Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

AGOO MONTESSORI LEARNING CENTER & HIGH SCHOOL INC

Aspiras Road, San Antonio, Agoo, La Union

Government Recognition No. SE-004 s. 2003
Government Permit SHS No.016 s – 2017
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: _______________________________________________ Seksyon: _________

Pangkalahatang Ideya

Tinatalakay sa modyul na ito ang panahon ng pagtuklas na naganap noong ikalabing-apat na

siglo. Atin din pag-aaralan ang mga kaganapang nangyari sa buhay ni Ferdinand Magellan at ng
ating mga ninunong katutubong Pilipino sa panahong ito. Matapos ang pag-aaral na ito ay
inaasahang ikaw bilang isang mag-aaral ay mas mamahalin at bibigyang pagpapahalaga ang ating
mga ninuno at kanilang mga nagawa para sa ating bayan.

Paksa 1: Ang Pilipinas sa Panahon ng Pagtuklas

Matapos ang dalawang taong paglalayag sa kanlurang karagatan ay narating din nila
Ferdinand Magellan ang silangan. Sa di sinasadyang pangyayari ay natagpuan nila Magellan ang
Pilipinas noong Marso 16, 1521 at siya’y dumaong sa Homonhon, Guiuan, Eastern Samar noong
Marso 17, 1521. Si Magellan at ang kanyang mga kasamahan ay pagod, gutom, may sakit, at
mamatay-matay ay tinulungan ng ating mga ninuno mula sa Suluan, Guiuan, Eastern Samar.
Matapos nito ay kanilang nakadaumpalad ang Rajah ng Cebu na si Rajah Hummabon. Di
naglaon ay nabinyagan sa kristiyanismo ang humigit kumulang na walong daang katutubong Pilipino
sa pamumuno ni Rajah Humabon. Maging si Rajah Humabon ay nagpabinyag din sa mga kastila.

Sa mga panahong iyon, ang mga kastila ay nakahanap ng isang matinding kaalyado sa
katauhan ni Rajah Humabon. Subalit, kanilang nakaharap ang Rajah ng Mactan na si Rajah Lapu-Lapu
na tumaliwas sa ideolohiya ng mga kastila. Dahil dito, nagalit si Magellan at muling nagtungo sa
Mactan dala ang kanyang hukbo na may bilang na 49 at kanilang mga armas. Ang hukbo nga ni
Magellan at Rajah Lapu-Lapu ay nagtunggalian sa “The Battle of Mactan” na nagwakas sa pagkatalo at
pagkamatay ni Magellan sa kamay ng hukbo ni Rajah Lapu-Lapu. Ito ang kauna-unahang pagtaliwas at
pagkapanalo ng mga sinaunang Pilipino laban sa dayuhang hukbo galing Europa.

Sa oras na ito ay may kaalaman ka na tungkol sa paglalakbay ni Magellan sa Pilipinas.

Atin na ngayong mas palawakin ang iyong karunungan sa pamamagitan ng mga
sumusunod na mga aktibidad na inihanda sa modyul na ito.

UNANG AKTIBIDAD:

I. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gawing maiksi ngunit malaman ay iyong
kasagutan. Iwasan ang pagbura upang malinis at naiintindihan ito.

1. “Sa di sinasadyang pangyayari ay natagpuan nila Magellan ang Pilipinas noong Marso 16,
1521”. Ipaliwanag kung bakit tila wala sa orihinal na plano nila Magellan ang pagdaong sa
Pilipinas.
_____________________________________________________________________________

2. Sa iyong mga nakaraang pag-aaral noong ika’y nasa elementarya pa lamang. Ano-ano ang mga
dahilan kung bakit mabilis na nakapalagayan ng loob ni Rajah Humabon ang mga kastila sa
pangunguna ni Magellan? At bakit agara silang nagpabautismo? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Anong mga katangian ang ipinakita ni Rajah Lapu-Lapu sa mga kastilang nais lumupig sa
kanyang tribo? Ipaliwanag at pangatuwiranan.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
4. Maliban sa mga sundalo sa hukbo ni Ferdinand Magellan ay kasama niya din si Antonio
Pigafetta. Ano ang tungkulin ni Pigafetta sa paglalakbay ni Magellan patungong silangan?
Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
5. Batay sa iyong kaalaman, Ipaliwanag ang usap-usapang “hindi daw si Lapu-Lapu ang nakapaty
kay Magellan?”
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Paksa 2: Rajah Lapu-Lapu ng Mactan

Kilala si Rajah Lapu-Lapu bilang isang matapang at mahusay na hari sa Mactan bago pa lamang
dumating ang mga kastila. Sa kasaysayan, siya ang itinuturing bilang kauna-unahang bayani ng ating
bayan. Bagama’t alam natin ang kanyang nagawa sa “Battle of Mactan” ay hanggang doon na lamang
ang ating nalalaman sa haring ito ng ating bayan. Karamihan sa ating mga historyador ay hindi
nagkakasundo maging sa kanyang pangalan. Ang ilan ay nagsasabing Cilapulapu ang tunay na kanyang
ngalan at ang iba naman ay tinatawag siyang Kalipulako na pakana naman ng tsinoy na si Carlos Calao
nang inihingi niya ng tawad sa Diyos si Lapu-Lapu sa kanyang pagpatay kay Magellan. Ngunit, kanyang
paglilinaw na hango ang Kalipulako sa tawag na mga Europa sa ating bayani.
Maraming mga impormasyong hindi parin napapatunayan tungkol kay Rajah Lapu-Lapu.
Katulad nalamang na kung ano ang kanyang relihiyon? Muslim ba siya? o siya ba ay ipinangalan sa
isdang Lapu-Lapu o ang isda ang ipinangalan sa kanya.
Di man natin ito maipaliwanag sa kasalukuyan, isa lamang ang manananatiling totoo at hindi
mawawala sa kaisipan ng mga Pilipino, na si Rajah Lapu-Lapu ay isang baganing lumaban ng buong
lakas, talino, at husay sa mga dayuhang kastila. Nawa’y ating palaging alalahanin at ipagmalaki ang
kanyang nagawa para sa ating bayan.

IKALAWANG AKTIBIDAD:

I. Sa pamamagitan ng pagguhit, ilarawan ang pisikal na katangian ni Rajah Lapu-Lapu bilang

isang bagani at pinuno ng Mactan sa Cebu. Gawin ito sa loob ng kahong inilaan sa ibaba.
Gumamit ng pangkulay na mga materyales upang mas mabigyang buhay ang iyong likha.

II. Bilang isang mag-aaral, nararapat lamang na iyong malaman ang kasaysayan ni Rajah Lapu-
Lapu at ang kanyang nagawa para sa bansa. Ngunit, higit na matataya ang impormasyong ito
kung iyong mahihinuha ang kahalagahan nito sa iyong buhay bilang isang Pilipino. Sa
pamamagitan ng iyon facebook account na iyong ginagamit araw-araw. Magpost ng larawan
ni Rajah Lapu-Lapu at ipaliwanag kung bakit dapat natin laging alalahanin at isa-puso ang
kanyang ginawa para sa bayan. Ipost ito publicly at i-tag ang iyong guro.

“When the root is deep there’s no reason to fear the storm”

Inihanda ni:
DARWIN TAPANG PISCASIO, LPT

You might also like