Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

1

Pangalan : ___________________Grade & Section: ______ Guro: _____________________


ARALIN 1: KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
MELC/ KASANAYAN SA PAGKATUTO.
Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig. AP8HSK-Id-4.

Ang modyul na ito ay ginawa upang malaman mo ang impluwensiya ng Heograpiya


ng daigdig sa pagbabago at pag-unlad ng pamumuhay ng tao sa daigdig. Sakop nito
ang pisikal na katangian ng mundong iyong ginagalawan at nakaiimpluwensya sa ating
pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan.

Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:


1. Naipaliliwanag ang mga saklaw ng Heograpiya at Limang Tema sa Pag-aaral nito.
2. Napahahalagahan ang mga saklaw ng Heograpiya na magagamit sa pang-araw
araw na pamumuhay.
3. Natataya ang impluwensiya ng Heograpiya sa paraan ng pamumuhay ng mga tao.

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian.
Isulat ang MALAKING TITIK ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa katangiang


natatangi sa isang pook?
A. lokasyon B. lugar C. rehiyon D. paggalaw ng tao
2. Ano ang tawag sa linyang humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere?
A. Equator B. Latitude C. Longitude D. Prime Meridian
3. Anong kontinente ang binubuo ng pinakamaraming bansa sa daigdig?
A. Africa B. Asya C. Antarctica D. Europe
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang paraan ng pagtukoy sa isang lugar kung
ang gagamitin ay relatibong lokasyon?
A. Gumagamit ng mapa sa pagtukoy ng kinaroroonan ng lugar.
B. Gumagamit ng lugar na malapit upang matukoy ang kinaroroonan ng
lugar.
C. Gumagamit ang linyang ekwador kung ito ay nasa hilaga o timog
hemisphere.
D. Gumagamit ng mga linyang longhitud at latitud
5. Alin sa mga sumusunod ang klima ng Pilipinas?
A. tag-araw at tag-ulan B. maladisyertong init C. nagyeyelo D. apat na klima

AP8- Q1- Week 1 Mga May-akda: Krizza Mae D. Eguac


Ednalyn A. Santiago
2

6. Ano ang tawag sa kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng iron at nickel?


A. core B. crust C. mantle D. atmosphere
7. Anong karagatan ang nakaligid sa kontinente ng Africa ang kinilala lamang
noong taong 2000 ng International Hydrographic Organization?
A. Arctic Ocean B. Atlantic Ocean C. Indian Ocean D. Southern Ocean
8. Maraming Pilipino ang pumupunta sa mga bansang Australia at New Zealand
upang magtrabaho. Anong temang pang-heograpiya ang maaaring maiugnay ang
sitwasyong ito?
A. lokasyon B. lugar C. rehiyon D. paggalaw ng tao
9. Saang kontinente matatagpuan ang Angel Falls, Amazon Rainforest at Atacama
Desert?
A. Asya B. Africa C. Europe D. South America
10. Anong kontinente ang may pinakakaunting populasyon at nakararanas ng
lubhang kalamigan sa buong taon?
A. Asya B. Africa C. Antarctica D. Europe

Gawain: Suriin ang mapa ng daigdig. Isulat ang pitong kontinente ng daigdig sa papel.

Kuha mula sa:


https://online.seterra.com/

AP8- Q1- Week 1 Mga May-akda: Krizza Mae D. Eguac


Ednalyn A. Santiago
3

Ang araling ito ay tatalakay sa bahaging ginagampanan ng Heograpiya sa pang-


araw-araw na pamumuhay ng tao. Isa ito sa mga pangunahing impluwensiya sa
pagbabago at pag-unlad ng tao sa kasaysayan. Sa pag-aaral ng Heograpiya,
mauunawaan mo ang katangiang pisikal ng daigdig at kung paano nito maaapektuhan
ang paraan ng pamumuhay ng tao.
Sakop ng modyul na ito ang kahulugan ng Heograpiya at limang tema sa pag-
aaral nito, estruktura ng daigdig, klima, mga kontinente sa daigdig, at mga anyong lupa
at anyong tubig.
Halina at tuklasin ang pisikal na heograpiya ng daigdig at gawin ang mga
gawaing inihanda upang masukat ang iyong natutunan sa aralin.

HEOGRAPIYA

Ang Heograpiya ay agham ng pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at


interaksyon ng tao sa kapaligiran. Ito ay mula sa salitang Griyego na “geo” na
nangangahulugang lupa o daigdig at “graphia” o “graphein” na nangangahulugang
paglalarawan o pagsulat. Kung gayon, ang heograpiya ay paglalarawan ng daigdig.

Tignan ang dayagram na nagpapakita ng saklaw ng pag-aaral ng heograpiya.

Katangiang Anyong Lupa at Anyong Tubig


Pisikal
Klima at Panahon
Heograpiya
Interaksyon ng tao
sa kapaligiran

AP8- Q1- Week 1 Mga May-akda: Krizza Mae D. Eguac


Ednalyn A. Santiago
4

Upang mas madaling maunawaan, hinati ang pag-aaral ng heograpiya sa limang


tema.

Limang Tema ng Heograpiya

Tema ng Kahulugan Halimbawa


Heograpiya
Lokasyon Ito ay tumutukoy sa kinaroroonan Lokasyong Absolute:
ng mga lugar sa daigdig. Ang Pilipinas ay
Mayroon itong dalawang paraan matatagpuan sa 12.8797°
ng pagtukoy: Hilagang Latitud at
✓ Lokasyong Absolute – ito ay 121.7740° Silangang
natutukoy sa pamamagitan Longhitud
ng paggamit ng coordinates
mula sa imahinasyong guhit Relatibong Lokasyon:
tulad ng latitud at longhitud. Ang Pilipinas ay
✓ Relatibong Lokasyon – ito ay matatagpuan sa Silangan
natutukoy batay sa mga ng Vietnam at Hilagang-
lugar at bagay na nasa Silangan ng Malaysia.
paligid nito o sa tulong ng
anyong lupa at tubig at mga
estrukturang gawa ng tao.
Lugar Ito ay tumutukoy sa mga Ang pambansang wika ng
katangiang natatangi sa isang Pilipinas ay Filipino.
pook. Ang katangiang ito ay gaya
ng klima, anyong lupa, tubig at Napapalibutan ng dagat
likas na yaman. Maaari ring ang Pilipinas.
katangian ng mga taong
naninirahan tulad ng wika,
relihiyon, densidad/dami ng tao,
kultura at sistemang politikal.
Rehiyon Ito ay bahagi ng daigdig na Ang National Capital
binubuo ng mga lugar na may Region ay binubuo ng mga
magkakaparehong katangiang pangunahing lungsod sa
pisikal o kultural. Pilipinas.
Ang Pilipinas ay kabilang
sa Association of
Southeast Asian Nations.
Interaksyon Ito ay tumutukoy sa ugnayan ng Pinuputol ng tao ang mga
ng tao at tao sa pisikal na katangiang puno sa kagubatan upang
kapaligiran taglay ng kanyang kinaroroonan. maging mga tahanan.
Ang tao ay binabago at nagbabago
ng kapaligiran. Maaaring Mataba ang lupa at
baguhin ng tao ang kalikasan angkop ang klima ng
para maging kapaki-pakinabang Pilipinas sa pagtatanim.
sa kanya. Maaari rin namang
baguhin ng kalikasan ang
pamumuhay ng tao.
Paggalaw ng Ito ay tumutukoy sa paglipat ng Ang relihiyong Katoliko
Tao tao mula sa kinagisnang lugar Pilipinas ay dulot ng
patungo sa ibang lugar. Dahil pananakop ng mga
dito, naililipat o naipapasa-pasa Espanyol.
rin ang kultura, paniniwala at
mga produkto.

AP8- Q1- Week 1 Mga May-akda: Krizza Mae D. Eguac


Ednalyn A. Santiago
5

A. TUKOY-TEMA.
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag kung ito ay tumutukoy sa
Lugar, Lokasyon, Rehiyon, Interaksyon ng tao at kapaligiran, at Paggalaw ng Tao.
1. Karamihan sa mga bansa sa Middle East ay naniniwala sa relihiyong Islam.
2. Ang National Capital Region ay isa sa mga rehiyong bumubuo sa Pilipinas.
3. Malawak ang lupain at baybay dagat ng Indonesia kaya’t pagsasaka at
pangingisda ang kanilang pangunahing hanapbuhay.
4. Maraming mga nurse sa Pilipinas ang pumupunta sa Estados Unidos at Europa
upang magtrabaho.
5. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa 12.8797° Hilagang Latitud at 121.7740°
Silangang Longhitud.

KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG

Ang daigdig ay isa sa mga planetang matatagpuan sa Solar System.

Estruktura ng Daigdig
Crust
Ito ang matigas at mabatong bahagi ng planeta.

Mantle
Isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot
at natutunaw ang ilang bahagi nito.

Core
Ito ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo
ng mga metal tulad ng iron at nickel.
Lara

wan mula sa https://www.storyboardthat.com/lesson-plans/structure-of-the-earth

Latitude at Longitude

Ang Latitude at Longitude ay mga imahinasyong linya na ginagamit sa pagtukoy


ng absolutong lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa.
Larawan mula sa https://www.thoughtco.com/degree-of-latitude-and-longitude-distance-4070616

Latitude Longitude
Ito ang pahigang Ito ang patayong linya
linya na tumatahak na tumatahak mula
sa hilaga at timog ng North Pole papuntang
equator. South Pole.

Equator Prime Meridian International Date Line


Ito ang humahati sa Ito ang humahati sa
globo sa hilaga at timog Ito ay matatagpuan sa
globo sa kanluran at kalagitnaan ng Pacific
hemisphere. Ito rin ang silangang hemisphere. Ocean. Nagbabago ang petsa
batayan ng pagtukoy ng Ito ay matatagpuan sa alinsunod sa pagtawid sa
klima ng lugar. Greenwich, England. linyang ito.

AP8- Q1- Week 1 Mga May-akda: Krizza Mae D. Eguac


Ednalyn A. Santiago
6

Klima

Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang kondisyon ng panahon sa isang lugar sa


loob ng mahabang panahon. Nag-iiba-iba ang klima ng mga lugar batay sa mga salik
gaya ng layo nito sa ekwador dahil sa bahagi ng sikat ng araw na nakukuha nito.

Larawan mula sa https://image.shutterstock.com/image-vector/vital-areas-infographic-diagram-


showing-600w-709458253.jpg Larawan mula sa
http://generalhorticulture.tamu.edu/lectsupl/Temp/P36f1.gif

Ang Tropic of Cancer at Tropic of Capricorn ang mga pinakadulong bahagi na


direktang sinisikatan ng araw. Ang mga lugar na nasa loob nito ay tinatawag na Tropical
Countries na mayroong mainit at mahalumigmig na klima. Mas maraming uri ng hayop
at halaman ang nabubuhay dito dahil mayroon ding mataas na antas ng pag-ulan sa
buong taon. Ang mga nasa Temperate Regions ay nakakaranas ng mainit at malamig
na klima. Ang mga nasa Arctic o Polar Regions ay nakakaranas ng lubhang kalamigan
sa buong taon at kakaunti ang nabubuhay na mga hayop at halaman.

SIGURUHIN NATIN!

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga tropical countries kaya’t hindi nakakaranas ng summer ang bansa. Ang
terminong ito ay para lamang sa mga bansang mayroong 4 na uri ng klima. Dalawa lang ang uri ng klima dito: tag-
araw at tag-ulan Ang panahong mainit sa Pilipinas ay tinatawag ding tagtuyot o Dry Season.

B. Pagkilala.

Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang tamang sagot.


1. Ito ang imahinasyong linya na humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere.
2. Ito ang mga patayong linya na tumatahak mula North Pole papuntang South
Pole.
3. Ang rehiyon o bahaging ito ng mundo ay nakakaranas ng lubhang kalamigan sa
buong taon.
4. Ito ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron
at nickel.
5. Ito ay imahinasyong linya na matatagpuan sa kalagitnaan ng Pacific Ocean at
nagtatakda ng petsa.

AP8- Q1- Week 1 Mga May-akda: Krizza Mae D. Eguac


Ednalyn A. Santiago
7

C. PAGSUSURI NG VIDEO.

Panuto: Panoorin ang sanhi at epekto ng Climate Change mula sa National


Geographic mula sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=G4H1N_yXBiA.
Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Batay sa video, ano ang pangunahing dahilan ng Climate Change o pagbabago


ng klima?
Ano-ano ang mga epekto ng Climate Change? Paano nito maaapektuhan ang
ating pamumuhay sa daigdig?
Ayon sa video, ano ang maaaring gawin ng tao upang mabawasan ang epekto ng
Climate Change?

ANG MGA KONTINENTE

Ang kontinente ay isang malawak na masa ng lupa sa mundo. Mayroong pitong


kontinente sa daigdig. Ito ay ang Asya, Africa, Hilagang Amerika, Timog Amerika,
Antarctica, Europe at Australia at Oceania. Ayon sa Continental Drift Theory, ang
mga kasalukuyang kontinente ay dating bumubuo sa isang malaking masa ng lupa na
tinatawag na Pangaea at pinalilibutan ng isang karagatang tinawag na Panthalassa.
Suriin ang dayagram ng pagbabago at paghihiwalay ng mga kontinente.

Gondwanaland Asia, Europe, North America


Pangaea
Africa, Australia & Oceania,
Laurasia Antarctica, South America

Ang malawakang hangganan ng Asya, Hilagang America, at Timog America ay


matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang hangganan ng
Silangang America at Timog America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska,
pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New Zealand sa Timog Oceania.
Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang pagputok ng bulkan at paglindol sa
rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate o tipak ng crust ng daigdig
kung saan nakapatong ang mga naturang kontinente. (Modyul ng Mag-aaral p. 25)
Mahahalagang Datos ng Kontinente sa Daigdig: (Modyul ng Mag-aaral p. 23 – 24)
Asya. Pinakamalaking kontinente sa mundo . Ang sukat nito ay mas malaki pa
sa pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya ay
tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa
Asya rin ang China na may pinakamalaking bilang ng populasyon sa daigdig at ang Mt.
Everest na pinakamataas na bundok .
Africa. Pinakamainit na kontinente. Dito nagmumula ang malaking suplay ng
ginto at diyamante, Nile River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara
Desert, na pinakamalaking disyerto.
Hilagang America . Ito ay may tila hugis na malaking tatsulok subalit mistulang
pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang mahabang

AP8- Q1- Week 1 Mga May-akda: Krizza Mae D. Eguac


Ednalyn A. Santiago
8

kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Appalachian Mountains sa


silangan at Rocky Mountains sa kanluran.
Timog America . May hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa
bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may
habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South
America.
Antarctica . Ang bukod tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal
ay umaabot ng halos 2 km (1.2 milya). Walang taong naninirahan dito maliban sa mga
siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito
Europe . Ito ay may laki ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan ng
Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8%
ng kabuuang lupa ng daigdig
Australia. Ang kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalilibutan ito ng Indian
Ocean at Pacific Ocean,at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit
50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang kontinente, may mga bukod
tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang matatagpuan. Kabilang
dito ang kangaroo, wombat, koala,Tasmanian devil, platypus, at iba pa.
ANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG
Topograpiya ang tawag sa pag-aaral sa katangiang pisikal ng lugar o rehiyon,
partikular ang mga anyong lupa at anyong tubig. Kung mapapansin sa kasaysayan,
ang mga naunang kabihasnan sa daigdig ay naitatag malapit sa mga lambak-ilog dahil
sa masagana nitong lupa. Kabilang dito ang Tigris-Euphrates, Indus, Huang-ho sa Asya
at Nile sa Africa.

Sa kasalukuyan, mayroong limang karagatang kinikilala sa daigdig: Pacific


Ocean, Atlantic Ocean, Indian Ocean, Arctic Ocean at Southern Ocean na noong taong
2000 lamang kinilala.

Para sa karagdagang kaalaman panoorin ang Know Your Globe ng SciShow Kids sa
https://www.youtube.com/watch?v=x7k7CeWDtWs

D. AROUND THE WORLD.


Panuto: Isulat kung saang kontinente matatagpuan ang mga sumusunod na
mga hayop/pook.
1.Gobi Desert, Mekong River, 38th Parallel 4. Santorini , Eiffel Tower,
The Colosseum
2. Amazon River, Machu Picchu, Angel Falls 5. Canada, Hudson River,
Appalachian Mountains
3. Lake Tekapo, Kiribati, Sydney Opera House 6. Platypus, Micronesia,
Kangaroo

AP8- Q1- Week 1 Mga May-akda: Krizza Mae D. Eguac


Ednalyn A. Santiago
9

HEOGRAPIYA NG DAIGDIG Limang Tema

Lokasyon
Interaksyon ng tao
Katangiang Pisikal
sa kapaligiran Lugar

Estruktura ng Klima Rehiyon


Daigdig Polar
Tropical Interaksyon ng
Mga Imahinaryong tao at
Kontinente linya Temperate kapaligiran

Longitude Equator
Anyong lupa Prime Meridian Paggalaw ng Tao
at anyong Latitude
tubig International Date Line

Pagsagot sa EXIT CARD.

Panuto: Isulat ang tatlong bagay na iyong natutunan o napagtanto sa exit card tungkol
sa katangiang pisikal ng daigdig at impluwensiya nito sa pamumuhay ng tao sa daigdig.

EXIT CARD
1. 3.

2.

Panuto: Pagnilayan at sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa aralin at


kaugnayan nito sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.

1. Dahil sa pandemic , mahigit na dalawang buwan na naka-quarantine sa bahay


ang mga tao. Sa inyong palagay, nakabuti ba ito o nakasama sa ating
kapaligiran? Ipaliwanag.
2. Malaki ang problemang kinahaharap ng mundo dahil sa globang warming, bilang
mag-aaral paano mo pangangalagaan ang inyong komunidad para makabawas
sa problemang ito?
3. “Kaakibat ng kaunlaran ay ang pagkasira ng ating kalikasan”. Naniniwala ka ba
sa kasabihang ito? Ipaliwanag .

AP8- Q1- Week 1 Mga May-akda: Krizza Mae D. Eguac


Ednalyn A. Santiago
10

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Isulat sa MALAKING TITIK ang tamang sagot.

1. Ang lokasyon ay isa sa limang tema ng heograpiya na naglalarawan sa paraan


ng pagtukoy ng isang lugar. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng
lokasyon?
A. Ang Indonesia ay halimbawa ng isang kapuluan.
B. Malaki ang suliranin ng Tsina sa polusyong dulot ng mga pabrika.
C. Ang Cambodia ay kaanib ng Association of South East Asian Nation.
D. Nasa silangan ng Pilipinas ang Karagatang Pasipiko at nasa timog ang Bashi
Channel.
2. Ano ang pangunahing kahalagahan ng linyang International Date Line?
A. Maghati sa mundo sa Timog at Hilagang Hemisphere
B. Maghati sa mundo sa Silangan at Kanlurang Hemisphere
C. Magtakda ng pagbabago ng petsa pagtawid sa linyang ito, pasilangan o
pakanluran
D. Magtakda ng pagbabago ng oras pagtawid sa linyang ito, pasilangan o
pakanluran
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng impluwensiya ng klima sa
pamumuhay ng tao?
A. Nagsusuot ng makakapal na damit ang mga bansang nakararanas ng
taglamig o winter.
B. Mabenta ang halo-halo at ice cream sa Pilipinas kapag tag-init.
C. Maraming turista ang pumupunta sa Baguio at Tagaytay kapag tag-init.
D. Mabili ang mga produktong pang-Noche Buena kapag papalapit na ang
Pasko.
4. Ano ang tawag sa iisang masa ng lupa na pinagmulan ng mga kontinente sa
daigdig ayon sa teorya ni Alfred Wegener?
A. Eurasia B. Laurasia C. Gondwanaland D. Pangaea
5. Ang Pilipinas ay kabilang sa Asia-Pacific Economic Cooperation, isang
organisasyong binubuo ng mga bansa sa Asia-Pacific. Anong tema ng heograpiya
ang mga kaugnayan dito?
A. lokasyon B. lugar C. rehiyon D. paggalaw ng tao

AP8- Q1- Week 1 Mga May-akda: Krizza Mae D. Eguac


Ednalyn A. Santiago
11

Modyul ng Mag-aaral: Araling Panlipunan, Kasaysayan ng Daigdig. 2014.


Kagawaran ng Edukasyon. p.10-38
Soriano, C. D., et. al (2017). Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig. Rex Book
Store. p. 6-34

Mga Online Resources:

Seterra Map Quiz Site. https://online.seterra.com/


Know Your Globe ng SciShow Kids.
https://www.youtube.com/watch?v=x7k7CeWDtWs

Mga Larawan:

The Continents Map. Retrieved from: Kuha mula sa: https://online.seterra.com/


Structure of the Earth mula sa: https://www.storyboardthat.com/lesson-
plans/structure-of-the-earth
Latitude and Longitude of the Earth. Retrieved from:
http://jeyanandini.blogspot.com/2012/10/latitude-and-longitude-of-
earth.html
Earth’s Vital areas. Retrieved from: https://image.shutterstock.com/image-
vector/vital-areas-infographic-diagram-showing-600w-709458253.jpg
Global Climatic Zones. Retrieved from:
http://generalhorticulture.tamu.edu/lectsupl/Temp/temp.html

AP8- Q1- Week 1 Mga May-akda: Krizza Mae D. Eguac


Ednalyn A. Santiago

You might also like