Ramon Magsaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

RAMON MAGSAYSAY

Tinaguriang “Kampyon ng Masa”, isa si Ramon Magsaysay sa mga nakilalang magaling na pinuno ng
bansa sa kasaysayan nito. Isang matapang na pinuno dati ng mga guerilla noong panahon ng ikalawang
mundong digmaan, si Ramon Magsasay ay naging isang politiko pagkatapos ng nasabing digmaan.
Kinalaunan, siya ay naupo sa puwesto bilang pangulo ng bansa.  Kinakitaan siya ng iba’t-ibang
katangian tulad ng pagiging maunawain sa taong bayan, katapangan, katapatan at pagiging
mapagkumbaba. Ang kanyang kakayahang suriin ang problema ay isang kalakasang nagamit niya
upang mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinahaharap niya. Isang halimbawa dito ay ang
kanyang pagsasaayos ng rebelyong isinagawa noong kanyang kapanahunan ng mga Hukbalahap. Dito
ay kanyang napagtanto na ang dahilan kung bakit nagrerebelde ang mga miyembro nito ay dahil sa
kahirapan at kawalan ng tiwala sa mga tiwaling opisyal. Kinakitaan siya ng katapangan, katapatan, at
determinasyon noong kanyang asyusin ang sistema ng AFP na tadtad ng katiwalian noon at
magpatupad ng mga sosyal reforms upang maayos ang problemang kinahaharap ng kanyang
administrasyon sa lipunan. Dahil dito, nagawa niyang wakasan ang pagrerebelde ng mga mahihirap.
Bukod sa kanyang katapangan at determinasyon, kilala si Ramon Magsaysay sa kanyang pang-unawa
at pagmamahal sa masa. Patunay dito ay ang pagbibigay niya ng lupa sa mga magsasakang walang
sariling lupa. Ginawa niyang bukas ang pamahalaan para sa lahat ng mamamayan, at ito ay tinanggap
ng nakararami. Makikita sa pangyayaring ito na handang pagsilbihan ni Magsaysay ang mga
mamamayan na isang dapat na gawain ng mga pinuno. Sa huli, tumatak sa kasaysayan ng Pilipinas si
Pangulong Ramon Magsaysay bilang isang huwaran na pinunong kilala sa kanyang pagiging
mapagkumbaba, tapat, determinado, matapang, at maunawain sa taong bayan.

You might also like