FIL10 Q2 M 1 Mitolohiya V 5

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

10

FILIPINO-10
Ikalawang Markahan – Modyul 1
MITOLOHIYA: Sina Thor at loki sa
lupain ng mga higante

(Pampanitikan sa Kalunranin)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipina

1
Aralin Sina Thor at Loki sa
Lupain ng mga Higante
1
 PANGKALAHATANG IDEYA
Magandang araw sa iyo. Natutuwa ako na natapos mong gawin ang mga modyul sa
unang markahan. Marahil ay handa ka nang magpatuloy sa mga gawain sa ikalawang
markahan. Ang modyul na ito ay taos-pusong nilikha upang makatutulong sa iyong pag-aral
sa panitikang Kanluranin na binubuo ng apat na mga aralin. Ang unang aralin ay Sina Thor
at Loki sa Lupain ng mga Higante, isang mitolohiyang mula sa Iceland na isinulat ni Snorri
Sturluson at isinalin naman sa wikang Filipino ni Sheila C. Molina.

 LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga
tauhan. ( F10PN-IIa-b-71 )

TUKLASIN
Panuto: Basahin at unawain ang mitolohiya na nagsasalaysay ng pagkakalikha ng mundo.
Pagkatapos sagutin ang sumusunod na gabay na mga tanong sa ibaba.
Paano Nagkaanyo ang Mundo?
Si Odin kasama ng dalawang kapatid na sina Vili at Ve ay nagawang paslangin ang
higanteng si Ymir. Ito ang dahilan kaya hindi magkasundo ang mga Aesir at mga higante.
Lumikha sila ng isang mundo mula sa katawan nito at iba pang bagay mula sa ibat- ibang
parte ng katawan nito.
Binuo nila ang gitnang bahagi ng mundo o ang mundo ng mga tao mula sa katawan
ng higante. Lumikha sila ng kalupaan at mga bundok mula sa laman at ilang buto nito.
Ginamit nila ang dugo nito upang makalikha ng karagatan at iba’t ibang anyo ng katubigan.
Ang mga ngipin at ilang buto nito ay nagsilbing mga graba at hanggahan. Ang bungo nito ay
inilagay sa itaas ng mundo at nagtalaga ng apat na duwende sa apat na sulok nito.
Ang mga duwendeng ito ay pinangalanang Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga.
Ginamit nila ang kilay ni Ymir upang lumikha ng kagubatan na magprotekta upang hindi
makapasok dito ang mga higante. Ang utak ni Ymir ay ginawang mga ulap. Lumikha sila ng
isang lugar para sa mga liwanag na nakakawala sa Muspelheim, isang mundo na nag-aapoy
at inilayo nila ito sa mundo. Ang mga liwanag nito ang nagsisilbing mga bituin, araw at
buwan.
Ang maitim subalit napakagandang anak na babae ng isang higante na si Gabi ay
nagkaroon ng anak na lalaki sa isang Aesir god at tinawag niya itong Araw. Binigyan ng mga
diyos sina Gabi at Araw ng kani-kanilang karwahe at kabayo at inilagay sila sa kalangitan.
Ang mga pawis na tumutulo sa kabayo ni Gabi ay nagsisilbing hamog sa umaga. Dahil sa
sobrang liwanag at init ni Araw ay naglagay ang mga diyos ng bagay sa mga paa ng kabayo
nito upang hindi ito masunog. May isang mangkukulam na naninirahan sa silangang bahagi
ng Middle-Earth ay nagsilang ng dalawang higanteng anak na lalaki na nasa anyo ng isang

2
lobo.
Si Skoll ang humahabol sa araw at si Hati naman ang humahabol sa buwan. Ang
magkapatid na ito ang dahilan ng paghahabulan ng araw at buwan kaya nagkaroon ng
paglubog at paglitaw ng araw.
Mula sa mga uod sa katawan ni Ymir nilikha ang mga duwende. Ang mga ito ay naninirahan
sa mga kuweba sa ilalim ng mundo at naghahatid ng mga bakal, pilak, tanso at ginto sa mga
diyos. Lumikha din sina Odin ng iba pang mga nilalang tulad ng light-elves na nakatira sa
itaas ng mundo na tinatawag na Alfheim, mga diwata at espiritu at pati na rin mga hayop at
isda. Ito ang simula ng pagkakaroon ng anyo ng mundo.

1. Paano nagkaanyo ang mundo ayon sa kuwento?

SURIIN
Alam mo ba na…
Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan
ng kultura ng tradisyong oral?
Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na nangangahulugang
“kuwento”. Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa
kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga
tao. Maaaring nagsimula ang mitolohiya nang magsimulang magtanong ang tao tungkol sa
pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang tungkulin dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya
ay nabibigyan ng linaw ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na
puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha, at
kamatayan.

Bakit mahalaga ang mitolohiya?


Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga
natural na pangyayari. Sa mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang paniniwalang
panrelihiyon. Nagtuturo rin ito ng aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan. Mahalaga rin ito
upang maipahayag ang takot at pag-asa ng sangkatauhan. Ang mitolohiya ay nilikha nang
dahil sa ibat-ibang kadahilanan subalit ang ilan sa pinakamagandang dahilan ng pagbabasa
sa mga ito ay upang tayo ay maaliw sa magandang kuwento, mamangha sa taglay nitong
hiwaga, matuto sa mga taglay na mabubuting aral sa buhay, at mapalawig pa ang
imahinasyon sa mga pangyayaring kakaiba kaysa pangkaraniwan.

Ano-ano ang mga elemento ng mitolohiya?

1. Tauhan. Ang mga tauhan ng mitolohiya ay mga diyos o diyosa, makulay at


puno ng imahinasyon ang pagganap ng mga tauhan, may taglay na kapangyarihan at lahat
ay kanilang magagawa.
2. Tagpuan. Sa tagpuan nasusuri ang kalagayan ng mga bansa noon at sa kasalukuyan.
Nalalaman kung anong uri ng komunidad mayroon ang kanilang ninuno at maiuugnay sa
paraan ng kanilang pamumuhay ngayon at pagpapahalaga sa kapaligiran sa
kasalukuyan.Nasasalamin ang sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito
umusbong at may kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan, palayan, kabundukan at iba
pa.
3. Banghay. Ang banghay ay naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari,
pakikipagsapalaran ng isang tao upang ipagtanggol ang kanyang bansa. Ito ay nag
papaliwanag ng mga pangyayari at kalagayan ng mga tao sa bansang inilalarawan sa
mitolohiya noon at sa kasalukuyan. Sa element ring ito makikita ang sunod-sunod na

3
kaganapan at pangyayari at ditto rin masusuri ang pagiging makatotohanan o di-
makatotohanan ng akda.

4. Tema. Naglalahad at nagpapaliwanag sa natural na mga pangyayari at ng ugali ng tao,


mga kahinaan at kalakasan ng tauhan at mga aral sa buhay

PAGYAMANIN
GAWAIN 1:Panuto: Basahin ang sumusunod na mito.
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Mga Tauhan: Diyos:

Thor- diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir


Loki- kasama ni Thor sa paglalakbay at may kapiyuhan Higante: Skrymir – naninirahan sa
kakahuyan Utgaro-Loki – hari ng mga higante, Logi, Hugi, at Elli – kabilang sa kuta ni
Utgaro-Loki Mga Tao:Thjalfi at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka

Pumunta sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante dahil ang mga higante ay
kalaban ng mga diyos sa Norse. Nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa
bahay ng isang magsasaka na may dalawang anak isang lalaki at isang babae. Kinatay ni
Thor ang dala nitong kambing para sa kanilang hapunan. Nagalit si Thor sa magsasaka
nang hindi sinunod nito ang kanyang iniutos na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat
nito kaya ginawa niyang alipin ang dalawang anak na sina Thjalfi at Roskva bilang kapalit.
Naglakbay sila hanggang sa makita ang natutulog na si Skrymir, isang uri ng higante.
Umiinit ang ulo ni Thor pag natutulog si Skrymir at naghihilik nang malakas kaya pinupukpok
niya ng kanyang maso ang ulo ni Skymir upang ito ay magising, ngunit akala ni Skrymir ay
may nalaglag lamang na dahon sa kanyang ulo.Dinala ni Skrymir sina Thor at Loki kay
Utgaro-Loki ang hari ng mga higante. Bago sila umalis ay binigyan sila ni Skrymir ng
mabuting payo na huwag silang magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro-Loki.

Nakipagpaligsahan sila dito upang malaman kung gaano kalakas sina Thor.Ginamit nina
Thor at mga kasamahan ang kanilang galing at lakas. Si Loki ay may kakayahang
pinakamabilis sa pagkain. Naglaban sila ni Logi sa pabilisan ng pagkain ngunit siya ay
natalo. Pabilisan sa pagtakbo naman ang sinalihan ni Thjalfi laban sa batang si Hugi. Inulit
ng tatlong beses ang labanan ngunit hindi talaga inabutan ni Thjalfi ang batang si Hugi.
Sumabak naman si Thor sa pabilisan ng pag-inom. Kaya’t tinawag ni Utgaro-Loki ang
cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman ng mga panauhin. Sa tatlong
pagkakataon ay hindi naubos ni Thor ang laman ng tambuli. Nagalit si Thor nang matalo
siya sa paligsahang ito. Isang laro pa ang sinubukan ni Thor upang masubok ang kanyang
lakas, ang buhatin sa lupa ang pusa ni Utgaro-Loki. Hinawakan ni Thor ang palibot ng
tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang kanyang lakas ngunit paa lamang ng pusa ang
naiangat ni Thor. Lalong nagalit si Thor nang matalo sa labanang ito. Hinamon ulit niya si
Utgaro-Loki kaya itinapat ni Utgaro ang kanyang inang si Elli sa labanang wrestling.Tulad
ng mga nagdaang laban, natalo pa rin si Thor. Ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay Thor na
nilinlang lang sila ni Utgaro-Loki, ginamitan sila nito ng mahika upang sila ay talunin dahil
alam ng hari ng higante na walang kapantay ang lakas ni Thor at ayaw nito na may

4
makatalo sa kanyang lakas.
GAWAIN 1:
1. Pumili ng isang bahagi na iyong nagustuhan mula sa mitolohiyang binasa at iguhit ito.
Pagkatapos ipaliwanag kung bakit ito ang iyong piniling tagpo.
Dito mo gawin ang iyong guhit.

Paliwanag:

Ito ang aking iginuhit dahil

PANAPOS NA PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian. Isulat lamang sa iyong
sagutang papel ang titik ng mapipili mong sagot.

1. Bakit kailangang pag-aralan ang mitolohiya?


A. dahil nagdudulot ito ng aliw sa mambabasa
B. upang mapahalagahan ang uri ng akdang ito
C. upang makikita at mapapahalagahan ang kaugalian, uri ng
pamumuhay,paniniwala at kultura ng sang bansa
D. dahil kailangang matutunan ito ng mag-aaral.
2. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng .
A. pag-aalala B. Pagmamalasakit
C. pagmamahal D.pagtanaw ng utang na loob
3. Ang pagtatanong ni Skrymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay
nangangahulugang hindi niya _.
A. alam na naunang nagising si Thor B.nalalaman ang sikreto ni Thor
C. naramdaman ang paglipad ng ibon D. Naramdaman na tinaga siya niThor
4. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa _
A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
5. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga
Higante upang sila ay mapasakop sa kapangyarihan nito” ay
A. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang
B. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa
masamang paraan.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.

5
D. Matalino man ang matsing napaglalamangan din
6. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay tungkol sa paniniwalang
panrelihiyon.
A. banghay B. Tagpuan C. Tauhan D. Tema
7. Siya ang diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir.
A. Loki B. Odin C. Skrymir D. Thor
8. Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kultura sa mga diyos o
bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
A. dula B. Maikling kuwento C. Mitolohiya D. Tula
9. Nang mapansin ni Thor na bali ang paa ng isang kambing ay nanlilisik ang
kanyang mata. Ano ang damdaming ipinahahayag sa pangungusap?
A. pagkaawa B. Pagkagalit C. Pagkalungkot D. Pagkatuwa
10. Tuwing maririnig ni Thor ang ungol ng higante ay mag-iinit ang kanyang ulo at
pinupukpok niya ng maso ang higante. Si Thor ay nagpapakita ng
A. pagkamaawain B. pagkamahiyain
C. pagkamainipin D. pagkamainitin ang ulo

Aralin Kolokasyon
2
 PANGKALAHATANG IDEYA
Ang araling ito ay tumatalakay sa pagpapalawak ng iyong talasalitaan gamit ang
prosesong tinatawag na kolokasyon. Ang prosesong ito ay ang pagsasama ng isang salita
sa iba pang salita upang makabuo ng isa pang salita na nagtataglay ng ibang kahulugan.
Mararanasan mo sa aralin ang mga gawaing tulad ng pagbibigay ng kahulugan sa isang
salita bilang pangunahing Gawain. Mararanasan mo rin sa araling ito ang pagbubuo ng mga
salitang tambalan.
 LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
(kolokasyon) (F10PT-IIa-b-71)

SURIIN
Alam mo ba na…
Ang mga salita kapag nadagdagan o sinasamahan pa ng isang salita ay
makabubuo ng ibang kahulugan? Ito ay tinatawag na kolokasyon.
KOLOKASYON. Ang pag-iisip ng iba pang salita na puwedeng isama sa
isang salita o talasalitaan upang makakabuo ng iba pang kahulugan.Ito ay mga salitang
karaniwang nagagamit nang magkapareha may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag
nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ring
magkasalungat. Higit na mapapalitaw ang kahulugan ng isang salita kung ito’y kasama ng
iba pang salita. May mga salitang nagsasama-samang palagi sa isang konstruksyon at
mayroon namang nagsasama-sama paminsan- minsan.

Halimbawa:

6
buwig ng saging kawan ng ibon
trono ng hari marangyang piging basag-ulo
Basag (pagkasira ng isang bagay ) + ulo (bahagi ng katawan ). Kapag pinagsama ay
nagiging basag-ulo na nangangahulugang gulo o away.
Sanay ka bang tumuklas ng kahulugan ng isang salita? Basahin ang paglalahad tungkol sa
mga diyos ng Norse.
Ang mga Diyos ng Norse
Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na Aesir. Ang mga Aesir ay ang mga
diyos ng digmaan at ng kalangitan. Sila ay kawangis ng mga mortal na tao subalit mas malalaki
na tulad ng higante. Bihira silang makihalubilo sa mga tao hindi tulad ng mga Greek Gods.
Ang mga Aesir ay naninirahan sa Asgard. Ang Asgard ay iba sa langit na iyong pinapangarap
na makita. Wala itong ningning ng kasiyahan o labis na kaligayahan. Ito ay isang tahimik na
lugar na may nagbabantang tiyak na kamatayan. Alam ng mga diyos na darating ang panahon
na sila ay mawawasak. Darating ang kanilang mga kalaban na handa silang sugpuin. At ang
Asgard ay mawawasak. Ang mga mortal nilang kalaban ay ang mga higante na nananahan
naman sa Jotunheim.
Ang katotohanang ito ay hindi kaila sa lahat ng nananahan sa Asgard lalo na sa
kanilang pinuno na si Odin. Tulad ni Zeus, si Odin ang bathala ng mga diyos at lumikha sa mga
tao. Siya ang may pinakamabigat na tungkulin na pigilan ang araw ng pagwawakas. Ang
kanyang asawa ay si Frigga, isang makapangyarihang diyosa na may kakayahang makita ang
hinaharap.
Sa lahat ng mga diyos na naninirahan sa Asgard, lima sa kanila ang pinakamahalaga. Sila ay
sina Balder, Thor, Freyr, Heimdall, at Tyr.Si Balder ang pinakamamahal sa lahat ng mga diyos.
Ang kanyang kamatayan ang maituturing na pinakamalaking sakuna na dumating sa mga Aesir.
Si Thor ang diyos ng kulog at kidlat; siya rin ang pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir. Sa
kanya ring pangalan hinango ang araw ng Huwebes. Makikitang madalas niyang dala ang
malaking martilyo na tinatawag na Mjolnir. Ang tagapangalaga naman ng mga prutas sa mundo
ay si Freyr. Samantalang si Heimdall ang tanod ng Bilfrost, ang bahagharing tulay patungo sa
Asgard. At si Tyr ang diyos ng digmaan at sa kanyang pangalan hinango ang araw ng Martes.

GAWAIN 1:
Panuto: Mula sa iyong binasang teksto, ibigay ang katumbas na salitang ginamit sa
kuwento sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga titik na nasa kahon. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.

Y A I RG E
1. DIGMAAN _
KIASNAWG
2. KATULAD
MUKSAMI

3. MAKIHALUBILO ALAHA
GINNINGIN

4. KISLAP
AMSKAAW
5. MASIRA

7
PANAPOS NA PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang sumusunod na pagtataya. Piliin ang titik lamang at isulat sa
iyong sagutang papel.

1.Si Razel ay may _ _ na puso.


A. bago B. Bakal C. Bakla D.mabango
2. Si Teresa ay may magandang_ _ mata.
A. pilik B. Makapal C. Mapungay D. Kisap
3. Kapit- ang mga mamamayan habang nagpoprotesta sa
harap ng munisipyo.
A. bisig B. Ginto C. Likod D. Tuko
4. Naglaho ang kanyang pag-ibig sa isang _ mata.
A. kisap B. Pilik C. Piso D. Tambo
5. Ang salitang balat at sibuyas kapag pinagsama ay naging balat-sibuyas na
nagtataglay ng kahulugang _ _.
A. mabango B. Maramdamin C. Pagkain D.rekado sa ulam
6. Ito ang proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa pamamagitan ng
pagsasama ng isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng panibagong
kahulugan.
A. etimolohiya B. Kolokasyon C. Sanaysay D. Tula
7. Ang basag-ulo ay dalawang salitang pinagsama na basag at ulo. Ito ay
nangangahulugang _ _ .
A. away o gulo B. Nababasag C. Nabasag ang ulo D. Pagtatalo
8. Ito ay dalawang pinagsamang salita na ang kahulugan ay kasalan.
A. bahay-bahayan B. Mahabang dulang C. Pag-iibigan D.tagu-taguan
9. Binawian ng buhay ang aking kapitbahay. Ang ibig sabihin ng binawian ng
buhay ay
A. inalisan ng kabuhayan B. Naglakbay C.namatay D. Walang karapatan
10. Ang tawag sa maso na sandata ni Thor ay _
A. Armor B. Lasso C. Mjolnir D. Shield

Aralin Pagsusuri ng Akdang


Mitolohiya
3
PANGKALAHATANG IDEYA
Magandang araw sa iyo. Natutuwa ako na natapos mo nang gawin ang mga hamon sa
ikalawang aralin. Marahil ay handa ka nang magpatuloy sa mga gawain sa susunod na
aralin.
Sa araling ito mapag-aralan mo ang mga elemento ng mitolohiya na magagamit mo
sa pagsusuri ng mitolohiyang iyong napanood.Balikan natin ang paksa sa Aralin 1 ang mga
elemento ng mitolohiya. May mga gawaing inilaan para sa iyo upang lubusan mong
maunawaan ang paksa. Mararanasan mo rin sa araling ito ang sistematikong pagsusuri ng
mitolohiyang iyong napanood.

8
 LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood(F10PD-IIa-b-69)

Hindi maikakaila na isang malaking hamon at tungkulin ng guro ang magbahagi at


maghahasik ng kaalaman sa kanyang mga mag-aaral. Isang tungkuling nararapat
gampanan hindi lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa lipunang kanyang
ginagalawan at huwag kalilimutang higit sa lahat ito ay isang pananagutan sa Diyos na
tagapaglalang.

GAWAIN 1:
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag sa ibaba bilang paglalagom.

1. Ang mga tauhan sa mitolohiyang napanood ay pawang _ _

2. Ang tagpuan ay sa _ _

3. Marami ang naging suliranin sa kuwento, isa sa mga ito ay


4. Ang tema naman ay tungkol sa

PANAPOS NA PAGTATAYA

Panuto: Piliin mo ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ang _____ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng


mga diyos at diyosa, bathala at mga anito, sa pagkakalikha ng mundo at ng kalawakan.
`A.alamat B. Epiko C. Kuwentong bayan D. Mitolohiya
2. Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na nangangahulugang .
A. awit B. Kuwento C. Tula D. Talambuhay
3. Bahagi ng katawan ni Ymir na ginawang ulap ng mga diyos.
A. bungo B. Kamay C. Kilay D.utak
4. Isang matalino at masayahing bata na anak ni Gabi sa isang Aesir god.
A. Araw B.Odin C. Thor D. Ymir
5. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa _ .
A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
6. Anong elemento ng mitolohiya ang may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinauna
ang panahon.
A. tauhan B. Tagpuan C. Banghay D. Tema
7. Ginamit nila ang _ _ ni Ymir upang lumikha ng kagubatan sa buong mundo na
magprotekta upang hindi makapasok ditto ang mga higante.
A. bungo B. Kilay C.paa D.ugat
8. Mula sa katawan ng higante nilikha ng mga Aesir ang _ .
A. ang gitnang bahagi ng mundo B. Bituin, araw at buwan
C. graba at hanggahan D. Ulap

9
9. Nagsilbing mga graba at hanggahan ang _ ng higante
A. ang dugo ng higante B. Ang utak ng higante
C. kilay ng higante D. Mga ngipin at ilang buto nito

10. Ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang mga Aesir at mga higante.
A. gustong agawin ng mga higante ang Asgard
B. hindi makapunta sa kaharian ng mga higante ang mga Aesir
C. napaslang ni Odin at mga kapatid nito ang higanteng si Ymir.
D. nag-aagawan sila ng teritoryo

Aralin
Pokus ng Pandiwa: Tagaganap
4 at Layon
 PANGKALAHATANG IDEYA
Ang araling ito ay ginawa na angkop para sa iyo. Ito ay dinisenyo upang matutunan mo
ang paksa ukol sa pokus ng pandiwang tagaganap at pokus sa layon. Saklaw sa araling ito
ang mga Gawain sa pagkikilala sa mga panlapi na ginagamit sa pandiwa na nasa pokus sa
tagaganap at pandiwa na nasa pokus sa o layon. Magagamit din dito ang pokus sa
tagaganap at layon sa paghahambing ng mitolohiyang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino.
Mababasa mo rin dito ang isang lunsarang mitolohiya na pinamagatang “Ang mga Diyos ng
Norse”

 LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
(F10WG-IIa-b-66)
2. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa: Tagaganap at Layon sa pagsulat
ng paghahambing (F10WG-IIa-b-66)

TUKLASIN
Mahalaga ang mga panlapi sa pagbuo ng mga pandiwa. Sa mga pandiwa,
nakagaganap at nagpapakahulugan ng maraming kaisipan ang mga panlapi. Isa na rito ang
pokus ng pandiwa, ang makabuluhang ralasyon o pag-uugnayan ng pandiwa at ng paksa o
simuno ng pangungusap. Naipakikilala ng mga panlapi ng pandiwa ang pokus o simuno ng
mga pahayag.
1. Nasa pokus tagaganap ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng pangungusap
ang siyang gumaganap ng kilos nito. Sa pokus na ito, magagamit sa pandiwa ang panlaping
um-/-um, mag-, ma-, mang (m/n)-, mag-an, at magsipag-an/han. Pananda ng pokus o paksa
ang si/sina at ang, at magagamit din bilang pokus tagaganap ang mga nominatibong
panghalip na ako, ka, kita, siya, tayo kami, kayo, at sila.
Halimbawa.
Nagbihis si Thor at kinuha ang kanyang maso.
Naglakbay sila buong araw.
Napagod ang higante at ito’y nakatulog agad.

2. Nasa pokus sa layon ang pandiwa kung ang tagatanggap o tuwirang layon ng pandiwa
ang paksa ng pangungusap. Ginagamit sa mga pandiwang pokus sa layon ang mga

10
panlaping i-, –in/hin, -an/han, ma, paki, ipa, at paki, at panandang ang sa paksa o pokus.
Halimbawa:
Inihampas ni Thor sa higante ang kanyang maso.
Iniutos ni Utgaro-Loki kay Thor na inumin ang tubig sa tapayan.
Kinuha ni Thor ang baon niyang bag.

SURIIN
Basahin ang sumusunod na talataan.

Maitatanong sa ating mga sarili: Ano ba ang papel na dapat nating gampanan upang
maipakita ang ating wagas at tapat na pagmamahal sa ating lupang tinubuan?

Iisa ang laging nasa isip natin – kalayaan. Subalit batid ba natin ang mga pangyayari
sa likod ng salitang ito? Tayo ay nagpakasakit upang lagutin ang tanikala ng ating
pagkabusabos. Ginamit natin ang ating katapangan sa pagtatamo ng kalayaan. Gumawa
tayo ng mga paraan upang makamit ng ating bayan ang kalayaang matagal na nating
inaasam-asam.

Pagsikapan nating ipagsanggalang ang kalayaang ito – oo, ang kalayaang siyang
susi natin upang matawag na ang ating bansa ay demokratiko, makabayan, at maka-Diyos
Naghihintay ang ating bayan sa ating mga palad – kumilos tayo, hindi bukas kundi ngayon.

Pansinin ang sumusunod na mga pangungusap na hinango mula sa tekstong iyong


binasa. Bigyang-pansin ang mga pandiwang may salungguhit.

Tayo ay nagpakasakit upang lagutin ang tanikala ng ating pagkabusabos.


Gumawa tayo ng paraan upang makamit ng ating bayan ang kalayaang matagal na nating
inaasam-asam.
Ginamit natin ang ating katapangan sa pagtatamo ng kalayaan.
Sa una at pangalawang pangungusap, sino ang gumanap ng kilos ng pandiwa?
Ano ang kaibahan ng ikatlong pangungusap sa unang dalawang pangungusap?
Nasa pokus sa tagaganap ang mga pandiwa sa una at ikalawang pangungusap dahil
ang paksa ang gumaganap ng sinasabi ng pandiwa, ng ikinikilos ng pandiwa. Sumasagot ito
sa tanong na sino.
Nasa layon-pokus ang pandiwa sa ikatlong pangungusap dahil ang simuno ang
tagatanggap ng sinasabi ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na ano.

PAGYAMANIN
GAWAIN 1:Panuto: Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap at bilugan
ang pokus nito.Pagkatapos sabihin kung ito ay pokus sa tagaganap o layon. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.

Hal. Pokus sa layon Kinain nila ang karne hanggang sa buto na lamang ang
maiwan.
1. Nagbalak sina Thor at loki na maglakbay sa lupain ng mga higante.
2. Natutulog pa ang higante nang dumating sila sa kaharian.
3. Ang tarangkahan ng kaharian ay sinubok na buksan ni Thor.
4. Hinugot ni Thor ang maso sa ulo ng higante.
5. Si Skrymir ay nagising at inaakalang may nalaglag na dahon sa kanyang ulo.

11
PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Nasa pokus sa _ ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ang layon ng pandiwa.
A. layon B.pinaglalaanan C. Sanhi D. Tagaganap
2. Namukod siya sa hanay ng kabataang kataon niya tulad ng isang brilyante sa tumpok ng
mga bato. Ano ang salitang-ugat ng salitang namukod?
A. bukod B.lukod C.mukod D.namo
3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nasa pokus sa layon?
A. Inihanda ng magsasaka ang masaganang hapunan para kay Thor.
B. Ipinaghanda ng magsasaka ng masaganang hapunan si Thor.
C. Naghanda ang magsasaka ng masaganang hapunan para kay Thor.
D. Naghahanda si Thor ng masaganang hapunan para sa magsasaka.
4 Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa
ng pangungusap.
A. layon B. Pandiwa C.pokus D. D.tagaganap
5.Kung ang paksa sa pangungusap ang siyang gumaganap sa kilos ng pandiwa ito ay nasa
pokus sa .
A. layon B.pinaglalaanan C. Sanhi D. Tagaganap
6. (Hingi) ng tulong ang mga na-stranded na residente dahil sa lock down. Ang angkop na
pandiwang dapat gamitin ay ___
A. hiningi B.ipinanghingi C. Naghingi D. Nanghingi
7. Si Skrymir ay nagbigay ng payo kay Thor.Ang pokus ng pandiwa ay _____
A.layon B.pinaglalaana C. Sanhi D. Tagaganap
8. Gumugol siya ng panahon sa paggawa ng kabutihan. Alin ang tuwirang layon ng
pangungusap?
A. gumugol B. Ng kabutihan C. Ng panahon D. Sa paggawa
9. Ang sumusunod na pangungusap ay nasa pokus sa layon maliban sa isa.
A. Binabalot nila ang pagkain.
B. Inihahasik ng guro ang karunungan sa kanyang tinuturuan.
C. Nagpapakita rin sila ng magandang halimbawa.
D.Tinatahi nila ang sirang sapatos.
10. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus sa tagaganap?
A. ibinili, malaman,pag-aaralan B. ikinalulungkot, ikinatutuwa,Ikinasawi
C. ipinambili, ipansulat, ipanghakot D.lumikas, nag-ani, magsu

SUSI SA PAGWAWASTO

ARALIN-1 ARALIN-2 ARALIN-3 ARALIN-4


Gawain-1 Gawain-1 Gawain-1 Gawain-1
-Nasa guro ang -Nasa guro ang -Nasa guro ang -Nasa guro ang
pagpapasya pagpapasya pagpapasya pagpapasya

PANAPOS NA PANAPOS NA PANAPOS NA PANAPOS NA


PAGTATAYA PAGTATAYA PAGTATAYA PAGTATAYA
1. C 6. D 1. A 6. B 1. D 6. B 1. A 6. A
2. D 7. B 2. B 7. A 2. B 7. C 2. A 7. D
3. D 8. C 3. A 8. B 3. D 8. A 3. A 8. D
4. A 9. B 4. A 9. B 4. A 9. D 4. C 9. C
5. A 10. D 5. B 10. A 5. A 10. B 5. D 10. C

12
40

You might also like