Professional Documents
Culture Documents
Matthew Chapter 5
Matthew Chapter 5
Ayon kay Jesus, ang mga umaamin na nagkulang sila sa Diyos, naghihinagpis, at
nagpapakumbaba ay makakapasok sa kaharian ng Diyos, aaliwin ng Diyos, at
magmamana ng mundo. Ang pagpapakumbaba ay pagkilala sa kung sino tayo bago natin
nakilala ang Diyos, pananalig na gagabayan Niya ang mga buhay natin, at pananabik na
makitang masunod ang Kanyang kagustuhan. Ayon sa Santiago 4:6, ano ang ibinibigay
ng Diyos sa mga mapagpakumbaba? Ano ang ginagawa niya sa mga mapagmataas?
2. KALINISAN
6
"Mapalad ang mga taong ang hangad ay matupad ang kalooban ng Diyos, dahil
tutulungan sila ng Diyos na matupad iyon. 7Mapalad ang mga maawain, dahil kaaawaan
din sila ng Diyos, 8Mapalad ang mga taong may malinis na puso, dahil makikita nila ang
Diyos." Matthew 5: 6-8
Sinabi ni Jesus na ang mga naghahangad na matupad ang Kanyang kalooban, maawain,
at may malinis na puso ay makakatanggap ng mga dakilang gantimpala. Tutulungan sila
ng Diyos, kaaawaan Niya sila, at makikita nila Siya. Bakit kailangang maging ganap ang
kalinisan? Bakit natin kailangang maging malinis sa ating mga puso, salita, at gawa?
1
3. KAPAYAPAAN
9
"Mapalad ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan, dahil tatawagin silang mga
anak ng Diyos. 10Mapalad ang mga dumaranas ng pag-uusig dahil sa pagsunod nila sa
kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kaharian ng Diyos. 11“Mapalad kayo
kung dahil sa pagsunod ninyo sa akin ay iniinsulto kayo, inuusig at pinaparatangan ng
masama." ^MATEO 5:9-11
Pinuri ni Jesus ang mga nagtataguyod ng kapayapaan, at maging ang mga inuusig,
iniinsulto, at pinaparatangan ng masama dahil sa sila ay tagasunod Niya. Ang mga
Kristiyano ay dapat na nagtataguyod at nagmamahal sa kapayapaan kahit nakakaranas
sila ng paghihirap dahil sa kanilang pananampalataya. Ang gantimpala nito ay ang
matawag na mga anak ng Diyos, makapasok sa Kanyang Kaharian, at makatanggap ng
dakilang pagpapala sa langit. Naranasan mo na ba ang mausig dahil sa pananampalataya
mo? Natutunan mo na bang tumugon nang may kapayapaan at pagmamahal?
Application
• Kung ikaw ay tagasunod ni Cristo, paano ka tinawag na mamuhay sa ibang paraan? Kung hindi
pa, handa ka bang isuko ang buhay mo sa Kanya, maniwala sa Kanya para sa kaligtasan mo, at
mamuhay ayon sa Kanyang pamamaraan ngayon?
• Alin sa tatlong katangian ang kailangan mong paunlarin sa buhay mo? Ano ang isang bagay na
sisimulan mong gawin sa ibang paraan? Pumili ng isa sa mga “mapalad” at pagbulaybulayan ito
ngayong linggo. Hingin sa Diyos na maging buhay ang Kanyang Salita sa buhay mo
• Ano ang gagawin mo kung ikaw ay inuusig dahil tagasunod ka ni Jesus? Paano ka tutugon sa
mga tanong tungkol sa pananampalataya mo? Paano ka makakapaghanda para dito simula
ngayon?
2
Ang Impluwensiya ng Isang Kristiyano:
Asin at Ilaw
“Kayong mga tagasunod ko ang nagsisilbing asin sa mundo. Ngunit kung mag-iba ang lasa ng
13
asin, wala nang magagawa para ibalik ang lasa nito. Wala na itong pakinabang kaya itinatapon
na lang at tinatapaktapakan ng mga tao. 14Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay
makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago. 15Walang
taong nagsindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa
patungan upang magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. 16Ganoon din ang dapat ninyong
gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting
gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.” ^MATEO 5:13-16
Tinawag ni Jesus ang mga unang disipulo—mga mangingisda, maniningil ng buwis,
makabayan—upang maging mangingisda ng mga tao (Mateo 4:19). Sa mga sumunod na linggo,
pinanood nila si Jesus na nangaral, gumawa ng mga himala, at kumain kasama ng mga
makasalanan, subalit hindi pa nila ganap na alam ang tungkulin at layunin kung saan sila
tinatawag ni Cristo. At habang nagaganap ang Pangaral sa Bundok, sinabihan sila ni Jesus,
Kayong mga tagasunod ko ang nagsisilbing asin sa mundo. Kayo ang nagsisilbing ilaw sa
mundo. Ginamit Niya ang dalawang maliliit na mga elemento, na may malaking epekto kapag
ginamit ayon sa kanilang itinakdang gamit. Titignan natin ang dalawang paglalarawan ng dapat
na epekto ng impluwensiya ni Cristo sa atin at sa mundo.
3
2. TAYO ANG ILAW SA MUNDO.
14
“Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa
ibabaw ng isang burol na hindi maitago. 15. . . inilalagay ang ilaw sa patungan upang
magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. 16Ganoon din ang dapat ninyong gawin.
Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo
at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.” ^MATEO 5:14-16
Ang ilaw ay dapat na nakikita, isang bagay na maliwanag at dapat makatulong upang makakita
rin ang iba. Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na dapat pagliwanagin ninyo ang inyong
ilaw sa mga tao, dahil ang impluwensiya ni Cristo ay lumalabas sa ating mga buhay habang
ipinapakita natin ang Kanyang pag-ibig sa iba sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa o kilos
(Mga Taga-Efeso 5:8,9). Habang nakikita ng iba ang Kanyang pag-ibig, maaari silang magbigay
kaluwalhatian sa Diyos at lumapit sa Kanya. Ibahagi ang isang pagkakataon na naipakita mo ang
pag-ibig ng Diyos sa tao at nagawa mong magbahagi ng salitang nagbibigay buhay o kaya
maipangaral ang ebanghelyo sa kanya.
Application:
• Ibinigay mo na ba sa Kanya ang pananampalataya mo para sa iyong kaligtasan? Gusto mo ba
itong gawin ngayon? Kung ikaw ay tagasunod ni Cristo, paano binago ng relasyon mo sa Kanya
ang buhay mo?
• Paano mo mapalalalim ang relasyon mo sa Kanya araw-araw, at maiimpluwensiyahan ang iba
bilang asin at ilaw?
• Paano mo maipapakita ang pag-ibig ni Cristo sa mga kapamilya at kaibigan mo sa
pamamagitan ng iyong kilos? Sabihin ang tatlong bagay na gagawin mo ngayong linggo
4
Ang Kabanalan ng Isang Kristiyano:
Si Jesus at ang Kautusan
17
“Huwag ninyong isipin na naparito ako upang ipawalang-saysay ang Kautusan ni Moises at
ang isinulat ng mga propeta. Naparito ako upang tuparin ang mga ito. 18Sinasabi ko sa inyo ang
totoo, hanggaʼt may langit at may lupa, kahit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay hindi
mawawalan ng kabuluhan hanggaʼt hindi natutupad ang lahat. 19Kaya ang sinumang lumabag
sa pinakamaliit na bahagi ng Kautusan, at magturo sa iba na lumabag din ay ituturing na
pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang sinumang sumusunod sa Kautusan, at
nagtuturo sa iba na sumunod din ay ituturing na dakila sa kaharian ng Diyos. 20Kaya tandaan
ninyo: kung hindi ninyo mahihigitan ang pagsunod ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga
Pariseo sa kalooban ng Diyos, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Diyos.” ^
MATEO 5:17-20
Sa Kanyang Pangaral sa Bundok, sinabi ni Jesus na Siya lamang ang makakatupad sa hinihingi ng
Kautusan sa atin, at dahil dito, Siya lamang ang daan patungo sa Diyos. Kahit gaano pa karami ang gawin
nating kabutihan, hindi natin maaabot ang pamantayan ng Diyos pagdating sa kabanalan. Si Jesus lamang
ang tanging makakatupad nito. Sa araling ito, titignan natin ang dalawang mahahalagang katotohanan
tungkol sa kaligtasan ayon sa Bibliya
5
krus, ipinagkaloob Niya sa atin ang Kanyang kabanalan. Kung tayo ay maniniwala kay
Jesu-Cristo at sa ginawa Niya para sa atin, binibigyan tayo ng Banal na Espiritu ng
kakayahan na mamuhay nang may kabanalan araw-araw. Paano ka nabigyan ng
kakayahan na mamuhay nang may kalayaan at kabanalan dahil sa pagkakaroon mo ng
pananampalataya kay Jesus?
Application
• Tinanggap mo na ba si Jesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas? Gusto mo bang gawin
ang desisyon na ito ngayon? Simula ngayon, mangakong susunod at magtitiwala sa Kanya
habambuhay.
• Naniniwala ka ba na ikaw ay banal kay Cristo? Mayroon ka bang mga paniniwala o kaisipan na
kailangang pagtagumpayan upang mataggap mo ang katotohanang ito? Paano mo magagawang
magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa kabanalan ni Cristo, at sa ginawa Niya para sa
iyo?
• Ngayong alam mo na na si Jesus ang iyong kabanalan, paano mo maisasapamuhay ang
katotohanang ito araw-araw?
6
Sa Pagpatay at Galit
21
Sinabi pa ni Jesus, “Narinig ninyo na sinabi noong una sa ating mga ninuno, ‘Huwag kayong
papatay, dahil ang sinumang pumatay ay parurusahan.’ 22Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang
may galit sa kanyang kapatid ay parurusahan din. . . .” ^MATEO 5:21,22
(Basahin din ang ^MATEO 5:23-26.)
7
3. ANG MGA NASIRA NATING RELASYON AY MAAARING MAISA-AYOS.
At ito nga ang aming ibinabalita: Pinapanumbalik ng Diyos ang mga tao sa kanya sa
pamamagitan ni Cristo, at hindi na ibinibilang na laban sa kanila ang kanilang mga
kasalanan. At kami ang kanyang pinagkatiwalaan na magpahayag ng mensaheng ito. ^
2 CORINTO 5:19
(Basahin din ang ^2 CORINTO 5:20.)
Ang natatanging tugon sa pag-ibig at kapatawaran ng Diyos ay ang pakikipagkasundo sa
sinumang nagkasala sa atin. Gaya ng pagpapanumbalik ng Diyos sa relasyon natin sa
ating Ama sa langit, binigyan Niya tayo ng kakayahan na magpatawad, at mapalampas
ang mga pagkakasala sa atin. Subalit dapat tayong tumugon nang may pananampalataya.
Ayon sa Kawikaan 10:12, ano ang pinakamagandang paraan upang hindi pansinin ang
mga pagkakasala laban sa atin?
Application
• Paano mo mababantayan ang puso mo laban sa galit? Ngayong linggo, maghanap ka at
magnilay-nilay ng mga Kasulatan tungkol sa galit at sa epekto nito sa ating mga relasyon.
• Paano mo magagawang maging ministro ng pakikipagkasundo sa iba? Paano mo maibabahagi
sa ibang tao ngayong linggo kung ano ang ginawa ng Diyos para sa iyo?
• Mayroon ka bang kapamilya o kaibigan na kailangang patawarin? Tukuyin ang isang hakbang
na maaari mong gawin upang simulang makipagkasundo ngayong linggo. Ipanalangin na maging
maayos ang relasyon na ito
8
Sa Pangangalunya at Masidhing Pagnanasa
“Narinig ninyo na sinabi noong una, ‘Huwag kang mangangalunya. 28Ngunit sinasabi ko sa
27
inyo na ang tumingin lang sa isang babae nang may masamang pagnanasa ay nagkasala na ng
pangangalunya sa kanyang isip.” ^MATEO 5:27,28
(Basahin din ang ^MATEO 5:29-32.)
9
2. ANG RADIKAL NA TUGON
29
“Kaya kung ang kanang mata mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at
itapon! Mas mabuti pang mawalan ka ng isang parte ng iyong katawan kaysa sa buo ang
katawan mo pero itatapon ka naman sa impyerno.” ^MATEO 5:29
(Basahin din ang ^MATEO 5:30.)
Hindi literal ang sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na putulin ang bahagi ng
kanilang katawan nang hindi sila magkasala. Sa halip, idinidiin Niya ang kahalagahan ng
paggawa ng mahigpit na mga hakbang upang mapanatili ang kalinisan ng isang tao at
manatiling tapat sa asawa. Ang tugon natin sa pamantayan ni Jesus ay pag-unawa na ang
mga alituntuning ito ay tungkol sa usapin ng ating puso. Habang lumalawak ang
pagkaunawa natin sa bago Niyang pamantayan, nais ni Jesus na gumawa tayo ng mga
hakbang upang malayo sa kasalanan. Paano tayo makakatanggi sa kasalanan, maging sa
mga panahong ito? (Tito 2:11,12)
APPLICATION
• Basahin ang Mga Salmo 51:10. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng busilak na puso?
Tukuyin ang isang hakbang na maaari mong gawin upang mamumuhay nang may busilak na
puso simula ngayon.
• Nakikita ba sa buhay mo ang pamantayan ng Diyos sa pagka-busilak? Paano ka lalago sa
relasyon mo kay Jesus, at paano mo maisasagawa ang mga sinabi Niya araw-araw?
• May mga bahagi ba ng buhay mo na mahina laban sa pagnanasa? Naniniwala ka bang
mapagtatagumpayan mo ito sa pamamagitan ng pananampalataya, at handa ka bang humingi ng
tulong mula sa isang tunay na kaibigan
10
Pagsasabi ng Totoo
33
“Narinig din ninyo na sinabi noong una sa ating mga ninuno, ‘Kapag ang tao ay nangako at
nanumpa pa sa pangalan ng Panginoon, kailangang tuparin niya ito.’ 34Ngunit sinasabi ko sa
inyo na kung mangangako kayo, huwag kayong susumpa. . . .
37
Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo, at ‘Hindi’ kung hindi; dahil kung manunumpa pa kayo,
galing na iyan sa diyablo.” ^MATEO 5:33,34,37
1. MAGSALITA NG TAPAT.
33
“Narinig din ninyo na sinabi noong una sa ating mga ninuno, ‘Kapag ang tao ay
nangako at nanumpa pa sa pangalan ng Panginoon, kailangang tuparin niya ito.’
34
Ngunit sinasabi ko sa inyo na kung mangangako kayo, huwag kayong susumpa. . . .”
^MATEO 5:33,34
Sa ating lipunan, kailangan nating “manumpa” o magbigay ng malinaw na
pangako na totoo ang sinasabi natin, upang tayo ay seryosohin. Subalit, sinabi ni Jesus na
kapag ang Kanyang mga disipulo ay nagsasalita, ang panunumpa ay hindi kailangan. Ang
sinasabi natin ay dapat na katotohanan lamang at ang mga sinasabi natin ay dapat na
mapagkakatiwalaan. Dahil dito, mapapansin ng iba na lagi tayong nagsasabi ng totoo.
Ayon sa Mga Taga-Filipos 4:8, ano ang dapat nating isaisip? Sa palagay mo, bakit ang
katotohanan ang unang sinabi ni Apostol Pablo?
2. TUPARIN ANG ATING SALITA.
“Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo, at ‘Hindi’ kung hindi; dahil kung manunumpa pa
kayo, galing na iyan sa diyablo.” ^MATEO 5:37
Dahil tapat tayo sa ating mga salita, dapat ito makita sa ating mga gawa. Wala
dapat ikatakot sa pagbibigay ng pangako. Hindi rin ito dapat maging dahilan ng paggawa
ng bagay na maaaring mali. Sa halip, dapat itong makatulong sa atin upang maging
maingat sa mga salitang binibitiwan natin, at mas lalo pang umasa sa kakayahan ng
11
Diyos na tulungan tayong tuparin ang mga pangako natin. Ano ang ibig sabihin ng
pagpigil sa ating dila (Mga Kawikaan 10:19)?
3. PARANGALAN ANG DIYOS.
Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang
aking bato na kanlungan at Tagapagligtas! ^SALMO 19:14
Sinabi ni David na ang mga alituntunin at utos ng Diyos ay walang kamalian,
mapagkakatiwalaan, tama, malinaw, at nagpapadalisay ng puso (Salmo 19:7-9). Sa huli,
sinabi Niya na, Sanaʼy maging kalugod-lugod sa Inyo Panginoon ang aking iniisip at
sinasabi. Kung pinag-iisipan at pinagninilay-nilayan natin ang Kanyang Salita at
namumuhay tayo nang may integridad, pinararangalan natin Siya. Ibahagi ang isang
panahon na pinarangalan mo ang Diyos sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanan at
pagtupad sa iyong binitawang salita, kahit na nakaka-ilang o mahirap itong gawin.
Application
• Matapat ka ba sa pakikipag-usap mo sa iba? Ano ang isang bagay na maaari mong gawin
simula ngayon upang mas maging matapat sa pananalita mo?
• Kung ikaw ay gumagawa ng isang pangako o kaya ay kasunduan, maingat ka ba sa pagtupad
nito? Paano mo maiaayon ang sarili mo sa pamantayan ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad
ng iyong mga ipinangako ngayong linggo?
• Paano ka lalago sa pagka-unawa mo sa kahalagahan ng pamumuhay nang matapat sa Diyos at
sa mga nais mong bahaginan ng ebanghelyo? Ano ang isang bagay na gagawin mo upang
lumago ngayong linggo
12
13