Professional Documents
Culture Documents
Aralin 2
Aralin 2
Layunin:
KAHULUGAN NG PANITIKAN
❖ Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,
hangarin at diwa ng mga tao.
❖ ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
❖ Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay
ginamit at hulaping "an".
❖ sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin
na litterana nangunguhulugang titik.
❖ Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may
kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,
pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Uri ng Panitikan
7. Pagtataya
❖ Ang pagsukat sa natutuhan ng mga mag-aaral sa kanilang nabasang kwento sa pamamagitan
ng pagtatanong tungkol sa kwentong binasa kung naintindihan ba talaga.
8. Paglikha
❖ Ang pinakatampok sa proseso sa pagbabasa/ pag-aaral ng panitikan dahil mahalaga dito ang
masigasig na pamamatnubay ng guro upang makalikha ang mga mag-aaral ng sariling kwento,
sanaysay, tula o dula.
1. TEORYANG KLASISMO
ito ay isang teoryang pampanitikan na nagmula sa bansang Gresya. Nagpapakita ito ng mas higit
na pagapapahalaga sa kaisipan kaysa damdamin. Ang layunin ng klasismo ay maglahad ng
pangyayari ukol sa pagkakaiba ng estado ng buhay, piling-pili na mga salita na nagtatapos ng
may kaisipan at nakatuon ang panitikan sa pinakamataas tungo sa pinakamababa na uri.
2. TEORYANG HUMANISMO
Ito ay umusbong noong panahon ng “Muling Pagsibol” o ang Renacimiento (Renaissance). Ang
layunin ng teoryang ito ay ipakita ang tao na siyang sentro ng mundo. Binibigyang pansindito ang
kalakasan, mabubuting katangian, talent, talino at iba na tinataglay ng tao. Ito din ay ang teoryang
nakasentro sa pananaw ng tao kaysa sa Diyos.
3. TEORYANG IMAHISMO
sa taong 1900 at sa unang dalawang dekda ng ika-20 siglo ay lumaganap ang teoryang imahismo
na nabkabilang sa kilusang panulaan ng Estados Unidos at Inglatera. Ang layunin ng teoryang
ito sa panitikan ay gumamit ng imahen na kung saan ay higit na mahahayag ang damdamin,
kaisipan,ideya, salooban na nais pang iparating ng may-akda. Sa teroyang ito ay kinakailangang
gumamit ng matipid nat maingat na paggamit ng nga salita upang makabuo ng konkretong
imahen.
4. TEORYANG REALISMO
ang teoryang realismo ay nagpapahayag ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.
Isinusulong ng teoryang ito ang katotohanan kaysa kagandahan. Kaya naman ang layunin nito
ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng aksa sa kanyang paligid sa makatotohanang
paraan.
7. TEOYANG EKSISTENSYALISMO
sa utak nakasentro ang teoryang pampanitikan dahil ito ang nagpapagana sa isang tao. Layunin
nito ay ipakita ang kalayaan ng tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili at pananatili
sa mundo.
8. TEORYANG ROMANTISISMO
ang layunin ng teoryang ito ay maipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao ang pag-aalay niya ng
pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakihan. Pumapaloob din sa teoryang ito ay ang
paggawa ng isang nilalang ng lahat ng paraan upang maipabatid ang kanyang pag-ibig sa taong
napupusuan.
9. TEORYANG MARKISMO/MARXISMO
ito ay naglalayong maipakita na ang isang tao o ang sumasagisag sa tao ay may kakayahang
umangat magmula sa kanayng pagdurusang nararanasan na dulot ng kahirapan sa ekonomiya
at suluraning pangkapaligiran. Ang mga paraang ito ay nagsisilbing modelo upang maipakita sa
mga mambasa ang tunay na karanasan ng pag-ahon mula sa kalugmukan.
PAGTUTURO NG TULA
PAGTUTURO NG TALUMPATI
PAGTUTURO NG MONOLOGO
Maaaring gamiting pamantayan ang ibinigay na patnubay ni Gng. Nenita Papa (1991) sa paglalaan ng
oras para sa mga gawain sa pagtuturo ng Filipino.
1. Bahaging naghahanda – 25%
2. Bahaging nagtuturo – 50%
3. Bahaging nagtataya – 12.5%
4. Bahagig nagbibigay-lunas o nagpapayaman – 12.5%
PAG-UNAWA
APLIKASYON O PAGGAMIT
PAGSUSURI
PAGLILINAW O SINTRSIS
EBALWASYON
4. DOMEYN NA PANDAMDAMIN
Nahihinggil sa mga saloobin, emosyon, kawilihan at pagpapahalaga
Pumapasok ang pagpapahalagang pangkatauhan
LIMANG KATEGORYA
PAGTANGGAP (RECEIVING)
PAGTUGON (RESPONDING)
PAGPAPAHALAGA (VALUING)
PAG-ORGANISA (ORGANIZATION)
KARAKTERISASYON (CHARACTERIZATION)
5. DOMEYN NA SAYKOMOTOR
Ito’y mga kasanayang motor at manipulado na nangangailangan ng koordinasyong neuromascular
Pumapasok ang inaasahang pagganap
6. PAMAMARAAN
Walang isang pamamaraan lamang na masasabing sadyang mabisa sa lahat ng uri ng paksang-
aralin o isang pamamaraan kaya na angkop gamitin sa lahat ng pagkakataon.
7. PABUOD O INDUCTIVE
Tinatawag din itong “Hrbatian method”; nagsisimula sa nalalaman patungo sa hindi pa alam;
nagsisimula sa halimbawa patungo sa tuntunin.
5 PORMA NA HAKBANG
PAGHAHANDA (PREPARATION)
PAGLALAHAD (PRESENTATION)
PAGHAHAMBING AT PAGHALAW (COMPARISON AND ABSTRACTION)
PAGLALAHAT ( GENERALIZATION)
PAGGAMIT (APPLICATION)
8. PASAKLAW O DEDUCTIVE
Nagsisimula sa pagbubuo ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Tinatawag din
itong “ruleg” o rule example.
• PANIMULA
• PAGBIBIGAY-TUNTUNIN
• PAGPAPALIWANAG
• HALIMBAWA
• PAGSUBOK
9. PABALAK (PROJECT)
Nilalayong magsagawa ng proyekto
• PAGLALAYON (PURPOSING)
• PAGBABALAK (PLANNING)
• PAGSASAGAWA (EXECUTING)
• PAGPAPASIYA (EVALUATING/ JUDGING)
10. PAGTUKLAS (DISCOVERY)
Aktibong kasangkot ang mag-aaral sa pagtuklas ng karunungan; ang guro ay tagasubaybay
lamang.
11. PAGDULOG KONSEPTWAL
Pagdulog pangkaisipang ginagamit sa pagtuturo ng Araling Panlipunan.
Nakatutulong sa pagbubuo at pagkakatuto kung paano matututo (learning how to learn)
Tinatawag din itong concept-centered at spiral curriculum (payak patungo sa masalimuot na
kaisipan)
Ang paraan ng pagbuo o interdisciplinary o multidisciplinary-heograpiya, kasaysayan,
pamahalaan, antropolohiya, sosyolohiya at ekonomiks.
12. PAGDULOG SA PAGTUTURO NG PANITIKAN
Pormalistiko: kasiningan-banghay, tema, tagpuan, tauhan, at paglikha
Moralistiko
Sosyolohikal
Sikolohikal
Arketipal
13. DULOG SA PAGTUTURO NG WIKA
Sa akronim na SPEAKING ni Dell Hymes
Kakayahang komunikatibo: kabatiran sa kayarian ng wika at tuntuning gramatikal at paggamit ng
angkop na pahayag sa sitwasyon, at salik sosyo-kultural.
14. COMPETENCE VS PERFORMANCE
Competence: nauukol sa kaalaman ng wika ng isang tao
Performance: kakayahang gamitin ang wika sa angkop na paggagamitan
15. DULOG MICROWAVE
Pagpapaunawang pasalita tulad ng pamaraang padula-dulaan o “dialogue conversation”.
Gumagamit ng mga siklo o cycles
Halimbawa:
• M-1 Para kanino ang pulang laso?
Para saan ang pulang laso?
• M-2 Para kay Mari.
Para sa iyo.
Para sa buhok.
HAKBANG
1. Ilahad ang siklo sa isang sitwasyon
2. Bigkasin ng tatlong ulit at ipagaya sa mag-aaral
3. Ibigay ang pagsasanay na ginagamitan ng mga kayariang pambalarila bago sanayin sa
pagtatanong
4. Magsimula sa payak na tanong at sagot hanggang sa masalimuot na pag-uusap
5. Magkakaroon ng tanong-sagot na pagsasanay na sisimulan ng guro hanggang sa ang lahat ng
mag-aaral ay makapagtanong at makasagot.
2. Mala-masusing banghay
ito‟y higit na maikli kaysa masusing banghay ng pagtuturo. Sa halip na mayroong gawain ng guro
at gawain ng mag-aaral, binabanggit na lamang nang sunod-sunod ang mga gagawin ng guro sa
klase.
3. Maikling banghay
Sa banghay na ito, sapat ng banggitin kung anong pamamaraan ang gagamitin ng guro o „di
kaya‟y banggitin ang sunod-sunod na hakbang sa maikling pangungusap.
I. Layunin
Nakasaad rito ang mga inaasahang magampanan ng mga mag-aaral pagkatapos ng
talakayan. Sa pagsasagawa ng layunin, dapat ito ay sumusunod sa patnubay ng
SMART(Specific, Measurable, Attainable, Realistic, Time-bound). Dapat rin nitong mapunan ang
tatlong domeyn ng pagkatuto, ito ang Pangkabatiran, Pandamdamin at Saykomotor.
II. Paksang Aralin
A. Pangunahing Paksa
B. Sanggunian – mga pinagkunan o pinanggalin ng mga impormasyong ginamit sa talakayan
C. Kagamitan – mga materyal na bagay na gagamitin sa talakayan.
III. Pamamaraan
A. Panimula o Pagganyak – gawain na pupukaw ng atensyon ng mga magaaral na may
kinalaman sa paksang tatalakayin.
B. Paglalahad - pagbibigay ng ilang detalye na may kaugnayan at sumusuporta sa talakayan.
C. Pagtatalakay/Paglinang – nakasaad rito ang mga mahahalagang impormasyon na
nakasaad sa paksa na aktwal na ituturo ng guro sa mga mag-aaral.
D. Paglalagom – gawain na magpapakita ng paglalahat o pagsasabuhay ng mga natutunan
pagkatapos ng talakayan.
IV. Ebalwasyon
Pagtataya o maiksing pagsusulit na sasalamin sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa
talakayan.
V. Takdang-Aralin
Gawain na ibibigay ng guro pagkatapos ng talakayan na iuuwi ng mga mag-aaral sa
kanilang bahay.
2. Elektronik Media
Halimbawa:
1. Audio Tape – isang klase ng magnetic storage media na naglalaman ng mga musika na
maaari ding gamitin sa pagtuturo ng mga mag-aaral
2. Bidyu
3. Telebisyon – sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga
gumagalaw na larawan at tunog sa kalayuan
4. Radyo
3. Folk Media
Halimbawa:
1. Dito nakapaloob ang mga musika
2. Puppet show – dramatik na pagganap na may mga puppet at may dayalogo o musika na
may puppeteer
3. Drama – isang espisipikong moda na kathang-isip na kinakatawan sa pagkakaganap
1. Chalkboard Display – mga larawan o tala na nakasulat sa isang dark board o dark colored na
bagay
2. Whiteboard Display – mga larawan o tala na nakasulat sa isang light colored na bagay
3. Mga Larawan – nagsisilbing gamay ng mga guro sa pagtuturo upang maunawaan ng mga mag-
aaral
4. Ilustrasyon – gamit ang manual na kamay upang makaguhit ng isang larawan. Kadalasang
ginagamit sa tradisyunal na pagtuturo
5. Awtentikong Kagamitan – input data na gagamiting lunsaran sa pagtuturo
6. Graph – kadalasang binubuo ng mga tuldok, larawan o guhit. Ito ay nagpapakita ng dalawang
relasyon ng variable
7. Mapa – nagpapakita ng eksaktong kinaroroonan ng lgar na ginagamitan ng paglalarawan kung
gaano kalawak ang isang lugar
8. Posters – eye catching graphic dahil binubusog nito ang ating mata
9. Exhibits – ginagamit upang matipon ang mga kagamitang maaaring ituro sa mag-aaral sa
kaalamang biswal
10. Hoop ang Loop Display – ito ang kadalasang ginagamit sa pag-uulat o tinatawag nating visual
aids
11. Magnetic Board Display – mga larawan at tala ng impormasyon na idinidikit sa pamamagitan ng
ng magnetic holders
12. Bulleti Board Display – giagamit ito upang ipakita ang mahahahalagang impormasyon at
natatanging isyu
13. Flannel Board/ Felt Board – kagamitang yari sa kardboard na binabalutan ng felt na papel
14. Tsart/ Graphic Organizer – ginagamit upang pag-ugnayin at ikategorya ang mga konsepto at
pangyayari
4. Aklat - Ulat
a. Pamagat ng aklat
b. May-akda ng aklat
c. Pamagat ng kuwento o napiling kabanata ng nobela
d. May-akda ng kuwento o nobela
e. Mga tauhan
• pangunahing tauhan (kailangang ilarawan at ipakilala)
• mga sumusuportang tauhan (kailangan ding ilarawan at ipakilala
• pinakapaboritong tauhan at ipaliwanag kung bakit
f. Pagbibigay ng kahulugan batay sa pagkakagamit ng mga salita sa konteksto at maaaring
komunsulta sa diksyunaryo.
g. Pagtukoy sa tagpuan 8. Paglalahad ng tema o pinapaksa
h. Pagbibigay ng buod ng kuwento o buod ng napiling kabanata ng nobela
• Tumukoy ng paboritong bahagi ng kuwento at isalarawan ang napiling tagpo sa pamamagitan
ng pagguhit.
i. Pagbibigay ng magandang aral na napulot
j. Karagdagang mungkahi, reaksyon at ilang puna
5. Pagbabalita (Newscasting)
Gumamit ng mga gamit-biswal sa pagbabalita.
Mga Tanong:
Ano ang pamagat ng balita?
Sino/ Ano ang ibinalita?
Saan naganap ang ibinalita?
Kailan naganap ang balita?
Bakit?
6. Editorial Cartoon
a. Batay sa cartoon, anong isyu o pangyayari ang ipinahayag?
b. Ano ang nakukuhang kaisipan na naipahayag ng cartoon?
c. Sang-ayon ka ba sa opinyon ng lumikha ng cartoon?
7. Concert Writing
Habang nagsusulat may background music na naririnig. Tiyakin lamang na hindi nakaistorbo
ang musikang pinili sa pag-iisip at pagsusulat ng mga mag-aaral.
Sumulat ng kathang naglalarawan. Pumili ng isang paksang susulatin sa bawat kategorya.
a. tao
b. pook
c. pangyayari
d. isyu / konsepto / kaisipan
8. Inside – Outside Circle
Sa isang may 40 mag-aaral, pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat na may 10
mag-aaral.
Hayaan ang 2 pangkat na bumuo ng dalawang bilog, isang “inside circle” at ang isa ay outside
circle.
Hayaan ang pangkat ng “outside circle” na humarap sa pangkat ng “inside circle. Hayaan din
na ang pangkat ng “inside circle ay magbigay ng impormasyon, presentasyon o kaya
magbigay ng iba pang palabas habang ang pangkat ng “outside circle” ay magbigaypuri sa
pangkat at handang tumulong.
Magpalitan sila ng gawain.
9. Kuwadro
Ang guro ay maghahanda ng mga larawang nagpapakita ng mahahalagang pangyayari sa
kuwento. Hindi wasto ang pagkakasunud-sunod ng mga larawan pag ipinakita sa klase. Ang
mag-aaral ang siyang magsaayos nito. Isalaysay ng mga mag-aaral ang kuwento pag naayos
na ang pagkakasunud-sunod ng mga larawan. Sa pamamagitan din ng mga larawang ito,
matututo ang mga mag-aaral na makuha ang nangingibabaw na kaisipan ng akda
10. Mock Trial
Mainam na gawain ito kung may tauhan sa akda na kunwari ay ihahabla sa isang hukuman
upang hatulan sa mga ginawa niyang kasalanan sa kuwento.
Hal. Dapat bang patawarin o lapatan ng parusa si Nyora Memay dahil sa di-makataong pagtrato
sa mga katulong?
Papangkatin ang klase ayon sa mga sumusunod:
a. hukom
b. taga-usig
c. tagapagtanggol
d. naghabla
e. mga saksi
11. Panel Discussion
Maaaring gamitin ito sa istilong panradyo o pantelebisyon. May mga mag-aaral na uupo sa
harapan at tatalakayin ang akda. Ang klase ay magbibigay ng tanong o reaksyon sa talakayan
ng mga nasa harap.
12. Comprehensive Court Evidence Sheet
Mabibigyang-buhay ang mga sagot sa tanong sa pamamagitan ng pagsulat sa pahina, talata,
at pangungusap ng aklat na kung saan matatagpuan ang sagot sa tanong: Hal. Ano ang
pangunahing katangian ng matandang si Nyora Memay?
Tanong Blg. ________________________ Pahina Blg. ________________________
Talata Blg. . ________________________
Patunay: ____________________________________________________________
13. Anticipation Guide
Para sa Pagbasa at Panitikan
Direksyon: Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap na sinasangayunan mo.