Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Schools Division Office- Quezon City

Justice Cecilia Munoz Palma High School


Molave St., Payatas, Quezon City
__________________________________________________________________________________________________
Gawaing Pampagkatuto
Ikalawang Markahan
Linggo 6
FILIPINO 9- Panitikang Asyano
Pangalan ng Mag-aaral: ________________________________ Petsa: ______________________
Seksyon: ___________________________
ARALIN 2.6
Panitikan: Ang Puting Tigre
Pabula-Korea
Gramatika: Modal

● Ang PABULA ay tumutukoy sa pang-araw-araw na buhay sa daigdig (maliban sa pagsasalita ng


mga hayop.)
● Ang karaniwang pabula ay kwento kung saan mga hayop ang gumaganap at ang mga hayop na
ito ay kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao.
● Madalas na inilalarawan ng pabula ang dalawang hayop na may magkaibang ugali at
nagwawakas ang kwento na nagwawagi ang may mabuting ugali.Nag-iiwan ito ng aral sa
mambabasa.Sinasabing nagsimula kay AESOP sa taong 400 B.C.
● Ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng mga kababalaghan na tulad ng kwentong engkantada
kundi sa pamamagitan ng mapanusong paraan, paghahanda sa pamamagitan ng matalinong
gawa na katulad ng tao sa kanilang paglutas ng suliranin.
● Likhang-isip na kadalasang mga hayop ang nagsisiganap.Lagi itong kinapupulutan ng
magagandang-aral.Layunin ng mga ito ang gisingin ang isipan ng mga bata upang mahubog sila
sa pagkakaroon ng wastong pagkilos o pakikitungo sa kapwa.

1. Naiisa-isa ang mga tauhan sa binasang pabula.


2. Nasusuri ang ang pabula batay sa aral na nais nitong ibahagi.
3. Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan nito.
(F9Pu-llc-48)

Gawain 1: Basahin Natin!


Basahin at suriin ang sumusunod na pabula na pinamagatang “ Ang Puting Tigre” na mula sa Korea.
Ang Puting Tigre
Pabula mula sa Korea
Sa malayong lugar sa kabundukan ng Kumgang sa Korea may
naninirahang mag-ina doon, siya ay naulila na sa ama sapagkat ang
kanyang ama ay hindi na bumalik sa kanilang tahanan mula ng ito
umalis upang mangaso at hanapin ang puting tigre upang ito ay
paslangin.
Ang Tigre ay naninirahan sa kabundukan ng Kumgang, ito ay malaki
at mabagsik. Ang tigre ay mayroong kasamang uwak na siyang
nagtuturo dito ng mga bibiktimahin nito. Ang Tigre at ang uwak ay
bumababa sa kabundukan. Wala itong pinipiling bibiktimahin mapa
hayop man o tao.
Ang batang naulila ay lumaking may malaking galit sa tigre kung
kaya ipinangako nito na kanyang papatyin ang tigre upang
ipaghiganti ang kanyang ama. Kung kaya ng ang batang lalaki ay
tumuntong ng edad na labinlima. Ito ay nagpaalam sa ina na kanyang papatayin ang puting tigre sa
kabundukan. Pinayuhan nito ang anak na mag-isip muna. Nangako ang lalaki sa ina na kaya niyang
hanapin ang puting tigre. Pumayag ang ina sa isang kondisyon. Kailangan niya magawa ang mga kakayahan
ng kanya ama upang siya ay payagan nito.
Nabigo ang anak sa unang pagsubok na pinagawa ng kanyang ina. Kung kaya ang kanyang plano ay
naudlot at kanyang ipinagpaliban. Kinakailangan niyang magsanay. Sa loob ng tatlong taon ang lalaki ay
nagsanay. Nang matapos ang kanyang pagsasanay ipinakita niya ito sa kanyang ina, nagulat ang ina
nakayanan niya itong gawin kung kaya sinabi uli nito ang isa pang kakayanan ng ama nito. Sinubukan muli
ng lalaki ang kakayanang ito ng kanyang ama ngunit siya ay nabigo kung kaya siya ay muling nagsanay ng
tatlong taon upang magawa ito. Sa kanyang pagbabalik sa ina, ipinakita niya ang kanyang kakayahan. Lingid
sa kanyang kaaalaman ang mga pinagawa sa kanya ng kanyang ina hindi naging kakayahan ng kanyang
ama. Ginawa lang nito iyon upang ang kanyang isipan ay mabago ngunit dahil sa kanyang pagpupursige ang
mga kaalamang ito ay kanyang nakamit. Walang nagawa ang kanyang ina kundi pumayag sa nais niya.
Pumunta siya sa kabundukan. Sa kabundukan nakilala niya ang isang matandang babae na
nagpapatuloy ng mga mangangaso sa kanyang tahanan. Siya ay tinanong nito kung ano ang kanyang pakay
dooon at kanya sinabi ang pakay.Binalaan siya ng matandang babae.
Sinabi ng matanda na natatandaan nito ang kanyang ama at muli narinig niya sa matanda ang mga
kakayahan ng kanyang ama. Kung kaya ang binata ay nagsanay muli at bumalik sa matandang babae ngunit
sinabi uli ng matanda ang isa pang kakayahan ng kanyang ama. Kung kaya ang binata ay nagsanay muli at
bumalik sa matandang babae. Napagtagumpayan niyang magawa ang pagsubok na iyon. Kung kaya ang
binata ay hindi na napigilan ng matandang babae.
Matiyagang hinanap ng binata ang puting tigre. Isang araw habang siya ay kumakain mayroong isang
pulubi ang lumapit sa kanya upang humingi ng makakain at ito ay kanyang binigyan. Tinanong siya nito
kung ano ang kanyang pakay. Sinabi niya dito ang kanyang pakay. Sinabi ng pulubi na kayang kaya siyang
paslangin ng tigre.Ngunit desidido ang binata sa kanyang pakay , sinabi niya dito na kailangan niyang gawin
iyon para sa kanyang ama. Kung kaya sa huli pinayuhan siya ng matanda na maging maliksi at
mapangmasid. Sinabi nito kapag nakakita siya ng maliit na puting tuldok kinakailangan na barilin niya ito
na walang mintis kung hindi masasayang lamang ang lahat ng kanyang pinaghandaan.Nagpatuloy ang
binata sa paghahanap. Naramdaman ng Tigre na mayroon siyang kalaban.
Isang araw habang nag aabang ang tigre ng bibiktimahin. Nakita ng binata ang puting tuldok agad
niyang binaril ito. Pinuntahan niya ang kanyang binaril nakita ng binata ang nakahandusay na tigre. Agad
niya itong pinatay. Doon nakita din ng binata ang isang dalaga na walang malay. Dagli niya itong pinainom
ng tubig. Nagulat ang dalaga at agad na nagpasalamat sa kanya at ikinuwento kung paano siya napunta
doon.

Sa kanilang pagkwekwentuhan nakarinig siya ng anas ng isang tao. Kanila itong pinuntahan. Nakita
nila doon ang isang matandang lalaki sa isang sulok. Nalaman ng binata na iyon pala ang kanyang ama.
Puno ng galak ang binata at kanyang pinasalamatan ang panginoon. Kanyang nasabi na kung iyong ninanais
ka at pagsisikapan mo itong makamtan ay higit pa sa iyong inaaasahan.
Nagdiwang ang mga hayop sa kabundukan. Nagagalak sila sa nagawa ng binata. Hindi
naglaon napa-ibig sa isat-isa ang binata at ang dalaga. Sila ay ikinasal. Ang kanilang mga magulang ay
naging saksi dito. Itinuro nila sa kanilang mga anak ang naging karanasan nila sa Puting Tigre.
Gawain 2: Linangin, Talasalitaan Natin…
Panuto: Palawakin ang mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng kasingkahulugan. (5 pts.)
1.naulila - _________________________________
2.panalangin -____________________________________
3. pinayuhan -____________________________________
4.desidido - ____________________________________
5. nakahandusay -________________________________
Gawain 3: Sagutin Mo…
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. (5 pts.)
1.Ano ang dahilan ng ina sa pagbibigay ng pagsubok sa anak?
_____________________________________________________________________________________________
2.Sino ang nagbigay ng babala sa binate? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________________
3.Ano kaya ang isinisimbolo ng Tigre at uwak sa akda?
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
4.Ano ang mensahe ng pabula?
________________________________________________________________________________________________
5.Ano ang naging wakas ng akda?
____________________________________________________________________________________________
6.Kung ikaw ang ina, bibigyan mo rin ba ng pagsubok ang anak?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
PAGSASASANIB NG GRAMATIKA
Ang modal ay salitang malapandiwa na ginagamit sa pagpapahayag ng kagustuhan, posibilidad,
kakayahan, pahintulot at obligasyon. Mga halimbawa nito ang: maaari, puwede, gusto , ibig, nais,
dapat, kailangan at hangad. Ang anyo ng modal ay hindi nababago dahil wala itong aspekto ng
pandiwa.
Gawain 4: Sanayin Natin… (10 pts.)
I.Panuto: Tukuyin kung sino sa mga tauhan ang tinutukoy sa bawat pangungusp.Isulat sa iyong sagutang
papel ang iyong kasagutan.
__________________1.Ito ay malaki at mabagsik na naninirahan sa kabundukan ng Kumgang.
__________________2.Nagpaalam upang ipaghiganti ang kanyang ama.
__________________3.Nagpapatuloy ng mga mangangasyo sa kanyang tahanan.
__________________4.Lumapit sa kanya upang humingi ng makakain.
__________________5.Nakitang walang malay at dagling pinainom ng tubig.
II.Panuto: Bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga halimbawa ng modal.
1._____________________________________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________________________________
3.____________________________________________________________________________________________
4.____________________________________________________________________________________________
5.____________________________________________________________________________________________
Gawain 5: Buuin Natin…
Panuto: Maaaring napakasimple ng pabulang ito pero katulad ng ibang pabula naghahatid ito sa atin
ng mga aral na magagamit natin sa pang-araw-araw na buhay. Pagkakataon mon ang palalimin ang
pabulang ito sa pamamagitan ng pagbabago sa mga katangian ng tauhan at iba pang mahalagang
bahagi ng pabula.
Isulat ang tauhang napili mong baguhin ang mga katangian at ipaliwanag kung bakit ganoon ang
gusto mong mangyari.
Ilahad din ang pangyayaring nais mong baguhin at sabihin din kung bakit ganoon ang gusto
mong mangyari. (30 pts. )

TAUHAN: ____________________________________________________________________________________
KATANGIAN NG TAUHANG NAIS MONG BAGUHIN: ___________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
PALIWANAG:_________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
PANGYAYARING NAIS KONG BAGUHIN: ______________________________________________________
ANG NAIS KONG MANGYARI: _________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
PALIWANAG: __________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

1. Napatunayan ko na mahalaga ang pag-aaral ng pabula dahil…


___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
2. Natuklasan ko na kailangang bigyan ng kahalagahan ang gamit ng iba’t ibang modal dahil…
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
● Dayag et al, Pinagyamang Pluma 9, Lungsod Quezon, Phoenix Publishing House, 2015
● Peralta et al., Panitikang Asyano – Ikasiyam na Baitang, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino,
Pasig City, Vibal Group Inc. Unang Edisyon, 2014
● https://d279m997dpfwgl.cloudfront.net/wp/2019/09/0920_tiger-edited.jpg
Inihanda ni:
GNG. VIRGINIA V. SANTOS
Guro sa Filipino 9

You might also like