Pagsulat NG Mga Akdang Pampanitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsulat ng mga Akdang Pampanitikan

Pangkalahatang Ideya:
Sa pamamagitan ng paglikha ng mga akda (dagli at sanaysay) ay ipapamalas ng mga
mag-aaral ang kanilang husay sa pagsusulat at pagmamahal sa sariling wika.

Panuntunan:
 Bukas ang paligsahan sa lahat ng estudyanteng may asignaturang Filipino sa 2 nd
semester ng A.Y. 2020-2021 na may angking talento sa pagsusulat ng dagli at
sanaysay.
 Bawat pangkat ay magkakaroon ng dalawang kalahok para sa pagsulat ng akdang
pampanitikan (dagli at sanaysay).
 Bawat akda ng manlalahok ay dapat orihinal. Ito ay dapat hindi pa nailathala sa kahit
ano mang midyum, maging sa anumang pahayagan o website.
 Wikang Filipino lamang ang tanging magiging midyum na gagamitin sa bawat akda.
 Ang bawat paksa ng akda ay kailangang angkop sa nasasaklaw na tema ng
selebrasyon.
 Ang mga akda ay kinakailangan naka PDF format, letter size, at ang font size ay 12.
 Kalakip sa ipapasang email ang (a) pamagat ng akda, (b) buong pangalan ng may-
akda, (c) pangkat na kinabibilangan ng may-akda at (d) larawan ng may akda.
 Isusumite ang akda sa pamamagitan ng email. Para sa dagli, isusumite ito kay Bb.
Riza A. Pacarat (riza.pacarat@msugensan.edu.ph) at sa sanaysay naman ay i-email
kay G. Mikel Mendoza (mikelandre.mendoza@msugensan.edu.ph).
 Sundin ang pormat ng file name sa ipapasang file --- pangkat na kinabibilangan_anyo
ng akdang sinulat_pamagat ng akda.docx. (Halimbawa:
pangkat4_sanaysay_Mukha.docx)
 Maaaring magpasa ng ginawang akda mula Abril 1 hanggang Abril 14, 2021.

Dagli

 Ang gagawing dagli ay napapanahon at hindi lalagpas sa dalawapung libong salita.


 Ang tema para susulating dagli ay “Paghilom ug Pagsugakod sa Pandemya”.
 Isusumite ang akda kay Bb. Riza A. Pacarat at sa pamamagitan ng email
(riza.pacarat@msugensan.edu.ph).
 Ang hindi pagsunod sa nasabing panuntunan ay nangangahulugang diskwalipikasyon
o pagbabawas ng puntos. Ang desisyon ay nasa puno ng panuntunan.
 Ang punong panuntunan ay mayroong karapatang baguhin ang mga naisaad na
panuntunan kung talagang kakailanganin.
 Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi maaaring baguhin.

Sanaysay

Pamantayan

Nilalaman (Kahulugan at Saklaw) 40%

Aestitika (Estilo at Porma) 30%

Kaangkupan sa Tema 15%

Teknikalidad 15%

Kabuuan 100%

You might also like