Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pampanga Colleges Inc.

Pangalan:_____________________________ Asignatura: Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Antas/Pangkat: _______________________ Guro: Mr. Ronald Francis S. Viray

Unang Kwarter na Pagsusulit


Petsa ng Pagsusulit: Setyembre 24-25,2020

I. Panuto: TAMA o MALI: Isulat sa patlang bago ang bilang ang TAMA kung ang sumusunod na pahayag ay
tama at Mali naman kung mali .(Bawat burang kasagutan ay magsisilbing mali).

__________1. “Masasalamin ang katauhan ng isang guro sa kaniyang maayos na pagpaplano ng mga aralin”
__________2. Maihanda ng guro ang angkop na kagamitan, teknik, mga tanong, pasilidad at iba pang sanggunian
sa isang tiyak na aralin.
__________3. Sa paghahanda at pagbuo ng banghay-aralin, ang guro ay malayang magsasagawa ng anumang
pagbabago ayon mismo sa pangangailangan ng kanyang mga mag-aaral, ayon sa kapaligirang
kultural at sosyal, at kahandaan ng mga kagamitang panturo.
__________4. May ibat ibang simulain nasa anyong tanong ang pumapatnubay sa suro sa pagbuo ng banghay-
aralin
__________5.Ang layunin ay may tatlong panukatan.
__________6. Sa paggawa ng layunin sa banghay aralin ito ay may tatlong domeyn.
__________7. Ang banghay-aralin ay maaaring detalyado,hindi detalyado,pahapyaw o maikling balangka
__________8. Ang isang estudyanteng guro na nagsisimula pa lamang na magturo ay hindi na kinakailangan
talagang isulat ang kanyang mga binabalak o planadong gawain at aktibidad o pagsasanay nang
may kaakibat na paraan at proseso at pati na rin ang inaasahang mga sagot at reaksyon ng mga
mag-aaral.
__________9. Ang isang average o katamtamang guro naman ay hindi na inaasahang maghanda ng detalyadong
balangkas kundi isa lamang mala-detalyadong banghay-aralin.
__________10 Ang pahapyaw o maiksing balangkas ay hindi maaaring gamitin ng isang datihan o beteranong
guro (veteran teacher).
__________11. Ang isang gurong may karanasan na sa pagtuturo ay hindi na nangangailangang ilahad ang lahat
ng gawain at sasabihin sa detalyadong pamamaraan.
__________12. Kaugnay parin ng batayang aklat, inihahanda at ginagamit ng guro ang manwal.
__________13. Sa manwal ng guro matatagpuan ang mga mungkahing banghay ng aralin tulad ng mga layunin,
pamaraan, estratehiya, kagamitan, at iba pang gabay sa pagtuturo.
__________14.Ang sanayang aklat ay ang guro ang gumagamit nito.
__________15. Ang batayang aklat o textbook ay ginagamit bilang batayan kapwa ng guro at mag-aaral.

II. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.Tukuyin kung sino o ano ang tinutukoy ng bawat
pangungusap,isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.(Bawat burang kasagutan ay magsisilbing mali).

__________1. Nakatala ang tiyak na tanong ng guro at ang wastong isagit ng mga mag-aaral. Sa pamamaraan,
may dalawang kolum o hati kung saan isusulat ang gawaing-guro at ang gawaing mag-aaral.
__________2. Higit itong maikli kaysa sa masusi, sapagkat sa halip na may gawaing-guro at gawaing mag-aaral,
binabanggit na lamang ang sunod-sunod na gagawin at ng kilos.
__________3. Naiiba ang anyo ng banghay na ito sa bahaging pamamaraan. Dito, sapat nang banggitin kung
anong paraan ang gagamitin ng guro o kayay babanggutin sa sumusunod na Gawain sa maikling pangungusap o
parirala.
__________4. sinasabi nito na ang guro ay maaaring magsasagawa ng mga bagong metodo o teknik na
paglalahad ng mga aralin. Siya ay malayang makapag eksperimento ng iba pang teknik na sa pagbigay niya ay aksa
sa kahandaan at pangangailangan ng kanyang mga tinuturuan.
__________5. walang isang tiyak na gamit o teksto sa bawat aralin. Ang malikhaing guro ay Malaya ring gumamit
ng anumang aklat na mapagkukunan ng mga tekstong kailangan ng paksa. Maaari niyang gamitin ang mga
nakahandang materyales bukod pa sa dating batayang aklat na ginagamit niya.

1|Pampanga Colleges Inc.


__________6. Ito ang pagpapakinis sa mga Gawain at mga pagsasanay na kailangan sa pagkaklase. Kung
kinakailangang ayusin at rebisahina ang mga nakagawiang Gawain at uri ng pagsasanay, Malaya ang gurong gawin
ito upang magjaroon ng baryasyon,
__________7. ang paglalapat sa mga bagong ideya na nakalap ng guro o kayay nasaliksik ay makatutulong sa
guro upang lalong mapalawak ang nilalaman at ustruktura ng aralin.
__________8. Maaaring ibahin ng guro angpagkakasunod-sunod ng mga Gawain, ginagawa ito upang maging
natural at madulas ang dulog ng mga mag-aaral. Maaaring ilipat ang hakbang ng isang metodo subalit hindi dapat
nasisira ng lohika ng pagtururo
__________9. Ang mahahaba, paulit-ulit, at pare-parehong Gawain ay dapat tanggalin ng guro. Ito ay
maisasagawa nang hindi naman mababawasan o masisira ang kinakailangang kasanayan at kaalaman ng mag-
aaral.
__________10. Ang pagkakatulad na kasanayan at aralin ay dapat pag-isahin. Isinasagawa ito upang mapaikli ang
magkakaugnay na impormasyon, kasanayan at nilalaman ng aralin.
__________11. isang balangkas ng mga Layunin, Paksang-aralin, kagamitan, at mga hakbang na sunod-sunod na
isinasagawa upang matamo ang inaasahang bunga.
__________12.Panukatan ng layunin ito ang kailangang maglahad ng isang malinaw na larawan ng pagganap ang
layunin, ano ba ang gagawin o matutuhan ng bata?
__________13. Isa sa panukatan ng layunin na dapat makikita ba ang bunga ng kilos na ipinapagawa sa klase?
- Sadyang may resulta o ebidensiya ang kilos ng mga mag-aaral at ang mga itoy maaaring masukat.
__________14.Domeyn ng layunin kung saan ang layunin kapag itoy nakatuon sa paglilipat ng kabatiran at
kasanayan tulad ng kaalaman, pag-unawa, aplikasyon o paggamit, pagsusuri, paglilinaw o interes at ebalwasyon
__________15. ito ay tungkol sa mga kasanayang-motor kung saan nalilinang ang kakayahang pisikal mula sa
batayang galaw ng katawan hanggang sa mga kilos at galaw na nangangailangan ng maraming pagsasanay.
__________16.Bahagi ng banghay aralin kung saan makikita ang mga inaasahang bunga sa mga mag-aaral.
__________17. Bahagi ng Banghay-aralin kung saan susukatan ang mga mag-aaral batay sa natutuhan sa aralin sa
pamamagitan ng pagsusulit.
__________18. Bahagi ng banghay na kung saqan bibigyan ng karagdagang Gawain sa tahanan ang mga mag-
aaral.
__________19. Bahagi ng banghay kung saan makikita ang pamagat ng talakayan at pahina sa aklat na gagamitin.
__________20. Aklat na naglalaman ng balangkas ng aralin. Guro ang gumagamit ng aklat na ito
III. Gumawa ng isang banghay aralin batay sa mga binigay na halimbawa sa ibaba.Isulat ang sagot sa isang
dilaw na papel.Isulat ang tamang pagkakasunod : LAYUNIN, PAKSANG-ARALIN, PAMAMARAAN/ISTRATEHIYA,
EBALWASYON at TAKDANG-ARALIN.

A. Paksa Pagtukoy ng maaaring kalabasan ng mga pangyayari.


B. Mga Sanggunian Pandalubhasang Pagbasa at Pagsulat at Pabalat; Veneranda Lachica.-
Manila: Mk, 1998. pahina 220-221.
C. Mga kagamitan Tsart, mga pagsasanay

A. Nakatutukoy ng maaaring kalabasan ng mga sa binasa.


A. Nahuhulaan ang maaaring kalabasan ng mga pangyayari sa binasa.
B. Naisasaisip ang kahalagahan ng ng pagtukoy ng maaaring kalabasan ng mga pangyayari sa binasa.

1. Pagdarasal
Magbabalik-aral sa mga natalakay na aralin noong
2. Pagbati at pagsisiyasat sa silid-aralan nakaraang araw.
3. Pagsisiyasat sa mga lumiban

Ipababasa sa mga mag-aaral ang isang maikling kwento at magtatanong ng mga katanungan ayon sa binasa.

Pagganyak Ipapabasa ang kwentong “Ang Pagpapaalis sa mga Iskwater” sa mga mag-aaral at pagkatapos
basahin ay magtatanong ang guro sa mga mag-aaral.

Kumuha ng isang buong papel at sagutin ang mga sumusunod na tanong na nasa pisara.

Manood ng balita mamayang gabi at isulat ang mga pandiwa na babanggitin ng mga tagapagbalita.

2|Pampanga Colleges Inc.

You might also like