Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Moncada South District
TAGURARIT ELEMENTARY SCHOOL
Moncada, Tarlac
School ID: 106555

CLASSROOM OBSERVATION #2
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN V
IKAAPAT NA MARKAHAN
PETS MAY 20, 2021 (Thursday)
A:

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamalas ang kaalaman at kasanayan upang maging matagumpay na
  entrepreneur

B. Pamantayan sa Pagganap Mapahusay ang isang produkto upang maging iba sa iab

  Naipaliliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at serbisyo


C.  Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naiisa-isa ang mga uri ng produkto at serbisyo
Isulat ang code ng bawat kasanayan EPP5IE-Oa-2
 
II. NILALAMAN Produkto at Serbisyo

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian MELCs EPPIE-Oa-2
1. Mga pahina sa gabay guro
2.Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3.Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Power point presentation. Games, flashcard, interactive quiz, quiz paper,
rewards (book marker), paper ball

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa  nakaraang aralin at/o Balik-aral: Tukuyin ang mga katangian sa loob ng kahon na dapat taglayin
pagsisimula ng aralin upang maging isang matagumpay na entrepreneur. (Interactive Quiz using
hyperlink)

Malikhain matapat maabilaad


Maagap matulungin masinop

1. Nakikita ang sarili na kaya niyang kontrolin ang kaniyang sariling kapalaran,
gumawa ng sariling desisyon, at tumayo sa sariling paa.

2. Hindi ipinagpapabukas ang anumang gawain kung kaya namang isagawa at


tapusin ngayon.

3. Bawat tao ay may kakayahang lumikha ng isang bagay na kanais-nais. Hindi


siya tumitigil sa pag-iisip ng ikabubuti o ikagaganda ng anumang gawaing
kaniyang sinimulan.
4. Ang taong nagtataglay ng ganitong katangian ay mapagkakatiwalaan at hindi
nandaraya sa mga taong kausap niya o sa mga transaksiyong ginagawa niya.
5. Ang anumang gawain ay gumagaan at madaling natatapos kung may kusang-
loob sa pagtulong ang taong kabilang sa isang gawain.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin   Laro: Paper Ball Relay


Ibigay ang mga pamantayan sa paglalaro.

TAGES “One for all, All for one.”


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Moncada South District
TAGURARIT ELEMENTARY SCHOOL
Moncada, Tarlac
School ID: 106555

Tukuyin kung ang sumusunod na mga salita ay may kinalaman sa produkto o


serbisyo.
1. pintor
2. kotse
3. mananahi
4. basket
5. electrician
6. doktor
7. guro
8. gulay
9. dentista
10. damit

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ang katanungan tungkol dito.
bagong aralin    Naghahanap ng mahusay na manggagawa ng kalamay at suman ang isang
malaking karinderya sa Brgy. Zabali. Dalawang aplikante ang nagprisinta, sina
Alma at Tina.

Hmm... puwede na
ito. Kailangang Hindi pa ito tama sa
maunahan ko sa panlasa at timpla.
paggawa iyong isang Kailangan pang
aplikante. ayusin upang
maging pulido at
may kalidad.

Tina

Alma

Tanong: Sino sa palagay mo ang natanggap sa trabaho? Bakit?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo


paglalahad ng bagong kasanayan  #1   Ang mga produkto ay karaniwang likha ng mga kamay tulad ng bag, basket o
  hinabi. Ang mga produktong likha naman ng makina ay tulad ng bolpen, kotse
  at kompiyuter. Mayroon din namang likha ng isipan tulad ng libro o nobela at
ang paggawa ng computer program.

Uri ng Produkto
1. Pangmatagalang Produkto -- Ito ay mga produktong nagtatagal nang
mahabang panahon dahil sa kalidad ng materyales na ginamit.

Halimbawa:

TAGES “One for all, All for one.”


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Moncada South District
TAGURARIT ELEMENTARY SCHOOL
Moncada, Tarlac
School ID: 106555

Sapatos alahas computer Damit

2. Di-pangmatagalang Produkto – Ito ay mga produktong pagkain at mga


bagay na saglitan lamang ang gamit/konsumo; karaniwang mura at madaling
masira.
Halimbawa:
Sabon prutas at gulay lapis at papel

Ang mga serbisyo naman ay ang paglilingkod, pagtatrabaho, o pag-aalay ng


mga gawain na may kabayaran ayon sa iba’t ibang kasanayan at
pangangailangan sa pamayanan.
Ang sari-saring serbisyo ay nahahati sa iba’t ibang sektor ayon sa uri ng
kaalaman at kasanayang ipinamamahagi sa iba. Ilan sa sektor na ito ay ang
propesyonal tulad ng guro, doktor, nars at abogado; teknikal tulad ng
electrician, computer technician, at aircraft mechanic; at may kasanayan
(skilled) tulad ng mananahi, pintor, manikurista, tubero, atbp.

Uri ng Serbisyo
1. Rental Goods Service -- Ito ay mga pasilidad o produkto na pinaparenta sa
maikli o nakalaan na oras lamang.
Halimbawa: pagpapaupa ng sasakyan, hotel room, kagamitan sa kasal

2. Owned Goods Service -- Serbisyong ibinibigay kung kinakailangan ng


pagsasaayos o pagmimentena ng produktong binili ng kustomer.
Halimbawa: pag-aayos ng sirang kompyuter, car wash, pangangalaga ng
bakuran

3. Non-goods Service -- Serbisyong ibinibigay nang personal mula sa isang


propesyonal o sinumang tagahatid ng serbisyo.
Halimbawa: medikal na serbisyo, pagbibigay ng payo, pagsangguni sa abogado
Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng produkto at serbisyong may
kalidad.
1. kapaki-pakinabang 6. mapagkakatiwalaan
2. maaasahan 7. nagbibigay saya
3. pangmatagalan 8. ligtas
4. matatag 9. maganda
5. epektibo
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad sa bawat pangungusap at MALI
paglalahad ng bagong kasanayan #2 naman kung hindi wasto. (Gumamit ng plaskard)

1. Sa propesyonal na sektor mabibilang ang mga hanapbuhay tulad ng pagiging


mananahi, sastre, karpintero, pintor at tubero.
2. Kailangan ng sapat na kaalaman at kasanayan para makapaglingkod sa sektor
na teknikal at may kasanayan.
3. Ang Owned Goods Service ay uri ng serbisyo na ibinibigay kung
kinakailangan ng pagsasaayos o pagmementena ng produktong binili ng
kustomer.
4. Ang produkto ay karaniwang likha ng mga kamay, makina at isipan.
5. Ang mga serbisyo ay ang paglilingkod, pagtatrabaho, o pag-aalay ng mga
gawain na may kabayaran ayon sa iba’t ibang kasanayan at pangangailangan sa
pamayanan.

F. Paglinang sa  Kabihasaan (Tungo sa Tukuyin kung anong uri ng serbisyo ang sumusunod. Ihanay sa Rental Goods
Formative Assesment ) Service, Owned Goods Service at Non-goods Service.

TAGES “One for all, All for one.”


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Moncada South District
TAGURARIT ELEMENTARY SCHOOL
Moncada, Tarlac
School ID: 106555

 
RENTAL GOODS OWNED GOODS NON-GOODS
SERVICE SERVICE SERVICE

1. hotel room
2. pag-aayos ng sirang sasakyan
3. pagsangguni sa abogado
4. serbisyong medikal
5. pagrenta ng mga gamit sa kasal

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw Pagmasdan ang nasa larawan. Ano ang opinyon ninyo sa mga larawan
na buhay patungkol sa kanilang serbisyo at produkto?

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang pagkakaiba ng serbisyo sa produkto?


Anu-ano ang mga uri ng produkto?
Anu-ano ang mga uri ng serbisyo?

Tukuyin kung anong salita ang hinahanap sa bawat patlang upang mabuo ang
bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Ang (1)________________ ay karaniwang likha ng kamay, makina o


isipan. Samantala, ang (2) ________________ naman ay paglilingkod,
pagtatrabaho, o pag-aalay ng mga gawain na may kabayaran ayon sa iba’t ibang
kasanayan at pangangailangan sa pamayanan. Ang (3)_______________ at (4)
___________________ ay ang dalawang uri ng produkto. Ang serbisyo naman
ay may tatlong uri: ang (5) ________________ , (6)____________________ at
(7) _________________________.

I. Pagtataya ng Aralin Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

_____1. Ito ay mga bagay na karaniwang likha ng kamay o makina, mayroon


din namang likha ng isipan.
A. entrepreneur
B. negosyo
C. produkto

TAGES “One for all, All for one.”


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Moncada South District
TAGURARIT ELEMENTARY SCHOOL
Moncada, Tarlac
School ID: 106555

D. serbisyo
_____2. Ito ay paglilingkod, pagtatrabaho, o pag-aalay ng mga gawain na may
kabayaran ayon sa iba’t ibang kasanayan at pangangailangan sa pamayanan.
A. entrepreneur
B. negosyo
C. produkto
D. serbisyo
_____3. Uri ng produktong nagtatagal nang mahabang panahon dahil sa kalidad
ng materyales na ginamit.
A. Di-pangmatagalan
B. Owned Good Service
C. Pangmatagalan
D. Rental Good Service
_____4. Mga produktong pagkain at mga bagay na saglitan lamang ang
gamit/konsumo.
A. Di-pangmatagalan
B. Owned Good Service
C. Pangmatagalan
D. Rental Good Service
_____5. Ang sumusunod ay mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng produkto at
serbisyong may kalidad maliban sa isa:
A. hindi maaasahan
B. kapaki-pakinabang
C. mapagkakatiwalaan
D. matatag
J. Karagdagang gawain para sa takdang- Sa tulong ng iyong nakatatandang kasama sa bahay, alamin kung sino sa inyong
aralin at remediation purok ang mga taong gumagawa ng produkto at nagbibigay ng serbisyo.
  Gamitin mo ang tsart sa pagsasaliksik upang itala ang kanilang produkto at
serbisyo na ginagawa/binibigay. Pumili lamang ng limang tao at gawin ito sa
isang malinis na papel.Huwag kalimutang papirmahin ang mga taong iyong
tinanong bilang patunay.

Pangalan Ibinibigay na: Pirma


Produkto Serbisyo
Mang Jose Basket
Lily pananahi
1.
2
3
4
5

TAGES “One for all, All for one.”


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Moncada South District
TAGURARIT ELEMENTARY SCHOOL
Moncada, Tarlac
School ID: 106555

Inihanda ni: Pinagtibay:

EVANGELINE N. CANSINO CARMELITA E. PAREDES


T-III ESP I

TAGES “One for all, All for one.”

You might also like