Professional Documents
Culture Documents
Salik Sa Pagkakaroon NG Korupsiyon
Salik Sa Pagkakaroon NG Korupsiyon
Ang dinastiyang politikal ay ang pamumuno ng isang pamilya sa isang lugar o sa
isang bansa at naipapasa sa kanilang kapamilya ang katungkulan ginagampanan sa
pamahalaan. Ang sistemang ito ay matagal ng laganap sa bansang Pilipinas at iba
pang parte ng Asya. Bakit nga ba gusto ng buong pamilya ang manatili sa mundo ng
politika? Isa na siguro dito ay ang pagkakaroon ng kapangyarihan upang makontrol ang
isang pook.
Marahil, ang angkan na ito ay naghahangad na matawag na isa sila sa mga elite
ng bansa. Pwede rin na gusto nilang tratuhin ang isang lugar bilang baluarte. Ngunit
meron din mga pamilyang pinapanatili ang kanilang posisyon dahil alam nila na may
kakayahan silang pamunuhan ang sambayanan sa pamamagitan ng paglilingkod na
may kabutihan at katotohanan. At isa pang pwedeng rason ay may napatunayan na sila
sa mga tao o sa masa na kaya nilang mamuno.
Sa bansang Pilipinas, unti-unting sinasakop ng mga dominanteng pamilya ang
bawat lugar upang pagharian o pamunuhan. Ang mga prominenteng pamilya noon at
hanggang ngayon ay ang mga Binay, Ejercito-Estrada, Revilla, Duterte at Marcos.
Mayroon bang pagbabawal sa Saligang Batas laban sa mga political dynasty, o
ang paghahalal at pag-upo sa mga posisyon ng gobyerno ng magkakamag-anak?
Bagaman ginagarantiya ng Saligang Batas ang pantay-pantay na pagkakataong
tumakbo ang bawat indibidwal, nakasalalay lamang sa mga mambabatas ang
pagbibigay-depinisyon sa political dynasty, at ang pagbabawal nito sa batas.
Bagama't tahasang ipinagbabawal ng Konstitusyon ang mga political dynasties,
walang batas na naipasa para ipatupad ito, kahit na matapos ang tatlong dekada.
Sinabi ng mga kritiko na ito ay dahil maraming mambabatas mismo ang nagmula sa
mga political dynasties.
Sinasabi ng Artikulo II, Seksyon 26 ng Konstitusyon ng 1987, "Ang Estado ay
dapat maggarantiya ng pantay na pag-access sa mga pagkakataon para sa serbisyo
publiko, at ipagbawal ang mga political dynasties na maaaring itakda ng batas.”
Pagkalipas ng tatlong dekada at sa kabila ng maraming pagtatangka na
magpatibay ng naturang batas, wala pa ring nagpapagana na batas na nagbabawal sa
mga political dynasties sa bansa. Kaya, ang pagkakaroon nito ay nagpapahina sa
checks and balance sa gobyerno, nagpapahina sa kompetisyon sa sistemang
pampulitika, na nagresulta sa mas kaunting access para sa mga alternatibong lider na
maging bahagi ng political arena, at ipagpatuloy ang personality-based na pulitika sa
pamamagitan ng pag-udyok sa mga pulitiko na mamuhunan sa kanilang mga kamag-
anak.