Professional Documents
Culture Documents
Module in Filipino
Module in Filipino
Module in Filipino
BAITANG 9
UNANG MARKAHAN
Aralin 3- Pampanitikan : Puting Kalapati, Maglibot ka sa Buong Mundo
Mga Layunin:
Pangkaalaman
Ang bawat bansa ay may kaniya-kanyang kasaysayan na nakatago sa iba’t ibang akdang
pampanitikan nito. Isa na rito ang bansang Timog-Silangang Asya. Ang mga bansang ito ay hitik sa mga
panitikan tulad na lamang ng tula. Makikita sa tula ang kasaysayan at karanasan ng mamamayanng
bawat bansa na sumasalamin sa kanilang sariling pagkakakilanlan bilang isang lahi.
A. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang sinalungguhitan sa pahina 39 ng iyong aklat. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
Gawain 2
-Basahin at unawain nang mabuti ang tulang Puting Kalapati, Maglibot ka sa Buong Mundo.
Gawain 3
Ibigay ang simbolo ng sumusunod na mga salita na ginamit sa tulang Puting Kalapati, Maglibot
ka sa Buong Mundo
1. kalapati-
2. bulaklak-
3. hanging sariwa
4. alabok
5. salamin ng buhay
Gawain 5
-Sagutin ang mga katanungan batay sa akdang Puting Kalapati, Maglibot ka sa buong Mundo.
__________________________________________________________________________
2.Bakit kaya Puting Kalapati, Maglibot ka sa Buong Mundo ang pamagat ng tula?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Paano inilalarawan ng may akda ang mundo o daigdig batay sa kaniyang tulang Puting
Kalapati, Maglibot ka sa Buong Mundo?
Basahin ang tungkol sa tulang pandamd amin o tulang liriko at mga uri nito.
Gawain 7
1. Paano naiiba ang tulang pandamdamin sa iba pang mga uri ng akdang pampanitikan?
2. Paano naiiba ang tulang pandamdamin sa iba pang mga uri ng tula?
3. Anong tula ang nagtatampok ng saloobin at damdamin ng may-akda?
4. Anong uri ng tulang liriko ang tumutukoy sa mga guniguni sa kamatayan ng isang tao?
5. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga element ng tula sa pagbuo nito?
6. Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa mga linya na makikita sa loob ng isang saktong?
7. Paano mo malalaman kung ang isang tula ay oda?
Gawain 8
Ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga kulturang Pilipino sa iba’t ibang aspekto.
Gumamit ng Venn Diagram at maging malikhain sa paggawa ito.
Gawain 9
Suriin ang mensahe ng bawat saknong ng tulang Puting Kalapati, Maglibot ka sa Buong
Mundo.Pagkatapos ilahad ang iyong sariling karanasan na may kaugnayan sa tulang binasa.
Gawain 10
Basahinang mga paraan sa pagpapahayag ng emosyon at sagutin ang mga katanungan sa pahina
48-49 ng inyong libro.
Aralin 4
Mga Layunin:
Naibibigay ang angkop na kahulugan ng bawat piling pahayag mula sa tinalakay na akda.
Nakapagsasaliksik at nakapagtatala ng mga tradisyon ng Indonesia at nailalahad ang kuro-kuro
kung nawat isa ay dapat o hindi dapat panatilihin bilang kaugalian at tradisyon
Nakagagawa ng sariling reaksiyon mula sa pinanood na video clips o documentary films tungkol
sa mga kababaihan sa Indonesia
Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng
pananaw
Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa mga dapat o hindi dapat taglayin ng kabataang Asyano
na ginagamitan ng mga angkop na pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw
PANGKAALAMAN
Ang Java ay isang isla ng Indonesia na kinalalagyan ng kabisera ng bansa, ang Jakarta.
Ang wikang ginagamit ng mga taong naninirahan dito ay Jawa. Ito ang pinakamataong isla, at
isa sa mga pinakamataong rehiyon sa mundo.Ayon sa kasaysayan, ang Java ay dating
pinamumugaran ng kaharian ng Hindu at dati ring nagging sentro ng kolonyak ng Dutch. Sa
kasalukuyan, Ang Java ay may mahalagang papel na ginagampanan sa aspektong pampolitika at
ekonomiya ng Indonesia. Habanes ang tawag sa mga lalaki at Habanesa naman ang tawag sa
mga babaeng naninirahan dito.
Gawain 1 ( Week 3 December 7-13)
Ibigay ang angkop na kahulugan ng bawat pahayag sa pahina 56-57 ng iyong libro.Bilugan ang
tamang sagot.
Gawain 2
Basahin at unawain nang mabuti ang akdang Kay Estella Zeehandelaar at sagutin ang mga
katanungan sa akdang binasa.
Gawain 3
Basahin ang tungkol sa sanaysay at ang mga bahagi nito at sagutin ang mga tanong na
nakapaloob dito.
1. Ano ang sanaysay?
2. Ano ang gamit ng sanaysay?
3. Ano-ano ang tatlong mahahalagang bahagi ng isang sanaysay?
4. Anong bahagi ng sanaysay ang kakikitaan ng mga karagdagang impormasyon ukol sa paksang
tinatalakay?
5. Anong sanaysay ang nabasa mo na hindi mo malilimutan? Bakit?
6. Anong uri ng sanaysay ang akdang Kay Estella Zeehandelaar?
7. Ano ang tono na nangingibabaw sa akdang binasa?
8. Paano nakatutulong ang akdang pampanitikan ng ibang bansa sa bansang Pilipinas?
9. Sa iyong palagay saang bahagi ng sanaysay makikita ang mga mahahalagang impormasyon na
nais iparating sa mga mambabasa? Bakit?
10. Kung ikaw ay susulat ng isang sanaysay, anong uri ang gagamitin mo bakit?
Gawain 4
Gawain 5
Manood ng video clips o documentary films sa You Tube tungkol sa mga kababaihan sa
Indonesia. Pagkatapos gumawa ng sariling reaksiyon mula sa napanood.
.
( Wika at Gramatika )
Basahin ang tungkol sa pang-ugnay at sagutin ang mga tanong sa pahina 63 ng iyong aklat.
Gawain 7
Gawain 8
Sumulat ng jsang sanaysay tungkol sa mga dapat o hindi dapat taglayin ng kabataang
Asyano.Ang sanaysay ay dapat magtaglay ng apat hanggang anim na talata.Gumamit ng mga
angkop na pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw.
Batayang Aklat
Hinirang 9
Salamat!
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
GRADE 9
UNANG MARKAHAN
ARALIN-4 Pagtukoy sa Kaugnayan ng Lipunang Sibil, Media, at Simbahan sa Tao
Mga Layunin:
Matukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang mga papel na ginagampanan ng mga ito
upang makamit ang kabutihang panlahat
Masuri ang mga adhikaingnagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos tungo sa
kabutihang panlahat
Mahinuha ang layunin at kahalagahan ng lipunang sibil, media, at simbahan sa tao
Mataya ang mga adbokasiya ng iba.t ibang lipunanang sibil batay sa kontribusyon ng mga ito
Makapagsagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy kung may lipunang sibil na
kumikilos dito.
Sumasagi ba sa isip mo minsan kung bakit may mahihirap at mayayaman sa ating lipunan?
Ano nga ba ang dahilan kung bakit may mahihirap at may mga mayayaman sa ating lipunan? Hindi nga
ba’t bunga ito ng kawalan ng interes ng ilan sa atin na tumulong sa kapwa at higit na pagpili na
makipagkompetensiya sa iba sa halip na makiisa? Sabi nga ng founder ng Gawad Kalinga na si Tony
Meloto, “ Ang kahirapan ay nangyayari kapag nakalilimutan natin ang kumalinga sa ating
kapwa.Kontento sa ating sariling buhay at sa ating mga pamilya’t mga kaibigan,nakaliligtaan natin ang
mga pangangailangan ng iba at hindi natin nakikilala na tayo ay bahagi ng isang pamilya.
Para matapos ang kahirapan, dapat umapaw ang pagmamahal mula sa ating mga
tahanan at dumaloy sa buong mundo.” Ito ang dahilan kung bakit inilunsad niya ang
organisasyong Gawad Kalinga na may misyong tapusin ang kahirapan sa pamamagitan ng
pagtataguyod ng dignidad ng mga maralita. Ito rin ang dahilan ng pag-usbong ng marami pang
mga pribadong organisasyon upang maipamalas ang kanilang ugnayan sa lipunan. Sila ang
tinutukoy na mga lipunang sibil.
Suriin ang larawan sa pahina 34 ng iyong aklat. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong tungkol dito.
1. Anong paraan ang ginagamit upang mabigyang impormasyon ang madla?
2. Paano nakapagdudulot ng masidhing implikasyon ang media sa pamumuhay ng
tao?
3. Bilang bahagi ng henerasyon ng mga millennials, paano ka makatutulong sa
pagpapalaganap ng impormasyon sa inyong pamayanan?
4. Ano ang kaugnayan ng media, lipunang sibil, at simabahan sa iyong pagtamo ng
sariling kaganapan bilang tao?
Basahin ang kwento sa phina 35-36 ng iyong libro. Sagutin ang mga katanungan
tungkol dito.
1. Anong masaklap na kalagayan ang dinaranas ng mga taga-Tuguegarao at
Penablanca sa kuwento?
2. Paano ipinamalas ng ibang tao ang kanilang pakikiramay sa naturang sitwasyon?
3. Napabatid ba sa ulat ang ugnayan at pagmamahal ng sambayanan?
4. Sa paanong paraan nakatulong ang tagapakinig sa nasabing sitwasyon?
5. Paano nakatulong ang media, simbahan, at lipunang sibil sa sitwasyong ito?
6. Bilang estudyante? Paano ka makatutulong sa mga biktima ng ganitong
kalamidad?
A. Basahin ang mga pahayag sa pahina 40-41 ng iyong libro.Isulat ang tama sa
patlang kung sumasang-ayon ka, at kung hindi ay salungguhitan ang salita o mga
salitang nagpapadali dito at isulat ang tamang salita o mga salita sa patlang.
Salamat!
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
GRADE 8
UNANG MARKAHAN
Aralin 3- Pagkakaroon ng Bukas na Komunikasyon sa Pamilya
Mga Layunin:
Matukoy ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng bawat
kasapi ng pamilya sa pagbuo ng mabuting ugnayan sa kapwa
Matukoy na ang kawalan ng komunikasyon ay makahahadlang sa magandang ugnayan ng mga
nagkakaisang kasapi ng pamilya
Mahinuha na ang bukas na komunikasyon ay magiging tulay sa pagtugon ng dakilang misyon ng
pamilya sap ag-unawa at pagiging sensitibo sa pangangailangan at karapatan ng bawat isa
Sa iyong palagay, ano ang iyong mararamdaman kung mayroon ka sanang nais sabihin
sa iyong mga magulang ngunit nagkataon namang abala sila sa paikikipag-usap sa iba? O kung
babaling ka naman sa iyong kapatid ay makikita mo siyang may suot na earphones at pangisi-
ngisi pa? Marahil ang una mong mararamdaman ay inis at pagkadismaya dahil wala kang
mapagsabihan ng nais mong sabihin. Sa kasalukuyang panahon nakalulungkot isipin na ang
ganitong eksena ay tila karaniwan na sa mga pamilya. Nasa harap nga ng hapag- kainan at sabay-
sabay na kumakain ngunit sa halip na mag-usap-usap ay nakatutok naman sa telebisyon, o hindi
kaya ay hawak naman ang kani-kaniyang cell phone o gadget. Kung magpapatuloy ang ganitong
gawi sa pagitan ng bawat kasapi ng pamilya, siguradong maaapektuhan ang kanilang ugnayan sa
isa’t isa.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Gawain 2
Basahin ang kwento sa pahina 23-24 ng iyong aklat. Sagutin ang mga tanong ayon sa
binasang kwento.
1. Bakit walang panahon ang mga magulang ni Victoria para sa kaniya?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Ano ang naging sanhi ng kawalan ng komunikasyon ng mga kasapi ng pamilya ni Victoria?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Kung ikaw si Victoria, paano mo haharapin ang sitwasyon na ito?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Kung nagkaroon ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng bawat kasapi ng pamilya ni
Victoria, hahantong kaya ito sa ganitong sitwasyon?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
5. Ano ang naging bunga ng mga pagkukulang ng mga magulang ni Victoria?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
6. Sa iyong sariling palagay, paano haharapin ng mga magulang ni Victoria ang eksenang
kanilang naabutan?
Gawain 4
A. Natutukoy ang mga bagay na madalas mong ginagawa sa bahay upang mapanatili
ang komunikasyon sa iyong pamilya.
B. Pag-aralan ang mga sitwasyon sa pahina 28 ng iyong libro. Ipaliwanag kung paano
mo haharapin ang bawat isa.
Gawain 6
Karanasan Solusyon
Repleksiyon:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Bukod sa tungkulin ng bawat pamilya na hubugin ang kaalaman, kakayahan, asal at pagkatao
ng kabataan, mayroon din silang mahalagang gampanin sa lipunan at sa politika. Kabilang na rito ang
pagmumulat sa mga kabataan sa pakikilahok sa mga gawaing makakatulong sa pamayanan gaya ng
pagiging bukas palad sa mga nangangailangan at biktima ng kalamidad o sakuna, pagsusulong ng
bayanihan, at pangangalaga sa kapaligiran. Dagdag pa rito, nakaatang din sa pamilya ang responsibilidad
na tiyakin na isinusulong ng mga batas at institusyong panlipunan ang mga karapatan at tungkulin ng
pamilya upang protektahan at mapanatili ang integridad nito.
Gawain 1
Basahin ang kwentong “Boto Mo, Kinabukasan Ko “ Sagutin ang mga tanong tungkol
dito.
Gawain 3
Gawain 4
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa pahina 38ng iyong aklat. Itala kung
paano magagampanan ng inyong pamilya ang tungkulin ninyo sa lipunan at sa
politika.
Gawain 5
Batayang Aklat:
Salamat!
FILIPINO
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
GRADE 11
UNANG MARKAHAN
Mga Layunin:
Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap pag-aralan ang pagkakaroon ng iba’t ibang
barayti ng wika.Mababanggit dito ang tungkol sa Tore ng Babel mula sa Bibliya sa Genesis 11: 1-9 kung
saan sinasabing naging labis na mapagmataas a at mapagmalaki ang mga tao at sa paghahangad ng lakas
at kapangyarihan, sila ay nagkaisang magtayo ng toreng aabot hanggang langit. Pinarusahan sila ng
Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba’t ibang wika. Dahil hindi na sila magkaintindihan,
natigil ang pagtatayo ng tore na tinawag na Babel at dito nagana pang pagkakaiba-iba ng wika ng mga
tao.
Sa tinatawag na divergence ang dahilan kung bakit nagkaroon ng iba’t ibanguri o barayti ng wika ( Paz.
Et.al.2003)
Marami na tayong tinalakay mula sa simula pa lang tungkol sa konseptong pangwika. Madali
nating makikilala ang isang tao sa pamamagitan ng wikang kanyang ginagamit. Sa wikang ginagamit
masasalamin ang kultura ng tao dahil ang wika ay kabuhol ng kultura.
May kanya-kanyang wikang ginagamit ang tao. Sa rehistro at barayti ng wika makikilala rin ang
tao katulad ng dayalek, ang wikang ginagamit sa partikular na rehiyon; ang estilo ng paggamit ng wika ay
tinatawag na idyolek; sama na lang ang sosyolek ay isang okupasyunal na rehistrong pangwika;at ang
wikang ginagamit sa bahay ay ekolek samantalang ang etnolek ay pang-etnolingguwistikong grupo.
Malaki ang gampanin ng wika sa buhay ng tao. Nang dahil dito, nagkakaroon siya ng pakikipag-
ugnayan sa kapwa na nagiging dahilan upang magtamo ng mga karanasang dadalhin sa araw-araw na
buhay. Ang mga nagiging karanasan sa pakikipagtalastasan ang nakapag-iisip sa tao upang magkaroon
ng sariling pananaw. Ang kaniyang paniniwala kaugnay ng wika ay batay sa mga nariring, nababatid at
napag-aaralan.
Gawain 1
a. Unang wika_____________________________________________________
b. Wikang
Pambansa_______________________________________________________
_______________________________________________________________
c. Rehistyro ng Wika
1. Magbigay ng mga naging karanasan mo kaugnay ng konseptong pangwika.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Gawain 2
1. Nabatid tulad
ng____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Pananaw tulad
ng____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Karanasan tulad
ng____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Gawain 3
Gawain 4
Sagutin ang mgasumusunod na tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng wika sa dayalekto?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Gawain 5
KONSEPTONG PANGWIKA
Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa tao,ibang
tao,paligid,mundo,obhetibong realidad, panlipunang realidad,politikal,ekonomik at kultural.Unang wika
man o pangalawang wika, wika pa rin ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi,lipi at lipunan.
Ibig sabihin nasa wika ang tanging paraan upang maisalin ang kaalaman, karanasan at alaala ng isang lahi
o lipi at lipunan sa iba.
Ang unang wika ay ang wikang katutubo na kinagisnan at natamo mula sa pagkasilang hanggang
sa oras na magamit at maunawaan ng isang indibidwal.Sinasabi ring wikang taal ang unang wika
sapagkat itoy umusbong sa isipan ng bawat indibidwal mula sa loob ng isang tahanan at komunidad. Ito
rin ay sinasabing likas, ang wikang nakagisnan,natutuhan at ginagamit ng pamilyang nabibilang sa isang
lingguwistikong komunidad. Ang grupo ng mga mamamayan na naninirahan sa iisang lugar na
gumagamit ng iisang wika, na hindi lamang sinasalita bagkus mayroong pagkakaunawaan,ugnayan at
interaksyon sa bawat isa.
Ang unang wika ay tinatawag ring mother tongue,katutubong wika, o sinusong wika.Ang wika
kung saan nakilala at pamilya ang isang indibidwal kaya nagkaroon ng kakayahang maangkin ito sa
tulong ng kinalakhang komunidad. Sa kasalukuyan ang Mother Tongue ay hindi lamang unang wika
bagkus ay isa sa mga asignatura mula sa Baitang 1 hanggang 3 upang maging daluyan ng higit na
pagkatuto at pakaunawa sa ikalawang wika.
Mga Gabay upang matukoy kung ang isang tao ay katutubong tagapagsalita ng isang wika: Lee
(2013)-“The Native Speaker: An Achievable Model”
Ang pangalawang wika ay naiiba sa unang wika,sapagkat ito ay hindi taal o likas na natutuhan ng isang
indibidwal sa kanyang tahanan at kinabibilangang ligguwistikong komunidad.Ito ay wikang natutuhan sa
paaralan o pakikipag-ugnayan sa ibang tao na may kakayahang gamitin ito. Natutuhan ito ng isang
indibidwal, matapos siyang mahasa ang kakayahan ang kakayahan sa paggamit ng ng unang wika. Kung
gayon, ang pangalawang wika ay may karagdagan sa mga wikang natutuhan at pinag-aaralan sa mga
paaralan.Kung mayroon mang pangunahing distinksyon o kakanyahan ang pangalawang wika (L2) ito ay
walang iba kundi ang pagtataglay ng katagiang maaaring matutuhan( learnability) o natutuhan (learned)
sa mulat o malay na paraan ng pagsasalin ng prosesong komunikatibo. ( Krashen,1982) saliksik nina
Aguilar, Jennifor L. et al.2016.
Gawain 1
Gawain 2
Pumili ng tatlo sa sumusunod na kaban ng kaalaman at ipaliwanag ang isinasaad nitong kabuluhan.
Gawain 3
Ipaliwanag ang kahulugan ng mga konseptong pangwika. Wika, Wikang Pambansa, Unang Wika,
Pangalawang Wika, at Social Media sa tulong ng mga sitwasyong naranasan o maaaring maranasan.
Batayang Aklat:
Pluma
ADM
SALAMAT!
- Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong
balikan ang iyong natutuhan sa naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa
katanungang ito:
- Masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng teksto? Bakit?
Gawain 1 ( Week 1 Nov.23 -29 )
Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwentong “ Mabangis na Lungsod”. Ilista
sa papel ang mga mahahalagang detalye na iyong mababasa upang makatulong sa
pagsagot sa mga katanungan.
Buksan ang link.http:// filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa binasang tekstong naratibong ang
“Mabangis na Lungsod”.
1. Sino ang tagapagsalaysay sa binasang teksto? Sa anong pananaw o paningin ito isinasalaysay?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Sino ang pangunahing tauhan sa teksto? Siya ba ay tauhang bilog o lapad?
______________________________________________________________________________
3. Sino naman ang katunggaling tauhan sa teksto? Siya ba ay isang tauhang bilog o lapad?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. May kasamang tauhan ba sa akda? Kung mayroon, sino siya?Siya bay tauhang bilog o lapad?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Anong pangunaging kaisipan ang nakapaloob sa binasang teksto?
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Gawain 3
Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pahayag mula sa tekstong” Mabangis na Lungsod”. Isulat kung
ito ay paglalarawang Subhetibo o Obhetibo
________________1 .Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali , lumagom sa malalaki’t maliit na
lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw a may bagong lunas na
walang bisa.
_________________2. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin nya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga
piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.
_________________4. Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa at iyon ay matagal din
niyang ipinakalansing.
_________________5. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng
mga kamay at hiwatig ng pagwawalang –bahala, ang hakbang ay pagpapahalata ng pagmamadali- pag-
iwas.
Panuto: Basahin ang talatang nasa ibaba at tukuyin ang mga salitang naglalarawan naiyong
makikita. Isulat ang sagot sa patlang.
“ Ang mundo ay napakaganda, ang simoy ng hangin ay naipadarama tulad sa bango ng m,ga bulaklak,
ang magandang tanawin tulad sa kagandahang loob, ang dalisdis ng tubig sa banayad na haplos at ang
init ng araw tulad ng init ng aking pagmamahal”
Gawain 5
2. Pag-ibig
3. Paaralan
4. Kayamanan
5.Liwanag
Gawain 6 ( Week 3 Dec. 07-13 )
Panuto: Pakinggan ang awiting “ Bulag, Pipi’t Bingi ni Freddie Aguilar at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
Gawain 7
1. Sa iyong palagay, bakit kailangang pag-aralan ang mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang
teksto?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano makatutulong sa iyo bilang mag-aaral ang pag-alam sa mga katangiang ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Masasabi mo bang nagging makabuluhan ang panahong ginamit mo sa pag-aaral ng iba’t ibang
uri ng teksto? Ipaliwanag.
Panuto: Balikan ang iba’t ibang uri ng tekstong tinalakay sa mga naunang aralin. Ilagay ang mga
katangian nito sa pamamagitan ng graphic organizer.
Tekstong Impormatibo
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Naratibo
Tekstong Prosidyural
Tekstong Persuweysib
Tekstong Argumentatibo
Gawain 8
Panuto: Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang balita. Basahin at suriin ang balitang nasa ibaba
at tukuyin ang mga katangian nito sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata.
arestado
Timbog sa mga awtoridad ang isang Barangay volunteer na ginagamit umano ang kaniyang frontliner ID
upang makabenta ng iligal na droga sa lungsod ng Maynila.
Sa impormasyong ibinigay ni Police Capt. Philipp I es, tagapagsalita ng Manila Police District Station 4,
kinilala ang suspek bilang si Hajib Cayandatu, 24 isang tricycle driver na residente ng Quiapo.
Naaresto siya ng mga awtoridad sa Brgy. 445, Zone 44 sa Sampalok nitong Martes.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad tubgkol umano sa
talamak na bentahan ng shabu sa Sampaloc.
Ginagamit umano ni Cayandatu ang kaniyang ID para malayang makapunta sa Sampaloc at malayang
magbenta ng iligal na droga, ayon sa pulisya,
Sa isinasagawang operasyon, nakuha sa suspek ang walong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu
na nagkakahalaga ng P272,000, isang black pouch at buybust money na P500.
Sasampahan ang suspek ng kaso dahil umano sa paglabag ng Section 5 ( Selling of Dangerous Drugs) at
Section 11 ( Possession of Dangerous Drugs), Art II ng Republic Act. No. 9165.
Gawain 9
Panuto: Tukuyin kung sa anong uri ng produkto ginagamit ang mga tagline na nasa ibaba. Suriin ang
mga katangian nito bilang tekstong persuweysib
3. “ Pambansang litsong
Manok”
Batayang Aklat:
ADM
SALAMAT!