Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO 9 – IKATLONG MARKAHAN

WEEK 5: ANG BUWANG HUGIS-SUKLAY (Alamat ng Laos)

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang ang iyong kasanayan sa pamantayan ukol sa: Natutukoy ang
pinagmulan ng salita (etimolohiya) (F9PT-iiid-e52); Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa
usapang napakinggan (F9PN-iiif-53); at Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/’di makatotohanan ng akda (F9PB-iiif-53).

Ang mga akda gaya ng alamat, pabula, parabula, maikling kuwento, nobela at iba pa ay karaniwang kapupulutan ng mga aral
na maaari nating maging gabay sa pamumuhay. Ang pagbabasa ng mga ganitong uri ng panitikan ay makatutulong sa atin upang
lalo pa nating makilala ang ating pamayanan at kulturang pinagmulan. Kaya ano pang hinhintay mo? Basahin mo na ang isang
alamat mula sa bansang Laos.

ANG BUWANG HUGIS-SUKLAY


Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta
(Alamat mula sa Laos)

Noong unang panahon, may isang mangingisda na nagpaalam sa kaniyang asawa na lumuwas sa kabayanan upang mamili ng mga
gamit sa pangingisda. Nagpabili ang kaniyang asawa ng kendi para sa kaniyang anak na lalaki, at isang suklay na hugis buwan. Sinabi ng kaniyang
asawa na upang hindi niya makalimutan, tumingala lamang siya sa kalangitan at makikita niya ang buwang hugis-suklay. Sa araw na iyon, ang
buwan ay talaga namang magsisimula nang maging hugis-suklay.

Nagsimulang humayo ang mangingisda at matapos ang maraming araw at gabi ng paglalakbay, narating niya ang kabayanan. Agad-
agad niyang binili ang mga kagamitan sa pangingisda at ang kendi para sa anak. Ngunit sa kasamaang palad, nakalimutan niya ang ipinagbilin
ng asawa na dapat bilhin. Naghalughog siya sa buong tindahan upang maalala lamang niya ang ipinabili ng asawa. Napansin ito ng tagapangalaga
ng tindahan.

“Maaari ko po ba kayong tulungan?”, tanong ng tagapangalaga sa mangingisda. “Hinahanap ko ang ipinabibili ng aking mahal na
asawa.” tugon naman niya. “Pampapula ho ba ng labi?” “Hindi.” “Pitaka?” “Hindi rin.” “Unan?”

“Unan? Naaalala ko na! Sinabi niyang tumingala ako sa buwan.” Masayang tugon ng mangingisda. (Sa orihinal na teksto, ginamit ang
salitang spoon upang magkasintunog sa moon. Sa salin na ito, ginamit ng tagapagsalin ang salitang unan upang maging magkasintunog sa
salitang buwan.) Tumingala ang tagapangalaga at nakita ang bilog na bilog na buwan na siya ring nakita ng mangingisda sa kaniyang pagdating
sa kabayanan mula sa mahabang paglalakbay.

“Alam ko na. Makikipagpustahan ako sa ‘yo. Ito ang gusto ng asawa mong bilhin mo para sa kaniya,” panghahamon ng tagabantay ng
tindahan. Agad-agad na inilagay ng tagabantay ang bilog na bagay sa isang supot. Binayaran ito ng mangingisda at lumisan. Sa kaniyang
pagdating, nadatnan niya ang nag-aabang niyang asawa, anak, ang kaniyang ina at ama.

“Kumuha ka ng kendi,” ang sabi niya sa kaniyang anak. “Natandaan mo ba kung anong ipinabili ko sa ‘yo?”, ang tanong ng kaniyang
asawa. Masayang itinuro ng mangingisda ang lukbutan na kinalalagyan ng kaniyang binili para sa asawa. “Wala naman dito ang suklay na hugis-
buwan,” pasigaw na sabi ng asawa. Lumapit ang mangingisda sa kinalalagyan ng lukbutan, dinukot ang supot at inabot sa asawa. Pinunit ng
asawa ang supot at nakita ang sarili sa salamin kasabay ng panghahamak.
Ganoon na lamang ang pagkabigla ng mangingisda sa naging reaksiyon ng asawa. “Bakit ka nagdala ng mia noi? Ito’y isang pang-aalipusta!”
pasigaw ng asawa. (Ang mia noi ay mga salitang Lao na katumbas ng pangalawang asawa na mas bata sa unang asawa. Ito’y bahagi ng lipunang
Thai at Lao.) Hinablot ng ina ng lalaki ang salamin at nagwika. “Nakakadiri ka nga. Nagdala ka ng mia noi,na napakatanda na at nangungulubot
pa. Paano mo ito nagagawa?”

Tumayo ang kaniyang anak na noo’y nakaupo malapit sa kaniyang lola at hinablot ang salamin. “Lolo, tingnan ninyo. Kinuha niya ang
akingken di at kinakain pa.” pagalit na sabi ng bata. “Tingnan ko nga ang masamang taong ito.” Hinablot ng lolo ang salamin mula sa bata.
“Iniismiran pa ako ng kontrabidang ito! Sasaksakin ko nga ng aking patalim.” Inilapag sa sahig ng lolo ang salamin at inundayan ng saksak.
“Sasaksakin din niya ako!” sigaw ng lolo. Nang makita ito ng lolo, siya’y galit na galit na sinaksak ang salamin at tuluyang nabasag. “Ngayon ay
hindi ka na makagagambala pa sa kahit sino!” ang sabi ng lolo.

Ang kuwento ng Ang Buwang Hugis-Suklay ay isang alamat mula sa bansang Laos. Ang alamat o legend sa wikang Ingles
ay tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, o pangyayari o katawagan na maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng
katotohanan. Ito ay isang uri ng kuwentong nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay at ng mga pangyayaring
mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas
sa salitang, “legendus” ng wikang Latin at “legend” ng wikang Ingles na ang ibig sabihin ay “upang mabasa.” Nang dahil sa
pandarayuhan ng ating mga ninuno at noo’y wala pang sistema ng panulat, ito ay nagpasalin-salin na lamang.

Binabati kita! Ngayon naman ay alamin mo ang mahahalagang impormasyong magpapayabong pa sa iyong kaalaman at
pinag-aaralan ukol sa alamat. Narito at basahin mo nang may pang-unawa.

Ano ang tinatawag na kilos, gawi, at karakter?


1. Ang kilos ay kasingkahulugan ng gawa o paggawa, aktuwal na kasanayan, o pagsasabuhay. Ang mga adhikain, pagpapahalaga,
motibo, iniisip at pagkatao ng isa ay makikita sa mismong ikinikilos at ginagawa. Nagiging produkto ang kilos ng kung ano ang
nasa loob ng isang indibidwal.
2. Ang gawi ay tumutukoy sa mga pang-araw-araw na nakasanayan ng isang tao o grupo ng mga tao. Sa tagal at sa dami ng mga
gumagawa ng isang gawi ay maaaring maisama na ito sa kultura at tradisyon ng mga tao sa isang lugar.
3. Ang karakter (o pag-uugali) ng isang tauhan ay ang paraan kung paano siya nag-iisip, kumikilos at nagpapasya batay sa papel
na ginagampanan o binibigyang-buhay.
Sa isang alamat o kuwento, maituturing na mahalagang sangkap ang kilos, gawi at karakter ng isang tauhang gumaganap
upang lubos na maunawaan ng mambabasa ang pagkamakatotohanan at ‘di makatotohanan ng mga pangyayaring inilalahad.
Nasasalig din dito kung paano tatanggapin ng mga nakikinig o bumabasa ang mga aral at mensaheng hatid nito.
Pagkilala sa Makatotohanan at ‘Di Makatotohanang mga Pahayag
1. Makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na nangyari o nangyayari na may dahilan o basehan. Ito rin ay suportado ng
mga ebidensiya o katuwiran. Ginagamitan ito ng mga salitang nagpapahayag ng batayan o patunay gaya ng batay sa, mula sa, ang
mga patunay, napatunayan, ayon sa, at iba pa. Halimbawa: a. Batay sa pagsisiyasat, totoong nagkasala ka. b. Mula sa datos na
aking nakalap, talagang laganap na ang krimen sa ating bansa.
2. ‘Di makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na walang basehan kung bakit nangyari. Ito ay hindi suportado ng mga
ebidensiya o katuwiran. Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan o di-katiyakan tulad ng
baka, sa aking palagay, palagay ko, sa tingin ko, marahil, sa tingin ko, at iba pa. Halimbawa: a. Baka mangyari ang mga sinabi sa
pamahiin. b. Sa aking palagay, totoo ang iyong mga sinasabi.
Sa pag-aaral ng mga salita, mahalagang nalalaman natin ang pinagmulan o ETIMOLOHIYA upang magamit ito nang wasto
at naaayon sa sitwasyon. Ano ang etimolohiya? Ang etimolohiya o pinagmulan ng salita ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga
salita at kung paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon. Halimbawa: Apir – Up here | Pangungusap:
“Apir tayo, mga kapatid”, ang masayang sabi ni Lito sa kaniyang mga kapatid.

GAWAIN SA MODYUL – WEEK 5


Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 – Nagmula saan? - Tukuyin ang pinagmulan ng mga salita sa ibaba at piliin ang tamang kasagutan sa loob
ng kahon.

ap hear para namang akin balangay batanghay tak tak tak


fhotobambi tack tack tack para namang iyo up here photobomber

Salita Etimolohiya Salita Etimolohiya


1. fotobam 4. pamangkin
2. barangay 5. tagaktak
3. apir

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 – Suri Diyalogo. Tukuyin kung alin sa halaw na diyalogo o bahagi ng akda ang nagpapakita ng
makatotohanan at ‘di makatotohang pangyayari. Lagyan ng tsek kung makatotohan at ekis kung hindi sa patlang bago ang bilang.
____ 6. Ayon sa akda noong unang panahon, may isang mangingisda na nagpaalam sa kaniyang asawa na lumuwas sa
kabayanan upang mamili ng mga gamit sa pangingisda.
____ 7. “Alam ko na. Makikipagpustahan ako sa ‘yo. Sa tingin ko, ito ang gusto ng asawa mong bilhin mo para sa kaniya.”

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 Tukuyin kung ang mga salita o pahayag na may salungguhit sa angungusap ay nagapakita ng KILOS,
GAWI, O KARAKTER. Isulat sa patlang bago ang bilang ang iyong kasagutan.
____________ 8. Ang mga Pilipino ay magigiliw sa mga bisitang dumarayo sa ating bansa.
____________ 9. Madalas ang paghikab ni Lita habang siya ay kumukuha ng pagsusulit.
____________ 10. Matigas ang loob ni Ambet sa pagtulong sa kaniyang mga kamag-anak.

Pagbati sa iyo, mahusay na mag-aaral! Tunay na naunawaan mo ang ating ginawang pagtalakay at nasagot ang mga gawain!
Ngayon, subukin pa natin ang iyong kaalaman ukol sa tinalakay.
GAWAIN SA LAS (LEARNING ACTIVITY SHEET) – WEEK 5
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 - Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
sa patlang bago ang bilang.

_______1. Mapanlait sa kapwa si Aling Bebang dahil siya ay nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Ang salitang may
salungguhit ay halimbawa ng _______________.
A. gawi B. karakter C. kilos D. pananaw
_______2. Ang COVID-19 ay isang uri ng virus na nagmula sa Amerika. Ang sintomas nito ay pananakit ng lalamunan patungo sa
puso at sa katawan. Karaniwang mga hayop ang tinatamaan ng virus na ito. Ang pangungusap ay nagsasaad ng _______________
na pangyayari.
A. makatotohanan B. ‘di makatotohanan C. walang katotohanan D. medyo makatotohanan
_______3. Sa 2022 ay magdaraos na naman ng botohan sa ating bansa upang maghalal ng bagong pangulo. Ano ang salitang
pinagmulan ng salitang may salungguhit?
A. boat B. both C. volt D. vote
_______4. “Bakit ka nagdala ng mia noi? Ito’y isang pang-aalipusta!” pasigaw ng asawa. Ano ang katumbas na salita sa Filipino ng
salitang may salungguhit?
A. alaga B. kabit / kerida C. kabarkada D. anak
_______5. Anong aral ang mapupulot o mahihinuha mo sa akdang Ang Buwang Hugis-Suklay mula sa bansang Laos?
A. Matutong alamin ang pinagmulan o pinag-ugatan ng bawat bagay upang hindi magdulot ng maling konsepto
B. Tandaang mabuti ang mga bagay na dapat gawin upang maiwasan ang gulo
C. Kilatisin muna ang bawat bagay at huwag basta basta magtiwala sa nakikita ng mata dahil madalas ito’y panlabas na anyo lamang.
D. Lahat ng nabanggit ay aral na masasalamin sa akda
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Natutuna’y Ibigay. Ilahad sa sariling pananalita ang natutunan sa mga sumusunod na paksa na
tinalakay sa aralin.
6. Alamat 7. Etimolohiya 8. Gawi, Kilos at 9. Makatotohan at 10. Ang Buwang
Karakter ‘Di Makatotohanan Hugis-Suklay

You might also like