Lesson Plan AP 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Araling Panlipunan 7

Quarter 2: Week 7
Feb. 26, 2021

I.Layunin: Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginagampanan ng kababaihan mula sa sinaunang kabihasnan at
ikalabing-anim na siglo.
a. Nasusuri ang mga tradisyunal na papel ng mga kababaihan sa Asya.
b. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa isyung may kinalaman sa kababaihan.

II.Paksa: “Ang Tradisyunal na Papel ng Babaeng Asyano”

Sanggunian: Asya:Pag-usbong ng Kabihasnan pp. 253 – 255.
Kagamitan: laptop, handout, kagamitang biswal, pentel pen

III.Pamamaraan:
A.Alamin
- Paghahanda sa pagsisimula g klase

Gawain 1: Larawan-Suri
- Suriin ang larawan.

B.Paunlarin
- Ilahad sa klase ang paksang tatalakayin.
- Ipabasa sa mag- aaral ang layunin ng aralin.
- Bigyan ng Handouts para sa paksang tatalakayin.

Gawain 2: Pangkatang Gawain

- Papangkatin ang klase sa dalawang pangkat.
- Basahin ang rubriks para sa pangkatang Gawain.
- Bigyan ng 3 minuto upang gawin ito at dalawang minuto na iulat ang output sa klase.
Rubriks Para sa Pangkatang Gawain

Nilalaman/Organisasyon - 15
Presentasyon/Pagkamalikhain - 10
Kooperasyon ng Miyembro - 5
Kabuuan 30

Pangkat 1
Mga Gabay na Tanong:
1.Ano ang mga tungkulin ng isang tradisyunal na babae sa India?
2.Ano ang Suttee o sati?
3.Ano ang mga tungkulin ng isang tradisyunal na babae sa China?
4.Ano ang footbinding?

Pangkat 2
Mga Gabay na Tanong:
1.Ilarawan ang katayuan ng tradisyunal na kababaihan sa lipunang Muslim.
2.Ano ang kaugalian ng Purdah ng mga Muslim?
3.Ano ang katayuan ng isang tradisyunal na babae sa Japan bago ang pyudalismo?
4.Ano ang katayuan ng mga kababahan sa Japan sa pagpasok ng ideolohiyang sosyalismo sa China sa ika 20 na siglo?

C.Pagpapalalim
Gawain 3:Pangkatang Gawain
- Sa pareho paring pangkat sagutin ang nakaatas na Gawain sa inyo.
- Bigyan ng 3 minuto upang gawin ito at dalawang minuto na iulat ang output sa klase.

Pangkat 1
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang balakid sa pagkilala sa mga kababaihan sa tradisyunal na Asya?
2.Nagbago ang pagtingin sa katayuan mga kababaihang Asyano sa Kasalukuyan?
3.Ano - ano ang mga karapatan na ibinibigay ng ating pamahalaan sa mga kababaihan ng ating bansa?

Pangkat 2
Mga Gabay na Tanong:
1.Sa inyng palagay, naging mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa tradisyunal na pamayanang
Asyano?
2.Anong pagpapahalaga ang ipinamalas ng kababaihang Asyano noong sinaunang panahon?
3.Bilang isang mag-aaral, ibigay ang inyong sariling opinyon tungkol sa isyung may kinalaman sa kababaihan?

D.Paglalapat
Gawain 4: Babae, Mahalaga Ka!
- Sa pareho paring pangkat gawin ang inyong gawain.
- Bigyan ng 5 minuto upang gawin ito at dalawang minuto na iulat ang output sa klase.
- Gumawa ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng kababaihan sa ating lipunan.

Rubrics Para sa Sanaysay

Nilalaman – 10
Kaugnayan sa paksa – 10
Paggamit ng salita – 10
Kabuuan 30
IV.Ebalwasyon
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Itiman ang numero na kaugnaysa tamang sagot.
①②③④ 1. Sa China, ang footbinding ay ginagawa sa mga batang babae. Tinatanggalan sila ng kuko, binabalian
ng buto sa daliri, at binabalutan ngbondage at metal ang mga paa. Ano ang implikasyon nito sa kanilang kultura?
1. Naging pamantayan ng kagandahan sa lipunan ang ganitong kultura.
2. Naging batas na ng lipunan ang ganitong Gawain.
3. Nakabubuti sa tingin ng kalalakihan ang ganitong tradisyon.
4. Tataas ang kalidad ng pamumuhay kung gagawin ito.
①②③④ 2. Hindi naging malawak ang mga karapatan at kapangyarihan ng mga sinaunang kababaihan sa Asya.
Ito ay batay sa kasaysayan nna naitala sa mga bansang Asyano, katulad halimbawa sa India, bahagi ng paniniwala nila
ang suttee o sati, ito ay ang pagtalon ng asawang babae sa apoy nang sinusunog na asawang lalaki. Bahagi rin ng
kulturang Indiana, maaari lamang kumain ang babaeng asawa kung tapos ng kumain ang kaniyang asawa. Ano ang
ugat ng mababang pagtingin ito sa mga kababaihang Asyano?
1. Itinuturing na mababang miyembro ng lipunan ang kababaihan at limitado ang kanilang mga karapatan sa
lipunan.
2. Hindi pinagkalooban ng langit ang mga kababaihan na mamuno sa lipunan.
3. Mahihina ang loob at walang kakayahang mamuno ang mga babae sa imperyo.
4. Hindi pinagkakalooban ang kababaihan ng mataas na edukasyon at kasanayan sa buhay.
①②③④ 3. Anong kaugalian noon sa India ang pagsama ng babaing asawa sa funeral pyre ng kanyang asawa
bilang pagpapakita ng pagmamahal niya rito?
1. Suttee o sati 2. purdah 3. footbinding 4. lily feet
①②③④ 4. Aling bansa sa Asya ang may kaugalian na ang asawang babae ay kakain lamang pagkatapos kumain
ng kanyang asawa bilang paggalang sa asawang lalaki?
1. Japan 2. China 3. Pilipinas 4. India
①②③④ 5. Ano ang tawag sa kaugalian na ang babae ay itinatago sa mata publiko sa pamamagitan ng damit na
magtatakip sa katawan , mukha at buhok ng babae?
1. Suttee o sati 2. purdah 3. footbinding 4. lily feet

V.Takdang Aralin
Gumuhit o maggupit ng larawan na nagpapakita ng katayuan ng mga sinauna at kasalukuyang kalagayan ng
kababaihan sa iba’t ibang bansa sa Asya. Sumulat ng maikling paglalarawan o pagpapaliwanag sa iyong gawain.
(Kulayan kung ito ay iginuhit lamang.) Ilagay ito sa bondpaper ( 30pts.)

Rubrics Para sa Gawain

Nilalaman – 10
Kaugnayan sa paksa – 10
Paggamit ng salita – 10
Kabuuan 30

Prepared by:

JASYL JANE S. CADAVEDO

AP Teacher

Observed by:

ELEAZAR B. YORONG GRANIFER JAUCULAN GLIROD JANE T. TINDUGAN, EMD.

Head Teacher Assistant Principal Principal IV
Pangalan : _________________________________________________________________ Iskor : ________

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Itiman ang numero na kaugnay sa tamang sagot.