Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 13: Paglabag sa Paggalang sa Magulang at


Nakatatanda, Susuriin ko!

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Ritchel S. Mendoza
Editor: Vivien L. Vinluan
Tagasuri: Perlita M. Ignacio/Josephine Z. Macawile
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
8
Ikatlong Markahan
Modyul 12
Mga Paglabag sa Paggalang sa
Magulang at Nakatatanda, Susuriin Ko!
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng
Modyul para sa araling Mga Paglabag sa Paggalang sa Magulang at Nakatatanda,
Susuriin Ko !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul ukol sa


Mga Paglabag sa Paggalang sa Magulang at Nakatatanda, Susuriin Ko!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang


sa magulang at nakatatanda.

Matapos pong aralin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

A. nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang at


nakatatanda;
B. napahalagahan ang pagsunod at paggalang sa magulang at nakatatanda; at
C. naisulat ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang at
nakatatanda.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Lagyan ng thumbs up ( ) ang pahayag kung ito ay tama at thumbs down
( ) kung ito ay mali.

__________ 1. Isang pagpapatunay ng pagmamahal sa magulang at pagrespeto sa


mga nakatatanda ay ang pagpapakita ng pagsunod at paggalang sa kanila.
__________ 2. Kadalasan, ang pagsuway sa utos ng mga magulang at nakatatanda ay
nagbubunga ng mabuti.
__________ 3. Ang pagsagot nang pabalang, pagdadabog at hindi pakikinig sa mga
magulang ay ilan lamang sa mga umiiral na paglabag sa paggalang sa mga magulang
at nakatatanda.
__________ 4. Walang halaga ang iyong galing at talino kung hindi ka naman
marunong gumalang.
__________ 5. Hindi lamang ang paggamit ng “po” at “opo”, ang pagpapakita ng
paggalang. Ito rin ay sa pagsasabi ng mabuti at disenteng mga salita na sinasabi sa
tamang lugar at panahon.
BALIK-ARAL
Natutunan natin sa nakaraang aralin ang mga bunga ng pagpapamalas ng pagsunod
at paggalang sa may awtoridad. Naaalala mo pa ba? Tingnan nga natin ang iyong
natutunan.

Panuto: Ibigay ang maaaring maging bunga ng mga sumusunod na sitwasyon. Piliin
ang titik ng tamang sagot.

1. Sumusunod ako sa mga A. Makakaiwas sa pagkahawa


alituntunin ng paaralan. ng sakit.

2. Nagtatapon ako ng basura B. Nasisita ako ng guwardiya


sa tamang lalagyan. ng aming paaralan.

3. Hindi ko ginagawa ang mga C. Napapaunlad ko ang


gawain sa aking mga disiplina sa aking sarili.
asignatura.

4. Nagsusuot ako ng facemask D. Maaaring bumaba ang


kapag lalabas ng bahay. marka o bumagsak sa mga
asignatura

5. Hindi ako nagsusuot ng E. Magiging malinis ang


aking I.D. kapag kapaligiran dahil sa walang
pumapasok sa paaralan. mga kalat.

ARALIN

Mga Paglabag sa Paggalang sa Magulang at Nakatatanda,


Susuriin Ko!

Madalas nating naririnig na ang mga kabataan ngayon ay pasaway, wala ng


galang at matigas ang ulo. Ano ba ang naobserbahan mo ukol dito? May katotohanan
kaya ang mga ito? Maraming umiiral ngayon na paglabag sa paggalang sa mga
magulang at nakatatanda at iyan ang ating susuriin sa aralin na ito. Handa ka na
ba?
Gawain 1: Suri-larawan

Panuto: Mula sa larawan sa ibaba, ano ang iyong mga nakikitang


paglabag na nagaganap. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang kahon sa
ibaba.

Mga Paglabag:

Tanong:

1. Ano ang nararamdaman mo kapag nakagagawa ka ng paglabag sa paggalang


sa iyong magulang at nakatatanda?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Ngayon naman ay magtala ka sa ibaba ng iba pang mga paglabag
sa paggalang sa magulang at nakatatanda na iyong naobserbahan
sa loob ng tahanan at ng lipunang iyong ginagalawan. Sa ikalawang
bahagi naman ay itala mo ang magiging epekto ng mga paglabag
na ito sa iyo at sa iyong pamilya.

Mga Paglabag sa Paggalang sa Epekto ng Paglabag


magulang at nakatatanda
1.
2.
3.
4.
5.

1. Mula sa mga itinala mo sa itaas, ano sa iyong palagay ang mas madalas na
umiiral na paglabag sa magulang at nakatatanda?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Mula sa iyong mga itinala ilan dito ang sa iyong palagay ay nagawa mo na
sa iyong magulang at sa mga nakakatatanda.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Mula sa mga epekto na iyong itinala, sa iyong palagay ano kaya ang
nararamdaman ng iyong magulang at nakatatanda kung sila ay hindi mo
iginagalang?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

TANDAAN:
Ang paggalang sa mga magulang at nakatatanda ay tanda ng
pagmamahal. Ito ay mahalaga sa ating pagkatao at pakikipagkapwa.
Ang responsableng magulang ay alam kung ano ang makakabuti para
sa kanilang mga anak. Ang mabuting anak naman ay may
pananagutang sundin ang kanilang mga magulang. Ika nga ni
Confucius, “Kung walang paggalang/respeto, ano ang ipinagkaiba ng
tao sa hayop.”
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon at isulat ang ipinakitang paglabag sa
paggalang sa mga magulang at nakatatanda sa bawat bilang.

1. Si Anne na nasa ika-15 taong gulang, ay may nagugustuhang lalaki na mas


matanda kaysa sa kanya. Pinangaralan siya ng kanyang ina na huwag
munang magboyfriend at atupagin muna ang kaniyang pag-aaral. Dahil dito,
siya ay nasaktan at nagalit sa kanyang magulang.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Kung kelan naman maraming modyul na sasagutan si Jurisse ay siya namang


utos ng utos ang kaniyang nanay. Hindi tuloy niya alam kung ano ang
uunahin kaya naman siya ay nagdadabog.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Inaaya si Jin ng kanyang mga barkada para maglaro ng basketball. Sumama


sya sa mga ito ng hindi nagpapaalam sa kanyang magulang.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pagsasanay 2 – “Suri-Awit”

l Panuto: Pamilyar ka ba sa kantang “Anak” ni Freddie Aguilar? Punan ang mga


patlang ng nawawalang lyrics ng kantang ito. Piliin ang mga sagot sa loob ng
kahon. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
“Anak”
ni Freddie Aguilar

Nang isilang ka sa mundong ito


Laking tuwa ng 1.)_______________ mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang 2.)______________
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y 3.)_______________ ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo.

Ngayon nga ay malaki ka na


Nais mo'y maging 4.)_______________
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging 5.)_______________ ang iyong ulo

At ang payo nila'y sinuway mo


Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y
6.)_______________ ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw


At ang landas mo'y 7.)_________________
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong 8.)_______________
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka 9.)_______________"
At ang iyong mata'y biglang lumuha ng di mo pinapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y 10.)_______________.

nilapitan gagawin nagkaganyan magulang

naligaw nagkamali matigas

malaya napupuyat masunod


Mga Tanong:

1. Ayon sa awit, ano ang mga paglabag sa paggalang sa mga magulang ang
tinutukoy dito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bakit may mga pagkakataon o madalas sinusuway ng kanilang mga anak ang
kanilang mga magulang at nakatatanda.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ikaw bilang anak, nagawa mo na bang suwayin ang iyong mga magulang at
nakatatanda? Ano ang naging epekto nito sayo at sa kanila?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pagsasanay 3:
Kasabihang Ipinunla… Sa Puso’y Itatanim…
Magulang at Nakatatanda’y Igalang

Panuto: Ibigay ang iyong sariling interpretasyon o paliwanag kaugnay sa mga


kasabihang nakatala sa ibaba.

1. “Ang taong di marunong gumalang sa kanyang mga magulang,


ay tiyak na mag-aani ng kaparusahan, at dadaanin din ang
lahat ng kasamaan na kaniyang ipinakita.”
2. “Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at
pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.”
-Kawikaan 22:6

3. “Ang isang magulang ay mas matutuwa kung ang kanilang anak


ay nagpapakita ng kaniyang paggalang, hindi lang sa kanila
kundi pati narin sa kaniayng kapwa.
PAGLALAHAT

Panuto: Isulat sa sarili mong salita ang mga bagay na natuklasan, nalaman at
naunawan mo sa araling ito. Ilahad ang iyong sagot sa pamamagitan ng: (pumili
lamang ng isa)

a. tula/spoken poetry
b. sanaysay
c. poster o slogan

https://www.iconspng.com/images/old-paper-border/old-paper-border.jpg

RUBRIKS SA PAGLALAHAT
Pagkamalikhain 7
Kaangkupan ng tema 7
Kabuuang Presentasyon/Orihinalidad 6
KABUUAN 20
PAGPAPAHALAGA

PAGGALANG
ni Daryll Jane T. Buama

Ano po? Bakit po? Salamat po! Opo


Patawad po, Mano po, Paalam po
Mga salita ng paggalang na itinanim sa isipan ko
Bata pa lamang ay ipinaunawa na ng mga magulang ko.

Sabi ni nanay ito'y dapat kong taglayin


Sabi ni tatay ito'y dapat kong sundin
Sa paglipas ng panahon ay hindi ko napansin
Ang turo nina ina'y at ita'y ang humubog sa akin.

Nang ako ay tumanda na at napagod


Tila ang mundo ay unti-unting nalulunod
Sa mga pagbabago sila'y nasobrahan sa lugod
Kaya't mga kabataa'y di na marunong sumunod.

Paggalang ay hindi na makita, hirap ng gawin kahit sa salita


Sapagkat kinapos na sa pangaral ang mga bata
Ito'y nagpapakita ng malaking banta
Tungo sa hinaharap na mundo ng mga bata.

1. Tunay bang nakaramdam ka ng tagumpay bilang isang anak sa iyong


magulang kapag sila ay iyong suwayin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang maaari mong gawin upang masolusyunan ang mga umiiral na
paglabag sa paggalang sa magulang at nakatatanda.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ng smiley face () ang bilog kung ang pahayag ay nagpapakita ng
paggalang sa mga magulang at nakatatanda. Lagyan naman ito ng sad face () kung
ito ay nagpapakita ng paglabag sa paggalang sa mga magulang at nakatatanda.

1. Maraming kang gawain sa paaralan na kailangang tapusin. Panay


naman ang utos ng nanay mo dahil wala siyang ibang mauutusan.
Ngunit imbes na magdabog ay sinusunod mo ang mga ito.

2. Madalas mong masigawan ang iyong lolo dahil sa hindi ka niya


naririnig at paulit-ulit ang kanyang mga sinasabi.

3. Ikaw ay nagpapaalam sa iyong mga magulang kapag ikaw ay may


pupuntahan o kapag mahuhuli ng pag-uwi.

4. Sumasagot ka ng pabalang sa iyong magulang kapag ikaw ay


napapagalitan o pinagsasabihan.

5. Bago ako pumasok ng kwarto ng aking mga magulang, kumakatok


muna ako sa pinto.
PAUNANG PAGSUSULIT:
1. 2. 3. 4. 5.
BALIK-ARAL:
1. A 2. E 3. D 4. A 5. B
PAGSASANAY 2:
1. magulang 6. masunod
2. gagawin 7. naligaw
3. napupuyat 8. nilapitan
4. malaya 9. nagkaganyan
5. matigas 10. nagkamali
PANAPOS NA PAGSUSULIT:
1.  2.  3.  4.  5. 
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
A. Aklat
Leaño, Marivic R. Celeste, Elsie G., (2019). Edukasyon sa Pagpapakatao 8. Manila:
Vicarish Publications and Trading, Inc.

Amarillas, Benjie A., Mendoza, Sharon Rose L., Quinto,Jennifer E. Ph.D., (2016).
Edukasyon sa Pagpapakatao 8. Quezon City: St. Bernadette Publishing House
Corporation.
Lopez, Melicia M., Sakdalan, Damiana P., Zozobrado, Sr. Ma. Leah M. RVM, Abellar,
Marissa P., (2017). Pagyamanin 8. Quezon City: The Library Publishing House, Inc.
Fr. Romeo B. Gonzales, (2017). Ang Aking Pamilya: Isang Biyaya mula sa Diyos 8.
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Arrogante, Constantina S., Cabato, Carmen M., Punzalan, Amelia E., Ramirez,
Veronica E., (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 8. Quezon City: Vibal Publishing
House, Inc.

B. Pampamahalaang Publikasyon
Kagawaran ng Edukasyon. 2013
DepEd Most Essential Learning Competencies

C.
https://www.slideshare.net/breeyan/ang-mapagbigay-na-punong-kahoy
https://www.clipart.email/make-a-clipart/?image=10817959
https://www.bulacandeped.com/wp-content/uploads/2013/08/Edukasyon-sa-
Pagpapakatao-Apr-10-TAGALOG.pdf
https://ac-illust.com/en/clip-art/618015/
http://jolamble.com/wordpress/wp-content/uploads/2013/10/mum-and-teen-
2.jpg
https://brainly.ph/question/1780779

You might also like