Kabanata 6 Pagtuturo NG Filipino Sa Elementarya II

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II

Panitikan ng Pilipinas

Kabanata 6

Panitikan: Makabuluhan at
Makataong Pagtuturo

1|Pahina
Kabanata 6
Panitikan: Makabuluhan at Makataong Pagtuturo

Panimula

KATOTOHANANG hindi mapag-aalinlanganan na wala sa pagbabasa ng “tunay na


panitikan" ang hilig ng mga mag-aaral, lalo na kung ang panitikang Filipino ang pag-uusapan.
Kung nagbabasa man sila ay sapagkat ipinababasa sa kanila ng guro. Ang kawalan ng hilig o
kusa ng mga mag-aaral sa panitikang Filipino ay maaaring nag-uugat sa matagal na
pagkakatanikala sa katawan at isip ng pagkaalipin bunga man ng kolonyalismo na hatid ng mga
Kastila at/o ng imperyalismong Amerikano.
Bukod sa epekto ng kaisipang kolonyal, may malaking bagay na nagagawa ang paraan
ng pag-aaral at pagtuturo ng panitikan sa ating mga paaralan. Hinayaan nating magdaos ng
paligsahan ang mga mag-aaral sa pagsasaulo ng nilalaman ng panitikan. Naging maluwag tayo
sa pagsasabi ng "magaling" sa sinumang makasasagot ng mga tanong

Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:

(a) Nabibigyang-pakahulugan ang paraan ng pagtuturo ng panitikan;


(b) Natutukoy ang ibat-ibang paraan ng pagtuturo ng maikling katha, tula at sanaysay;
(c) Nakapagsasagawa ng sariling banghay-aralin para sa pagtuturo ng panitikan

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay

Kabanata 6: Panitikan: Makabuluhan at Makataong = 3 oras


Pagtuturo (1 oras para sa talakayan; 2 oras
para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)

2|Pahina
Talakayan

Pagtuturo ng Panitikan . . . Ilang Panimulang Palagay

KATOTOHANANG hindi mapag-aalinlanganan na wala sa pagbabasa ng “tunay na


panitikan" ang hilig ng mga mag-aaral, lalo na kung ang panitikang Filipino ang pag-uusapan.
Kung nagbabasa man sila ay sapagkat ipinababasa sa kanila ng guro. Ang kawalan ng hilig o
kusa ng mga mag-aaral sa panitikang Filipino ay maaaring nag-uugat sa matagal na
pagkakatanikala sa katawan at isip ng pagkaalipin bunga man ng kolonyalismo na hatid ng mga
Kastila at/o ng imperyalismong Amerikano.
Bukod sa epekto ng kaisipang kolonyal, may malaking bagay na nagagawa ang paraan
ng pag-aaral at pagtuturo ng panitikan sa ating mga paaralan. Hinayaan nating magdaos ng
paligsahan ang mga mag-aaral sa pagsasaulo ng nilalaman ng panitikan. Naging maluwag tayo
sa pagsasabi ng "magaling" sa sinumang makasasagot ng mga tanong na ang simula ay Sino,
Ano, Alin, Kailan, atb. tungkol sa itinakdang aralin sa panitikan.
Ang paraan ng pagtuturo ay may kaugnayan din sa pagkawala ng hilig mag-aral sa pag-
aaral ng panitikan. Hindi tumutugon sa tunay na kalikasan ng panitikan ang karaniwang pag-
aaral nito. Sa pag-aaral ng isang akdang pampanitikan, malimit na sinasabi na ng guro kung
ano ang makikita at madarama sa akda. Ang tungkulin niya na iraranas sa mga mag-aaral ang
kabuuan ng akday tuluyan nang kinalilimutan. Ganito ang sinabi ni Widdowson (1975) tungkol
sa bagay na ito:

"The students need guidance in the approach to a genuine experience of literature but
what I oppose is the kind of passive, single channel academic spoonfeeding that remove the
student from direct, active participation in discovering the way language is used in literary
discourses for the conveying of unique messages. However, this does not mean that what
teachers and critics say about literature may not reveal a good deal of meaning but only that
the full impact of the work can only be recognized by the individual's direct experience of it."

Isa pang malimit na nagaganap sa pagtuturo ng panitikan ayang palagay na ang lahat
ng panitikan ay "Urbana at Felisa. Kaya naman ang mga akda ay binabasa para lamang alamin
ang mga aral na mapupulot dito. Iba naman ang epekto sa mga mag-aaral ng isa pang pamaraan.
Kung sa una'y napakadali ng pag-aaral ng panitikan, dito'y nahihirapan at nalilito ang mga
mag-aaral. Ipababasa at ipasusuri ang katha batay sa nga pormal na elemento nito. Hihimayin
ang katha sa balangkas, tagpuan, kapaligiran, simbolismo, tono, at kung anu-ano pa at
pagkatapos ay sasabihing mahusay o di mahusay ang akdà. Nalilito sa pagtataya ang mga mag-
aaral sapagkat wala. naman silang ideya sa punot dulo ng binabanggit na istilo ng awtor.
Ganito ang sabi ni Torres-Yu (1979) hinggil sa mga obserbasyong inilahad sa itaas:

"Ang mga kahinaan ng pamamaraang binanggit ay nag-uugat sa iisang bagay: ang


pagtuturo ng panitikan ay hindi umaalinsunod sa tunay na kalikasan at galaw ng panitikan.
Ang panitikan sapagkat salamin, isang anyo ng kamalayan ng manunulat at ng kolektibo ng
mga manunulat at tumutugon sa artistikong.repleksyon at realidad sa yugto ng pagsulong nito.
Kaya ang panitikan ay may kasaysayan at humahango ito sa lipunang kumakandili dito. Kung

3|Pahina
naaalinsunod ang paguturo sa tunay na kalikasan ng panitikan, ito'y hindi kababagutan o kaya
y iilagan sapagkat matutuklasan nila ang dinamikong karakter ng panitikang Piipino at ang
kaugnayan nito sa kanilang buhay."

Paano ang Pagtuturo ng Panitikan

Ang panitikan ay isang sining sapagkat wala itong tiyak o istandard na paraan ng
pagtuturo. Gayunpaman, natitiyak kong habang tayo'y nagbabalitaan, matutuklasan nating
malaking-malaki ang pagkakahawig ng ating mga paraang ginagamit na nagkakaiba-iba
lamang tayo sa tuon; at upang mapasigla ang pagtuturo nito, kailangang umisip din tayo ng
nararapat na pagbabago sa mga paraang ginagamit na rin. Hayaan ninyong maglahad ako ng
ilang batayang simulain na maaaring makatulong para sa ikapapanuto ng ating pagtuturo ng
panitikan.
1. Panitikan ang dapat ituro at hindi ang kung ano pa man
2. Ang panitikan ay nagbibigay-hugis sa mga bunga ng makabuluhang karanasan ng tao
3. Isanib ang pagtuturo ng panitikan sa ibang aralin sa kurikulum
• Ang mga arketipo (archetypes). Ito'y ang mga paulit-ulit na huwarang bahagi o
sangkap na makikita sa mga akdang panitikan tulad ng mga tauhan, imahen, uri ng
kwento, pangyayari at mga simbolo. Ang mga arketipo ay mga dungang isip,
walang hanggahan, at matatag.
• Konbensiyon (Convention). Ito'y salita na nagsasabi ng isa pang uri ng
pagkakatulad na makikita natin sa mga akdang panitikan. Maaaring ito'y tauhan,
banghay, tagpuan, atb.
• Imaheng Siklikal at Dayalektikal. Ito'y mga paulit-ulit dingmga imaheng
matatagpuan sa mga akdang pampanitikan-Sikikal (imaheng batay sa mga likas na
siklo) at dayalektikal (imaheng naglalahad ng pagsasalungatan).
• Ang apat na banghay. Batay sa pagkakabuo/banghay, ang isangkwento o anumang
akdang pampanitikan ay mauuri natin sa apat: romansa, trahedya, satiriko, at
komedya.
Sa kwento ng romansa, masasalamin ang katuparan ng isang nasa, ang
pagtatagumpay ng kabutihan sa kasamaan; at ang pamumuhay nang sagana.
Kwento ng trahedya ang mga kwento o tulang nagpapakita ng hangganan ng
kapangyarihan ng tao na maaaring magbunga ng kasawian sa kanyang
pangarap.
Ang kwentong satiriko ay may layuning kumutya sa mga bisyo o kahangalan
ng tao, dili kaya'y naglalarawan iyon ng mga katawa-tawang kalagayan.
Sa mga kwentong komedya natin mararanasan ang wakas na sasabihin nating
mahirap mangyai sa tunay na buhay.

4|Pahina
Mga Mungkahing Istratehiya sa Pagtuturo ng Mga Akdang Pampanitikan

Ang Pagtuturo ng Maikling Katha

Nagbigay si Sage (1987) ng mga mungkahing gawain sa pagtuturo/pag-aaral ng


maikling katha.
1. Kilalanin/hanguin sa mga karanasan ng mag-aaral ang dating alam sa pamamagitan ng
pagkukuwento pakikinig nila bago talakayin ang akda (pre-reading activity)
2. Maging holistic o ganap ang pagtatalakay ng akda sa pamamagitan ng pagmamasid ng
mga ugnayan sa mga aspekto ngkwento.
3. Isaalang-alang ang natural na daloy ng kwento bilang patnubay sa pagtuturo nito.
4. Magbigay ng sapat na kaligirang talakay bago pag-aralan ang kwento.
5. Patnubayan ang mag-aaral.
a. Maaaring pumili ng bahagi ng kwento na babasahin nang malakas upang
mapasimulan ang pagtalakay
b. Hayaang basahin ng mag-aaral ang kuwento ng dalawa o mahigit pang ulit
upang masuri at mabigyan ito ng malalim na kahulugan.
6. Ipaliwanag ang katuturan ng mga terminong pampanitikan upang mapagaan ang
diskusyon.
7. Ipakita o ipadama sa mag-aaral ang matulaing bahagi ng isang akda.

Ang Pagtuturo ng Tula

• Ang bawat tula ay may angking iwing katangian at kabuuan.Lumilikha ito ng sariling
daigdig.
• Malaya ang makata na baguhin ang istruktura ng pangungusap. May lisensiya siyang
gawin ito.
• Gumagamit ang tula ng sariling jargon o talasalitaan.
• Isipin at unawain ang tula sa iba't ibang dimensyon; biswal, pandinig, pandama,
panlasa, atb.
• Ang ganda ng tula ay napayayabòng ng iba't-ibang pagpapakahulugan.
• Ang magandang pagbasa ng tula ay makapagpapagaan sa pagtuturo nito.

Ang pag-aaral ng tula ay higit pa riyan. Kailangang makita ng mga mag-aaral ang
kakanyahang sarili ng makata. Ito ay makikita sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na
perlas ng kaisipan at karanasan ng isang pagkatao na iba kaysa isang laksang kapangalan niya,
ang mga sagisag na sinangkap; salita at parirala tungo sa pagpapalitaw ng kanyang mga
hinagap at damdaming kahit siya (ang makata) ay hindi alam kung saan nanggaling. Ang
magkasamang sagimsim (intuition) at salamisim (imagination); sa kamay ng makata,
nabibigyan niya ng kulay, anyo at hubog ang mga karaniwang salita. Ang mga nabanggit ay
ang ilan sa mga katangian ng isang tula at ng makata. Kalangang madama ng isang guro sa
pagtuturo ng tula ang lahat ng binanggit upang magkaroon ng higit na kahulugan at kabuluhan
ang kanyang pagdulog.

5|Pahina
Ang sumusunod ay ilan sa mga patniubay sa pagtuturo ng tula:
1. Pagganyak at pagpukaw sa marangal na damdamin. Ang pagpukaw ng marangal na
damdarnin ay nag-aangat sa pag-iisip tungo sa isang mataas na layunin at
pagpapahalaga sa buhay.
Narito ang isang saknong buhat sa

Ang Bayan Ko'y Ito


ni Jose Villa Panganiban

Sa mukhang maragat ng ating daigdig


At kasilanganang
Ang bawat umaga ay laging kayakap
ng gintong liwanag
Ay may mga pulong tinampok na supling
ng nunukang Araw.
Mga pulo-pulong parang isinabog na binhi ng palay
At ang pinatiray'y mga kayumangging
Na sapul sa mulay manilaya na
Sa kabayabihan
Ito ang bayan ko
Ang bayan ko'y ito.

2. Ang pagbibigay ng malikhaing guniguni


Kailangang makita sa ating guniguni ang mga larawang likha ng makata upang
mapukaw ang ating damdamin. Kailangang maantig ang lahat ng ating pandama, paningin,
pandinig, panlasa, pang-amoy at pakiramdam.

Narito ang taludturan mula sa "Florante at Laura."


Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
Kaliluha'y siyang nangyayaring hari
Kagalinga’t bait ay nalulugami
Ininis sa hukay ng dua't pighati.

Ang magandang asal ay ipinupukol


Sa laot ng dagat ng kutya't linggatong,
Balang Tagagaling ay ibinabaon
At inililibing nang walang kabaong.

3. Ang pakakaroon ng marangal na diwa


Kailangang taglayin ng tula ang marangal at makatotohanang paksa upang
makapukaw ng magagandang damdamin at makaguhit ng larawan sa guniguni.
Narito ang "Pag-lbig" ni Jose Corazon de Jesus.
Ang pag-ibig, isipin mo

6|Pahina
Pag inisip nasa puso,
Pag pinuso nasa isip,
Kaya't hindi mo makuro.

Lapitan mo nang matagal,


Ang pagsuyo'y naglalaho;
Layuan mo at kay lungkot
Nanaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila'y


Aayaw nang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit
Sa pisngi ng kadiliman.

Ang halik na ubos tindi


Minsan lamang na halikan;
At ang ilog kung bumaha,
Tandaan mo't minsan lamang.

4. Ang pagtataglay ng tula ng isang magandang kaanyua


Ito’y nauukol sa pamamaraan ng makata sa pagbuo ng kanyang tula. Ito'y nauukol
sa paggamit ng tugma, sukat, aliw-iw at mga piling-piling salita.
Narito ang tula ni C.M. Vega sa kanyang

Tagpuan ng Araw at Gabi


Taklob na kabibi ang dalawang dibdib,
Habang ang ligaya nila'y magkabigkis;
Papaghiwalayin at mistulang langit
At lupang biniyak ng talim ng lintik.

Ang mundo ay isang piitang malungkut


Kung ako'y ulila sa iyong alindog
Ang buhay ko'y tila sanghiblang marupok
Dusa'y tanikalang di-malagot-lagot.

5. Mahahalagang tayutay
Ito'y nauukol sa pananagisag (symbolism) ng makata, gaya ng pawangis
(metaphor), patulad (simile), panawagan (apostorphe), pabaligho (paradox) at
padiwang-tao (personificacion) atb. Nagpapayabong ang mga ito sa nga larawang diwa
na siyang pumupukaw ng mga marangal na damdamin ng mambabasa.
Nariin ang ilang saknong mula sa tulang "Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook


Ako’y tila isang nakadipang kurus,

7|Pahina
Sa napakatagal na pagkakaluhod
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos

Organong sa loob ng isang simbahan


Ay nananalangin sa kapighatian
Habang ang kandia ng sariling buhay,
Magdamag na taniod sa aking libingan.

Ang Pagbasa ng Tula

A. Paraan
1. Wastong paghinga
2. Ang tinig ay kailangan sa dayapram nanggagaling
3. Wastong 'pagpupukol' nito sa nakikinig
4. Katamtamang lakas ng tinig
B. Uri at Sangkap ng tinig
1. Lakas (volume). Dapat na ito'y timplado. Hindi iyong nagpapalahaw.
2. Uri ng tiniga.
a. Ang lakas ng bulong (whispering force) - nagpapahiwatigng malaking takot,
pangamba
➢ palihim na pagsasalita: "Ito ba ang aking mapapala?"
➢ kahinaan ng katawan: "Kung sadyang wała akong pag-asa, magtitiis ako!"
b. Ang inimpit na lakas (Suppressed force) - Ito ay nasa pagitan ng pabulong at
katamtamang lakas.

Basahin natin.ang sumusunod na ginagamitan ng inimpit na lakas ng tinig.

Kay tagal ng gabi!


Ang guniguni ko'y tila nagmamaktol
Sa hapong ang takbo'y napakahinahon
Kung may pakpak sana'y pilit sasalubong
Sa dilim na wari’y aayaw dumaong.

Kay bagal na araw!


Kay tagal-tagal nang diwa ko'y nagising
Di pa rin masilip sa butas ng dingding
Ang banaag niyang makulay. .maningning
At ako ay muling natulog. . mahimbing

3. Ang taas ng tono ng tinig (pitch of voice)


a. Karaniwang tono - nagpapaniwatig ng malamig na damdamin/ng malaking
galit.
Pagkagalit

8|Pahina
Ikaw nga, Oh Inang pabaya't sukaban
Kami'y di na sa iyo saan man humanggan
Ihanda mo Ina ang paglilibingan
Sa nawawakawak na maraming bangkay.

Gapusing matigpit ang mga Tagalog


Makinahi't biting parang isang hayop
Hinain sa sikad, kulata at suntok
Ito baga ina ang iyong pag-irog?

Panlalamig
Paalam na, Ina, itong Pilipinas
Paalam na ina, itong nasa hirap
Paalam, Paalam, Inang walang habag
Paalam na ngayon, katapusang tawag.

b. Pataas na Padilas (Upward slide) - nagpapahayag ng alin-langan o ng


pagkagulat.

Ano ka? Ano kayo? Sino ako? Sino tayo?


Sabi nila'y Pilipino. . .
Ugat natin ay silangan
raling doon sa Malayo...

O mutyang bituin, ako'y nagtataka


Hinahap na ako'y hahanapin ka pa; c. Pababang padulas (downward
Kung ang bayani ko ay ikaw ang pita slide) - nagpapahayag ng
Ano't nang mamatay, di kita nakita? kapangyarihan at pagsusumikap.

O mutyang Liwayway, nagkatagpo tayong


Sa akin ang lungkot, ligaya sa iyo;
Kung ang bayani ko’y siyang bayani mo
Bunga ng ligaya’y pagsaluhan ninyo.
4. Ang Lundo (wave) ng tinig - May pataas-pababang lundo gaya ng

Si Brutus
ay marangal na
tao.

5. Ang bilis ng pagbigkas ay may kaugnayan sa damdamin ng tula. Binibigkas nang


mabilis, may mataas na tono at malakas na tinig ang bahagi ng tulang may mapusok
na damdamin. Mabagal, mahina at mababang tono naman sa bahagi ng tulang may
malungkot na damdamin.
Halimbawa:
a. Malungkot

9|Pahina
Sa paa ng krus
ay pikit ang mata na nakayukyok;
may hawak na panyong pandampi
sa luhang sa pisngi'y nanagos
ang mga bulaklak na nagbabanguhang
sa bato nagsabog
ay nananariwa sa dilig na lunang
nagsisilbing hamog
sa lamig ng bato'y buong nanunuot
ang mga himutok.

b. Mapusok na damdamin

Ito ba? Ito ba ang lupang aking aangkinin


Na tiratirahan ng apoy at talim?
Ito ba ang manang aking bubungkalin
Na sambuntong buto at nagngangang ibing?

Ito ba ang mundong hinila kung saan


Ng gulong ng inyong hiwang kaunlaran?
Ito ba ang bunga ng Sining at agham?
Ito ba ang aking manang kalinangan?

10 | P a h i n a
Ang Pagtuturo ng Sanaysay

Tandaan na ang sanaysay ay binabasa, inuunawa at nilalasap (kung baga sa pagkain)


ninanamnam. Upang makuha ang linamnam, binabasa ang kabuuan ng sanaysay, hinahango
ang pangunahing larawan o pangunahing kaisipan. Pagkatapos ay babasahing muli, sa
pangalawang pagkakataon, na hindi na kasimbilis ng unang pagbasa nang sa gayo’y
manguyang mabuti, masipsip ang katas. Sa unang pagbabasa, nakakatulad ang mambabasa sa
isang panauhin sa isang tahanan na tumatawag pa lamang ng “Tao Po.” Sa ikalawang pagbasa,
para na siyang nakatuloy sa loob ng tahanan, unti-unti nang nabubuo sa pangmalas ang
kaanyuan ng loob at unti-unti ring nagkakaroon siya ng pagpapahalaga. At habang nagtatagal
siya sa loob ng bahay, napapalagay ang kanyang loob sapagkat nadama niya ang init ng
pagtanggap at magiliw na pakikipag-usap at pagtuturing ng kausap.

Kung may pagpapahalaga na at kawilihan ang guro sa sanaysay, maaari na niya itong
‘maituro’. Sinasabing hindi maaaring maituro ang pagpapahalaga, maaari lamang maihawa.
Sabi nga “Appreciation cannot be taught. It can only be caught.” Kaya ihahawa lamang ng guro
sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga. Aakayin natin ang mga mag-aaral kung paano nila
mapapahalagahan ang isang partikular na sanaysay.

Una, tiyaking may kahandaan na sila sa gagawing pagpapahalaga. May sanligang


kabatiran ba sila kung bakit isinulat ng awtor ang sanaysay. Ang mga mahihirap na salita sa
loob ng sanaysay ay kailangan munang pag-aralan. Kung hindi ay magiging sagwil ito sa
pagkakaunawa sa nilalaman ng sanaysay at makakabawas ang sagwil na ito sa kawilihan ng
mga mag-aaral.

Sumunod, ipabasa ang buong sanaysay at hanapin ang pangunahing diwa o kaisipan.
Ipabasang muli ang sanaysay, at tuklasin ang kaisipang taglay ng bawat talata. Alamin ang
pagkakaugnay ng kaisipan ng bawat talata.

Maaari ring pagawain ng payak na balangkas ang klase at sa tulong ng balangkas na ito
ay lagumin ang diwa ng binasa. Hingian ng reaksyon ang klase batay sa kaisipang nakalahad
sa sanaysay. Akayin ang mga mag-aaral na makabuo ng sarili-sarili nilang palagay at
pagkukuro hinggil sa paksang tinalakay sa sanaysay.
Naririto pa ang isang mungkahing patnubay sa pagtuturo ng sanaysay.
1. Pagbasa ng sanaysay para sa pangkalahatang impresyon. Akayin ang mag-aaral na
mapansin ang sumusunod: Ang tono ng pagsasalita, anong salik ng lenggwahe ang nagbibigay
ng ganitong impresyon? Sino ang parang kinakausap sa sanaysay? Ano sa palagay mo ang nag-
udyok sa awtor upang sulatin niya ang sanaysay?
2. Pag-unawa sa nilalaman. Bahagi sa pagtuturo ng sanaysay ang mga gawaing talakayan,
pagpapaliwanagan, pakikipagtalo. Magandang bunga ng talakayan ang pagbuo ng mga mag-
aaaral ng kanilang kuro at palagay.
Maraming iba-ibang parang magagamit sa pagtuturo, tulad ng pagbabalangkas sa suliranin,
pagsasanib ng paksa sa tunay na buhay, pagpapasulat ng reaksyon. Maaari ring gumamit ng
semantic webbing, paraphrasing, imagining, valuing, panel discussion, information mapping
at iba pa.

11 | P a h i n a
Kung pamilyar o di pormal naman ang sanaysay na pinag-aralan, maaaring kunin sa pagaaral
ang sumusunod:

1. Ang pangunahing diwa o sentral ng ideya


2. Ang paraang ginamit sa paglalahad
3. Ang iba pang inilahad na kaisipan
4. Ang estilo ng manunulat
5. Ang kayarian ng sanaysay

Anupa’t sa pagtuturo ng sanaysay o anumang sangay ng panitikan, maaaring maakay ng


isang malikhaing guro ang mga tinuturuan sa dako paroon sa pamamagitan ng sarili na rin
niyang kaparaanan. Lubos na madarama ng mga mag-aaral ang kariktan ng seleksyon, at
malalasap ng buong kasiyahan ang malinamnam na katas ng panulat ng malikhaing manunulat.

Mga Hulwarang Banghay-Aralin sa Panitikan

Isang Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Tula

I. Pagtutuon sa Tungkulin

A. Naibibigay ang pangunahing kaisipan ng tula


B. Natutukoy at nabibigyang halaga ang mga tayutay sa tula
C. Nabibigyang puna ang mga pangyayaring nagaganap sa kapaligiran

II. Paksa: “Maynila” ni Bienvenido A. Ramos

III. Istratehiya

A. Panimulang gawain
1. Pagtalakay sa sandigan ng tula
a. Pag-uusap tungkol sa mga magagandang tanawin sa Maynila
b.Pagsabi ng mga dahilan kung bakit nagtutungo sa Maynila ang mga taga-lalawigan at mga
dayuhan.
c. Pagbasa at pagtalakay sa ilang balita buhat sa pahayagan na naglalarawan ng mga pangyayaring
nagaganap sa Maynila.
B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagpaparinig ng tula (Unang Pagbasa ng Guro)
2. Pagtalakay
a. sa anyo ng tula
1. uri ng salitang ginamit
2. konotasyon at denotasyon
3. kagamitang pangretorika
4. indayog
5. bantas
b.sa nilalaman
1. paggamit ng mga tayutay
2. tema
3. tono
4. sagisag

12 | P a h i n a
5. kaisipan

3. Ikalawang pagbasa ng tula


(Babasahin ng mag-aaral)
4. Pagtatalakayan ng lampas sa teksto
a. Implikasyon
b. Pagpapahalaga

C. Kasunduan: Paghahanda sa isang pagtatalakayan/pagtatalo tungkol sa paksang “Saan Dapat


Manirahan, sa Lungsod o sa Nayon?”

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Maikling Katha

I. Layunin

A. Natutukoy ang mahalagang kaisipang nais ipahatid ng may-akda


B. Nasusuri ang mga dahilan ng pagkilos o paggalaw ng tauhan sa mga pangyayari sa kwento
C. Natataya ang kilos ng tauhan, ang takbo ng pangyayari sa akda

II. Paksa

“Tatlong kuwento sa buhay ni Julian Candelabra” ni Lualhati Bautista Kulintang:


Aklat sa Panitikan dd. 83-98 ni Paquito B. Badayos, et. al. National Bookstore

III. Istratehiya

A. Mga Panimulang Gawain


Pagganyak sa pamamagitan ng pag-uusap tungkol sa mga pangkasalukuyang
kalagayan, sosyo-moral ng lipunan, mga drug addicts, mga kabataang may problema, atbp. B.
Talakayan tungkol sa katha

Aspekto ng Pagbasa para sa Makabuluhang Karanasang Literatura

C. Paglalapat (Moral Dilemna Strategy)


1. Paglalahad ng sitwasyon
Ikaw si Julian Candelabra: Batid mong mahina ang iyong kontrol sa simbuyo ng kalooban.
Batid mo rin ang mga masamang ibubunga ng iyong kahinaan. Ano ang iyong nararapat
gawin.

13 | P a h i n a
Panimulang Interpretasyon Pansariling Paglalahad ng
Pangunawa Repleksyon saloobin

1. Tungkol saan Paraan ng pag- Napabago Maisusulat mo ba


ang kwento? kabuo sa ba ng muli ang katha?
kwento tauhan/ng a) Ibahin ang
pangyayari tauhan/tagpuan
sa kwento b) Ibahin ang
ang katangian ng
pananaw tauhan
mo c)
sa Ibahin ang
buhay? pangyayari
2. Paano mo Paano?
ilalarawan ang May
tauhan? pagbabago ba
sa karakter ng Ang katha
tauhan mula sa ba ay naiiba
simula o may
hanggang kaugnayan Anong mga sangkap
wakas sa iyong ng nakatulong sa
sariling awtor sa magandang
karanasan pagkabuo ng akda?
2. Paghahati ng aksyon sa klase

SULIRANIN/LAYUNIN IBUBUNGA NITO

Para sa iyo Para sa Kapwa


Unang aksyon

3. Talakayan, paglilina at pagdalisay sa kaiisipang inilahad sa akda.

IV. Takdang Aralin

May mga Julian Candelabra ka bang nakikita sa tunay na buhay. Isulat mo ang kwento
niya at humandang basahin sa klase.

14 | P a h i n a
Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Maikling Katha

I. Layunin

A. Natutukoy ang tema ng maikling katha


B. Nasusuri ang mga dahilan ng pagkilos o paggalaw mg tauhan at pangyayari sa kwento
C. Makalalahok sa talakayan na isinaalang-alang ang prosesong kognitibo sa pagbabasa
ng panitikan

II. Paksa

“Tata Selo” ni Rogelio Sikat Aklat: Kudyapi, pahina 80-90 Paquito B. Badayos et al.
National Bookstore

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
Pagganyak sa pamamagitan ng pagbasa ng isang balita sa pahayagan tungkol sa CARP
na pagkakaloob ng lupa sa mga magsasaka.
B. Muling Pagbuo (Re-creation)
1. Pagsasalaysay ng mga narinig/nasakihan/naranasang pangyayari hinggil sa mga isyung
sosyo political sa ating bayan, ang relasyong magsasaka at may-ari ng lupa.
2. Pagtalakay sa tema ng kwento at sa mga isyung sosyo-pulitikal na napaloob sa akda.
C. Pagkilala (Recognition)
1. Pagtalakay hinggil sa mga pangyayari sa kwento, mga di-tuwirang pahayag na kaiisipan
at pagkilala sa mga tauhan sa kwento.
2. Pagkilala at pag-ugnay sa sarila sa mga tauhan ng akda.
D. Rebelasyon (Revelation)
1. Pag-uusap at pagtanggap sa katotohanan sa ilang pagkakataon ay nasa panig ng naapi,
nang-aapi, nakita ang mga pang-aapi ngunit walang ginawang kilos, tumulong sa naapi,
di-mabigyang katarungan ang mga inaapi.
E. Pagpapahalaga (Redemption)
1. Anu-anong mga kaisipan at pagpapahalaga ang nakita sa akda gaya ng:
a. Mahalaga sa isang tao ang dangal
b.Pilit na hahanapin ang katarungan
2. Ano sa palagay ninyo ang maaaring susunod na nangyari?

IV. Takdang Aralin

Batay sa mga kaisipang inilahad sa akda at ayon na rin sa inyong pansariling karanasan
at kaalaman, sumulat ng talata tungkol sa alinman a sumusunod na paksa;

1. Di lahat ng nabibilanggo ay criminal


2. Ang ugnayang magsasaka at may-ari ng lupa
3. Mga suliraning sosyo-pulitikal
4. Mahalaga sa isang tao ang dangal

15 | P a h i n a
Republic of the Philippines
President Ramon Magsaysay State University
(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Sta. Cruz, Zambales, Philippines
Tel/Fax No.: (047) 811-1683

Masusing Banghay Aralin


sa
Filipino 7
Ika-9 ng Hulyo taong 2021

I. Layunin
a. Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa
sa Ibong Adarna bilang isang obra maestro sa Panitikang Pilipino.
b. Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing
pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang
Pilipino.
c. Mga kasanayang Pagkatuto:
• Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasa.
(F7PB-IVc-d-22).
• Nabibigyang-linaw ang at kahulugan ang mga di pamilyar na salita mula
sa akda. (F7PT-IVc-d-19).

II. Nilalaman
Paksa: Aralin 12: Ayaw umawit ng Ibong Adarna
Panitikan:Ibong Adarna: Isang Obra Maestra
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay sa Pagtuturo
2. Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksto: Sipi ng Ibong Adarna Pahina 52-53
4. Karagdagang kagamitan Mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang kagamitang panturo: Ginupit na papel, Tarpapel, Laptop, PPT, Speaker
C. Integrasyon: Ang bagay na nakuha sa kasamaan, hindi maasahang magbibigay ng
kaligayahan.

III. Pamamaraan Panimulang Gawain


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Balik Aral sa nakaraang Aralin o
Pasimula sa Bagong Aralin

Bago tayo dumako sa ating aralin,


nais ko munang balikan natin ang
ating tinalakay kahapon sa
pamamagitan ng isang laro.
Panuto: Ipapatugtog ang awiting
“sitsiritsit” habang may umiikot na
kahon. Kung sino man ang
napaghintuan ng kahon ay siyang
sasagot ng tanong.

Ano ang tinalakay natin kahapon?

16 | P a h i n a
Ma’am, ang ating tinalakay kahapon ay
tungkol sa kataksilan ng dalawang
Mahusay! Sino ang dalawang Prinsipe kay Don Juan.
nagtaksil kay Don Juan?

Ang dalawang nagtaksil kay Don Juan ay


Magaling! Bakit pinagtaksilan si ang dalawa niyang kapatid na sina Don
Don Juan? Pedro at Don Diego.

Pinagtaksilan si Don Juan upang sila ang


Mahusay! Sumang ayon ba si Don parangalan ng kanilang ama at ng buong
Diego noong una siyang kinausap kaharian.
ni Don Pedro?

Hindi po ma’am. Ngunit napag isip at


nalinlang parin si Don Diego at umayon
Magaling! Ano ang ginawa ni Don parin siya sa balak ni Don Pedro kay Don
Juan noong umugin siya ng Juan.
kanyang mga kapatid?

Hindi po siya lumaban guro. at noong


wala ng lakas si Don Juan ay kinuha na
Mahusay! Ako ay natutuwa ang Ibong Adarna at inuwi sa Berbanya.
sapagkat naaalala o lubusan
ninyong naunawaan ang ating
aralin kahapon.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Umpisahan natin ang ating


talakayan sa pamamagitan ng isang
laro, tatawagin natin itong
“BUUIN MO’KO”

Panuto: Papangkatin ko kayo sa


dalawang grupo at buuin ang mga
pira-pirasong mga papel Ang unang
makabuo o makahula kung ano ang
mabubuong larawan ay ang siyang
mananalo. Bibigyan ko lamang
kayo ng isang minute upang buuin
ang larawan.

Handa na ba kayo?

Ang oras niyo ay magsisimula na.


-Opo guro.
(Inaasahang mabubuong larawan)

17 | P a h i n a
Ano ang inyong nabuong larawan?

Magaling!
Ito po ay isang maganda at makulay na
ibon.
C. Pang-ugnay ng mga halimbawa
sa bagong aralin.

Base sa inyong nabuong larawan o


ginawang aktibiti, ano ang inyong
hinuha sa ating bagong talakayin?

Mahusay! Ngunit bago nating


basahin ang akda mayroon akong Base po sa aming ginawa o binuong
inihandang talasalitaan upang larawan mam ito po ibong adarna.
lubusan ninyong maunawaan ang
ating aralin ito ay mga
matatalinhagang salita at atin
munang bibigyan ng
kasingkahulugan at gamitin ito sa
pangungusap.

Naghimutok, ibigay ang


kasingkahulugan at gamitin ito sa
pangungusap.

Mahusay! -nagdamdam ang aking ina.


Pamamanglaw, ibigay mo ang
kasingkahulugan at gamitin ito sa
pangungusap.

-Lubos ang kalungkutan ng aking ina.


Magaling!
Para sa ikatlong matalinghagang
salita Larawang Napabadya.

-Ang iyong mga kasiyahan sa iyong mata


ay aking nakita.
Mahusay!

18 | P a h i n a
Para sa pang-apat na bilang
Nanlulugo’t Pumangit

-Nanghihina ang aking katawan sa aking


Magaling! nasaksihan.
Para sa panghuling matalinhagang
salita Nag usisa.

-Ang aking guro ay nagtanong sa mga


Mahusay! kapwa ko mag-aaral.
Ang mga matatalinghagang salita
na inyong binigyang
kasingkahulugan ay ating makikita
at mababasa sa akdang ating
babasahin. Ngayon ay handang
handa na kayo para sa ating aralin.

Handa na ba ang lahat para matuto?

Mabuti! Kung handa na kayo ay


atin nang uumpisahan ang ating -Opo guro.
aralin!

Panlinang na Gawain
D. Pagtatalakay ng Bagong
Konsepto.

Ang ating tatalakayin ngayon araw


ay Ibong Adarna: Aralin 12 Ayaw
umawit ng Ibong Adarna. Ngunit
bago nating tuluyan talakayin at
basahin ang akda narito muna ang
mga gabay na tanong.

Gabay na Tanong:

1. Ano ang naramdaman ng hari nang


makita ang dalawang anak na sina
Don Pedro at Don Diego?
2. Ano ang naramdaman ng hari nang
malamang hindi kasama kasama ng
dalawa ang bunsong anak na si Don
Juan?
3. Ilarawan ang kakaibang itsura ng
ibon nang ito’y dalhin sa palasyo?
4. Bakit malungkot at tumangging
umawit ang ibon?
5. Ano ang ninanais ng Ibon?

19 | P a h i n a
Ating babalikan ang mga gabay na
tanong pagkatapos natin basahin
ang akda. Atin ng basahin ang
akda.

Aralin 12: Ayaw umawit ng


Ibong Adarna.
Sa palasyon nang dumating
ang magkapatid na taksil
sa ama’y agad nagturing:
“ang adarna ay dala naming!’’

Amang malubha ang lagay


nangiti sa napakinggan;
mga anak ay hinagka’t katawa’y
gumaan-gaan.

Ngunit nang kanyang mapunang


si Don Jua’y di kasama
Nag-usisa sa dalawa
Sagot nito’y ewan nila.

Naghimutok na ang Hari


Katuwaan ay napawi,
Ibigin ma’y di Mangiti’t
Ang hininga ay may tali.

Ang kangina’y kagaanan


Sa laon nang karamdaman,
Ngayo’y isang kabigta’t
Tila ibig nang mamatay.

Bakit ang Ibong Adarnang


Sinabing anong ganda,
Ngayo’y araw nang kumanta’y
Nanlulugo’t pumangit pa!

At sa Haring pananabik
Na ang ibon ay umawit,
Hayok na sa di pag-idlip
Pinapatay pa ng inip.

“Ito baga ang Adarna?”


Naitanong sa dalawa
Kung ito nga’y ano baga’t
Pagkapangit pala niya!

20 | P a h i n a
Sinabi ng medico
Na ito raw ibong ito
Ay may pitong balahibong
pawing likha ng engkanto.

“Kung ito raw ay magkanta,


Maysakit ay giginhawa,
Bakit ngayon ay para bang
Tinitikis yaring dusa?

“Ano kaya ang dahilan


ng sa ibong pamamanglaw?
Kung ang ibong ito’y ganyan
Lalo ko lang kamatayan.”

Sa gayong pag-aakala
Si Don Jua’y nagunita
Sa daloy ng kanyang luha
May larawang napabadha.

Yaong dating panaginip


Na sanhi ng kanyang sakit
Ang nakitang nakaguhit
Sa larawang pagkalupit.

Kaya’t biglang pinag-agawan


Ang buhay ng Haring mahal
Salamat sa karununga’t
Naligtas sa kamatayan.

Ibo’y ayaw ring kumanta


Pagkat dinaramdam niyang
Yaong may-ari sa kanya
Sa palayon ay wala pa.

Malaki ang pagnanais


Na ang kanyang mga awit
Sakali mang iparinig
Si Don Juan ay kaniig.

Labis ang kanyang pag-asa


ang prinsipe ay buhay pa’t
Kung tunay mang nag dusa
Gagaling ding walang sala.

Uuwi sa kaharian
Naunawaan ba klas,ang binasang Sa pag-ibig sa magulang,
akda? May araw ring malalaman
Ang nagyaring kataksilan.

Mahusay! Ano ang naramdaman ng -Opo guro.


hari nang makita ang dalawang
anak na sina Don Pedro at Don
Diego?

21 | P a h i n a
Magaling! -Ang hari ay natuwa mam at gumaan ang
Ano ang naramdaman ng hari nang kanyang pakiramdam.
malamang hindi kasama kasama ng
dalawa ang bunsong anak na si Don
Juan? Ramelo!

-Ito po ay nagdamdam at katuwaan niya


Mahusay! Ilarawan ang kakaibang ay napawi at ang hinigan po niya ay
itsura ng ibon nang ito’y dalhin sa bumigat.
palasyo?

Magaling! -Nag iba ang itsura po guro. Ito po ay


Bakit malungkot at tumangging nanghihina at pumangit po.
umawit ang ibon?

Mahusay! -Dahil hinihintay po ng Ibong Adarna ang


Ano ang ninanais ng Ibon? tunay na nag mamay-ari sakanya.

Magaling! -Ang ninanais ng Ibong adarna po guro


Lubos niyo ngang nauwaan ang ay, kung sakali man siya ay umawit gusto
ating tinalakay. po niya ay andoon si Don Juan upang si
Don Juan ay makinig.

F. Paglilinang sa Kabihasan (Tungo


Sa Formative Assessment)
Papangkatin ko sa dalawa ang
klase. Ang unang pangkat ay
kakantahin ang buod ng tinalakay
na aralin at ang ikalawang pangkat
naman ay ibibigay ang aral na
matututunan sa aralin sa
pamamagitan ng pag-awit.

Mayroon lamang kayong limang


minuto upang maghanda at tatlong
minuto upang magpresenta. Narito
ang ating pamantayan.

PAMANTAYAN:

22 | P a h i n a
Maaari na kayong magsimula. Nilalaman ng Awit 30 Puntos
Himno ng Awitin 30 Puntos
Ang bawat pangkat ay mahusay! Pagtatanghal 20 Puntos
Ang unang pangkat ay nakakuha ng Kooperasyon 20 Puntos
85 puntos at ang ikalawang pangkat Kabuuan: 100 Puntos
ay nakakuha ng 90 puntos at ang
nanalo sa ating aktibiti ay ang (Presentasyon ng bawat pangkat)
ikalawang pangkat.

Pangwakas na Gawain
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang
Araw Araw na Bugay

Maaari bang mangyari sa tunay na


buhay ang naganap na pagtataksil
sa magkakapatid?

-Opo guro, marami na pong nangyayari sa


Mahusay! tunay na buhay.
Kung kayo si Haring Fernando
anong mararamdaman niyo kung
nalaman niyo ang ginawa kay Don
Juan?

Magaling!
At marahil maiisip natin kung saan
tayo nagkamali at kung tama ba ang -Kung ako ay si Haring Fernando marahil
pagpapalaki natin sa mga anak ako po ay magagalit at malulungkot sa
natin. mga nangyari.

H. Paglalahat ng Aralin
Gamit ang Story Ladder itala ang
pagkasunod-sunod ng pangyayari sa
akdang binasa.
4. Umaasa ang inong adarna na
\ buhay pa ang tunay na nagmamay-
ari sa kanya.

3.Ang Ibong Adarna naman ay ayaw


ng umawit. Lalong lumubha ang
sakit ng hari.

2. Labis itong nalungkot sa pagkawala ng


kanyang bunso at ninanais nalang mamatay.

1. Nakabalik na si Don Pedro at Don Diego


tangay ang Ibong Adarna.

23 | P a h i n a
Magaling! Ako’y nagagalak dahil
lubos nyong naunawaan ang ating
tinalakay ngayong araw.

I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Ilagay sa patlang ang titik T kung ang sagot ay Tama at ilagay naman ang titik M kung
ang sagot ay mali.

____ 1. Si haring Fernando ay hindi natuwa sa pagdating ng kanyang dalawang anak


na si Don Diego at Don Pedro.
____ 2. Ang Ibong Adarna ay umawit ng pagkaganda-ganda.
____ 3. Si Haring Fernando ay nanlumo at napawi ang kanyang katuwaan noong
nalaman niyang hindi kasama si Don Juan sa pag-uwi.
____ 4. Ang Ibong Adarna ay labis ang kanyang pag-asa na si Don Juan ay buhay pa.
____ 5. Sinabi ng Mediko ay ang Ibong Adarna ay may pitong balahibong pawing likha
ng Engkanto.
Sagot:
1. M
2. M
3. T
4. T
5. T

J. Karagdagang Gawain Para sa Takdang Aralin


Magsaliksik ng mga karakter sa Bibliya na Maihahambing sa Magkakapatid na Pedro, Diego
at Juan. Ipaliwanag ang pagkakatulad.

V. Mga Tala

VI. Pagninilay

Inihanda ni:

___________________________
Gurong Magsasanay

Sinuri ni:

____________________________
Gurong Tagapagsanay

24 | P a h i n a
KASUNDUAN SA PAGITAN NG MAG-AARAL AT GURO SA ASIGNATURA

Ako si , __________________________________________________________ nakatira sa


___________________________________________________ay opisyal na nagpatala sa
President Ramon Magsaysay State University-Santa Cruz Campus ngayong _______ Taong
Panuruan ________________, pumayag, nanumpa at sumunod sa mga akademikong
patakaran na nakapaloob sa silabus at masigasig na sumunod sa lahat ng pangangailangan.

_______________________________________
(Pangalan at Lagda ng Mag-aaral)

Saksi (Witness):

_______________________________________

(Magulang o Tagapag-alaga at Lagda)

________________________________________

(Guro at Lagda)

Tandaan : Marapat na ibalik ang form na ito sa guro ng asignatura isang linggo pagkatapos
ng talakayan.

25 | P a h i n a

You might also like