Professional Documents
Culture Documents
Maikling Kuwento
Maikling Kuwento
1. Banghay
➢ Tumutukoy ito sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari.
2. Tauhan
➢ Tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing
tauhan at pantulong na tauhan.
a. Tuwirang pagpapahayag
➢ Kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mga katangian
ng tauhan.
b. Madulang pagpapahayag
➢ Kung matimpi ang mga paglalarawan ng tauhan, na nangangahulugang
mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasalita
niya.
3. Tagpuan
➢ tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento.
4. Saglit na kasiglahan
➢ inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok
na darating sa buhay ng mga tauhan.
5. Paksang-diwa o tema
➢ tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentral na ideya ng kwento na
nagpapahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat ihayag sa isang salita
o parirala lamang kundi sabihin ito sa isang buong pangungusap.
Halimbawa:
“ang pagsama ng isang tao”
“kung minsan, ang pagsama ng isang tao ay dala ng mapait niyang karanasan sa buhay”
6. Simbolo
➢ ito ang mga salita na kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-
iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.
Halimbawa:
Ang puti ay kumakawan sa kalinisan o kawagasan samantalang ang pula ay
kumakatawan sa katapangan o kaguluhan.
7. Suliranin
➢ mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay-daan
upang magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwneto. Dito
makikita kung paano kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa suliraning
kinakaharap.
8. Tunggalian
➢ ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at
kapana-panabik ang mga pangyayari kaya’t sinasabing ito ang sanligan ng akda.
Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng
sinuman o anuman sa katuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na
nababagay sa kahalagahan ng layunin; at dapat na magdulot ng pananabik at
kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.