Kaya’t ito’y nagsisilbing lakas at inspirasyon ko Upang patuloy na lumaban sa mga hamon ng mundo
O tunay ngang kay-palad ng aking buhay
Ito’y bunga ng inyong sipag na napakahusay Kaya’t walang hanggang pasasalamat, aking iaalay Sa aking mga magulang na mamahalin ko habang buhay
Sa aking mga magulang ibibigay itong pagpupugay
Utang ko sa inyo ang aking hininga
Minahal, hinubog ng inyong kalinga.
Mga sakripisyo’y sadyang hindi biro
Pagmamahal ninyo’y nagsilbing lakas ko.
Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad
Pangarap ko’y unti-unting natutupad Ito’y bunga ng ‘nyong dakilang paglingap Sa ‘king puso’y walang hanggang pasalamat.
Nagsasakripisyo at nagtatrabaho araw–araw
Para maibigay ang iyong pangangailangan
Paghihirap ay kanilang titiisin,
Pawis sa noo’y kanilang papawiin, Masakit na likuran hihlurin, Maunlad na pamumuhay pipilitin, Pagmamahal sa pamilya’y pupunoin. Pagdurusa ay kanilang hihigupin, Kayod kalabaw ang nagiging gawain, Bumabaha man, nagtratrabaho pa rin, Upang sa pamilya ay may mapakain, Pasalubong sa anak di lilimutin.
Walang hanggang pasasalamat aking iaalay
Sa mga magulang kong sa akin ay gumabay Sa lahat ng oras ay nagiging karamay Aking mga magulang na mamahalin ko habang buhay.