Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Liham ni Pinay mula sa Singapore

Sugatan ang ngiti ko nang lisanin kayo 2 Malagim ang kahapon at malabo ang bukas 3 Ngunit kailangang
ipakipagsapalaran 4 Kahit ang mga payak ninyong halik at yakap. 5 Malinaw na malinaw sa pananda 6
Ang paglalim ng pileges sa noo ni Ama, 7 Ang namintanang luha sa mata ni Ina, 8 Ikinubli lamang ng mga
pisil sa palad 9 At niligis na wala-nang-bangong bulaklak. 10 Bumubuntot ang mga bilin at tawag 11 Sa
papalayong hakbang ng panganay na anak. 12 Umalis akong may dawag ng takot 13 Hatid ng dalita’t
walang pangalang pagod. 14 Lumulusot ang kirot sa nakabihis na tapang 15 Ngunit kailangang makawala
sa gapos ng utang. 16 Umalis akong may udyok ng pangarap 17 Makauwi sa galak, maahon sa hirap, 18
Bugnot na palibhasa sa galunggong at kanin 19 At palad na meryendang kamote’t saging. 20 Pangarap
ko ring maging maybahay 21 Ng isang ginoong guwapo’t ginagalang 22 Maligo sa pabango kung
Sabado’t Linggo 23 At mamasyal sa parke nang walang agam-agam. 24 Lumipad nga ako’t dito nasadlak
25 Nagsusulsi ngayon ng sunog na pakpak. 26 Sa among banyaga pagkatao’y itinakwil 27 Ipinahamig na
ganap sa madlang hilahil. 28 Nakaniig ko rin ang tunay na hirap 29 Sa isang gusaling may dalawampung
palapag. 30 Utusan, yaya, kusinera’t labandera 31 Sakop kong trabaho’y lahat-lahat na. 32 Labing-anim
na oras na walang tawad 33 Ang kayod ko rito sa maghapong singkad. 34 Kaninong mata ang di
mababasag? 35 Kaninong dila ang di magliliyab? 36 Mabuti nga’t may nalabing panahon sa pagtulog 37
Sa altar ng pangarap, may maidudulog. 38 Mabuti na ito, kayo rin ang may sabi, 39 Magpaalila man
ako’y may maisusubi. 40 Inilalakip ko rito ang kaunting halaga, 41 Pag-initin agad sa pagas na bulsa. 42
Kalimutan muna ang nasang sinimpan 43 Pag-asuhing madali ang palayok at kalan. 44 Samantala’y
ipagdasal nang taos at taimtim, 45 Matagalan ko ang hirap at saklot ng panimdim; 46 Tumibay akong
kasabay ng siyudad 47 Bago mamanhid ang isip at puso’y tumigas

You might also like