Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Paglalarawan sa aking Sarili”

Ako ay isang simple at normal na tao. Ating pag-usapan ang aking


pisikal na kaanyu-an, magsimula tayo sa mukha, bilugan ang aking
mukha, makapal ang aking mga kilay kaya kadalasan unang impresyon
saakin ay mataray, pango ang aking ilong kagaya ng karamihan sa ating
mga pilipino.Kulay rosas naman ang aking labi, hindi gaanong manipis
at hindi rn gaanong makapal. Hugis almond ang aking mga mata. Sa
unang tingin ay aakalain mong makinis ang aking mukha ngunit kung
ito ay tititigan mo ng maigi makikita mo ang mga maliliit na tagyawat
na nagkalat sa buong mukha ko, ngunit hindi ko ito itinuturing na
kapintasan dahil ang pagkakaroon ng tagyawat ay normal na lalo na
saaming mga kabataan.
Kung ang pag-uugali ko naman ang ating pag uusapan madalas
nakadepende yan sa pakikitungo ng taong kaharap ko. Mabait naman
talaga ako wag lang aabusuhin ang aking kabaitan dahil tiyak hindi nila
ito magugustuhan. Mapagmahal at mabait akong bata lalo na sa aking
mga magulang. Higit sa lahat ay pursigido akong mag-aaral. Hindi ako
perpektong tao, may mga kapintasan din ako tulad nalang ng madali
akong mapikon, hindi ko makontrol ang aking emosyon lalo na kapag
ako ay galit at bigla bigla nalang nagtataray.
Narito naman ang aking mga katangian. Payat ang aking
pangangatawan at mapusyaw ang kulay ng aking balat. May katam
tamang tangkad na umaabot sa sukat na limang talampakan at isang
pulgada. Isa ko pang katangian ay magaganda kong ngipin kasama na
ang matamis kong pagngiti. Hindi ako talentado gayunpaman may mga
gustong gusto akong gawin kagaya na lamang ng potographiya,
magedit ng larawan o video kaya naman natutuwa ako sa ating
pagsasanay na ito.

Ang bawat tao ay may kanya kanyang katangian, pag-uugali maging sa


pisikal na aspeto at ito ang humuhubog sa kung sino tayo. Sa
pamamagitan din nito ay nakikila tayo kasama na sa kung paano tayo
na-iiba sa ibang tao. Ako si Nicol B. Wallang, labing walong taong
gulang at nag-aaral sa Unibersidad ng Kalinga nag-iiwan ng katagang
“Ako ay Ako”

You might also like