Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANANALIKSIK UKOL SA EPEKTO NG PAG INOM NG ALAK NG KABATAAN

(EDAD 13-17)

I. Rasyunal

Ilang libong taon na ang nakalilipas ng maganap ang unang himala ni Hesus sa isang
kasalan sa Kanan. Ito ay ang paglagay ng tubig sa isang bariles at biglang nagging alak. Noon pa
man ay umiinom na ang mga tao ngunit sa pagdaan ng panahon inabuso nila ito at nagging
alkoholismo. Isang sakit na nagreresulta ng paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming
nakakalasing. Itinatangi sa pamamagitang ng kawalan ng control sa pag-inom ng alak, pagiging
maligalig at pamamaluktot ng kaisipan. Ang pagkalulong sa alak ang isa sa mga suliranin sa
ating lipunan na sa ngayon ay mahirap supilin. Maraming kabataan ang natututong uminom ng
alak dahil sa hayagang pagkonsumo nito. Dahil sa pauli-ulit ng pag-inom nito, unti-unting
nasasanya ang kanilang murang katawan sa kakaibang epektong dulot nito Sa panahon natin
ngayon, karaniwan na nating Makita ang alak lalo na sa mga okasyon. Parang isa itong atomic
bomb na umusbong at mabilis ang paglaganap sa ating lipunan. Kaliwa’t kanan ang makikita
nating nag-iinuman, maaaring sa kalsada, sa loob ng bahay pati na rin sa mga cabaret.

Sa patuloy na pag unlad ng mundo, madami ang naimbentong teknolohiya kasama na dito
ang oagka imbento ng iba’t ibang uri ng alak. Patuloy sa pagyabong ng salitang “alak” sa ating
lahat. Isa sa mga hilig ngayon ng kabataan o mga menor de edad ay abg pag inom ng alak. .”
Upang makalimutan ang problema”, ang lagging bukambibig ng mga taong regular na
kumokonsumo ng alak. Ang alkoholismo ay isang salitang ngunit magkaksalungat na kahulugan.
Sa karaniwan at pangkasaysayan na paggamit, binabangit ang alkoholismo bilang kahit anong
kalagayang nagreresulta sa patuloy na pag-inom ng mga inuming alkoholiko sa kabila nga mga
problema sa kalusugan at negatibong kahihinatnan nito sa lipunan. Naging bisyo na ng mga
kabataan ang pag inom ng alak kung kaya’t din a nakapag tataka na maaaring nadadaig pa ng
ilang kabataan ang mga matatanda pagdating sa patagalan ng pag inom o patagalan malasing.

Inilalarawan ng medisina ang alkoholismo bilang isang sakit na nagresulta sa paulit-ulit


na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakakalasing sa kabila ng mga negatibong kahihinatnan
nito. Maaari ring bangitin ang alkoholismo sa pagiging maligalig sa pag-inom o pagpilit na
makainom ng alak ay maging sa kawalan ng abilidad makilala ang mga negatibong epekto ng
sobrang pag-inom ng alak. Bakit ba nahihilig ang kabataan sa pag inom? Ano ba ang magiging
epekto ng pag inom ng alak ng kabataan sa kanilang katawan at buhay? Magiging maayos ba ang
susunod na henerasyon kung magpapatuloy ang ganitong kasanayan ng ilang kabataan?

You might also like