Professional Documents
Culture Documents
Performance Task 4
Performance Task 4
Performance Task 4
Filipino 9
Performance Bilang 4
(Talumpati patungkol sa edukasyon)
Edukasyon ang Solusyon
Walang duda’t alinlangan, kung gaano kahalaga ang edukasyon sa paghubog ng
isang magandang kinabukasan.
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Ang mga salitang ito ay minsang namutawi
sa labi ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal. Siya’y mayroong
maraming pangarap sa ating bayan. Hindi lamang ang hangaring makalaya noon sa
pananakop ng mga mapang-aping kamay ng mga Kastila kundi pati na rin ang
pagkakaroon ng edukasyon ng mga kawawang Pilipino na madalas laitin ng mga
ito. Hindi niya malimot ang mga salitang “Indio” o “mangmang” na karaniwang
tawag ng mga mapangilnlang na Espanyol sa mga Pilipino noong panahon ng
kolonisasyon. Ninais ni Rizal na mahango sa kahirapan ng buhay ang mga Pilipiino
at makakamit lamang iyon kung sila’y makapag-aaral. Ang edukasyon ang susi para
mahango sa kahirapan ang mga Pilipino. Iyon ang tanging paraan at wala ng iba pa.
May magagawa pa tayo para maisalba ang mga kabataang naliligaw ang landas
dahil sa kahirapan. Hindi pa huli ang lahat, di ba mayroong mga programa ang ating
pamahalaan sa mga OSY o Out of School Youths ? Halimbawa na lang ang mga
DepEd ALS o Alternative Learning System na nagbibigay ng pagkakataon sa mga
OSY na makapasok ulit sa paaralan. Marami pang mga programa sa edukasyon ang
ating gobyerno upang masugpo ang kahirapan;nandyan na ang pagbibigay ng mga
scholarship grants at ’study now, pay later scheme’ para sa mga ‘poor but deserving
students’, ang pagpaggawa ng mga paaralan sa bawat barangay upang hindi na tayo
mahirapan sa pagpasok sa eskwela.Kung ganoy may pagkakataon pang makapag-
balik loob ang mga kapwa nating kabataang naligaw ng landas at nasadlak sa
kahirapan.