ano ang iyong kaisipan hinggil dito?
Maaari mo ring panoorin ang 1968 bersyon ng mga yugto ng dula sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=4U2n02aUdZk&list=PLenLErJmz87oOpnplVBUx
CnTfhoX1NJPL&index=1. At kung nais mo naman basahin ang buong dula sa
bersyon nitong English ay maaari mong basahin sa link na ito:
http://shakespeare.mit.edu/romeo_juliet/full.html

Ngayong alam mo na ang takbo ng dulang ito, linangin naman natin ang iyong
talasalitaan sa tulong ng ilang salitang ginamit sa dulang ito.

GAWAIN 3: BOKABULARYO KO PATATALASIN KO!


Panuto: Pagtapatin ang salita sa kahulugan nito gamit ang linya.

▪ dambana • kutsilyo
▪ daop-palad • bakas
▪ nagtagis • banal na lugar
▪ lanseta • maliit na bote
▪ badha • naghawak kamay
▪ garapa • naglaban

Magaling! Sadyang mayroon kang malawak na bokabularyo. Ngayon


naman ay alamin natin kung naintindihan mo ba ang iyong binasa?

9
GAWAIN 4: PAGHAMBINGIN MO!
Panuto: Gamit ang Venn diagram, ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad sa
katangian ng dalawang pangunahing tauhan sa dula.

GAWAIN 5: ALAM KO ITO!


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong kasagutan sa
iyong sagutang papel.
1. Ilarawan ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet? Ano ang nakita nilang
balakid sa kanilang pag-iibigan?
2. Batay sa binasa, ilarawan ang panahon ng mga kaganapan at
kapaligiran ng pinangyarihan ng dula.
3. Bakit kaya tinawag na dulang romantisismo ang akda? Ipaliwanag
ang iyong kasagutan?
4. Anong umiiral na pamantayan o kalakaran ng pag-ibig ang makikita sa
binasang akda? Sa palagay mo kaya ay nangyayari pa rin ito sa
kasalukuyan? Ipaliwanag ang sagot.
5. Paano mo iuugnay ang pahayag na nasa ibaba, na hinango sa “Florante at
Laura” ni Balagtas sa kuwento nina Romeo at Juliet? Mayroon bang
pagkakatulad ang dalawang akdang ito? Ipaliwanag ang sagot.
“Pag nasok ang pag-ibig sa puso ninuman;
hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.”

10
SURIIN

Ngayon bilang dagdag kaalaman sa iyong binasa. Iyo namang tunghayan ang
mga detalye kaugnay ng isang uri ng akdang pamapanitikan na tinatawag nating
“dula” at pagkatapos ay iyong sagutin ang mga katanungan kaugnay rito.

Ang dula ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang


gawain o kilos. Ayon kay Arrogante (1991), ito ay isang akdang pampanitikang ang
pinakalayunin ay itanghal sa entablado. Sinasabing ito ay paglalarawan sa
madudulang bahagi ng buhay. Sa pamamagitan nito, nailalarawan ang buhay ng tao
na maaaring masaya, malungkot, mapagbiro, masalimuot at iba pa. Maaari rin itong
maging salamin ng kultura ng bansang kinabibilangan o ginagalawan ng manunulat
nito.
Isa sa mga uri ng dula ay ang trahedya. Ito ay isang dula na kung saan ang
bida ay hahantong sa malungkot na wakas o kabiguan, pero may makabuluhang
wakas. Ito rin ay may mahigpit na tunggalian dahil mapupusok ang mga tauhan at
ginagamitan ng masisidhing damdamin ang bawat tagpo.

Mga Elemento ng Dula


▪ Iskrip - ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula at nararapat na naaayon sa isang iskrip.
▪ Tanghalan - anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang
dula
▪ Gumaganap o Aktor - sila ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.
Sila ang bumibigkas ng dayalogo, nagpapakita ng iba’t ibang damdamin
at pinapanood na tauhan sa dula.
▪ Tagadirehe o Direktor - siya ang nagpapakahulugan sa iskrip. Siya
ang nagpapasya sa hitsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan,
hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumedepende sa interpretasyon ng director sa iskrip.
▪ Manonood - hindi maituturing na dula ang isang binansagang
pagtatanghal kung hindi ito mapapanood ng ibang tao.

GAWAIN 6: ALAM KO ITO!


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

1. Bakit tinawag na dulang trahedya ang “Romeo at Juliet” ni


Shakespeare?
2. Batay sa iyong interpretasyon, ano kaya ang layunin ng may-akda
kung bakit niya isinulat ang ganitong uri ng dula?
3. Paano nakatulong ang iskrip sa matagumpay na pagtatanghal ng
dulang ito?
11
4. Kung mapapanood mo sa aktwal ang dulang ito sa tanghalan, bilang isang
manonood ano kaya magiging reaksyon mo sa huling tagpo ng dula? May
babaguhin ka ba rito? Ipaliwanag ang sagot.

Wow! Talagang naunawaan mo ang iyong binabasa. Atin pang dagdagan ang
iyong kaalaman tungkol naman sa pinagmulan ng salita. Magpatuloy ka.

Alam mo ba na…
Ang mga salitang ginamit sa pagbuo ng iskrip ng isang dula ay mayroon ding
kasaysayan o pinagmulan gaya ng pangalan ng isang tao. Kailangan din natin itong pag-
aralan upang maunawaan ang pinagmulan at totoong kahulugan ng mga salita at binibigyan
tayo ng kaalaman na makakatulong sa atin na mapalawak ang ating bokabularyo. Ang
etimolohiya ay isang pag-aaral ng pinagmulan ng mga salita at ang paraan ng pagbabago
ng mga kahulugan nito sa paglipas ng panahon. Ito ay nagmula sa salitang Griyegong
etumologia, na binubuo ng mga ugat na ethimos, na nangangahulugang “totoo” o “tunay”,
at logos, na isinasalin ang “salita” o “expression”, sa madaling salita ito ay tumutukoy sa
tunay na pinagmulan ng salita.

Mga Uri ng Pinagmulan ng Salita


1. Pagsasama ng mga salita- salita na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng
dalawang o higit pang salita
Halimbawa: balatkayo (nagmula sa dalawang salitang balat at kayo)
takdang-aralin (nagmula sa dalawang salitang takda at aralin)
2. Hiram na salita- salita na hiniram o hinango sa banyaga o foreign na salita
Halimbawa: driver (Ingles)- drayber (Filipino)
toalla (Kastila- tuwalya (Filipino)
binpo (Chinese)- bimpo (Filipino)
3. Morpolohikal na pinagmulan- pag-aaral sa pagbabago ng anyo at istruktura
ng mga salita at posibleng malayo na ang kahulugan nito sa orihinal na salita.
Ang iba’t ibang paraan ng pagbuo ng salita ng mga taong kabilang sa iba’t
ibang kultura ay nagiging salik din sa varayti ng wika.
Halimbawa: kumain (Maynila)- nakain (Batangas)
bumili- bili (salitang-ugat)+um (panlapi)
4. Onomatopoeia- tumutukoy sa pinagmulan ng salita batay sa tunog nito
Halimbawa: meow, meow (tunog ng pusa)
tik-tak-tik-tak (tunog ng orasan)
pot-pot (tunog ng trak)

Pagsasanay:
A. Ibigay ang salitang-ugat, wikang pinanggalingan, at kahulugan ng mga
morpolohikal na salita

Salita Salitang-ugat Kahulugan


1. nasuray
(Batangas)
2. tumakbo
3. mapera
12
4.takpan
5. hinihigan

Napakagaling! Ngayon naman ay basahin mo ng isang dulang Pilipino


muling aantig sa iyong damdamin.

PAGYAMANIN

Buod ng Dulang “MOSES, MOSES”


ni Rogelio Sicat
Ibinuod ni Eric O. Cariño

Pinag-uusapan ng magkapatid na Ana at Regina Calderon ang tungkol sa kalagayan


ni Aida na ginahasa ng anak ng isang politiko. Nasa gayon silang pagkukuwentuhan nang
tumambad sa pintuan ng kanilang apartment ang Alkalde at ang konsehal. Naparoon sila
upang magdiskargo. Pinakiusapan nila si Regina na iurong niya ang kasong isinampa laban
sa anak ng alkalde at upang ihingi ng tawad ang ginawa nito sa kaniyang anak. Dahil isang
malaking kaabalahan di umano ang ginawa ng anak ng alkalde kay Aida, tinangka ng
alkalde na ayusin na lamang ito sa labas ng husgado ayon na rin sa rekomendasyon ng
kumpare niyang si Judge Joaquin. Sinubok niyang ipang-areglo sa kaso ang sampung
libong piso. Tinanggihan naman ito ni Regina at naging mainit ang pagtatalo ng
magkabilang panig. Nanindigan pa rin si Regina na itutuloy niya ang kaso laban sa anak ng
alkalde at ihahanap niya ng hustisya ang sinapit ng kaniyang dalaga. Hinamon naman siya
ng alkalde at binantaan si Regina na mapupunta lamang sa wala ang kaniyang
ipinaglalaban.
Pagkatapos sumibad ng sasakyang kinalululanan ng dalawang bisita ay napaupo si
Regina sa isang tabi. Tumayo sa harapan niya ang panganay na anak na si Tony.
Nangusap ang anak sa kaniya at ipinakiusap na iurong na lamang ang demanda.
Naniniwala siya na mapupunta lamang sa wala ang kasong iyon subalit nanindigang muli si
Regina na lalaban siya kahit na ipanlalaban niya ang sarili niyang kuko sa malalaking bato.
Naputol na lamang ang pagtatalo ng mag-ina nang mapansin nilang pababa ng hagdan si
Aida. Doon lamang niya naalalang magpabili ng gamut sa botika para sa dalaga.
Si Tony ang lumabas ng bahay upang bumili ng gamot. Pagkaalis ng binata ay siya
namang paglapit ni Ben na takot na takot. Ipinagtapat nito sa ina na bitbit ni Tony sa
kaniyang paglabas ang isang baril. Labis pang nabahala si Regina nang ipagtapat ng
bunsong gabi-gabing lumalabas ng
bahay si Tony para hanapin ang anak ng alkalde. At upang saglit na mapanatag ang
kalooban ni Regina ay pinagpahinga muna siya ni Ana.
Naalimpungatan lamang siya nang marinig ang tunog mula sa
nabasag na bote ng gamot na natabig ni Aida. Dali-dali namang lumapit si Regina
sa kinaroroonan ng anak. Nilinis niya ang nagkalat na bubog sa sahig. Nangusap ang anak
na dalaga sa ina at sinabi rito ang paghanga niya sa sa kaniyang kuya Tony. Katulad ni
Regina nababahala rin siya sa kaniyang kuya.
Umaga na noon at naiwang mag-isa si Regina samantalang namamalikmata siyang
nakatingin sa pinto nang dumating ang isang taksi sa tapat ng kanilang bahay. Takot na
takot na sumibad sa loob ng bahay si Tony. Ipinaghiganti niya ang sinapit ni Aida sa anak ng
Alkalde. Pinatay niya ito. Hindi pa man napipigil ni Regina ang plano ng anak na tumakas ay
dumating na ang pulis kasama ang Alkalde. Pinasusuko siya sa batas. Maluwat naman
siyang isinuko ni Regina sa kanila subalit pinagtulungan nilang saktan ang walang kalaban-
labang si Tony. Mabilis na inagaw ni Regina ang sandata ng isang pulis at ipinambaril niya
13
ito sa kawawang anak. Makalawang makapagpapaputok si Regina at bago pa man maagaw
ng pulis ang baril ay bumagsak na si Tony. Pinatay niya ang sarili niyang anak at habang
bitbit siyang inilalabas ng mga pulis ay makailang ulit niyang sinasabing “pinatay ko ang
sarili kong anak!”

Nagustuhan mo ba ang ikalawang buod ng dula na binasa mo? May


napanood ka bang katulad nito?

GAWAIN 7: BASA KO, NAUNAWAAN KO!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Sino ang pangunahing tauhan sa dula?
2. Ano ang suliranin o problema sa dula?
3. Batay sa katangian at gawi, sino kaya sa palagay mo ang inirereprsenta ni
“Tony” sa ating lipunang ginagalawan ngayon?
4. Anong kultura o kaugalian ang inilalarawan ng Alkalde sa binasang akda
na kadalasang umiiral pa rin sa kasalukuyan?
5. Ilarawan ang Alkalde at si Regina bilang mga magulang? Makatwiran ba
ang mga pagdedesiyong ginawa nila para sa kanilang mga anak? Ipaliwanag
ang sagot.

GAWAIN 8: PAGHAMBINGIN, MGA NABASA KO!


Panuto: Gamit ang diagram, ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga kultura
o mga pagpapahalaga ng dalawang bansa kasangkot na masasalamin sa dalawang
dulang binasa.

Romeo at Juliet Moses, Moses


(England) (Pilipinas)

KULTURANG MASASALAMIN

P P
A A
G G
K K
A A
K K
A A
I I
B B
A A

_________________________
_________________________
_________________________
______________________

PAGKAKATULAD
14
GAWAIN 9: SURI KO, PINANGGALINGAN NITO!

A. Tukuyin ang wikang pinanggalingan at salitang pinagmulan. Piliin ang


iyong kasagutan sa kahon na nasa ibaba at isulat ito sa talahanayan.

Salita Wikang Pinanggalingan (A) Salitang Pinagmulan (B)

1. apat
2.kalendaryo
3. tikoy
4.bangkay
5. telebisyon
Mga Pagpipilian:
B
A bangkai bhangkai
Kastila Malay televesion televecion
Chinese Ingles empat upat
Indones tichoy tih-ke
calendaryo calendario

B. Ibigay ang dalawang salitang pinagsama upang mabuo ang salita sa


bawat bilang at pagkatapos ay ibigay ang kahulugan nito.
1. kapitbahay: ___________ + _______________
Kahulugan: _________________________________________________
2. kapitbisig: ______________+ _____________
Kahulugan: _________________________________________________
3. sirang-plaka: ____________+ _____________
Kahulugan: _________________________________________________
4. hatinggabi: ______________+ ____________
Kahulugan: _________________________________________________
5. buto’t balat: ____________+ _____________
Kahulugan: _________________________________________________
C. Magbigay ng 5 halimbawa ng tunog na naririnig sa iyong komunidad at
pagkatapos ay pangalanan ito.
Halimbawa: kukurokok- manok
1. ___________________ - ____________________
2. ___________________ - ____________________
3. ___________________ - ____________________
4. ___________________ - ____________________
5. ___________________ - ____________________

15
ISAISIP

Mahusay ang ipinakita mong tiyaga upang matutuhan at maunawaan ang


aralin sa modyul na ito. Bilang pagsubok sa iyong pag-unawa sa aralin, gawin ito.

GAWAIN 10: I-CHART KO, NATUTUNAN KO!


Panuto: Punan ang chart batay sa iyong nalaman.

Ang dalawang salitang


sisimbolo/ maglalarawan • _______________
sa aking natutunan sa
• _______________
araling ito..

Gusto ko pang matutunan • _______________


nang lubos ang tungkol sa
... • _______________

Upang mapabuti ang aking • ________________


pang-unawa sa aralin, ako
ay... • ________________

ISAGAWA

Pagkatapos mong basahin at pag-aaralan ang tungkol sa dulang trahedyang


pinamagatang “Romeo at Juliet”, handa ka na bang magsagawa ng isang gawaing
pinamagatang “Kuwento Mo, Isusulat Ko.”

GAWAIN 11: KUWENTO MO, ILALARAWAN KO!


Isa sa malaking hamon sa ating bansa ngayon ay ang pagkalat ng
Coronavirus. Dito’y lalong nakilala ang ating mga itinuturing na modernong mga
16
bayani dahil sa likod ng mga problemang ito, nanatili pa rin silang matatag para
magpapakita ng kabutihang-loob at pagmamahal sa mga kababayan nating

naapektuhan. Mayroon silang sarili-sariling mga tanghalang ginalawan at may iba’t


iba silang ginampanang mga papel sa iskrip ng kanilang buhay at trabaho. Sila ang
naging aktor at taga-direhe ng sarili nilang dula sa buhay. Katulad ng pagtatapos ng
dulang Romeo at Juliet na humantong sa kasawian, hindi rin lingid sa ating
kaalaman na marami sa ating frontliners ang natamaan ng nakamamatay na virus na
ito habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin. At katulad ng kultura ng
bansang England na pagtutulungan ng bawat pamilya, likas na rin sa ating mga
Pilipino, lalo na ang mga frontliners, ang bayanihan system. May mga doctor, nars,
pulis at iba pang namaalam at sumakabilang-buhay dahil sa kanilang pagmamahal
na magsilbi sa ating mga kababayan.

Goal Ikaw ay makagawa ng isang poster- islogan na naglalahad ng tungkol sa


buhay ng isang frontliner ngayong panahon ng pandemya.

Role Ikaw ay isang mamamayang nakakakita ng pagsasakripisyo ng mga


frontliners

Situation Ikaw ay isang mag-aaral/ mamamayan na kabilang sa isang komunidad


kung saan labis mong hinahangaan ang mga frontliners. Napapanood mo
sa telebisyon o dili kaya’y nababasa mo sa pahayagan ang kanilang
ginagawa at pagsasakripisyon.

Product Sariling poster-islogan ,sa isang long bond paper, na naglalahad ng


tungkol sa buhay ng isang frontliner
A. Malinaw na nilalaman…………………….……………… 10 puntos
Standard B. Pagkamalikhain …………………………...………..….... 10 puntos
C. Malinis ang pagkakagawa………………………………… 5 puntos
C. Hikayat sa mambabasa.…......………………..……….…5 puntos
Kabuoan.……….…………..………………..…..............…….30 puntos

Magaling! Binabati kita at natapos mo ang mga kaugnay na mga gawain sa


ating aralin. Nawa’y may naunawaan at may natutunan ka.

17
TAYAHIN

Ngayon na natapos mo na ang lahat ng mga gawain, iyo nang sagutin ang
mga tanong sa bahaging ito.

Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan na susukat sa iyong


natutunan ukol sa araling tinalakay. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
“Pag-aasawa’y isang karangalang hindi ko pinapangarap.
Bata pa sa gulang kong labing-apat, banggit ni ina,
Mga dalaga dito ay nagiging ina na.
Sino si Paris? Isang lalaki raw na guwapong-guwapo?
Maiibig ko ba ang ginoo?
Hangad ng magiting na ito, ang pag-ibig ko.
Sa piging mamayang gabi, siya’y makikita ko.
Sa pagbasa ng aklat ng kay Paris na mukha,
Sana nga ay matatagpuan ang itinitik ng kagandahang tuwa;”~ Juliet
(UnangTagpo)

1. Sa pahayag na ito ni Juliet, ano ang nararamdaman ng dalaga?


a. masaya dahil makikita niya ang lalaking gustong ipakilala sa kanya
b. malungkot dahil wala siyang balang mag-asawa
c. nangangamba dahil hindi siya sigurado na magugustuhan niya ang
lalaking ito
d. nasasabik dahil alama niyang ito na ang kanyang mapapangasawa
2. Anong uri ng magulang ang inilalarawan sa nasalungguhitang mga pahayag ni
Juliet?
a. isang magulang na konsintidor
b. isang magulang na gusto nang makipag-asawa ang anak
c. isang magulang na iniisip ang kinabukasan ng anak
d. isang magulang na gusto nang paalisin ang anak.
3. Anong kultura ng mga taga-England noong 1590’s ang masasalamin sa pahayag
na ito?
a. ang pagmamahal ay may pamantayan
b. unang nililigawan ng lalaki ay ang mga magulang
c. Hinahayaang ang anak ang pumili ng mapapangasawa o
mamahalin.
d. Ipinagkakasundo ng mga magulang ang kanilang anak sa kakilala
nila.

18
Tybalt: Ito sa tinig ay marahil isang Montague,
Bakit naparito ang aliping mukha’y di maipinta?
Upang kutyain lamang ang ating pagsasaya?
Sa ngalan ng lipi at dangal ng aking angkan,
Ang patayin siya’y hindi masasabing kasalanan.
(Ikalawang Tagpo)

4. Anong pag-uugali ni Tybalt ang nailarawan sa pahayag niyang ito?


a. mayabang c. mapagkumbaba
c. magalitin d. mapagmatyag
5. Bakit nasabi ni Tybalt na pumunta roon si Romeo para kutyain ang kanilang
pagsasaya?
a. Si Romeo ay nagmula sa kaaway na angkan ng mga Capulet
b. Si Romeo ay nanggulo sa kasiyahan.
c. Si Romeo ay nagmula sa mahirap na pamilya.
d. Si Romeo ay ayaw ng mga bisita pero nakikisaya pa rin.

Romeo: Siya ba’y Capulet?


O kay samang kapalaran!
Ang buhay ko’y utang ng aking kaaway.
Ito na ang ikinakatakot ko, lalo akong hindi mamapalagay.
(Ikalawang Tagpo)

6. Ano kaya ang ikinakatakot ni Romeo nang malaman niyang isang Capulet si
Juliet?
a. Aalisan sila ng mana.
b. Ipapapatay siya ng pamilya ni Juliet.
c. Papalayasin sila sa kanilang bayan.
d. Tututulan ng kanilang mga pamilya ang kanilang pagmamahalan.
7. Anong uri ng mga pamilya ang makikita sa pahayag na ito?
a. masaya at nagkakaunawaang pamilya
b. may mga pamilyang nag-aagawan ng kapangyarihan, lakas o dangal
c. may pamilyang nais magparaya sa kanilang alitan
d. mga pamilyang nagmamahalan

Prinsipe: At dahil sa kasalanang iyan


Siya’y aking ipapatapong biglaan.
Palayasin agad si Romeo,
Katapusan niyang araw pag nahuli rito.
Iligpit ang bangkay at ang utos ko ay sundin
Ang awa’y nakamamatay sa paglingap sa salarin.
(Ikalimang Tagpo)

8. Batay sa pahayag, anong uri ng pamahalaan ang bansang England?


a. demokratiko b.parliyamento c. monarkiya d. republika
19
9. Anong angkop na pahayag ang naglalarawan sa katungkulan ng Prinsipe sa
bahaging ito ng dula?
a. Tagahatol at tagapagpasya
b. Tagapamagitan lamang siya sa pangyayaring iyon
c. Tagapanood lamang siya
d. Tagapagkuwento ng mga pangyayari

Sa pag-aakalang namatay ang kasintahan ay ininom ni


Romeo ang lason mula sa butikaryo at nang magising si Juliet
patay na si Romeo kaya sinaksak nito ang sarili ng lanseta.

10. Ang pahayag ay nagpapakita ng _____________________.


a. kapana-panabik na pag-ibig
b. masaklap na pagmamahalan
c. wagas at tunay na pagmamahalan hanggang sa kamatayan
d. masakit na pag-ibig

B. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na salita at pagkatapos ay


tukuyin ang uri ng pinagmulan nito. Isulat ang P kung ito’y Pinagsamang salita, M
kung Morpolohikal na pinagmulan, H kung Hiram na salita, at O kung
Onomatopoeia. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. hikaw
_____2. balik-aral
_____3. basket
_____4. beep, beep, beep
_____5. naulan

20
KARAGDAGANG GAWAIN

Tignan nang mabuti ang larawan. Anong uri ng pag-ibig ang nakikita mo?
Tama ka!

Panuto: Sa isang short o A4 na bond paper, gumawa ng isang tula na binubuo ng 4


na saknong, na may tig-apat na taludtod, na naglalarawan/ nagpapakita ng iba’t
ibang uri ng pag-ibig na makikita sa larawan. Gumamit ng mga hiram, pinagsama,
morpolohikal at onomatopeyang uri ng pinagmulan ng mga salita.
Pamantayan sa Pagmamarka ng Pagbuo ng Tula
Kraytirya Deskripsyon KABUUANG
PUNTOS
Nilalaman Buo at napalutang ang kaisipan at diwa ng salitang
pag-ibig. Gumamit ng mga hiram, pinagsama, 10
morpolohikal at onomatopeyang uri ng pinagmulan
ng mga salita.
Presentasyon Organisado, malinaw at may pagkakaugnay ang
mga saknong at taludod. Binubuo ng 4 na saknong 10
ang tulang binuo.
Pagkamalikhain Malinis at nakakitaan ng pagkamalikhain sa pagbuo
nito. 5
Kabouan 25 puntos

21
SUSI SA PAGWAWASTO

22
23
TALASANGGUNIAN

Ambat, Vilma C. et. al. 2015. Filipino –Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-
aaral. Pasig City: Vibal Group Inc.

Apple Apilado. Filipino - Ikasampung Baitang, Alternative Delivery Mode


Ikalawang Markahan (Panitikang Kanluranin) - Modyul 2: Dula mula sa England, UK
Unang Edisyon, 2020

Balazo, Iluminada C. 2000. Wika at Panitikan IV. Quezon City: JGM & S
Corporation.:

Santiago, Alfonso O. et. al. 1995. Filipino sa Bagong Henerasyon 3. Makati City:
Bookmark,Inc.

https://teksbok.blogspot.com/2010/09/mga-uri-ng-dula.html
https://philnews.ph/2021/02/04/ano-ang-etimolohiya-kahulugan-at-mga-halimbawa-
nito/
https://www.youtube.com/watch?v=rEYX4cTUd8Q

24
For inquiries or feedback, please write of call:
Department of Education-Schools Division of
Baguio City (Military Cut-off, Baguio City)
Telefax:442-7819
Email Address: depedbaguiocity@gmail.com

25

You might also like