Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bumuo ng tig-isang talata na may 5 hanggang 10 pangungusap tungkol sa bawat

larawan/paksa (sumangguni sa Gawain 3, ph. 7 ng modyul 1). Tiyakin na nagtataglay ang


bawat talata ng mga paktwal na impormasyon.

SONA 2020

Maraming kinakaharap na suliranin ang Pilipinas ngayong taong 2020. Isa sa


pinakamalaking hamon na kinakaharap ng bansa ay ang pandemyang dulot ng Covid-19 na
hindi lamang nilalabanan ng Pilipinas kundi pati na rin ng buong mundo. Ginanap ang State of
the Nation Address (SONA) ng Pangulo Rodrigo Duterte noong nakaraang Hulyo 27 taong
pangkasalukuyan kung saan ay tinalakay niya ang mga iba’t ibang plataporma na nais niyang
ilatag upang makatulong sa mga kinakaharap na isyu ng bansa. “We live in a troubled time. Our
dream of prosperity for our country was suddenly snuffed by a pandemic virulent virus. No
nation was spared. Neither rich nor poor were exempt from the onslaught of this deadly
disease.” (Duterte, SONA 2020). Ang pinaka-pokus o sentro ng kanyang mungkahi ay
patungkol sa mga plano upang muling makabawi ang bansa sa pagbagsak at pati na rin ang
pagsuporta at pagpapalawak ng mga sistemang pangkalusugan sa bansa dahil sa dulot ng
pandemya (GOV PH, 2020). Sa kadahilanang dumadaan ang bansa sa malaking pagsubok na
dulot ng pandemya nararapat lamang na ito ang pagtuunan ng pansin upang mas madaling
makabangon ang buong bansa.

Handang Isip, Handa Bukas!: Handa nga ba?

Kasabay ng pandemyang kinakaharap ng bansa ay iminungkahi ng Departamento ng


Edukasyon na nararapat lamang na matuloy ang pag-aaral ng mga kabataan sa bansa. “Ang
pagbubukas ng eskwelahan ay August 24. Ito ay gagamit ng blended learning. Walang face-to-
face. At sa mga lugar na may risk assessment galing sa IATF, susundin natin ‘yong kanilang
mga patakaran…As of now, 22.9 million na ang nagpapa-enroll na nagsasabi na handa silang
pumasok by August 24 so bigyan natin ito ng suporta ang programang ito,” (Briones, 2020).
Mula sa petsang Agosto 24 ay inurong ang pagbubukas ng klase sa petsang Oktubre 5 upang
mas magkaroon ng sapat na oras ang mga estudyante na makapaghanda.Sinabi pa ni Briones
sa unang pagbubukas ng klase na, “Today, we celebrate a great victory. We declare our victory
over COVID-19, the destroyer of our lives,” Ngunit tama nga ba na nagtagumpay tayo laban sa
Covid-19 sa pamamagitan ng muling pagbubukas ng klase? May iilang mga mamamayan na
hindi sumang ayon sa pahayag na ito. “Enrollment this year is 3 million lower than last year's
27.7 million students. Majority of the unenrolled students are from private schools, while over
400,000 of them have transferred to public schools.” (Rappler, 2020) Bilang tugon sa pag-aaral
na ito, hindi masasabing tayo ay nagtagumpay na sapagkat marami pa rin ang napag-iiwanan
sa larangan ng edukasyon lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Bida Solusyon sa COntraVIDa


Sino nga ba ang pinakasikat na kontrabida ngayong taon? Ito ay ang Covid-19 na kumitil
ng napakaraming buhay at nagpahirap sa buhay ng mga tao. Mayroong inilatag na magandang
promosyon ang Department of Health (DOH) na tinawag na Labanan ang COntraVIDa; Bida
Solusyon sa Covid -19. “This is an information campaign to raise awareness in maintaining
basic health safety standards such as the wearing of face masks, constant sanitation of hands,
physical distancing, and proper use of true and accurate information.” (PIA XI/KPLCaro) Ang
kampanyang ito ay nagsisilbing tinig sa mga tao upang magkaroon ng kaalaman sa Covid-19 at
kung paano ito maiiwasan upang hindi na kumalat pa sa bansa. Ngunit ano ang
pinakamabisang solusyon upang labanan ang kontrabida? “Nasa iyong mga kamay ang
solusyon upang labanan ang COntraVIDa.” (Bida Solusyon, 2020) Ipinapakita lamang dito na
nasa tao pa rin ang pinakamabisang solusyon upang matalo ang Covid-19. Ito ay ang ang
pagkakaroon ng disiplina sa sarili at ang pagsunod sa mga batas na naglalayong mapabuti at
hindi na ikalat pa ang kontrabidang Covid-19. Simulan ang pagbabago sa sarili upang
masimulan ang magandang layuning muling mapabago at mapaganda ang sitwasyon ng bansa.

You might also like