Professional Documents
Culture Documents
Yunit 3 EPP 5
Yunit 3 EPP 5
TUNGKULIN SA SARILI
Bawat isang mag-aaral ay lumalaki, may mga tungkulin ka sa sarili na dapat mong
gampanan para mas mapabuti ang iyong sarili. Ito ay makatutulong sa iyo sa pang-araw
mong gawain.
ARALIN 2
PAGBABAGONG PISIKAL SA SARILI
Ating tatalakayin ngayon ang mga pagbabagong pisikal sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata. Ang araling ito ay makakatulong upang lubos na maunawaan ang mga
pagbabagong pisikal na nagaganap sa iyong sarili upang hindi ka matakot sa mga
pagbabagong ito.
Ang higit na pagsulong sa taas at bigat ay nagaganap bago maging pangkasariang ganap. Sa
panahon na ito ang isang normal at malusog na batang lalaki ay karaniwang tatangkad ng mula sa 7
hanggang 12 sentimetro at ang babae mula 6 hanggang 11 sentimetro. Ang biglaang paglaki ay
unang mapapansin sa mga babae kaysa lalaki lalo na kung magsisimula nang magkaregla. Ngunit sa
gulang na 14 hanggang 19, mabilis na humahabol sa taas at timbang ang mga kalalakihan.
Kasabay ng pagsulong sa taas at timbang ang mga pagbabagong sukat ng iba’t-ibang bahagi ng
katawan. Mabilis na umuunlad ang laki at komposisyon ng pangangatawan.
5.Pagtubo ng tagihawat
Ang mga kababaihan ay nagkakaroon ng tagihawat lalo na kapag malapit na ang buwanang
daloy dahil sa glandular disturbances.Ang mga kalalakihan din naman ay nagkakaroon din ng
tagihawat sanhi ng pagbabagong dulot ng pagbibinata.
6.Pagiging pawisin
Ang mga kalalakihan ang labis na nagiging pawisin kapag sila ay nagbibinata na.
ARALIN 3
Panahon ng Pagreregla
Ang dumadaloy na dugo ay nagsisimula sa loob ng bahay bata. Ito’y kumakapal at dumarami
sa loon ng 26-30 araw. Kung hindi ito mapupunlaan ng sihay-punlay o sperm cell galling sa
lalaki, unti-unti itong hihiwalay sa balat ng bahay-bata kasama ang maraming dugong
nakakapit at hinog na itlog ng babae na siyang lumalabas na regla. Ang buwanang daloy ay
karaniwang nagtatagal ng tatlo hanggang pitong araw. Ito ang normal at mahalagang
tungkulin ng kasarian ng mga babae.
Sa unang pagdaloy ng dugo o paglabas ng regla ay tunay na nakakagulat at
nakakabahala sa isang bata na hindi alam kung ano ang nangyayari. Ito ay dapat na malaman
at maintindihan ng isang nagdadalaga bago sumapit ang ganitong mga karanasan. Ang mga
pangyayaring ito’y dapat ipagbigay-alam sa mga magulang o nakatatandang kapatid upang
maktulong sa dapat gawin. Sa uang taon, ang buwanang daloy ay maaaring palaktaw-laktaw
at hindi regular, ngunit pagkatapos ng ilang buwan ay magiging regular na rin.
Panahon ng pagtutuli
Ang pagtuli ay isinasagawa sa lalaki upang maging makinis at maalis ang kulubot ng
dulo ng tunod. Ang pagtutuli ay isang simpleng operasyon kung saan inaalis ang sobrang
balat na bumabalot sa gland o ulo ng tunod. Ito’y ginagawa upang mapanatiling malinis ang
dulo ng tunod at maiwasan ang impeksyon. May mga batang tinutuli matapos ipanganak,
ngunit may paniniwala rin na ang pagtutuli ay palatandaan ng pagbibinata kaya’t ginagawa
ito sa gulang na 10 hanggang 14 na taong gulang.
May makabagong pamamaraan din ng pagtuli upang maiwasan ang impeksyon. Higit na
mabuti na sa klinika o ospital isagawa ang pagtutuli upang mapagpilian ang nais na anyo ng pagtuli
tulad ng German cut, lasercut, at iba pa. Ang wastong pangangalaga at gamot na kakailanganin ay
naibibigay ayon sa pagrereseta ng doctor. Ang pagpapagaling ay mas madali at maiiwasan din ang
mga di kanais-nais na sakit o kirot dahil may wastong pampamanhid at antibiotics.
Kung kulang ang badget ng magulang pwede namang maghintay ng medical mission
sa mga barangay na tinatawag nilang "Operasyon Tuli". Ito ay libre o walang bayad at
ginaganap ito tuwing bakasyon o summer, para ang mga batang lalaki ay nasa bahay lang.
Mga doktor at nars ang gumagawa ng operasyon kaya ito ay ligtas.
Unang Araw
Panahon ng Pagreregla
Dysmenorrhea
Menopause
Sa isang babae, ang menopause ay ang paghinto ng pagreregla. Ito’y hudyat din na
kawalan ng kapasidad upang magka-anak sa gulang na 45-50 kung wala ng pagdaloy ng
regla.
Paghahanda sa Panahon ng Pagreregla
Ang regla ay dumarating minsan isang buwan ayon sa bilang ng menstrual cycle. Ang
menstrual cycle ay bilang ng araw na pagitan sa pagkakaroon muli ng regla. Ang karaniwang
cycle ay 25 hanggang 29 na araw na pagitan. Mahalagang magkaroon ng pansariling
kalendaryo ukol sa pagreregla upang malaman ang iyong cycle at kung kalian ka
magkakaroon muli ng regla. Makakatulong ito upang makapaghanda ng mga kakailanganin s
panahon na muling pagregla.
Si Marion Jane ay nagkaroon ng regla noong ika-12 ng Enero, kalian siya daratnan
muli kung siya ay mayroong 27 araw na pagitan? Maaari siyang datnang muli sa ika-7 ng
Pebrero.
Ang tiyak na paraan upang mapanatiling maginhawa ang pakiramdam ay ang araw-araw na
paliligo kahit mayroong regla. Hindi nakakasama ang magshampoo ng buhok at paliligo kahit
mayroong regla, at hindi rin titigil ang daloy nito. Maaaring gumamit ng maligamgam na
tubig sa pagligo at huwag magtagal sa paliligo para hindi sipunin. Ugaliin na linisin ang iba
pang bahagi ng katawan tulad ng ngipin, kuko, tainga, kilikili, singit, at tuhod. Sa panahon na
mayroong regla, higit na kailangan ang madalas na paghuhugas at pagpapalit ng napkin
upang maiwasan ang malansang amoy ng dugo. Magpalit ng pasador tuwing ikatlo o ika-apat
na oras o kung kinakailangan. Ang paggamit ng tawas o kalamansi sa kilikili at singit ay
nakakabawas ng amoy ng katawan. Maaari ring gumamit ng deodorant. Dalasan ang
paghihilamos upang maiwasan ang pagkakaroon ng tagihawat.
Mayrron din naming sanitary napkin na mabibili at mas maginhawang gamitin kaysa
sa pasador dahil ito’y idinidikit lamang sa panty upang hindi gumalaw. Ang sanitary napkin
ay may iba’t ibang laki, lapd, at kapal na mapagpipiliang angkop sa iyong pangangailangan.
Magpalit ng napkin kung kinakailangan o apat na oras na pagitan sa loob ng isang araw at
hugasan ang sarili, pwedeng gumamit ng feminine wash para presko ang pakiramdam. Ibalot
nang maayos ang pinagpalitang napkin at itapon sa basurahan. Maghugas ng kamay bago
magpalit at pagkatapos hawakan ang sanitary napkin.
Pangalawang Araw
Mahalagang pangalagaan nang wasto ang sarili kapag bagong tuli upang mapabilis ang
paghilom ng sugat. Dapat gumamit ng maluwag na pantalon, shorts o padyama, upang
mahanginan at matuyo agad ang sugat. Kailangan palitan ang balot ng tunod at linisin ito
araw-araw.
Iwasang kumain ng malalansang pagkain tulad ng hipon, bagoong, malasadong itlog, at iba pa. Ito’y
magiging sanhing pangangati at kapag di na mapigilan ang pagkamot, ito’y maaaring maimpeksyon.
Kumunsulta sa doktor kapag namaga ang tuli.
Maging handa sa pagdating ng regla at ganun din sa mga magpapatuli. Ugaliin ang
pagsasagawa ng mga pamamaraang pangkalinisan sa sarili.
Isulat ang Tama, kung ang isinasaad ng pangungusap ay wastong ugali; Mali kung di wasto, at
isulat ang wastong salitang ipapalit sa may salungguhit na mga salita.
Halimbawa:
Epekto sa katawan.
Epekto sa Ugali.
Kasabay ng pagbabago ng katawan ay unti-unti nagbabago rin ang ugali. Nauuna ang
mga babae kaysa sa mga lalaki. Ang mga babae ay nagiging mahiyain at
maramdamin.Nagiging mapansinin sa sarili o self-concious. Madalas nag-aayos sa katawan lalo
na sa pananamit.Nagkakaroon na sila ng mga taong iniidulo at nais maging modelo.
Epekto sa pakikitungo.
Sumulat ng isang talata kung paano ninyo haharapin ang mga epekto ng
mga pagbabagong nagaganap sa isang nagdadalaga at nagbibinata.
ARALIN 5
Sino sa inyo ang may mga karanasan tungkol sa panunukso ng kamag-aral? Ano ang
iyong ginawa para ito ay maiwasan?
4. Tunay na silay aktibo – mabilis, maliksi, malakas at masigla, kaya’t sa musika higit
na gusto nila ang mabibilis na tugtuging rock.
Pagbabagong Mental, Emosyonal at sosyal
1. Higit na magiging mausisa tungkol sa buhay at pangyayari sa kapaligiran.
Palagi mong isaisip na kailangan mong maging malinis at maayos. May mga
kagamitan na dapat mong gamitin para sa iyong sarili lamang at may mga kagamitang
maaari ring gamitin ng iba pang kasapi ng pamilya.
I. Lagyan ng tsek (/) kung pansarili o pampamilya ang mga kagamitang nakahanay.
Katawan
Punan ang patlang upang makumpleto ang pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang
sagot.
nailcutter bimpo suklay toothpaste
_________________ na matalim.
malambot at malinis.
6. Iba-iba ang kulay at lasa, ngunit parehong nagpapalinis ng ngipin kung ika’y gagamit
ng _________________.
ARALIN 7
1. Maligo araw-araw.
Upang maiwasan ang di kanais-nais na amoy sa katawan, kinakailangan ang paliligo araw-
araw. Nakagiginhawa at nakagagaan ng pakiramdam ang paliligo lalo na kung ito ay gagawin sa
umaga pa lamang.
3. Pagsipilyo ng ngipin
Sipilyuhin ang ngipin nang maraming ulit sa isang araw lalo na matapos
kumain. Nakadaragdag nang malaki sa kagandahan ng mukha ang mapuputi at
pantay-pantay na mga ngipin. Kailangang dumalaw din sa dentist dalawang beses o
higit pa sa isang taon upang matiyak na walang sira ang mga ngipin.
4. Pagkain ng sapat
10. Para sa mga kababaihan, bunutin ang mga balahibo sa kilikili na maaaring maging
sanhi ng anghit. Gumamit ng deodorant tulad ng dinidikdik na tawas o mga produktong nabibili sa
tindahan.
paulit-ulit.
Ana. Kaya naman ang paalala ng kanilang ina na laging magsipilyo ng ngipin ay kanilang
sinusunod.
ang kanyang kuko upang sa pagpasok sa kinabukasan sa paaralan ay malinis ang mga ito.
ARALIN 8
Ano - ano ang mga bagay o gawain na ginagawa mo bago ka pumasok sa paaralan?
Gaano kadalas o kabilis mo ito ginagawa?
Umaga Gabi
Araw
at nang
Buhok ng buhok
pagsuklay maraming
ng buhok beses
Mukha at
Kutis
Kamay
Paa
Ngipin
Katawan
Kuko
ARALIN 9
PANGANGALAGA NG KASUOTAN
1. Dapat ingatan ang kasuotan mula sa oras na isuot ito hanggang sa ito ay iyong
hubarin. Isuot nang maingat ang damit upang maiwasan ang mga tastas at punit. Mag-ingat
sa pagkilos upang hindi masabit sa pako o iba pang bagay na matulis ang damit.
Narito naman ang ilang mga paraan upang manatiling malinis at maayos ang kasuotan.
1. Paglalaba
2.Pamamalantsa
3. Pagsusulsi
5. Pag-aalis ng Mantsa
ARALIN 10
D K H G P R W
K A R A Y O M
L V S D T F N
C Y S X H M O
B L I A B E S
G U N T I N G
S D U F E I N
N O L A D I D
A W I M H K A
T S D G L R K
Ang Pagsusulsi
5. Iwasang maging patay pantay ang haba ng bawat linya ng tahi. Gawing salit-salitan ang
haba ng tahi pagdating sa dulo upang maiwasan ang panibagong punit sa dakong
pinagsulsihan.
6. Gawing lapat at katamtaman ang higpit ng mga tahi. Kukulubot ang sulsi kung sobrang
higpit. Magkakaroon naman ng siwang ang punit na bahagi kung masyadong maluwang.
Pagtatagpi
Ang pagtatagpi ay ginagawa sa mga butas na damit na ang dahilan ay maaring nasunog na
sigarilyo, kinagat ng daga , at iba pang insekto. Ang kapirasong telang gagamitin sa
pagtatagpi ay dapat katulad ng damit na may butas upang hindi mapansin ang ginawang
tagpi. kung walang katulad na retaso, maaring gumupit sa laylayan ng damit na tatagpian.
2. Bahagyang gupitin ang mga sulok ng parisukat na may dalawa’t kalahating milimetro.
3. Tupiin papaloob ang apat na gilid ng parisukat. Diinan ang tupi upang maging lapat at
tuwid.
4. Gupitin ng hugis parisukat ang retasong gagamitin. Kailangang limang sentimetro mahigit
ang laki nito kaysa butas ng damit na tatagpian. Tupiin ng dalawa’t kalahating sentimetro ang gilid
nito
at diinan upang lumapat
5. Ilapat sa ilalim ng butas ang telang panagpi. Ihilbana ang panlabas na gilid nito bago tahian
ng slip stitch.
6. Ang damit ay baliktarin sa karayagan. Tahian ng slip stitch ang paligid ng parisukat matapos itong
ihilbana.
ARALIN 11
WASTONG PARAAN NG PAGLALABA
Ang kasuotan ay magtatagal kung ito’y pinangangalagaan at susundin ang wastong pamamaraan
ng paglalaba.
ARALIN 12
Masdan ang mga nasa larawan. Ano ang iyong napansin? Sa iyong palagay, ano anong
uri ng dumi o matsa ang iyong nakikita?
Mga karaniwang mantsa at mungkahing paraan kung paano ito aalisin:
1. Dugo - Ibabad kaagad ang sariwang matsa sa malamig na tubig bago ito labhan. Ang
natuyong mantsa ay kusutin sa tubig na may asin.
2. Tsokolate o kape - labhan sa sabon at tubig ang mantsa. Kung hindi matanggal ang matsa,
gamitan ng katas ng kalamansi at asin. Labhan at patuyuin.
3. Tinta - Banlawan sa malamig na tubig bago labhan at sabunin. Maaring lagyan din ng katas
ng kalamansi at asin kung di matanggal sa unang paraan.
4. Chewing gum - Lagyan ng yelo ang mantsa upang tumigas bago kaskasin ng mapurol na
gilid ng kutsilyo.
5. Putik - Gumamit ng brush upang maalis ang mantsa bago labhan tulad ng ibang maruming
damit.
7. Mantika o langis - Buhusan ng mainit na tubig ang bahaging may mantsa bago ito sabunin
at labhan.
9. Tagulamin - Ibilad sa araw ang mantsang nilagyan ng katas ng kalamansi at asin. Ulitin ito
nang ilang beses hanggang matanggal lahat ng mantsa.
10. Prutas - Budburan ng asin ang sariwang mantsa upang huwag kumalat bago banlawan sa
kumukulong tubig.
11. Ihi - Sabunin sa tubig na may suka hanggang maalis ang mantsa.
12. Pintura - Kuskusin ng bulak na may turpentina bago labhan ang mantsa.
ARALIN 13
Tanong:
3. Ano sa palagay mo ang dapat gawin upang manumbalik ang ganda at ayos ng
uniporme?
Ang mga damit na bagong laba ay kailangang plantsahin. Hindi magandang tingnan ang
damit kung isusuot na hindi pinaplantsa. Ang pamamalantsa ay isang paraan ng pangangalaga at
pag-aayos ng damit upang bumalik ang dating hugis at ayos nito.
1. Ihanda ang plantsa at mga damit na paplantsahin, malinis na tubig, at bimpo na gagamitin
sa pamamalantsa.
2. Ilagay sa tamang temperature ang control ng plantsa. Ang init ng plantsa ay inaayon sa uri
ng damit na paplatsahin. Ang telang koton at linen ay kailangang ilagay sa mataas na temperature
samantalang sa seda ay katamtaman ang kailangang init.
3. Unahing plantsahin ang makakapal na damit at isunod ang maninipis. Baligtarin ang
damit at plantsahin ang tupi, bulsa, hugpungan, kuwelyo at laylayan.
4. Plantsahin ang mga manggas.
5. Ipasok ang balikat ng polo o bulsa sa dulo ng plantsahan at plantsahin. Gawin ito sa
kabilang balikat.
6. Ipasok o ilusot ang buong damit sa plantsahan at plantsahin ang harap at likod ng bulsa o
polo.
7. Simulang plantsahin ang palda sa ibaba ng baywang. Kung may pileges ang palda, ayusin
ito at padaanan ng basang bimpo bago plantsahin mula laylayan patungong baywang.
8. Isabit sa hanger ang mga naplantsang damit tulad ng bestida, pantalon, polo, at blusa. Ang
mga damit pambabae ay tiklupin at patasin ayon sa uri at itago sa kahon o aparador.
9. Ang iba pang kagamitang tulad ng panyo at mga damit panloob ay kailangang plantsahin.
10. Huwag iwanan ang plantsa sa ibaba ng tela o sa ibabaw ng kabayo. Ilagay ito sa bakal na
lalagyan . Kung tapos na sa pagpaplantsa, alisin ang plug kung de-kuryente ang ginagamit na
plantsa. Palamigin ang plantsa at langisan bago ito itago. Itiklop ang plantsahan.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Anu-ano ang mga hakbang sa pamamalantsa ng damit?
____________________________________________________________
ARALIN 14
Ang bawat kasapi ng mag-anak ay may tungkuling dapat gampanan upang maging
tahimik at kasiya-siya ang pagsasamahan sa loob ng tahanan. Mahalagang malaman ng bawat
isa ang kanilang tungkulin at tuparin ito nang maluwag sa kalooban. Hindi dapat iasa ang
lahat ng mga gawain sa nanay. Ang mga anak na babae ay may tungkuling tumulong sa mga
gawaing bahay sa kanilang in tulad ng pagluluto,pamamalengke,paghahanda ng
pagkain,paghuhugas ng pinggan, paglalaba, at pagsusulsi. Ang mga anak n a lalaki ay dapat
tumulong sa ama at sa mga mabigat na Gawain tulad ng pag-
iigib,pagbubunot,pagkukumpuni ng mga payak na sira sa tahanantulad ng pagpapalit ng
ilaw, piyus, at sirang gripo ng tubig. Ang pag-aalaga ng mga hayop, pagdidilig ng mga
halaman, pagtatanim at pag aayosng mga halaman at bakuran ay dapat magampann ng
nakatatandang kapatid na lalaki. Maaari na ring tumulong ng mga bunsong kapatid sa mga
maliliit na gawaing makakayanan tulad ng pag-aalis ng alikabok, pag-aayos ng laruan, at pag-
aabot ng maliliit na bagay at sumunod a ibang pang inuutos na kaya nang gawain.
Kung ang bawat kasapi ng mag-anak ay may takdang tungkuling, may kani-
kaniyang ring karapatan ang bawat isa. May karapatang igalang ang bawat isa, matanda man
o bata. Ang mga bata ay maaaring humingi ng pahintulot sa kanilang mga magulang na
lumabas kapag walang pasok sa paaralan. Ang paggamit ng ari-arian ng kapatid ay dapat
ihingi ng pahinutulot sa may ari. Iwasan ang magbukas ng liham ng iba o paggamit ng
kasuotan nito. Igalang anng pamamahinga ng mga kasama at huwag mag-ingay. Ang bawat
isa ay dapat kusang-loob na gumanap sa tungkulin ng mga ksapi na hindi makatupad sa
kanilang tungkulin. Maaaring paghati-hatian ang mga tungkulin ayon sa bkakayahan, gulang,
oras at kalusugan ng taong gaganap nito. Kung ang isang mag-anak ay nagtutulungan at
tumutupad sa kanilang mga tugkulin, magiging maayos at masaya ang kanilang
pagsasamahan sa tahanan.
1. Haligi ng tahanan
2. Naghahapbuhay upang magkaroon ng ligtas na
at masayang pagsasama.
3. Gawin ang mabibigat na gawain sa bahay katulong ang panganay na anak na lalaki .
1. Ilaw ng tahanan
paglalaba, at pagsusulsi.
Tungkulin ng Nakakatandang anak na lalaki
Tumutulong sa ama at sa mga mabibigat na
Ang mga gamit sa iba’t ibang silid ng tahanan ay dapat maging angkop sa silid. Ang
mga ito’y kailangang isaayos ayon sa laki at gamit.
Sala o Silid-Tanggapan
Mainam na may sapat na kaluwagan at bentilasyon ang salas upang ito ay maging
maaliwalas. KailaIwasang magkabungguan ang mga taong magdaraan o mababangga ang
mga kasangkapan upang maiwasan ang sakuna. Laging isaalang-alang ang ganda at
kaligtasan ng tahanan.
Karaniwan na sa mga tahanan ang may radyo at telebisyon kaya maaaring ilagay sa
silid-tanggapan ang mga ito upang maging libangan ng mga bisita. Sa oras ng paglilibang ng
mag-anak, dito rin sila nagtitipon upang magsaya, umawit, tumugtog, at manood.
Silid-Tulugan
c. Ilagay ang kama sa isang sulok o isang bahagi ng nakasandig sa dingding. Tiyakin na
ang ulunan ay malayo sa ihip ng hangin at ilawan.
d. Maglaan ng sapat na espasyo na maaaring pag-ayusan ng kubrekama. Tiyakin na
madaling abutin at linisin ang kabinet at bintana.
f. Ang tokador ay mainam ilagay malapit sa ulunan ng kama o sa isang panig na malapit
sa ilawan.
g. Sabitan ng kurtina o blinds ang mga bintana upang maging pribado ang silid.
h. Kung nais, maaaring maglagay ng sopa sa paanan ng kama o mababang mesa at silya
sa isang sulod upang mas lalong maginhawa ang silid. Tiyakin lamang na may sapat na espasyo para
sa mga kagamitan ito.
Ang silid-tulugan ay nagagamit ding silid-aralan. Kailangan lamang isaayos ang mesa
at upuan sa isang sulok ng silid at maaari rin itong lagyan ng bookshelf. Dito rin nakalagay
ang aparador at salamin at mga kagamitan sa pagbibihis. Ang malalaking muwebles na ito ay
dapat malapit sa dingding upang maging maaliwalas ang pagkilos ng tao. Ang silid-tulugan
ay dapat malapit sa palikuran upang madali itong puntahan sa gabi.
Silid-Kainan
1. Ipuwesto ang mesa sa gitnang bahagi ng silid, malayo sa dingding upang magkaroon
ng sapat na espasyo sa pagkilos habang naghahanda ng pagkain o paglabas at pagtayo mula sa mesa.
Pagpapaganda ng Tahanan
a. Paglalagay ng Kurtina
1. Isaalang-alang ang kaayusan at sukat ng pamamahay. Alamin kung gaano ang gustong
haba para sa bahagi na lalagyan ng kurtina. Kung nais na hanggang pasilyo na bintana
lamang, bigyang pansin ang kulay at disenyo ng kurtinang gagamitin, ang sukat at hugis ng
bintana at ang laki at sukat ng silid.
2. Ang kuritnang tuloy-haba o drapes ay maaari rin sa mga bintanang may pasilyo. Ang
manipis na uri ng kurtina ay sa gitnang bahagi at ang makapal na mahabang kuritna ay sa
magkabilang gilid ng bintana.
Ito’y maaaring kumbinasyon ng mga disenyo at walang disenyong mga panig.
b. Pagsasaayos ng Bulaklak
Ang inayos na mga bulaklak ay nakadaragdag ng kagandahan sa loob ng pamamahay.
Maaaring mga sariwang bulaklak ang ilagay sa isang plorera upang palamuti sa gitnang mesa,
sa isang sulok ng lamesita o sa ibabaw ng kabinet at sa iba pang bahagi ng tahanan. Ang
3. Line Arrangement – ang mga bulaklak ay may kaayusang may simbulo na ang
pinakamataas ay tinatawag na Langit, ang napapagitnang ayos sa plorera ay Tao, at ang
pinakamababa ay Lupa.
4. Ikebana – ito’y pagsasaayos ng bulaklak mula sa bansang Hapon. Ito’y may sinusunod
ding simbulo ayon sa damdamin at interpretasyon ng
Ang mga inayos na bulaklak ay nagsisilbing dekorasyon sa isang silid. Subalit ang
piniling kulay, tekstura, at halimuyak ay magpapasigla ng damdamin ng taong makakakita
rito. Ang kaayusan ng bulaklak ay dapat angkop sa uri ng plorera at lugar na paglalagyan
upang maging kasiya-siya at mapayapa ang damdamin ng mga taong lalagi sa silid.
ARALIN 16
Masdan ang mga larawan sa ibaba. Hanapin kung ano ang pagkakaiba.
2. Sa palagay ninyo bakit kaya magulo ang ayos ng nasa unang larawan?
3. Ano kaya ang dapat niyang gawin upang ito ay maging maayos?
5. Isulat ang talatakdaan sa isang malaking papel at idikit ito sa bahagi ng tahanan na
palagingang nakikita ng mga kasapi ng mag-anak.
TALATAKDAAN
Petsa:____________________
tulugan
sa bahay
television
1. Gulang – Ang mga bata’y mas maliksi at mabilis kumilos kaysa sa mga nakatatanda at
maaari silang bigyan ng maraming gawain.
2. Kakayahan at karanasan – Makabubuti na alam natin ang kakayahan at akalaman ng
taong gaganap sa mga tungkulin upang mapagkatiwalaan siya sa mga gagawin.
3. Lakas – May mga gawaing kailangan ang higit na lakas upang maging mabuti ang
paggawa, tulad ng pagbubuhat o paglilipat ng mga kasangkapan kapag nag-aayos ng pamamahay.
4. Oras – Oras sa pagsasagawa o bilang ng oras na maaaring ilaan sa pagsasagawa ng mga
gawain.
Sa paghahanda ng talatakdaan ng gawain ay dapat itala ang mga gawaing inaasahang
matatapos ng isang araw at ang oras na gugugulin sa paggawa, gayundin ang mga taong
tutulong at gaganap sa mga gawain.
ARALIN 17
Alin sa mga ito ang ginagamit mo sa araw-araw? Alin ang pinapalitan kung
kinakailangan?
1. Gobyerno
2. Pakikipagkalakalan sa ibang bansa
4. Kung nagawa na ang na ang una hanggang ikatlong hakbang ihanda na ang mga
materyales na kakailanganin.
Halimbawa, kung nagbebenta ka ng mga punda ng unan, apron, kurtina cover, table
napkin atbp dapat isaalang-alang ang anumang mga mapagkumpitensyang mga banta o mga
pagkakataon para sa paglago kapag makilala mo ang mga trend sa iyong merkado.
Lagyan ng bilang 1-6 ang Paraan ng Paggawa ng Kagamitang Pambahay ( soft furnishing)
ARALIN 18
Pot Holder
1. Pagpatung -patungin ang mga piraso ng telang retaso upang gawing palaman sa loob ng pot holder.
Gumawa ng dalawang pardon na kasinghugis ng pot holderna nais gawin. Dapat maliit ito ng isang sentimetro
kaysa gagawing pot holder. Maaari itong pabilog, pakuwadrado, o biluhaba.
2. Ayusin ang pinagpatong patong na retaso ayon ayon sa hugis sa isang patron. Tiyakin na pantay-
pantay ang pagakakabahagi ng mga retaso upang huwag magkaroon ng manipis na bahagi o nagbubukul-
bukol na bahagi
3. Lagyan ang kabilang pardon ng mga linya na may dalawang sentimetro ang pagitan hanggang
mapuno ito ng mga kuwadrado. Ipatong ang pardon na ito sa pardon na may inaayos na mga retaso.
5. Tanggalin ang hilbana, tabasin ang mga gilid, at putulin ang mga himulmol ng sinulid at tela.
Putulin din ang mga papel na padron.
7. Kunin ang tinabas na tela para sa pot holder. Tupian ang mga tuwid na gilid ng dalawang likurang
bahagi ng pot holder. Ihilbana muna ito bago tahiin sa makina.
8. Gumawa ng silo o loop na magiging sabitan ng pot holder. Tupiin ng kalahating sentimetro ang
magkabilang gilid ng gagawing silo. Tupiin ang tela patungong gitna upang magdikit ang unang ginawang
mga tupi. Ihilbana muna ito bago tahiin.
9. Ilapat ang harapang bahagi ng pot holder sa mesa na nakaharap sa iyo ang karayagan. Itupi ang
ginawang silo at ihilbana ito sa gitna ng isang dulo ng harapang piraso.
10. Ilagay ang mas malaking likurang piraso ng pot holder sa ibabaw ng harapang bahaging nasa mesa.
Dapat magkaharap ang mga karayagan ng dalawang piraso.
11. Ilagay naman ang maliit na likurang piraso sa kabilang dulo ng harapang bahagi. Tiyakin na
nakalapat nang maayos ang tatlong piraso bago ito lagyan ng aspili sa paligid.
13. Tahiin sa makina ang paligid na may isang milimetro ang layo mula sa hilbana. Padaan nang ilang
beses ang mga lugar na pinaglalagyan ng silo at pinagpapatungan ng dalawang piraso ng likurang bahaging
pot holder .
14. Tanggalin ang mga tahing hibana. Tahian ng blanket stitch ang mga gilid upang malinis at maayos
itong tingnan.
15. Ilapat ang palaman sa natapos na pot holder bago ito baligtarin
ARALIN 19
Ang isang batang tulad mo ay kayang kayang magplano ng kagamitang ito, upang umunlad
ang kasanayan at kaalaman. Ang mga kagamitang pambahay ay gaya ng mga sumusunod:
1. Throw pillow
2. Kurtina
3. Cover
4. Glass holder
5. Table Napkin,
6. Pot holder
7. Apron
Narito ang mga hakbang sa pagplano para sa pagbuo ng mga kagamitang pambahay tulad ng
apron. Kailangan mong matutunan ang paraang ito upang maging maayos ang paggamit ng
panahong gugugulin mo sa paggawa.
1. Telang tatahiin
Talaan ng materyales: dito makikita ang kompletong listahan ng matryalers at halaga nsa
pagbuo ng plano.
ARALIN 20
MGA BAHAGI NG MAKINANG DE PADYAK
Naririto ang iba’t ibang bahagi ng makina at mga gamit ng bawat isa.
4. Thread guide - gabay ng sinulid mula sa spool pin hanggang karayom upang hindi
mawala sa lugar.
8. Feed dog – bahaging nasa ilalaim ng presser foot na nagtutulak sa tela habang ito ay
tinatahi.
9. Bobina o bobbin – lagayan ng pangilalim na sinulid.
10. Bobbin case – kaha na lalagyan ng bobina.
11. Balance wheel – gulong sa ibabaw na hinahawakan kung sisimulan ang pagpapaandar o
ihihinto ang pananahi.
12. Stop motion screw – ang malaking turnilyo na nakakabit sa balance wheel na siyang
nagpapahinto.
ARALIN 21
WASTONG PAGGAMIT NG MAKINANG DE – PADYAK
Ang makinang panahian ay naimbento noong 1846 ni Elias Howe at lalo itong pinagbuti ni
Isaac Merrit noong 1851. Ang pagkakaimbento ng makina ay isang malaking hakbang upang
mapabuti at mapabilis ang gawaing pananahi. Kumpara sa pananahi gamit ang kamay, mas
makatitipid ng oras, pagod, at salapi kung mananahi sa makina. Makatitiyak pa na matibay at
maayos ng pagkakatahi ng kasuotan o kagamitan.
May iba’t ibang pamamaraan sa paggamit ng makina. Maaari itong panahian gamit ang
kamay o kuryente. Anuman ang uri ng makinang gagamitin, ang mahalaga ay maayos at
masinop ang magbibigay nitong serbisyo sa pananahi.
3. Tanggalin kaagad ang putol na sinulid at retaso upang hindi ito bumuhol pa sa gulong
ng makina
6. I-check ang bobbin ay umiikot sa direksyon ng arrow, kung saan ang sinulid ay hinihila
8. Mag-iwan ng kapirasong tela sa pagitan ng presser foot at feed dog bago itago ang
makina
11. Tiyakin na ang lugar ng makina ay malinis, maayos at ligtas sa ulan at palagiang
pagkabangga.
Sa napiling proyekto isinagawa, hayaang isa-isahin ng mga bata ang mga paraan ng
pagsasagawa nito. Hayaang isaisip nila ang wastong paraan ng pagsasagawa nito.
ARALIN 23
Tingnan ang larawan sa ibaba. Kung ikaw ang magsusuri sa proyekto na nasa larawan,
subukang markahan ito sa pamamagitan ng pagsagot ng Oo at Hindi sa mga katanungan.
OO
HINDI
Ang kahusayan ay makakamit kung ikaw ay may kakayahang gumawa, may pagnais na
gumawa at desididong paggawa.
ARALIN 24
Sa mga pagkaing nasa ibaba. Anu-ano ang madalas iluto ng iyong ina? Anu-ano
ang kaya niyang ihanda na ayon sa kanyang budget? Anu-ano naman ang paborito mong
kainin?
Ugaliin ang pagkain ng agahan kahit sa bahay, paaralan o opisina. Upang matamo ito,
ang iba ay naghahanda ng kanilang kakakinin maaga pa lamang. Ang mahalaga ay maging
ugali natin ang tamang pagkain sapagkat dito rin nakasalalay ang wastong kalusugan.
Almusal/Agahan
Ulam,(mineral o Protina)
Kanin o Tinapay (carbohydrate) Prutas
Inumin
Tanghalian/Hapunan Inumin(katas ng prutas)
Ulam- manok/isda/baka(protina o mineral) tagapagbuo ng katawan
Prutas (saging, pinya, mangga) mga nagsasaayos ng katawan.
Martes
Protina
mantika
gatas
2. Natitiyak kung wasto at sapat ang pagkaing ihahanda para sa mag-anak alinsunod sa
pangangailangan ng bawat kasapi at sa tatlong pangunahing pangkat ng pagkain.
ARALIN 25
SOPAS NA MACARONI
Mga Sangkap
1 ½ tasa shell macaroni
1 kutsara mantika
2 butil bawang, tinadtad
½ piraso sibuyas, tinadtad
½ tasa hinimay na nilagang manok 2 kutsara patis pantimpla
6 tasa sabaw ng manok Paraan
ng pagluto
ARALIN 26
1. Alamin kung anong sangkap ang dapat bilihin batay sa inihandang menu.
2. Bumili ng mga sangkap na napapanahon upang makasiguro na mura at
masustansiya pa.
3. Iwasang bumili ng mga sangkap na may “food artificial additives”.
4. Alamin ang kasalukuyang halaga ng mga bilihin.
5. Kuwentahin ang halaga ng lahat na pinamili.
ARALIN 27
Mga Sangkap:
1 kilo laman ng baboy o baka
1 tasa sampaloc (bunga)
1/2 kutsarang asin
4 piraso kamatis (hiniwa ng tig-aapat)
1 piraso sibuyas (hiniwa ng tig-aapat)
1 tali okra (buo)
1 piraso labanos (hiniwa nang manipis at pabilog)
15 piraso sitaw (pinutol sa 3" ang haba)
1 tali kangkong (pinutol sa 3" ang haba)
2 piraso gabi (hiniwa ng tig-aapat)
2 piraso sili pansigang
Paraan ng Pagluluto:
3. Hanguin ang pampaasim kapag malambot na, durugin upang makuha angkatas sa
pinakuluang karne.
4. Hanguin ang apoy at hayaang kumulo nang atay-atay hanggang sa lumambotang karne.
5. Ilagay ang gabi at palambutin. Isunod ang mga gulay ayon sa ganitong pagkakasunod-
sunod: sitaw, okra, labanos, kangkong at siling panigang.
6. Timplahan ng asin ayon sa panlasa. Ihain habang mainit.
12.Ilagay ang gulay kung malapit na itong hanguin sa kalan upang maiwasan ang pagkadurog o
pagkalamog at di mawala ang sustansiya.
15.Linisin at iligpit ang lahat ng gamit pagkatapos magluto, pati ang lugar na pinaggawaan.
ARALIN 28
Ano ang mga sangkap sa pagkain na nasa larawan? Simple lang ba at madaling bilhin
ang mga sangkap? Kinakain mo ba ang mga ito? Ano ang pagkakaiba sa paghahanda ng
iyong ina ng pagkaing ito sa pagkain na ipinapakita sa larawan?
ARALIN 29
Ihanda ang individual cover para sa bawat kakain. Ang cover ay binubuo ng pinggan,
baso, kubyertos, serbilyeta, lalagyan ng tinapay at mantikilya, tasa, platito, at kutsarita.
Kailangan ang agwat ng bawat cover ay 50 hanggang 60 sentimetro upang makakain ng
maginhawa ang bawat tao.
1. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na dalawa't kalahating sentimetro ang layo sa
dulo ng mesa o placemat.
2. Ilagay ang kutsilyo sa kanan ng pinggan kahanay ang gilid ng pinggan na malapit sa
taong uupo. Ang talim nito ay ipaharap sa pinggan.
3. Ilagay ang nakatihayang kutsara sa tabi ng kutsilyo kahanay pa rin ang pinggan.
4. Ilagay ang kutsarita nang nakatihaya sa kanan ng kutsara.
5. Ilagay ang tinidor sa kaliwa ng pinggan, ang mga tulis ay nasa gawing itaas ng cover.
6. Ilagay ang serbilyeta sa kaliwa ng tinidor. Maaaring ilagay din ito sa kaakit-akit na paraan sa
ibabaw ng pinggan.
7. Kung may kakaining tinapay, ilagay ang lalagyan ng tinapay at mantikilya malapit sa mga tulis
ng tinidor.
8. Ilagay ang baso malapit sa dulong itaas ng kutsilyo. Maaaring lagyan na ng tatlong-kapat na
bahaging tubig ang baso ilang minuto bago kumain.
9. Ilagay ang tasang nakapatong sa platito sa gawing kanan ng cover, katabi ang
kutsarita.
1.Smorgasboard - ang lahat ng pagkain ay inihain at pinapakain hangga't gusto pang kumain.
2.Russian style - ito'y pormal na pag-aayos ng mesa. Ang bawat kakain ay bibigyan ng
pagkain at tuwing matatapos kumain ay aalisin ang mga kinakain at papalitan ng isusunod na
dapat kainin.
3.Buffet style - ang lahat ng pagkain ay nakahanda sa isang mesa at ang mga kakain ang kukuha ng
kanilang gustong kainin.
4.Family style o English style - ang mesa ay nakaayos ayon sa bilang at dami ng kakain
5.Individual cover - pag-aayos para sa isang paghahain sa isang tao. Ang mga kagamitan sa pagkain
ay nakaayos ayon sa tuntunin.
A.Ilagay ang plato nang nakatihaya sa gitna ng placement na may isang pulgada ang layo mula
sa gilid nito.
B.Ihara pang kutsilyo sa plato sa tabi ng kutsara at kutsarita. Ang baso ay ilagay sa dulo ng itaas
ng kutsilyo.
Kumuha ng mga kagamitan sa pagkain tulad ng plato, kutsara, tinidor, kutsarita, kutsilyo, tasa at
baso. Isaayos ang mga kagamitan alinsunod sa alituntunin nito.