Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Habang nasa jeep ako. Nakaupo. Nililipad ng hangin ang buhok.

Ay pumasok ang isang sinaryo sa utak ko


na lagi kong hinihiling. Well, hindi namna lagi pero madalas kong hinihiling.

Naglalakad daw ako nang biglang may humatak sa braso ko at niyakap ako. Clichè. Tsk.

“Kuya? Nagkakamali po ata kayo” sabi ko.

“No hindi ako nagkakamali,, ikaw nga yon.Finally. Nakita na rin kita" sabi nung yumakap sakin.

“Eh?” bumitaw naman siya kaya nakita ko ang mukha niya. Takte! Ang gwapo hehe. Halatang mas
matanda rin siya kesa sakin baka 17 na.

“Come with me" aniya at hinila ako.

“Teka! Aba kahit naman gwapo ka ay hindi ako sasama sayo malay ko ba kung kidnapper ka pala at
balak mo kong ibenta! Hindi ako sasama sayo" sabi ko at inaggaw ang kamay ko. Sasagot palang sana
siya nang magring ang cellphone ko. Tumatawag nanay ko kaya tumalikod ako dun sa lalaki

“Ma! Pauwi na ko” sabi ko pagkasagot ko.

“Wag ka nang duniretso sa bahay. Sa dito ka na sa office dumeretso, papakilala ko na yung matagal ko
nang sinasabing ama mo” sabi niya kaya napairap ako.

“Ma? Sabi ko naman sayo na patay na si papa, PATAY as in deds or wala na” sagot ko naman.

“Pumunta ka nalang dito" aniya at binabaan ako. I can't believe her, sabi niya dati ay patay na pala ang
ama ko noong isang taon palang ako at mapapatunayan ko namna yon dahil sa mga kwento ng tita ko na
kesyo daw 50 50 na talaga ang chance ni papang mabuhay na ganito ganyan ang nangyari nung burol
niya. Tapos malalaman ko last week na sabi ni Mama ay nakita daw niya si papa? Ang gulo nila! Pero
dahil mabait ako at gusto kong malaman kung totoo yung sinasabi niya ay pumunta ako ng office niya.
Pero napatigil ako nang tawagin ako, ang pangalan ko nung estrangherong lalaki.

“Kate! Where are you going? You're coming with me" inglisero amputik yung ilong ko hanep.

Humarap ako sa kaniya“Lubayan mo nga ako! Wala tayo sa isang story na bigla kang manghahatak ng
braso at mangyayakap at sasabihin sakin na sumama sayo, hindi ako uto uto! Hindi kita kilala okay?
Hindi din kita ka ano ano kaya lubayan mo ko! Masyado akong madaming problema wag ka ng
dumagdag pa! Please lang" sabi ko sa kaniya at tinalikuran ulit siya saka naglakad palayo sa kaniya.
Nafrufrustrate na ako, masyadong madaming problema ang nasa buhay ko ngayon dadagdag pa siya tsk.

Naghintay ako bg jeep na papuntang Centro dahil doon ang office ni Mama.

Solong anak DAW ako. Patay na ang tatay pati ang nanay ko. Saksi ako sa pagkamatay ni nanay dahil
kakamatay palang niya last year dahil sa heart attack pero sa pagkamatay ng tatay ko ay wala akong
alam. Isang taon palang daw ako nang mamatay ang ama ko, motor accident daw. Madaming naawa
sakin dahil nga sa maagang pagkawala ng tatay ko, sabi ko sa sarili ko okay lang kahit na lumaki ng
walang tatay kaso yung lumaki ka ng wala kahit na anong paramdam? Yun ang masakit, kasi may pinsan
ako na namatayan din ng ama pero madalas daw niyang nararamdaman kapag malungkot siya o kaya
naman ay kapag may laban siya sa conyest ay para daw may yumayakap sa kaniyang hangin kahit na
hindi naman daw humahangin. Isa lang ibig sabihin non, sinasabi ng papa niya na nanjan lang siya para
sa kaniya pero ako? Never nangyari sakin yon. Inggitera ako, sobra pero naisip ko rin naman na deserve
nila yon. Hindi halata pero naiinggit ako, hindi sa materyal na bagay o sa kung ano mang atensyon pero
ang pagkainggit ko ay hindi yung inggit na sobra sobra.

Sa lalim ng pinagiisip ko ay hindi ko na namalayang nasa centro na ako kaya nagpara at nagabot ako ng
bayad at saka bumaba. Pumasok ako sa pinagtatrabahuhan ni Mama. Kung nagtataka kayo jubg sino ang
tinatawag kong mama pero patay na yung nanay ko, hindi siya nagreincarnate. Siya ang kumupkop sakin
nabg manatay ang totoo kong nanay at saka lola ko siya, kapatid siya ng lola ko sa father side. Magulo
ba? Intindihin niyo nalang. Mama ang tawag ko sa kaniya kasi yun ang gusto niyang itawag ko sa kaniya

Nang makarating ako ay agad akong pumasok ng walang katok katok pero agad akong natigilan at
nagsalubong ang kilay nang makita ko ang lalaking nangyakap sa akin kanina, kauspa siya ni Mama.
Katabi niya ang isang lalaking kamukha niya pero 40's na ata. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang
mapagtanto kong kamukha siya ng nasa portrait ng tatay ko. Anak ng. Nagpaparamdam na ba siya? Bakit
ganito?! Kinilabutan ako at muntik ng maluha at tge same time. Tears of ano kaya ito? Tsk. Napatingin
din sila sakin at agad na nangilid ang luha nung Mister nang makita ako.

“Kate, come here" anas ni Mama na umiiyak habang nakangiti. Ang creepy niya!

Hindi pa man ako nakakahakbang ng biglang yumakap sa akin yung Mister tapos may naramdaman
akong basa na tumutulo sa likod ko. God! Umiiyak ba siya? Hala!

“Ah eh” Ih Oh Uh. Wala akong masabing matino kaya napatingin nalang ako kay Mama na nasa harap ko
na at nasa likod nung Mister nakatayo at umiiyak habang nakangiti, nasa gilid naman niya si kuyang
nangyakap sakin kanina na naiiyak.

“Kate, meet your father amd brother" sabi ni Mama kaya mas nagulat ako.

Napabalik ako sa kasalukuyan ng may sumigaw ng para, napansin ko naman na nandito na rin ako kaya
nagbayad na rin ako't bumaba, nang makababa ay agad akong naglakad papunta sa bahay, mang biglang
may yumakap sakin....

You might also like