Ang Manok at Ang Uwak

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Manok at ang Uwak

Alam ba ninyo kung bakit ang manok ay lagi nang nagkukutkot sa lupa? Alam din ba
ninyo kung bakit kapag may lumilipad na uwak sa itaas ay takut na takot ang inahing tatawagin
sa ilalim ng pakpak niya ang mga sisiw? Ganito ang pangyayari. Noong araw, magkaibigang
matalik ang manok at ang uwak. Madalas dumalaw ang uwak kay inahin at makipaglaro sa mga
sisiw nito. Isang araw, sa paglalaro nila, napansin ng manok na may magarang singsing ang ibon.
"Uy, pahiram naman ng singsing mo. Ang ganda-ganda!" sabi niya sa uwak. "Sige, iiwan ko
muna ito sa iyo. Bukas ko na lang kukunin uli," sagot ng uwak na mabilis na lumipad uli.
Naglalakad ang inahin at tuwang-tuwa na ipinakikita sa ibang hayop ang singsing niya nang
lumapit ang isang tandang. "Bakit mo suot iyang di sa iyo? Iyang uwak ay hindi manok na tulad
natin, kaya hindi ka dapat makipagkaibigan diyan. Itapon mo ang singsing!" Sa kapipilit ng
tandang, itinapon ng inahin ang singsing. Kinabukasan, napansin agad ng uwak na di niya suot
ito. "Nasaan ang singsing ko?" tanong ng ibon. "Ewan ko," takot na sagot ng manok.
"Naglalakad lang ako ay bigla na lang nawala sa mga kuko ko. Luwag kasi." Nahalata ng uwak na
nagsisinungaling ang manok dahil nanginginig ito. "Alam ko, itinapon mo siguro dahil ayaw mo
na sa akin. Hanapin mo iyon at ibigay mo uli sa akin. Hanggang hindi mo naisasauli ang singsing,
kukuha ako ng makikita kong sisiw mo at ililipad ko sa malayo." Buhat na nga noon, tuluy-tuloy
ang pagkutkot ng manok sa lupa para hanapin ang itinapong singsing. Pati ibang mga manok, sa
pakikisama sa kanya, ay naghahanap din. Kapag may lumilipad na uwak sa itaas, mahigpit ang
tawag ng inahin sa mga sisiw at tinatakluban agad ng mga pakpak dahil baka danggitin ng uwak.
Ang Nawawalang Prinsesa

Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit, walang makapagsabi kung saan siya
pumupunta. Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang
anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa
prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay, pupugutan siya ng ulo. Marami
ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi dahil sa
napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung
bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi. Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may
isang dampang tinitirhan ng isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang
matanda ng binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang tulungan nito. Ngayon naman,
ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. "Maganda pong talaga ang prinsesa kaya tulungan
po ninyong magtagumpay ako sa kanya." Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag
kanyang isinampay sa mga balikat niya ay hindi siya makikita ninuman. Binindisyunan siya ng
matanda at pinagbilinang magpakaingat bago siya nagpaalam. Nang gabi ring iyon, nasa labas
na nga siya ng silid ng prinsesa at handang magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at
tumambad sa kanyang paningin ang napakagandang binibini. May iniabot sa kanyang isang
basong inumin na noong makatalikod ang prinsesa ay kanyang itinapon sa isang masitera ng
halaman. Naluoy agad ang mga dahon ng halaman. Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi
ng tinunggang inumin. Nang maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya
ang mahikang balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan palang tagong pintuan ito na
palabas sa palasyo. Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. Di nito alam ay
kasama ang binata dahil hindi niya nakikita ito. Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe.
Sa gitna ng mga kahuyan huminto ito at bumaba ang prinsesa. Nakipag sayaw siya sa mga
gitanong nagkakaipon doon at nagsasaya. Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang
kanyang balabal at naglagay ng maskara. Nilapitan niya ang prinsesa at sila'y nagsayaw.
Nagsayaw sila nang nagsayaw hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga
suwelas ng sapatos. Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila'y
bumalik sa palasyo. "Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?"
tanong ng hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan. "Opo, Mahal na Hari!
Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabi-gabi. Ito po ang katunayan-itong halos
warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos na makasayaw siya."
Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa amang nagpakita ng
katunayan. Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata, ngunit nang
ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na kinagiliwan nang nagdaang gabi.
Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila ng prinsesa na masaya
namang yumakap sa kanya.

You might also like