Professional Documents
Culture Documents
Filipino Quarter 2 Module 3 Not Complete
Filipino Quarter 2 Module 3 Not Complete
Filipino 10 SY 2021-2022
Kwarter 1 Modyul 3
SAPAT na Hiyas ng
Karunungan
Katapatan at Integridad
Para sa Lakas ng mga Kabataan
“Huwag kang magnanakaw. Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.” Exodo 20:15–16
Maging tapat sa inyong sarili, sa kapwa, at sa Diyos sa lahat ng panahon. Ang ibig sabihin
ng pagiging matapat ay ang piliing huwag magsinungaling, mandaya, o manlinlang sa anumang
paraan. Kapag kayo ay tapat, pinalalakas ninyo ang inyong pagkatao at dahil dito ay makapaglilingkod
kayo nang lubos sa Diyos at sa iba. Bibiyayaan kayo ng kapayapaan ng isipan at paggalang sa sarili.
Pagtitiwalaan kayo ng Panginoon at magiging karapat-dapat na makapasok sa Kanyang mga
banal na templo.
Ang pagiging hindi matapat ay nakasasakit sa inyo at sa iba. Kapag kayo ay nagsisinungaling,
nagnanakaw, nangungupit, o nandaraya, pinipinsala ninyo ang inyong espiritu at ang pakikipag-
ugnayan ninyo sa iba. Ang pagiging tapat ay magpapaganda ng inyong mga oportunidad sa
hinaharap at magdaragdag sa inyong kakayahang magabayan ng Espiritu Santo. Maging tapat sa
paaralan; piliing huwag mandaya sa anumang paraan. Maging tapat sa inyong trabaho, na
tinutumbasan nang husto ang buong halagang ibinabayad sa inyo. Huwag mangatwiran na tanggap
naman ang pagiging di-matapat, kahit isipin pa ng iba na hindi ito mahalaga.
Magkaugnay ang katapatan at integridad. Ang integridad ay pag-iisip at paggawa ng tama sa
lahat ng panahon, anuman ang mangyari. Kapag kayo ay may integridad, handa kayong ipamuhay ang
inyong mga pamantayan at paniniwala kahit walang nakamasid. Mamuhay sa paraang ang mga iniisip
at ikinikilos ninyo ay palaging akma sa ebanghelyo. Alma 27:27; 53:20
Ako ba ay tapat sa lahat ng aking pakikipag-usap at pakikitungo?
Source: https://www.churchofjesuschrist.org/manual/for-the-strength-of-youth/honesty-and-
integrity?lang=tgl
1
Layunin ng araling ito na matamo ng bawat mag-aaral ang sumusunod:
nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda;
natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan;
natatalakay ang mga bahaging pinanood na nagpapakita ng isyung pandaigdig;
Naitatala ang mga impormasyong tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig;
nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw;
Ang Prinsipe
Sanasay mula sa
Italya
(Kabanata XVII – Paano Dapat Panatilihin ng Prinsipe ang Kanyang Salita)
Kapuri-puri para sa isang Prinsipe na panatilihin ang kaniyang mga salita at mamuhay nang
may hindi integridad at hindi manlinlang. Gayunpaman batay sa ating karanasan sa kasaysayan, ang
mga prinsipe na nakagawa ng mga dakila ay yaong hindi gaanong isinaalang- alang ang
pagtangan sa pananampalataya at bagkus ay mahuhusay sa pagmanipula ng isip ng kapuwa na sa
huli, ay nadaig pa ang mga naniwala sa kanilang mga winika. Kung gayon, dapat mong malaman na
may dalawang paraan ng pakikipagtunggali-ang isa ay alinsunod sa mga batas, ang isa ay sa
pamamagitan ng lakas. Ang una ay ayon sa pagiging tao, ang pangalawa ay sa hayop. Subalit dahil
ang una, kadalasan, ay hindi sapat, kinakailangang gawin ang ikalawa: "Samakatuwid, marapat
malaman ng Prinsipe kung paano maging hayop at tao. Lihim itong itinuro ng mga sinaunang
manunulat sa mga Prinsipe, muli nilang isinalaysay kung paano ibinigay sina Achilles at iba pang
sinaunang mga Prinsipe kay Chiron na sentauro, upang arugain sa ilalim ng kaniyang
pamamalakad. Nangangahulugan lamang ito na, dahil may guro silang kalahating hayop at
kalahating tao, kinakailangan ng isang Prinsipe na gamitin ang kalikasan ng bawat isa, sapagkat
hindi magtatagumpay kung wala ang isa."
Simula noon, nararapat na malaman ng Prinsipe kung paano gamitin ang likas na katangian ng
2
hayop, kailangan niyang piliin ang maging soro at leon; sapagkat hindi kayang ipagtanggol ng leon ang
sarili sa mga patibong, samantalang hindi kayang ipagtanggol ng soro ang sarili sa mga lobo. Kung
gayon,
3
kinakailangang maging soro upang makita ang mga patibong at maging leon upang takutin ang mga
lobo: hindi ito mauunawaan ng mga bumabatay sa ugali ng leon lamang. Ang matalinong pinuno, kung
gayon, ay hindi dapat at kailangan na magkaroon ng isang salita dahil maaari siyang baligtarin sa
pagtalima rito at kung ang dahilan ng pagbibigay niya ng pangako ay nawala na. Hindi totoo ang
kawikaan na lahat ng tao ay mabuti sapagkat ang mga tao ay ubod ng sama at hindi tumutupad
sa mga pangako, hindi mo rin kailangang tuparin ang sa iyo. Hindi nawawalan ng sapat na dahilan
ang Prinsipe upang ipaliwanag kung bakit hindi niya natupad ito. Napakaraming halimbawa ang
maibibigay upang patunayan kung gaano karaming kasunduan at pangako ang nasira dahil sa kawalan
ng isang salita ng mga Prinsipe; ang mga marunong gumamit ng katangian ng soro ang lalabas na
pinakamahusay. Subalit, kailangan niyang itagong mabuti ang tunay niyang kulay at maging mahusay
sa pagkukunwari at panlilinlang. Walang muwang ang mga tao at abala sa kanilang pangunahing
mga pangangailangan kaya laging may maloloko ang manloloko.
May isang halimbawa sa kasalukuyang panahon na hindi ko nais palampasin. Walang ibang
ginawa o inisip si Alexander VI kung hindi linlangin ang kanyang kapuwa, at lagi siyang may
nabibiktima. Walang sinuman na nagsalita nang buong husay o nangako ng mga dakila ang
tumupad dito sapagkat laging nagwawagi ang panlilinang ng kapuwa sa kanyang puso dahil
kabisado niya ang larangang ito.
Samakatuwid, hindi kailangang taglayin ng isang Prinsipe ang mga nabanggit na katangian,
bagkus ay kailangan niyang papaniwalain ang iba na taglay niya ang mga ito. Dagdag pa rito,
maglalakas-loob akong sabihin na "Ang pagkakaroon nito at pag-aasal dito ay nakasasama, subalit
ang magpanggap na inaasal ito ay nakabubuti; halimbawa, ang magkunwaring maawain, matapat, makatao,
mapagkakatiwalaan, maka-Diyos, at maging gayon subalit dahil nakaprograma na ang isip, kung
kinakailangan, alam at kaya niyang baguhin patungo sa kabaligtaran nito." Dapat maintindihan ito,
hindi makikita ng Prinsipe, lalo na yaong mga baguhan, ang mabubuting katangian ng tao,
sapagkat upang mapanatili ang estado, kinakailangan niyang kumilos laban sa kanyang
pananampalataya, sa kabutihan, sa sangkatauhan, sa relihiyon. Kung kaya kinakailangang magkaroon
siya ng isip na maaaring baguhin batay sa ihip ng hangin at hinihingi ng pagkakataon. At tulad ng
nabanggit ko sa itaas, hindi niya kailangang tumalikod sa kabutihan kung tutuusin, subalit alam
niya dapat kung paano yakapin ang kasamaan kung hinihingi ng pagkakataon.
Samakatuwid, marapat na maging maingat ang isang Prinsipe sa mga lumalabas sa kaniyang
labi na hindi ayon sa limang katangian na nabanggit sa itaas, sa mga nakakikita at nakaririnig sa
kaniya, kailangan niyang magpanggap na maawain, matapat, maaasahan, makatao, at maka-Diyos. At
walang mas mahalaga kaysa sa mapaniwala na taglay mo ang huling katangian. Nanghuhusga ang tao
batay sa kanilang mata kaysa sa kanilang mga kamay: lahat ay nakakakita, subalit iilan lamang ang
nakararamdam. Nakikita ng mga tao ang nais mong ipakita sa kanila, ilan lang ang nakakikilala sa tunay
na ikaw, at ang iilang ito ay takot na sumalungat sa opinyon ng nakararami na handang ipagtanggol ng
estado. At sa mga kilos ng tao, lalo na ng mga Prinsipe, na napakahirap salungatin, nanghuhusga
ang tao batay sa resulta. Sa ganoong kadahilanan, kilalanin ang kakayahan ng Prinsipe na
pagharian at pangalagaan ang kanyang estado, ang kaniyang mga pamamaraan ay laging ituturing na
matapat, at siya ay pupurihin ng lahat. Sapagkat ang mga karaniwang tao ay laging napapaniwala sa
mga hitsura at sa mga bunga ng mga pangyayari. At ang mundo ay puno ng mga taong may
magagaspang na ugali; ang ilan sa kanıla ay walang lugar, samantalang ang marami ay may
malulugaran. Isang Prinsipe sa kasalukuyang panahon, na mabuting hindi na dapat pangalanan, ay
4
nangangaral ng kapayapaan at pananampalataya, na kapuwa niya hindi
5
tinatalima. Kung kapuwa nya itong pinaniniwalaan, matagal nang nakuha sa kanya ang kaniyang
reputasyon o ang kaniyang estado.
Kahulugan ng Sanaysay
Lambat-wika
Mahalagang katangian ng isang pinuno ang mahusay na pangangatuwiran at pagbibigay ng
sariling pananaw upang magkaroon ng maayos na komunikasyon sa kinasasakupan.
Pangangatuwiran at Pagbibigay ng Sariling Pananaw Isa sa mahahalagang uri ng diskurso ang
pangangatuwiran. Ang lohikal na pagsasagawa nito ay dumudulog sa epektibong panghihikayat. sa
mga mambabasa o tagapakinig pabor sa isang tiyak na tindig o posisyon sa isyu. Ayon kay
Bernales (2009), ang diskursong panghihikayat ay nakatuon sa pagbibigay ng sapat at matibay na
pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat ng mambabasao tagapakinig.
Ito ay larangan ng pagpapatalas ng kaisipan tungo sa pagpapatibay ng paniniwala o
paninindigan (Cabrera, 2008). Mahalagang taglay ng nagsusulat ang kakayahan sa mahusay na
pangangatuwiran. Magagawa ito sa pamamagitan ng galing ng diwa upang humikayat ng interes
at paniniwala ng mambabasa. Mahalaga rin ang mahusay at malalim na pananaliksik bilang
paghahanda ng pagbuo ng argumentasyon.
Ang dalawang elemento ng pangangatuwiran ay proposisyon at argumento. Ayon kay Melania
Abad (2004), ang proposisyon ay mga pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. Ito
ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahadang katuwiran ng dalawang panig. Magiging
mahirapang pangangatuwiran kung hindi muna ito itatakda sapagkat hindi magkakaisa sa mga
batayan ng isyu ang dalawang panig. Narito ang mga halimbawa ng proposisyon.
A.Dapat na ipatupad ang Reproductive Health Bill para sa epektibong pag- paplano ng
pamilya.
B. Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang magtrabaho sa ibang
bansa,
C.Mas liberal: ang kababaihan ngayon kaysa noon.
6
Maliwanag na ang unang halimbawa ng proposisyon ay tungkol sa pagiging epektibo ng
pagpapatupad ng isang polisiya. Ang ikalawa ay tungkol sa paniniwala sa isang bagay at epekto nito
sa tinutukoy na penomeno at ang Ikatlo ay paghahambing kung ano ang mas mabuti o
hindi.
Ang pangalawang elemento ng pangangatuwiran ay argumento. Ito na ang paglalatag ng
mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang iyong panig. Kinakailangan ang
malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na
argumento.
HALIMBAWA:
Proposisyon: Sang-ayon ako sa pagpapatupad ng Reproductive Health
Bill. Mga Argumento:
1. Para mapaunlad ang pamilya at komunidad
2. Para mas mamaunlad ang ekonomiya
3. Para maligtas sa kapahamakan ang mga kababaihan at kabataan
4. Para maibsan ang paglaganap ng HIV/AIDS at iba pang sexually-transmitted diseases
(STDs)
I.PAMANTAYANG PANGGANAP
8
2.Biography o kuwentong-buhay ng ipinagmamalaki mong
lider Sundin ang sumusunod na mga panuntunan:
a. Tukuyin kung sino ang
pinunong nakaimpluwensiya sa
iyong buhay. Puwedeng kapamilya,
kamag- anak, kaibigan, guro, at iba
pa na personal mong nakilala.
Mangalap ng mga larawan nila.
Maaari mo rin silang kunan ng litrato
habang ginagawa ang kanilang
trabaho. Kung biograpiya naman
ang gagawin mo ay magsaliksik
tungkol sa kaniyang buhay.
b. Ayusin ang kanilang mga
litrato at pagkatapos ay gumawa ng
maikling paglalarawan na naglalaman
ng pagpapakilala at deskripsiyon sa
kanila. Ilagay rin dito kung bakit sila
naging mahalaga para sa iyo.
Kung biograpiya, isulat sa
malinaw at malikhaing paraan ang
kanilang kuwentong-buhay.
c.Pagkatapos gawin ang
iyong photo essay o ang biography,
i-print at ipasa ito.
d. Ang pamantayan ang nasa
rubric sa ibaba.
9
SAGUTANG PAPEL PARA SA FILIPINO 10
Quarter 1 Week 3
1
0
(ITO ANG ANG IPASA PABALIK SA IYONG GURO)
Baybayan: Pagtukoy ng Kahulugan. Piliin sa ikalawang hanay ang katulad o kaugnay na kahulugan ng
mga salita sa unang hanay. Isulat ang letra sa espasyo bago ang bilang.
L 1. manlinlang A sinusunod
F 2. kapuri-puri B lumaban
A 3. tinatalima C estado
C 4. reputasyon D natalo
E 5. isinasaalang-alang E konokonsidera
G 6. pagtangan F kahanga-hanga
D 7. nadaig G paghawak
B 8. sumalungat H biniyayaan
K 9. likas I mayroon
I 10. taglay J mapagbigay
K natural
L manloko
Pagpalaot:
A.Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang teksto:
1. Ayon kay Machiavelli, ano-ano ang katangian ng mahusay na pinuno?
Ayon kay Machiavelli, ang katangian ng mahusay na pinuno ay dapat may katusuhan, malupit at mapanlinlang
1
1
upang makamit ang kapangyarihan.
2.Ano ang ibig niyang sabihin sa ideyang kailangang mamuno rin nang parang hayop ang isang
pinuno?
Kailangan nitong maging mabangis o matapang sa pamumuno. Maging mapagmatyag sa
mga nakapalibot sakaniya at kailangan din nito magig matalino kagaya sa sinabi sa storya
na magkaroon ng soro at leon na katangian ang magiging pinuno
3.Bakit kailangang magpanggap na maawain, matapat, maaasahan, makatao, at maka-Diyos ang isang
pinuno?
Para siya ay pagkatiwalaan ng kanyang mga nasasakupan at alam nilang may
maitutulong ito sakanila.
B. Kung ikaw ang tatanungin, anu-ano ang katangian ng isang pinuno? Punuin ang dayagram:
PAGSUSULIT.
Sagutan ng matapat ang iyong pagsusulit. Nakakakita ang Diyos sa iyong ginagawa.
1
3