Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY


Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM NO.: IM-ELECTIVE1(FIL)-1STSEM-2021-2022

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bayombong Campus

DEGREE BSED COURSE NO. Elective 1 (Fil)


PROGRAM
SPECIALIZATION Filipino COURSE Filipino Para sa Tanging Gamit/Malikhaing
TITLE Pagsulat
YEAR LEVEL 3 TIME FRAME 9 hrs. WK NO. 13 IM 10
NO.

I. CHAPTER TITLE
Malikhaing Pagsulat ng Nobela at Dula

II. LESSON TITLE


Ang Nobela at Dula Bilang Anyo ng Panitikan

III. LESSON OVERVIEW


Tatalakayin sa araling ito ang mga layunin, katangian at bahagi ng nobela, ganundin sa
mga sangkap at elemento ng isang dula. Susuriin din ang mga nailahad na mga halimbawa ng
akda.

IV. DESIRED LEARNING OUTCOMES


Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. naigagawa ng buod ang isang nobelang nabasa.
b. nakagagawa ng isang iskrip ng dula.
V. LESSON CONTENT

NOBELA
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari
na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay
ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila –isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang
mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang
matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

Layunin:
 gumising sa diwa at damdamin
 nananawagan sa talino ng guni-guni
 mapukaw ang damdamin ng mambabasa
 magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
 nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
 nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
 napupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela

Katangian:
 maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
 pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
 dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
 pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
 kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
 maraming ligaw na tagpo at kaganapan
 ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
malinis at maayos ang pagkakasulat
 maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan

Bahagi:
tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 1 of 9
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM NO.: IM-ELECTIVE1(FIL)-1STSEM-2021-2022

pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda


a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda

tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela


damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
pamamaraan - istilo ng manunulat
pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan

Narito ang mga halimbawa ng binuod na nobela:

GAPO
ni: Lualhati Bautista

BUOD

Si Michael Taylor Jr. ay isang dalawampung taong gulang na folk singer sa isang bar na
nagngangalang freedom pad. Anak siya sa labas ng isang amerikanong sundalo na hindi niya
nakita man o nakilala. Malaki ang galit niya sa mga amerikano dahil sa ginawa ng ama niyang
pag-iwan sa kanyang ina at sa kanyang pagiging anak sa labas na ginawang katatawanan ng
iba. Lalo siyang nagalit nang masaksihan niya ang pag-aalipusta ng mga sundalong amerikano
sa mga kaibigan niya. Si Dolores, ang ina niyang nag-ampon dito at nakasama niya sa paglaki.
Si Magda ay isang masugid na tagahanga ng mga sundalong amerikano sa kabila ng mga
pasakit na dinanas niya ng dahil sa mga ito. Matalik na kaibigan ni Michael sina Modesto at Ali.
Si Modesto ay isang pilipinong manggagawa sa base militar. Api-apihan ito sa
pinagtatrabahuan niya. Wala siyang kaibigang amerikano roon maliban kay William Smith.
Tinitiis niya na lamang ang kanyang trabaho dahil malaki ang halagang kinikita niya rito. Si Ali
naman ay isang baklang masalapi. At nagkarelasyon sila ni Modesto. Naging kasintahan niya
ang isang amerikanong sundalo na si Richard Halloway.

Isang araw, hindi na natiis ni Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong
amerikano sa base militar. Nakipagsagutan siya sa isang opisyal doon at nauwi ito sa suntukan.
Lamang sana si Modesto nang pagtulungan siya ng mga kasamahan ng sundalong puti. Sa
kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni William, napatay nila si Modesto.

Si Ali naman ay ninakawan nina Richard at Ignacio at binugbog rin.

Si Magda ay nagkaroon ng panibagong kasintahang sundalo na nagngangalang Steve


Taylor. Noong simula ay napakabait ni Steve hanggang sa sa nabuntis siya nito. Makakatagpo
na sana ni Michael ng isang kaibigan sa sundalong kano nang matuklasan nilang mayroon itong
babalikang pamilya sa Estados Unidos.

Nanumbalik ang mga alaala niya sa sinapit ng kanyang ina, pati nina Ali at Modesto sa
mga amerikano. Naulit na naman ang paglilinlang ng mga sundalong amerikano kay Magda.
Hinampas ni Michael si Steve sa ulo gamit ang kanyang gitara na ikinamatay ni Steve.
Nakulong si Michael.

Sa huling bahagi ng istorya ay dinalaw ni Magda si Mike sa kulungan. Ipinagpaalam niya


ang pagpapangalan ng anak niya kay Mike. Ang bata ay magiging si Michael Taylor III.
Naghawak ng mahigpit ang kanilang mga kamay sa magkabilang panig ng rehas.

TITSER
ni: Liwayway A. Arceo

BUOD:
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 2 of 9
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM NO.: IM-ELECTIVE1(FIL)-1STSEM-2021-2022

Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita


at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-
pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang
kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa
pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong
maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak.
Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata
mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa
sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring
guro sa pampublikong paaralan.

Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita


at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-
pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang
kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa
pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong
maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak.
Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata
mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa
sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring
guro sa pampublikong paaralan.

Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na


nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa
bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa
Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang
kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na
talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin
ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago
mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya
ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito
ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng
gurong si Mauro.

Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang


kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa
ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit
ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na
pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na
si Mauro.

Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw
ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang
pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa
ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng
masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang
pamilya.

Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa
ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa
bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito
sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si
Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata,
ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni
Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.

Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak
ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya.

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 3 of 9


Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM NO.: IM-ELECTIVE1(FIL)-1STSEM-2021-2022

Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang
matanda sa kanyang pagkakamali.

DULA

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay
isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan
ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay
maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip.


Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong
pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.

Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.


Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

SANGKAP NG DULA

a. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
b. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
c. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan
ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng
dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang
isang dula
d. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
e. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang
paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong
na tunggalian ang isang dula
f. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng
dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan
ang tunggalian
g. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga
tunggalian
h. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at
tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian
sa panig ng mga manonood

ELEMENTO NG DULA

a. Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
b. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa
iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila
ang pinanonood na tauhan sa dula

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 4 of 9


Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM NO.: IM-ELECTIVE1(FIL)-1STSEM-2021-2022

c. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na


tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid
na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
d. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-
interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang
sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng
direktor sa iskrip
e. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal;
at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.

EKSENA AT TAGPO

Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y
ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

VI. LEARNING ACTIVITIES - Total-(40 pts.)

1.1 Activity 1. Magsaliksik ng isang halimbawa ng nobela at igawan ng buod gaya ng


pagkakabuod sa nabasang Gapo at Titser. ( 20 pts)

Activity 2. Gumawa ng sariling iskrip ng dula. ( 30 pts)


- Maikli lang
- Maaaring batay sa tunay na buhay o kathang-isip

VII. ASSIGNMENT

VIII. EVALUATION (Note: Not to be included in the student’s copy of the IM)
( ang mga naibigay na learning activities ang siyang magsisilbing ebalwasyon)

IX. REFERENCES

hhtp://www.tagaloglang.com › dula·
http://rosiefilipino10.weebly.com ›
https://www.pinoynewbie.com ›

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 5 of 9


Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM NO.: IM-ELECTIVE1(FIL)-1STSEM-2021-2022

IM-MCB180-1STSEM-2021-2022

NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 6 of 9

You might also like