Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pagpapalaglag

Ang pagpapalaglag, pagpapaagas o aborsyon ay ang sinadyang pagtatanggal

ng embryo o fetus sa loob ng matres ng babae, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Isa

itong direktang pagtanggal ng kanilang karapatang mabuhay sa mundo. Pwede itong

mangyari ng biglaan tulad ng kapag ang babae ay nakunan, o ng artipisyal sa

pamamagitan ng kemikal, pagtitistis at iba pa. Sa pangkalahatan, ang

a“pagpapalaglag” ay tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng

pagbubunti; sa medical na pagtawag, tinatawag na nakunan ang babae kung ang

pagpapalaglag ay nangyari bago ang ika-dalawampung lingo ng pagbubuntis, kung

saan ito ay tinuturing na hindi na buhay. Ang layunin ko ay ang maipa-unawa sa lahat

ang masamang epekto na nakaakibat sa aborsyon na kung saan maaaring

humantong sa hindi inaasahang pangyayari o ang kamatayan at para na rin malaman

ng lahat na ito ay illegal at hindi sinasang-ayonan ng simbahang katoliko.

Sa loob ng ilang siglo at sa iba 't ibang kultura, may isang mayamang

kasaysayan ng kababaihan na nagtutulungan. Hanggang sa huli 1800s, kababaihan

healers sa Kanlurang Europa at ang US na ibinigay ang abortions at sinanay na iba

pang mga kababaihan na gawin ito, walang legal na pagbabawal. Ang estado ay hindi

nagbabawal ng aborsyon hanggang ika-19 na siglo, ni ang Simbahan ay humantong sa

bagong panunupil ito. Sa 1803, Britain unang naipasa sa mga batas ang

pagpapalaglag, na pagkatapos ay naging mas istriktong sa buong siglo. Ang US ay

sinundan ng mga indibidwal na estado ay nagsimulang maging ipagbawal abortion. Sa

pamamagitan ng 1880, karamihan sa mga abortions ay iligal na sa US, maliban sa mga

kailangan upang i-save ang buhay ng mga babae, ngunit ang tradisyon ng karapatan ng
kababaihan sa maagang abortion ay nakaugat sa lipunan ng Estados Unidos noon;

patuloy na nagpapraktis ng komokontra sa pampublikong suporta, at ayaw ng mga

juries na maipakulong sila.

Patuloy na pagdurugo, mula spotting hanggang sa maging malakas. Ito ang

pinaka karaniwang problema pagkatapos ng isang aborsyon, kasabay ng uterine

cramps. Para kasi mapigil ng uterine ang pagdurugo, kailangang ipitin, o daanin sa

contraction, para mapilit na sumara ang blood vessels.Kapag may labis na pagdurugo,

maaaring may naiwang piraso ng fetus o placenta sa loob ng uterus, na labis na

delikado sa kalagayan ng nagbubuntis. Ito ang tinatawag na incomplete abortion.

Madalas, kapag natatanggal na ang mga natirang piraso, maaari ng tumitigil ang

pagdurugo.

Impeksiyon o sepsis, na maaaring makaapekto sa kakayahang magbuntis

pang muli. Karaniwang naiimpeksiyon ang uterus o di kaya ay ang dugo dahil sa mga

bacteria galing sa ari o sa puwit, na nakapasok sa bukas na cervix papunta sa uterus, o

kaya ay sa dugo. Dahil na rin ito sa maduming gamit, o medical tools, o sa hindi sterilize

na kapaligiran o klinika.Sintomas ng impeksiyon ay ang mabahong vaginal discharge.

Nakamamatay din ang sepsis. Kung niresetahan ng doktor ng antibiotics, importanteng

inumin ito ayon sa direksiyon para makaiwas sa impeksiyon o anumang mas malala

pang sakit.

Permanenteng damage sa cervix at pagkasugat ng uterine lining at

uterus. Dahil nga sa maselang procedure, may posibilidad na masugatan ang cervix at

uterus—at maging permanente ang pagkasira nito. Patuloy ang paglabas ng dugo sa

ari kapag napunit ang cervix, dala ng pagkaskas ng instrumento o pilit na pagbuka nito
habang ginagawa ang aborsyon. Kailangan itong tahiin para mapigil ang

pagdurugo.Kapag hindi naagapan, maaaring hindi na magsara nang maayos ang

cervix, at hindi na posible ang pagbubuntis pang muli, o di kaya ay maging sanhi ng

palaging pagkalaglag ng bata (miscarriage) o kaya ay pagiging premature nito.Kapag

naman nasugatan o nagasgas ang uterine wall o uterus, posibleng mahirapan na ang

implantation ng fertilized egg dito. Kapag malala ang pagkakasugat, maaaring maging

dahilan ito ng pagtanggal ng uterus o hysterectomy.

Ectopic pregnancy. Ayon sa mga pagsasaliksik, ang pagkakaroon ng

pregnancy outside the uterus o pagbubuntis sa labas ng matres na pupwedeng nasa

obaryo, cervix o pupwedeng nasa loob ng tiyan ay ang nagiging dahilan ng

kababaihang nagkaroon o rumanas na ng aborsyon. Ang pagkakaroon ng ectopic

pregnancy ay nagiging sanhi ng pagkabaog o hindi na pagbubuntis pang muli.

Kamatayan. May mga kababaihang hindi nakakaiwas sa pinakamalalang epekto

ng aborsyon—ang pagkasawi.Kapag nakaramdam ng mas malalang mga sintomas,

tulad ng labis na pananakit ng abdomen at likod, na hindi kana makatayo o makaupo ng

maayos, labis na pagdurogo na mas malakas kaysa sa karaniwang menstrual period,

hindi na kaya ng uterus na pigilan na maisara ang blood vessels kaya tuloy ang

pagdurogo maaaring malalang kaso ng incomplete aborsyon ito, vaginal discharged na

may mabahong amoy, lagnat na higit sa 37.8% celcius, at patuloy na sintomas ng

pagbubuntis ay dapat nang magpadala sa ospital at magpatingin sa doctor.

Ang babae ang magdidisisyon sa kung ano ang dapat mangyari sa kanyang

katawan o buhay. Ang bawat bata ay may karapatan sa tamang pangangalaga at

pagmamahal, kung hindi ito possible, okay lang ang aborsyon. Ang babaeng ginahasa
ay may karapatang sumailalim sa aborsyon para hindi na nila maalala ang kababuyang

nangyari sa kanila habang lumalaki ang kanilang naging anak. Kung ang bata ay

isinilang na baldado ang ina lamang ang makapagdesisyon kung kaya nya bang

asikasuhin ang bata. Ang pamilya na mahirap ay lalo pang maghihirap kung

madaragdagan pa ng isang sanggol. At napakaraming unwanted baby ngayon sa

mundong over populated. Bakit ka pa magdaragdag kung pwede naman ang aborsyon.

Ang babae at kanyang mga kapamilya ay tiyak na may mga karapatan din, hindi lang

ang hindi pa naisisilang na sanggol. Ang batang may malalang kaso ng pagkabaldado

ay magkakaroon lamang ng pangit na buhay na maaring magdulot din ng trauma sa

kanyang mga magulang o di kaya nmn ay diskriminasyon sa bata kaya naman mas

mabuti na raw na hindi na maisilang ang sanggol kaysa naman na maranasan niya ang

kasamaan sa mundo. Sapagkat may mga naniniwala na ang buhay raw ay hindi pa

nagsisimula hanggang hindi pa naisisilang ang bata.

Hindi talaga maaaring maipasa sa batas ang aborsyon dahil magdudulot lamang

ito ng masama lalo na sa kalusugan ng taong maaaring makaranas nito. Ang aborsyon

kasi ay isang delikadong hakbang na kung saan hindi lamang ang bata ang

maaapektuhan kundi pati na rin ang ina ng bata na maaaring ikamatay ng dalawa. Kung

ikaw ay nakaranas na ng pagpapalaglag maaari kang magkaroon ng impeksyon o

sepsis, permanenteng damage sa cervix, ectopic pregnancy, patuloy na pagdurogo, o

di kaya ay kamatayan. Lahat ng ito ay napaka delikado lalo na kapag hindi na

maagapan. Dahil mas madaling makita ang mga pisikal na epekto, nakakaligtaan

minsan ang mga epektong emosiyonal at psychological na kung saan ito ay mas
nakabubuting bigyan ng karagdagang pansin sapagkat ito ay napaka delikado din

lalong lalo na kapag nagkakaroon ng mental breakdown ang babae. Kaya nmn kung

hindi mo nais na magkaroon ng anumang komplikasyon huwag ka nalang magpabuntis

kung hindi mo naman kayang panindigan ang responsibilidad.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang diskusyon ng mga “pro-choice” at “pro-life”

upang makonklusyunan kung mainam ba o hindi na gawing legal ang aborsyon.

Matagal ng nangyari ang aborsyon sa Pilinas at maging sa iba pang konserbatibong

bansa, ngunit nanatili pa ring mailap ang magkabilang panig. Nagpapatuloy pa rin ang

pagtaltalan kung ano ang dapat na konklusyon at rekomendasyon sa aborsyon. Dito sa

atin ang aborsyon ay illegal, pag nalaman ng batas na ikaw ay nagpa aborsyon ikaw ay

ikukulong. Pero kahit na ito ay illegal, marami pa rin ang palihim na nagpa aborsyon

kasi wala sa plano nila na mabuntis at karamihan sa kanila ay mga minor de edad. May

mga pamamaraan na ipinahayag ang seyensa para hindi mabuntis ang mga babae at

ito ay ang paggamit ng mga contraceptives hindi rin pumapayag ang mga “pro-life” gaya

ng simbahang Katoliko. Basta para sa akin kung ikaw ay nabuntis na wala sa plano,

mayroon kang buhay na bata sa sinapupunan mo na kailangan mong alagaan. At wala

kang karapatan na patayin ang bata sa loob ng sinapupunan mo dahil sa pagkakamali

mo. Mas mabuting alagaan nalang ang mga bata, dahil ang mga bata ay biyaya na

syang nagbibigay kulay sa ating malungkot na buhay.

You might also like